si sav at si sof

Autorstwa ceiyuri

2.9K 337 184

sav and sof has liked each other for years, but neither of them has ever confessed yet, thinking that their f... Więcej

si sav at si sof
chapter one
chapter two
chapter three
chapter four
chapter five
chapter six
chapter seven
chapter eight
chapter nine

chapter ten

316 30 51
Autorstwa ceiyuri

x. ang prom night, si sav, at si sof

s a v

───────────────

Dapat pala nung sinabi kagabi ni Sof na inaantok na siya at gusto na niyang umuwi, hindi ako tumayo saka sumama sa kanya maglakad palayo. Dapat pala hinawakan ko ang kamay niya ta's pinaupo lang siya at pinilit siyang ituloy 'yung kung ano mang gusto niyang sabihin sa 'kin . . . kasi unang beses sa buhay ko, naging sigurado ako. Hindi ako nag-iilusyon. Nakita ko sa mga mata ni Sof na may gusto siyang sabihin sa 'kin, at kita ko rin sa mga mata niya ang pag-aalinlangan. Alam ko. Pamilyar ako ro'n kasi nasuot ko na ang mga matang 'yun. Gano'n din ang tingin sa akin ni Gabby noong una at pangalawang beses bago siya umamin sa 'kin — bago niya sabihin sa 'kin, gusto kita.

Kaya ngayon, prom night, habang nakatayo sa isang gilid (pagkatapos muntik hindi papasukin dahil naka-suit ako imbis na gown), at pinapanood si Sof na maging maganda mula sa malayo, isa lang ang nasa isip ko.

Gusto niya rin kaya ako?

Kanina ko pa siya gustong lapitan. Sabay naman kaming pumunta rito kaya sa bahay pa lang nila kasama ko na siya, pero dito ko siya gustong lapitan. Ang hirap nga lang kasi panay aligid si Edwin, kaurat, sobrang papansin niya kay Sof. 

Buti na lang, maya-maya, si Sof na ang lumapit sa 'kin.

"Nasa'n si Gabby?" Ang cute ng make-up ni Sof. Ang swerte niya kasi sa parlor nagtatrabaho ang mama niya. Siyempre, naka-swerte rin ako, kasi madalas kung anong meron si Sof ay meron din ako. Saya magka-free make-up, lalo na kung sa future mother in law galing. Joke.

Narinig ko mula sa mga kaibigan ni Gabby na nagka-sore eyes daw siya. Medyo hindi naman ako naniniwala.

"Malay," tipid kong sagot. Medyo nakakakaba kasi ang ganda ni Sof ngayon, sobra. Lagi naman, pero iba dating niya kapag may make-up.

Saglit kumunot ang noo ni Sof saka bigla siyang tumawa na may kasamang hampas. "Oh, ano ka ngayon! Sino na isasayaw mo niyan?"

IKAW. Si Sof lang naman ang gusto kong isayaw pero tang ina nadadaga talaga ako. Parang may pumipilipit na kung ano sa tiyan ko kapag iniisip kong hingin ang kamay niya saka isayaw siya. Paano kung mawirduhan siya? O iwasan niya ako bigla? Pwede ko bang sabihing biro na lang ang dare na ginawa namin nung bata pa kami? 

Bwisit. Anong gagawin ko?

"Wala," na lang ang sinagot ko.

"Ha. E di wala rin nangyari sa promise na ginawa natin noon," sabi niya saka umirap. "Pauso ka kasi."

"Kumasa ka naman."

"G or die kasi ako."

"E, ikaw?" balik na tanong ko. "Isasayaw ka ba ni Edwin?"

"Edwin, Edwin, Edwin, puro ka Edwin. Baka ikaw may crush do'n."

Ewan ko kung bulag si Sof, o nang-aasar, kasi halata naman sa 'king hindi ako nagkakagusto sa lalaki. Humawak na lang ako sa bibig ko at nagkunwaring nasusuka. Ang lakas naman ng tawa ro'n ni Sof kaya siyempre, may kasama 'yong hampas.

"Napakasama ng ugali mo!" sabi niya. 

"Ano nga?" pilit ko sa usapan. "What if isayaw ka niya? E di siya na?"

Dahan-dahang tumahan ang tawa ni Sof. Napatingin siya kay Edwin na nagsasalin ng juice sa isang gilid, saka siya huminga nang malalim. Bumalik ang tingin niya sa 'king may matipid na ngiti.

