The Mafia Lord's Possession

By Kiara_Chan08

3M 69.1K 4.4K

"You are my possession... my priceless possession" -Rave Adrian Silvestri- Highest Ra... More

Author's Note
Chapter 1: Alone
Chapter 2: Scared
Chapter 3: Doubt
Chapter 4: Dangerous
Chapter 5: Beautiful
Chapter 6: Faint
Chapter 7: Serious
Chapter 8: Whisper
Chapter 9: Serve
Chapter 10: Mortgage
Chapter 11: Caress
Chapter 12: Astonished
Chapter 13: Pretend
Chapter 14: Crying
Chapter 15: Favorite
Chapter 16: Embraced
Chapter 17: Impetuous
Chapter 18: Mischievous
Chapter 19: Open
Chapter 20: Truth
Author's Note
Chapter 21: Loud
Chapter 22: World
Chapter 23: Smile
Chapter 24: Fast
Chapter 25: Crazy
Chapter 26: Hurt
Chapter 27: Happiness
Chapter 29: Beloved
Author's Note
Author's Note Again
Chapter 30: Forgotten
Chapter 31: Memory
Chapter 32: Promise
Chapter 33: Catch
Chapter 34: Lost
Chapter 35: Longing
Chapter 36: Walk
Chapter 37: Remember
Chapter 38: Figurative
Author's Note
Chapter 39: Sibling
Chapter 40: Sleep
Chapter 41: Name
Chapter 42: Nervous

Chapter 28: Voice

66.4K 1.6K 107
By Kiara_Chan08

Voice is the sound produced in a person's larynx and uttered through the mouth, as speech or song.

*****

Chapter 28

"Adrian, may video call ka galing sa Primo," saad ni Nate sa akin sa loob ng opisina ko.

"Okey, give me a minute." Iniligpit ko muna ang mga reports na tinatrabaho ko bago pumunta sa conference room.

Pagkarating ko roon ay agad akong umupo sa pinakadulo ng mesa at ini-on ang flat screen na naroon sa harapan.

Bumungad agad sa akin ang seryosong mukha ng Primo. Naka-upo ito sa presidential seat ng La Vigore. He must be in the LV castle.

"Bakit po kayo napatawag Primo?" walang alang-alangang tanong ko.

"I just want to confirm what my assistant told me."

Nakalimutan kong may mga galamay pala ito sa loob ng Silvestri Empire. Siguro nireport na nito kung anong nangyayari sa akin ngayon.

"It is true that you cancelled your engagement with Darlene?"

"Oo," deritso kong sagot.

Nag-igting ang mga bagang nito. "Are you stupid! Why did you that? Hindi mo ba alam kung anong mawawala sa atin sa ginawa mo?"

"I just realized na ayaw kong matrap sa babaeng kagaya niya. At sa pagkaka-alam ko ay wala namang mawawala sa negosyo natin kung hindi matuloy ang partnership."

"Alam mong hindi yan ang tinutukoy ko. This wedding is supposedly to strengthen more the La Vigore. All members expect this event and you cancelled it because you don't want to be trap. Ano na lang masasabi ng ibang member na wala tayong isang salita."

Mas pakialam pa ito sa ibang membro kaysa sa akin. Ang lagi lang naman nitong iniisip ay ang negosyo o ang La Vigore. Wala akong matandaan pangyayari na inaalala nito ang kapakanan ko.

"O dahil ba ito sa babaeng kinababaliwan mo ngayon," patuloy nito.

Napakuyom ang kamay ko sinabi nito. Hindi na ako nagtaka kung bakit alam niya ang tungkol kay Krishna. He had the power to know everything he wants. Alam kong 24/7 niya ako pinagmamanmanan sa kanyang mga tauhan. Even the bodyguards na nagbabantay sa akin ay sa kanya ang loyalty.

The only person that I can surely trust is Nate. "Huwag mo siyang idamay rito," mariin kong saad.

"At bakit, siya naman talaga ang pinakadahilan ng pag-urong mo sa kasal. I'm very disappointed to you, Adrian. Ang akala ko ay iba ka sa papa mo na mas pinili ang babae kaysa sa kapangyarihang pamunuan ang La Vigore. Pareho kayong nagiging mahina sa babae!"

"You don't understand Primo. My mother is not just a woman, she is my father's life and Krishna is my life too."

Tumawa ito ng nakakaloko. "You are fool young man. Do you think matatanggap ka niya pag nalaman niyang ilang tao na ang napaslang niyang kamay mo." Napasikdo ako sa sinabi nito at naalala ang mga ginawa kong pagpatay sa mga taong nagtraydor, kalaban at may ginawa sa La Vigore.

