MONTGOMERY 7 : Free Fall

By SilentInspired

611K 15.6K 2.8K

Si Liazabel A. Cabildo, isang babae na may ginintuang puso. Kilala siya hindi lamang sa taglay niyang kabaita... More

Montgomery Series
Simula
Unang tugtog
Ikalawang Tugtog
Ikatlong Tugtog
Ika-apat na Tugtog
Ika-limang Tugtog
Ika-anim na Tugtog
Ika-pitong Tugtog
My heart speaks
Ikawalong Tugtog
Ika-siyam na Tugtog
Ikasampung Tugtog
Ikalabing-isang Tugtog
Ikalabing-dalawang Tugtog
Ikalabing-tatlong Tugtog
Ikalabing-apat na Tugtog
Ikalabing-limang Tugtog
Ikalabing-anim na Tugtog
Ikalabing-pitong Tugtog
Ikalabing-walong Tugtog
Ikalabing-siyam na Tugtog
Ikadalawampung Tugtog
Ikadalawamput-isang Tugtog
Ikadalawamput-dalawang Tugtog
Ikadalawamput-tatlong Tugtog
Ikadalawamput-apat na Tugtog
Ikadalawamput-limang Tugtog
Ikadalawamput-anim na Tugtog
Ikadalawamput-pitong Tugtog
Ikadalawamput-walong Tugtog
Ikadalawamput-siyam na Tugtog
Ikatatlumpung Tugtog
Ikatatlumput-isang Tugtog
Ikatatlumput-dalawang Tugtog
Ikatatlumput-tatlong Tugtog
Ikatatlumput-apat na Tugtog
Ikatatlumput-limang Tugtog
Ikatatlumput-anim na Tugtog
Ikatatlumput-pitong Tugtog
Ikatatlumput-walong Tugtog
Ikatatlumput-siyam na Tugtog
Ika-apatnapung Tugtog
Ika-apatnaput isang Tugtog
Ikaapatnaput-dalawang Tugtog
Ikaapatnaput-tatlong Tugtog
Ikaapatnaput-apat na Tugtog
Ikaapatnaput-limang Tugtog
Ikaapatnaput-pitong Tugtog
Ikaapatnaput-walong Tugtog
Ikaapatnaput-siyam na Tugtog
Ikalimangpung Tugtog
Ikalimangput-isang Tugtog

Ikaapatnaput-anim na Tugtog

2.4K 81 28
By SilentInspired

Hi Inspirados! Malapit na ito mag tapos, hope we all have a last hold before letting this story go.

I have a lot of things to say pero sa dulo na nitong kwento, let me share this chapter to you first as I cried a lot writing this.

This story means so much to me. Pain and love. Sobra sobra ang bitbit ko sa kwentong ito, hindi ko matapos tapos noon... pero ngayon handa na ako.

Pangalawang pag iisa

"Mamshie, kamusta po kayo diyan?"

Kinuha ko ang kubyertos at nag simulang kainin ang hinandang pagkain.

Kaharap ko ang aking laptop para sa weekly-catch up ko kasama ang pamilya ko sa Singapore. Si Mamshie at Kuya Aki ang nasa frame ngayon.

"Okay naman, nag ikot-ikot lang kami ulit kahapon, anak."

Pinagmasdan ko siya ng kaunti at napansin na sa bawat linggo na nag uusap kami ay paaliwas ng paaliwalas ang itsura niya. Napangiti rin ako at napatango habang kumakain.

"For sure sa Universal Studios na naman po kayo pumunta?" Pang-aasar ko dahil maya't maya ang punta nila roon— hindi nag sasawa.

Natawa si Kuya Aki at parang batang pinalo na naman siya ni Mamshie sa braso.

"Eh... sa... paborito ko roon..." naiinis na depensa niya.

"I-sesend ko sayo ang mga pictures niya, bunso. Nang makagawa ka ng collage, per week, same pose, same place, iba lang ng damit." Hirit pa ni Kuya Aki at mabilis na tumakbo habang tumatawa dahil kita ko ang inis niya.

"Itong mga kuya mo, simula ng dumating ako rito, parang bumalik sa pagkabata! Pinapa-init lagi ang ulo ko." Gigil na sumbong ni Mamshie.

"Mamshie, na-miss ka lang po nila."

Napasandal si mamshie sa kina-uupuan niya. Mataman niya akong tinignan, napansin ko ang nag babadyang luha sa kanyang mga mata.

