Billionaire's Den (Black Omeg...

By LoveMishap

89.7K 2K 304

Warning: CONTAINS MATURE SCENES, SWEARING, AND GRAPHIC SCENES. NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE BE WARN... More

Simula
Chapter 1: 69tube
Chapter 2: Boss
Chapter 3: Oil
Chapter 4: Asshole
Chapter 6: Perv
Chapter 7: Manyak kong boss
Chapter 8: Unplanned Date
Chapter 9: Ghosted
Chapter 10: In his Domain
Chapter 11: Horny as hell
Chapter 12: Anong nangyayari?
Chapter 13: Filled and Sealed
Chapter 14: Duda at pangamba

Chapter 5: Galit

1.1K 52 16
By LoveMishap

Maria Angela's POV

"Kuya, manyakis ba yang amo mo?" tanong ko kay kuya Doming ng mapag-isa nalang kami at pumasok sa opisina nito ang boss.

Hindi ko alam kung nasaan ang opisina nito, basta bigla nalang nawala parang isang nuno. 

At hindi parin nawawala ang pag-iinit ng aking pisngi ng pikit-mata kong sinunod ang sinabi nitong uupo sa hita nita upang tingnan kung may bukol ito sa likod ng kanyang ulo.

At ang laki ng aking pagsisisi dahil parang ang aking mga dugo ay tila naglagablab sa sobrang init ng aking pakiramdam. Para akong nasusunog sa loob, at alam kong pati ang aking kaluluwa ay nasusunog na sa impiyerno dahil sa hindi magandang ehemplo ng aking aksyon.

Kung sana'y may mas maganda trabaho ay malaki rin ang kita, hindi ko titikisin ang mga nakakawalang moral na pinapatrabaho nito.

Naalala ko ang nangyari kanina, at tila nasa ilalim ako ng nag-aapoy na impyerno sa sobrang kahihiyan.

Diyos na mahabagin, patawarin niyo po ako. Ginagawa ko lang po ang aking trabaho.

Uupo sa hita ng lalake at ramdam na ramdam ang bukol na bukol nitong tite? Hindi trabaho iyon, Angge. Pananamantala iyon. Kwestyon naman ng kalahating parte ng aking isipan na may may moral.

Ang animal na amo ko!

Pero forty thousand iyon, mahal na panginoon. Alam mong kailangan na kailangan ko iyon.

Mabilis kong pinakiramdaman ang likuran ng ulo nito kung may bukol, at agad ding bumaba mula sa hita nito at umiwas na mapatingin sa kanya. At nakahinga ako ng maluwag ng lumabas ito ng sasakyan at mukhang mainit ang ulo.

Kaya nga ng pagdating namin dito sa restaurant niya, agad kaming iniwan.

"Shhh!" biglang baling sa akin ni kuya Doming. Kita ko ang pagkadisgusto sa sinabi ko. "Hindi siya manyakis. Ano bang ginawa sa iyo?" biglang tanong nito ng makapag-isip isip yata. Nanlalim ang linya sa noo nito.

Matanda na nga ang asawa ng pinsan ko, naisip ko.

"Wala, kuya. Naisip ko lang. Ignorahin niyo nalang ang tanong ko." Ngumiti ako upang pawiin ang pagdududa sa mga mata nitong kulang ng tulog.

Nanlalalim.

"Duon muna ako sa garahe. Linisin ko ang sasakyan at mamaya daan muna sa shop upang magchange oil," paalam nito. "Punta ka sa kusina at tingnan mo kung may maitutulong ka. Nasa opisina na si boss at siguradong abala na iyon sa pagtawag-tawag sa mga branches ng business niya," dagdag nito bago ako iniwan.

Parang tangang tumango nalang ako.

Wala pang mga katao-tao sa restaurant.

Ang laki nito, at kakasya yata ang isang daang kostumer. Maraming mga mesa na gawa sa mga de kwalidad na kahoy na kulay kape, mga upuang  may kutson, at dulong bahagi, mga mesang napapaligiran ng sofa na gawa sa pulat balat, at napakasosyal naman.

Lahat ng mga dekorasyon ng restaurant ay mamahalin at nangingintab.

Halos ang mga naroroong nagtatrabaho ay nakauniporme ng puti at itim, at may mga nameplate silang silver na nakaipit sa bandang dibdib ng kanilang suot na uniporme.

Kahit ang mga uniporme nila, napaka-elegante din.

May necktie din silang pulang ribbon.

