Art of Assassination Trilogy...

Af JhasMean_

110K 2.7K 194

After two years of hiding, what is X's next act? Will she find the truth? Seek vengeance and make the people... Mere

Art of Assassination Trilogy: Vengeance
Prologue: Bewildering.
I. Later
II. Killed
III. Thanatos
IV. Truth
V. Found
VI. Lose
VII. Betrayal
VIII. Proof
IX. Everything
XI. Pay
XII. Final
XIII. Red
XIV. Anak
XV. Gone
XVI. Past
XVII. Vengeance
XVIII. Twist
XIX. Protect
XX. Believe
Epilogue: The birth of a Psychopath

X. Catching Up

4.1K 102 7
Af JhasMean_

Chapter 10

X

"Nasa sixth floor ng building ang research laboratory ng Typhon, bago makapunta doon ay kakailanganin ng key card mula sa mga researcher, at ang thumbprint nila and lastly, retinal scanner." Paliwanag ni Jasmine. We've talked about this yesterday, inuulit lang para malinaw ang plano at masigurong walang kahit anong mali sa magiging plano.

Tonight at 7 in the evening, Sef will have a date sa isang researcher ng Carmine Pharmaceutics. Sa loob lang ng tatlong araw ay napagplanuhan naming iyon. He'll date her tapos ay paiinumin niya ito ng pampatulog upang makuha ang identity niya. On the time that she's unconscious, gagawa kami ng peke niyang mukha habang si Vector ay papasukin ang kanilang system at papalitan ang nakalagay na information sa babae na kahit gamitin ang thumb print at retinal scanner ay tatanggapin ang akin.

"Our goal is to get the Typhon drug at ang Antidote nito na Zeus, Vector's in-charge with getting all the file about the drug at alisin iyon sa kanilang system."

Typhon is the drug made by the Carmine Pharmaceutics. Noong panahon na pinasabog nila ang drug na iyon sa lugar nila Paige ay iyon pa lang ang simula ng tests nila. Kung noon ay mauuwi sa cancer kapag na-expose ka dito, ngayon ay kahit isang patak lang nito ang mahalo sa dugo mo ay kaya kang pataying sa loob ng isang araw. Gaya ni Typhon sag reek mythology, it's a monstrous drug. At kapag nagtagumpay sila Alejandra na ipalaganap ito sa buong mundo ay baka ito ang magwakas sa populasyon, kaya naman ay gumawa rin sila ng antidote.

Pharmaceutical companies is not like what other people think of them. Ang akala ng tao ay gumagawa ito ng gamot para sa mga sakit na lumalabas sa mundo, pero hindi, they discover the disease first bago gawin ang antidote. It's a sales technique. Normal naman iyon, pero ang paggawa at ang pag-eksperimento mismo sa tao ay hindi normal na bagay. What they did was not to discover a new disease but rather created a new one - a deadly one.

"I'm on the way to the," salita ni Sef sa kabilang linya. Nasa isang truck kami malapitr sa restaurant kung saan pupunta si Sef, doon namin sila hihintayin. Hindi naman na kailangang gawin ito, but Starr suggest to us to do this. Ang una kasing plano ay gagawa na lang ng bagong identity sa system ng Carmine Pharmaceutics para makapasok ako sa loob ng laboratory. Vector can easily do that, pero mas delikado dahil may makakahalata. It's an obvious move. Kaya sinabi ni Starr na ito na lang ang gawin na sinang-ayunan naming lahat.

"Do you even know how to date?" Tanong ko sa kanya, nasa tabi ko si Jasmine na napangiti sa sinabi ko. She's been quiet since yesterday. Hindi ko naman magawang itanong kung may problema siya dahil alam kong ayaw niya rin na ipaalam sa akin. Because if she wanted to tell her problem to me she would tell it to me herself.

"I know. Damn, let me concentrate." He hissed. Napatawa ako at fi-no-cus ang CCTV camera sa sasakyan niya. Vector hacked the entire CCTV camera in the whole Metro para madali naming makita sila Sef.Lumabas na mula sa building ng condominium ang babaeng ka-date niya.

Aliyah Silvestre. Gum-raduate sa UP sa kursong BS Pharmacy, top 4 sa board exam at simula noon ay kinuha mismo siya ng Carmine Pharmaceutics upang magtrabaho sa kompanya nila. Which is the greatest privilege every Pharmacist would get, dahil ang Carmine ay ang top pharmaceutical company sa Pilipinas at pang-lima sa buong Asia habang kasama naman sila sa top 15 Pharmaceutical companies sa buong mundo. They've discovered hundreds of disease and hundreds of cure for those diseases. But they discovery has gone overboard when they created Typhon.

