She's Yours

By abcd0987

23K 1.6K 348

"She is not my type. She is never been my type. And she will never be my type." More

1st
2nd
3rd
4th
5th
6th
7th
8th
9th
10th
11th
12th
13th
14th
15th
16th
17th
18th
19th
20th
21st
22nd
23rd
24th
25th
26th
27th
28th
29th
30th
31st

32nd

304 16 16
By abcd0987

< Anna Grecque's PoV >

"Anong kaguluhan 'to? Xyrus, what's wrong? The people are inside. Let's go back. Malamang sa malamang ay hinahanap na tayo." -Andy.

"Yes, you should just go back." -Arnold

Ngunit hindi kumilos si Xyrus. Diretso lang ang tingin niya sa amin ni Arnold. May galit. He's probably jealous. Or nandidiri lang siya sa akin. Napopoot. On how I managed to change guys easily. And this thinking made myself stronger. Pinunasan ko ang luhang tumulo kanina at muling bumaling sa kanya.

"What, Xyrus? Dont tell me you fucking want to stay here? With whom? I'm gonna fucking punch you if you'll fucking tell me with her." -Mabilis na sabi ni Arnold na itinuro pa ako.

"Hindi namin gustong makipag-away sa inyo. You should also calm down, Arnold." -Vince

"No way I will fucking calm down when you're in front of me."

Hinawakan ko ang braso ni Arnold nang umamba ito na lalapit kay Vince. Malakas na suminghap si Xyrus na siyang ikinaestatwa ko. Muling hinawakan ni Andy si Vince dahil kita sa ayos nito na ano mang oras ay lilipad ang kamay nito kay Arnold.

"Tsss. Listen, Xyrus. You don't deserve my bestfriend. I wish you stay out of her sight. Ever."

"Don't involve yourself here, Cindy. Wala kang alam."

"O? I'm sorry, ate. Why? Does your friend know about this?"

Mabilis na hinila ni Cindy ang kanang braso ko at tinanggal ang gloves na suot ko rito. Huli na ng bawiin ko ito sa kanya. Tumambad sa harap nila Andy ang braso ko na may mga scratches. Two days ago nang makuha ko ito kaya visible pa rin ang sugat nito.

"What happened?"

"Stand still, Vince."

Itinago ako ni Arnold sa likod niya. Kitang-kita ko naman ang mabibigat na mata ni Xyrus nang tumingin ito sa akin. I can see he wants to come near me. Or, yun nga lang ba talaga ang gusto kong makitang reaksyon niya? Humakbang papalapit sa amin si Xyrus pero bago pa man din siya makalapit sa akin ay marahan siyang tinulak ni Arnold.

"This is what I am actually waiting for."

"Where's your manner, Cindy? You probably forgot your manners in New York."

"You don't deserve my manners, ate."

Pinapagpasensiyahan lang ni Andy si Cindy. Tinapik ni Andy si Vince para sabihing wala silang mapapala dito.

"Oh, stop." -Utal ni Cindy sa kakahakbang palang na si Andy.

"We should be the ones walking out. Since we're the ones whose very disappointed to the three of you. Tabi, dadaan kami."

And for that, we left. Dim na nang makabalik kami sa party. Wala na kasi ang dad ni Cindy at iba pang matatanda na nandito kanina. Party na talaga 'to ng mga kabataan. Nakailang glass na ako ng whiskey. Six? Seven? Or eight. I don't know, pero I know na nakakarami na ako. Taas kilay akong tiningnan ni Arnold habang umiinom.

"What's your problem?" -Tanong nito.

"Its normal to have problems. Its part of life."

"And its supposed to make you stronger, princess."

"Am I not?"

Hindi na sumagot pa si Arnold sa tanong ko dahil padabog na sumalampak si Cindy sa couch na inuupuan namin. Galing ito sa dancefloor at halatang lasing na ito. Binabantayan naman namin siya ni Arnold ng sumasayaw ito sa gitna kaya walang nagbalak na lapitan o pormahan ito. Siguro, dahil na rin sa kilalang-kilala siya ng mga tao rito.

"Cindy, you should behave. Your boyfriend won't be happy seeing you like this."

"Duhduhduh, Arnold. We had a fight before I came here. He's probably enjoying his vacation in Cambridge. So I will try my best to enjoy here." -Pagpapaliwanag nito kay Arnold. "And you know what, bestfriend? You should come home with us. New York is your home. Our friends miss you as bad as I do. And I think, your dad will be glad to see you, too." Baling naman nito sa akin.

"You're drunk, Cindy."

"No, Arnold. Not yet. I want to dance, come on."

Hindi na nakaangal pa si Arnold nang hilahin na ako ni Cindy sa gitna.

"Don't worry. I'm watching you both." -Sigaw ni Arnold sa hangin dahil sobrang lakas ng sounds sa party na 'to.

Maingay, lively at masaya ang mga tao sa dance floor. Palakas ng palakas ang sounds. Nakakaengganyong sumayaw kaya hindi na ako nagtaka na damang-dama ni Cindy ang kanta. Nasa tabi lang naman niya ako at sinasabayan ko siya sa galaw niya.

"I miss dancing with you!" -Sigaw ni Cindy sa tenga ko.

Masyado kasing malakas ang music at kelangan pang magsigawan para marinig mo lang ang sasabihin ng isa't isa. Nagpaparty ako noon. Kasama ang mga kaibigan ko. Mahilig sa maiingay na party si Cindy at Aira kaya naman minsan ay nahihila nila ako sa mga ganito. Si Arnold naman ay sumasuma rin para bantayan ako, at si Ace, dahil bawal lumabas si Aira ng hindi siya kasama.

"See Xyrus? Is he looking at me?" -Rinig kong sabi ng isang babae sa likod ko.

Hinanap ng paningin ko si Xyrus at nakita ko nga siyang nakatingin sa pwesto namin. Sa likod ko lang ang mga babae. Assumera man ako, but I believe he's actually staring at me.

"You think so? Wait... Oh! He really is!" -Sagot naman ng isa na tumuro pa sa high table na pinupwestuhan ni Xyrus.

Sabay pang tumili ang dalawa para iparating ang saya o tuwa. Lumuwag ang pagkakahawak namin ni Cindy pero tuloy-tuloy pa rin ito sa pagsasayaw.

