SWEETHEART 13: Someday My Pri...

By AgaOdilag

150K 2.9K 183

He would be hers... someday Walong taong gulang si Delaney Williams nang iuwi ng kanyang ama ang isang labimp... More

First Page
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE

CHAPTER FIFTEEN

5.1K 122 3
By AgaOdilag

"ALAM kong lahat ang ginawa mo nang gabing iyon, Delaney," pabuntong-hiningang sabi ni Nana Mameng nang magtangka siyang ipagtapat dito ang dahilan sa likod ng sapilitang pagpapakasal nila ni Prince.

Manghang humarap siya rito. "Alam ninyo?"

"Kulang na lang ay ako ang nagluwal sa iyo sa
mundong ito, Delaney. Sa palagay mo ba ay
mapaglalakuan mo ako?" Malungkot itong naupo sa pang-isahang sofa.

Nagsalubong ang mga kilay niya. "H-hindi ko
naintindihan. Nakisaya kayo sa kanila nang ianunsiyo ni Prince ang engagement nila... "

"Ano ang inaasahan mong gawin ko?" sagot nito. "Hindi ko binigyang-halaga ang damdamin mo kay Prince mula noong bata ka pa lalo at nitong nagdadalaga ka'y hindi ka naman nawawalan ng kasintahan. Subalit nang ihayag ni Prince ang ugnayan nila ni Cleo, tila ako ang nasaktan sa nakita kong sakit na gumuhit sa mukha mo. Nakita ko rin ang patago mong pag-iyak sa duyan nang gabing iyon. Alam ko kung anong oras dumating si Prince at gising ako nang pumasok ka sa silid ko at mag-antabay."

Napaupo sa sofa si Delaney. Matagal nang nangyari iyon subalit hindi niya maiwasang hindi mag-init ang mukha sa pagkapahiya.

"Bakit hindi man lang ninyo ako inawat, Nana?" pabulong niyang sabi.

"Iyon ang isang malaking pagkakamali sa bahagi ko," wika nito, nagkalambong ang mga mata."Kinunsinti kita dahil hindi ko gustong makitang nasasaktan ka. Kung kaya ko lang ibigay sa iyo ang lahat ng bagay na makapagpapaligaya sa iyo ay gagawin ko."

"Oh, Nana." Nilapitan niya ito at niyakap.

"Nalimutan kong hindi ang uri ni Prince ang
nagpapamanipula kahit na kanino," patuloy ni Nana Mameng, banayad siyang tinapik-tapik sa balikat. "Kung kinupkop lang siya ng daddy mo at hindi ipinadala sa farm para magtrabaho, natitiyak kong buhay pa man ang ama mo'y matagal na siyang nawala sa atin. Matayog at may prinsipyo si Prince, Delaney. Hindi niya gustong umasa sa daddy mo nang walang kapalit sa bahagi niya. At alam ni Zach iyon."

Tumingala siya upang ibalik ang nagbabadyang mga luha. "Uuwi tayo sa farm, Nana. Gusto kong ituwid ang pagkakamaling nagawa ko."

"Sa palagay mo ba ay tama ang desisyon mong ito?"

She sniffed. Si Jordan mismo ang nag-ayos
annulment papers niya sa nakalipas na ilang araw. Kailangan niyang papirmahan iyon kay Prince at siya mismo ang magdadala. Gusto ni Jordän na samahan siya sa pagtungo sa Sta. Esperanza subalit tumanggi siya. She might be a lot of things but she had never been a coward.

"Hindi ko na maibabalik ang panahong nasayang, Nana. Dapat sana'y naging maligaya si Prince sa piling ni... Cleo. Kayo na rin ang may sabing maraming isinakripisyo si Prince para sa akin. Noon ko pa dapat naisip ito."

"Umaasa akong para sa kaligayahan nínyong pareho ni Prince ang kahihinatnan ng gagawin mo, Delaney," wika nito.

Isang pilit na ngití ang ibinigay niya rito. "Mayroon ba kayong hindi gusto kay Jordan, Nana?"

"Kung si Jordan ang dahilan kaya naisip mong
pawalang-bisa ang kasal ninyo ni Prince ay hinahangad ko ang kaligayahan ninyong pareho, Delaney. Hindi na rin naman iba si Jordan sa akín. Kung sana lang..." Hindi nito itinuloy ang sinabí at malungkot na umiling.

"Kung sana lang ay ano, Nana?"