"She's a beauty. You can have sex with her after we finish this mission," biro ko sa kanya. Lumingon ako sa pwesto nila Starr na inaayos ang mga kakailanganin ko mamaya. Nasa tabi niya si Craig at Sam na inaayos an gang mga baril habang si Night ay tumutulong kay Jasmine na i-set up ang machine na gagawa ng fake face, Elena's sitting beside Night while eating. Ngumisi lang ako sa kanila at binalik ang tingin sa screen.

"Pwede ba? You might get jealous," bulong niyang biro pagkasara niya ng pinto ng passenger seat.

"Oh, I wouldn't. Sawa na ako sa'yo." He chuckled tapos ay pumasok na sa loob ng sasakyan.

Tahimik ang biyahe nila. Hindi na naming nakikita pa ang ginagawa nila sa sasakyan, pagdating na lang sa restaurant na pupuntahan nila namin sila makikita. Paminsan-minsan ay naririnig kong nagsisimula ng conversation si Sef, but the woman just won't let him. Maybe she's awkward. According to our research, Aliyah's only been with one man. Ang fiancé niya noon na namatay sa isang aksidente just a week before their wedding.

"Make her happy tonight. First time niya ulit makipag-date after years, Sef." Payo ko sa kanya, hindi siya sumagot. Narinig ko na lang na tumigil ang makina ng sasakyan niya, hinanap ko ang CCTV kung nasaan sila. Nasa may tapat na sila ng restaurant. "Okay na ba ang CCTV ng restaurant?" Tanong ko kay Vector na nasa Gray.

"One second... there." Nag-flash sa malaking screen ang kabuuan ng restaurant. Kaunti lang ang tao, sa may malapit sa glass window sila pumwesto, sa labas noon ay kita mula sa screen ang magandang garden sa labas.

"The restaurant's nice. Saan mo 'yan nahanap? We should go there next week." Saad k okay Sef kahit na hindi naman niya ako sasagutin. Napansin ko na lang ang kamay niya na nag-okay sign. "Your treat?" Muli kong tanong. He put his middle finger high na ikinatawa namin.

Sumandal ako sa swivel at kinuha ang control. Itinutok at nilapit ko ang focus ng camera kay Aliyah at may pinindot na command upang makuha ang lahat ng features ng kanyang mukha.

"Na-i-set niyo na ba ang machine para magawa ang fake face?" Tumango si Jasmine at tinignan pa kung maayos ang pagkaka-kabit niya nito.

"Okay na ate," sagot niya, pagod ang boses. Inayos na niya ang kailangang gawin doon para masimulan na ang paggawa ng pekeng mukha ni Aliyah. Naglagay ng ulo na prosthetic si Jasmine, nagsimula ang machine na maglabas ng ilang maninipis at matalim na blade na mabilis na humulma sa prosthetic kung saan naging kahawahig na ito ng mukha ni Aliyah, nang matapos ay may lumabas na spray sa gilid at nagkaron ng kulay ang mukha.

Tumayo ako at maayos na sininop ang buhok ko. Tinulungan ako ni Starr at Elena na ikabit ang fake face sa akin. Nakadamit na ako ng katulad ng uniporme nila sa Carmine kaya madali na lang ang pag-aayos ko. Sinuot ko ang wig na kahawig ng buhok ni Aliyah at maayos na dinikit ito sa prosthetic.

"Ate," abot ni Jasmine sa holster. Pinatong ko ang paa ko sa maliit na table at inangat ang suot kong damit at kinabit ang holster. Inabutan ako ni Elena ng dalawang baril na nilagay ko sa harap na parte ng holster, tapos ay ang patalim na madalas kong gamitin na nilagay ko sa gilid. "Can you walk properly, ate?"

Tumango ako. "Years of practice."kumindat ako sa kanya. "Nauna na ako sa'yo. Ready na ako,Sef. Bring me the woman at ang ID niya."

Nakarinig ako ng tatlong magkakasunod na dalawang tap mula sa kanya at matapos ay ilang saglit ay dalawang tap ulit, pause, one tap, pause, dalawang tap. It means OK in morse code.

"How long shall I wait?" Mabilis na limang tap ang ginawa niya. "Okay. I'll be out this truck in five minutes."

"You like paintings, right?" Tanong ni Sef. Aliyah loves paintings. She's been in various exhibit, gaya ng impormasyon na nakuha namin. Doon niya nakilala ang fiancé niya.

