Chapter 10: Flashback
"Nagbibiro ka lang diba?"
"No. I'm serious."
"Hindi pa pwede yung ganun 'noh."
"I know. I just want to make sure na ikaw yung magiging bride ko."
Natahimik ako noon. Hindi ko alam gagawin ko. Tumayo na lang ako at lumapit sa kabinet naming pinaglalagyan ng mga old pictures ko.
"Ay. Gusto mo bang makita yung picture ko nung bata?"
"Sure! Siguradong cute ka noon."
"Nye. Teka, alam kong nandito lang 'yun eh."
Habang hinahanap ko yung mga album ko nung bata, tumayo si Johan at dinala sa kusina yung mga natirang pinggan, sabi ko ako na ang magdadala pero mapilit siya.
"'Eto!! Nakita ko na." sigaw ko sabay taas ng album..
Eksaktong nakabalik na si Johan kaya umupo na kami sa may sala para pagtawanan yung mga old pictures ko. Habang tinitingnan niya ito, kinukwento ko ang mga bawat story nun.
"'Yan. 'Yan yung unang beses na makakuha ako ng shoes."
"This place.."
"Bakit? Bahay namin 'yan sa probinsya."
"Seems familiar."
"Bakit pamilyar? Nakapunta ka na ba dyan?"
"Hindi. Baka kamukha lang. Let's continue."
Sa mga sumunod na pictures, natatawa na siya kasi ang kulit ko raw mag-pose sa camera.
"Why you're like this? You look like abnormal." pang-asar niya..
"Eh kase, nung kinuha yan masakit ang tyan ko."
"Hahaha very funny"
"Johan naman eh!"
"Okay. I'll stop."
"Ewan ko sayo. Pinagtatawanan mo ako." sabay talikod ko..
"Hala. Sorry na. Your imperfections, I love them. All of it."
"Talaga?"
"Yes. Kahit sobrang pangit mo na. I will still love you."
"Kahit maputi na buhok ko? Kahit mataba na ako?"
"I didn't love you because of your looks. I love you from the inside out."
"Kaya kahit tumanda tayo, it will never fade. Looks could pero your inside beauty, hindi." patuloy niya..
Sarap sa feeling ganito, yung naririnig mo sa taong mahal mo yung mga ganyang salita. Nakakaginhawa ng pakiramdaman.
"Oo na. I love you." sagot ko..
"I love you, foreve."
"Foreve? Kulang ng letter R?" pagtataka ko..
"Because, it ends our forever. Kaya foreve lang." sagot niya sabay nigiti..
"Bakit namumula ka?"
"Eh. Kinikilig ako! Ikaw kasi."
"Haha. I love youuuuuuuuuu!!"
"Tama na!"
Nagharutan kami, kinikiliti niya ako hanggang sa maglapit ang mga mukha namin. Kasing lapit tulad ng sa kwarto niya, ganung kalapit, ganung mga mata. Ganung moment kaso samin naman. Naramdaman ko ang labi niya. Oo, ang malambot at mainit niyang labi. Kaso hindi sa labi ko, kung 'di sa noo ko.
"Oh. Bakit pumikit ka?"
"Akala ko kasi.."
"Akala mo saan? Sa lips?"
"Oo.."
"Nah. I won't kiss you there." sabi nito sabay dampi ng daliri sa labi ko..
"Bakit naman?"
"Isang beses lang kita hahalikan dyan."
"H - ha??"
"In front of everyone.."
"After you say, I do."
"Nako. Grabe ka!!"
"Okay lang ba 'yun?"
"Yes. Super! I'm glad to have you, Johan."
"Mas maswerte ako sa'yo."
"Sobra." tuloy niya..
"Oh. Tama na. Nilalanggam na kayo dyan." singit ni Tita..
"Tita talaga!!"
"Bakit hindi tayo manuod ng movie ngayon?" paanyaya ni Tita..
"Sure! I like movies!" sagot ni Johan..
"Ayun! Kunin mo na yung DVD rack Monday na nasa taas."
"Oh sige po."
Umakyat ako para ibaba yung mga DVD ni tita sa kwarto niya. Sobrang dami nun, hilig kasi nito ang panunuod ng movies. Inalalayan ako ni Johan ng pababa na ako kasi mabigat yung dala ko. Pagkalapag nito sa may sala, nagsimula ng mamili si Tita ng DVD.
"Teka.. ano bang maganda dito?" bukalbal ni Tita..
Naghanap din si Johan ng magandang movie, habang tinititigan sila. Sarap talaga ng ganitong feeling.
"I've got one." sabi ni Johan..
"Ano 'yan?"
"Titanic?" sagot ni Tita..
"Yup!" sagot ni Johan..
"Hala. Wag 'yun!" pangamba ko..
"Why? Is there something wrong about this movie?"
"Wala naman. Nakakasawa na 'yan eh. Pwede naman heto, o kaya 'eto."
"'Yan gusto ni Johan eh. Hayaan na." sagot ni Tita..
"O - osige."
Nang simulang ilagay sa DVD player 'yun, magkatabi kami ni Johan sa hindi kahabang sofa namin at si Tita nasa single sofa lang siya habang nakapataong ang DVD rack sa may center table. Habang nanunuod kami, hindi ko maiwasang iiwas ang tingin ko. Bakit ba kasi 'yun pa, ang dami namang ibang DVD na nandoon eh. Tsk. Habang nagpe-play 'yun, eh nagsisimulang mag-flashback ulit ang lahat, kahit ayaw ko. Kahit kasama ko na yung kasalukuyan ko, ang hirap pigilan. Pigilan ang anino ng kahapon ni Marion. Kainis. May mga pagkakataon talaga na maalala natin 'yung taong naging parte ng nakaraan sa mga simpleng bagay na nasa paligid natin tulad ng bag na niregalo nito, lapis na ginamit niyo, wallet o maging mga kanta at pelikula. At hindi mo maiiwasang maalala siya dahil naging parte 'yun ng kwento niyo at habangbuhay tatak sa isipan mo.
Nawala ako bigla sa mood noon kaya nagpaalam akong aakyat lang ako sandali sa kwarto. Halos 30 minutes din 'yun may iiwasan lang na scene. Pagkabalik ko, agad nagtanong si Johan.
"What happened?" bulong niya..
"W - wala."
"You sure?"
"Medyo."
"Nood na muna tayo." patuloy ko..
Inaliw ko na lang ang sarili ko sa pagtingin ng ibang DVD. Pagkatapos naming manuod ang saya lang ni Tita kasi isa sa mga favorite niya 'yun eh.
"Ang ganda Johan, diba?" tanong ni Tita..
"Yup. It was great."
"Eh ikaw, Monday?" tanong ni Johan..
"Y - yes?"
"Good. Oh. It's dark outside na pala. I should go home."
"Oh, sayang. Dito ka na mag-dinnner."
"Even if I want to Tita, I can't. Maybe, next time na lang po."
"Oh it's okay, Monday?"
"Sure. Hahatid na lang kita."
Bago umalis si Johan, nagpalitan pa sila ni tita ng salita. Ayun, hinatid ko siya sa labas, Nagsimula ang araw namin ng masaya pero hindi ko alam ngayon.
Kinagabihan..