YOU ARE THE ONE (On-going)

By MaeliXpen

815 135 78

Shaniqua Latisha Ezra, a bright young student with a beautiful face and a perfect body, had an ex-boyfriend n... More

Synopsis
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34

CHAPTER 17

16 1 0
By MaeliXpen

CHAPTER 17:
"AMUSEMENT PARK"


BANDANG alas singko na sila nakauwi, nakapag paalam na sila at nagpasalamat sa mag asawang sina Jacqueline at Jacob. Binigyan sila ng pagkain pauwi dahil wala naman daw kakain sa kanila ng pagkain nasasayang at itinatapon lang nila. Sina Jerico at Andrea ay sabay na silang umuwi dahil iisa lang naman ang ruta nila at sinadya talaga nila na iwan si Shaniqua para si Jacques ang maghatid sa kanya. Wala tuloy magawa si Shaniqua kundi sumama nalang kay Jacques. Pinasakay siya ni Jacques sa kanyang sports car hindi niya akalain na may sariling sasakyan pala ito.

"May sasakyan ka pala?" tanong ni Shaniqua sabay sakay sa loob ng kotse.

"Oo regalo sa akin ito ni Dad nung akoy grumaduate ng Senior High School." sabi ni Jacques habang nag-uumpisa na siya mag-maneho.

"Ohhh, sana all. Nahihiya na ako sa mayaman parang kinakain na ako ng kahirapan. Hahaha." napatawa din si Jacques.

"Alam mo hindi ko talaga gusto magkaroon ng kotse, pero si Dad kasi wala ako magagawa pero I like it."

"Kunwari ka pa eh tutal gustong gusto mo nga eh. Anyway thank you very much. I like your family. Nakita ko yung way ng pagmamahal nila sa akin. Nakita ko kung paano nila ako itrato bilang isang anak. Anak nga tawag sa akin ni Tita Jacqueline."

"Mabait talaga si mommy kahit kanino. Kahit yung katulong namin tinuturing niyang pamilya, kung nakikitao.si Manang Kusing, itinuring ni Mommy bilang isang ina. Kahit si Daddy mabait din siya pero medyo strikto lang."

Patuloy pa din siya nagmamaneho at nagtataka sj Shaniqua bakit parang iba ang ruta nilang pinuntahan. Itinigil ang sasakyan at ipinarada sa parking lot ng amusement park.

"Bakita tayo nandito? Akala ko ihahatid mo ako sa amin? "

"Wala lang I just want to spend more time with you bilang isang kaibigan."

Nagtataka siya bakit sa tuwing sinasabi ni Jacques na bilang isang kaibigan ay may epekto sa kanya. Parang may kumirot ng konti sa puso niya. Mga ngiti ni Jacques ay may epekto din sa kanya, simpleng tawag sa kanya may epekto din ito sa kanya.

'Totoong in love na ba ako sa kanya?' Sabi ng kanyang isipan.

"Shaniqua Latisha Ezra, bakit ang ganda ng name mo napaka unique." nagiikot ikot silang dalawa sa amusement park habang nag kekwentuhan sila.

"Ewan ko nga ba sa magulang ko kung bakit kakaiba pangalan ko. Actually ang daming nahihirapan sa pangalan ko, palibhasa yung pangalan ko pang American pronunciation. Ikaw nga eh yung name mo Jacques nung una nahihirapan ako na ipronounce kasi 'Jacwes' ang basa ko dapat pala 'Jack' I try to search it yun pala ang correct pronunciation. Bakit nga pala kayo puro J ang pangalan?"

"Mom and Dad, gusto nila na gawin ding J ang pangalan ko noong una Jacob dapat ipapangalan sa akin ni Dad, kaso si Mommy ayaw niya daw ang gusto niya ipangalan sa akin ay Jacques na galing sa pangalan niyang Jacqueline."

"Wow ang cute, my dad said kaya ginawa niyang Shaniqua dahil may SH siyang name kundi Sherwin."

"Maganda ang iyong pangalan maganda pa ang mukha. Your suits you dahil unique ka." sabat ni Jacques. Biglang nag-init ang pisngi ni Shaniqua sa sinabi ni Jacques. Biglang pumasok sa kanyang isipan na hinalikan siya bigla ni Jacques. Nagkaboyfriend siya pero hindi niya naranasan na halikan siya kundi si Jacques lang ang una.

Tumigil sila sa nagtitinda ng cotton candy, nilibre siya ni Jacques. Ang ginawa ng tindero sa cotton candy ay hugis puso at iniabot ito sa kanya.

"Magnobya ba kayong dalawa?" tanong ng tindero.

