Vampire's Menu

By bleedforsilver

3.7K 396 27

Primrose, an orphan and an average high school student, faces eviction from her apartment and finds herself h... More

Prologue
Chapter 1 Welcome
Chapter 2 Security
Chapter 3 Beauty
Chapter 4 Rules
Chapter 5 Rage
Chapter 6 Thirst
Chapter 7 Purple
Chapter 8 Prince
Chapter 9 Dance
Chapter 10 Hypnotism
Chapter 11 Doubt
Chapter 12 Death
Chapter 13 Kiss
Chapter 14 Subtle
Chapter 15 Roulette
Chapter 16 Answer
Chapter 17 Favor
Chapter 18 Feelings
Chapter 19 Tension
Chapter 20 Admirer
Chapter 21 Decision
Chapter 22 Cake
Chapter 23 Vandivic
Chapter 24 Relief
Chapter 25 Fireflies
Chapter 26 Stolen
Chapter 27 Cousin
Chapter 28 Lielow
Chapter 29 Submission
Chapter 30 Choice
Chapter 31 Pain
Chapter 32 Deal
Chapter 34 Threat
Chapter 35 Lost
Chapter 36 Arena
Chapter 37 Torture
Chapter 38 Escape
Chapter 39 Fate
Chapter 40 Covenant
Chapter 41 Key
Epilogue

Chapter 33 Spy

36 5 0
By bleedforsilver

  SALITAN ang pag-stretch ni Blair ng mga braso matapos ang pagpu-push-up. Saka kumuha ng towel at dinampi-dampi yon sakanyang leeg at dibdib upang tuyuin ang kanyang pawis.

Maingat siyang naghilamos ng mukha sa washroom dahil bahagya pang gumagaling ang sugat na sanhi ng kalmot ni Gunther sakanya. Tiim bagang siya habang tinititigan ang sarili sa salamin.

"Master.." narinig niya ang boses ng tauhan sa labas, "Tapos na po ang lahat ng preparation para sa Event ng Magnifico."

"Mabuti naman kung ganon dahil naiinip na ako.." tamad niyang saad paglabas niya.

Agad siyang inabutan nito ng bottled water.

"Hindi nyo pa rin po pala itinatapon ang picture na yan.." puna nito nang mapansin ang nakapatong sa table niya.

Nilapitan niya yon at pinulot.

"Dahil ayokong kalimutan ang huling itsura ni Elaine bago niya ako tuluyang iwan.." titig niya sa walang buhay nitong picture, "Kuha niya 'to nang matagpuan sa bahay na inupahan niya." mahina niyang sabi, "Naguguluhan pa rin ako kung bakit kinailangan pa niyang mangupahan ng palihim at kung paano humantong sa pagkamatay niya ang bakasyong ipinaalam niya sakin. Masyado siyang nagtiwala sa mga bampirang nakilala niya. At ang pinakamasakit, ni hindi ko alam kung sino ang gumawa nito sakanya dahil wala ako sa tabi niya ng mga oras na yon.." kuyom niya ng kamay, "Hindi mawala sa isip ko kung paanong humihingi siya ng tulong at wala man lang akong nagawa para sakanya.." mapait niyang turan.

"Master.."  tapik nito sakanya dahil nanginginig na siya sa galit.

Napahinga siya ng malalim upang kalmahin ang sarili at ibinaba yong muli sa table.

"Ikuha mo ako ng pain reliever dahil sumasakit ang sugat ko.." utos niya.

"Masusunod po Master."

Prim's pov

SINAMAHAN ako ni Gunther na sunduin si Purple ayon na rin sa napag-usapan namin. May trabaho si Trojan nang gabing yon kaya siya ang nagvolunteer na magbantay sakin. Hindi naman naghinala nang kung ang kapatid niya at ang butlers. Literal nang tapos para sakanila ang roulette kaya casual na ang pakikitungo nila sakin na para bang mymbro na ako ng pamilya.

"Purple!" masaya kong sambit nang masilip ito na masiglang naglalaro.

"Aw! Aw! Aw!" tahol niya nang makita ako at mabilis na nagtatakbo sa direksyon ko, "Aw! Aw!"

Nanibago ako nang makita ito dahil nadagdagan ang timbang at mas naging makapal ang balahibo. Kitang-kita sa kinis nito at pangangatawan na alagang-alaga ito ron.

"Ang laki mo na agad ah?" yakap ko rito, "Matutuwa ang daddy Trojan mo kapag nakita ka niya.."

Nahinto lang ako sa pagpet sakanya nang tumikhim si Gunther sa likuran ko.

"Ah.. Purple, siya nga pala si Ninong Gunther mo.."

