SWEETHEART 13: Someday My Pri...

By AgaOdilag

150K 2.9K 183

He would be hers... someday Walong taong gulang si Delaney Williams nang iuwi ng kanyang ama ang isang labimp... More

First Page
PROLOGUE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE

CHAPTER ONE

7K 119 2
By AgaOdilag

1975

MULA sa pagsi-zipper ng pantalon ay nilingon ni Prince ang ina. Sunud-sunod ang pag-ubo nito habang pinaplantsa ang pang-itaas niyang unipormeng polong puti.

"Bakit hindi n'yo patingnan sa center iyang ubo
ninyo. Matagal na iyan, ah. At saka sabi ko naman sa inyo, ako na ang mamamalantsa riyan sa uniporme ko. Kaya ko naman iyan, 'Nay."

"Hindi naman mabigat itong ginagawa ko, anak," wika ni Rebecca.

Habang isini-zipper ang pantalon ay hindi inaalis ni Prince ang nag-aalalang tingin sa ina na nakayuko sa pinaplantsa nito. Umaalon ang dibdib nito sa pagsisikap na pigilin ang pag-ubo. Cuarenta y dos pa lamang si Rebecca.

Gayunma'y tila matandang-matanda na itong
tingnan. Puti na halos lahat ang buhok. Hapis ang mukha at payat. Sa likod nito, sa dingding ay nakasabit ang dalawa sa mga litrato nito noong kabataan. Nasa entablado at may hawak na mikropono; ang isa'y nasa isang mesa, nakangiti at may sigarilyong nakaipit sa mga daliri.

She was twenty-four nang mapasok na waitress sa isa sa mga restaurant/cocktail lounge sa Ermita. Natuklasang may ibubuga naman pala sa pagkanta kahit papaano. Binigyan ito ng pagkakataon ng manager na maging crooner sa gabi na labis nitong ipinagpasalamat.

Maliban sa kasiyahan at mas glamorosong dulot ng bagong trabaho, kailangan din nito ng mas malaking kita dahil sa matandang inang labas-masok sa pagamutan.

Sa trabaho nito ay nakilala ni Rebecca ang anak ng may-ari ng club. He frequented the club and not only was he generous with his tip but he was also married. Gayunman ay hindi naging hadlang iyon upang hindi ito ibigin ni Rebecca.

Nang mamatay ang nag-iisang magulang ni Rebecca ay ang lalaking ito ang laging nasa tabi nito at nakiramay at nagbigay ng suporta.
Nagtagal ang relasyon hanggang sa isang araw ay nagpaalam ang lalaki na aalis ito patungong ibang bansa kasama ang asawa. Na ang club ay naipagbili na ng mga magulang nito. At na huwag siyang mag-alala dahil babalik din naman ito.

Bagaman sa simula pa lamang ay inihanda na ni Rebecca na mangyayari ang ganoon ay hindi nito maiwasang labis na masaktan. Ang kabataan nito ay nagugol sa piling ng lalaki na sa bandang huli ay iniwan din ito. Ganoon man ay nagpatuloy ang buhay ni Rebecca sa club.

At dahil nagkakaedad, at may higit na mga batang crooner, nabawasan ang oras nito sa pagkanta. At nabawasan din ang kinikita nito na kulang pang pambili ng makeup at damit.
At natutuhan nitong sumama sa mga customers na nagyayayang lumabas. Katwiran nito'y hindi ito mananatiling bata at mananatiling makakaawit, kailangan nitong pag-ipunan ang pagtanda na kung saan ay nakikini-kinita na nitong mabilis na dumarating. Isa pa, hindi ito sumasama sa customer nang dahil lang sa pera. Kailangang kahit papaano'y may atraksiyon ito
sa lalaki.

And Rebecca never thought she'd get pregnant. Sa anim na taong pakikisama niya sa kaisa-isang lalaking minahal ay hindi siya kahit minsan nagdalang-tao.

Magkahalong pag-aalala at tuwa ang nadama ni Rebecca nang una nitong matuklasang nagdadalang-tao ito. Pag-aalala dahil treinta y cinco na ito, tuwa dahil sa buhay na pumipintig sa sinapupunan nito.

