Sly Academy

بواسطة Christelle1408

222 52 1

What if one day you'll find out that you're from another world? another society? How'll Winslayt deal with th... المزيد

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Charter 3
Chapter 5
Chapter 6

Chapter 4

27 5 0
بواسطة Christelle1408

Chapter 4

"paanon-"

"bake-"

pareho kaming napatigil ng sabay kaming nag salita, nandito kami ngayun ni Alyce sa sofa, at parehong hindi makatulog dahil sa maraming katanungan.

"fine. ikaw na'ang mauna"

"So paano mo nga napahaba ang kuku mo kanina?"

"yan nanaman" she rolled her eyes
"i told you, I'm a werewolf"

"Hindi ako nakikipag biruan." may diin kong tugon

"hindi rin ako nagbibiro." ani nya

napailing nalang ako sa sarili, hindi pa rin nag pa-process sa utak ko ang kaisipang isa nga syang werewolf, "baket ba ang hirap paniwalaan na isa akong werewolf sayo, hindi naman yun big deal" saad nya, what? hindi big deal?

"Okay so ako naman" ani nya

"Baket nandito ka sa Sly Academy?" she asked

"Kase pina transfer ako" mabilis kong sagot "urggg, i mean baket parang wala ka man lang alam kung ano kami dito" saad nya, kaya napa upo naman ako ng maayos "baket ano ba kayo?" curious kong tanong "really?" napataas ang kilay nya.

"Kaya nga Sly Academy ang school nato e" napa isip naman ako "we're not normal people" ani nya

"We have abilities, skill, we're strengthen than other people, we have charm, and we're different." diretsong tingin nya saken, kaya napatanga nalang ako sakanya, hindi ko alam kung pinag luluko nya lang ba ako o ano, pero base sa mga nasaksihan ko parang gusto kong maniwala, kong normal silang tao paano nangyari yung humaba ng kusa ang mga kuku nya kanina, at talagang kakaiba ang lakas nya, tsaka hindi naman nya seguro ako pinagluluko, we're not kids anymore to made a joke like this.

Napaisip naman "Sly Academy" baket nga ba hindi ko yun naisip una pala Sly means crafty, cunning, tricky, and wily to be exact it's dangerous, it's mysterious.

"hindi mo alam kung ano kami dito?" hindi maka paniwalang tanong nya, kaya kusa nalang akong napatango.

"Kung ganun you don't have charm?" Huh? ano namang charm? baket may ganun, napa iling nalang rin ako bilang tugon dahil wala naman talaga ako nun.

"Kung ganun baket ka nandito?" muli nyang tanong

"hindi ko nga rin alam, basta bigla nalang akong pina transfer ni dad dito"

"Wala man lang ba syang sinabi sayo, bago ka nag transfer dito?" Mabilis naman akong tumango bilang tugon.

Inabot pa kami ng 3am bago natulog nag usap lang kami tungkol sa school natu at kung ano ang mga kayang gawin ng mga tao dito

Nanggaling pala sya sa lahing werewolves, parehong werewolves ang parents nya dahil isa iyon sa tradition nila, ipinapakasal sila sa kalahi lang rin nila, baga kung sa mundo ko kapag mayaman ka ay dapat sa mga mayayamang pamilya kalang rin e kakasal.

At bago pa kami abutin ng umaga ay napag desisyonan na naming matulog dahil maaga pa naman ang klase namin bukas, sabi nya bukas nalang daw nya sasabihin ang ibang bagay saken.

------

Day 2

Pangalawang araw ko na dito at ngayon ang unang pasok ko sa skwela, nasa harap ako ngayon ng salamin habang nag aayus sa sarili, naka uniform ako ngayon, color black ang necktie, skirt at ang coat ng uniform ko tas white na may pagka cream naman ang blouse ko, medyo uncomfty nga saken ang uniform nato dahil masyadong fit yung blouse kaya klarongklaro ang hubog ng katawan ko tapos yung skirt ay hanggang legs lang.

