Waves of Destruction (Z Serie...

By CursedExpensive

178K 5.7K 1.9K

The Zambales Series is the first girl x girl series I will write, this is contain three books. ... More

WAVES OF DESTRUCTION
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Epilogue
Announcement

Kabanata 23

3.5K 182 93
By CursedExpensive

Alas diyes na ng gabi at wala akong ginawa kundi ang tumingin sa mga bituwin sa langit, nakabukas ang bintana ng kwarto. Haplos-haplos ko naman ang anak ko, para makatulog ito ng mahimbing.

Bumaba ang tingin ko sa anak kong natutulog sa tabi ko, tinigil ko ang paghaplos sa kaniya at tumayo mula sa pagkakahiga sa kama naming kawayan na pinatungan ng foam.

Naglakad ako patungo sa aparador na nasa kuwarto lang din, hindi naman 'yon kalakihan kaya naman agad kong nakuha ang gusto kong kunin mula sa taas nito. Isa 'tong kahon, na matagal ng naririto sa bahay dahil gamit 'to noon ni Kristopher.

Muli akong lumingon sa anak kong mahimbing ng natutulog sa kama namin, lumabas ako ng kuwarto namin at naglakad patungo sa pintuan at saka 'yon binuksan. Umupo ako sa terrace ng bahay, kahoy lang ito at walang semento.

Binaba ko ang box na hindi naman gano'n kalakihan sa mesa na gawa sa kahoy, umupo ako sa upuan at nagpakawala ng malalim na paghinga.

Sinimulan kong buksan ang box at kinuha ang nasa loob no'n. Mula sa mga picture ay kitang-kita ko kung gaano siya kaganda, kahit hindi ito nakangiti ay sobra pa rin nitong ganda. Pero sa kahit anong paghanga ko sa kaniya, hindi pa rin maitatago kung gaano ako nasaktan dahil sa mga salita niya. Kung paano niya 'ko napaglaruan, kung paano niya ako paikutin at lokohin sa sarili niyang laro ay kamay.

Ang ganda ng mukha ni Priscilla na parang anghel, pero sa loob-loob niya ay mas masahol pa siya sa demonyo.

Sa bawat post sa social media na nakikita ko noon habang kinukuha ko ang mga picture niyang ito, ang akala ng lahat sobrang bait 'to. Ang akala ng lahat, nagdudusa ito sa pagkawala ko.

Ang hindi nila alam, baka masaya pa ito. Iyon naman ang gusto niya noong una pa lang, ang mawala ako sa buhay niya. Mabilis naman iyong sinagot ng Diyos, nawala nga ako sa buhay niya.

Pinagkaiba nga lang, siya masaya pa rin sa buhay. Ito ako, nasa lupa pa rin at puro hirap ang naranasan.

Wala sa oras na namasa ang mga mata ko, unti-unting nagsibuhos ang mga luha ko. Ang sakit sa dibdib, sila kuntento sa buhay habang ako nahihirapan.

Nagagawa nilang gumising ng umaga na masaya at walang problema, habang ako nagigising at sobrang hirap bumangon dahil sa paulit-ulit na pagbabalik sa isip ko sa nangyare sa akin.

Hanggang ngayon-- hanggang ngayon para pa rin akong pinapatay at sinasakal sa leeg. Sa tuwing imumulat ko ang mga mata ko, parang nakikita ko lahat ng nangyare sa akin apat na taon na ang nakakaraan.

“You promised. . .” mahinang bulong ko, “sabi mo no one will hurt me again. . . pero bakit nasa ganitong sitwasyon ako? Bakit-- bakit ikaw ang nanakit sa akin. . .?” Pagkakausap ko sa kaniyang litrato, na hawak-hawak ko.

“Sinungaling ka, naniwala ako sa 'yo. . .”

Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko, wala naman sigurong masama kung masaktan at umiyak ako ngayon 'di ba? Hindi ko mapigilan, nasasaktan ako. Hindi ko alam kung paano ko pipigilan 'to, kusa ko siyang naaalalala.

Walang araw na hindi nangyare 'yon, araw-araw kong tinatanong ang sarili ko kung bakit naging ganito. Kung bakit nahihirapan ako, kung bakit nararamdaman ko pa rin 'to.

Gusto kong takbuhan lahat, gusto kong makalimutan lahat, gusto ko na lang makalimot at hindi na sila maalala at makilala pa.

Pagod na 'ko, sobrang pagod na 'ko. Gusto ko na lang sumuko at tapusin ang lahat. . . pero hindi pwede, may batang natutulog sa maliit naming kuwarto, sa kahoy naming higaan. Ang batang 'yon ay umaasa sa akin at ang anak ko 'yon, si Dos 'yon.

Simula ng maging ina ako ni Dos, marami akong natutunan. Bawal akong sumuko, kailangan kong magpalakas at magpakatatag, kailangan kong umaktong malakas para sa anak ko. May anak akong babae, kung hindi ko nagawang protektahan ang sarili ko noon ay gagawin ko 'yon kay Dos, gagawin ko sa anak ko 'yon.

Hindi dapat ako basta-bastang susuko, kung naubos nila akong lahat. . . pinupuno naman ako ng pagmamahal ni Dos.

“Baba na, Issa!” Utos sa akin ni Ace pagkadaong namin sa kabilang isla kung saan siya nagta-trabaho.

Gaya ng gusto niya, bumaba ako at binuhat ko si Dos pababa sa bangka. Kasama namin si Dos dahil umiiyak 'to, sa una ay hindi ko dapat ito isasama pero pinilit ako ni Ace dahil ayos lang naman daw sa may-ari ng resort na magsama ng bata.

Nalaman ko na sinabi niya sa amo niya na may anak akong inaalagaan, ayos lang daw kahit isama ko si Dos basta ay magawa ko lang ang trabaho ko ngayong araw.

Isang linggo na ang nakalipas noong sinabi at niyaya ako ni Ace rito, hindi niya sinasabi sa akin kung sino ang may birthday pero ang alam ko lang ay kaibigan ng may-ari nitong resort.

Balita ko ay iba na ang may-ari nito, pinasa na sa apo ang resort na 'to.

“Bakit mo sisigawan mama ko ha?!” Maliit at matinis na sigaw ni Dos ang nakuhang sagot ni Ace.

Gulat naman akong napatingin sa anak ko dahil sa ginawa niyang pagsigaw kay Ace, masama ang tingin nito sa kaniyang Nanay Ace habang nakanguso ito.

Lumingon ako kay Ace at gulat din ito sa ginawa ni Dos, nag-angat siya ng tingin sa akin at napapalunok na binalik ang tingin kay Dos na masama pa rin ang tingin sa kaniya.

Tumigil ako sa paglalakad at lumuhod sa buhangin habang nakatingin sa bata.

“Anak. . .” mahinang tawag ko sa kaniya.

Nakuha ko naman ang atensyon niya at umayos ito ng tayo.

“Bakit mo sinigawan ang Nanay Ace mo? Masama 'yon, Dos.” Nangangaral kong turan.

Nagbaba naman ito ng tingin at nagkutkot ng kuko, kung ano ang ibang namana niya sa akin ay iyon ang mannerism ko.

“Turo sa 'kin, Mama e,” mahinang sagot sa akin nito.

Nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niyang turo 'yon sa kaniya, hindi ko maintindihan ang anak ko.

“Turo?” Ani ko.

Tumango-tango naman siya at binalik ang tingin sa akin.

“Sabi kasi, kapag may away sa 'yo o akin sigawan ko tapos awayin. . .” sumbong naman sa akin ni Dos, “iyong lakas para takot sa akin 'yong person, Mama.” Wika pa nito.