Nang isa sa mga nasa bar ang nakapansin sa akin na parang tangang nakatayo sa gitna, nilapitan ako ng may maluwang na ngiti.

"Hi," sabi nito. At diretso ang aking mga mata sa nameplate nito.

ALAN

At sa ibaba ng pangalan niya ay nakasulat sa maliit na lettra ang 'bartender.'

Ngumiti din ako ng matamis. Matangkad ito ng ilang dangkal lang sa akin, ngunit may nakakaaliw at nakakahawang ngiti ang lalake.

"Hi," kiming ganti ko.

"Nakita kong kasama mo si Sir kanina. Bago kang hire dito?" tanong niya.

Tumango ako saka ngumiti. Dahil nahihiya ako, wala sa sariling pinaglalaro ko ang aking mga daliri saka pinagbabaliko.

"Anong posisyon?" tanong niya, hidni parin nawawala ng ang matamis nitong ngiti. "Waiting ba?" 

Umiling ako.

Hindi naman ako kasama sa mga waiting list.

"Oh, busser? kitchen porter? Food runner? o Hostess?" 

Lumaki ang mga mata ko sa huling sinabi nito. Mabilis akong napailing-iling. Wala duon ang tawag sa trabaho ko kay boss. At lalong hindi ko naintindihan kung anong mga trabaho ng mga binanggit niya. 

Ang daming parte pala ng mga trabaho sa isang restaurant. Ang alam ko, tagasilbi at taga luto.

May hostess pala dito sa restaurant ni Sir Kristoff.

Kaya pala may pagkamanyak.

"So anong trabaho mo?" pangungulit ni Alan upang matuon muli ang aking atensyon sa lalake.

"Personal secretary," sagot ko. "In short, yaya ako. Pinaganda lang ni Sir Kristoff," nahihiyang sagot ko.

Lumaki ang mga mata ni Alan. Para ring naaliw ito.

"Ganuon ba?" sabi nito.

Tumango lang ako.

"Ako pala si Alan," saka nito inilahad ang isang kamay saka tumawa. "Hindi ko pa pala nasabi ang pangalan ko." 

Bantulot kong tinanggap ang kamay niya. "Angge," tipid kong sagot.

"Angie?" medyo pinaarte nitong ang aking pangalan.

"Ang-ge" pagtatama ko.

"Ohh..." tumango-tango ito. "Angge," pag-uulit niya sa sinabi ko.

Tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Siguradong dumami ang mga kostumer kung nilagay ka ni Sir sa waiting," komento nito at lumagkit ang titig nito sa akin.

Kiming ngumiti ako. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya sa waiting. Kumbaga ba nakaabang lang kung may mga hindi papasok at ako ang aako sa trabaho nito?

Nang mabasa yata nito ang aking pagtataka, nagsalita muli ito.

"Waitress," pagkaklaro nito.

"Ahh.." usal ko.

"Alan!" tawag ng isang lalake na kakapapasok sa bar.

Nilingon namin ito, at nakatingin sa amin. Walang emosyon sa mukha nito. Mukhang ito ang manager.

"Sir Ben," agad nitong bati.

"Sige, Angge. Balik na ako sa pagtulong sa bar bago magsidatingan ang mga kostumer," paalam nito.

Tumango lang ako.

Malapit sa bar, ay napansin ko ang paglabas ng isang matangkad na babae. Nasa kwarenta na yata ito, at nakauniporme ng itim, at napapatungan ng apron na puti ang dibdib na abot hanggang sa hita niya. 

Lumapit ako rito at baka may maitulong ako.

Naririnig ko ang tawanan at kwentuhan sa loob ng malaking kusina.

"Hello, po," kiming bati ko. 

Tumingin ito sa akin saka ibinaba ang isang nagpatong-patong na trays, at walang kangiti-ngiting nilingon ako.

"Bagong empleyado?" malamig nitong tanong.

Bigla akong nakaramdam ng pagkapahiya at kaba.

Lumunok ako ng maigi. 

"Opo," nahihiyang sagot ko, hindi ko na naisip na ang ibig niyang sabihin ay trabahador  sa restaurant.

"Sekretarya ni boss," sagot ng isang boses na alam kong kay Alan.

Nilingon ko ng bahagya si Alan saka binigyan ng isang nagpapasalamat na ngiti.

Kinuha ni Alan ang mga trays, saka iniwan muli kami.

"Ganuon ba?" saka tahasang pinag-aralan nito ang aking anyo, pataas pababa.

