Fidelity

By zaaaxy

415K 18.9K 8.5K

Mahirap kalaban ang nakaraan. Bukod sa hindi na mababalikan, nakatatak na rin ito sa kasaysayan. They say his... More

Fidelity
Prelude
1st
2nd
3rd
4th
5th
6th
7th
8th
9th
10th
11th
12th
13th
14th
15th
16th
17th
18th
19th
20th
21st
22nd
23rd
24th
25th
26th
27th
28th
29th
30th
31st
32nd
33rd
34th
35th
36th
37th
38th
39th
41st
42nd
43rd
44th
45th
46th
47th
48th
49th
50th
51st
52nd
53rd
54th
55th
56th
57th
58th
59th
60th
61st
62nd
63rd
64th
Finale

40th

5.6K 331 158
By zaaaxy

3801



Isang low-end hotel na lang ang may available na room malapit sa papasukan ko sa London. Ang ilang high-end na may bakante pa sana ay malayo na at hindi walking distance. Minabuti ko nang piliin na lamang ito lalo pa't nangangalawang na naman ang driving skills ko.

My parents weren't happy of my choice, though. They insisted on sending a driver with me so I could just stay in a better hotel no matter how far. Pero syempre ay tumanggi ako. If I know, gusto lang nilang magpadala ng tauhan na sasama sakin para may nagrereport sa kanila ng bawat galaw ko.

There's no way I'd let them. I've already made it clear with myself that I want to have a fresh start from everything. Hindi magiging madali pero kakayanin. Kailangan ko lang matutong magsakripisyo at maging handa sa anumang obstacle along the way.

Bukod sa nasa main entrance ay wala na kong naabutang guwardiya sa Building 3 kung nasaan ang mismong unit ko. But a bellboy opened the glass door for me when he saw me coming in.

"Thank you," wika ko nang tulungan niya na rin ako sa mga bagahe ko. "I'm in unit 3811."

From what I know, 11th room iyon sa 8th floor nitong building 3. Buong akala ko ay mag-isa kong iaakyat ang mga dala roon kaya't laking pasasalamat ko na hindi naman pala. Kahit kasi may elevator ay medyo mabigat ang luggage ko kaya't hirap ako.

Akala ko ay kailangan ko pang gumamit ng google translate dahil saglit pang napatunganga ang bellboy sa sinabi ko. But he eventually lead the way so I sighed in relief.

Habang nagaantay sa elevator ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Raya.

"Ano, andyan ka na?"

"Yeah," tipid na sagot ko nang bumukas na ang elevator. Bumaba ang mistulang mag-asawang nasa mid-40s na sakay noon saka kami pumasok. The bellboy pressed the button for 8th floor when we got in.

"Parang budget condo lang na apartment style," dugtong ko sa kabilang linya. Sumulyap sakin ang katabi gaya ng kung paano ako saglit na napapalingon tuwing nakakarinig ng foreign language.

Raya chuckled. "Ang arte mo,"

"Pero in fairness sa 3-star hotel ah, may bellboy. 'Di mo kaya. Kinabog ang Okada," I playfully said.

Humalakhak si Raya. "May attendants din naman sa Okada ah?"

"Hindi naman mukhang mabango,"

"Ah, so mukhang mabango yan?" Raya asked with humor in her voice.

"Oo." Ganito pala kapag nakakapagsalita ka ng lenggwaheng hindi naiintindihan ng kasama mo. Pakiramdam ko, ang powerful ko.

"Akala ko ba ayaw mo ng London boy?"

"Hindi naman 'to London boy. Mukhang Italiano si Kuya. Halata sa itsura," wika ko habang ninanakawan ng tingin ang repleksyon ng katabi. He wasn't looking anyway.

"Siraulo. Baka marinig ka nyan," halakhak niya.

I rolled my eyes. "As if naman maiintindihan ako,"

I can imagine her shaking her head. "Ewan ko sayo. Kakarating mo lang kung anu-ano agad inaatupag mo. Pag-aaral ba pinunta mo dyan o kalandian?"

"Pinagsasabi mo dyan? Sinabi ko bang type ko, teh? May itsura lang pero hindi ko type!"

"Sige, sabi mo eh." she mocked. I rolled my eyes as we bid each other goodbye.

Nakarating na rin naman kami sa wastong palapag. Paulit-ulit ang pasasalamat ko kay Kuya habang binubuhat niya ang mga gamit ko sa unit. Tahimik lang siya kaya't natigilan ako noong magsalita ito matapos kong muling magpasalamat nang ilapag niya na ang huling bagahe. There was a small smile on his lips.

"Walang anuman po, Ma'am. Pero hindi ho ako bellboy rito. Hindi rin ako Italiano. At huwag ho kayong mag-alala dahil hindi ko rin kayo type."

Kahit pa sinundan niya iyon ng 'biro lang' habang nakangiti ay hindi pa rin maipinta ang mukha ko sa nangyari. Most traumatic experience! Literal na binaon ko ang mukha sa unan pagkaalis niya!