Bagaman ni hindi nito matukoy kung sino sa mga nakarelasyon ang ama ng dinadala, it didn't bother her. She was ecstatic. Nanatili ito sa pagkanta nang dalawang beses sa isang linggo sa club hanggang sa kaya pa nitong itago ang kalagayan. Nanghihinayang ito sa kikitain lalo at kailangan nito ng salapi para sa dinadala. Ganoon ma'y iniwasan na nitong lumabas sa kahit na sinong customer.

Huminto si Rebecca sa pagkanta sa club nang
tumuntong sa ikalimang buwan ang tiyan nito at nagsisimula nang mahalata. At natitiyak ni Rebecca na ikinasiya ng manager ang pamamaalam niya. Tanging ang maraming mga taon na itinagal nito sa club ang
nagpangyari upang hindi ito lantarang paalisin.

Kahit paano'y marami nang naipon si Rebecca.
Magagamit na kaunting puhunan sa pagtatayo ng maliit na tindahan sa harap ng inuupahang apartment.

When she gave birth to a healthy baby boy, she couldn't contain her happiness. She named him Prince.

Her prince.

Subalit unti-unting naubos ang naipon. Ang munting tindahan sa harap ng apartment ay hindi naman maasahan dahil hindi lang naman siya ang may tindahan sa lugar nila. Na lalo pang pinasama ng mga nangungutang na hirap magbayad. Bago nagsimulang mag-aral ang anak ay maraming beses na silang lumipat ng tirahan.

Nang magtapos ng elementarya si Prince, sa
iskinitang iyon sa Tondo sila napadpad. Sa isang maliit na silid na naroon na ang lahat-sala, kusina, tulugan, at isang maliit na comfort room. At upang mapanatili nitong
mapag-aral si Prince ay kailangan nitong maghanap ng mapagkakakitaan, at iyon ay ang paglalabada.

ANG MULING pag-ubo ni Rebecca ang nagpabalik sa isip ni Prince sa kasalukuyan. Kabisado na niya ang kasaysayan ng ina. Hindi iyon itinago ni Rebecca sa kanya nang magsimula siyang magkaisip at hindi miminsang napapasubo sa away dahil sa panunukso ng mga kalarong putok siya sa buho.

Pero kasusuklaman ba niya ang ina na ipinanganak siyang walang ama? Na hindi man lamang nito matukoy kung sino ang ama niya? Na ang tanging konsolasyong ibinibigay sa kanya ni Rebecca-kung konsolasyon mang matatawag na ang mga nakarelasyon nito noong panahong bago nito nalamang nagdadalang-tao ito ay hindi basta-bastang mga tao.

At nitong nakaraang taon ay inilabas ni Rebecca mula sa taguan ang tatlong lumang calling cards ng mga lalaking nakatalik nito nang mga panahong iyon. And Rebecca swore that there were only three men that she alternately went out with in those days.

Ang isa'y manager ng bangko; ang isa'y franchiser ng isang gasolinahan; at ang isa'y negosyanteng Intsik.

Prince's lips twisted in a bitter smile. The Chinese businessman was out. He didn't look Chinese, not a bit. He was dark. But then he couldn't be so sure. Morena si Rebecca. At ano ang malay niya kung wala siyang namana sa bahagi ng Chinese businessman, kung ito man nga ang ama niya. At alangan namang hanapin niya ang address ng mga opisinang nakalagay sa namumula nang mga calling cards upang tingnan ang mga may-ari niyon at baka isa sa dalawa'y ang ama niya.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Prince. Matagal na niyang pinunit at itinapon ang mga calling cards na ipinakita sa kanya ni Rebecca. Matagal na rin niyang natanggap ang buhay niya. Hindi niya kailanman kinamuhian ang ina dahil doon. At least, nitong huling lipat nila ng tirahan ay hindi na siya nakikipagbasagan ng mukha dahil kung tutuusin ay maraming mga bata roon ang tulad din niya ang buhay. Isa pa'y nakapaghabi ng kasinungalingan si Rebecca na biyuda ito.