"Po? Hindi pa po ay este hindi po manong." nagkamali si Shaniqua sa sinabi niya.

"Babalakin ko sana."

"Ha?" then her cheeks turns to red.

"Abah siya nga, Tama iyan iho. Bagay kayong dalawa, mukha kayong foreigner."

"Hehe thank you po manong." umalis na silang dalawa at ningitian sila ng tindero.

"Bagay daw tayo sabi ni Manong. Hindi pa po sabi mo may gusto ka ba sa akin?"

"Ha? Hindi ah wala ako sinabing ganun. Nabingi ka ata." namumula na pisngi niya. Nasa unahan na niya si Jacques para tumigil sa paglalakad.

"Magsabi ka nang totoo kung hindi hahalikan kita." Her heart suddenly beat and her eyes is on Jacques. Babago lang sila magkakilala ay araw araw na siya nilalandi ni Jacques.

"Ang landi mo alis." Hindi na niya kinaya ang pagtitig niya kay Jacques at baka nakawan ulit siya ng halik.

"Ahhh gusto mo ng halik ah, sandali." inayos niya ang sintas ng sapatos at simple na bebwelo upang habulin si Shaniqua.

"Jacques masasapak kita, Isa!"

"Hindi hahalikan talaga kita, kahit ito ay crime."

"Dalawa!"

"Wait ayusin ko lang sintas ko. Maghintay ka lang."

"Jacques tumigil ka, ahhhh!" tumakbo siya dahil hinahabol siya ni Jacques para halikan siya. Inikot nilang dalawa ang buong amusement park. Nakarating silang dalawa sa fountain na kung saan hinablot niya ito si Shaniqua upang buhatin. Hawak ni Jacques ang tiyan ni Shaniqua na siyang nagsisilbing pagbuhat at umikot habang si Shaniqua nakakapit sa braso ni Jacques.

Masayang masaya sila pareho, halos nabasa na sila sa may Fountain. Ang mga ngiti nila ay tilang bumubuo ng storya nilang dalawa. Tila mga ngiti nila ay daig nila ang bituin na kumikinang sa kilig. Tawa at kakulitan nilang dalawa ay siyang nagbibigay sa kanila ng magandang storya.

NAKAUPO si Shaniqua sa lamesang bato habang inaayos ang kanyang sarili. Bumili si Jacques ng tissue para ipahid at punasan ang mga basa sa kanilang mga damit. Umuwi na din sila dahil kailangan na nilang umuwi. Nasa tapat na sila ng bahay na kung saan nakatira si Shaniqua.

"Jacques salamat ha. Thank you for making me happy again." pasalamat ito ni Shaniqua kay Jacques at sabay hinalikan ito sa pisngi. Ito ang pagkakataon niyang gawin kay Jacques dahil ang paghalik na iyon ay isang pasasalamat.

Iniwan na niya si Jacques sa labas ng bahay nila at isinara na niya ang gate. Napasandal siya sa gate at hinawakan niya dibdib niya na malakas ang kabog ng kanyang puso. Hindi mawala ngiti sa labi simula ng nakilala niya si Jacques.

Pumasok na siya ng kwarto at dumeretso siya sa kanyang study table. Kinuha niya ang kanyang secret notebook at doon niya sinusulat ang mga nangyayari sa kanyang buhay.

'Handa na ba ako iharap ang definition of love?'

Habang nakatulala sa kisame hindi mawala wala sa kanyang isipan na nangyari sa kanilang dalawa ni Jacques. Buong araw niya nababalutan na ng saya at isa pa mas nakakahiya ang kanyang ginawa nung hinalikan niya si Jacques sa pisngi.

Tumunog ang phone niya at mukhang may text iyon.

JACQUES
- Hey I just arrived at home ( ◜‿◝ )♡

SHANIQUA
-Okay thank you again ෆ╹ .̮ ╹ෆ

JACQUES
- Goodnight ('ε` )

SHANIQUA
- Yeh good night.

Ibinaba na niya ang cellphone at dumeretso na siya ng banyo upang maglinis.

Maya-maya ay lumabas na siya ng banyo, naghalf bath lang siya at kailangan niyang pumasok sa trabaho niya. Naka night shift siya ngayon dahil yung isa niyang katrabaho ay may sakit.

Pagkalabas na niya ng banyo ay nadatanan niya mama niya sa salas abalang abala sa pagbabasa ng pocket book. Poot at galit sa mama niya ay hindi mawala wala. Ngunit ang konsensya niya ay lumalaban parang sinasabi sa kanya ay patawarin na siya.

"Ma, pasok na ako sa trabaho." paalam niya.