Matalinong bata si Dos, kaya kung may ituturo man sa kaniyang bagay ay mabilis niya rin 'yong matutunan.

“Sino ang nagturo sa 'yo?” Seryoso kong tanong sa kaniya, ngunit nakangiti ako para hindi ma-intimidate ang anak ko sa akin.

Isa pa ang bagay na ito para sa pagiging ina ko, dapat kong kontrolin ang sarili ko dahil baka magaya ako ni Dos. Kaya naman ingat na ingat ako sa bawat salitang sinasabi at kilos na ginagawa ko kapag nasa paligid ko lang si Dos.

Hindi ako agad sinagot ni Dos, pero ang dahan-dahan niyang paglingon sa taong nasa likuran ko ay nakuha ko na ang gusto niyang isagot sa akin.

Napapikit naman ako dahil pinapakalma ko ang sarili ko, unti-unti kong nilingon si Ace at nakita kong sumesenyas ito kay Dos na huwag sabihin pero noong mapansin na titingin na 'ko sa kaniya ay tumigil ito.

Ngumiti sa akin si Ace ng matamis at kalaunan ay tumawa, lumapit siya sa aming mag-ina ay kinuha ang kamay ni Dos sa akin.

“Bhe, ako na-- ako na ang magbubuhat kay Dos. . .” wika ni Ace, kinuha niya ng tuluyan si Dos sa akin at saka binuhat ito ng walang kahirap-hirap, “halika na hehehe,” turan pa nito at naunang naglakad.

Masama ko lang siyang pinapanood at noong mapansin na hindi pa ako sumusunod ay tumigil ito at lumingon sa akin, ngumiti siya ng matamis at tumango sa akin para sabihing tara na.

Sumunod ako sa kanila, naririnig ko pa ang sinasabi nito kay Dos.

“Dos, hindi mo sa akin gagawin 'yon. Dapat sa mga umaaway sa mama mo, kaibigan ko si Mama mo. . .” saad nito.

Pinapanood at pinapakinggan lang siya ni Dos, talagang sini-sink in niya sa utak niya ang sinasabi ng kaniyanh Nanay Ace.

“Pero sisigawan mo mama ko, Nanay Ace,” katwiran naman ng anak ko.

Napatawa naman ako ng mahina dahil sa sinagot sa kaniya ni Dos, pinaglalaban talaga nito ang side niya.

“Gano'n kami mag-usap, kaya dapat hindi mo 'ko sinisigawan.” Laban naman ni Ace sa kaniyang punto. “Lagot tuloy ako sa mama mo niyan,” dagdag na saad ni Ace.

“Prino-protect ko si Mama, sabi mo protect ko siya?” Inosenteng tanong ni Dos kay Ace, napangiti naman ako dahil sa sinabi ng bata sa kaniyang kausap.

“Kaya nga,” sang-ayon ni Ace.

“Edi salanan mo,” parang matandang sagot sa kaniya ni Dos.

“Ganito kasi 'yan, Ana--” hindi natuloy ni Ace ang sasabihin dahil biglang sumabat ang parang matanda ng anak ko.

“Nanay Ace,” tawag nito sa kaibigan ko at parang sinasabi ng kaniyang boses na makinig muna siya sa kaniya.

Ang cute. . .

“Sabi mo away ko aaway kay Mama, 'di ba?” Tanong niya, tumango naman ang kausap niyang matanda, “kaya iyong sigaw mo mama ko, sigaw rin kita balik?” Tanong nanaman nito kay Ace, tumango nanaman ito sa batang kausap. “Sigaw kita kasi turo mo akin 'yon e, syempre protect ko si Mama kaya gano'n gawa ko. Tapos syempre gawa ko turo mo sa akin kahapon, hindi mo naman paliwanag akin na hindi ka counted sa aaway kay Mama.” Mahabang paliwanag naman ni Dos.

“Ano ang pino-point mo?” Takang tanong ni Ace sa bata.