Naalarma ako dahil doon. Bakit siya naiiyak?! May masama ba siyang nararamdaman?

"Are you okay, mamshie?"

Maagap siyang tumango kahit na miserableng nagsitakasan ang mga luha niya. Nadurog ang puso ko habang tinitignan siya. One thing I have learned while watching her battle everything that has happened is... she loves fiercely and silently at the same time. Kayang kaya niya pag sabayin iyon at hindi ko alam kung paano, she is just so amazing.

My mom is amazing.

"Do you miss papshie?" Tanong ko.

Wala si papshie ngayon dito, nasa Pampanga. He is busy taking care of lola and lolo, pero sa tingin ko higit pa roon ang dahilan. Nandoon siya dahil...

Hinihintay niyang umuwi si mamshie at naiisip niya na roon siya una pupunta.

I have realized a lot about love watching them. Ang pag ibig ay kaya mag iba't ibang anyo, it can show in the happiest days of your life, it may even show when you are confused, lost and miserable. But... it can also show amidst anger, minsan ito pa ang tutunaw doon.

Umiling siya. "Oo, pero... I just wished I was there... with you," aniya.

"When you're ready. Nandito lang naman po kami, basta pag handa ka na po."

Napatingin siya sa orasan. "Osya, I have to go, mamamasyal pa kami ng mga kuya mo."

Hindi niya ako hinintay sumagot at mabilis pinatay ang tawag.

Nalaglag ang panga ko nang maiwan sa video call namin. Pinilig ko ang ulo ko at sinara nalamang ang laptop. Kasabay 'non ay ang pag doorbell, agad kong tinignan ang monitor para sa cctvs, upang tignan kung sino ang naroroon at napatayo nang makita si Angelo roon.

Agad akong lumabas at napasinghap nang makita nga siya roon.

He looks better now.

Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa, sinisiguradong siya nga ito at sumilay ang ngiti ko nang mapatunayan iyon sa sarili.

He definitely looks better compared when I last saw him.

"A-angelo... anong ginagawa mo rito?"

Medyo matagal na simula noong huling kita ko sa kanya, noong huling usap namin sa tapat ng university.

That night...

Napayuko siya at marahan kinagat ang pang ibabang labi niya. Sandali siyang tumahimik at pinag bigyan ko siya. I want to be patient with him, as much as I can.

"Si C-clyde..." basag ang kanyang tinig nang mag angat siya ng tingin sa akin.

Umalsa ang kaba sa aking puso. Nanginig ang aking mga kamay. Iba't ibang imahe ni Clyde ang dumaan sa isip ko.

"What? What happened to him?"

Hindi ko na napigilan at humakbang ako palapit sa kanya. Inabot ko ang kamay niya at bahagya iyon niyugyog para sagutin ako.

His eyes were teary as it looked at me.

No...

Dalawang araw ko na hindi nakikita si Clyde dahil sumama siya sa Camiguin para tignan ang lead doon tungkol sa kaso noong babae... Ritzelle, I think is her name. Kasama niya si Kuya Dos, Kuya Adrian at Kuya Carl, I think Kuya Evander followed too dahil inuwi ang mga bata kina Tita Pin kagabi. They used Kuya Markus' private airplane to go there.

May nangyari kaya? Maybe... maybe... an accident happened?

O baka naunahan sila noong mga lalaking nag hahanap doon sa babae?

I am unsure! I need answers!

"Sumama ka nalang sa akin..." he tried to calmly say.

Natataranta akong tumango. Hindi na ako nag palit, kahit na naka bedroom slippers pa ako ay sinara ko ang pintuan ng bahay at tinakbo ang papunta sa sasakyan ni Angelo.

Nagulat ako nang makita ang pamilyar na babae roon.

"Hi."

Ngumiti ako. "Hi?" Anong nangyayari?

"I am Fritz by the way, I was asked to drive." Casual niyang imporma.

She is Tulip's cousin I think? Sa pagkaka alala ko iyon ang kwento ni Clyde sa akin.

This is that bad? Na pinsan pa ni Tulip ang sumundo at magmamaneho? Kasi hindi kaya ni Angelo? Dahil malala ang nangyari?

Walang nakapunta sa kanilang lahat, ibig sabihin ay kasama nila siya? Malala ba? Parang gusto ko nalang paliparin itong sasakyan papunta sa kanya!

Umupo si Angelo sa passenger seat at ako sa back seat. Tahimik lang ako habang pinipigilan ang sarili mag isip ng kung ano-ano.

