Blood May Leak

By phoenixxsparks

519 37 4

Answers leak and blood will too. Telford University was faltered with scandal when engineering students were... More

Preview
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
News Update
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 6

28 1 0
By phoenixxsparks

Missing

"Where are you going? The car was parked in there, so we still have to go there. My driver's already waiting, so let's go." Elisha spoke as soon as they get nearer the university gate.

"No need na Elisha, we can go home. It's already been days, wala namang nangyaring masama sa amin. Baka panakot lang ata talaga iyon. It could have been a prank." Sagot naman sa kanya ni Archeil.

"Pero Archeil, hindi tayo nakakasegurado..." tugon naman ni Michelle na nasa tabi lang niya. Silang dalawa ang palaging magkasabay pauwi.

"Don't be stubborn guys, sino ba ang pagsasabihan ni Kynn? Ako, hindi kayo!" Maarte sabi ni Elisha.

It has been three days ngunit wala namang nagpaparamdam sa kanila na pananakot o kung ano man.

"It's okay lang talaga really, kaya na naming mga sarili naming." Sambit muli ni Archeil.

Sa tabi naman ay naroon si Michelle na walang imik at nanonood nalang sa kanila.

"'Kay fine, bahala kayo!" Elisha rolled her eyes, not wanting to prolong the small argument. She flipped her hair at kinuha ang kanyang smartphone, tinawagan ang kanyang personal driver.

"Tara sama ka sa'kin, I know stress ka na. Mas stress ka pa ata kesa sakin, loosen up Michelle. Walang mamamatay..."

Bumuntong hininga nalang ang kanyang kaibigan. "Saan naman tayo nito?"

"Secret muna, 'di ka sasama for sure kapag sinabi ko eh."

"Archeil..." Tiningnan lang ni Michelle si Archeil na walang emosyon. Ano na naman kayang naisipang kalokohan ng kaibigan.

Tumatawang sumagot, "Wala hindi tayo magdadrugs ano k aba!" saad ni Archeil at inakbayan ang kaibigan.

"Let me walk you home." Nagulat naman sila nang may tinig sa kanilang likuran.

"Hindi na Fency, salamat sa concern." Ngumiti naman ang dalawa sa kanya. Naisip rin na Michelle na ayos lang naman sa kanya dahil may makakasama silang marunong dumepensa. Iba lang ata talaga ang sadya ng isa kaya ayaw ng may kasama pauwi.

Tinanguan lang sila Frency ng isang beses at naglakad na ito sa kabilang direksyon.

"Tara na, malapit na pala mag-seven p.m." Tumingin si Archeil sa kaniyang relo at hinila na paalis ang kasamang si Michelle.

Hindi paman sila nakakalayo sa campus ay nakita nila ang kanilang Dean at ang propesor na si Sekui. They look like they are arguing but with calm and controlled expression. They are heading to the main gate of the campus. Looking annoyed they are.

Nakilala pa nga sila ng dean at ng propesor, nagtagal ang tingin ng dean sa kanila at nginitian lamang nila ito. Nagtaka naman si Sir Sekui at naglakad na muli ang Dean ng may pagmamadali.

Archeil and Michelle just looked at each other and shrugged their shoulders. It's absolutely none of their business.

"Sana pala nag e-jeep nalang tayo, wala kang awa Archeil ang haba ng nilakad natin." Humihingal na saad ni Michelle.

"Hehe sorry, my bad." Nag-peace pa nga ito.

"Gagawin natin dito?" Sabay na sila ngayong papasok sa loob ng isang pub isa at kalahating kilometro mula sa kanilang campus.

Forbidden Paradise. Iyan ang pangalan ng pub na kanilang pinuntahan ngayon.

"Ano pa ba? Edi mag-a-unwind!"

"Pota, dinamay pa ako!"

Tumawa naman ang kanyang kaibigan dahil narinig na naman nya ang mamahaling mura nito. Agad namang may sumalubong sa kanilang shotglass pagkapasok, isa sa mga kakilala na taga Telford lang din.