Maghapon ata akong napapangiwi at kinikilabutan sa kahihiyan tuwing naaalala ko iyon. Gusto ko na lang maglaho nang mawala na rin iyon sa isip ko!

Pano ko ba naman kasi hindi mapagkakamalang bellboy si Kuya? He was giving off that vibe from the moment he opened the door for me! Naka-maroon pa itong polo shirt na kakulay ng suot ng receptionist at ibang staff na nakita ko.

Isang malaking bangungot kung residente rin siya rito! Hindi ko yata kakayanin kung muli pang magkukrus ang landas namin. Iniisip ko na lang na hindi naman siguro ako ganon kamalas para makita siyang muli gayong wala naman akong balak magpagala-gala sa premises ng hotel. I will only be going out whenever I have to go to the Academy. Hindi rin naman ako yung tipong nakikipagkaibigan pa sa mga kapitbahay.

"It could be just a guest of a resident, Ma'am. Or a utility personnel, perhaps." ani ng receptionist tungkol sa napagkamalan kong bellboy. Palabas ako ngayon para bumili ng dinner at hindi ko na napigilang itanong ang tungkol doon para sa ikatatahimik ng katawang lupa ko. Bahagya akong nabunutan ng tinik sa narinig.

Tawang tawa si Raya nang malaman ang tungkol doon nang mag-Facetime kami pagkabalik ko sa unit.

"'Yan ang sinasabi ko sayo!" nanunuyang wika niya.

Parang bigla kong pinagsisihan ang pagtawag sa kaniya. Sana pala hindi ko na lang sinabi! Asar lang ang abot ko rito!

We didn't talk for long anymore since she's also busy. Abala rin ako sa pag-figure out kung paano gamitin itong microwave. Puro microwaveable goods lang ang binili ko dahil hindi pa ko marunong magluto. But I promised myself that I will learn how to while I am here.

Mula kasi noong pumalpak ang attempt kong magluto ng pancake para kay D-word noon ay hindi na ulit ako sumubok mangialam sa kusina. Tuwing sinusubukan ko ay naaalala ko lang lahat ng nangyari at naramdaman ko noong mga oras na yon. Na-trauma na ko.

Speaking of the devil, hindi ako makapaniwalang nakakareceive pa rin ako ng text mula sa kaibigan niya at tungkol pa talaga sa kaniya.

Einj:
hi, solace! is this still ur number? we're planning a surprise party for Davion's bday next week with u as a kasabwat of course hehe date muna kayo as we set-up in their deck that day

I can't believe he still hasn't told his friends yet. They think we're still together. O si Einj na lang ba ang hindi nakakaalam? It looks like she's not even aware I'm in London. Kung sabagay. I've been really quiet about this trip. Nag-lie low na rin kasi ako sa social media. Mas payapa ang buhay.

Nilagay ko ang lasagna sa loob ng microwave. I set the heat level at high and the timer at five. Pagkatapos ay iniwan ko na muna at nagtungo sa kwarto para ipagpatuloy ang pag-uunpack ng gamit.

Wala pa atang tatlong minuto nang makaamoy ako ng usok. I instantly panicked. Agad kong binitawan ang hawak na hanger at nagtungo sa kusina.

I shrieked when I saw smoke coming from the microwave. Nanginginig kong kinuha ang phone para mag-dial ng emergency hotline. Sa sobrang kaba ay halos wala akong naunawaan mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nanigas. But before I even know it, the door of my unit is already being opened by force.

Two men in a firefighter uniform entered my unit and went straight to where the smoke is coming from. Nalaglag pa ang panga ko nang mamukhaan ang isa sa dalawa.

Mabilis ang mga pangyayari. Hindi nagtagal ay naapula na ang usok. I even heard the other guy saying how small of a thing it was. Akala niya naman daw ay kung ano na. Kalaunan ay tinapik nito ang kasama para magpaalam na mauuna sa headquarters para mag-report.

"You finish this up. You're clocking out straight anyway," ani pa nito pagkasilip sa relo.

Tulala pa rin ako pagkaalis ng isang bumbero. I can't believe I'm left here with the very same guy I mistook as a bellboy this morning.

Kinakausap na niya ko't lahat pero lumilipad pa rin ang isip ko. Panay lang ang tango at iling ko noong tinatanong kung ayos lang ba ako o kung nasaktan daw ba ako.

"First time mo bang gumamit ng microwave?" aniya pagkatapos mapansin ang katahimikan.

Napayuko ako.

"Iwasan mo na lang gumamit ng aluminum foil sa susunod. Meron lang ding prescribed time para sa bawat klase ng pagkain para hindi mag-overheat," turo niya sa nakadikit na sticker sa gilid ng microwave.

Aniya rin ay hindi ko na sana nilipat ng lalagyan ang lasagna dahil microwaveable naman na raw yung mismong lalagyan ng binili ko. Akala ko ay hindi pwede dahil parang plastic na tupperware lang iyon.

I was still zoning out as he give his final instructions. Mukhang napansin niya iyon.