"Ha? Nagtatrabaho ka? Hindi ko alam, iyan anak, sandali, Kunin ko lang yung pagkain." taranta na kilos ni Grace. May kinuha itong pagkain sa kusina.

"Ohhh anak ito pagkain mo ha, huwag kang magpapakagutom. Mag-iingat ka ha. " sabi ni Grace sa kanya na sobrang pag-aalala.

"Salamat Po, pasok na po ako." lumabas na siya ng bahay. Unti-unti pumapatak luha niya. Nararamdaman niya kung gaano siya kamahal ng kanyang ina sa kanya.

Nasa convenient store, 24/7 ang tawag. Binilin sa kanya ng kanyang manager ang lahat ng gawin. Matic na kanya ang gagawin kaya alam na niya. Bandang alas otso ng Gabi madaming bumibili halos mga kabataan ang bumibili. Kahit gabi na nasa galaan pa ang mga junior high school.

Buti nalang ay dala niya ang kanyang reviewer dahil may quiz sila sa Monday sa kanilang course subject na Inorganic Chemistry. Nahihirapan siyang aralin ang mga formula sa chemistry, pero naniniwala siya sa niya na kaya niya.

Sina Jacques at Shaniqua ay may chemistry. Kung ikukumpura mo sila sa Magnesium at Oxygen gas magiging 2MgO dahil ang reactants ay generally two elements then ang kanyang products ay magiging sigle compound. Parang Jacques and Shaniqua formed by love birds. Lahat ng topic sa chemistry ay may combination, chemistry of love, combination of happiness, love and guilty. Kung compatible ito kay formula owede sila magcombine sa isa't Isa.

INABOT ng maaga si Shaniqua sa pagtatrabaho sa twenty four seven. Bitbit na niya mga gamit niya, medyo naoverload na ang utak niya sa kakareview. Nang dahil diyan nakatanggap siya ng bonus sa kanyang manager at dinoble ngayon ang kanyang suweldo. Tamang tama ay may pambayad na sila ng kuryente at yung kasintahan ng kanyang mama ay walang ginawa kundi tumambay kung saan saan. Wala siyang tiwala sa lalaki dahil alam niyang may masamang balak siyang gagawin sa mama niya. Hindi ko nakikita kung mahal ba niya talaga ang kanyang ina.

'Sana umuwi ka na dad para si mama ay bumalik na sa iyo. Sana mapatawad ka na niya.'

Pumara siya ng tricycle para umuwi. "Manong Pinagsabungan Po". dtumango naman ang driver kaya ay sumakay na siya. Habang si Shaniqua ay nakasakay sa tricycle ay napansin niya kasintahan ng kanyang ina sa labas ng mall kasama ang ibang babae, habang nakayapos ito sa babae at hinahalikan.

"Ang kapal ng mukha mo. I knew it! Walang hiya ka talaga." papara sana siya ngunit hinayaan niya nalang dahil madadamay siya sa gulo. Pero hindi niya talaga kayang hayaan dahil ang mama niya lang nag nagdudusa magtrabaho para sa lalaki, tapos lolokohin lang siya ng ganun. Kinukahanan niya litrato upang maging silbing ebidensya.

Bumaba na agad siya ng tricycle at paspas na siya umakyat sa taas. Hinahanap niya mama niya, ngunit wala siya doon. Inikot na niya ang buong bahay ngunit wala pa din. Natataranta siya sa kakahanap sa kanyang ina at panay ikot siya ng ikot. Maya-maya ay may nagbukas ng pintuaan at dumating na Ang mama niya.

"Ma!" nilapitan niya ito at niyapos ng todo.

"Oh bakit anak? Ayus ka lang ba? Na paano ka?" tarantang tanong ni Grace.

"May kailangan kayong malaman." kinakabahan siyang isabi sa kanyang ina.

"Ano yun anak? may nangyari bang hindi maganda?"

"Bago ko muna sabihin mahal niyo po ba talaga si Tito Daniel?" tanong ni Shaniqua.

"Bakit mo natanong iyan?" nagtataka ito sa kanya.

"Ma, wala ka ba nakikita or napapansin sa kanyang mga kilos?" another tanong niya ulit.

"Wala naman bakit? "

"Ma, huwag mo na patulan si Tito Daniel, niloloko ka lang niya!" gigil na pagkasabi ni Shaniqua.

"Shaniqua tumigil ka nga!" napasigaw si Grace sa kanya.

"Ma! Kung ayaw niyo maniwala sa akin. Sino ito?!" ipinakita niya kay Shaniqua ang larawan. Nanlaki ang mga mata ni Grace sa nakita.

"Bakit? Paano mo-" nagtataka si Grace dahil tinitigan niya ulit ito.