"Ewan. Bahala na."

May kung anong sumikip sa dibdib ko sa sagot niyang 'yun kasi ayaw ko talagang isayaw siya ni Edwin — ayaw kong lumapit sa kanya si Edwin, o tingnan siya ni Edwin, o hawakan siya ni Edwin — gusto ko sana ako lang. Gusto ko ako lang. Bakit ba sobrang hirap gumalaw? Sobrang hirap kumalas sa takot? Pucha kasi, e. Kung sana hindi ko na lang 'to pinatagal. Bakit ba ako ganito? Ako lang din ang gumagawa ng sarili kong problema.

"Anyways," sabi ni Sof. "Pupuntahan ko si Belle sa CR kasi nasira raw zipper niya. Sama ka?"

"'Di na."

"Oh, my God. Papalapit si Edwin. Ikaw muna bahala sa kanya."

Pagkatakbo ni Sof, napalapit sa akin si Edwin. Hahabulin niya sana si Sof pero sabi kong papunta siya sa CR ng mga babae. Number one advantage ko kay Edwin: kaya kong samahan si Sof sa CR ng mga babae. Kaya ba niya 'yon?

Sabi ko sa isip isip: hindi niya kaya 'yun, pero at least kaya niyang umamin.

"Ano, Eds?" sabi ko. "Isasayaw mo ba siya?"

Pero hindi niya ako sinagot. "Bukas."

Kumunot ang noo ko. "Anong bukas?"

"Bukas, aayain ko siyang lumabas," sabi niya. "Tatanungin ko siya kung pwede ko siyang maging girlfriend."

Grabe. Hindi talaga siya sumusuko. Hindi niya na nirespeto ang desisyon ni Sof na ayaw niya nga; minsan ang mga lalaki, hindi nila alam ang pagkakaiba ng effort ng panliligaw saka sobrang pagpilit sa sarili.

"Wow," banggit ko. "B-Bakit 'di ngayon?"

"Kasi . . . maraming tao. Saka nandito ka."

"Okay," sabi ko na lang. "Ayos ka pumorma sa kanya ah."

"Oo naman. Gusto ko siya eh, kaya ipapakita ko 'yun. Ikaw?" 

"Anong ako?"

"Sav," sabi niya. "Akala ko ba seryoso ka?"

Para naman akong sinaksak nung tinanong niya 'yun. Uminom na lang ako ng Zest-O. 

"May mas importante pa kasi akong dapat ingatan," sabi ko saka umalis.

Pagbalik ni Sof, tumabi siya sa akin sa may lamesa. Kahit na may nangangati akong isayaw siya para masubukan kong umamin, masaya naman 'yung prom. Nabusog din kami ni Sof sa spaghetti ng isang fast food chain. May alak din na binigay sa 'kin isa kong kaklase at nakainom din ako nang iilan kaya kalagitnaan ng prom, medyo na-tipsy rin ako. Gulat na lang ako na biglang ang dami nang sumayaw, kaming dalawa lang talaga ni Sof 'yung nakaupo. 

Ang lala naman ng sakal sa min ng promise na ginawa namin noon.

Bigla namang nag-announce ang emcee na last dance na raw. Isayaw na raw ang dapat isayaw. Langya, tumugtog na nga 'yung classic prom song na King and Queen of Hearts, e.

Nanlamig na ang kamay ko. Siguro ipapabiro ko na lang; kunwari hindi ako seryoso. O baka seryosohin ko na para hindi na niya i-consider si Edwin. Ewan ko. Bahala na.

Tiningnan ko si Sof.

Nakatingin din pala siya sa 'kin.

Ang dali dali ng sasabihin ko para makalma na ang mga nagwawala sa loob loob ko. Pangalan niya saka dalawang salita. Isasalalay ko na ang lahat do'n.

Sof, sayaw tayo.

Huminga ako.

"Sof, sayaw tayo."

Sana . . .

Sana ako na lang ang nagsabi no'n.

Nalipat ang tingin ni Sof kay Edwin na nakalahad na ang kamay sa kanya. Parang nabingi ako. Binawi ko ang kamay kong muntik ko na ring iabot kay Sof. 

"Edwin," sabi ni Sof.

"Sige na," sabi niya. "Last dance na, o."