Bumuntong-hininga si Dos na parang pinaparating sa kaniyang Nanay na ang tanga nitong kausap kahit kailan.

“Salanan mo lahat, trabaho mo 'yon naman e.” Nakangiti naman na sagot ni Dos.

“Aba at talaga! Putek kang bata ka!” Sigaw ni Ace.

“Putek ka rin po,” magalang na bawi sa kaniya ng kausap.

“Ilalaglag kita ‘ta mo,” banta naman ng kaibigan kong matanda na, natalo lang ng maliit na bata at ang anak ko 'yon.

Proud Mama.

“Kahit laglag mo si Dos, ganda pa rin ako.” Proud at taas noo na tugon nito sa babae.

“Sino naman ang nagsabi?” Taas kilay na tanong ni Ace.

Agad naman akong tinuro ni Dos kaya tumigil si Ace sa paglalakad, nilingon din ako nito at saka tumawa ng malakas.

“Syempre mama mo 'yan, sasabihin niyang maganda ka talaga,” nang-aasar na sagot ni Ace sa kaniyang anak-anakan.

Masama ko siyang tiningnan pero tinawanan lang ako nito, akala ko ay iiyak ang anak ko gaya ng ginagawa ng ibang bata sa lugar namin kapag nasasabihan ng gano'n.

Pero ang ginawa ni Dos ang nagpatigil sa pagtawa ni Ace.

“Nanay Peng nga hindi ka sasabihan ng gano'n, mama mo pa naman siya.” Inosente naman na sagot ni Dos.

Sa sinabi niya ay natawa na ako ng tuluyan, naiinis naman na umirap si Ace sa anak ko. Natatawa akong kinuha ang anak ko sa kaniya, hinila pa nito ang buhok ng anak ko pero tinawanan lang siya nito.

Maganda naman si Ace, maputi at short hair. Kayumanggi ito at matangkad din naman, mas matangkad ito sa akin kaya hanggang balikat lang ako nito. Hindi gano'n katangos ang kaniyang ilong pero hindi rin naman iyon flat, ang labi niya ay maliit at manipis. Ang kilay niya naman ay hindi man makapal pero maganda pa rin tingnan, mahahaba rin ang pilik mata niya.

Alam kong nagbibiruan lang sila, madalas ay nangyayare ito sa kanilang dalawa. Kung sino pa ang matanda siya pa ang talo sa bata, iyon ang nakakatawa sa kanilang dalawa.

Kahit ata ugali ni Priscilla ay nakuha ni Dos, ganitong-ganito siya. Isang bagay kung bakit hindi ko makalimutan si Priscilla ay dahil 'yon kay Dos, kuhang-kuha niya ang ugali ni Priscilla.

Mukha man masiyahin ang anak ko, palagi naman itong seryoso at mahilig mangbara ng tao.

Kapag kaya magkasama kaming tatlo? Ano kaya ang mangyayare? Mag-aaway ba palagi si Priscilla at Dos? Makikita kaya nila ang sarili nila sa isa't-isa?






“Alam mo naman ang trabaho mo 'di ba?” Mataray na tanong sa akin ng babaeng naga-assist sa akin dito sa kusina.

“Oo,” nakangiti kong sagot sa kaniya.

“Mamayang alas sais na gaganapin ang birthday, kaya dapat matapos mo lahat ng pinapaluto in time. Alas tres na rin, kaya kumilos-kilos ka na.” Pagkatapos sabihin sa akin ng babaeng 'yon ang mga dapat gawin ay umalis na ito sa kusina kung nasaan ako.

Sa pag-uugali nito ay naalala ko si Annie, ganito rin siya noong una sa akin. Masungit, mataray, at akala mo ay papatayin na 'ko.

Binuklat ko ang hawak kong papel kung saan nakasulat ang mga lulutuin ko ngayong hapon para sa gaganaping birthday.