"Halika, lapitan natin."

Nagulat ako sa sinabi ng dalawang babae sa likod ko. Hindi ko maiwasang hindi tumingin sa kanila. Maganda sila pareho. Matangkad. Maputi. At maganda ang kurba ng katawan. Kitang-kita ko 'to nang dumaan sila sa akin. Hapit na hapit ang pareho nilang damit. Xyrus is still looking at me. Nang makalapit ang dalawa sa kanya ay nakita ko itong naglahad ng kamay kay Xyrus. Tinanggap naman niya ito dahilan para ibaling niya ang atensyon niya sa mga ito.

"Sorry." -Sarkastikong pagpapaumanhin ng isang babae sa akin.

Naapakan niya kasi ako at ramdam na ramdam ko ang sakit nito lalo pa't mukhang yung takong niya ang tumama sa daliri ng paa ko. Kinindatan niya muna ako bago umalis sa harap ko at sumama sa kumpulan ng tao sa pinakadulo ng dancefloor. Nang aasar siya pero hindi ko na ito pinansin. Nahagip ng mata ko ang go na go sa pagsasayaw na si Cindy. Medyo malayo na rin siya sa akin.

Napaaray ako nang maramdaman ko ang kirot ng paa ko nang matamaan siya ng unahang parte ng sapatos ko. Aakma akong aabutin ang hinubad kong sapatos nang isang mabilis na kamay ang humila sa akin para mapayakap ako sa kanya. And from that position, I saw Xyrus looking at me intently. Wala na yung dalawang babaeng kumakausap sa kanya kanina.

"Thanks, bro. I was about to help her. Thanks again, Leo." -Rinig kong sabi ni Arnold.

Magkakilala pala sila? Lumayo ako kay Leo pero muntik na akong matumba dahil sa naapakan ko ang sapatos ko. Buti na lang at nasalo ako ni Leo. And when I look at Xyrus, hindi pala nakakabuti ang ginawa ni Leo.

Binuhat ako ni Leo na isa pang ikinagulat ko. Hinila naman ni Arnold ang lasing na lasing na na si Cindy at sabay-sabay kaming tinungo ang exit. Muli kong ibinaling ang paningin ko kay Xyrus pero hindi ko na ito nakita. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Gulat pa rin ako ng makalabas kami sa event hall.

"Heeey, you look like newly weds. So sad, this girl is not wearing white." -Sabi ni Cindy na hawak pa rin ni Arnold.

Halatang lasing na lasing na ito dahil sa tono ng pananalita nito at sa hindi tuwid na lakad. Paniguradong bukas ay hindi na naman niya maalala ang pinaggagagawa niya ngayong gabi dahil sa sobrang kalasingan. Buti na lamang at hinahawakan siya ni Arnold dahil kung hindi ay siguradong nadapa-dapa na siya. At magagalit kinabukasan dahil sa mga sugat sa paa na makukuha niya.

"If she wanted to be a blue bride, then I'll make her one."

Nakainom ako pero alam ko ang sinabi ni Leo. Rinig na rinig ko ito at alam ko ang ibig sabihin nito. Narinig ko naman ang malakas na halakhak ni Arnold.

"You're still after her, a?" -Arnold

"You're one hopeless romantic guy, Leo." -Sabi naman ni Cindy. So magkakakilala pala sila? Tss. "This is one better guy than Xyrus, bestfriend. You should try him."

"Ibaba mo ko."

Matigas ang pagkakautos ko kay Leo pero hindi niya ako pinakinggan.

"No, princess. The car is near. You don't have to go down. And besides, Leo doesn't want to make your feet dirty."

"Right, bestfriend. Don't be rude to Leo."

Dahil nauunang maglakad sa amin si Arnold at Cindy kaya nakita kong ipinasok ni Arnold sa front seat ng Mercedez nito si Cindy.

"Don't tell me you're my driver." -May kalakasang sabi ko nang ilapag niya ako sa front seat ng BMW Z4 Roadster, na siya namang nasisiguro ko na pagmamay-ari niya.

"Then, I won't." -Pilosopong sagot niya nang simulang paandarin ang sasakyan.

Naalala ko bigla si Xyrus kaya naman napatitig ako sa side mirror. Tuluyan na kaming nakalayo. Mahal pa ba niya ako? Hindi ko maintindihan kung ano ng gagawin ko. Kelangan ko pa bang gumawa ng way para magkaayos kami. Worth it pa ba? Mahal pa rin kaya niya ako? Hindi ko na alam. Hindi ko na maintindihan 'tong nararamdaman ko.

Gusto kong lumabas dito. Gusto kong magwala. Ano ba to? Gusto kong umiyak. Bakit ba kasi nandito ako ngayon? Why is Leo with me? Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis kay Leo. Hindi ko makita ang point para magalit sa kanya. Ano bang ginawa niya? Pero hindi ko pa rin gusto na nasa tabi ko siya.

"What happened, Anna? You can tell me." -Pambabasag nito sa katahimikan.

Simpleng tanong lang ito pero parang gusto kong umiyak. Gusto ko. Gustong-gusto ko. Pero hindi dapat. Not in front of Leo. My friends will do. Sa kanila dapat ako umiyak. Kinalma ko ang malapit nang umiyak na sarili at pinigilang mangatog sa pagsasalita.

"The more you conceal, the more you will feel alone." -Dagdag nito na diretso ang tingin sa daan.

"No thanks." -Sagot ko naman sa kagandahang loob na inaalok niya.

"Why do you hate me?" -Natatawang tanong nito.

"I don't hate you."

"But you don't love me. And you don't like me either."

Hindi ko alam kung dapat ko pa bang dugtungan ang usapan namin kaya napagdesisyunan kong tapusin na 'to dun. Nakapasok na rin naman kami sa loob ng DIU. Ilang saglit pa ay nasa tapat na kami ng VL Building. Dito tumutuloy si Cindy, Arnold at iba pang kalahok para sa laban sa Lunes. Dito ako tutuloy ngayong gabi dahil hiling ito ni Cindy na hindi ko naman magawang tanggihan. Nakita ko ng buhat-buhat ni Arnold si Cindy. Marahil ay nakatulog na ito sa sobrang pagkalasing.