Tiningnan ako ni Sof. Ewan ko kung bakit, pero imbis na kay Edwin siya nakatingin, nasa akin ang mga mata niya. Dahil do'n, naalala ko ang parehas na mga tingin niya sa akin kagabi; sa tapat ng 7-11, habang umiinom kami ng malamig na kape. May sasabihin siya e, alam ko. Alam ko. Bago ako matulog nung gabing 'yon, hanggang ngayon, may tanong na nasa isip ko. Medyo assuming, medyo nakakatanga, pero tangina, gusto niya rin kaya ako?

"Sof," bigla kong sambit. Hindi ko alam kung ano ang susunod na sasabihin ko pero tumayo ako. Bahala na talaga. "Labas tayo."

"Huh?" mahinang banggit niya.

"'Yung prom . . . boring." Kumunot ang noo ni Edwin. Nakalahad pa rin ang kamay niya. Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin na lang nang maigi kay Sof. "Labas tayo."

Dahan-dahan, tumawa siya. 

"Sorry, Edwin," sabi niya. "Next time na lang."

Ngumiti si Edwin saka binaba ang kamay. 

Alam niyang wala nang next time.

--

"Alam mo, hindi ko talaga alam kung anong tumatakbo sa isip mo."

Nakaupo kami ngayon ni Sof sa may gilid ng city hall habang umiinom ng alak sa isang bote. Isang alak lang naman kasi siyempre, bawal malasing (tipsy lang ako, hindi lasing). Mukha lang kaming tanga ritong tumutungga habang naka-gown at suit, pero ayos lang; magkasama naman kami. Wala na si Edwin, o si Gabby, o 'yung ingay ng sound system sa bulok na prom.

Kami lang.

"Huy, ang daya daya mo," sabi niya. "Hindi dumating si Gabby kaya wala kang nasayaw, kaya dinamay mo 'ko." Umirap siya saka siniko ako. "Pano na 'yan? Wala tayong nasayaw parehas."

"Kalimutan mo na nga 'yung dare na 'yon."

"Big deal sa akin, 'no. Tagal ko ni-look forward. Hays." Tinapat niya sa akin ang bote ng beer niya. Malaki ang ngiti ni Sof. "To walang jowa."

Naalala ko 'yung sinabi sa akin ni Edwin kanina na aayain niya si Sof bukas. Naaaning talaga ako kapag iniisip kong may posibilidad na p'wede siyang maging girlfriend ng iba. E gusto ko siya ang girlfriend ko. Ano ba 'tong sinasabi ko? Nakakaramdam ako ng pagkahilo kaya napahilamos ako sa mukha. Shit, dahil sa tama, parang kaya ko nang magsabi ng kung ano-ano.

Wala na akong paki sa puntong 'to.

"Sof."

"Ano?"

Ewan ko na talaga.

"'Wag mo sagutin si Edwin bukas."

Kumunot ang noo ni Sof saka binaba ang bote niya. "Huh . . .?"

Binaba ko ang bote ko saka siya tiningnan nang mas maigi. "'Wag."

"A-Ano—"

"'Wag na si Edwin," sabi ko. "Parang timang . . . bakit ba kasi si Edwin?"

"Ano bang . . . sino ba dapat?"

"Bakit ba si Edwin? Wala ka bang ibang choice?"

"Lasing ka ba?!"

"Bakit si Edwin?"

"E, sa siya lang naman ang may gusto sa 'kin!"

"HUH!" sabi ko. Tumayo ako saka binitawan tinungga ang bote.

"Problema mo ba?!"

Huminga ako nang malalim. Bulag, nasa isip ko. Napakabulag nitong babaeng gustong-gusto ko. "Ewan ko sa 'yo!"

Ang cute niya habang nakasimangot sa 'kin. "Bakit ka nagagalit?!"

Ang cute niya pero nakakainis pa rin. "Nakakagulo ka!"

"Alam mo? Hindi kita gets." Tumayo na siya habang hawak pa rin ang bote. "Uuwi na 'ko."

"Ihahatid kita."

"Sav, kung may gusto kang sabihin, sabihin mo!" Napatigil ako. Hindi ko lang alam kung sa ilaw lang ng steet lights o ng buwan, pero parang kumikinang ang mga mata ni Sof.

"B-Bakit nga kasi si Edwin?"

"Sino ba dapat?"

"'Yan ba tanong ko?"

"Bakit ka ganyan sumagot?"

"Bakit kasi 'di mo 'ko sinasagot nang maayos! Bakit si Edwin, hindi mo naman siya gusto!"