Maraming tao sa loob ng bar, karamihan lang din sa mga narito ay ang mga estudyante sa Telford University. Paboritong walwalan nila ito dahil ito lang din naman ang malapit sa kanilang unibersidad. Mamahalin ang mga alak at bakas sa bar na mayayaman ang mga dumadayong tao. Karamihan sa kanila ay medyo lasing na. Iba't ibang klaseng pabango at amoy ng alak ang naaamoy ng dalawa.

"Si Claire ba 'yan?" Turo ni Archeil sa namumukhaang kaklase sabay inom ng beer niya. Mayroong isang babae na may kausap sa kabilang table, mukhang naghaharutan.

"Parang... ay siya nga, si Grant 'yan eh, iyong aviation sa kabilang univ." Sagot naman ni Michelle.

"Waw, parang kanina lang nagsasagot pa 'yan ng quiz ngayon painom-inom nalang."

"You're also referring to yourself."

Tumayo si Archeil upang lapitan ang tinutukoy. "Claire!" Archeil opened her arms to hug Claire. Kumaway naman sya sa boyfriend nito at tinanguan lang siya nito pabalik.

Kumunot naman ang noo ng isa at hindi akalaing may makikita syang kaklase roon na sa pagkakaalam niya ay studious ang mga ito. "Archeil, gaga nandito ka?" Tanong sa kanya ni Claire.

"Ay hindi, hallucinations mo lang lahat ng ito."

"Sinama mo pa si Michelle. Okay lang kayo? Umuwi na ba kayo o galing pa kayong campus? Wala naman bang something suspicious pagpunta niyo rito?" Sunod sunod na tanong ni Claire.

"Wala naman, we're alive and kicking! C'mon pumunta nga kami rito para makalimutan na 'yon. Let's just have fun!" Archeil exclaimed. Sabay naman na nagsigawan ang lahat sa pagpalit ng DJ ng tugtog, mas upbeat iyon. Nagsimula nang magshowdown ng sayaw sa gitna ng dance floor.

1:37 A.M.

"May taxi pa kayang dumadaan dito?" Michelle asked, halatang antok na antok na.

Hindi naman sila masyadong nakainom dahil puro panchichismis lang naman ginawa nila lalo na at kasama nila si Claire na halos hindi magkamayaw ang sinasabi sa sobrang daldal.

"Yeah, ngayon rin kasi ang time na papalabas na ang ibang tao sa FP, may pasok pa bukas ang ibang estudyante."

Papalabas na rin ng club sina Claire, akay-akay siya ng kanyang jowa na mukhang napupuno na sa kanyang pagkapasaway.

"Ingatan mo 'yan pauwi, Grant."

"Of course, where do you go home? You can ride with us. Worry not, I am sober enough to drive right now." Anyaya ni Grant sa kanila.

"Huwag na ihatid mo nalang 'yan, magkaibang direksyon bahay namin sa bahay niyan, saka malayo pa." Turo ni Archeil sa kaklase na pasuray-suray na at nakangiting nakatitig lang sa kanyang jowa, lasing na.

"Are you sure?" Grant asked once again.

"Yeah, worry not. May susundo na rin sa'min papunta na." Panggagaya pa sa sinabi nito kanina.

"Oh okay! Be safe girls. We'll head first." Paalam nya sa kanila.

"Yaayy, car sex!" biglang sigaw ni Claire.

"For heaven's sake, Claire! Just get in the car." Grant said making his girlfriend giggle.

"Tangina, anlaswa! Tandaan mo Michelle, hindi natin kaklase 'yan." Pabirong sabi ni Archeil kay Michelle at inasiman lang nila ng tingin ang kaklase na papasok sa kotse na tumatawa pa.

"Bye, girls! Take care!" Nag-flying kiss pa si Claire sa kanila bago tuluyang pinaharurot ng jowa nya ang sasakyan.

Nang tuluyang hindi na nila matanaw ang sasakyan ay eksakto ring pagdating ng kanilang nabook na taxi.

"Edi sana nakafree na tayo ng pamasahe ngayon, kung hindi ka sana tumanggi. A little ask for help won't hurt, Archeil." Michelle rolled her eyes.

"Gusto ko lang mamuhay mula sa takot, Chelle. I wanna live my life again."