"A minute please?" -Sabi ni Arnold pagkatapos kong tanggalin ang seat belt ko at akmang bubuksan na ang pinto ng sasakyan. Hinawakan niya ang kamay ko na hinila ko naman. "Oh, sorry." Huminga siya ng malalim at tumingin sa mga mata ko. "Before, I stepped back because you're in love with Peter. He left and I can't do anything. I always look at you and you're hurt. You shut your friends but I want you to know that I stand still. I let you go because you want to. Now, you've moved on. I see no pain. No aches. No Peter. But there is Xyrus. Again, I'm stepping back because you're happy with that same guy. But when the time came for your next heartbreak, I will takeover."

KINABUKASAN. Nagising ako sa malakas na sigaw ni Cindy mula sa banyo.

"Bestfriend! Look at my legs! What happened to me? I don't remember a thing! WHAT HAPPENED?! How can I wear my Dolce and Gabbana floral dress today?! I want to die!" -Naghehysterical na saad nito.

"Calm down, Cindy."

Kahit anong sabi ko ay panay pa rin ang sigaw niya. Buti na lang at dumating si Arnold. Siya ang napagdiskitahan nito.

"Bakit hindi mo ko binuhat?!" -Pasigaw na tanong ni Cindy habang pinapalo pa si Arnold.

Ganito talaga tong dalawang 'to. Mas madalas ko pa nga silang makitang magbangayan kumpara kay Ace at kay Aira. Maybe, sila ang tunay na may chemistry. But I can't say, may boyfriend si Cindy at mukhang nahuhumaling si Arnold kay Jade.

"Its a gift from the fairy godmother. I met her yesterday and she wanted to give you a reward for always fighting with your sister. And the spell will be effective as soon as you wake up. And tadaaa! There it is. You should thank me for telling her you want the mark on your knees!"

"Don't mess with me! I hate you for not bothering to carry me! You know how I love my long legs!"

"I carried you! Its your fault for not arranging your luggage. You stepped on this and boom. That's exactly what happened."

"I hate you!"

"You can wear longer dress today. How about that?"

Padarag na pumasok sa banyo si Cindy habang malakas naman na tumatawa si Arnold. Tumayo na ako at kumuha ng malamig na tubig mula sa ref.

"Good morning, princess. How was your sleep?"

"Good."

"What's your plans for today?"

"Nothing in particular. But I will sleep tonight in my dorm. Jade is alone since yesterday."

Napansin ko na bigla siyang tumahimik ng banggitin ko si Jade. Jade have this mighty effect on him. Kumain na ako ng breakfast na siyang nakahanda na sa kusina. Nang matapos ako ay sumunod na akong naligo kay Cindy dahil kakalabas din lang naman nito mula sa banyo. Mabilis akong naligo at isinuot ang inihandang shorts at tank top ng kaibigan ko. Simula pa kahapon ay puro bagong damit ang suot ko. mahilig din kasing mamili si Cindy kaya aasahan mo na na puro bago at mamahaling damit ang laman ng bagahe niya.

Inabutan kong naglalaptop si Arnold habang nag-aiPad naman si Cindy nang lumabas ako.

"We will visit Peter today. Same hospital, right?" -Tanong ni Cindy nang umupo ako sa sofa. Tumango ako sa tanong niya. "Do you want to come with us?" Umiling ako na siya namang ikinakunot ng noo niya. "Do you still love him?" Diretsong tanong niya. Parehong naghihintay ng sagot ko si Arnold at si Cindy.

"Hindi na." Laglag panga akong tiningnan ng mga kaibigan ko.

"How?"

Hindi ko alam. Pero bigla na lang naglaho yung urge kong puntahan siya. Bisitahin siya. Though madalas pa rin naman akong balitaan ng nanay ni Peter tungkol sa kanya.

"When he left you, I want to hunt him down and kill him. Honestly speaking, bestfriend." -Pagpapaliwanag ni Cindy na inilapag pa ang iPad na hawak niya kanina. "Si Xyrus na ba?"

Madalang lang kung magtagalog si Cindy kaya naman halata ang pagka-slang sa pagkakatanong niya. Hindi ko kinompirma ang tanong niya at hinayaan siyang magconclude.

"The first time I've seen you cry for Peter wasn't the time he broke your heart and leave you for Philippines." -Cindy.

Naalala ko rin na hindi nga ako umiyak para dun. Lagi akong tinatanong ng mga kaibigan ko if I was okay, what I need, how can they help, or what can they do. Aira even suggested to go party, kill the boredom, shop and travel. But I ignore everything. Hindi minsang hinanap ng katawan ko na lumimot.

"It was when he encountered the accident. And been coma since then." -Arnold.

Sinisi ko ang sarili ko sa aksidenteng yun. I was with him when the accident occurred. Everyone is blaming me, kaya nalunod ako sa pagsisising iyon. I believe it was actually my fault. Kasalanan ko kaya comatose si Peter. Habang ako, galos lang ang natamo ko. Two weeks siyang nasa hospital sa New York, and in that two weeks, hindi ako umalis sa tabi niya. His family is from the Philippines that's why two weeks after, he's been sent here. He is been comatose for 10 months.

Exchanged student si Peter sa DIA mula dito kaya kami nagkakilala. He's one of Ace's friends. Our love story isn't as special as others may think of. We started simply as friends of a common friend, to friends, then to lovers.

"And from all the stories I've heard from Jade and Jeanne, this Xyrus made you cry more than once this week. Hindi pa kayo, but you've been given too much pain." -Arnold.

When Xyrus started courting me, there was this big force from me saying I want to move on and forget. I followed Xyrus. I stopped visiting Peter. The last time Peter's mother called me, I told her I'll stop seeing his son. Of all the people from his family, Mrs. Intal is the only one who's not blaming me. She even tried to cheer me up every time I visit his bedridden son. Mr. Intal, along with his son and daughters hate me for involving Peter in that car accident.

"You're being rude, Arnold."

"I don't wish to be rude, Cindy. I know Xyrus, he's one bloody cold hearted man."

"We're just wrong timing."

"Wrong timing since we came during their fight? I don't believe in timing."

Mukhang mag-aaway pa ang dalawa pero nang marinig ni Arnold ang sasabihin ni Cindy ay saglit na tumahimik ito.

"Well you have to, Arnold. Timing is key for perfection."

"I wont be harsh to Xyrus. I don't know if he's a good person or not, but I don't want him for you, princess."