I breathed, hindi pa rin ako maka paniwala sa mga nangyayari parang kailan lang nakikipag tawanan lang ako sa mga kaklase ko sa school,magpa practice ng swimming, tapos ngayon bigla nalang nadito ako, sa school na hindi ko alam kong part pa ba talaga ng pilipinas, sa school na hindi pangkaraniwan lang ang mga tao, sa school na may mga charm ang mga student, e ako? baket nga ba ako nandito, i feel like I'm not belong in here, wala naman akong charm na kagaya nila, hindi rin nila ako kasing lakas, normal lang akong tao pero baket kasama nila ako.

"okay kana?" napalingon ako sa likod at tumango kay Alyce "let's go!"

Nasa labas kami ngayun ni Alyce habang naglalakad lakad, sabi nya saken ipapasyal nya daw muna ako para naman ma familiar ko na ang mga lugar dito pumayag na din ako dahil kailangan ko din para naman hindi ako maligaw dahil hindi sa lahat ng oras ay kasama ko si Alyce, syempre may sariling buhay pa rin sya.

Nasa gilid kami ngayon ng mga garden kung saan may iilang mga students ang nakaupo sa grass.

"Sila naman ay mga sirene, wag na wag kang magpapa dala sa tinig nila, balita ko noon isa sa mga kalahi nila pinatalsik sa Sly Academy dahil kinantahan nya ang isang student dito kaya ayun na manipulate nya, tapos yung student hindi na naka recover at naging sunod sunodan na sakanya, gumawa naman sila nga paraan kaso masyadong malakas ang charm ng mga sirene, they can manipulate you once na gamitan ka nila ng pamatayang kanta, kaya wag kang basta basta mag tiwala sakanila." napatingin naman ako sa itinuro ni Alyce na grupo may mga babae at lalaki nasa gilid sila ng fountain at isinasasaw ang kamay sa tubig habang nagkwekwentuhan at nag tatawanan, napangiwi nalang ako ng makitang ang iba sa kanila ay mayrong kaliskis.

Nagpatuloy kami sa pag lalakad tsaka may tinuro namang grupo si Alyce na nasa bench habang nagkakantahan at tumatahul.

"Sila! Ang mga kalahi ko they're all werewolves lahat ng nasa grupong yan mga wolves, pwede ka namang mag tiwala samin kase mababait kami at hindi kami traitor sa taong pinapahalagahan namin, tsaka yung nakita mong paghaba ng kuku ko isa yun sa kaya naming gawin" ngiti ni Alyce pero napalitan rin ng lungkot ang mata nya "kaso...yun palang ang kaya kong gawin, hindi ko alam seguro hindi pa dumadating ang tamang panahon para saken, masyado lang atat ang family ko. haha but anyways hindi naman din lahat na sila dyan e kaya ng mag transform... gaya ko." pinilit ni Alyce na ngumiti gusto ko sana syang tanungin kung anong problema kaso mabilis syang tumalikod saken, at may tinuro na namang dalawang lalaking naglalakad sa hallway habang nag uusap.

"ang charm naman ng dalawang yan ay telekinesis, ang ganda ng charm nila minsan tuloy na iingit ako, hindi ko alam kung nasaan yung mga kasamahan nila hindi kasi sila madalas nag titipon tipon, ewan ko ba may pagka weirdo din sila" napailing iling nyang sabi

"sila naman" turo nito sa grupong mga nagpipinta "drawing ang kaya nila, actually hindi lang basta drawing kaya rin nilang bigyan ng buhay ang mga dinodrawing nila except sa tao, pero sabi nila ang iba sakanila pina-practice pa lang din daw ang charm nila, yung iba katulad lang rin saken...hindi pa dumadating ang tamang panahon saamin" napatingin naman ako sa grupong yun madalas sakanila ay kalalakihan mga nasa eight lang ang babaeng nandoon samantalang may isang matanda naman na bilugan ang tiyan ang waring nagtuturo sakanila nasa tingin koy guro "ahh" saad ko

"halika! look! sila ang mga isa sa may malalakas na charm sa S.A fire ang kaya nila gawin kaso nga lang masyado silang hot-headed sa mga tao kainis ang gagwapo pa naman sana masyado lang mga suplado't suplada pero wag ka ring basta basta mag tiwala sakanila, they were like a flame that can burn you and they're good at tempting."