Itim na SUV ang kanilang nabook na sasakyan dahil wala na ring ibang bumabyahe sa mga oras na ito. Nagsimula na silang mangamba ng pagpasok palang nila ay may naamoy na agad sila.

Nagkatinginan ang dalawa. Napansin nilang nakasuot ng face mask na itim at ballcap na itim ang driver ng saksakyan.

"Ay pasensya na po mga ma'am, air purifier lang po ang naamoy niyo ngayon..." Hindi pa man natapos ng driver ay nahimatay na ang dalawa.

While watching what happened in the backseat, the driver smirked behind his mask.

"Dumb ways to die..."











***

Sa isang lumang establisyemento naroon ang dalawang mag-aaral ng 1B. Walang tali, nakahiga lamang sila doon sa marumi at lumang sahig.

"Archeil gising..." Naunang nagising si Michelle at yinugyog si Archeil na napahimbing ang tulog, umuubo sila dahil sa maalikabok na lugar.

"Nasaan tayo?" Tanong sa kanya ni Archeil.

"Hindi ko rin alam..."

"I - I... am so sorry... " Umiiyak na yumakap si Archeil kay Michelle.

"Tumahan ka baka marinig tayo, kailangan nating makaalis dito."

"Pero paano? Hindi natin alam kung nasaan tayo. I dragged you to this situation, I... can't forgive myself."

"Mamaya na 'yan."

Madilim ang paligid wala silang ibang naaaninag kung hindi ang mga sarili nila. Ang liwanag ay nagmumula sa sirang bubong, tanging buwan lang ang kanilang source ng liwanag.

Tumayo sila at nagsimulang maghanap ng pintuan o kahit na anong butas na maaari nilang malusutan.

"Dito Michelle." Bulong ng kaklase.

"Archeil, there's no way out there. Let's go this way." Nagdadalawang-isip man ay sumunod nalang siya.

Bago pa man sila makalabas sa ikalawang silid biglang umilaw ang paligid.

"Welcome to the game, quizzers!" Isang lalaki ang bumati sa kanila. Walang mukha dahil nababalot ang muka nito ng bandage na tanging mata at bibig lamang ang nakikita.

"Anong pakulo naman 'to?" Matapang na tanong ni Michelle. Dahan dahan naman siyang nilapitan ng estranghero.

"You originally do not belong here... but you always stick yourself around. Congrats you are approved to be a player!"

"I didn't assign myself to any of this bullshit. Pauwiin mo na kami!" Sigaw ni Michelle.

"Only if you can answer my question..."

"Give it to me. I can answer it."

Tumawa ang lalaki. Kapansin pansin ang tangkad nito, mukha bang kilala nila ito.

"Sino ka?" Archeil asked this time.

"Hmm? Me? A total stranger!" May nilalaro ito sa kanyang kamay na isang syringe. Kinakabahan man ay pinatatag ni Michelle at Archeil ang kanilang loob. Magkahawak sila ng kamay, kahit ano mang mangyari ay walang maiiwan sa kanila. Ayos lang na mapagsabihan sila ni Kynn at masigawan, makauwi lang sila ng buhay ngayon.

Sa pagkakatanda nila ay nakasuot ito ng itim na jacket, ngayon suot suot na ng estranghero ang uniporme nila sa Telford. May isang napansin si Michelle, kung hindi siya nagkakamali kamakailan lang nya narinig ang boses nito. Kung kaklase ba nila ito? Malabo. Ito ang mga tumatakbo sa isipan niya ngayon. Ang porma nito sa pagtayo ay kilala niya, kung hindi siya nagkakamali sa kanyang hinala... hindi nila ito kaklase. Naisip niya na malakas ang loob nitong hindi gumamit ng kahit anong voice changer.

Bigla siyang kinabahan sa napagtanto. Hindi sila makakalabas dito ng buhay.

"There are a set of rules since there are two quizzers right now." May nilabas siyang piraso ng papel. "Each one of you is given the same question, for the one who can answer first... you can go home safe and sound." The stranger said, prolonging the word 'and'. "Of course no cheating -"

"How can we save both of ourselves?" Seryosong putol sa kanya ni Michelle.