And for that Arnold left us. Nilapitan naman ako ni Cindy matapos nitong kunin ang suklay na nasa mesa at sinimulang suklayin ang basa ko pang buhok.

"Lagi kang maglugay. Your hair needs more air. This will look shinier." -Puna nito at tinanguan ko lamang. "You're the quiet type, pano tayo naging magbestfriend? I'm the noisiest of us all."

Sabay kaming tumawa sa realisasyon na ito. Kung si Arnold ang parang Kuya sa aming lima, si Cindy naman ang parang Ate sa amin. And this makes her similar with Andy. Pareho silang ate ng barkada. Maalaga siya, maaalalahanin at mapagmahal. You can't just see her love and care from words, kita mo rin ito sa actions niya.

"Ayoko rin kay Xyrus, bestfriend. I'm sorry." -Tapat na sabi ni Cindy na binigyan ko naman ng pilit na ngiti. "Kapag hindi pa kayo nagkaayos ni Xyrus, can you promise me to come back with us?"

Isang mapait na ngiti ang natanggap ni Cindy mula sa akin ng tanungin niya ito.

 "Ang sarap nung Asterly. Favorite chocolate ko talaga yun." -Pag-iiba ko ng topic namin.

"You're welcome. I always reserve that one for you. At di ko kinakalimutan yan every time I visit UK."

Saglit na nagkwentuhan pa kami ni Cindy. Miss na miss ko siya, at ganun din siya sa akin. Malayo na ang narating ng topic namin nang biglang bumalik ito sa akin.

"Bakit si Xyrus? I mean, there are lots of other guys on earth. Sa Pilipinas, or even here in DIU. Pero of all people, bakit si Xyrus?"

"Bakit hindi siya?" -Wala sa sariling naisagot ko.

"You're really in love. Now tell me, what happened?"

Kung hindi man ako palakwento sa iba, exception si Cindy dun. Alam niya lahat. She would not stop asking until I tell her what she wants to hear. Ganun siya. Pero nanatili akong tahimik. And this silence makes her understand, I want peace of mind. I don't want questions, and I am not entertaining any of it.

"Hahaha! Naiintindihan kita." -Nakangiting sabi nito sa akin kahit na parang may pag-aalinlangan pa siya.

Nagkwento na lang si Cindy tungkol sa kanya at kay George. Nung umalis ako ng Amerika ay nagsisimula pa lang na mapansin ni Cindy si George. Isa si George sa maraming manliligaw ni Cindy na hindi niya pinapansin dahil wala itong balak magseryoso. Kung playboy si Arnold, playgirl naman si Cindy. Pero nang isang beses na magperform ng isang love song si George sa birthday surprise namin kay Cindy, dun na nagsimula ang love story nila. They have same likes kaya di malabong sila ang magkakatuluyan sa huli. Pero this time ay magkaaway sila. Pero nasisiguro ni Cindy na mababaw lang ang nagiging away nila. Na at the end of the day, magkakaayos lang sila. Naging immature lang daw siya dahil akala nito ay wala ng time si George sa kanya. Tinawagan na siya ni George kaninang umaga and okay na ulit sila.

"Well, aalis na muna ako. I'll visit Peter. Mukhang kanina pa naghihintay si Arnold." -Sabi nito matapos naming magtanghalian.

Usapan kasi nila na bibisitahin nila si Peter. After all, naging parte pa rin naman si Peter ng barkada namin. Kapag naghahangout kami ay laging present ito kaya masasabi na member siya ng squad.

"Sure. Uuwi na rin muna ako. "

"But be back tonight? Dito ka matulog, please?"

"Sure, Cindy." 

Kahit na dapat kay Jade ako matutulog, napagpasyahan ko na dito na muna. Hirap tanggihan kapag bestfriend mo na kasi ang nag-alok sayo.

Kinuha na ni Cindy ang bag niya at lumabas na ng kwarto. Inayos ko naman ang PE na suot ko nung isang araw at inilagay ito sa isang laundry bag. Umuwi ako ng dorm dala ito. Inabutan kong nakangiti si Jade habang hawak-hawak ang phone niya na madali namang nataranta nang makita ako. Alam kong si Arnold ang kausap niya.

Hindi ko maiwasang mainggit sa kanila. Panay siguro ang palitan nila ng sweet messages kaya ito si Jade, kilig na kilig. Kahit na madalas walang sense at mabilis lang texts namin ni Xyrus sa isa't isa, madalas pa rin akong napapangiti kapag nakikita na nagtext na siya.

"Anna, okay ka na ba?"

This is what I hate the most about people, they keep on asking someone if they were okay when its too obvious they are not. O baka hindi nga obvious sa akin na hindi ako okay. Ang galing ko sigurong umarte. Too pretentious, huh?

"I'm fine." This point in time, naniniwala na ako na ito ang pinakakadalasang kasinungalingan na sinasabi ng mga babae.

"San ka pupunta? Kadarating mo lang, a?"  -Dagdag na tanong ni Jade sa akin dahil matapos kong ilapag ang laundry bag na bitbig ko sa gilid ng kama ko ay tinungo ko na muli ang pinto.

"Papahangin lang."

"Mainit pa sa labas, 2 pa lang. Baka ma-heat stroke ka."

"Don't mind me, magreply ka na kay Arnold."

Nang makalabas ako ng dorm ay hindi naman mainit gaya ng iniisip ni Jade. Makulimlim pa nga ang araw kaya naman mukhang uulan nito mamaya. Masarap maglakad-lakad sa ganitong weather. Kung okay lang sana kami ni Xyrus, maaaring kasama ko siya ngayon. 

Lahat ng nangyari kahapon, parang isang masamang alaala na sunod-sunod na pumasok sa utak ko. Ang sakit. Sobrang bigat sa pakiramdam. Para akong isang milyonaryong pumusta sa sugal, tapos umuwing pulubi. Nasa akin na sana ang lahat. But with one wrong move, wala na. Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang kausapin. But seeing him avoiding me, its like a bullet piercing through my heart. Gusto ko siyang talikuran, pero hindi. Hindi ko kaya. I don't want him to be my last mistake.

