Oh Sehun's Child

dyonn1e tarafından

701K 23.1K 7.2K

Oh Sehun has two secrets: one was he had never been single in his entire idol career as opposed to what the w... Daha Fazla

prelude
intro
01
02.
03.
feel d' fury
04.
05.
06.
07.
08.
09.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
shameful promotion
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.

30.

7.1K 365 117
dyonn1e tarafından

remember #osehuncwp

     

thirty.

      

Huminga ako ng malalim bago ko lingunin si Donghae hyung. Unang araw ng shooting ko kasama si Donghae hyung at ngayon pa lang, gusto ko nang sumuko. Kanina pa kasi ako minaman-manan ni hyung. Na para bang sinisigurado niya kung ako ba talaga si Sehun o hindi. Wala naman akong magagawa kundi 'yung umamin eh. Hindi ko naman maitatago 'yung totoo sa taong kakilala ko noon pa. Shit. Hindi ko naman kasi inaakala na mangyayari 'to eh.

         

"Bakit, hyung?" Tanong ko.

     

Lumapit siya sa akin at naupo sa harapan ko habang nag-aayos ako ng gamit tsaka siya nagsalita, "... Bakit ka nandito?"

     

Kinagat ko 'yung dila ko dahil ayokong sagutin 'yung tanong niya. Pero naisip ko na rin na kung hindi ko sasagutin si hyung ngayon, paniguradong uulit-ulitin niya lang 'yang tanong na 'yan sa'kin.

    

Hindi ko siya sinagot dahilan para magtanong ulit siya, "Nasaan 'yung iba? Bakit bigla kayong nawala? Ano'ng nangyari? Sehun, bakit..."

    

Hindi ko na tinapos ang susunod na itatanong niya kaya umayos ako ng tayo at tinignan siya ng diretso sa mata.

     

"Hyung, may anak na 'ko."

      

      

      

   

        

  Binato ko 'yung cellphone ko sa kama ko nang mabasa ko 'yung text mo. No? So ganun talaga kita nasaktan ng sobra na 'no' lang 'yung sinagot mo sa'kin.

     

Hinilot ko 'yung ulo ko habang naka-pikit. Bakit ba kasi kailangang magsabay-sabay pa? Bakit kailangan pang umalis ni Luhan hyung? Bakit kailangan ko pang magselos kay Terrence? Bakit kailangan pang magsabay-sabay? Hindi naman ako malakas. Hindi ko kaya 'to ng mag-isa.

        

Huminga ako ng malalim ng ilang beses at kinalma 'yung sarili ko. Pinipilit na ipasok sa utak ko na magiging okay lang din ang lahat.

    

Nang medyo kalmado na 'ko ay tinuloy ko na 'yung pag-ayos sa gamit ko at dumiretso na sa pagtulog. Masyado na siguro talaga akong pagod kaya't nang ipikit ko ang mga mata ko ay nakatulog na agad ako.

   

Nagising ako nang maramdaman ko 'yung pag-yugyog sa akin ni Kai.

   

"Yah, gising na. Ikaw na lang 'yung hindi pa naliligo, ang bantot mo na," aniya. Sinimangutan ko naman siya at binato 'yung unan kong maliit sa kanya pero tinawanan niya lang ako.

   

Good mood ah.

   

Pagtapos niya akong gisingin ay umalis na kaagad siya. Dali-dali ko namang kinuha 'yung cellphone ko para tignan kung may text ka ba o missed callpero wala.

   

Napa-ngiti na lang ako ng mapait. Okay lang, ayos lang.

    

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto dala-dala 'yung twalya ko. Habang naglalakad ay nadaanan ko 'yung kwarto ni Luhan hyung at Xiumin hyung. Paglingon ko dun ay nakita ko si Luhan hyung na inaayos 'yung mga natitirang mga gamit niya sa kwarto nila.

   

Mabilis na umiwas ako ng tingin. What a way to start my day.

   

Nag-ayos na ako ng sarili ko pati ng mga dadalhin ko. Kung tutuusin parang normal na araw lang namin 'to‒ ang kaibahan nga lang, may aalis.

   

*****

Naka-titig ako sa mga fans na pumapasok mula dito sa pinaka-taas ng stadium. Wala lang. Naka-tingin lang ako kasi ganito naman 'yung palagi kong ginagawa bago pa magsimula 'yung concert. Ang sarap kasing tignan. Nakikita ko kasi kung paano kami nagsimula sa wala hanggang sa unti-unti nang nagsisi-datingan 'yung mga taong hindi namin alam na susuporta pala sa'min.

   

Basta. Kung anu-ano 'yung naiisip ko.

     

Pero ngayong naka-tingin ako sa kanila... hindi ko man nakikita ng buo pero alam kong naka-ngiti sila. Nakaka-lungkot lang isipin na baka sa ilang araw lang‒ hindi namin makikita 'yung mga ngiti na 'yon.

     

Naputol ang pag-iisip ko ng tapikin ako ng isang staff.

     

"One hour before the concert start, sir. Pinapa-tawag na po kayo sa dressing room."

     

Tahimik na tumango ako at sinundan siya patungo sa dressing room. Nang makarating kami dun ay nakita kong nagmamadali na silang lahat na ayusan kami at ayusin 'yung ibang kailangan para sa concert. Ang dami din na staff na tumatakbo at pabalik-balik dahil ang dami nilang kailangang gawin. Naupo ako sa gilid at hinintay 'yung stylist ko na ayusin 'yung make-up, buhok, at 'yung suot ko.