Gumuhit ang lungkot sa mukha nito. "Para sa akin ang kasal ay sagrado, Delaney, saan man ito ginanap. Pero sa kaso ninyo ni Prince ay tama marahil na ipawalang-bisa mo ang kasal ninyo."

Higit kaníno man, siya ang magnanais na hindi mabuwag ang kasal nila ní Prince, But some things weren't meant to be.

WITH her heart thudding violently against her chest, tahimik na pinagmamasdan ni Delaney si Prince habang niyayakap ito ni Nana Mameng. He wore a charcoal gray shirt that was stretched across his taut muscles defining his strength, and a pair of faded denim cutoffs that emphasized the lean, long line of his leg, and the corded muscles of his thigh.

His hair groomed with neglect. Nilalaro na ng dulo niyon ang kuwelyo ng polo nito. Pero walang bago roon. Prince always wore his hair a little longer. Kahit nang una itong dalhin ng ama niya sa kanila. The seventeen-year-old boy who had given the tall, dark, and handsome cliché new meaning.

He was nearing thirty-three. Pero walang nagbago. He still had that power to hold her captive with those deeply set midnight eyes. Mga matang sa sandaling iyon ay nakatuon sa kanya. She tried to break her eyes away, but could not seem to find the strength.

"Napabakuran mo na pala ang buong solar, Prince," ani Nana Mameng na kumawala sa pagkakayakap dito.

That was enough to snap Delaney out of herself. She sucked in air. Nilinga niya ang adobeng bakod na nakapalibot sa malaking solar. Ang nakabukas na gate ay yari sa pinagdikit-dikit na malalaking tabla; malalaking itim na turmilyong bakal ang nagsilbing pako. At cobbled stones ang driveway.

Natanaw niya ang batong hagdan paibaba sa tagiliran ng bahay. Lumakad siya patungo roon. Sa magkabilang gilid ng tinnatahak niya ay sarisaring halaman. May mga ferns na iba't t ibang uri. Atang mga orkidyas na nakasabit sa twin dwarf coconut trees ay naglalakihan at naggagandahan. ang mga bulaklak. Pinag-isipan niya kung si Prince ang naghahalaman.

Napakalaki ng ipinagbago ng lugar na iyon mula nang huli silang naroon ni Nana Mameng. Gayunma'y tila kabisado ng mga paa niya ang tutunguhin. At hindi siya nagkakamali, sa likod ng malalagong halaman at ng matataas na palm trees ay natambad sa paningin niya ang foot-shaped swimming pool.

Hindi niya mapigil ang mapasinghap nang marahan. Ang asul na tubig ay kumikislap sa init ng panghapong araw. Napapaligiran iyon ng terra-cotta tiles. At hindi kalayuan sa tagilirang entrada ng bahay ay dalawang lounger na yari sa magandang uri ng kahoy.

Minsan ay sinabi sa kanya ni Prince na nangangarap itong makapagpagawa ng swimming pool sa tagilirang bahagi na iyon ng bahay, smaller version ng swimming pool sa dating mansion.

"You're obsessed, Prince. Ikaw yata ang mas
naapektuhan sa pagka wala ng mansion..."
nakatawang sabi niya rito.

Nagkibit ito ng mga balikat. "Pangarap lang
naman iyon. Baka kahit itong bahay ay hindi natin matapos."

She believed Prince could make his every dream come true. Nakikita niya ngayon ang katuparan ng mga pangarap na iyon. Sa kabila ng malaking pagbabago ay pinanabikan niya ang lugar na ito. Bagaman malabo na sa alaala niya ang dating lumang bahay, noon pa man ay umasam na siyang dito sila ni Prince maninirahan. But sometimes, the simplest of dreams seemed so unreachable.

In legality, this whole farm was hers. Subalit mas na pag-aari na iyon ni Prince kaysa sa kanya. Sa bawat metro-kuwadrado ng lupaing iyon, maging ng bahay, ay naroon ang tatak nito. Marahil, kapag naayos na ang annulment nila ay magagawa na nilang paghatian ang propiedad. Hindi na pinag-uusapan ang conjugality niyon. Kahit na hindi sila ikinasal ay ipagkakaloob pa rin niya rito ang kalahati ng farm.

Kung mayroon man siyang panghihinayangan ay ang tuluyang pagkakaputol ng ugnayan nila sa sandaling gawin niya iyon.