"shucks! ang gwapo nya talaga!" ngumingiting saad ni Alyce namay pa kagat kagat pa ng kuku, napatingin naman ako sa direksyon na tinitingnan nya kaso marami namang tao dun, "sino?" tanong ko, lumingon naman to saken "wala, wag mo ng itanong baka agawin mo pa saken" saad nya napa iling nalang ako.

Ng maka pasok na kami sa first floor ay hindi pa rin sya tapos sa pag sasabi ng mga kanya kanyang charm sa mga students dito, mabagal lang ang paglalakad namin pupunta na kami ngayon sa classroom daw naming dalawa nag request din kasi si dad kahapon na kung pwede ay sa section nalang nila ako papasok para naman may kasama ako.

"So anong plano mo? hindi mo ba tatanungin ang daddy mo kung baket ka nandito?" bigla syang napatanong, napa buntong hininga naman ako bago sumagot

"hindi ko pa alam, sabi nya next month pa sya dadalaw hindi naman daw kase pwedeng pupunta nalang sya dito pa bigla bigla isa pa may appointment na sila ng head mistress." napatingin nalang ako sa sapatos ko.

"Oo nga naman isa yan sa rules dito, kahit nga yung family ko e, miss ko na rin sila." Pareho nalang kaming napa buntong hininga

"nga pala tungkol sa charm, pano kapag tinanong nila kung ano ang charm ko?" I asked

"Hindi ko din alam e, seguro wag mo muna sabihin"

"Baket naman?"

"baka kase may rason talaga ang dad mo kaya ka nandito, hintayin mo munang mag usap kayo" napatango naman ako sa sinabi nito may point naman sya.

"Isa pa may mga bully pa rin dito, baka kapag nalaman nilang wala kang charm ay mapagtripan kapa" napa awang naman ang bibig ko sa sinabi nito, lagot ako kapag napagtripan ako wala pa naman akong charm kagaya nila talagang gagawin lang nila ako suman.

"kaya hanggat maaari iwasan mo ang tanong nayan o di kaya'y wag mo nalang sagutin" nag nod nalang ako sa sinabi nya

Nasa fifth floor pala ang classroom namin, tumigil kami sa tapat ng pintuan, may kina usap si Alyce na babae na nasa tantya ko 30+ palang tapos pumasok nasya ng classroom tsaka umupo sa likod, pumasok naman ako ng pinto at sumunod sakanya, pagpasok ko palang ng pinto ay napatingin na lahat ng students saken, napatigil naman ako ng mag salita yung babae.

"Wait Ms.Bracken" napalingon naman ako sa nag salita at walang emosyon tumingin sakanya, grabi di palang ako nagsisimulang mag aral dito ay talagang instant famous na ako, wao!

Napa lingon naman ako kay Alyce at nagtatanong ang mata kong sino ba tung babaeng tumawag saken, tiningnan nya naman ako sa mata na parang "lumapit-kana-lang-look" kaya wala akong nagawa kundi lumapit.

Hinawakan ako sa balikat nung babae kaya napa atras ako feeling close masyado, sheemayy point of view na kami ng mga students dito sa room.

"Goodmorning Class she will be your new classmate" saad nung babaeng teacher pala

Napatingin naman sila saken, gagstok naiilang ako pero hindi ko nalang pinahalata as if wala akong paki.

"Miss Bracken would you introduce your self?" nakangiting nyang saad.

I sigh

"Hey I'm Winslayt Bracken" bored kong sabi, kase naman maypa introduce introduce pa parang elem, tss.

Parang tanga naman silang nakatingin lang saken na para bang nag hihintay ng susunod kong sasabihin.

"Miss Bracken wala kana bang ibang sasabihin" ishh! ano pa ba? Ang age ko, saan ako nakatira, tao o alien kailan ako pinangak at saan o paano ako ginawa, tss patawa lang e.

"nahh that's all, thanks." saad ko maikling nag bow.

"ahh"

"yeah she's pretty"

"she looks cool"

"Bracken. familiar."

kanya kanyang comment ng mga magiging kaklase ko, hindi ko nalang binigyang pansin pa ang iba, pina upo ako nung teacher na sya palang si Mrs. Kim na nakwento ni Alyce kahapon.

