SUNGKIT
Pinilit kong sinungkit
Ang mga tala sa langit
Pinilit kong iukit
Ang nag-aapoy na sakit.
Mga balirala kong sinambit,
Ay napuno ng hagupit
Kalunos-lunos ang sinapit
Matapos ipanalangin ang pait
Sa muling pagguhit
Ang ililikha'y mga awit
Nang mabawasan ang pasakit
Sa tadhanang masungit.
miss_reminisce