"You're a murderer Adrian just like me. Hindi siya nababagay sayo at lalong-lalo na sa mundo natin. I investigated her kaya alam kong galing siya sa isang normal na pamilya. Gusto mo bang isaalang-alang ang kaligtasan niya? Alam mong malapit ka ngayon sa kapahamakan dahil ikaw ang susunod sa trono ko."

Matiim ko itong tinitigan. "I refuse to take your place. Just give it to others because starting right now I'm quitting La Vigore."

Naging mabalagsik ang mukha nito at nagkaroon na ng ugat ang sentido nito sa galit na tinitimpi.

"Figlio di troia! Kung alam ko lang na susunod ka rin pala sa yapak ng papa mo sana hindi na ako nag-aksayang kupkopin kita. Wala pala rin pala akong mapapala sayo. Tandaan mo Adrian, isang pagkakamali itong gagawin mo."

I just stared at him emotionless. Kahit anong sabihin nito, walang makapag-babago sa desisyon ko.

"No Primo. Ito ang pinakatama na nagawa ko sa buong buhay ko." Then I turn off the screen.

Sa oras din yun ay nag-sialisan ang mga tauhang nakabantay sa akin. Nawalan na rin ako ng komunikasyon sa La Vigore at sa Primo. I was brand as a living dead member and I was banned from any places that has a connection in LV. Bawal rin ang kahit sinong membrong kausapin ako at kahit mga kabusiness partner ko na part ng LV pull out their shares.

Hindi naman ako nangangaamba dahil kaya ko naman makahanap ng iba. I'm just glad that Nate stay with me. Sabi nito hindi naman daw ang Primo ang master nito kundi ako.

*****

Nakasandal ako sa hamba ng pinto habang tinitingnan itong may tinitimpla sa kitchen sink mula sa lens ng camera ko. At ng lumingon ito sa banda ko ay agad kong pinindot ang click para kuhanan ito ng litrato.

Naging smooth sailing ang relasyon namin pagkatapos ng nangyari. It's the happiest 3 weeks of my life. Nagtataka lang ito kung bakit hindi ako kinakausap ni Sachihiro at Akari. Nirarason ko lang na wala naman kaming pag-uusapan dahil hindi naman kami ganun ka-close na mag-kakaibigan.

"Rave! Wala ka man lang pasabi, sana naka-pose ako ng maayos," nakapout na saad nito sa akin.

"Maganda ka parin naman kahit anong hitsura mo ha."

"Nambola na naman!" Tumawa na lang ako sa sinabi nito. Yan ang lagi niyang sinasabi pag-sinasabihan ko siya ng maganda. She doesn't believe that she had a beauty that can launched a thousand ships.

"Ginagamit mo na yata yang cam mo?" tanong nito. Nai-kwento ko kasi na matagal ko ng hindi ginagalaw ito.

"Nakita ko na kasi ang perfect subject ko," sagot ko habang titig na titig rito.

Lumingon ito sa akin at nag-taas ng isang kilay. "Mukhang kilala ko yata yang perfect subject mo ha," mapagbirong saad nito.

Inilapag ko sa mesa ang dala kong camera at pumwesto sa likuran nito. "Kilalang-kilala," bulong ko sa tenga nito bago hinalikan ang pisngi nito na ikinangiti nito. I love to see her smile always kaya gumagawa ako ng paraan para lagi itong nakangiti.

"Is that coffee?" pansin ko sa ginagawa nito.

"Yup, for you."

"But I don't drink coffee," saad ko rito. Hindi ko kasi tipo ang lasa ng kape lalong-lalo na ang tinitimplang kape ni Nate.

"Just try it. Masarap yata akong magtimpla ng kape," pagmamalaki nito habang inaabot sa akin ang tasa ng kape. "Mukha ka kasing puyat kaya tinimplahan kita para pagpagising."

Ano pa ba ang magagawa ko eh basta para rito ay gagawin ko kahit ang pinaka-ayaw ko. Siya lang naman ang tanging babaeng nagpapasunod sa akin.

Humigop ako ng konti. Una kong nalasahan ang pait ng kape pero ng kumalat na ang lasa sa aking dila ay nalalasahan ko na ang pinaghalong tamis nito. Kaya tuloy hindi ko mapigilang uminom ulit.

"What do you think?" tanong nito.

Ngumiti ako. "This is the best coffee I ever drink."

Mukha yatang maadik pa ako sa kapeng ito gaya na lang sa pagiging adik ko sa nagtimpla nito.