Lalong nag-init ang aking mga pisngi. Sa uri kasi ng pagtitig nito sa akin, parang binabasa kung masama ba akong babae o hinde.

"Gusto ko lang po sanang tanungin kung may maitutulong ako," lakas loob na tanong ko.

"Abala na kasi si boss," dagdag ko. "Ayaw ko namang nakaupo lang at naghihintay ng oras," pagtatapos ko.

Tumango-tango ang matanda. At may konting ngiti na ito sa labi. 

Nabuhayan ako ng lakas, at ngumiti ng maluwang. "Ako nga pala si Angge. Pinsan ko po ang asawa ni kuya Doming," turan ko.

"Ah si Elsa," nakangiting sabi nito. 

Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon.

"Ako pala si Aleli. Tawagin mo nalang akong ate Leli." Pagpapakilala nito sa sarili.

Lalo naman akong napangiti.

"Siya, sige. Kailangan din namin ng katulong na maghugas ng mga gulay kung okay lang sa iyo. O kung gusto mong magpuna punas ng mesa, saka maglagay ng mga kutsara't-tinidor. Nakabalot na ang mga iyon, ilagay lang sa mesa, saka mga malinis na baso para sa tubig at wine," paliwanag nito.

"Kung ano hong kailangang gawin, tutulong po ako," tuwang-tuwang sagot ko.

"Siya, sige. Tulungan mo muna kami sa paghuhugas ng gulay. Hayaan mo na ang mga taga silbi sa mesa ang gagawa sa setting ng mesa," at saka nauna na itong bumalik sa loob ng kusina.

Pagpasok namin sa napakalaking kusina, napakahabang tila mesa na gawa sa metal at napakakintab ang unang bumungad sa amin. Parihaba ito, at sa pinakalikod ay ang mahabang lutuan na alam kong mamahalin. Sa kabilang duluhan ay mga nakahilera ding mga oven. 

At sa kabila naman, mga pintuan na gawa din sa metal. Siguro kung saan siguro nakatago ang mga karne at gulay.

Parang nasa loob ako ng palengke. Nagkakasalubong ang ingay ng tubig, ang ingay ng lutuan, ang kutsilyo habang naggagayat ang iba, at ang tawanan at kantyawan.

Napangiti nalang din ako sa aking nabungarang senaryo. Lahat nakauniporme ng itim, at nakasumbrero ng puti. Ang siyang ipinagkakaiba sa mga nasa labas, at sa bartender

Napansin kong wala silang nakalagay na pulang ribbon sa leeg, tulad ng mga bartender sa labas.

"Ate, bagong empleyado?" excited na tanong ng isang lalaki na hindi nalalayo ang edad sa akin at maliit. Tumigil ito sa paggagayat ng gulay.

Maitim ito at may nakakahawang ngiti. Hindi kagwapuhan, at may mga pimples, pero mabait ang mukha.

Bakit kaya kapag hindi gwapo, ngunit hindi naman pangit, ang hirap ilarawan ang mukha. Pero kapag gwapo, nagiging makata kapa. Tulad ni Sir Kristoff.

Mukhang hindi pinagsasawaang titigan. Katawang pinaglalawayan ng kahit sinumang eba. 

Perpekto. 

Walang itapon.

Kumbaga, siya ang kauna-unahang nililok ng Diyos. Kung saan, inspirado si Lord. 

Pero pagdating sa lalakeng nakatitig ngayon sa akin, nainip na ang Diyos. 

Basta nalang itinapon ng diyos na tila suligi ang ilong sa mukha, at walang gana, kayat lumagapak iyon. 

"Kay boss siya nagtatrabaho, pero gustong tumulong," paliwanag ni ate Leli, at narinig ko ang babala sa tinig nito.

Napangiti naman ako.

Mabilis namang ipinakilala ni ate ang mga naroroon.

"Siya si Tirso," pakilala nito sa lalakeng nagtanong, at lahat na ngayon ay nakatitig sa akin. 

Napansin ko ang isang may katangkaran na kanina'y nakaharap sa lutuan, at nakangiti ito sa akin. At sa klase ng ngiti, alam kong isa itong playboy.

"Siya si Arthur" turo ni ate Leli sa lalake. Tumango lang ako at kiming ngumiti. "Siya si Jociel," turo nito sa isa pang lalake na hindi rin nalalayo ang tangkad kay Tirso, na naghuhugas ng pinaglutuan. 

