Athena: The Goddess of Violen...

By foolishlaughter

2.2M 44.9K 4.7K

**COMPLETED*** /// WROTE THIS DURING MY THIRD YEAR IN HIGH SCHOOL SO PLEASE DO NOT JUDGE /// She was said to... More

PLEASE READ THIS
Prologue
Chapter One: Concealed Charm
Chapter Two: Water Doors
Chapter Three: The Jerk
Chapter Four: Cursed Eyes
Chapter Five: See What I Can Do
Chapter Six: Epic Dares
Chapter Seven: Jokes For Trouble
Chapter Eight- Jed's Perplexing Encounter
Chapter Nine - Fan Girls Gone Insane
Chapter Ten - The Goddess is Revealed
Chapter Eleven - Lowering My Guard ( Who is 'she'? )
Chapter Twelve - Codename: Vio
Chapter Thirteen - Nerdy's Lost In The Night World
Chapter Fourteen - The Members of The Gang + Discovering 'Gray Eyes'
Chapter Fifteen - Letting Go Is Harder Than Moving On ( 'She' Chapter)
Chapter Sixteen - Don't Ask Me Why
Chapter Seventeen - Playful Fate
Chapter Eighteen - Ending It Where It Started
Chapter Nineteen - Doing It Vio's Way
Chapter Twenty - WHAT. THE. HELL.
Chapter Twenty One - Jedena VS. Kurthena
Chapter Twenty Two - Three Deadly Minutes
Chapter Twenty Three - Love Is In The Air
Chapter Twenty Four - He Came Back
Chapter Twenty Six - Hell Broke Loose
Chapter Twenty Seven - It's Just Beginning
Chapter Twenty Eight: Athena is Vio
Chapter Twenty Nine - Bitter Sweet Goodbyes
Chapter Thirty - Jedena
Chapter Thirty One - Alvarez Siblings
Chapter Thirty Two - Sabotaged School
Chapter Thirty Three - Eagles
Chapter Thirty Four - Vulnerability of Both Sides
Chapter Thirty Five - Do You Love Him?
Chapter Thirty Six - I am His
Chapter Thirty Seven - Kurt Learns About Everything
Chapter Thirty Eight - ABDUCTED Part I
Chapter Thirty Nine - ABDUCTED Part II
Chapter Forty - Hurting Still
Chapter Forty One - Truth Hurts
Chapter Forty Two - A Favor and a Choice
Author's Note (Edited Chapters)
Chapter Forty Three - Something New
Chapter Forty Four - Kurthena
Chapter Forty Five - We Meet Again
Chapter Forty Six - The Eye
Chapter Forty Seven - True Love
Chapter Forty Eight - I Love You
Chapter Forty Nine - The Goddess' Tale
Epilogue
Caught In A Scandal With Mr. Matinee Idol

Chapter Twenty Five - Suddenly He's Dangerous

40.9K 825 76
By foolishlaughter

Athena's POV

New week, new day at school.

Tokneneng na Jed yan, nakitulog sa bahay pero pag-gising ko umalis na. Kawalan nga naman ng manners oh! Di man lang nagpaalam o kaya thank you?

May isa pang problema! Takte yan. Umagang-umaga flashflood naman yang mga problema. Tambak-tambak kasi e. Di uso sakanila one at a time, kumbaga parang pila sa LRT o MRT, unahan at siksikan. E bat naman kasi hindi sila magbigay ng space okaya time allottment para mapahinga yung utak ng tao. Napaka-insensitive ng mga problema! Psh.

"KURT! Kurt naman kase." Tawag ko sakanya. Asa hallway kami, dami ngang nakatingin e. Pero wapakels. Ano pa bang mas malalang magagawa ng mga usisero't usiserang insecure bukod sa ipakidnap kami?

Speaking of.

Litsing Cynthia yan, ang sabi niya gising na daw siya isang oras bago yung sleeping time namin kagabi. Bale, 3 hours ko ng pinagtitiisan kakulitan si Jed non. AT! Sabi niya nakikiramdam lang daw siya kasi nanlalambot yung katawan niya, tsaka daw enjoy daw kami panoorin. Yung totoo? Literal na live show?

"Kurt naman oh!" Maktol ko. Tuluy-tuloy lang kasi siya sa paglalakad, alam kong dinig niya ko pero hindi niya ako pinapansin. HAY.

Inayos ko yung pagkahawak ko sa bag ko. Para kasing biglang bumigat, taena kasi tong pasa na may sugat sa kanan kong balikat e. Right-handed pa man din ako, hirap magkunwaring walang diperensya katawan ko sa mga oras na to!