Nagsalubong ang kilay niya nang bigla kong iabot sakanya ang tuta.

"Aw! Aw! Aw!" tahol nito sakanya at pilit inaabot ng nguso ang mukha niya.

"Teka, ano bang ginagawa ng bulinggit na to?!" iwas niya at binuhat yon palayo sakanya.

"Binabati ka lang naman niya.." natatawa ko itong binawi, "Behave ka lang Purple kung ayaw mong maiwan dito, okay?" pinanggigilan ko ito, "Ang cute cute mo talaga!"

Muling tumikhim si Gunther, "Wala tayong sapat na oras.." paalala niya, "Tayo na.."

"Ah, oo nga pala.."

May isang tauhan siyang isinama kaya ito muna ang nagbitbit kay Purple na tahimik na nakasunod samin. Sa lahat ng butler, siya lang ang nagsama ng alalay kaya medyo ilang ako dahil pinapanood niya ang bawat kilos namin.

Sa isang science museum niya ako isinama. Nakakamanghang malaman na mahilig siya sa mga celestial objects dahil sa astronomy section kami dinala ng elevator na sinakyan namin. Naglibot kami ron at iniisa-isa ang mga booth.

Habang naglalakad pinagmamasdan ko siya. Ang sabi niya kasi gusto niya akong makilala pero halos hindi naman siya umiimik. Abala ang mga mata niya sa mga nakadisplay ron. Pakiramdam ko nga mas nakatuon pa sakin ang attention ng kasama naming alalay kaysa sakanya. 

Sa totoo lang umaasa akong magiging katulad ng date namin ni Tangent o ni Empire ang magiging ambiance ng lakad namin na yon pero malayo siya sa naimagine ko.

Nabasag ang pag-iisip ko nang hagipin niya ang kamay ko at hilahin ako paakyat sa isang paikot na hagdan. Nahilo ako dahil nasa dalawang palapag yata  ang taas non pero sulit naman ang mala space na pailaw sa paligid, panabit sa mataas na ceiling at mga pinta sa pader. Kulang nalang magspace suit kami para mas kompleto ang experience.

Hinihingal ako nang marating namin ang tuktok ng museum. Isang malaking pabilog na bubong bumulaga samin at mula sa hati nito sa gitna ay kitang-kita ang kalangitan. Napaikot ako habang nakatingala dahil sa lawak ng dome. Nakausli ron ang isang napakalaking telescope. Kaya para akong batang nag-usisa sa bawat detalye ng mekanismo non.

"Prim," senyas niya sakin, "Gusto mo bang makita ang pinakamagandang view sa lahat?"

Natulala ako nang ngumiti siya na para imahinasyon ko lamang yon. Ang ngiting una kong nakita sakanya nang magkakilala kami sa park. Mapalinlang subalit nakakaakit. Nang hindi agad ako nakagalaw ay siya ang kusang humila sakin.

Napalunok nalang ako nang pumwesto siya sa likod ko at ayusin ang telescope. Ipinwesto niya ako kung saan ako pwedeng sumilip. Ramdam ko ang paghinga niya sa may balikat ko kaya nanayo ang mga balahibo ko.

Apektado ako dahil yon ang unang beses na nagkalapit kami ng ganon at hindi pa rin naaalis ang ilang ko sakanya kahit nagkaayos na kami. Nalipat ang atensyon ko nang magfocus na ang lense at makita ko na nang malinaw ang kalawakan.

"Ang ganda.." mangha ko, "Ang akala ko maganda na sila sa mga libro pero mas buhay sila rito.." ang lawak ng ngiti ko habang nililibot ng mata ang imaheng hagip ng telescope.

"Kung pagbabasehan ang paniniwala ninyong mga tao, maaring isa si Elaine sa mga stars na nakikita mo.." bulong niya, "Sa tuwing namimiss ko siya, dito ako pumupunta dahil para ko na ring nakikita ang kislap ng mga mata niya sa kalawakan.."

May isang oras kaming nanatili sa pagstargazing. Marami din siyang itinuro sakin na may kinalaman sa space na hindi ko pa natutunan sa school. Humanga lalu ako sakanya kahit na alam kong matagal na siyang nabubuhay sa mundo kaya hindi na dapat yon ikabigla.



SA isang mamahaling restaurant kami dumiretso para magdinner. Habang kumakain ng pasta napansin ko ang kakaibang way niya.

"Bakit hindi mo hinahalo ang spaghetti mo?"

"Well.." gamit ang tinidor ay hiniwa niya yon na para bang cake ang kinakain niya, "Ayoko lang na masira ang garnishing. Nasanay na akong kumain ng ganito.."