With sadness in her heart, tumalikod siya upang bumalik sa pinanggalingan nang mapuna niyang nakatayo si Prince sa may lanai, sa tagilirang entrada ng bahay. Their eyes met-richest amethyst embracing dark ones. Again, she didn't have the willpower to break eye contact.

"So, anong masamang hangin ang muling nagdala sa iyo rito sa farm?" ani Prince sa tinig na kasinlamig ng yelo.

Sapat upang kumurap si Delaney sa pagkakatitig niya rito. "Salamat sa pangungumusta, Prince," she said, mild sarcasm laced her voice. "I'm fine, thank you."

"Let's spare the unnecessary greetings, Delaney. "Ibinabalita sa akin ni Nana Mameng ang lahat ng tungkol sa iyo. At kanina lang ay nabanggit niya na nakapagsara ka ng negosasyon sa napakalaking halaga."

Hindi nag-aksaya si Nana Mameng ng sandali. At wala pa silang media ahora mula nang dumating. She sighed and tried to meet his eyes. "You still look good, Prince," komento niya, sinisikap na ipagpaliban ang sadya niya kahit hanggang mamaya.

Right now, she was too tired and hot. At nag-aanyaya ang swimming pool sa tabi niya. Nakapanghihinayang na wala siyang dala kahit na anong pampaligo.

"Ano ang inaasahan mong makita sa akin sa nakalipas na dalawang taong mahigit? Fat, bald?" The midnight black eyes that bored into her was emotionless.

Nagkibit siya ng mga balikat. "Honestly, I don't know what to expect but never that."

"Samantalang ikaw ay malaki ang nabago, Delaney. Nahiyang ka sa bansa ni Zach. Lalo ka nang nagmukhang banyaga. At nineteen you were slim." His eyes stripped her. And she felt defenseless. "Now I can see that you have filled at the right--places." Sinadya nitong bigyan ng distansiya ang dalawang huling salita bago bumaba ang mga mata nito sa dibdib niya, taking in the rapid rise and fall ofher breasts.

Unti-unting nag-init ang mga pisngi niya. Hindi ang alaala nang huli siyang narito ang gumuhit sa isip niya kundi ang alaala nang umagang iyon sa silid niya. Marahas ang pagkakayugyog nito sa mga balikat niya upang gisingin siya. Sa pagkagulat ay napabangon: siya at ang kumot ay humulagpos patungo sa ibabang bahagi ng katawan niya.

At sa kabila ng galit ni Prince ay hindi nakaligtas sa paningin niya nang saglit na naglandas ang mga mata nito sa dibdib niya. Sapat upang dakmain niya ang kumot sa kandungan at itakip sa dibdib niya.

Her chest tightened in dismay. Hindi niya gustong alalahanin ngayon ang pangyayaring iyon. Ibinaling niya ang paningin sa mga orchids na nakasabit sa driftwood sa tagiliran niya. But she wasn't actually seeing them.

Libu-libong emosyon ang nagdidigmaan sa puso niya--abandonment, heartache, confusion, and humiliation. Ang sakit na nadama niya nang iwan siya nito matapos ang kasal nila ay nangingibabaw pa rin. But she wouldn't let it show.

"Hindi ka umuwi para magbakasyon, Delaney."
Binasag nito ang katahimikang namagitan sa kanila. "Wala akong nakitang bagahe mo maliban sa isang maliit na traveling bag. Natitiyak kong matagal na ang tatlong araw na gusto mong ipanatili rito."

"You're right." She sighed heavily. "I don't intend to stay long. May kausap akong tao sa Sabado. Kung... kung magagawa kong ipakipag-usap sa iyo ngayong araw na ito ang sadya ko, bukas ng umaga'y babalik na kami ni Nana sa Maynila."

Unti-unting nagsalubong ang mga kilay nito. "Anong importanteng dahilan ang ipinarito mo at pinapagod mo sa balikang biyahe ang matanda?""

She winced inwardly. Sa himig ng salita nito ay tila wala siya kahit kaunting konsiderasyon kay Nana Mameng. Sa isang banda ay may katwian ito. Bago pa man sila nagbiyahe patungo sa farm ay naisip na niyang mahahapo nang husto si Nana Mameng. Pero kailangan niya ito sa pagharap kay Prince. Bagaman wala itong kinakampihan sa kanila, ang presensiya nito ay nagbibigay ng lakas ng loob sa kanya.