"Angelo... a-ano ba nangyari?" Subok kong tanong kahit na alam kong hindi siya kikibo.

Just like what I expected, wala siyang sinabi.

Mabilis ang naging byahe, magaling mag maneho ang pinsan ni Tulip. Nakarating kami agad sa lugar kung saan ako dinala ni Clyde noon, kung saan naka parada lahat ng helicopters nila.

Mabilis akong bumaba nang makita si Kuya Carl at Kuya Dos na nag hihintay.

Halos madapa ako sa pag takbo.

Umihip ang hangin at hinipan nito ang maliit kong buhok.

I am at my brim!

I have to see him now! Okay man siya o hindi, dapat makita ko siya! Dapat nasa tabi niya ako, baka manghina 'yon kung maramdaman niya na wala ako...

Oh God... I pray... I pray that he is okay. Please don't take him from me.

I beg. I pray.

Agaran ang pag bukas ni Kuya Dos ng pintuan ng helicopter. Agad akong sumakay doon at hinintay na sumakay din sila. Hindi na ako nag tanong, talking will slow us down! And I have to see him now!

Kuya Dos and Kuya Carl flew with me, habang hindi ko na napansin kung nasaan si Angelo at ang pinsan ni Tulip.

Nakatingin lamang ako sa baba habang bumabyahe, puro tubig lang ang nakikita ko. Papunta ba kaming Camiguin? Naroroon pa rin ba siya? Kuya Adrian is not here? May nangyari nga?

Tahip tahip ang kaba sa aking puso. Hindi na napigilan umagos ang mga luha sa aking mata. Napahawak ako sa aking puso at mahinang humikbi. Parang gumuho ang lahat sa akin habang naiisip ang lahat ng posibleng nangyari kay Clyde.

Hindi ko kakayanin.

I will really lose it if something bad happened.

Mahal na mahal ko siya.

He is my best and if something bad happened, I'll be nothing.

Our travel went about forty to forty-five minutes. Lumapag kami sa isang lugar kung saan nag sasakay ang mga bangka papunta sa isla. Minsan na akong nakapunta rito noong sinubukan kong mag solo travel.

We're at Camiguin.

So something really happened? Nandito pa rin siya... hindi na umabot sa Maynila? Hindi ba nila siya mauwi? Ga'non kalala?

Sumakay kaming tatlo sa isang bangka, nakita ko na nakasunod na sa akin si Angelo at Fritz.

Fritz was casually talking to Angelo, mas nalito tuloy ako sa mga pangyayari, parang wala itong pag-aalala. Si Angelo ay tahimik lamang, tango at iling ang sagot.

Tumagal ng trenta minutos ang byahe namin. Kalmado ang dagat kaya maganda ang naging takbo ng lahat, malayong malayo sa nararamdaman ko.

Malayo pa lang ay naaninag ko na ang isla. I saw a wooden board that said 'Mantigue Island'. Si Kuya Carl ang naunang bumaba at nilahad niya ang kamay ko para alalayan. Seryoso lamang ang tingin niya sa akin habang si Kuya Dos ay ngumingisi na.

Pinalibot ko ang tingin ko

Puting buhangin, gradient water... maputi hanggang maging kulay asul, sakto lamang ang tirik ng araw, hindi mainit at hindi malamig. Hula ko ay kalahating oras pa at ba-baba na ang araw.

Umihip ang hangin kaya sumunod pati ang mga suot namin. Ngayon ko lamang napansin na naka light blue sila na polo, naalala kong ga'non din ang suot ni Angelo kanina. Ako naman ay naka pangbahay pa, puting fitted tank top at cotton shorts.

"Kuya Carl, nasaan po si Clyde?" Lakas loob kong tanong.

Bago pa ako sagutin ni Kuya Carl ay may pumalibot na tela sa aking baywang. Nagulat ako nang makita si Fritz na ginawa ang gusto niya. May hawak siyang crochet long skirt na kulay puti, hanggang sa sakong ko ito. Pinaikot niya ito sa baywang ko at tinali para mapirmi.

"I guess you won't need this anymore," tinaas niya ang isang crochet top na off shoulders, kulay puti rin ito.

Lumapit si Angelo sa akin at umurong si Fritz para bigyan ng daan si Angelo.

Inabot niya ang braso niya sa akin.