Nang wala anu-ano'y may humarang sa harapan ko kaya tuluyan ng nawala sa tanaw ko si Carter.

"Yan na nga ba sinasabi ko e, napakalandi." Saad ni Stephanie, na sinundan ng mga pag-aagree ng kanyang mga alipores.

Inirapan ko siya, wala ako sa mood ngayon. Bwiset. May aayusin pa ko e. "Pwede ba Stephanie, tama na muna yung kahapon?"

Kunwari siyang nag-gasp. Sarap sabihing di niya bagay e, pansin ko kasing kahapon pa niya ginagawa yun. Kairita na kase. "Anong nangyari? E samantalang, kahapon nga ay napakatapang mo? Sabi ko na nga ba, kapag nasa school ka unwari kang nagpapaawa. PLASTIC! HIPOKRITA, MALANDI!"

Naghiyawan naman yung mga nasa paligid.

"Pwede ba? Sinabi nang ayoko ng gulo di ba? Pwedi bang lumayas ka sa dadaanan ko? Masyadong malaki yang pinagawa mong hinaharap, pati daan sa harap ko di ko na makita!" Inis kong sagot sakanya.

"Yun naman e! IDOL TALAGA KITA NERD!"

"ASTIG MO NERD!"

"TIBAG KA STEPH!!"

Eto nanaman yang mga taga-side comment. Hindi ba nila naisip na pwede naman nilang pigilan itong namumuong bangayan? Kaasar.

"Oh ano? Di ka makaimik? Wala ka naman palang ibubuga e? Kung makikipagsagutan ka nalang din naman, mabuti ng wag sakin. Kasi wala kang panama. Una sa lahat kasi ako ORIGINAL ang buo kong katawan, NATURAL kaya wala kang masasabi. Pangalawa, may laman ang ulo ko at di tulad ng ibang padalos-dalos, dahil puro hangin yung laman. Ingat ka, ba helium na maging laman niyan, lumipad ka bigla." Sabi ko sakanya, na may makamandag na tono.

Tsaka ko siya nilagpasan, di ko naman sinasadyang mabunggo siya ng konti sa kaliwang side ko, pero nangyari. SIKIP kase no. Daming FANS.

"Teka lang, hindi pa tayo-"

"ARAY!" Sigaw ko. Taena, alam kong hindi niya alam na may bunga yung ginawa niya kahapon at iyon ay itong dinadala ko sa kanang balikat ko. Ang nakakainis lang, pinigilan niya akong umalis gamit ang paghila sa balikat ko, at sa kanan ko pa.

Wala pa naman akong narinig na sugat na may pasa at sobrang dumugo na gumaling overnight, tama ba?

Medyo napababa ako, at napahawak sa balikat ko. Sinusubukang inadain yung sakit, pero masakit talaga e.

"OH ANO NANAMAN BA TO?! Magpapaawa ka? Nakita niyo?! Nakita niyo? Kanina tapang-tapangan anong nangyari ngayon? Nag-papaawa?! Sabi ko naman sainyo e, plastic! At dapat sayo, eto."

"WOOOOAH."

"AAAH! Dafuq," Mahina kong reklamo. Tumagos yung binuhos nilang kung ano sakin na naging sanhi ng pagkahapdi muli ng sugat ko. 

"Titigil ka ba, o papaalisin kita sa eskwelahang ito?" Narinig kong banta ng boses ni Kurt. Siguro kay Stephanie. Di ko na maangat leeg ko sa hapdi, halos malapit lang e. Lapad kasi ng pasa.

Nagkaroon muna ng katahimikan bago, "K-Kurt. Yan kasing babaeng yan, napakahipokrita. Kunwaring inaapi pero yung totoo-"

"Yan ba yung sagot sa tinanong ko?" Dry niyang tanong kay Steph.

"H-hindi. P-ero-"

"Wag kang umasta na parang kakilala kita, ano nga ulit pangalan mo? No, wag mo na palang sabihin. Baka hindi ako makatiis at baka tuluyan ko talagang ipahanap records mo dito at patalsikin ka." Banta niya.

Kita ko sa mga tuhod at paa nila Steph at mga kasama niya na kinakabahan silang lahat. Halos manginig talaga e, "S-sorry, Kurt."

"Di ko yan kailangan, sakanya kayo magsorry." Patukoy sakin ni Kurt.

"Sorry, Athena." Pilit na sabi nila.