Tiningnan ko ang sarili kong plato. Naging messy tuloy paningin ko ron.

"It's just a habit of mine.." dagdag niya, "Wag mo nalang pansinin."

"May pagkaOC ka rin pala," komento ko, "Kanina ko pa kasi napapansin na lahat ng ginagawa mo may pattern."

Natawa siya, "Kanina mo pa pala ako inoobserbahan?"

"P-parang ganon na nga, hindi ka kasi umiimik."

"Gusto ka ng kapatid ko, kaya nag-iingat lang ako." sumeryoso siya, "Kapag nainlove ka sakin, kawawa siya.."

Alanganin akong napangiti sa pagkaneutral ng mukha niya nang sabihin yon.

"I-imposible naman yan.." pakunwari kong hindi big deal ang sinabi niya, "Sigurado ako sa nararamdaman ko kay Trojan.."

"As you should." tipid niyang sagot.

Napanguso nalang ako nang magpatuloy siyang kumain. Naligaw naman ang mata ko sa alalay niya nakaupo sa di kalayuan.

"Uhm, Gunther.. bakit nga pala nagsama ka ng alalay?"

"May gusto lang akong siguruhin." titig niya sakin, "Pabayaan mo lang siya. Mas pabor sakin kung hindi mo na siya papansinin."

Parang may ibang kahulugan ang sinabi niya pero sinunod ko lang yon.


    "HINDI pa ba tayo uuwi?" taka ko nang ayain naman niya akong tumambay sa parke kung san kami nagkakilala, "Baka hanapin tayo ni Trojan?"

"Use this.." abot niya sakin ng box.

Gold necklace na may pendant na susi ang laman non nang buksan ko. Curious kong itinaas yon upang titigan, "San ko naman gagamitin ang susing ito?" usisa ko ron, "Nakakatakot naman to, halatang mamahalin.."

"Sabihin mo sakanya pinapili kita ng regalo at natagalan tayo sa paghahanap nyan."

"Pero hindi siya maniniwala na hihiling ako sayo ng ganito kamahal na bagay.."

"Then think of something else.." lingon niya sakin.

"Para san ba talaga ang date na 'to?" duda ko, "Halata namang hindi ka talaga interesado na makilala ako. Bakit kailangan ko pang gumawa ng kwento kung pwede naman nating sabihin nalang sakanya ang totoo?"

"As I've said, may gusto lang akong kompirmahin. And to get the result I need dapat walang ibang makaalam ng detalye ng date na 'to."

"Pero seryoso, di ko matatanggap 'to.." balik ko sakanya non, "Baka kung ano pang isipin ni Trojan.."

"Don't you trust me?"

Napaiwas ako ng tingin, "S-syempre, may tiwala naman ako sayo. Kaya lang.."

"Then take it, no buts, no what ifs" kinuha niya yon at inalis ang lock saka tumayo at pumunta sa likuran upang isuot yon sakin, "Anyway," turan niya nang bumalik siya sa upo, "Your assumption is wrong. Hindi ibig sabihin na hindi kita kinakausap, hindi na ako interested na makilala ka. Just walking around with you and having a little chat like this is enough for me to read you."

Wala sa sariling nahawakan ko ang kwintas sa dibdib ko nang maghari ang katahimikan.

"Sige na nga, hindi na ako magtatanong." Suko ko, "Kung ano man 'to, malalaman ko rin naman hindi ba?"

Tumango siya, "Just follow my lead.."


  WALA pa si Trojan nang bumalik kami sa Cafe. Nakahanda naman na ang special room para kay Purple kaya don ko siya idineretso para pakainin at pagpahingahin.

Busy ang mga butlers sa mga guest kaya halos wala ni isa sakanila ang nakausap ko. Hinanap ko naman kung nasan si Gunther matapos kong makapagbihis at naabutan ko siyang nakadungaw sa may terrace na tila may inaabangan sa cellphone niya.

"Hi.." lapit ko.

Sakto namang nagring yon na agad niyang sinagot bago ako lingunin.

"Yes dad.." tango niya.

Sumilay ang ngiti sa labi niya habang pinapakinggan ang sinasabi ng kabilang linya.

"Sumunod ka sakin.." utos niya matapos ang tawag at dire-diretso na paloob.

Nabago ang expression niya kaya nagpatianod lang ako at humabol sakanya dahil naging mabilis ang mga paghakbang niya. Tinungo namin ang daan papunta sa quarters ng mga tauhan. Nagulat pa ako ng sipain niya ang pinto.

Agad niyang hinila palabas ang alalay na kasama lang namin kanina.