"At siya si Ruffa," turo nito sa kaisa-isang babae na mas matanda lang siguro sa akin ng ilang taon, at may itsura. Nagpupunas ito sa kalahating parte ng parihabang metal na mesa, at may tatlong lababo ito. Nasa gitna ito ng napakaluwang na kusina.

Ang sarap din ng amoy, at nakakagutom ang nalalanghap ng aking ilong.

"May mga iba pa tayong kasama, pero mamaya pa sila mag-umpisa," dagdag ni ate bago ako ipinakilala sa lahat.

"Siya si Angge, sekretarya ni boss. Nagboluntaryong tumulong, kaya't huwag niyong abusuhin ang kabaitan niya. At huwag niyo rin siyang landiin! Pinsan siya ni Elsa," ang pahayag ni ate Leli at napangiti muli ako.

"Oo, ate!" sagot naman ng lahat.

"Ruffa umpisahan niyo ng hugasan ang mga gulay pang salad. Yung letsugas, kunin mo sa fridge," at saka bumalik na ito sa harap ng lutuan. 

Ang bilis ng mga kilos nila, at lumapit ako kay Ruffa.

"Ako na ang kukuha ng gulay. Tulungan ko na sila," pagboboluntaryo ni Arthur, at nahuli kong tumaas ang kilay ni Ruffa. 

At lumipas ang mga oras, nag-enjoy ako sa pagtulong-tulong sa kanila. Nakalimutan ko narin si Sir Kristoff ng biglang may pumasok sa kusina na lalake at nagpakilalang Ruel. Nakita ko na siya. Ngunit hindi kami nagkakilala ng personal. 

Nagmamadali nuon si ate Elsa.

Gwapo ito, at hindi rin nalalayo ang edad sa akin. Mukhang matanda lang ng ilang taon. Sila ni Ruffa ang magkaedaran.

"Anong ginagawa mo rito, Ruel?" sita ni ate Leli ng mapansin nito ang pagtambay-tambay ni Ruel sa kusina.

Nanonood nalang ako sa pangyayari sa loob ng kusina at parang hangin itong lumilipas. Lahat ng mga galaw ng naroroon, parang magkakapanabay. Kanya-kanyang gawain, at hindi na kailangang utusan. 

Paminsan-minsan akong naghuhugas ng mga pinaglutuan, at mabilis lang ito dahil spray lang ng tubig ang ginagamit, at sa napakalaking lababo na pwede ko sigurong pagliguan.

Ngumisi lang si Ruel. "Gusto ko lang makita si Angge." At kinindatan nito ako.

Kusang tumaas ang isa kong kilay. Nayayabangan ako sa kanya. Oo nga at gwapo ito, matangkad, ngunit mukhang malaki ang ulo nito.

"Pakihugasan mo nga ito, Angge," utos ni ate Leli, at iniabot sa akin ang malaking palayok kung saan pinaglutuan niya ng kulay tsokolateng sauce.

Inabot ko ito, at nagulat ako ng maramdaman ko si Ruel sa aking likod.

"Ako na!" sabi nito, sabay abot sa palayok, kasama ang aking kamay. At ang likod ko, halos nakadikit na sa dibdib ni Ruel, at bigla akong nailang.

"ANGGE!" ang baritonong boses na tila kulog sa loob ng maingay na kusina, at tila umaalingawngaw pa ang gumulat sa akin.

Agad kong binawi ang aking kamay at bahagyang napatalon sa takot.

"S-sir," agad kong sagot at mabilis na lumapit sa kanya. 

Ngayong nasa harap ko ito, saka ko lang napagtanto kung gaano ito katangkad at kamaskulado. Tila isang hari ito sa kanyang kinasasakupan, at ang tangkad ni Ruel at Arthur naging ordinaryo nalang.

"Anong ginagawa mo rito?!" madilima ng anyong tanong nito.

Dumaan ang naniningkit nitong mga mata sa aking balikat, at malamig na nagsalita.

"Come to my office!" galit nitong utos ng hindi ko parin ito sinasagot. Ang aking puso, gustong kumawala mula sa aking dibdib dahil sa sobrang pagtambol nito.

"Could you please send us some lunch in my office?!" maawtorisadong utos nito sa kung sinuman sa loob.

Para namang tumigil ang orasan at aksyon sa loob ng kusina, pati ang aking paghinga sa presensya ni Sir Kristoff.

"Yes, Sir!" narinig kong sagot ni Ate Leli.

Saka walang salitang hinawakan ako ni Sir sa aking palapulsuhan, at mabilis na hinila palabas ng kusina.