"Sa susunod, wag niyo kong sasabihan nga mga bagay tungkol sa ganyan. Dahil una sa lahat, wala kayong karapatang pakialaman ako, pangalawa kilala ko si Thene kesa sa pagkakakilala niyo sakanya. Wag kayong magdikta, lalo na't wala naman kayong halaga." 

Sakit magsalita ni Kurt!

"S-s-sorry ulit, Athena." Mangiyak-ngiyak nilang sabi at saka na tuluyang tumakbo paalis at palayo samin.

Walang nagsalita pero naramdaman kong gumaan ang katawan ko at naangat at naayos ang tayo mula sa halos mapaluhod kong position kanina. Ah, my shoulder's still in pain. Gaad. Dafuq, I'll have to endure this for many weeks.

Hindi na ako nagabalang magtanong kung bakit, kasi kilala ko na naman si Kurt e. Di niya ako sasagutin, sigurado.

***

First time ko dito sa tambayan nilang pinagawa sa school. Attached siya sa main buildin pero parang isolated siya sa ibang room. Kumbaga, parang bawal pumasok ang ibang mga tao doon bukod sakanilang apat.

Black and silver yung theme, yung mga couch, tables, upuan, kurtina, pati ref, bathroom, TV, gaming set, may kama pa nga dalawa. Basta kumpleto, air-conditioned din siya.

HANEP.

Ngayon ko lang napagtanto na kapag pala wala sila at sinasabi ng mga taong nasa 'tambayan' nila, sila, sobrang malaya at masaya lang pala sila dito. Tch. Bias. Si Kurt, abusado sa pagiging anak ng may-ari ng school. Tsss.

"Akala ko ba tigasin ka? Natibag ka naman pala kanina." Sabiniya matapos niyang ilapag yung Smart C+ sa harapan ko, yellow. "Lampa."

Para namang nanlaki yung tenga ko din.

Yung totoo lang ah? Bat ba tinatawag ako ng mga taong lampa? AKO? SI VIO? Lampa?! Excuse me? PSSSSH. Parang narinig ko lang din si Jed e.

“Nakachamba lang siya, wala ako sa mood e.” Palusot ko nalang.

"Sabi mo e." Dismiss niya, tapos ay nagde-kwatro siyang upo.

Galt pa to, sigurado. >_<

"Kurt naman kase."

"Napano?" Pakunwari niyang tanong.

"Galit ka no?" Tanong ko, kahit alam ko na yung sagot.

"Bat naman ako magagalit? E kasama mo lang naman yung bestfriend mong lalaki sa bahay niyo." Maktol niya. Ayun, muntanga lang. Bat daw siya galit, pero sinabi na niya yung rason. Lalaking to.

"Samantalang ako di ko nga alam kung san ka nakatira." Dagdag pa niya, pero audible na bulong manner.

Nagbuntong hininga ako, "Kaibigan nga di ba? Bestfriend. Wag mo namang gawing bigdeal oh."

"Bigdeal?" He chuckled, ewan ko basta parang sarcastic na pilit na naiinis yung tawa niyang yun. "Bigdeal? Bat natin to gagawing bigdeal? Psh. Wala, wala to." 

"Ano ba naman, Kurt." Timpi ko. Nakakapikon kasi yung inaasta niya e.

"Oh? Napano ako? May ginawa ba kong mali? Nagtext lang naman ako sayo at ulit-ulit na tumawag kahit walang sagot di ba?" 

"Sumbatan ba to? Ha?"

"De, bat ako magsusumbat? Ayos naman tayo di ba?" Sagot niyang tanong din.

Ako lang ba nakaranas nito, o yung ugaling ganito ng mga lalaki ay sobrang nakakainis. Yung tipong galit sila tapos pinaparamdam nila sa kilos pero sa salita tawa-tawa pa silang sarkastiko. Sinong di maiinis di ba?

"KURT! Pwede ba?!"

"Napano nga kase?" Tawa-tawa pa siya.

"Nagseselos ka." nanaman..

"Kanino? Sa lalaki mong bestfriend?"

"OO, at ngayon pa lang pangungunahan na kita. Sinasabi ko sayo hindi mo siya makikilala. Alam ko namang magiging issue kapag sinabi kong di ko siya pweding ipakilala e." Panguna ko. Sumbat yung dating, tama lang yun.

Hindi siya umimik, umiwas siya ng tingin.

"That'll be hard for the both of us. Kaibigan ko nalang nagseselos ka pa. Bestfriend nga di ba? Di mo ba alam yung kaibahan ng BESTfriend sa SPECIAL friend?" 

"Special?" Napangiti siya sandali tapos nawala din.