"Ma, kung mahal ka ni Tito Daniel hindi ka niya lolokohin ng ganito.!" galit na pagkasabi ni Shaniqua habang umiiyak ang kanyang mama.

"Ma, noong una palang alam Kong matagal ka nang niloloko ni Tito Daniel, wala ako tiwala sa kanya lalo na sa mga kilos niya. Duda na ako mama si itsura niya hindi katiwala tiwala.!" nangingiyak na sabi ni Shaniqua.

"Sinong hindi katiwa-tiwala?" sabat ng boses lalaki sa likuran ni Grace.

"Ako ba tinutukoy niyo?" pilosopo na tanong ni Daniel.

"Oo, Ikaw manloloko at manyak!" sigaw ni Shaniqua at hinigit niya mama niya at inilagay sa kanyang likuran.

"May ebidensya kaba Shaniqua?"

"Daniel tumigil ka!" sigaw ni Grace.

"May ebidensya ka ba ha?" hinila ni Daniel ang kuwelyo ni Shaniqua.

"Sige saktan mo ako. Alalahanin mo I have a secret camera dito sa bahay." naka smirk siya kay Daniel. Sinampal siya ng malakas ng dahil sa gigil ni Daniel.

"Shaniqua!" inalalayan siya ng kanyang ina at hinaplos ang pisngi. Sinugod ni Grace si Daniel at pinaghampas hampas sa dibdib.

"Hayop ka! Ang sama sama mo, sinaktan mo anak ko! Wala kang karapatan na saktan ang anak ko hayop ka!" sinaktan niya at sinampal naman ni Daniel si Grace. Lalong nagalit si Shaniqua dahil sinaktan ni Daniel ang kanyang ina.

"Fuck you!!! King ina mo!!! Isa kang masahol na hayop!" sinapak ni Shaniqua si Daniel. Kahit babae siya ay lumalaban siya. Sumakay siya sa katawan ni Daniel at doon niya pinagsuntok suntok.

"Ma, call now a police! " inutusan niya Mama niya habang tinutuloy niya ang pag suntok kay Daniel.

"Isang suntok para sa panloloko mo sa mama ko." sinuntok niya sa nguso.

"Isang suntok sa pagiging manyak mo!" sinuntok pa niya ng Isa pa.

"At isang suntok na pananakit sa akin at sa mama ko!" Hindi na makalaban si Daniel dahil sa suntok niya.

Buti nalang tinuruan siya ng kanyang Dad ng self defense. Sakto dumating ang mga police at inaresto nila si Daniel.

"Sa Korte tayo magkikita. " binalaan niya si Daniel.

"Hayop ka!" sabay dinuraan siya sa mukha.

"Hahahaha! Boss wait lang po ha." sinipa niya sa ari.

"You may go na Po sir and I will send the evidence later."

Tiningnan niya mama niya at niyapos niya ito ng mahigpit. Ito ang pagkakataon na pinapatawad na niya mama niya.

"Ma are you okay? I'm sorry for everything. Everything will be alright."

"I'm okay anak I'm okay and I'm sorry." niyapos siya at napaiyak si Shaniqua dahil namimiss na niya mama niya. Miss na niya ang lambing sa kanya, ang pagmamahal sa kanya, at pag-aalala sa kanya.

"You know what anak, I'm so proud of you ang galing mo. Nagulat ako sa mga kilos mo, iba ang mo parang hindi ikaw. Kanino mo natutunan iyan?"

"Ahmmm kay Dad?"

"I knew it hmmm."

"I love you ma!"

"I love you too anak."

Masayang masaya na sila pareho at wala na silang kasama na nakakapang init palagi ng ulo niya dahil sa lalaking iyon. Ilang beses na niya naririnig at nakikita ang mga kababalaghan nila ngunit umalis na ang malas sa.loob ng bahay nila.


Sorry Po kung naking 2k words na. NASA mood ako today, at napahaba Ang kuwento. Anyway please vote my story. Thank you 💞

Continue Reading

You'll Also Like

285K 19.5K 57
ABHIMANYU RATHORE :- Rude , workaholic CEO of Rathore Empire .Devilesing hot , every girls drools over him .But loves his family to dearest . . SAKS...
198K 15.2K 47
[Under editing]* "Charche nashe ke chal rahe the main zikr teri aankhon ka kr aaya, jab baat sukoon ki chidi main baat...
10.2M 641K 168
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
856K 8.5K 68
𝐢𝐧𝐜𝐥𝐮𝐝𝐞𝐬 𝐚𝐥𝐥 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐛𝐨𝐲𝐬 ✦ .  ⁺   . ✦ .  ⁺   . ✦ don't forget to vote, share and comment. 🤍