"So, don't prolong my suspense, Delaney. Ano ang sadya mo rito?"

Sa nakikita niya'y walang balak si Prince na
pagpahingahin man lang siya. Anyway, the sooner it was done, the better. She would spare herself from hurting all over again. Maaari niyang iwan si Nana Mameng at ipahatid na lang kay Prince makalipas ang ilang araw.

"It's about our marriage, Prince," simula niya, amazed that her voice could remain so clear and steady. "I want an annulment."

The silence that stretched between them made her wonder if Prince expected to hear more, so she added hastily, "Sa uri ng kasal natin, annulment should not so difficult to procure."

"I see," he said after a while. "It should not be
difficult, sabi mo, I wonder what gave you the idea?" His voice soft and menacing like a drawn out snarl that precedes the attack.

She licked her dry lips nervously. Bahagya na niyang napansin ang sensuality ng ginawa niya. Nang mag-angat siya ng tingin ay sa mga labi niya nakatitig si Prince.

She swallowed a lump in her throat. "H-hindi
magiging mahirap dahil-"

"Oh, Prince, there you are!" wika ng masiglang tinig mula sa front yard at pumutol sa sasabihin ni Delaney. "Tinanghali ako ng gising."

Nag-angat ng paningin si Delaney. Si Cleo. Naka-polo shirt ito ng puti na bukas lahat ang mga butones. Sa ilalim niyon ay two-piece swimsuit, in obscene red. Na ang tinatakpan ay ang dapat lang na matakpan kung nakatakip mang matatawag iyon.

Delaney hadn't counted the chance of seeing Cleo since she wouldn't be staying longer than twenty-four hours. Pero nalimutan niyang lagi nang mapagbiro ang pagkakataon.

Lumingon si Prince. "Hello, Cleo," wika nito, a smile on his lips. "Natatandaan mo pa ba si Delaney?"

Dalawang hakbang na lang palapit kay Prince ay nahinto si Cleo. It was obvious that she hadn't noticed Delaney. Kay Prince ito nakatingin nang bumungad mula sa harapang-bahay. Nang makita siya ay agad na naglaho ang ngiti sa mga labi nito.

"No wonder the car was familiar," she said. "Hindi ko kaagad naiugnay sa ward mo ang kotse, Prince."

"Delaney's my wife now, Cleo," pagtutuwid nito.
"Nakalimutan mo na ba?"

"Hello, Cleo," Delaney managed to say.

Tinitigan siya nito. Then a sarcastic smile broke on her painted lips as she turned to Prince. "Paano kong malilimutan iyon, darling? Pinikot ka niya sa mismong gabi ng engagement natin."

Delaney cringed inside. Guilt, humiliation, and pain melded with each other. "I'm sorry about that, Cleo. Anyway, I am going to rec-"

"Go up and rest, Delaney," utos ni Prince na pumutol sa sasabihin niya. Tumingala ito sa mismong tapat nito. "Natitiyak kong inihanda na ni Nana Mameng ang silid mo. Well talk later."

Gusto niyang magprotesta. Prince couldn't just
dismissed her like an eight-year-old girl. Subalit hinawakan na nito si Cleo at inakay patungo sa lounger. Pagkatapos ay hinubad nito ang suot na T-shirt, exposing a well-trimmed body. Ang kasunod nitong hinubad ay ang cutoffs. Sa ilalim niyon ay isang kulay itim na swimming trunks.

Nakita ni Delaney ang kislap ng paghanga sa mga mata ni Cleo habang sinusuyod ng tingin si Prince. Mabilis ang pagsiklab ng galit sa dibdib niya, lalo na nang sabay na tumalon sa tubig ang dalawa na tila ba wala siya roon.

Magkasama ang galit at panibughong mabilis na pumasok sa lanai si Delaney patungo sa loob ng bahay.

Continue Reading

You'll Also Like

134K 2.7K 23
Trace Lavigne was SEAL. His code name: Condor. A bird of prey. A hunter. Dangerous and majestic. Uncapable of love... of tenderness. He was angry and...
92.7K 1.6K 23
Nang unang masilayan ni Serena si Jared Atienza ay nakita niya rito ang katuparan ng mga suliraning iniwan sa kanya ng namayapang mga magulang. Jare...
11.5K 330 24
Madalas mapanaginipan ni Viryl ang sarili at ang isang lalaking nagngangalang "Ed". Malinaw ang lahat maliban sa mukha nito-that faceless man made he...