I  look at the sky, para hindi na muling umiyak. Bakit ba ang iyakin ko pagdating sayo, Xyrus? Wala pang isang taon nang magkakilala tayo. Hindi pa kita lubusang kilala and ganun ka din sa akin. But why am I too attached? Attachment with someone not as attached as you do is like killing yourself with a bread knife. Painful. Too painful you just want to die in an instant.

"Xyrus..."

He's under the tree where he stole a kiss from me. Nagulat siya nang makita ako pero muling nagbalik ang emosyon niya nang magsimula akong lumapit sa kanya. Nakaupo lang siya sa ilalim ng punong yun. Hindi siya tumayo para salubungin ako. Wala siyang ginawa kundi ang tingnan ako hanggang sa nasa harap na niya ako.

Gusto kong tumabi sa kanya. Gusto kong sumandal sa balikat niya. Gusto kong mag-usap kami. Gusto kong maglambingan kami na parang wala na kaming ibang iniisip. Gusto kong kumilos na parang kami kahit na hindi pa. Ang dami kong gusto. Pero wala ni isa man dito ang pinakinggan ko. I stand in front of him. Biting my lips. Para hindi umiyak.

"Nabasa mo na letter ko, hindi ba?"

Hindi siya sumagot, but I know he had. And the sad truth about it, he didnt accept my explanation. Anong gagawin ko?

"Listen, Xyrus. I'm so sorry. I know we had an agreement. Sumusunod ako. From that day you asked me to move on, to forget, I do. Honestly, I'm trying. Nag-eeffort ako. I really do. I'm sorry I visited Peter. Nagkakagulo na kasi sila sa ospital. His family is on their way na but it would take them 2 hours to arrive at the emergency room. Kelangan talaga ako dun." Nothing is change from his expression. No sign of forgiveness. Pero hindi ko alam. Nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita. Am I too desperate na ba? I don't care. I fucking don't care. "I know I should have call you. I'm so sorry. I appreciate everything you do. Sinusuklian ko lahat ng ginagawa mo, hindi lang dahil sa dapat. Because it came all natural from me. Everything is natural. Walang pagpipilit sa kinikilos ko. If I laugh at your jokes, it means I'm really fond of it. Hindi kita pinakikisamahan lang. Because I really really do...Tss."

"You what?"

Napangiti ako ng bigla siyang magsalita. I know he sounds sarcastic. Pero masaya ako na pinapakinggan niya ako. Napakababaw pero masaya na ako dito.

"I lo..."

"Go home."

Limang segundo akong napatingin sa kanya. He just said go home. Ayaw na ba niyang makinig sa akin? Hindi na niya ako pakikinggan. Is that what he's actually trying to say? Xyrus, binabaliw mo na ako.

Isang malakas na buntong hininga ang kumawala sa akin bago ko siya talikuran. And the moment I turn around away from him, tears started to fall. Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko. Nalalasahan ko na ang luha ko. Its bitter.

Nagsimulang bumuhos ang maliliit na patak ng ulan. Naging sunod-sunod naman ang pagtulo ng luha ko. Para bang nakikisabay ito sa ulan. Tatakbo na ba ako? Oo. Pero wala akong lakas. Hindi ko alam kung bakit hindi pa ako lumalayo. Naestatwa lang ang mga paa ko sa pwestong yun. 

Nasa likod ko lang si Xyrus pero para siyang wala. He's too cold. Then I heard his foot steps. He walks past me. I can see his back walking away from me. Anlakas na ng ulan. 

Lord, please. I know I don't usually pray, but make him turn around. Make him. Please. I promise all good things from now. Just let him. Pabalikin mo siya sa akin. I can't walk. I can't run. I can't shout. Make him go back, please.

At pinakinggan nga ako ng Diyos. Humarap si Xyrus. Basang-basa ang mukha niya. Pati na rin ang damit niya. Basang-basa na kami pareho. Dahil ang tindi ng pagbuhos ng ulan. Ito na ba yung scene na magkakaayos kami? Sa isang maulan na araw sa ilalim ng espesyal na punong 'to.

I can see him directly looking at me. I know I'm crying. Pero basang-basa na ang mukha ko at hindi mo na madetermine kung ano nga ba ang luha ko dito dahil sa mga patak ng ulan. Naglalakad siya papalapit sa akin. Mabibilis ang yapak niya. At bigla niya akong hinila.

Ang lamig ng kamay ni Xyrus na nakahawak sa wrist ko. Nagpahila lang naman ako sa kanya. Kahit na alam kong may mali. Yes, may mali pa rin. At ramdam ko yun.

"Xyrus..."

Tuloy-tuloy lang ang pagpasok namin sa hall ng Racing Club. Ang daming tao. Nandito halos lahat ng members. Nakita ko rin sila Dann at Charlotte. Everyone is looking at us. Tahimik silang nakatingin sa amin. Alam nilang  may misunderstanding kami. Pero walang pakealam si Xyrus. Kahit na nababasa namin ang floor na dinaraanan namin ay wala siyang pake. Tuloy-tuloy lang siyang naglakad habang hila-hila ako papunta sa office niya.

Pagpasok namin sa opisina niya ay padabog niyang sinara ang pinto at tinulak ako sa pader. Sabay kaming napaupo sa sahig, malamig ang pader sa likod ko pero kahit anong nararamdaman ko ay para bang binabalewala ni Xyrus. Nakatingin lang siya sa akin. I can see care in his eyes but nothing in his actions.

I thought he would kiss me since he's looking at my lips but not. Dahan-dahan niyang ipinatong ang baba niya sa balikat ko.  Para bang nagpipigil ng galit, ng poot, o ng kahit na ano mang malakas na emosyon na sa mga oras na ito ay ayaw niyang ilabas. Magkadikit ang parehong katawan namin. I can hear his heavy breath. Kaunting segundo lang ang lumipas nang maramdaman kong muling gumalaw ang ulo niya. 

Then he started kissing me. Passionately. Sweetly. Lovingly. I put my arms around his neck as he came closer. But as I touch him. He seems violent. His kisses turned from passionately to harshly, sweetly to unkindly, and lovingly to coldly.

I can't breath since he wont let me. Masasakit ang halik niya. Mahahapdi. Mapagparusa. I tried to push him. Pero inilagay lang niya ang kamay ko sa taas ng ulo ko. He is under control. I want these kisses to stop. Again, he don't let me. 