Takteng bipolar nito, hilig papilit.

Tumayo siya, at ikinagulat ko naman iyon. Dapat sa lalaking to hindi pinapansin e, nagiging KSP kasi siya e. Ay mali, dati na palang KSP to. Pasikat nga pala to noon. Buti naman ngayon medyo-medyo nalang.

“Ano naman to?” Taka kong tanong matapos akong hagisan ng tela ata, pagkaayos ko ng hawak, t-shirt pala.

Ngumiti siya tapos pumasok sa CR, “Suot mo. Basa ka e.”

Oo nga pala no? Kamuntik ko nang makalimutan. E siya rin naman may kasalanan e, daming alam.

“Paano ko to susuotin?! Ikaw yung nasa CR?” Tanong ko naman. Anong ineexpect niya? Na magpapalit ako dito sa may couch? Ano ko stripper? Sige OA na ko. 

“Andali lang, excited suotin T-shirt ko?” Tumatawa niyang sambit, tapos ay lumabas siyang maybitbit na first-aid. Wow lang, de javu?

“Nasabi ko na bang ang HAROT mo?”

“Believe me, more than millions of time.” Sarkastik niyang sagot sakin, inirapan ko lang. Tapos ay pumasok na sa CR at nagpalit na.

Paglabas ko, nandun siya nanunuod ng TV. Kung tatanungin niyo ako, oo may klase nga kami. Ako palang ata yung tinaguriang nerd na nagcutting. Wala e, biglaan naman. At bakit ba? Kasama ko naman yung may-ari ng school ah? 

“Titig ka naman?” Asar niya.

“Asa ka pa.”

Umupo ako sa tabi niya. Umusog siyang konti.

Tsaka siya nagsalita, “Napano ka pala kanina? Akala ko pa naman din kayang-kaya mo na?”

Aba bwiset to, “Kaya hindi mo ko tinulungan? Kasi iniisip mong kaya ko na? Wow, gentleman talaga.

“De, nagtatampo ko kanina. Yun din, kaya mo naman e. Kaso ano ngang nangyari?” Tanong niya.

Napaayos ako ng upo. “Wala, drama ko lang.”

“Gagu. Kailan ka pa nagpakaduwag?”

“Kani-kanina lang, di ba halata.” Walang gana kong sagot. E bat ba kase? Laki ng tiwala sakin no? 

Humikab siya at nagslow-motion na pababa yung mga kamay niya, “SUBUKAN MO LANG, KURT. SUBUKAN MO, SIGE.” Banta ko sakanya. Halata naman ng gagawin niya e.

“Sabi mo e.” At ginawa niya nga pinatong niya yung kamay niya sa balikat ko, nasa kaliwa ko siya kaya naman sa kanan siya naka akbay.

“Paksh*t.” Di ko mapigilang daing, syempre kasama yung automatic na reflex na ilayo ng konti yung balikat ko sa kamay niya. Para naman siyang nagulat, kasi inayos niya agad yung upo niya tsaka ako tinignan.

Bumuntong-hininga siya, “Edi tama hinala ko? May sugat ka nga dyan? Akala mo di kita pinapanood kanina habang linalabanan mo yung babae?”

Babae? So hindi nga niya kilala si Steph? Akala ko sinabi lang niya yun para ipahiya siya, yun pala totoo.

“Patingin nga.”

“YOKO NGA!” Agad kong sigaw. Titignan niya e nasa balikat ko?! Nu siya sinuswerte?

“Psh. San mo ba nakuha yan? Malaki ba?” Tanong niya saakin.

Taeness, di pwedeng sabihin sakanya yung mga nangyari. Nakakapagtaka naman kung sasabihin kong nakidnap kami tapos nakaligtas kami kahit tulog si Cyn tapos akong de-salamin lang yung malalaman niyang andun. Edi halata na? Di rin naman pwedeng sabihing andoon si Jed.

"Sa park ko to nakuha. Nawala kami ni Cyn sa oras, matagal din kasi kaming di nagkasama kaya ginawa namin yung normal naming ginagawa nung bata.. Err- umakyat ako sa puno, e na-out-of-balance ako, nauna balikat ko nung naglanding ako sa sahig. Yung masaklap, simento yun."

BRAVO, Thene.

Pwede ka na maging LAWYER-LIAR. =____=

“Patingin na kase, gagamutin ko. Nabuhusan kaya yan ng juice, gusto mo bang ma-infect yan?” Alalang tanong na pilit niya.

“Sira ka ba? Nasa balikat ko kaya,tas titignan mo?”