Nasa front seat ako dahil Bracken ang lastname ko napatingin naman ako sa katabi kong upuan na empty, dun lang walang naka upo, first subject namin si Mrs. Kim at math pala ang subject nya, bored lang akong nakikinig sakanya, iba din pala dito kung sa dati kung school ay inuulit ulit pa ang discussion para makuha ang formula dito hindi, isang discuss lang hindi na uulitin kaya medj nag aadjust pa ako pansin ko ring mas mahirap ang math nila kesa sa dati kung school napansin kung lection na nila kuya ang mga tinuro nya, mas advance pala sila.

Natapos ang oras ni Mrs. Kim kaya umalis na sya buti nalang hindi nya kami pinag solve dahil masyadong lutang ang utak ko at hindi ko pa naprocess lahat ng tinuro nya.

Napatingin naman ako kay Alyce nasa likod kase sya dahil Roacker ang lastname nya, na bored tuloy ako wala man lang akong kausap dito, kinakausap naman ako ng isa kong katabi kaso puro tango lang ang sagot ko, hindi kasi ako comfortable sakanya para kasing ang plastic nya.

Maya-maya pa'y may bagong teacher na ang pumasok samin, mataba na pandak kulubot ang buhok at may suot na salamin i think nasa 40's na sya, sya naman si Mrs.katty

"Avril" nag simula na itong mag attendance napatingin naman ako kung sino ang avril, ito pala yung nasa pinaka gilid front seat rin "I'm here!"

"Azelia" babae yung azelia maganda rin sya at nasa front seat din "I'm here maam!"

"Bellerophon" walang sumagot kaya napatingin si Mrs.katty sa katabi kong upuan, "wala na naman sya" saad ni Mrs.katty

Bellerophon pala ang last name ng nakaupo dun, napatingin naman ako kay Alyce sa likod nagtaka naman ako dahil nakatingin din sya saken ng diretso at yung mukha nya gaya ng expression nya kagabi aligaga na para bang nag aalala, "Bracken" napatingin naman ako kay Mrs.Katty ng ako na pala ang tinawag nya "pre-- Im here" sabi ko sabay taas ng kamay sa ere.

Nagpatuloy naman si Mrs.Katty sa pag a-attendance, "Roacker"

"I'm here!" napakalakas talaga ng tinig ni Alyce.

"Rov-" hindi natuloy ni Mrs.katty ang sasabihin ng may marinig kaming yapak ng sapatos ang tumigil sa pintuan ng classroom, hindi ko alam pero parang napaka bigat ng presesnsya ng bagong dating dahil bigla nalang natahimik ang lahat na para bang may anghel na dumaan, nakita ko namang napalunok si Mrs.katty at ang ibang students ay namutla maging si Alyce.

Napatingin ako sa taong nasa pintuan, nanlaki ang mata ko na ito pala yung lalakeng nakita ko kagabi sa Gaven yung nakatama sa Center Ring ng Dart Board at yung naglagay ng sombrero nya sa tapat ko nung kumakanta ako.

lahat ng mata ay sumunod sakanya, rinig na rinig ang bigat ng bawat hakbang ng sapatos nito, napakurap pa ako ng sa tabi ko sya umupo, ibig sabihin sya pala yung Bellerophon, napa iwas ako ng tingin ng lumingon ito saken ng diretso, napalunok naman ako at tumingin nalang sa blackboard kahit wala namang meron doon, nakaramdam tuloy ako ng ilang dahil ramdam ko pa din ang pag titig nito saken.

"G-Goodmorning Mr.Bellerophon I thought you will be a-absent today" nauutal na bati ni Mrs.katty, teka bat sya na-utal? crush nya ba ang Bellerophon nato, well gwapo nga naman talaga sya, pointed noise, kissable lips tapos sobrang red pa hindi ko alam kung gumamit ba sya ng liptint or normal lang yun sakanya, may magandang jawline, madilim na namumungay at emotionless na mata, meztizo, kaya seguro pati si Mrs.katty na sindak sakanya.