"Aaww.." The stranger made a small voice, touched with words that have been said. "Bond? I am sorry milady, but I despise that. Only one of you can run free." Seryoso niyang tugon.

"How can I trust you?" Tanong ni Michelle na ikinagulat ni Arhceil.

"Michelle, iiwan mo ako rito?" Nanlaki ang mata niya at naghalo halo na ang emosyon. Nagsimula na siyang maghestirya. Tiningnan lang siya nito pabalik, makikitang wala ng natitirang pag-asa sa mga mata.

"Ha! Another drama -" Before the stranger continued his words, Michelle suddenly run towards him and strangle his feet.

"Chelle, no!" Hindi na alam ni Archeil ang kanyang gagawin. Kumuha sya ng bakal sa gilid. Ngayon nya lang napansin na maraming construction materials ang nasa paligid nila. May mga sako ng semento, bricks at hollowblocks, at mga sako sakong graba.

"Wow! I am overwhelmed. For the first time, I am being challenged... by a woman..." The strange guy praised.

Patuloy na naglaban ang dalawang kasama sa loob ng abandonadong guasali na iyon.

Michelle can fight, she studied Krav Maga shortly, but the stranger is exceptionally strong and a genius based on his stance. Palagi siyang nakakaiwas sa mga binabatong sipa at suntok ni Michelle.

"Too slow." He said.

"Archeil, umalis ka na!" Sigaw nito hindi pa rin umaawat sa kanyang sipa at pagbabato ng kung ano ano sa estranghero.

"Hindi!" Nag-aabang na pumalo si Archeil ng hindi sya namamalayan ng lalaki. Bigla siyang napahinto ng isang malakas na pagsipa ang natamo ni Michelle mula rito.

"Enough!" The stranger said getting frustrated. "We ain't doing this. Abide with the rules, there will be no physical fights. You can only get out of here by using your brain." Bawat pagbitaw nya ng salita ay ang pagdampi ng mga sampal nito sa hingal na hingal na si Michelle.

Ang bakal na kanina lang ay hawak na Archeil, ngayon ay nabaluktot na sa sahig. Hindi niya namalayan na nakuha na pala ito sa kanya. Wala na silang magagawa, rinig ang kanilang hikbi at bawat pagdaing sa buong establisyemento, umalingawngaw ito sa bawat sulok.

"Ayoko na! Michelle sumuko ka na... A-ayos lang if I am the one who can't answer the question... Michelle please..." Napaluhod si Archeil sa panghihina. Hindi na nya kayang makita ang sitwasyon ni Michelle na ngayon ay napahiga na sa sahig.

Parang may sumapi sa lalaki at natahimik ito, walang habas silang tinatapunan nito ng iba't ibang materyales pampatayo ng gusali na nakita niya kanina.

Lumapit muli ang lalaki kay Michelle at marahas nitong hinawakan ang mukha.

"You asked for this, right? Why even start a fight when you know you are incapable of? Tsk tsk, disappointing." Hinawi nya ang buhok na nakaharang sa mukha nito. Sa kabilang sulok ng silid ay naroon si Archeil na namimilipit at pilit na tumatayo. Dapat niyang iligtas ang sarili upang makahingi ng tulong.

"Bobo, edi sana sumunod ka kay Michelle kanina, nakahingi ka na sana ng tulong. Mag-isa lang sya, paano nya kami nakaya?" Tukoy nya sa lalaki, bumubulong sya sa kanyang sarili. Lingid sa kanyang kaalaman ay naririnig siya ng lalaking tinutukoy nya. Hindi maipagkakailang malawak ang pandinig nito.

"Pota!" Michelle shouted, trying to choke the strange guy, ngunit sa huli ay nasampal na naman siya nito.

Ngayon ay siya na naman ang sinasakal nito, may kinukuha ito sa kanyang bulsa. While strangling Michelle, his other hand swiftly open the small bottle with ease, para bang sanay na sanay siya sa kanyang ginagawa.

Mabahong kemikal ang sumalubong sa pang-amoy ni Michelle, pinipilit niyang hindi ibuka ang bibig dahil alam niyang sa oras na mainom niya iyon, hindi na siya maabutan ng bukas.

