CHAPTER 60
“FUCK!” isang malakas na sigaw mula kay Mr. Lee habang nakatali pa rin siya at nakakulong sa puder ng El Hombre.
“I guess, dito ka talaga mag new year?” mapang-asar na sinabi ni Charm habang paikot-ikot na pinagmamasdan ang matanda.
“I want to remove my prosthetics!” sigaw ni Mr. Lee dahil ilang araw ng natutunaw ang peke niyang make up sa ilong dahil sa paulit-ulit na paglublob sa kanya ni Charm.
“Talk about Joseph and Henry, saan sindikato sila kabilang?! Underdog ba sila ng Black Umbrella?!” sigaw ni Charm.
“Boba ka ba? Ilang beses ko nang sinagot, they aren’t the same! Ibang sindikato si Henry at Joseph, pero dahil may sumira sa pinaka una nilang warehouse kaya sila nagsanib pwersa! Malayo kay Tobias ang dalawang iyan dahil mas matalino si Tobias pati na rin si Russ! Iyon lang mas nagtatago na parang ipis si Henry at Joseph!”
“Sila rin ba ang sumugod sa bahay ng negosyanteng si Franklin Hugo?! Anong kailangan niyo kay Mr. Hugo?”
“I don’t fucking need that guy. Pera lang niya at investments ang habol ko! Due to his famous name, iyon lang ang kailangan ko! Wala akong pakialam sa kanya personally!”
“Sinungaling!” sigaw ni Charm at nilatigo ang sikmura ni Mr. Lee. “Bakit maraming babae sa warehouse mo? Part ba sila ng human trafficking or pornography?!”
“Wala kang malalaman! Kahit patayin mo pa ako!” Humahalakhak na parang demonyo si Mr. Lee kaya naman heto at mas nilatigo ni Charm ang katawan nito. She even sprinkles alcohol all over his body. Kaya naman nagsilbing musika kay Charm ang iyak ng matandang banyaga.
“Hintayin mo lang si Boss, lagot ka at siguradong pipiraso-pirasuhin niya ang buong katawan mo from head to toe!”
Iniwan ni Charm si Mr. Lee na umiiyak. Pinakawalan din niya ang mga ipis sa paligid upang ipanakot na dumapo ito sa duguan niyang katawan.
“Gael, where are you going?” tanong ni Charm.
“Sasamahan ko si Ms. Jaica sa presentation niya for the last year of sales.”
“Aba, supportive. Trip mo ba ang kaibigan ni Ms. San Jose?”
“Charm, pwede ba? Si Jaica ang nag-iisang kapamilya ni Ms. San Jose. Kapag nawala pa siya siguradong mababaliw si Ms. Belle. Isa pa, kailangan ni Jaica ang presentation dahil siya ang gagawin sales manager ni Mr. Franklin.”
“Seriously? Mahusay pala si Jaica. Kumusta naman ang balita kay Mr. Tan also known as Mr. Lee sa business nila ni Hugo?”
“Lahat ng dahilan ng mga tauhan niya ay nasa ibang bansa ito. Wala rin silang ma-ipresenta kay Hugo dahil alam mo naman na nasa atin siya. Mas lalo silang kinakabahan dahil malapit ng magbitiw ng investments si Mr. Franklin sa negosyo na pinag-usapan nila. Kapag nagkataon, pati ang Plantera Incorporated ay lalagapak sa lupa.”
“Mabilis kumilos si boss. Hindi na ako makapaghintay na unti-unti ng mahuli ang magkapatid na iyan. Lalo na’t isa lang ang kumpletong katawan. Henry doesn’t have his arms at sigurado ako doon. Kaya hindi tayo gaano mahihirapan na makipagtuos sa kanila,” wika ni Charm pagkatapos ay tinapik ang balikat ni Gael.
“I’ll go ahead,” paalam ni Gael.
This is the big day of Jaica, last day of the year end, isang promotion ang natanggap niya kay Hugo bilang isang Sales Manager ng Jewelry kapalit ang isang magandang presentation sa harap ng mga banyaga at iba pang mga Filipino investors.
Dalawang araw lamang niya itong napaghandaan dahil hindi rin siya nakapag focus bukod sa nangyaring trahedya noong pasko. Dahil na rin sa tulong ni Belle kaya naman natapos niya ang presentation.
“Manong, pwedeng dumaan muna sa drive thru? Natatae ako sa kaba!” Bulalas ni Jaica dahil buong akala niya na isang matanda ang driver niya.
“You need ice cream hindi kape,” tugon ni Gael.
“Oh my gosh?! Ikaw ang kasama ko!” Bulalas ni Jaica at dali-daling lumipat ng front seat.
Nagulantang naman si Gael dahil sa bilis ng paglipat ng dalaga at akala mo'y hindi man lang ito nakapalda kung kumilos.
“Hindi pwede ang kape sa iyo, lalo kang nenerbyosin.”