     

Pagdating nung mag-aayos sa akin, ay agad-agad niya akong inasikaso. At habang inaayusan niya ako ay biglang nag-ring 'yung cellphone ko na nasa isang mesa.

     

Naka-kunot na kinuha ko 'yung cellphone ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino 'yung tumatawag...

     

Ikaw...

     

Napa-lunok ako at dali-daling sinagot 'yung tawag mo. "N..Nite..."

     

Bago ka pa maka-sagot ay narinig kong sumigaw 'yung organizer, "Five minutes left!!! Exo, dun na sa backstage!!!"

     

Hindi ko 'yun pinansin at pinakinggan na lang ang sasabihin mo. Tinigilan na rin akong ayusan ng stylist ko pero naka-upo pa rin ako dito.

     

"Sehun, nasa'n ka?! Sehun, hello?!"

     

Napa-kunot ang noo ko nang mapansin kong halatang nagmamadali at nanginginig 'yung boses mo. Ang ingay pa ng nasa background ng boses mo. Nasa crowded place ka ata.

     

"Nite, nasa–"

     

"Sehun, hindi kita maintindihan! Sehun nandito ako sa venue ng concert niyo– sabihin mo–"

     

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi mo at mas lalo akong nagulat ng hablutin ni Manager noona 'yung cellphone ko.

     

"This kid is currently chasing after his dream and I'm not gonna let you be one of the distractions. Stop calling him, I suggest. Especially not when he's about to go on stage."

     

"Noona–"

     

Pagalit na binaba na niya 'yung tawag at tinago sa bulsa niya 'yung cellphone ko. Hindi ako makapag-salita. Masyado akong nagulat sa sinabi mo at pakiramdam ko nilalamon ako ng lupa sa sinabi ni Manager noona sa'yo.

     

"I'm not forbidding you to do whatever you want, but you're working and you have to focus on your work, Sehun." Sermon niya. "Ikaw na lang ang hinihintay doon sa backstage... Sehun, you're about to lose another member. At least make this night memorable and perfect for your group."

     

Nag-igting ang mga bagang ko bago ako tumayo at pumunta sa backstage. Namamasa 'yung kamay ko. Shit. Nandito ka. Nite, nandito ka.

     

Natanaw na ng mga mata ko sila hyung na nag-uusap. Habang papalapit ako ng papalapit sa kanila, mas lalo akong natutukso na tumalikod at tumakbo para hanapin ka. Pumikit ako ng mariin at mas binilisan ang paglakad papalapit kila hyung. Nang tuluyan na akong maka-lapit ay inakbayan ako ni Chanyeol hyung at nagpatuloy na sa pagsasalita si Suho hyung.

     

"...kahit ngayon lang. Walang malulungkot, please. Kaya natin 'to."

     

Isa-isa na naming pinagpatong-patong 'yung mga kamay namin. Nagbilang si Suho hyung ng hanggang tatlo bago kami sabay-sabay na sumigaw.

    

"We are one!!! Exo Saranghajja!!!"

     

Dali-dali na kaming nagpunta sa kanya-kanya naming pwesto at habang naririnig namin 'yung intro ng MAMA ay pumikit ulit ako.

     

Nite, sana okay ka lang.

      

*****

     

Pagkatapos na pagkatapos naming magpaalam sa fans at bumaba ng stage ay hindi ko na hinintay na batiin kami ng mga staff dahil sa tagumpay ng concert na 'to. Kahit na alam kong walang naging mali ay hindi ko alam pero hindi ko maituring na tagumpay 'to. Paano ko ituturing na tagumpay 'to kung pagkatapos nito, mawawalan na kami ng isa pang ka-myembro?

     

Kaya umalis ako agad at para hanapin ka. Nag-bow at nagpasalamat na lang ako sa lahat ng staff na nakaka-salubong ko hanggang sa kinuha ko 'yung cap at facemask na nakita ko sa isang tabi. Sinuot ko 'yun para hindi ako makilala ng ibang fans.

     

Halos isang oras na akong naghahanap nun. Kanina pa rin ako tinatawagan nila hyung pero kahit isa, wala akong sinagot. Ang konti na rin ng mga tao dito sa lobby ng stadium.

    

Nasaan ka ba...?

     

Tumigil ako sa paglalakad nang mag-ring ulit 'yung cellphone ko. Alam ko naman na sila Suho hyung na 'to kaya hindi ko na tinignan 'yung caller ID at diretsong sinagot na lang. Sasabihin ko na kasi sana na papunta na ako kung nasaan sila.

     

Magsasalita na sana ako nang marinig ko 'yung boses galing sa kabilang linya...

    

"...Maknae."

    

Si Kris hyung.

     

Binuka ko 'yung bibig ko pero walang lumabas na salita. Nanigas ako sa narinig ko. Ni hindi ko nga alam kung bakit siya tumawag.

    

Pero muntikan ko nang malaglag 'yung cellphone ko sa susunod na sinabi niya.

     

"Kilala mo ba si Nite Stane?"

     

-------------------------

lol hi.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

49.1K 2.3K 36
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
76.4K 2K 71
One school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is...
270K 10K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.