DISHES FOR ME PLEASE:
1. Pochero
2. Kinilaw
3. Sinigang
4. Kare-Kare
5. Sisig
6. Adobo
7. Humba
8. Pancit Guisado
9. Lumpiang Sariwa
10. Chop Suey

Literal na filipino dish talaga ang gusto ng birthday celebrant, ang dami at sigurado akong kukulangin ako ng oras kung ako lang ang mag-isang magluluto rito.

Kailangan ko ng kasama rito, alas tres na at mamayang alas sais na 'to. Masiyadong marami ang dishes na gusto para sa isang taga-luto lang, parang kailangan ko mag-request ng kasama?

Pero hindi, tinanggap ko ang trabaho na 'to kaya sige na lang. Baka magalit pa sa akin ang tauhan dito kung magi-inarte ako 'di ba?

Isa pa, para din naman 'to sa anak ko. But speaking of anak, kasama siya ni Ace at kung saan nanaman dinadala ang anak ko. Wala palang gagawin si Ace rito, sinamahan lang ako para sa trabahong na-offer sa akin.

As usual okay nanaman silang dalawa, away bati ang trabaho nilang mag-nanay.

Sinimulan ko na ang pag-aayos, walang mangyayare kung magi-inarte ako rito mag-isa.

“Pero ang dami. . .” usal ko naman.

Habang naghihiwa ako sa mga gagawing ulam ay may narinig naman akong nag-uusap sa labas ng kusina.

Iyong boses ay galing sa babaeng naga-assist sa akin kanina, habang iyong isang boses ng babae ay hindi ko marinig ng maayos dahil mahina ang kaniyang pananalita.

Hindi ko iyon pinansin, nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko. Palapit naman ng palapit ang kanilang paglalakad, mukhang dito ang tungo nilang dalawa. Hindi nga naman talaga ako nagkamali, dahil dito nga talaga.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kusina at ang takong na galing sa babaeng nag-assist sa akin. Hindi ako nag-abalang lumingon sa kanila dahil inaasikaso ko 'to, mas uunahin ko naman 'to ano.

“Tutulungan mo siyang magluto, para naman may ambag kang puta ka.” Malutong na mura nito sa kausap niya.

“Ikaw nga walang ambag, tumahimik naman ako.” Bawi naman ng kausap nito.

Mula sa paghihiwa ay natigilan ako dahil sa sinagot ng babae, hindi ako sigurado pero pamilyar sa akin ang boses no'n. . .

Hindi lang pamilyar, sobrang pamilyar. . .

Nakalimutan ko kung saan ko narinig ang boses na 'yon, pero alam kong nakausap ko na 'to o narinig ko na noon.

“Sige na, babalik na 'ko sa ginagawa ko sa labas, Cousin.” Paalam noong babaeng kausap ko kanina sa kaniyang kausap.

“Saka nga pala, iyan si Issa. Siya ang kasama mo rito, tulungan mo.”

Wala na akong narinig pa mula sa kanila pagkatapos no'n, hindi pa rin ako bumabalik sa ginagawa ko dahil patuloy kong inaalala kung saan ko nga ba iyon narinig, kung kailan ko 'yon narinig.

Maliban sa pamilyar ang boses nito, pamilyar din ang amoy nito at ang bilis ng tibok ng puso ko.

Narinig ko ang paglalakad nito, binaba ko ang hawak ko at humarap sa likuran ko. Nakatalikod naman sa akin ang babae, pero maging ang postura nito ay pamilyar sa akin.

Tumikhim ako, hindi ko naman nakuha ang atensyon niya.

“Hi?” Bati ko. “Ikaw ba ang makakasama ko. . .?” Pag-o-open ko ng topic. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa naging tanong ko sa taong kasama ko ngayon.

Obvious naman kasing siya ang kasama ko rito ngayon 'di ba? Kaya nga siya naririto para samahan akong gawin ang mga trabaho na binigay sa akin. Isa pa, narinig ko naman siguro ang tinuran ng babaeng kausap niya kanina. Sabi naman noong babae na tutulungan ako nitong nakatalikod sa akin.