"Stubborn." Ang kaninang nakangisi na estranghero ay sumeryoso ang mukha. Tiningnan niya lang ang babaeng dahan-dahang nawawalan ng malay. "Served you right. I despise rule breakers to the bones..." Tiningnan nya ang isa nitong kasama sa kabilang sulok. Archeil was caught in a trap, like a mouse but in a different way.

Her body was trapped in a metal plate, she probably stepped on the pin designed by the stranger himself. Above it was connected with a string, which was tied in a bucket of formaldehyde mixed with other toxic chemical that causes her unfortunate end.

"You'll end like this, anyways..." Kinapa ng lalaki ang pulso nito at ng maramdamang wala na ngang pumipitik, ipinikit niya ang mga mata nito na kaninay nakadilat, ang tingin ay nasa kaniyang kaklase.

Ang dalawa ay nakahalita... wala ng buhay.

The guy then switched off the lights. "The electricity is still working, I am truly a genius."

There is the dawn, the sky was in a beautiful combination of red and purple as if it was like painted by a talented artist. It was a serene atmosphere in the moon-illuminated abandoned town where he was setting foot. Yes, a town where everything is abandoned; symmetrical houses, hospitals, schools, stores, and an amusement park among all others. The moon still shines majestically, it was like the stranger's vows to the world is now getting its blessing.

He closed his eyes and did the sign of the cross.











***

1st Day Missing

"Sino ang huling nakakita sa kanila?" Kynn asked his classmates.

All of them are now kind of distracted. Their two classmates are not here. Kanina pang umaga hindi nila nakitang pumasok ang dalawa.

"Baka hindi pumasok dahil sa hungover." Napangiting sabi ni Claire.

"You saw them?" Kynn asked her.

"Yes, last night. Nag-inom kami sa FP. Madaling araw na ata kaming nakauwi, as I can remember."

"Baka ka nahungover pa, hindi naman sanay ang dalawa na uminom." Singit ni Skyla.

"Oo nga Kynn, huwag ka masyado mag-alala. Saka hindi mo naman kami obligadong bantayan, you did your best as representative sa section natin."

"I tried my best also para ihatid sila on their way home, ah! They were so hardheaded!" Singit ni Elisha.

"I also offered to accompany them, but they firmly refuse." Frency also shared her last moments with the two.

"I hope they're just fine..." Kynn's greatest disappointment is when his responsibility will go wrong and where he cannot control anymore.



2nd Day Missing

"This is very alarming..." Kyle A nervously said.

"Their parents called the owner of the apartment where they lived. Hindi na raw sila makontak, hindi pa raw sila umuuwi simula noong nakita mo sila Claire sa bar." Skyla informed everybody.

"I already called Agent Mon." Frency nonchalantly said.



3rd Day Missing

"Still no news..."

"Walang inilabas na statement ang university, pilit nilang tinatago ang kaso mula sa publiko!"

"Wala rin naman kasing kinalaman ang univ sa pagkawala ng dalawa, hindi class hours at ang huling beses pa silang nakita ay nasa bar."

"Wala ba silang awa? Missing pstudents ito, kailangan malaman ng publiko baka may makakita sa kanila, makatulong pa!"

Sari-saring ingay ang namayaani sa loob ng silid ng BSCE 1B. Pangatlong araw na ang lumipas ngunit wala pa rin silang narinig na balita mula kay Agent Mon.

Napaayos ng upo ang lahat ng pumasok ang Dean. "We will find your classmates. BSCE 1B... when there is something terrible happened, why it is always your section?" Dean Jays walked-out... unfazed, looking stress but still fresh.

It is already the fourth day, the class received a call from Agent Mon telling that they already found the bodies. The room was filled with frustrations and sobs.

"They are really... gone..." Tulala si Kynn na tiningnan ang kanyang mga kaklase. Karamihan sa mga babae ay umiiyak at ang kanyang mga kaklaseng lalaki ay nakatulala, walang imik ngunit ang mga luha ay patuloy na umaagos.