"So it was you!" gigil niyang kwelyo rito, "Ikaw ang spy ni Dad!"

"Spy?" maang kong bulong, "A-ano bang nangyayari?"

Kinabahan ako sa sinabi niya lalu na nang umpisahan niya itong pagsusuntukin sa mukha kaya di na nagawang makapagsalita pa. Nabakas ang matinding galit sa mukha niya.

"Ikaw ang dahilan kaya napatay ko si Elaine ng wala sa oras!" hiyaw niya na hindi ito tinigilan, "Ikaw ang nagrireport ng lahat ng nangyayari rito sa loob ng Cafe!"

"G-gunther, kumalma ka lang please!" nataranta na ako dahil sa biglang pagsabog ng galit niya, "Tama na yan! Gunther!"

Nakaagaw naman ng atensyon sa isa pang tauhan na may dalang cart ang komosyon.

"M-master Gunther, ano pong nangyayari?!" panic nitong lapit.

"Tawagin mo sina Empire sa may hall!" utos ko naman, "Baka mapatay siya ni Gunther, bilis!" tuluyan nang nanginig ang buo kong katawan pero wala akong ibang nagawa kundi ang manood nalang at maghintay.



     "GUNTHER! Gunther! Stop it!" huli ni Empire sa mga kamay nito ngunit huli na ang lahat. Halos mabasag na bungo ng tauhan dahil sa pag-atake niya, "Ano bang nangyayari sayo? Bakit bigla kang nagwawala ng ganyan?" interogasyon niya.

Inis na kumawala si Gunther, "Siya ang spy ni Dad," hingal niyang sagot, "Ang g*gong yan ang dahilan kung bakit nakakarating sa VP ang mga galaw natin!" asik niya na hindi inda ang tumutulong dugo mula sa kamao niya.

Napailing nalang si Empire at nagsquat para usisain ang katawan, "Kung ganon, bakit pinag-initan mo agad siya? Paano tayo makakasiguro na wala nang iba pang spy bukod sakanya?" pagpag niya sa kamay dahil unti-unti na yong nag-aabo.

"Sandali, ang ibig mo bang sabihin kaya mo siya isinama sa date natin kanina ay dahil pinaghihinalaan mo na siya?" sabat ko.

"Date?" tila nagulat naman si Empire na binalewala ang tanong ko, "Nagdate kayo?" nagpalipat-lipat siya ng tingin sa amin.

"Yes." sang-ayon ni Gunther, "I asked her out, may problema ba?"

Napakamot si Empire, "So you used her to bust this guy?"

"Technically." kibit balikat ng una, "Kami lang tatlo ang may alam nang tungkol sa date na yon. At ni hindi man lang pinalipas ng g*gong yan ang magdamag at naireport na niya agad lahat kay Dad." gigil pa rin ang tono niya, "He called me, dahil gusto niyang malaman ang status ng roulette at kung bakit nakipagdate ako sa muse kahit hindi naman ako kasali sa game. Kahit ang pagbigay ko ng necklace kay Prim nakarating sakanya."

Nagpamaywang ang ikalawa, "Nagpadalus-dalos ka pa rin, ininterrogate mo man lang sana. You could've asked Trojan to do it for you, alam mo naman yon, sa trabaho niya kahit pipi, napapakanta." he paused, "Ano nang sasabihin mo kay Mr. Clein?"

"Lets stick with the original plan.."

Awtomatikong nilinis ng ibang tauhan ang kalat nang mag-umpisang humakbang si Gunther. Iginiya naman ako ni Empire na sumunod rito.

"Are you okay?" concern niya.

"Hmm.." tango ko.

"Nanginginig ka pa rin.." hagip niya sa kamay ko, "I'll ask Indigo to make a tea para marelax ka."

Binawi ko ang kamay ko sakanya, "Wag na, promise! Okay lang ako. Ang bilis lang ng pangyayari pero nakondisyon na ang utak ko mula pa nong insidente sa pent house. Vampire ang mga kasama ko at hindi na ako dapat magulat sa mga ganito."

"As long as you're fine.." pisil niya sa ilong ko.







  


Continue Reading

You'll Also Like

6.6M 233K 96
Grimrose Series #1 (Story completed) Grimrose City. A city where beings from the Underworld secretly live among humans. Shana Rey Brea and her family...
1.1M 45.3K 56
MIDNIGHT CREATURES SERIES 1 "I am the king, but you are my ruler. I am a demon, but you are my religion. I got everything in life, but you are my gre...
1.4M 36.5K 54
BLUE SERIES #1 Blue Academy- is the best school that magic users could get themselves into, on where the school was protected by their Goddess hersel...
14.5M 440K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...