Lumipas ang ilang minuto, kung sa dati kong school Araling Panlipunan pala tung tinuturo ni Mrs.katty samin pero dito ang tawag nga lang sa subject nato ay Kasaysayan, bored lang akong nakinig dahil wala rin naman akong maintindihan, nag le-lection sya sa mga hero dito noon ang kaibahan nga lang sa mundo ko sakanila doon ay sina Dr.Jose Rizal,Heneral Luna,Goyo,Lapu-lapu,etc.
Ang mga na sa Kasaysayan.

e dito hindi ko maintidihan ang hihirap e pronounce ang pangalan, hyss wala tuloy talaga akong maintindihan, napa hikab naman ako inaantuk tuloy ako sa napaka boring na subject nato tapos puyat pa ako kagabi 3am na kasi kaming natulog ni Alyce kagabi.

Binuksan ko ang librong nasa mesa at nag kunwaring binasa iyon, matutulog muna ako kahit five minutes lang nahuhulog na talaga ang mata ko wala naman akong nakikilala sa mga pinag sasabi ni Mrs.katty e.

"Miss.Bracken who is Drake Burbage?" Automatic akong napamulat ng marinig ko ang tanong ni Mrs.katty napa hawak pa ako sa bibig ko sheemayy may tumulo pang laway.

"Baket ka natutulog sa oras ko?" Teka yan ba yung tanong nya parang narinig ko kanina Drake Garbage, hala! patay nakita nya akong natulog! maam naman e five minutes lang puyat ako kagabi.

"Sino si Drake Burbage?" Burbage pala kalako basurahan, ano ba talaga ang tanong nya, gagstok lahat tuloy ng mata na saken na, napa kamot nalang ako ng batuk ng sinenyasan nya akong tumayo kaya wala akong nagawa kundi sundin sya.

"A-ahh ano p-po k-kase Mrs.katty p-puyat po a-ako kagabi..." nakayukong saad ko, napasilip naman ako sa mukha ni Mrs.katty at kumunot ang noo nya kaya lumingon ako sa likod kay Alyce pati sya ay parang nainis din sa sagot ko maging ang iba kong kaklase parang naguluhan.

"I'm asking you who is Drake Burbage?" matic akong napatingin kay Mrs.katty, ayy ito pala talaga ang totoong tanong nya kalako kung baket nakatulog ako sa oras nya, gsgi nagmukha tuloy akong lutang.

Napakagat ako ng labi hindi ko kilala ang Drake Burbage na yan, nagsisi tuloy akong natulog kanina wala man lang pumasok sa utak ko.

"s-si Drake Garbage-- I mean Burbage p-po ay isang sirene." Sirene! tama Sirene! or maybe basta narinig ko lang kanina they're good at seducing, kaya naalala ko yung sinabi saken ni Alyce kanina na once kantahan ka ng mga sirene kaya ka rin ni ma-manipulate, pero ang layo nun, ewan. basta na malapit na rin naman maubos ang oras ni Mrs.katty e.

Nakita kong napatampal ito sa noo "what?" nakagat nalang talaga ako ng labi, sabi na nga ba e mali.

"You're not listening on me" saad nya, may biglang tumunong bell, nice! sign na ata yun ng pagkatapos ng oras nya! mukhang tama naman ako kasi bumalik sya sa desk nya at kinuha ang gamit nya kaya umupo na rin ako lumakad sya papunta ng pintuan pero tumigil rin at lumingon saken, "Ms.Bracken pumunta ka ng library at pag aralan kung sino si Drake Burbage." saad nya bago lumabas kaya tumango nalang ako.

Nagsi tayuan naman na ang mga classmate ko kaya tumayo na rin ako, lunch break na seguro ngayun, tumayo din yung Bellerophon at ihinatid sya ng mga mata namin palabas ng pinto, nagtaka ako ng nag ingay lang sila pagka alis ng lalake.

"i thought absent na naman sya"

"nanlamig talaga ako kanina."