*****

"Hello, where are you?" nag-aalalang tanong ko rito mula sa cellphone ng hindi ko ito makita sa burol.

"I'm up here," sagot nito.

"What?" Sinuyod ko muli ang tingin ang paligid pero hindi ko parin ito nakita.

I heared her giggles. "Nasa taas ng puno po ako."

Mabilis kong inangat ang tingin sa taas ng nag-iisang puno sa tuktok ng burol at parang kakawala ang puso ko sa pagkakitang nasa mataas itong bahagi puno. "What are you doing up there Krishna Lane?" galit kong saad.

"I'm just checking the baby bird. Naghahanap pa kasi ang ina ng mga ito ng pagkain," mahinahon na saad nito na parang hindi ako galit.

What the heck!

"Bumaba ka na ngayon din Angel kung ayaw mong atakihin ako sa nerbyos!" mariing utos ko rito.

"Hey are you mad?"

"Stop talking and turn off that damn cellphone right now. Just concentrate sa pagbaba mo."

Kulang na lang na ako na mismo ang aakyat sa puno para lang makababa ito ng maayos at ligtas. "Aye, aye sir!" malakas na sigaw nito at sumaludo pa.

Oh God! What I'm gonna do to her.

Malapit na ito makababa ng bigla itong madulas sa isang sanga. Hindi na ito nakakapit dahil sa mabilis na pangyayari. Para akong tumakbo ng ilang daang kilometro sa kaba na nararamdaman ko.

Mabilis ko itong sinalo at dahil hindi ko napaghandaan ang bigat nito kaya natumba kami pareho. "Shit!" mura ko sa sakit na naramdaman ng likod ko.

"Oh gosh! Rave, are you okay?" nag-aalang tanong nito sa akin. Hinawakan nito ang mukha ko para magkaharap kami. "Oh God! I'm sorry, I'm sorry," maluha-luhang saad nito.

"Shh... I'm alright okey."

"Gusto mo dalhin kita sa clinic?" alok nito.

"No thanks, Angel. All I want to do right now is to spank you for giving me a heart attack. Don't do this thing again. You will be the death of me," pangaral ko rito.

Mabilis itong tumango at pagkatapos ay mahigpit akong niyakap. "Thank you, Rave Thank you for always saving me."

"I will always catch you everytime you fall from heaven my Angel."

After that accident ay nakahiga kami ngayon sa lilim ng kahoy. Nakapatong ang ulo nito sa braso ko habang nilalaro nito ang kwelyo ng polo shirt ko.

"Why are you always calling me Angel?"

"Matagal na kitang tinatawag na ganyan ha, ngayon mo pa itatanong?" biro ko.

I earned a pinch on my side that makes me chuckled. She really adorable when she's pouting like that. Hindi ko tuloy maiwasang halikan ang mga labi nito. "Ang sakit mo talagang mangurot Angel," bulong ko sa labi nito.

"At nanghahalik ka na naman ng walang paalam."

"Bakit pa ako magpapaalam, eh akin naman ito ha," sabay haplos ko sa mga labi nito.

"Bakit, binili mo ba ito ha?"

"Yup. Binili ng aking pagmamahal," sagot ko na ikinatawa nito.

Damn! I will never tired of hearing her laughter.

"Oh God, Rave! Hindi ko alam na may tinatago ka pa lang ka-chessyhan. Napakaseryoso mo kaya. Sagutin mo na nga yung tinatanong ko."

I stared intently on her brown eyes and let her see the love that written all over my face. "When I first saw you, I thought you are an angel that descended from heaven. For the first time in my life, nakakita ako ng liwanag sa madilim kong mundo."

Nakita ko ang paglam-lam ng mga mata nito. "What made you say that?"

"My mother and father was brutally murdered when I was 14."

"Oh my God!"

"Since that, I have been living in pain. Kinupkop ako ng lolo ko pero mas lalo ako nakulong sa sakit at poot sa pumatay sa mga magulang ko. Ang pakikiramay, simpatya at pagmamahal na akala ko ay makukuha ko sa lolo ko ay hindi ko nakuha. He is cold towards me and shows no emotion. Sabi niya ang pagpapakita ng emosyon ay isang kahinaan. He also taught me how to become like him, not to trust people. Para daw hindi ako magaya sa papa ko na nagtiwala sa isang tao pero trinaydor rin pala siya sa huli."

Hindi ko na ikinuwento rito kung ano ang pamilya namin at ang mga nagawa kong kasamaan. Para sa akin ay nakaraan na yun at inilibing ko na sa pinakasulok-sulokan ng pagkatao ko at isa pa ay umalis na ako sa La Vigore kaya dapat na yung kalimutan. I'm willing to change para maging karapat-dapat ako sa kanya.