"Yes, yes. May exhibit nga ngayon ang paborito kong pintor sa Makati, but then nawala sa isip ko at hindi ako nakabili ng ticket." Narinig ko si Sef na binanggit na may ticket siya nito, I heard Aliyah react like a child because of happiness. That's probably my cue, lumabas na ako ng truck at hinintay silang dalawa sa labas. I was three cars away from the restaurant, lumabas si Sef at Aliyah mula sa restaurant, nakahawak si Sef sa bewang nito na ikinangisi ko. May binulong si Sef kay Aliyah tapos ay pumunta na sila sa sasakyan na naka-park sa harap ng truck namin.

"Aliyah," rinig kong tawag ni Sef. May kinuha siya sa pocket ng coat niya at hinawakan sa braso si Aliyah, buong akala ko ay doon na niya ituturok ang syringe na may laman na pampatulog kay Aliyah ngunit hinatak niya ito at hinalikan sa labi bago tinurok ang syringe sa kanyang tagiliran, moments later, natumba na ito at inalalayan ni Sef.

"Was the kiss necessary?" Inis na tanong ko at tinulungan siyang ipasok sa sasakyang si Aliyah. Dadalhin naming siya sa isang hotel at doon na siya magigising kinabukasan.

"Yes. Para maalala niya bukas, so she will assume that something happened between us. Hindi siya magtataka kung bakit nasa five star hotel siya."

"Oh yeah? Then why don't you fuck her after this mission? Para mas makatotohanan, make her feel sore hanggang sa mahirapan siyang makatayo bukas. It will be more believable." Sumakay ako sa driver's seat at pumwesto na si Sef sa passenger seat nang matapos niyang ikabit ang seatbelt kay Aliyah.

Hindi na siya sumagot at mabilis na minaneho ko ang sasakyan papuntang five star hotel, hinintay ko siya'ng makabalik at dumiretso na kami sa Carmine. He gave me Aliyah's ID at pumasok na ako sa kompanya. May ibang gagawin si Sef. Pupunta siya sa IT department ng kompanya at doon ikakabit ang flash drive na binigay ni Vector upang magawa niyang i-hack ang system ng carmine at para mabigyan siya ng access papasok sa system ng laboratory ng Typhon. Separate system kasi ito mula sa buong kompanya. Dahil masyado nila itong pinoprotektahan.

"Sef, I just remember, nakuha mo ba iyong sinabi ko kaninang umaga." Tanong ko habang papunta sa elevator.

"Yes, nice and clean, Xiara."

"Good." May pinindot ako sa ibabang parte ng button sa elevator at doon ay may lumabas na isang maliit na screen at sa gilid nito ay ang isang finger print scanner. si-nwipe ko ang card doon na mabilis namang tinanggap ng system, sunod ay sinbing ilapat ang thumb ko sa scanner na ginawa ko naman, but then, isang malaking kulay pulang sulat ang lumabas sa screen. "Not detected? Great."

"I'm sorry. Hindi ganon kadali ang mang-hack ng system after another."

"Ano pa't nagkaron ka ng mataas na IQ kung mahihirapan ka lang din naman." Muli kong nilapat ang daliri ko sa scanner, tinanggap na nito. Sumunod ay nilapat ko ang baba ko sa lumabas na retinal scanner, ang kulay berde na ilaw ay ilang beses na dumaan sa mata ko bago tinanggap iyon.

"Ikaw kaya ang gumawa nito," inis na sagot ni Vector.

"Yeah, maybe I should. Baka mas magawa ko ng mabilis kumpara sa'yo." Sarkastiko kong sagot tapos ay sumandal sa malamig na pader ng elevator matapos pindutin ang tamang floor ng laboratory.

Wala pang limang minute ay nakarating na ako sa tamang floor, tahimik na pasilyo ang bumungad sa akin sa ika-anim na palapag ng Carmine. At ang ilaw mula sa laboratory sa dulo ng pasilyo na ito ang nagbibigay liwanag sa buong floor. Diretso ang lakad ko papuntang laboratory at hinanap ang entrance, hiningan ako nito ng passcode.

"Vector," tawag ko.

"2624." Tinipa ko iyon at nag-flash ang kulay green na kulay sa maliit na screen, pinihit ko ang door knob at bumukas ito. Inalis ko ang suot na boyfriend blazer at pinalitan ng coveralls, may sinuot akong backpack na may nakakonektang mask na magbibigay hangin sa akin. I wore my goggles at nagsuot ng gloves. Pinindot ko ang button para mabuksan ang pinto ng laboratory. Ang una kong ginawa ay hinanap ang Typhon. Nasa loob ito ng isang glass box, tatlong syringe lamang ito at nakahilera sa loob. Muling may hininging passcode para mabuksan ko ang box, sinabi sa akin ni Vector ang tamang code at maingat na tinipa koi yon sa screen. Panaka-naka ang tingin ko sa labas dahil baka may dumating habang inaalis ko sa loob ng box ang syringe.