"Ah ganon? Pero yung bestfriend mo pweding pumunta sa bahay niyo?"

"Anong bestriend pweding pumunta- walang konek, Kurt. Wala." Naiinis kong tanong.

Tumayo siya, "Edi bahala ka. Bahala kang mainfect yan."

"De sige, pagamot ko nalang sa kaibigan ko." 

"Dun sa lalake nanaman?!"

"KAY CYNTHIA! JUSKO NAMAN KURT!!!!" Sigaw ko tsaka na tuluyang umalis sa tambayan nila.

I don't get it. Why all guys are easily taken over by jealousy? No one can, except the boys themselves. Sila lang nakakaintindi sa isa't isa. Bat naman kasi simpleng sugat lang nagagawan ng malaking issue? 

E ano naman ung bestfriend ko lalaki? E ano naman di ba?!

TIWALA nalang sakin, wala pa ba si Kurt?

Cynthia's POV

"Oh? Problema mo?" Panguna ko kay Athena na kakarating ang sa room, vacant period namin kasi absent yung teacher namin.

"La." Maikli niyang sagot.

AY OO, wala daw. Pero yung simangot ni Ate hanggang tenga. -.-

Sunod na pumasok si Kurt sa room sandali pagkatapos ni Athena, edi ayun nag-ayos naman daw ng itsura yung mga kababaihan, automatic na nga ata yang gawaing yan tuwing pumapasok sa loob ng room yang grupo ni Kurt e.

Pansin ko lang? Pareho sila ng timpla ng mukha ni Thene.

Siniko ko si Athena ng mahina, "Nag-away kayo?"

Sa lahat ng nag-aaway, sila yung agaw pansin. Bukod pa dahil sa sikat sa school yang dalawa, si Kurt bilang sikat na talaga, si Athena naman ang nerd na hindi nagpapatao at gusto ni Kurt. Paanong di agaw pansin e suot ni Athena varsity shirt ni Kurt.

"De." Sagot niya.

Ibang klase, parang kausap ko ulit yung Athena na bagong dating dito sa Pilipinas noon e. 

*bzzt*

Fr: Alvarez

Ram, napano yung dalawa?

To: Alvarez

Malay, nagbangayan nanaman ata e.

Fr: Alvarez

Naku, Ramirez. Problema yan.

To: Alvarez

Bat naman?

Fr: Alvarez

I can feel it. ;)

Tumingin ako sa bandang likuran kung saan naroroon ang pwesto ng grupo nila, sakto namang nakatingin si JIro sakin, inirapan ko nga.

*bzzt*

Fr: Alvarez

CUTE! :">

>\\\\<

Mambobolang bwiset. :">

Chenoa's POV

Tik...Tok...Tik...Tok...

"For the time being, blah...blah...blah..." Discuss ng coordinator ng Student Discipline saaming officers.

Wala ako sa sarili ko, LUTANG in short.

"As we all know, since vacant na ang position for Vice President dahil sa pagmigrate ni . BUT..." Bitin niya pa.

BUT? But what?

"Vacant siya, NOONg mga nakaraang araw lamang.  Dahil NGAYON, mayroon na tayong replacement."

Replacement? 

How I hate that word. Kayo ba hindi? Para kasing ang sakit ng salitang iyon, kumbaga parang second option ka lang? Para bang mapapansin ka kapag wala na yung isa. O hindi ba masaklap ang ganun?

"Hi, my name is Blight Castro and I will be your new Vice President."

Mabilis pa sa alas-kwatro ang mata ko na agad tumingin sa side kung saan siya nanggaling.

"No way.." Di makapaniwala ko nalang na nasabi. 

***

"Di talaga maprocess e, bakit ikaw?" Tanong ko.

Tinawanan niya ako, "Kasi nga sobrang qualified ko."

Inirapan ko, yabang e. Kahiya naman sa janitor, baka sa sobrang lakas ng hangin ay kumalat yung mga papeles at files dito sa Student Discipline Office, dulot nitong Blight na to.

"Tsaka bakit Miss Perfect, ayaw mo ba?"

NGA-NGA.

"MISS PERFECT?!" 

Tumango siya, "Yup. Ang president ng school, respetadong babae, ginagalang at hinahangaan ng lahat, mapa-lalaki man o babae. Ano nga bang sikreto miss Calderon?"

Napabuntong-hininga ako. Naiinis na talaga ako e.

Tumayo nalang ako, tutal tapos na naman yung meeting at last subject na nautusan lang kaming mag-arrange at gumawa pa ng konting ideas pero hindi kami compatible sa trabaho. Iba yung gusto niya, iba yung gusto ko.