Tears started to fall from my eyes. Yun yung oras na lumayo siya sa akin without even looking back. He is standing in front of me with his back facing me. And in a midst voice, he ordered.

"You dress like a slut." And left.

Pagkalabas niya ng pinto ay sunod naman na pumasok sila Dann at Charlotte, pati na rin ang iba pang miyembro ng Racing Club. Hindi ko na napigil ang sarili ko. I know sobrang daming tao, pero hindi nagpapigil ang luha sa mata ko. I can feel their eyes. May naaawa. May naiinis. May mga bulung-bulungan pa. May naglabas pa ng camera pero itinulak na ito nila Charlotte.

"Lumabas nga kayo." -Rinig kong sigaw ni Charlotte sa mga ito. "ALIS! ALIS! PRIVACY NAMAN O. MAHIYA NAMAN KAYO SA KAIBIGAN NAMIN!"

"LABAS-LABAS!" -Pagtutulak naman ni Dann sa mga nakikitsismis papalabas ng pinto.

"Okay ka lang?" -Nag-aalalang tanong ni Charlotte sa akin nang kaming tatlo na lang nila Dann ang nandito.

WHY DO I HAVE TO HEAR THIS FUCKING QUESTION TWICE THIS DAY!

Gusto kong isigaw yan sa kanya pero hindi na ako makapagsalita. May kung anong pwersa ang nagblock para makapagsalita ako. I run out of energy on how to start my words. Words na magpapaintindi sa kanila to just leave me alone. Pero nang mahigpit akong yakapin ni Dann, I hear myself crying. Dann is gay yet he understand me well. Hindi ko pala gustong mapag-isa. I want care. Kahit kanino. Kahit paano. And kahit saang paraan. I want to feel that someone cares for me. Why, Xyrus? Why do you have to be so cold hearted?

Habang umiiyak, iniisip kung saan ba ako nagkamali, nahagip ng mata ko ang malaking salamin ni Xyrus dito sa loob ng opisina niya. Kitang-kita ko ang namamaga kong mga mata, ang basa-basa at gulo-gulo kong buhok na kanina lang ay sinuklay ni Cindy, ang may dugo kong labi dahil sa mahahapding halik, at pati na rin ang mapula kong kamay dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Xyrus dito kanina. Nakayakap pa rin sa akin si Dann habang si Charlotte naman ay nakahawak sa likod ko. From this picture, I realized it was not me.

Bumitiw ako sa pagkakayakap. Humarap ako sa salamin. At tiningnan ang buong itsura ko. I DRESS LIKE A SLUT? Suot ko ang damit na inihanda pa ni Cindy kaninang umaga para sa akin. Nakatanktop at shorts ako pero I don't look like a slut. Sleeveless to pero hindi kita ang  dibdib o cleavage ko. This is short but this is not micro shorts na parang panty. I don't usually wear clothes like this but I believe that this is not a slutty type of clothing.

Gusto lang niyang saktan ang damdamin ko that's why he keeps on saying bad things about me. He believes I have lots of guys that I can be with when we're over. And now that he acts like were over. I'm making the runway of things he'll hate. I'm just a girl, Xyrus. You shut me out, I'll do the same. Fair square.

Naramdaman kong nagulat pa si Dann at Charlotte sa kinilos ko  pero I gave them a good smile. I walked out of that room. Lahat ng tao sa loob ng hall na yun ay nasa akin ang atensyon. So head turner na ba ako? Tsss.

"OMG, Annalisse! It looks like you've tried every drug in the world!" -Naghehysterical na sabi ni Cindy. Mabilis itong lumapit sa akin at sinuri pa ang buong mukha ko.

Kung hindi sana ako umiyak kanina, malamang sa malamang, tumawa ako sa joke niya.

"What happened?" -Dagdag na tanong niya.

"There's nothing wrong. I'm definitely okay now."

"No you're not. Tell me, what happened?"

Pianupo niya ako sa sofa at magkabilaang hinawakan ang kamay ko. Hindi niya ako titigilan hangga't hindi ako nagsasalita. And here comes my savior.

"HEEEY! CAN I INVITE JADE FOR OUR PARTY?!" -Maingay na tanong ni Arnold na kakapasok pa lang ng kwarto. "SHIT! WHAT HAPPENED TO YOU?"

Hindi ko pinansin ang tanong niya. "Can you invite me in this party?"

Gulat ang parehong mukha ni Cindy at ni Arnold. Pero mabilis na napayakap sa akin si Cindy. "I CANT BELIEVE YOUR BACK TO THE OLD YOU! I MISS YOU SO MUCH!"

"I wish this is a good idea. Tsk." -Taas kilay na sabi ni Arnold.

In four hours, 11PM. Nasa labas na kami ng party hall. This is a party prepared by DIA for themselves and for anyone who wants to join them unleash their wildest self. Party people ang mga taga New York, that's why they make ways para makapagparty kahit nasan pa sila. I don't usually go to parties, back then. Piling parties lang ang pinupuntahan ko. But when I do, I party hard. Real hard. 

Nakakaapat na party na ako dito sa Pilipinas. Yung unang 3 inattendan ko ay puro formal parties. Una yung Acquaintance Party ng DIU na hindi man lang ako tumagal ng isang oras. Pangalawa yung birthday party ni Leo na kinailangan din naming umuwi kahit na hindi pa natatapos yung party. At yung pangatlo sana ay semi-formal, pero hindi ko naman talaga naenjoy since nagpapakatanga ako kay Xyrus. This is the fourth and I will make this unforgettable.

Nasa driver seat si Arnold habang nasa front seat naman si Jade. Pareho kaming nasa back seat ni Cindy. Hindi pa kami bumababa since nagreretouch pa si Cindy.

"Lets just go home." -May alintanang sabi ni Arnold.

"BUT WHY?" -Cindy

Nakita ko siyang sinilip ako sa rear mirror. Kanina pa 'yan ginagawa ni Arnold. Kahit na nung nasa kwarto pa kami ni Cindy, paulit-ulit niya akong tinitingnan. Mula ulo hanggang paa at mula paa hanggang ulo. Nakakaasar pero sa tuwing nagtataas ako ng kilay pagnahuhuli ko siya ay magtataas din siya ng kilay. Kung hindi ko lang alam na babaero tong kaibigan ko, malamang sa malamang ay iisipin kong kafederasyon siya ni Dann.