“Ha? Ice cream talaga?” malokong sinabi ni Jaica at tumingin sa mukha ni Gael pababa sa pantalon nito kaya naman umirap ang binata.
“Magkape ka na!” Asik nito pagkatapos ay pumreno ng malakas kaya naman halos tumilapon ang dalaga.
“Kahit kailan napaka old maid mo! Hindi ka mabiro!” Bulalas ni Jaica hanggang sa makapag-order sila ng tig isang ice cream.
Hindi alam ni Gael kung tama ba na siya ang boluntaryong samahan si Jaica sa presentation nito dahil kanina pa siya pinagdidiskitahan ng dalaga. She’s eating ice cream in a sexy way. Gusto nang tumabling ni Gael sa sobrang init ng pisngi hanggang sa itapon niya ang kalahati ng ice cream cone sa labas.
“Pambihira! Napaka mapagsayang mo naman!”
“Fix yourself, Mr. Jaica. Ang dumi ng mukha mo. Nandito na tayo,” asar na sinabi ni Gael at pumreno mula sa car park.
Tinapos lamang ni Jaica ang kankain pagkatapos ay naglagay ng pulang lipstick sa labi. Ginulo niya at iniladlad ang buhok bago tuluyang humarap kay Gael. Maganda na ba ulit? Pray for me, sana i-promote talaga ako ni Hugo. Kapag nagkataon iyon, magiging proud si Belle sa akin. Dahil sa kabila ng kalandian kong trabaho, may disenteng trabaho pala ang naghihintay sa akin!”
Gael can’t denny, napangiti siya ng bahagaya nang marinig ang sinseridad na sinabi ni Jaica. “Let's go, you'll be late,” aya ng binata.
Sa pagbaba nila ng sasakyan, hinatak lamang ni Jaica ang kamay ni Gael hanggang sa makapasok sila sa building Kabado ang dalaga mula sa elevator dahil ilang beses niyang binibilang ang palipat-lipat na numero sa itaas.
“Just be yourself, Ms. Jaica.”
“Thank you, Gael!” Tugon niya hanggang sa tuluyang bumukas ang elevator.
Mabilis nilang tinahak ang daan papunta sa conference room, sumalubong din kay Jaica ang mga investors hanggang sa sinimulan ng dalaga ang presentasyon.
Three Mafia guards are watching her including Gael. Apat na banyaga naman na kaibigan nila Hugo at Vito ang nakinig at dalawang Filipino investor.
“Why am I not allowed to enter the conference room?!” Asik ni Allan na nagtatago pa rin sa pangalan na Elias under Plantera Incorporated.
“Sir, Mr. Tan and your company is not allowed to enter the conference room. Para lamang po ito sa bagong investors,” tugon ng concierge.
“No! I need to see the new investors and sales manager of this jewelry business! May usapan ako at si Mr. Franklin Hugo about this merging of stocks!” Bulalas ni Allan.
Tinimbrihan ng concierge staff si Gael na nakikinig sa loob ng conference room. Para bang nag-init ang ulo ng binata nang marinig niya ang pagwawala ni Plantera Incorporated sa labas. Tumayo si Gael at siya mismo ang humarap sa may-ari ng Plantera.
“Bakit ayaw akong papasukin? Where is Franklin Hugo? We need to talk! Ito ang kontrata na dapat niyang pipirmahan kasama si Mr. Tan bago ito umalis ng bansa!” Bulalas ni Allan.
Walang kibo si Gael at basta na lang kinuha ang inaabot na papel ni Allan pagkatapos ay harap-harapan niya itong sinira.
“You aren’t allowed to enter Mr. Hugos’s company. Please get out.”
Hindi na sana umabot sa pagdampot upang makalabas si Allan sa kumpanya ngunit muli itong nagwala na parang nakalimutan niyang nagpapanggap siya bilang CEO. Nagtaka si Gael kaya naman pinabitbit siya sa dalawang company guards ni Hugo. Ang kumosyon na ito ay pumukaw sa mga mata ni Jaica, natapos niya ng maayos ang presetation sa loob ng conference pero heto naman ang bumungad sa kanilang paglabas.
“I need to see Mr. Franklin! Our business will give him a luck!” pagpupumilit ni Allan hanggang sa mahuli ng mga mata niya ang inosenteng mukha ni Jaica.
Para bang tumigil ang kanyang mundo hanggang sa muli niyang pinagmasdan ang dalaga. Akmang manlalaban pa sana si Allan pero natakpan na ang dalaga mula sa likuran ni Gael.
Pinalabas si Allan hanggang sa makasakay ito sa sasakyan. Hindi mawala sa kanyang isip ang inosenteng mata ng dalagang nakasunod kay Gael.
“Pamilyar siya… hindi ako nagkakamali, nagkita na kami nu’n,” bulong niya hanggang sa tapikin ang balikat ng driver upang sila ay makaalis.