Inabot niya ang polo mula sa ina. "Hindi na muna ako papasok sa gasolinahan mamayang hapon, 'Nay. Sasamahan ko kayo sa center. Gusto kong patingnan ninyo iyang ubo n'yo."

"Wala ito, Prince," sagot ni Rebecca. Nagsisikip ang dibdib sa pagpipigil na maubo. "Iyang... pag-aaral mo ang pagbutihin mo. Noong nasa elementarya ka'y hindi ka naalis sa first honor at valedictorian ka nang magtapos. Huwag mong hayaang masayang ang talino mo, anak. Iyan man lang ay maipamana ko sa iyo at pases mo upang mahango ka sa hirap. Kung ako ang masusunod ay ayokong pumapasok ka sa gasolinahan. Hatinggabi ka na kung umuwi. Nag-aalala ako sa iyo."

"Kung ako naman ho ang masusunod, mas gusto kong mag-full-time sa trabaho ko nang hindi na kayo. naglalabada pa. Baka iyan ang dahilan kung bakit hindi na kayo nawalan ng ubo, 'Nay," wika niya habang ibinubutones ang puting polo.

"Iyan ang huwag mong gagawin!" mariing sabi ni Rebecca. Muli itong inubo at muli rin ay sinikap na pigilin iyon. "Diecisiete ka na pero tingnan mo at nasa ikatlong taon ka pa lang sa high school. Pahintu-hinto ang pag-aaral mo. At kung titigil ka, paano ka makakatapos?"

"Kayo lang ang inaalala ko. Nahihirapan kayo riyan sa paglalabada n'yo. At hindi ko sinabing hihinto ako." Idinagdag niya ang huling sinabi para lang mapanatag ang ina.

Obsesyon ni Rebecca na mapagtapos siya ng pag-aaral.

Malimit nitong sabihin sa kanyang igagapang ang pag-aaral niya hanggang sa makatapos siya. Nitong nakaraang taon ay pumasok si Prince bilang boy sa gasolinahan upang matulungan ang ina. Mula hapon paglabas sa escuela hanggang alas-dies ng gabi ang pasok niya.

At dahil mahirap para sa isang murang edad na
pagsabayin ang ganoong uri ng trabaho, napabayaan ni Prince ang pag-aaral sa matinding galit ni Rebecca. Napilitan siyang iwan ang part-time job sa pagpipilit na
rin ng ina.

Subalit nitong nakaraang anim na buwan ay napuna niya ang malimit na pagkakasakit ng ina. Ipinasya niyang muling pumasok na gasoline boy sa gabi at nangako sa inang hindi pababayaan ang pag-aaral. Labag man sa loob ay napapayag niya si Rebecca sa katwirang mas hindi siya makakapag-aral kung wala siyang panggastos.

Tiningala ni Rebecca ang anak na sa murang edad ay mataas at malaking bulas. "Gusto kong ibigay sa iyo ang magandang bukas, Prince," Rebecca said passionately. "Iyon man lang ang maging kabayaran ko sa kawalan mo ng ama."

"'Nay."

"Ipangako mong mag-aaral kang mabuti at
magtatapos, Prince, kahit na ano'ng mangyari..."

Inakbayan ni Prince ang ina at hinagkan sa buhok. "Siya, tama na ho iyan. Nangangako ako sa inyo. Aalis na ho ako. At huwag kayong maglalaba ngayon, baka lumala pa iyang ubo ninyo."

Tuluy-tuloy na lumabas ng entresuwelo ang binatilyo.

Continue Reading

You'll Also Like

4.5K 120 200
PHR Tagalog romance books I haven't read yet. Binase ko sa summary ang mga una kong gustong basahin for part 1. Yung feeling na sa description pa lan...
6K 140 14
Tunay na mahal ni Maila si Keith kaya gumawa siya ng paraan para mapasakanya ang binata. Nagpaubaya siya sa lahat ng bagay pero hindi pa rin iyon nag...
3M 77.4K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
245K 3.6K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...