"Do I look like a slut?" -Tanong ko na ikinalaki ng mata ni Cindy. Naka mini tube dress ako. Ano man ang iniisip ni Arnold ay mas mabuting sa akin na muna ito manggaling.

"No. Its just that, you look so hot. There would be lots of guys that will check you out later. I'm with Jade, I cant guard you enough."

"So lets go!"

Hindi ko na hinintay pang magsalita si Arnold. Lumabas na ako ng kotse. Sumunod naman si Cindy. Nahuli sila Jade dahil pinagbuksan pa ito ng pintuan ni Arnold. Pagpasok namin sa loob ay sobrang ingay na. Naghihiyawaan ang mga tao. Nakakahilo ang music lights pero go na go pa rin ang mga tao sa pagsasayaw, pag-iinuman at pagsasaya.

Hindi familiar sa akin ang mga taong nakikita sa loob. Crowd 'to mostly ni Arnold pero dahil hindi niya ako sinasama pagnakikipagkarera siya kaya naman bago ang mga mukha ng mga ito sa akin.

"Come on, dun tayo kay Leo. He's alone." -Yaya ni Cindy sa amin habang hila-hila ang kamay ko.

Mag-isang nakaupo si Leo sa isang table sa VIP section nang puntahan namin siya. Nasa mesa naman niya ang isang bote ng alak. So nandito rin siya.

"Hi there, handsome!" -Pabirong bati ni Cindy dito.

Mabilis na inilapag ni Leo ang phone na kaninang tinitingnan niya at tumayo para salubungin si Cindy. Humalik ito sa pisngi ni Cindy. Sandali siyang tumingin sa akin. Mula talampakan hanggang ulo. Hindi ko alam kung iniisip ba niya na gagawin din niya to sa akin o ano. Pero isang matinding ngiti lang ang binitiwan niya. Sunod na nakipagkamay ito kay Arnold na tila matagal na silang magkakilala. Binati din niya si Jade.

Umupo na si Cindy sa couch. Sumunod naman ako sa kanya. Tumabi naman si Arnold kay Cindy at sa si Jade kay Arnold. Then, umupo si Leo sa tabi ko. Pabilog ang table kaya naman pabilog din ang couch.

Lumapit sa amin yung waiter dala-dala ang apat na shot glass. Isa-isa kaming inabutan ni Cindy ng alak.

"Four glasses? Oo nga pala. Hindi ka umiinom." -Turo ni Cindy kay Leo na tinawanan lang naman nila. Kaya pala may wine pero walang baso. "By the way, this is my best friend." Tukoy naman nito sa akin.

"We knew each other." -Leo

"Really? Good. Did you know that Leo has a big crush on you? He always stalked you before. And keeps on asking about your likes and things you loved. He's your definite admirer." -Cindy.

"That's too much information, Cindy."

"Too much? AHHAHAHAH. Hindi pa nga sapat yun e. Why dont you court my bestfriend?"

Nagpatuloy ang pag-uusap nila. Kahit na nasa gitna nila akong dalawa. Busy pareho si Arnold at si Jade. Nasa getting-to-know-each-other-stage na kasi sila. Hindi ako bitter, I'm happy for the two of them. Nakakailang shots na ako nang marinig ko ang usapan ng mga kababaihan sa kabilang table.

"DIU's captain, the Xyrus guy? Remember?" -Girl1

"Of course. Guys like him will forever remain in your mind." -Girl2

"What about him? Aside from the looks and luxury. Don't tell me your eyeing for this guy?" -Girl3

"Absolutely. He is really my type." -Girl1

"Oh shut up, Jasmine. He is the ideal guy of every woman. You cant just easily own him." -Girl3

"I've seen him earlier at the counter, but he disappeared." -Girl2

"Oh, you're also checking him out?" -Girl3

"Come to your senses, Trisha. You're not the only one. Were not the only one." -Girl2

"Yes, Sab. For sure, there are lots of other girls stalking him." -Girl1

I look at the counter, wala na nga si Xyrus. Nilibot ko pa ang mata ko pero hindi ko siya makita. Nahihirapan din akong maghanap since ang gulo ng disco lights. Inilabas ko pa ng kaunti ang katawan ko para masilayan yung nasa kabilang section dahil naisip ko na maaaring naroon si Xyrus. Pero bigo akong makita siya. Nang ibaling ko naman ang mata ko sa dance floor ay nakita kong bigay na bigay na sumasayaw si Cindy sa aliw ng musika.

At nang tingnan ko ang couch na inuupuan namin, wala na nga si Cindy dito.

"Uh hmm?" -Leo

Dun ko lang narealize na masyado na palang nakalabas ang katawan ko kaya nakalean na ako kay Leo. Mabilis akong humiwalay sa kanya. Narinig ko pa ang malakas na tawa ni Arnold, ganun din si Jade. Kaibigan ko ba talaga tong mga 'to?

"Is that one of your breezy moves, princess?"

"Shut up." -Sagot ko na mas ikinalakas ng tawa niya.

"So bro, I'll leave her to you." -Bilin ni Arnold kay Leo nang sabay silang tumayo ni Jade habang magkahawak ng kamay. Umoo naman si Leo sa sinabi ni Arnold. Siya nga itong may breezy moves kay Jade e. "We will find a room." Dagdag pa niya na nagpasingkit ng mata ni Jade. "Joke. AHAHAHHAHA"

Umalis na silang dalawa. Hindi si Jade yung tipo ng mga babae na basta-basta na lang nahihila ni Arnold sa kama. At alam 'to ni Arnold. Isang malaking challenge ang isa't isa sa kanilang dalawa. Mababago ba ni Jade ang pagiging playboy ni Arnold? At tatagal nga ba si Arnold sa pagiging sobrang conservative ni Jade?

"He's on the second floor. Third high table. On the veranda." -Leo. Alam kong ako ang kausap niya dahil sa kami na lang na  dalawa ang nandito sa couch. Titingin na sana ako sa tinutukoy niya ng bigla niyang itulak ng bahagya ang balikat ko. "If you're trying to see him, not now. He will know that you are longing his affection and attention like how minion love bananas."

"He can see me?"

"Us. He's looking at us."

Good.

"So pano kayo nagkakilala ni Cindy and Arnold?"