"Ikaw ba nakakaalam ng kung sino gusto ko sa hindi?"

"Dapat kasi ako!"

Biglang nanlamig ang buong katawan ko nung kusang lumabas ang katagang 'yon sa labi ko. Para rin akong nanghina saglit kaya napaupo ako ulit saka napahilamos sa mukha.

"Dapat kasi ako . . ."

"S-Sav . . ." Lumuhod si Sof sa harap ko kaya wala akong ibang choice kundi tingnan siya. Tangina. Ang ganda talaga ng mukha niya. "Lasing ka ba? Si Sof to, ah. Hindi ako si Gabby."

Kung pwede lang talagang magwala. "Ano bang sinasabi mo diyan . . . kahit kailan hindi ako nagkagusto kay Gabby."

"E-Eh bakit nung sa Fashion Circle—"

"Sof, 'di mo ba talaga naiintindihan?" Ito na, wala nang atrasan. Bahagyang madilim pero nahanap ko ang kamay niya at hinawakan 'yon; wala nang biro, hindi ko na babawiin. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. "Kahit kailan, hindi naman naging si Gabby, e."

"Sav, 'wag kang—"

"Ikaw ang gusto ko, Sof," sabi ko. Hayop, saan galing 'yon? Sa alak? O mula ro'n sa lahat ng mga taong ginugol kong gusto ko siya? "Sof, gusto kita. Matagal na." 

Nanlalaki lang ang mga mata ni Sof na nakatingin sa 'kin at halata ang mabilis niyang paghinga. Nakatitig siya sa mga mata ko. Nakita kong napalunok siya.

"S-Seryoso ka ba?"

"Mukha ba 'kong nagjo-joke ngayon?" Inayos ko ang hawak ko sa kamay niya. "Medyo may tama ako pero . . ." Napatawa siya nang mahina kaya nahawa ako. "P-Pero . . . seryoso pa 'ko. Ilang libong beses na mas seryoso kaysa kay Edwin."

Hindi nagsalita si Sof, at hindi na rin siya nakatingin sa 'kin. Nakababa ang mga mata niya kaya unti-unti rin akong kinabahan. Ito na ba 'yung worst case scenario na dati ko pang naiisip? Iiwan na ba niya 'ko? Babalik na ba siya kay Edwin?

Hindi ko ba dapat sinabi?

Sof, magsalita ka naman.

"Sof . . ."

Napakurap ako nang tinanggal niya sa pagkakahawak ng kamay ko ang kamay niya. Hindi pa rin siya nakatingin sa 'kin nang tumayo siya.

Dahan-dahan, ngumiti siya. Nasisinagan siya ng kahel na ilaw ng streetlights at may sinag ng buwan sa mukha niya tulad nung isang beses na magkasama kaming dalawa sa walang taong classroom. Ang ganda niya. Sobrang ganda niya. At araw-araw hindi ko kinuwestiyon kung bakit ko siya gusto dahil araw-araw ko ring nakikita ang mga dahilan.

Nakatayo sa harap ko si Sof ngayon suot ang maganda (at nahihiya) niyang ngiti pati na ang pink niyang gown na pinuri ng maraming lalaki kanina sa prom. Sorry na lang sila dahil ako ang una at huling makakakita kay Sof na suot niya 'yon.

"Sav," sabi niya.

Sa 'di malamang dahilan, bumalik ang utak ko sa noong bata pa kami; magkatabi kami sa harap ng TV, nanonood ng music video ni Taylor Swift. Hinawakan ko ang kamay niya. Nagsabi ako ng dare na kung sino man ang isasayaw namin sa prom night, siya na 'yung pakakasalan namin. 'Di ko alam kung ano pumasok sa isip ko bakit ko nasabi 'yon; siguro dahil sa dalawang dahilan. 

Una, gusto kong sumayaw sa isang prom night. 

Pangalawa, gusto ko siyang pakasalan.

Ngayon, nakatayo siya sa harap ko. Maganda (lagi naman). Nakangiti. Nahihiya. Nakalahad ang kamay.

Ngumiti ako dahil alam kong tamang desisyong nandito kami. Ngayon. Kami lang.

Wala nang iba pang mas mahalaga sa mundo kundi ang ngiti ni Sof ngayon saka ang mga sumunod na sinabi niya sa 'kin. 

"Sayaw tayo."

───────────────

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

837K 39K 30
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
855K 42.9K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
929K 30.1K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2.3M 88.7K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.