He saw Eulrich that was also looking at his classmates. Other than him - Frency, Vj, Kyler A and B, Skyla, and also Elisha. All of the names he mentioned in his mind shows no emotion, they are staring to nowhere.

After Agent Mon told them that they can see their classmate, they immediately arrived to the place where the body was found.

Eddystone Public Cemetery

"Sementeryo?" Takang tanonong ng sabay ng kambal na si Ejay at Ajay.

"Nilibing na agad sila?" Lovely was also confused.

"If you just listened to Agent Mon on the call, he said that the dead bodies were found here. Meaning... the serial killer purposely buried them here." Eulrich has spoken.

"You said it so casually, dude..." Joshua uttered.

Nakarating na sila sa pinaglibingan ng nawawala nilang kaklase. Tamang tama rin sa kanilang pagdating ay ang pagbukas ng netso. Sa loob ng netso naroon ang dalawang bangkay na tila hindi nabulok.

"Agent Mon..."

"Hindi kayo namamalikmata, totoong hindi pa nabubulok ang bangkay ni Archeil at Michelle."

"It has been four days, paano nangyaring..." Nasuka ang mga estudyante sa masangsang na amoy ng pinaghalong bulok na katawan at matapang na kemikal.

"Ang baho!" Sigaw ni Kyler B.

Hindi sila nakalapit sa mismong netso na pinagkunan ng mga bangkay. Mayroong caution tape, pulisya at SOCO na nakapalibot sa naturang crime scene.

"Do not move the body yet." Agent Mon ordered the staffs. "The bodies are fragile. They might be intact physically on the outer part, but the smell is coming from the decomposed organs inside the body." Pagpapatuloy niya.

Nagulat ang lahat.

"Maaari po ba iyon?" Tanong ni Kyler A sa ahente.

"Maaari. The chemical is a formaldehyde, a chemical used during embalming a body. Other than that, a highly formulated wax was showered in the bodies. That means... it looks stiff outside but once the body is moved, it will break."

"Ano bang formula natanggap ni Archeil?" Bulong ni Ejay sa kambal.

"I'm not sure, it's like a chemical balancing stuff?" Ajay answered.

"Tinanong ba naman ako pabalik." Ejay whispered to himself.

"Sinabi ko naman na hindi ako segurado 'di ba?" Inis na sagot ng kanyang kambal.

"The killer is a fucking genius!" Skyla exclaimed, which made her classmates looked at her.

"Indeed." Eulrich seconded.

Pabalik na sila kung saan nakaparking ang service na sinakyan nila na pagmamay-ari ng ina ni Elisha. Tulala ang lahat na naglalakad, ang iba ay may iba't ibang teorya sa nangyari, habang ang iba naman ay umiiyak pa rin. Nakuha na sa loob ng netso ang dalawang bangkay. Buong buo pa ang kanilang katawan ngunit tama si Agent Moon dahil noong isang beses na nagkamali ng apak ang isang medic ay biglang may humulpak na parte ng katawan, partikular sa may bandang paa ni Acheil.

Idadaan pa sa autopsy ang mga katawan bago ito mapaglamayan. Kontrebersyal ang kasong ito na hindi naipalabas sa publiko. Ibang klase magtago ng baho ang Telford, walang nakakaalam.

"Formaldehyde, toxic and hydro chemicals..." Mahinag sabi ni Narcilie. "That was Kynn and his group's thesis for the first semester in our engineering chemistry course..."

Ang lahat ay dahan-dahang napalingon sa grupong tinutukoy ni Narcilie.

By the time and the way they look at each other, the invisible string that bonded them is slowly breaking and drifting apart. The trust they have slowly loosens, and the relationship they built as a section gradually cracks.

Could it possibly be that the monster is lurking behind the mask of an innocent fellow? Could it really be one of their classmates? Questions after questions...

Section B will never be the same as it was...





_

phoenixxsparks

Continue Reading

You'll Also Like

12.2K 681 15
Rank #51 in Paranormal 030117 Rank #20 in Paranormal 030217 Tatlong Pinto..... Saan ka dito.
30.1M 996K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
CAMP VACATION (EDITING) By Av

Mystery / Thriller

6.7K 66 53
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination...
7.9M 393K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...