Napaawang ang labi ko. Hindi pa na po-proseso ng utak ko ang nangyayari pero parang nagkaka-ideya na ako.

Basa pa rin ang aking pisngi dahil sa pag-iyak ko kanina, pero bagong batalyon ng luha na naman ang tumulo roon.

"You're always crying in front of me," makabuluhan na komento ni Angelo.

Imbes na kuhanin ko ang braso niya ay binato ko ang sarili ko sa kanya para yakapin.

My bestfriend...

"Angelo..." basag ang aking boses. "I am sorry..." hirap na hirap kong sabi.

Umiling ako na para bang kulang pa iyon.

"I am so sorry..." bulong ko.

Pinaikot niya ang braso niya sa aking baywang at niyakap ng mahigpit. Umiyak lamang ako sa kanyang bisig hanggang makalma ako. Pinanood kami ni Kuya Carl at Kuya Dos. Si Fritz naman ay nag titipa sa kanyang cellphone.

"Let's go, we don't want them to wait much longer." Bulong niya habang pinapatahan ako.

Tumango ako at tinanggap ang kamay niya.

"Baka isipin niya pa ay na-kidnap kita." Subok na biro ni Angelo.

I know he is just trying to make things lighter between us.

And... I appreciate that.

Alam kong hindi ako presentable ngayon, I don't even remember if I brushed my hair today! Mugto pa ang mga mata ko at hindi mapigilan humikbi habang nag lalakad kami papunta sa hindi kalayuan na parte ng isla.

I saw petals laid out as a pathway for the aisle. May judge sa gitna na nag hihintay. Simon was beside Clyde in front, waiting for us. Si Tulip ay nakatayo sa kabilang gilid nila.

Inabutan ako ng bouquet ni Fritz bago lumakad at tumayo sa gilid ng pinsan.

Napasinghap ako. Naisip ko na 'to kanina noong bigyan ako ni Fritz ng crochet skirt, pero iba pa rin pala pag nakita ko.

Ngayong nakikita ko si Clyde, he was smiling while crying... mas naging miserable ang pag-iyak ko!

I whimpered and cried harder. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang likuran ng aking palad.

Sobrang sakit ng puso ko dahil sa saya!

This is the second time he is marrying me! The first time counts for me! Kasal na ako sa kanya, noon pa, sa chapel pa lang... alam kong kasal na kami.

Naka puti siyang longsleeves na button down. Naka puti rin siyang pang ibaba. Ang gwapo-gwapo niya sa harapan ko ngayon, lagi naman.

Mukha siyang anghel, dahil isa talagang anghel, siya ang anghel ko.

Bagay na bagay sa kanya ang puti.

"Let me walk you to him... as I should..." ani Angelo.

Tumango ako. "Are you sure?" Not breaking eye contact with Clyde.

Ayoko siya mawala sa paningin ko. Masyado ko siya namiss! At... masyado niya ako pinag-alala!

"I have never been so sure, Lia. Sa lahat ng nangyari, ito ang pinakasigurado kong gagawin ngayon." He breathed.

That was the moment I looked at him. Kita ko roon ang pamamasa ng mata. Pero this time, hindi masakit para sa akin, sana sa kanya rin. Kung masakit man, sana hindi na ga'non tulad ng dati, sana nabawasan kahit konti.

It was selfish thing to ask but I will pray for that everyday. Hanggang pwede na kami maging mag kaibigan ulit. Kahit hindi sa buhay na ito, kahit sa susunod pa, hihintayin ko.

"Angelo, thank you." Bulong ko.

Umiling siya. "No, thank you, Lia. For everything. For loving me... and for being there for me even when you were hurting. Sa ating dalawa, ikaw ang naging mature para sa pagkakaibigan natin. Noon man hanggang ngayon. I am still in the process of healing but I know I will get there. Malayo pa pero makakarating din."

"Angelo, hindi ka na mawawala pa sa puso ko. Mahal kita at hindi na mag babago 'yon. You are my bestfriend, sabi nga nila... half of our lives were spent together, and they were right, nobody could erase that. Ngayon, may ibang daan lang para sa ating dalawa, daan kung saan mas makakapagmahal tayo."

"I know..." he gasped. "... I know that now. Kaya nang malaman kong may ni-handa si Clyde na ganito, I knew I wanted to be the one to bring you to him. Kahit dito lang."

Mariin siyang pumikit at gumuhit ang sakit sa mukha niya.