"Aalis ka?"

Hindi ko sinagot. Inipon ko lang lahat ng gamit ko, at isinuot ang sling bag ko at tumungo palabas ng pinto.

I heard a chuckle, "I know everything about you, Miss Chenoa Calderon."

Hindi ko alam kung bakit, kung bakit out of the blue sinasabi niya yan. Pero one thing is for sure, para akong nabuhusan ng malamig na tubig at nanlamig yung mga kamay ko.

"I have no idea what you are talking about." Pa-confident kong sagot at muli siyang tinalikuran.

"Oh, I am very sure you do."

Pinilit kong tumawa, “Yes, maybe. Lahat naman kilala ako e. Ikaw na nga ang nagsabi, respetado ako sa school na to. Nagtaka ka pa?”

Narinig ko siyang tumayo, nasa pintuan na kasi ako at nakatalikod na sakanya. Sadyang napatigil lang ako nang marinig ko yung mga salitang iyon mula sakanya.

“Alam kong, alam mo na hindi iyan ang tinutukoy ko.” 

Palapit siya habang sinasabi ito saakin. Nangingilabot ako sa tono niya. Hindi ko naman talaga kilala itong si Blight e, oo sikat siya kasi matalino at gwapo, dream guy ng marami dito. Pero personally, wala akong ideya sa mga know-abouts niya. Kung sino talaga siya, kung saan siya nakatira, anong number niya at iba pa.

Nagdesisyon nalang akong maglakad na palayo.

Pero hindi pa man ako nakakalayo, napigilan na ako ni Blight, I suppose.

“Ang tagal kitang hinanap, Silver Bullet. Bat hindi mo muna ako samahan kahit sandali lang?”

Sa mga narinig ko, tuluyan na akong nanginig at napamulat.

Mother of Pingu!! HOW THE PENGUIN DID HE KNOW?!

Thea’s POV

“I saw the sign--- and it open up my eyes--- I saw the sign..” Kanta ko habang nilalagay ang mga gamit ko sa locker ko.

“BULLETPROOF!”

“ARAY PAKSH*T!” Sigaw ko sabay hawak sa tenga. “Sean naman!”

“Uy nagr-rhyme!” Asar naman niya, sabay turo pa sakin. Inirapan ko lang at tuluyan nang linagay ang iba kong mga gamit sa loob ng locker.

“Ano nanaman bang kailangan mo?!”

Ngumiti siya, “Porke lumapit may kailangan?”

“HA-HA.” Sarkastiko kong tawa.

"Sabay na tayo umuwi?" Alok niya. Nagpapatawa ba siya? Bakit ko naman sasabihin sakanya kung saan ako nakatira? Di naman dahil mabubuko sa Thene, infact saakin nakapangalan yung condo na siya yung bumili e. Ayoko lang na may lalaking may alam kung saan ako nakatira. Creepy kaya.

"Asa." Sinara ko yung locker ko tsaka naglakad palabas ng school.

"Wag mo kong susundan, Sean." Sabi ko pero hindi ako nakaharap sakanya.

Narinig ko siyang tumawa, "Fine. But soon, Thea. Soon."

Oh, whatever.

Athena's POV

"Thene, patapos na yung araw di pa kayo bati." Di ko alam kung tanong yun o statement. "Wala ba kayong balak mag-usap? Ano ba kasing nangyari?"

I shrugged, "Malay ko ba."

"Hay, eto nanaman tayo. Back to the old cold you."

Inirapan ko lang.

Bakit? Ginusto ko ba to? Tss. Bakit ba kasi kailangang gawan ng issue si Jed? Walang malay yung tao oh. Tapos si Kurt lahat nalang binibigyan ng malisya, possessive much? Tch. Arte ko na tuloy. Kasi naman no!

"San si Thea?" Tanong ko kay Cynthia na nakikinig sa teacher namin, last subject na namin para sa araw na'to.

"Di ko alam e, baka nagcutting. Asar nanaman siguro dun kay Sean. Ayaw siyang tigilan e." Sagot niya, tumango lang ako.

Akalain mong hard-to-get si Thea.

Nevermind. Last subject na, at ayoko ng History sama niyo pang asar at naiinis ako. Sarap lang itulog nito.

And so I did.

I slept....

 ***

When I opened my eyes, napansin kong red orange na yung paligid. Di literal ah? Ibig kong sabihin, hapon na. More like pagabi na, and wala na tao sa room.Tumingin ako sa likod, bakante na lahat ng upuan.

The hell?