Alam kong dapat kong sabihin ang pinakamadilim ng bahagi ng buhay ko rito pero hindi ko kaya. Hindi ko kaya na layuan niya ako pag nalaman niya ang totoo. Dahil sa aminin ko man o hindi ay totoo ang sinabi ng lolo ko na hindi madaling tanggapin na marami na akong napatay na tao kahit na masasama pa ang mga ito. At natatakot ako na baka yun rin ang magiging reaksyon niya.

Mahigpit niya akong niyakap at sumiksik sa dibdib ko. I also hold her close to me, afraid that she will be vanish from me.

"Simula nun ay naging distance ako sa mga tao. Wala akong pinagkatiwalaan na kahit na sino. They called me names like "The Snob Prince" or "The Ice Man". I have been in hell for so long, until I saw you that one morning. Para sa akin ay isa kang anghel na ipinadala para iahon ako sa madilim kong mundo. You make me feel again. I can smile and laugh now."

"Yung yung pumatay sa parents mo, naparusahan ba sila?"

"Yeah. Matagal na." Hindi ko na lang sinabi na ang parusang sinasabi ko ay ang pagpatay ko sa mga ito.

Naramdaman kung mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa akin. Napansin ko rin na basa ang damit ko. "Hey, are you crying?"

Inangat ko ang mukha nito at nakita ko ang pamumula ng ilong nito. Basa rin ang pisngi nito. "Hindi ko lang lubos maisip kung anong pinagdaanan mo at na-touched ako sa mga sinabi mo," pasinghot-singhot nitong saad.

Pinahid ko ang mga luha nito. "Stop crying okey. Alam mo namang ayaw na ayaw kong nakikita kitang umiiyak. At isa pa, nakaraan na yun ang importante ay nandito ka na sa tabi ko. And I intend to keep you forever. Now, I want you to smile."

Sinunod naman nito ang utos ko at ngumiti. "That's my girl."

"And I intend to keep you too, forever," bulong nito sa akin na ikinangiti ko.

"I love you so much," malambing na anas ko.

She giggled. "And I love you so so much."

Then I kiss her tenderly like she is a fragile glass. "Your lips always taste strawberry," I said after the kiss.

"Yeah I know. You always said that. Pwede bang another flavor na naman."

Malakas na tawa ang kumawala mula sa akin at umalingawngaw sa buong burol.

I must say this is the true happiness and she is the reason for that. At hindi ko papayagan na may kumuha nito sa akin.

"Rave! Rave! Gising!"

Napamulat agad ako ng marinig ko ang malakas na boses nito. Namulatan ko agad ang nag-aalang mukha nito na nakatunghay sa akin. "You're dreaming," saad nito.

Napapikit ako ng maalala ang napanaginipan ko. Pagkatapos kasi ng aming kwentuhan tungkol sa buhay ko ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa pagmamasid rito habang natutulog.

Hindi ko alam kung bakit binangungot na naman ako sa nangyaring pagpatay sa mga magulang ko. Hindi ko nasabi rito na nasaksihan ko ang pagpatay sa mga ito. Simula noon ay naging laman na ito ng mga panaginip ko. Nawala lang ito ng makapaghigante na ako.

"Okey ka lang ba?"

"Yeah. Napanaginipan ko lang ang mga magulang ko," hinihingal ko pang saad.

"Oh God. What do you want me to do?" alalang-alalang saad nito habang pinupunasan ang pawis sa mukha ko.

"Just lay here beside me, okey." Sumunod agad ito. Ipinaunan ko rito ang dibdib ko. I smelled her strawberry scent hair kaya kumalma ako ng kaunti.

"Gusto mong kantahan kita? Kinakantahan kasi ako ng mama ko noong bata pa ako sa tuwing binabangungot ako."

Naikwento na kasi nito ang pamilya nito sa akin. May isa itong kapatid na lalake pero syempre, matagal ko ng alam yun.

Naalala ko tuloy ng marinig ko itong kumakanta dito rin sa burol noong pilit ko pa siyang nilalayuan. Gusto ko ulit marinig itong kumakanta kaya tumango ako.

"You are my sunshine, my only sunshine. You make me happy when skies are grey. You never know, dear, how much I love you. Please don't take my sunshine away."

Nakapagtataka lang pero mas kumalma ako ng marinig ko ang mala-anghel nitong boses.

*****

-LG-

06-11-15

Continue Reading

You'll Also Like

895K 24.2K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...