"ako nga rin e kinabahan"

"sana hindi nalang sya pumasok"

"shh baka marinig ka nya"

"Oo nga lagot ka talaga, dikami sali dyan"

Narinig kong mga usap usapn nila, mas lalo tuloy akong nagtaka yung Bellerophon ba yung pinag uusapan nila? baket parang takot na takot sila sakanya, bully kaya yun dito? pero parang hindi naman parang wala nga syang kaibigan e i mean parang hindi naman sya nakikipag usap kahit kanino dito, pero baket parang kinakabahan ang mga tao kapag dumadating sya tulad nalang nung matandang nagbigay ng cotton candy kagabi.

Napatingin ako ng may humawak ng braso ko, si Alyce pala.

"Punta na tayong Cafeteria!" Nakangiting saad nya at nag patianod nalang ako sakanya habang naglalakad kami.

Napanganga pa ako ng makita ang cafeteria, ang laki! grabi sobrang laki talaga! may apat na floor tapos yung lapad! sa lapad nito ay ikakaapat yung cafeteria namin sa school ko noon kahit na malaki na din yun.

Pumasok kami ni Alyce sa loob at humanap ng mesa, "anong gusto mong kainin?" tanong nya saken "may menu ba dito?" tanong ko

"Ofcourse" ibinigay ni Alyce saken yung menu, kinuha ko naman iyon.

"Grilled white fish with herbs, Tofu steak, Duck sauteed with orange sauce...hmm" basa ko sa menu.

"Uhh itong Beef Werinton nalang"

"Iyan sayo, sige." ani Alyce.

"Umm, Waiter!" pag tawag ni Alyce sa waiter, agad naman itong lumapit samin.

"Yes ma'am what is your order?"

"umm... one plate of Beef Werinton and one plate of Rossini Steak and two glass of Cola"

Agad namang umalis ang waiter at maya maya rin ay bumalik na ito dala ang order namin, medyo may kamahalan ang pagkain dito pero hindi na rin naman na kami magbabayad pa ng cash dahil kasali nato sa tuition namin.

Tahimik lang kaming kumakain ni Alyce ng bigla itong mag salita "hmm can i ask" ngumunguya nya pang saad.

Napatingin naman ako sakanya at pinahidan ng tissue ang bibig ko bago sumagot.

"You're asking already." Ani ko

"that's not the question, i mean baket ikaw lang ang pinag aral ng dad mo dito" saad nya at uminom ng cola

"I don't know" mabilis kong sagot

"uhmm..." napatingin naman ako sakanya, parang may gusto pasyang sabihin.

"spill it." tugon ko dahil alam kong may gusto pasyang itanong

"A-ano k-kase I mean diba, b-baket ikaw lang b-baket di nalang rin dito mag aral ang kuya m-mo" sabi nya at mabilis na nag iwas ng tingin kunwaring tumitingin sa kabilang mesa at uminom uli ng cola.

Napakunot naman ang noo ko ng may mabuong idea saking isipan, bat nya natanong? bat sya na utal? at bat sya namula?

"ohh i smell someth--" she cut me off

"That's not what you think." agad nyang depensa.

"Wait why you're being so defensive?" doon nya lang parang namalayan na masyado nga syang defensive.

"W-Wala baka mag green pa yang utak mo, tsaka n-nevermind kumain ka nalang nga dyan ang daldal e" wao ako pa ang madaldal e sya ang unang nagsalita.

"You have crush on my brothe--" she cut me off again.

"shut up! wala kaya." namumula nyang saad, I chuckled.

"okay. hmm how about that guy" turo ko sa lalaking papalapit sa table namin, nanlaki naman ang mata nya ng makitang yun yung lalaking kahalikan nya kagabi.

"hey girls" saad nya ng tuluyang makalapit samin, i rolled my eyes he sounds so cheap.

Napansin ko naman parang hindi mapakali si Alyce at parang gusto ng umalis, I get it, hindi nya masabi saken dahil hindi nya alam na nakita ko sila kagabi.

"hi babe" patuloy ng lalaki at aktong hahalik sa pisnge ni Alice pero agad itong umiwas, "what th-- leave." nanlilisik ang matang saad ni Alyce sa lalake na para bang pinaparating ng mata nyang wag ngayon.

Napahinga nalang ako, I know she felt awkward, they need space, yeah i guess they need space to flirt, I stand and rolled my eye.