Humarap ako sa harap.

"SORRY"

Punung-puno yung blackboard ng salitang yan. 

Okay?

Then one thing caught my attention, oo puno yung board ng 'sorry' pero sa isang sulok, lower right part, may sticky note. Tumayo ako para puntahan at kunin yon. Di naman siguro kailangan ng reason pa hindi ba?

Promise me you'll check every seat in this room. Start with the seat nearest to the door.

Nearest to the door na seat? AH! yung pinakaharap na kanang gilid ng room.

Sa ilalim ng desk, may note ulit.

Promise? Okay, skip three seats forward and I'll tell you what I feel...

 

Kinuha ko yung note sa upuan na tinutukoy niya.

I am very sorry. I hope you'll grant me forgiveness. Go back one seat backward.

Tokneneng, foforward tapos babackward?! TRIP NETO?! Totoo bang nagsosorry to?

Ako nga pala si Kurt, baka ibang lalaki nasa isip mo ah? Proceed to the last chair of this column.

Yan yung nakasulat sa note. Ang labo mo rin e no, Kurt. Nagsosorry ka ba talaga o lalong nangaasar? 

Ako naman, sumunod.

Alam kong naasar ka na. Sorry talaga ah? Wala na akong maisip na magandang paraan e? Ayos ba? Move to your right, to the third column.

 

Kinuha ko ulit yung note sa ibaba ng desk.

Wag kang pikon ah, di pa ko tapos sa speech ko... Thene, alam kong mali ako. Masyado akong seloso, pero masisisi mo ba ako? Alam mo naman yung nararamdaman ko sayo diba? (Move four seats forward)

 

PABITIN. Takte yan.

Wag ka sanang mawalan ng pasensya sakin. Sana maintindihan mo kung bakit ako ganito, pakiramdam ko kasi once in a blue moon dumating ang isang tulad mo. Swerte ko nga e, kasi nakita kita. (Move to the next seat front)

Di na nga ako magrereklamo.. 

Ramdam kong namumula ako, di na ko magdedeny.

Hirap naman kasi e. Lalaki yung bestfriend mo. Pakiramdam ko lamang siya sakin. Mas kilala ka niya kesa sakin. Nabulag ako sa ideyang yon. Sorry talaga. Pero narealize ko kanina, di naman ganun yung sukatan sa isang relasyon di ba? (Shift to the fourth column, chair on your left)

Napapangiti ako na ewan.

Hirap naman nito, anong dapat kong ireact di ba?

Wala yan sa oras, wala yan sa nalalaman mo tungkol sa isang tao. Narealize ko na ang tanging kailangan lang ay yung TOTOONG FEELINGS, totoong care, totoong intentions. Basta meron ka non, alam mong buhay yung relationship. Kung alam mo lang kung gaano katindi yung konsensyang umatake saakin kanina. (Move five seats forward)

Saan kaya nakuha ni Kurt tong mga to?

This side of him is what I like the most.

Maalala ko lang na galit ka, sumisikip dibdib ko. Walang biro, totoo talaga. Di ko pala kaya. Galit ka lang, di ko na kaya, mawala ka pa kaya? Kya sorry talaga. Kapag hindi mo ko napatawad, di ko alam gagawin ko. Promise ko sayo na kahit corny to, totoo yung gusto kong mangyari. (Proceed to the last column)

Okay, fine. Hindi na ako galit.

Bilis ba? T.T

E kung ganito ba naman yung effort na gawin di ba? 

Kanina, gigisingin ka dapat ni Cynthia. Kaso kinuntsaba ko si Jiro para pigilan siya at umalis sila ng campus. Para kahit sandali masolo kita. :) Successful naman hindi ba? Nakaupo ako sa tabi mo habang tulog ka, sinusulat tong mga to. Sayo nga tong mga sticky notes e. Wala ako nito. WAHAHA. Ang peaceful mo kapag tulog, di ka maldita syempre tulog nga e. Pero sobrang ganda mo, grabe. PERO hindi kita minanyak ah! :D

-___________-

Hanggang sa mga ganito ba, bipolar siya?

(Move to the second to the last seat of this column)

Naglakad ako.

To make it short, SORRY kase eto lang yung nagawa kong surprise. Isang oras lang kasi ang meron ako para mag-isip at ihanda lahat ng to. Rush na nga to e, sorry. Sorry kasi naging gago ako, di na po mauulit. Sorry kasi iniisip mong wala akong tiwala sayo, pero promise iniisip mo lang yun. May tiwala ako sayo, ngayon nadagdagan pa. Sorry kung parang nasasakal ka, natatakot kasi ako na mawala ka e. Sorry, sorry, sorry. Forgive me please?