"I got the Typhon," saad ko sa kanila.

"Good. Look for the Zeus." Ang antidote nito.

Hinanap ko sa malawak na laboratory kung may kaparehas na box sa loob ngunit wala akong nakita.

"Negative. Nakuha mo ang files nila, Vector?" May pinindot ako sa fumehood upang mamatay ito, this will destroy whatever it is that they're culturing inside. Pati sa oven ay ganon din ang ginawa ko. Pinatay ko ang lahat ng makina na nasa loob ng laboratory. "I can't find the Zeus."

"Nakuha ko na ang files nila. Iwanan mo na lang ang binigay ko sa'yo kanina, X. Mukhang hindi nila dyan tinago ang Zeus. We already got Typhon. Ano bang magagawa nila sa antidote kung wala naman na ang Typhon." But I need that cure.

Iniwan ko ang isang maliit na box na pinadala sa akin ni Vector kanina at lumabas na nag laboratory. Mabilis na nagpalit ako ng damit at nilagay sa sealed case ang mga syringe at tinago ito sa aking bag.

"Aliyah?" Napatuwid ako ng tayo at humarap sa taong tumawag sa akin. Buti na lang at may name tag ito sa kanyang dibdib, fi-no-cus ko ang mata ko sa pin niya.

"Lois Madrigal, isa siya sa kasamahan ni Aliyah sa Typhon research. Close friend. Mula college ay magkakilala na sila. Be casual." Bigay na impormasyon sa akin ni Vector.

"Kailangan mo ng tulong?" Saad naman ni Sef. How can he ask me now? Hindi ko nga siya pwedeng sagutin.

Ngumiti ako kay Lois at kinuha ang aking bag. "What the-"

Mabilis na kinuha ko ang stun gun sa kaliwang binti ko at tinutok iyon sa kanya, walang pagdadalwang isip na pinaputok koi to at humandusay na siya sa lupa.

May kinuha akong isang syringe sa bag ko. It's a drug that will make her forget what she just saw. A new invention of Vector mula sa pagka-bored niya sa convention na pinuntahan niya noong isang araw.

"Accomplished."

Nilapag ko ang dalawang syringe na nakuha ko kanina sa laboratory sa harap ni Beau. "That's all."

"The Zeus?"

"Wala akong nakita. I had it searched all over the place. Baka si Alejandra mismo ang nagtatago nito. Tuloy ang plano bukas?" Tanong ko at umupo sa tapat niya.

"Yes. We'll surrender the drug to the officials, pati ang files na nakuha natin. Bukas na bukas din ay mahuhuli na si Alejandra." Mahinang natawa ako.

"Ang buong akala ko ay ang ganyang paraan ay gawain lang ng BHO. Where's justice now, Beau?"

"This is justice, Xiara." Pinal na sagot ni Beau.

"Hindi kailanman ito naging hustisya, Beau. What they did to that people? They killed all of them. Without mercy. Tapos ang hustisyang makukuha nila ay ang makulong si Alejandra?" Malumanay kong sagot.

"What do you want to do then, kill Alejandra?" Hindi ako sumagot at umalis na lamang.

No. Ang patayin siya ay hindi magiging sapat. Ang kailangan ay maramdaman niya ang naramdaman ng pamilya ng mga taong pinatay niya.

Umalis ako ng headquarters at dumiretso sa bagong hotel na tinutuluyan naming ni Sef. Doon ay naabutan ko siyang busy sa tapat ng kanyang laptop habang may isang bata na payapang natutulog sa aming kama.

"Good job, Sef." Inikot niya ang kinauupuan at humarap sa akin.

"Would do anything for you," ngisi niya at tumingin sa batang babae sa kama. "Anong gagawin mo sa kanya?"

"Ano ba dapat?" Balik kong tanong. Naupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan si Alex Sebastian - ang nag-iisang anak ni Alejandra Sebastian. "Call Alejandra. We have some catching up to do."

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

335K 4.9K 23
Isang kasunduan sa pagitan ni Jocas Española at ng ina ni Josef Malavega ang dahilan ng kanilang kasal. Dalawang taong sinubukang mamuhay nang matiwa...
9.3K 771 43
I'll bring back his smile. TRUST ME. Xtreme Series#2: Frost Kierre Stanfield and Sayanara Xien Yu.
12.8M 179K 53
[Completed] One True Love Series #2 P1 Jacky has been in love with Maico since forever. Ang kaso, ang kaibigan niyang si Lana ang gusto nito kahit na...
394K 31.1K 82
[A VIRTUAL REALITY MMORPG STORY] An unsuspecting, online-game-hater finds herself inside the newly-launched Arth Online because of her brother's tric...