Mabibilis ang hakbang ni Sir, hanggang sa pangalawang palapag kung saan ang pinakaopisina niya.

Nang makapasok kami sa loob, bumungad sa akin ang napakaluwang na kwarto. Malalaki ang mga salamin, at nakikita ang magandang tanawin, nakaharap sa nagtatayugang mga magagarang gusali.

Napatingin ako sa kanya ng marinig ko ang pagsara ng pintuan.

Nakapamaywang ito, at madilim ang anyo.

"You're not working in the restaurant. You're working with me!" galit nitong angil na tila oso. At hindi parin nagbabago ang malamig nitong titig sa akin.

"Alam ko po," nahihiyang sagot ko, at lalong lumalaki ang aking kaba dahil baka sisantehin nito ako. Alam kong galit na ito kanina pa. Hindi ko alam kung bakit siya nagagalit, siya itong nagsuhestyon na umupo sa hita niya.

"Bigla nalang kasi kayong nawala. Ayaw ko naman na masayang ang ibinabayad niyo sa akin kung nakaupo lang ako sa tabi at naghihintay ng oras," paliwanag ko at halos hindi na iyon lumabas sa aking bibig dahil sa hina ng aking tinig.

Narinig ko ang pagpawala nito ng marahas na paghinga.

"Sit down, Angge," aniya, at saka ko lang napansin ang mga magagarang upuan na gawa sa leather na kulay krema.

Autbiling lumapit ako sa sofa, at umupo. 

Nang tila lumubog ang aking puwitan sa napakalambot na upuan, hindi ko maiwasang magpawala ng isang maluwalhating hininga.

Napakasarap sa pakiramdam ang upuan.

"Just sit there, and wait for me. Do nothing!" utos nito, at inilang hakbang nito ang upuan niya sa likod ng malaking mesa na gawa sa solidong kahoy, at sa ibabaw ng mesa ay ang malaki nitong computer. At may laptop din itong nakabukas, at siya ngayong kaharap niya.

Maya-maya nito akong tinititigan, at saka bumabalik ang tingin sa laptop.

"Nakaharap ang sofa sa mesa niya, kaya't palaki ng palaki ang aking pagkailang.

"Sigurado ka Sir na uupo lang ako? Nakakahiya naman po," sabi ko. Kasi ayaw ko ring nakaupo lang. Lumipat ang aking paningin sa mga nakahilerang mga libro sa kabilang dulo ng kwarto na hanggang sahig at bubong ang laki, at buong dingding iyon sa kaliwa. 

"Pwede ko hong linisin itong opisina niyo," suhestyon ko.

"I said, just sit there!" angil nito, at muling nagtipa-tipa sa laptop nito.

Tumahimik muli ako.

"Sir—"

"Stop talking!" pagtatapos nito sa aking sasabihin, at bigla ko namang pinagsalikop ang aking bibig.

Naiihi lang naman ako.

Ilang minuto ang lumipas, at lagi kong nahuhuli siyang nakatitig sa akin. Pero hindi ko mabasa ang anumang emosyon ang nasa mukha nito.

Ihing-ihi na talaga ako.

May tatlong pintuan sa loob ng kwarto. Sa hindi malayo sa akin, sa bahagyang kanang bahagi ay isang pintuan, sa likod ko lang, at dalawang pintuan katapat ng bookshelves.

"Sir," tawag kong muli sa kanyang atensyon.

Tumaas ang tingin nito sa akin, ngunit walang salita mula rito.

Nag-iinit ang aking mukha at hindi ako mapakali dahil ihing-ihi na ako.

Atubiling nagsalita ako habang nilalapirot ko ang aking mga daliri. "Ihing-ihi na ho ako," mahinang usal ko.

Tumigas ang anyo nito, at saka galit na napasandal sa kanyang kinauupuan.

Shoot!

Nagalit mo si Sir, Angge!

.............


Continue Reading

You'll Also Like

124K 16.4K 35
#Book-3 Last book of Hidden Marriage Series. 🔥❤️ This book is the continuation of the first and second book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If...
5.6M 230K 68
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
796K 80.1K 55
3 lives got entangled due to the twisted Destiny...... Vidyut Rajvanshi married his college sweetheart Sanjana and was leading a happy life ......bot...
553K 35.2K 71
"Sshhhhh....." he hushed and pinned us against the wall leaving no space between us. I held onto his biceps with my hand in reflex. He shook his head...