Wala siyang salitang sinabi o wala akong narinig na kahit ano sa kaniya, nakatigil lang ito at katulad ko ay walang ginagawa. Noong napansin ko na wala itong balak na sagutin ako ay ako na ang tumalikod sa kaniya, binaliwala ko ang nararamdaman kong 'to. Baka kasi ay nagkakamali ako, baka ay narinig ko lang ang boses nito somewhere.

“Kung ano-ano ang iniisip mo, Issa. . .” bulong ko sa sarili ko, pinapangaralan ang sarili kong pagkatao.

Ngunit sigurado akong narinig din ako ng kasama ko, pero hinayaan ko na lang. Kahit ilang segundo na ang lumipas ay wala pa rin akong naririnig na kilos mula sa babae, iniisip ko tuloy ay baka multo talaga ang kasama ko.

Pero wala namang multo na kayang makipag-usap nang harap-harapan sa buhay na tao, nakikita rin naman siya noong babaeng kasama ko kanina rito.

Siguro ay kailangan ko na talagang itigil ang kahibangan ko.

Habang nakatalikod ako at ginagawa ang dapat kong gawin ay naramdaman ko naman ang pagharap sa akin noong babae, hindi ko pinansin dahil hind ko naman kilala ang babae at mas focus na 'ko sa pag-aasikaso sa pagkain.

Isang kamali ko lang, bawas na agad sa magiging bayad sa pagluluto ko. Sayang din 'yon, pagkain na rin ang mabibili no'n sa anak ko.

“Gael. . .?” Pagtawag sa akin ng babae.

“Ba--?” Hindi ko na natapos ang pagsagot sa taong 'yon dahil sa napagtanto ko ang tinawag niya sa akin, humigpit ang kapit ko sa kutsilyo na ginagamit ko panghiwa ng gulay.

Napaawang naman ang labi ko dahil doon, kumabog ng malakas ang puso ko because of that. . .

Kilala niya 'ko. . . ang taong 'to ay alam ang pangalan ko. . .

Binitawan ko ang hawak ko at saka dahan-dahan na humarap sa taong nasa likuran ko, nakayuko ako kaya naman hindi ko nakikita ang mukha niyo. Narinig ko ang paghinga nito ng malalim noong makita ako. . .

Katulad niya, lakas-loob akong lumingon sa kaniya at halos mahigit ko ang hininga ko noong makilala ko ang taong nasa harapan ko ngayon.

Nangingilid ang luha ko noong makita ko ang mukha niya, wala akong nararamdaman ngayon kundi ang gulat. . . gano'n din naman 'to, hindi gaya ko mas mabilis na tumulo ang luha nito kaysa sa akin.

Sa isang iglap lang ay nakayakap na siya sa akin, hikbi nito ang naririnig ko at wala sa oras akong napayakap sa kaniya at gaya niya ay tuluyang tumulo ang mga luha ko.

“Buhay ka. . .?” Pagtatanong niya sa kaniya, hindi ako sumagot dahil patuloy lang ako sa pag-iyak sa balikat niya, “buhay ka! Buhay ka, Gael!”

“Annie. . .”

Continue Reading

You'll Also Like

347K 6.2K 169
Izuku Yagi is the son of Inko and Toshinori Yagi, and the brother of Izumi Yagi. He's bullied by Katsuki Bakugou, Shoto Todoroki, Shion Todoroki, and...
567K 19.3K 144
Read and find out...
306K 15K 53
Seven Deadly Sinners Series #4: GLUTTONY [Evion Illary Sullivan] "Oh, sweetie, even the Heavens can hate me but I will never give you to anyone." ___...
6.3K 357 9
A/N: This was my first ever story. Not long but not a one shot. It's not the best of my literary style but every writer has that one story that isn...