"Our family once worked with Cindy and Arnold's businesses. Besides, Arnold and I, we're both into racing. Sayang nga, I never had a chance to hang out with you before."

"Can I tell you a riddle?"

"Riddle? As expected from girl genius."

"Who told you that?"

"I have ears, Anna. You're the girl genius of DIU. Pity for DIA, hindi nila nakita kung gaano ka kagaling."

"There would be no more space for your next compliment."

At tumawa kami. 

"So your sports is playing riddles? Don't worry, hindi naman turnoff. As a matter of fact, this exercises the brain, perfect for smart girls. Go."

"Give me food and I will live. Give me water and I will die. What am I?"

"Fire."

"That's right. So matalino ka pala?"

"Not really. I'm glad I have the sixth sense."

"The COMMON SENSE!" -Sabay naming sabi kaya muli na naman kaming tumawa sa isa't isa. "Its my turn. What flies when its born, lies when its alive and runs when its dead?" Tanong nito.

"A snow flake."

"Fast. Para kang Hokage?"

And we laugh again.

"I am a mother and a father, but have never given birth. I'm rarely still but I never wander. What am I?"

"Tree."

"I have keys but no locks. I have space but no room. You can enter but you can't go outside. What am I?"

"A keyboard."

"You're so good a, you should be my wife."

Then we laugh again. Sa lagay naming 'to, kahit na sino ay iisiping we're dating. We're laughing. We look happy. Happy about now, not thinking of what will might happen later. 

"What gets wet when drying?"

"Huh?"

"I said, what gets wet when drying?"

"That's your riddle, Anna? That's just it?"

"Yes, that's just it." -Sagot ko. Tumahimik si Leo patunay na napaisip siya sa tanong. Nakangiti na ako, dahil sa tingin ko ay mananalo na ako. Kumunot pa ang noo nito. Nahihirapan nga siyang mag-isip. "I thought you have a common sense?"

"I have, but you're my greatest distraction."

Talo na nga siya, nagawa pa niyang mangbola.

"A towel." -Rinig kong sabi mula sa likod ni Leo.

And there he is, si Xyrus, looking at us with no signs of emotions vivid to the world. Our eyes met, but nothing changed. Dati, kapag nagtama ang mga mata namin, siya ang unang sumusuko dahil may pagkashy ang personality niya. Habang ako, hihintayin ko talagang sumuko siya. Di ako nagpapatalo sa tingin niya dahil na rin siguro sa pride. But this time, I lost. I looked away.

"Hi, bro. How's your night?" -Ngiting asong tanong ni Leo kay Xyrus pagkatapos akong akbayan. "By the way, thank you nga pala sa sagot. I was about to say towel pero naunahan mo ko. Do you want to join us?"

Nakita ko pa siyang tiningnan ang buong itsura ko. Hindi niya alintana na kasama ko si Leo dahil busy siya sa pagsusuri sa akin. Iniisip na naman ata niyang slut ako.

Umupo si Xyrus sa kaninang pwesto nila Arnold at Jade. Muling lumapit sa amin yung waiter kahit na di pa ito tinatawag ni Leo. May dala itong shot glass at panibagong wine para kay Xyrus. Iba ang wine na ito sa kaninang iniinom namin. But I know na isa rin itong mamahaling wine gaya ng nasa mesa namin. 

Dito ko lang mas naunawaan na parehong makapangyarihan si Leo at si Xyrus. Na kung VIP na nga rin lang, there are very very important person. Hindi na nila kakailanganin pang tumawag ng waiter o kung ano pa man dahil ang mga ito ay nakabantay na sa kanila para sagutin ang ano mang pangangailangan nila.

"Binisita mo na ba si Peter?" -Pabulong na tanong ko kay Leo. Sapat na para marinig ni Xyrus.

Hindi kaagad sumagot si Leo. Hindi ko binawi ang tanong ko dahil wala naman sigurong masama na tanungin siya tungkol rito. Isa pa, there were once best friends. "Yes. He is still my best friend. He knew all of my secrets." Natawa ako sa sinabi niya dahil para siyang babae. Sinabayan niya rin akong tumawa. "Hindi lang ang mga babae ang may karapatang sabihin yan. Kami din." Natawa ulit ako sa sinabi niya since it looks like he's defending the whole guys for the sake of humanity. "One fact about guys, even though they didn't talk for an entire decade, if they encounter each other for an instance, they are still friends."

"So you're telling me girls are not?"

"Hindi ko nilalahat a. Pero I've noticed that most of the girls always chit chats with their girlfriends despite of seeing each other an hour ago."

"That's a cue from no other than Mr. Leo Martins."

At nagtawanan muli kaming dalawa.

"Excuse me, I just want to tell you something." -Sabi ni Xyrus kay Leo na ngayon ay nakatayo na.

"Sure."

Nasa dulo si Xyrus ng pabilog na couch na inuupuan namin pero hindi ko alam kung papaano siya mabilis na nakapunta sa pwesto namin. Akala ko ay susuntukin niya si Leo dahil sa mabilis na paglapit nito pero hindi.

"Have a good night." -He said. Then left.

I really thought he would punch Leo. I really thought. Tsss. Narinig ko ang tawa ni Leo. Bumitaw ito sa pagkakaakbay sa akin. He gave me a smile na pagnakita mo, you would know na its Leo Martins.

"One thing I learnt about Xyrus, he's always calm. In any situation, good or bad, he's calm. Even though someone is hitting his woman."

I don't know what to feel or what to do. Sinundan ko lang si Xyrus. Hindi ko na naisip na magpasalamat pa kay Leo sa ginawa niya. Alam kong all through that conversation, tinutulungan lang niya ako. 

Maraming tao kaya nahirapan pa akong habulin siya. But I was able to run after him. Nasa parking lot na siya ng abutan ko siya. Bubuksan na niya ang kotse niya nang sumigaw ako.

"STOP!"

I'm thankful. He stopped. Nakatayo lang siya sa tapat ng pinto ng driver seat. Hindi niya ako nilingon but I want him to hear what I am about to say.

"I always found myself moving toward you, yet distant you stay."

I didn't hear him blurt a word. After hearing me, pumasok na siya ng kotse niya and started driving the car away from this place. Away from me.

I receive no apology that night.

There, I know that the walls I built for awhile is starting to crash.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.1K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...