"Kakailanganin mo munang iparepair ito bago ulit magamit.." aniya habang hawak ang microwave. Tumagal ang tingin niya sakin. "May makakain ka bang hapunan?"

Sa tagal kong walang kibo ay napalunok muna ko bago magsalita. "Puro pang-microwave lang ang binili ko,"

Tumango siya. "Pwede mo namang initin ang mga 'yon gamit ang burner," tukoy niya sa lutuan.

I bit my inner cheek. "I don't know how to.."

Natahimik siya. Bigla akong nahiya. Sinilip niya ang relo saka nag-angat ng tingin sakin.

"Saglit lang," paalam niya bago umalis sa unit ko.

Hindi ko alam kung saan siya nagtungo pero matapos ang ilang minuto ay bumalik siya nang wala nang firemen suit at tanging casual clothes na lamang ang suot.

Binuhay niya stove at pinalabas sakin mula sa ref kung ano raw ang gusto kong kainin. Nang mapagtanto kong ipag-iinit niya ako ng pagkain ay dinagdagan ko na ang nilabas para bigyan siya bilang pasasalamat. Aligaga pa ko habang kumukuha sa ref.

Habang nagluluto siya ay naisip kong gamitin na rin ang pagkakataon para humingi ng tawad sa nangyari kanina. Hiyang-hiya pa ako at hindi alam kung paano ibibring up ang tungkol doon nang hindi umuusok ang mukha.

Thank God he didn't make a big fuss about it and just smiled.

"Ayos lang. OFW ako. Four years na rin. Underpaid kasi ang mga bumbero sa Pilipinas. Mas nakakaipon dito.." kwento niya.

Tumango ako. "Tiga-saan ka sa Pilipinas?"

"Valenzuela,"

Tumango ako kahit hindi ko alam kung saan iyon.

"Anlayo," sabi ko na lang.

Tinapunan niya ko ng tingin.

"Sa Manila lang din 'yon," tila aliw na sabi niya.

"Ah," namula ang pisngi ko.

He chuckled.

"Tunog malayo kasi. Parang sa Visayas banda." wika ko, bahagyang nawala ang hiya sa pagtawa niya.

Hindi nagtagal ay natapos na rin siya sa ginagawa. He turned of the electric stove. Dahil wala pa akong ibang mapaglalagyan na may lid ay hinugasan ko na lang muna ang tupperware ng nabiling lasagna kanina at doon nilagay ang para sa kaniya bilang pasasalamat.

Halos mangalay ang kamay ko dahil tinitigan niya pa iyon. Ayaw niya pa sanang tanggapin.

"Yan na nga lang ang kakainin mo, binawasan mo pa." kumento niya. "Mabubusog ka ba dyan?"

Kanina niya pa tinatanong kung sigurado ba ko na macaroni lang ang ipapainit ko. Dinagdagan ko na nga ang serving ng pinaluto sa kanya dahil bibigyan ko pa siya pero wala pa mang bawas kanina ay duda na siyang sapat na iyon sakin pa lang.

Sa huli ay wala rin naman siyang nagawa dahil hindi ako pumayag na hindi niya tanggapin iyon. Bumuntong-hininga siya.

"Salamat.." aniya nang sa wakas ay tanggapin na iyon, may munting ngiti na rin namang sumilay sa labi niya.

"Sa susunod, kumain ka na lang sa labas kung nag-aalangan kang magluto o gumamit ng microwave.." aniya pa.

I shrugged. "Bahala na. Ayoko namang kumain sa labas nang mag-isa. Hindi ako sanay,"

"Wala ka bang kaibigan o kakilala na nandito rin sa London?"

Umiling ako.

As pathetic as it sounds, isa ako sa mga nahihiya at nalulungkot kumain magisa sa labas. Pakiramdam ko ang kawawa ko tignan. Isa rin 'to sa mga gustong kong ayusin habang nandito ako. I wanna overcome this phase. I want to be content enough to enjoy my own company without thinking about what other people think.

Saglit siyang natahimik. Thinking about it, I can't help but wonder kung mag-isa lang din ba siyang nakipagsapalaran dito noon. Kung naranasan niya ring bang kumain mag-isa at makaramdam ng pangungulila.

Ni hindi ko namalayang dinampot niya na pala ang sticky note pad at pen sa ibabaw ng ref. Napagtanto ko na lang iyon nang makita na siyang nagsusulat.

Inihiwalay niya ang sinulatan niya bago binalik ang ballpen at sticky note pad sa pinagkuhanan.

Inilahad niya sakin ang maliit na piraso ng papel. "Tuwing kailangan mo ng kasabay kumain, nandito lang ako."

3801












Continue Reading

You'll Also Like

664K 5.6K 19
This is a Complete set of the Trilogy Complete Book Title : When the Game Ends Book 1 : Bedroom Affair Book 2 : The Falling Game Book 3 : Doctors' Or...
504 72 38
Elle and Jiolo thought that they were both sent from the heavens to protect each other. To be heroes from the sky of one another. The two were insepa...
3M 77.4K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
6.7K 144 6
Complexity of Us Sequel