 

P.S. May tubig sa last seat malapit sayo. Baka kasi napagod ka kalalakad, ayokong mauhaw ka. :)

Tumingin ako sa upuan na sinasabi niya, sure enough may mineral water. Kinuha ko yun, at under on may isa pang sticky note.

 

So nabasa mo na lahat? Labas ka na ng room. Hehe.. Ingat ah. :*

Huh?

I did what I was told.

Pagkalabas ko ng room, wala nang kahit isang tao sa hallway.

Or so I thought...

Napangiti ako at the sight of Kurt. Nakaupo siya sa sahig, tulog, nakapatong yung ulo sa tuhod niya.

"Kurt.."

Umupo ako sa harap niya at inalog-alog siya, "Kurt.."

"Thene?" Tanong niya. 

Nanlaki yung mata niya, tapos bigla niya akong niyakap.

Natawa ako, "Uy, bigat mo."

"SORRY! Sorry talaga." Ulit-ulit niyang sabi sakin. Higpit ng yakap niya, sobra. Kahit nakaupo ako halos ma-out of balance parin ako.

Kumalas siya ng yakap, actually ako. Gusto ko kasing makita yung reaction niya kapag narinig niya yung sagot ko.

"Okay na po, di na ko galit. Thank you." Sabi ko tapos ay nginitian ko siya. E bat naman ako papakipot? Matapos ng lahat ng effort niya, babalewalain ko lang? Di naman ako ganun kademanding e.

Makita ko lang siyang natutulog, habang hinihintay ako. Okay na ang lahat sakin.

Yinakap niya ako ulit.

"Jusko. Grabe naman epekto mo sakin Thene. Sorry, sorry na talaga. Akala ko hindi mo ko mapapatawad, sobrang natakot ako."

Natuwa yung puso ko sa narinig ko. Ang honest kasi ni Kurt sa nararamdaman niya. Di tulad ng ibang lalaki, kinikimkim. Kumabaga, sa cliche stories, yung babae yung vocal at honest tapos yung lalaki maf-fall sakanya. Baliktad kami. 

Ngumiti nalang ako.

"Mahal na ata talaga kita." Sambit niya.

Tapos hinalikan ako sa pisngi, napangiti nalang ako.

Chenoa's POV

Dismissal na. Actually kanina pa, pero nandito parin ako sa school. Sa C.R. ng mga babae, to be exact.

Kinakabahan kasi ako. Para bang may mangyayaring masama, kinukutuban na ako. Si Blight kanina, sobra akong natakot sakanya. Oo, inaamin kong natakot ako sakanya. Ano pang alam niya? Kilala narin ba niya si Athena sa katauhan ni Vio? Kilala narin ba niya yung ibang gangmates ko?

Anong gagawin ko?

Sasabihin ko ba sa buong gang?

Pero paano yun? Malapit na yung semi-finals. Di ko kayang isugal yun para sa takot na nararamdaman ko.

Wala pa namang ginagawa si Blight di ba?

Kung meron man, kailangan ko yung pigilan sa abot ng makakaya ko.

Pero bakit?

Bakit hindi niya sinasabi sa iba, o sa lahat ang tunay naming pagkatao? Ano ba talagang habol niya? May delikado ba siyang motibo?

Blight Castro, sino ka ba talaga?

A/N: HELLO! Nakapag-update ako! :)) Tagal ba? :( PERO ALAM KO! NAGENJOY ANG KURTHENA FANS!! =)) Comment na mga reactions niyo! :)

Hinatay-hintay lang sa next. Magiging busy ako this week at next week. So be patient. :) Love you, guys!

Vote, comment, spread!

Happy 15K reads. MWAA!

-foolishlaughter

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 62.8K 61
Reincarnated as the Seventh Princess Book 1 (Trilogy) Despite the clichè title, a breath-taking story is yet to unfold, waiting to be told. Not ever...
929K 53.8K 68
Book 2 of Reincarnated as the Seventh Princess (Trilogy) READING THE FIRST SEASON IS A MUST❗ Language: Filipino Genre: Fantasy | Romance | Action | R...
6.1M 198K 65
Christian Sage Monterio is not someone you messed up with. At age 17, he's fearless, bold, and dangerous. However, an incident happened that drove h...
3.9M 135K 27
Isang misyon, isang hindi inaasahang pagtatagpo at isang pagkamamali na magiging dahilan ng pagbabago ng plano. Paano maitutuwid ang isang pagkakama...