"... I hate to admit it but, kung papipiliin ako kung kanino lang kita mapapagkatiwala, sa kanya 'yon. He is the only man I know that could love you best."

My heart ached as I look at him and listen to him.

I will always try to listen to him, hanggang bumuti ang pakiramdam niya. I will walk this through with him, bilang kaibigan, sa paraan na makakatulong sa kanya. I will try to do what I failed to do before.

"Let's go? Let's walk together... just like before." Anyaya ko sa kanya.

Pinisil ko ang braso niya at ngumiti sa kanya.

His lips rose and formed a smirk.

Tumango siya at iginiya na ako papunta sa gitna.

Muli kong tinignan si Clyde at nangiti ako nang tumugtog ang isang tugtogin na mas nagpa-iyak sa akin. Sana ay hindi kami kuhanan ng litraro! Siguradong sobrang pangit ko kung ga'non!

The day we met
Frozen I held my breath~

Tulip sang, pero hindi niya ito matuloy dahil sa pag hikbi.

Right from the start
I knew that I'd found a home for my heart
Beats fast
Colors and promises
How to be brave?
How can I love when I'm afraid to fall?
But watching you stand alone
All of my doubt suddenly goes away somehow~

Agad naman siya sinalo ni Fritz. She continued singing for us.

I heard him sigh. "It's nothing. Ano ka ba? You can always call me. Merry Christmas."

Habang nag lalakad ay dumaan sa ala-ala ko ang lahat ng mga pinagdaanan namin. Lagi ko iniisip na kalahati ng buhay ko ay si Angelo ang kasama ko, at totoo naman iyon, pero sa kabilang banda, naroroon din lagi si Clyde, minamahal ako kahit sa malayo.

Natigil ako sa pag-iisip nang may mag-salita sa tabi ko. Doon ko lamang napansin na nasa tabi ko na si Clyde at binuksan na niya ang pintuan ng kotse para sa akin.

He will do things for me that I don't even realize I need...

"Okay. I'll do grocery here too."

"Every week. On this day."

"At two o'clock."

My heart grew comfortable with him, it made him its home, and loving him felt the same as breathing.

Malalakas lahat ng tira ni Angelo, parang hindi napapagod habang ang mga kasama ay hindi na alam ang gagawin. My eyes rested on Clyde, seryoso lamang siyang tumatanggap ng mga tira ni Angelo. He was calm as he plays at kahit na sinusuportahan siya ni Agatha sa mga tira, I noticed that he claims the strongest hits.

Pulang pula na ang braso ni Clyde sa mga natatanggap na tira pero binabalik niya ang bola ng maayos.

He accepted a lot from the people around us, even from his cousins, para lang sa akin. I will never ever wish from him to choose me pero pinaramdam niya sa akin na walang ibang option, na sa dulo, ako talaga ang para sa kanya.

It has always been me for him.

"Bitawan mo siya, or else I won't understand you anymore." Dagdag na banta ni Clyde.

Kilala ko siya, sa mabuti niyang puso ay handa siya gawin ang para sa mga pinsan niya, kapatid at buong pamilya. He will silently fight and take a bullet for them, pero hindi ang pakawalan ako. Pinatunayan niya sa akin na hindi masamang piliin ang sarili.

Pinakita niya sa akin kung paano pwede mag mahal ng tama, hindi maiiwasan makasakit pero susubok pa rin na baka sa huli ay matanggap din.

"I want to be mature... pero..." He exhaled. "...he really is pushing my buttons when it comes to you..." his voice quivered from what he said.

Pinatunayan niya na hindi namin kailangan humingi ng permiso sa iba para magmahalan, pero dahil mahal namin ang nga nakapaligid sa amin... tama lang na ipaalam ito sa kanila. We can only wait for them to accept it.

He knew how to love kindly.

Magiging masaya sa mga taong sasamahan kami, mag hihintay para sa mga taong hindi pa kami kaya samahan.

"Call me names, paniwalaan mo ang gusto mo paniwalaan, throw tantrums, punch me if you like, I don't care, Angelo. 'Wag lang siya." Aniya, binibigyang diin bawat salita. "I can't let you touch her. Not my world. Because, I'll cut every gravity between the both of you."

He bared his soul to me, showing me how much he loves me. He wanted to give me a choice, to let go, to try and come back to the person I once loved. That's the kind of person he is, mapagmahal, mapagparaya, lalaban pero hindi ka ikukulong.

His love might not be for everybody.

But it is my kind of love.