"I'm done, anyways i have to go to library too, kikilalanin ko pa daw si Drake Garbage" at diniinan ko pa ang Garbage, mukha nakuha naman ni Alyce at alam nya kung baket aalis na ako.

"Wait sure ka bang ikaw lang? pwede kitang samahan." offer ni Alyce para makatakas sa lalake.

"nah ako nalang, thanks." she nodded, I picked up my bag and walk away from them.

---------

Mabilis kong natuntun ang library dahil sa pag tatanong tanong sa mga nakakasalamuha ko.

Pagkapasok ko dito ay tahimik lang na nagbabasa ang mga students.

Mabilis akong pumunta sa mga bookshelves at hinanap ang libro ng Kasaysayan, napangiti ako ng may makitang nakasulat na Kasaysayan ng color brown na libro, tumingkayad ako upang abutin ang iyon dahil nasa itaas, ngunit may kamay ang naunang kumuha nun at napakunot ang noo ko ng may maramdamang presensya sa likod ko.

Pagkalingun ko dito uy tumambad saken ang gwapong lalaki na naka shades.

"oh thanks" i said at aktung kukunin ang librong nasa kamay nya sa pag aakalang kinuha nya yun para saken, ngunit iniwas nya ito

"9,768 pages..." saad nya habang nakatingin sa libro

Napapikit ako sa kahihiyan, shemay hindi nya pala yun kinuha para saken, fvck! lupa kainin muna ako!!!

I cleared my throat.

"uhmm babasahin mo ba yan?" I asked.

napatingin namin ito saaken "hindi ba binabasa naman talaga ang libro" napakunot ang noo ko sa pabalang nyang sagot.

"I'm no--" he cut me off

"You're the newbie right?" he asked

sigh...

"yeah." maikli kong sagot

"anyways hihiramin mo ba yan?"

"Yes. but i think you need it more, i heard lately Mrs. Katty told you to study about history and recognize Drake Garbage" at mas diniinan pa ang Garbage, I chuckled, ngunit napa kunot rin ang noo ko ng maisip kung paano nya yun nalaman, is that his power? ang makarinig kahit nasa malayo.

"How di--" and he cut me off again.

"We're classmates" he said that seems like he knows what's in my mind.

"uhh, I didn't notice you"

"I guess. anyways here's the book, take it" saad nya sabay lahad ng libro kaya kinuha ko naman iyon.

Napatingin ako ulit sa mukha nya color brown na medyo maypagka pula ang kanyang buhok, seryuso ngunit magandang mata na nakasuot ng eyeglass, katamtamang tangos ng ilong at manipis na labi.

"Why are you looking at my lips? Do you want to kiss me?

I gulped with that question realizing that my eyes landed on his lips.

"yuck!"i said and rolled my eyes, medyo napataas pa ang tinig ko kaya yung ibang students ay napatingin saamin.

"para mo naman akong pinag nanasaan." ani nya, kaya mas lalong napakunot ang noo ko, fine he's handsome pero hindi ko akalaing feelingero din.

Aktung aalis nalang sana ako, ay muntik akong madapa ng matalisod ngunit may kamay na humwak sa likod ko upang hindi ako matuluyan, napatingin ako sa matang may suot na eyeglass kasabay ng pag bilis ng pintig ng aking puso.

Itutuloy...

**********

#Sly Academy

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

11.5K 732 37
Jeon Jungkook, he completed his graduation in business. he is sweet but for only his family and cold for other's. he doing internship in his father'...
64.3K 1.6K 10
مافيا - حب - قسوه - غيره renad231_5 مرت سنه والقلب ذابحهه الهجر ومرت سنه والهجر عيا يستحي الروايه موجوده في انستا : renad2315
13.2K 2.1K 22
جۆنگ کوک:بە نەفرەت بیت وازم لێ بێنە چیت لە من دەوێت تایهیۆنگ:ششـ ئازیزم بۆچی هاوار دەکەی ئارام بە بۆ باروودۆخت خراپە ༄༄༄༄༄༄༄ جۆنگ کوک:تـ تۆ چیت کرد ت...