He gasped for air and looked down. "Akala ko naiiba ako sa kanila, because my family is... somehow... selfish when it comes to their..." he stopped as if he can't find the right words to say and shook his head. "But I found out that I am so damn fucking selfish too."

Minulat niya ako sa mga bagay na hindi ko maintindihan. Kahit sa mga bagay na hindi ko pa handa intindihan ay naroroon siya.

He was my reason when I can't comprehend. He was forgiving when I can't even forgive. He was my rock when I can't stand.

"But... you have to hear him out. Minsan, kahit gaano pa kasakit ang katotohanan, kailangan natin 'yon tiisin at harapin para na rin sa sarili natin. Your father is still you father, Zabel. Ano man ang takot mo sa maririnig sa kanya, don't forget the relationship between you two." He whispered as he give me light kisses on my hair.

"But..." I barely said.

"Sometimes, when people do things that caused us pain, nakakalimutan natin ang mabubuting pinagsamahan. Please try to listen to your father first. I know you know him better and you know deep in your heart he deserves to be heard."

He was there for so long, minamahal ako. Minsan pakiramdam ko kahit gaano ko pa siya katagal mahalin, kahit na ibigay ko ang lahat ng mayroon ako ay hindi sasapat dahil milya-milya ang layo niya sa akin.

Malayo kasi kakaiba siya mag mahal.

"Fifteen years ago... o ngayon man."

Fifteen years ago?

"I am always the man who can't be moved when it comes to you,"

Everyone will be proud of his kind of love. I am proud of him. But I want to work hard to deserve it, I want to try to atleast give him what he deserves, dahil madudurog ako pag hindi ko iyon nagawa.

"Do you know where I got that 'Miss' endearment?" Pabulong niyang tanong.

"It's my dad's endearment to my mom..." malambing niyang bulong.

He was always so sure about me...

"I was willing to pay just to have you love me... kahit sa panaginip lang." Napapaos niyang sabi."Hindi ako makapaniwala..."

"It was a free fall, Clyde."

Handa siya mag bayad para lang magkaroon kami ng tyansa. Hindi niya alam, hindi siya mahirap mahalin, nahulog ako ng walang kahirap-hirap, higit pa sa kaya niya hilingin para sa sarili niya.

It was always a free fall when it comes to him.

"I am sorry. I know I have been selfish. Pero believe me when I say na ginusto ko naman sila mag-usap noon. I made ways for them to talk... I almost handed him the woman I love the most... basta sabihin niya lang sa akin na mahal niya pa rin si Angelo. Pero..." nagulat ako... ang lahat nang unti-unting bumaba at lumuhod si Clyde sa harap naming lahat.

Siya ang tipong kahit alam kong mataas at delikado, tatalunan ko pa rin, lalo na at sigurado ako na sa dulo ay siya ang sasalo sa akin.

That is the kind of love he gave me.

A love so sure. Full of trust. Never doubts.

Akala ko hindi na maaari mangyari 'yon, lalo na sa mismong tahanan na meron ako ay nasira dahil sa tiwalang nabali, pero walang kahirap-hirap niya akong binalik sa pagtitiwala.

"I knew you would be a Montgomery." Bulong niya.

"I just never knew that I will be your Montgomery..." mas mahina niyang sabi.

"Though maybe... at one point, kahit makasarili, hiniling ko na ako." Mas napapaos niyang pag-amin. "

I didn't trust love that much, it was him who I trust. He is the reason why I trust love, lalo na kung sa kanya galing iyon at sa kanya ko iyon ibibigay.

Ang pagtitiwala, samahan ng pagmamahal ay ang napakatibay.

"You deserve the world."

I bit my lower lip to stop myself from crying.

Pinakiramdaman ko ang pintig ng puso niya. Napangiti ako nang maramdaman na malakas ito at mabilis. It sings to me, and I hope he hears mine.

"You deserve every good thing, Clyde."

"You're every good thing to me, Liazabel." Bulong niya.

Hindi niya namamalayan na 'yon ang tahanan na binubuo niya sa akin sa bawat araw na nabubuhay ako kasama siya.

Our love is our home. He is my home. He built that unknowingly. Kaya kahit saan ako mapadpad, saan man kami mahulog, saan man kami makarating ay ayos lang.

Because with him, it will always be a free fall.

He will always be home.

Continue Reading

You'll Also Like

352M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.4M 19.7K 42
Dice and Madisson
260K 8.8K 24
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...