Virgin at 30

By DianeJeremiah

375K 22.3K 10K

Desperada na bang matatawag ang isang babaeng virgin pa rin sa edad na trenta? More

Introduction
Chapter 1 Winterfell
Chapter 2 Synonyms
Chapter 3 Switched Team
Chapter 4 Katherine
Chapter 5 Tempting
Chapter 6 Are You Naughty or Nice?
Chapter 7 Willing to Wait?
Chapter 8 Spell H.O.T
Chapter 9 Bare Minimum
Chapter 10 Apprentice
Chapter 11 Short
Chapter 12 Boiling Point
Chapter 13 Kate No More?
Chapter 14 Tita's Favorite
Chapter 15 Yes or No?
Chapter 16 Which Side Are You?
Chapter 17 Loca Enamorada
Chapter 18 Luxurious
Chapter 19 What Did She Say?
Chapter 20 Winter-I-Fell
Chapter 21 Happy Birthday
Chapter 22 Birthday Blast
Chapter 23 Morning Routine
Chapter 25 Embrace Me
Chapter 26 Around The World
Chapter 27 Good Player
Chapter 28 Fully Touched
Chapter 29 Terrified
Chapter 30 Backups
Chapter 31 Darkest Hours
Chapter 32 Saddest Moments
Chapter 33 Be With You
Chapter 34 No Man is an Island
Chapter 35 Never Let Go
Chapter 36 Pissed
Chapter 37 Into the Bones
Chapter 38 Take My Breath Away
Chapter 39 Love and Happiness
Chapter 40 Jacqueline
Chapter 41 Probability
Chapter 42 Virgin at Thirty... No More

Chapter 24 Small World Indeed

6.8K 435 273
By DianeJeremiah

"Love is eternal; the aspect may change, but not the essence."


Kate POV


Half-past twelve in the afternoon ng lumapag ang eroplano sa paliparan ng Puerto Princesa, Palawan. Again, sinundo kami ni Mang Berting sa airport.

Sa venue kami dumiretso para sa mabilis na briefing at rehearsal ni Winter para sa gaganaping party mamayang gabi. Ibinigay din sa kanya ang speech niya para mamaya. Nakaupo lang ako sa gilid habang pinapanood siya.

For sure, mas magiging busy na ito pagkatapos ng delegation of authority. Hindi gano'n kadali maging leader sa isang malaking kompanya. Pero excited ako para sa kanya, ibig lang sabihin na tinanggap na niya ang karapatan niya bilang unang anak at pamilya ng kanyang daddy sa pagtanggap niya sa paglipat sa kanyang pangalan ng ownership ng pharma company ng ama.

"Kate." Bigkas ni tito Albert ng makita ako.

Mabilis akong tumayo mula sa kinauupuan. "Tito." Binati ko ito ng halik sa pisngi.

"Buti at sumama kay Winterfell." Nakangiti nitong sabi.

"Yes, of course, tito. I wouldn't miss this moment for her." Nakangiting sagot ko.

May sasabihin pa sana ito pero tinawag na ng kanyang sekretarya. "Maiwan muna kita dito."

"Sige, tito." Tugon ko.

Muli akong bumalik sa kinauupuan ng umalis ito. Napansin ko ang aburidong mukha ni Winter habang kausap ang event coordinator. Bine-brief ito ng gagawin mamaya. Kung saan pupwesto at kung kailan magsasalita.

Ala una na yata ng hapon ng hayaan nila kaming mananghalian. Hindi ko na nakita si tito Albert simula kanina.

"Buti naman at mukhang wala ang mag-inang bruha?" Komento ko habang kumakain kami, dito rin sa resto ng hotel kung saan gaganapin ang party mamayang gabi.

Napabuntong-hininga si Winter. "They're the least of my concerns right now." Tugon niya. "Kinakabahan ako."

Ibinaba ko ang hawak na kutsara at idinantay ang palad sa kamay niyang may hawak na tinidor. "Hon, you can do this." Pagpapapalakas ko sa loob niya. "Isipin mo na lang para ka lang nag-oopera ng aso o pusa sa ibabaw ng laboratory table."

Natawa na siya ng marahan sa sinabi ko. "At ang nasa harap ko ay mga hayop, gano'n?"

Natawa rin ako. "Well, parang gano'n na nga." Sabi ko. "Pero pwede bang kapag tumingin ka sa akin ay para akong tigre sa isip mo?" Birong hiling ko. "A sexy tigress to be exact. Can you do that?"

Napakunot-noo siya ngunit may ngiti naman sa labi. "Bakit naman tigre ang napili mo?"

"Wala." Nakangising sagot ko. "Gusto ko lang."

Nakangiting napapailing-iling na siya pagkatapos. I really like her smiles. Napakaaliwalas tignan ang mukha niya sa tuwing ngumingiti.

"W-what?" Nauutal niyang bigkas ng mapansing titig na titig ako sa kanya.

"You're so beautiful, hon." Tugon ko habang nakatitig sa kanya. "Especially when you smile. You literally light up my world."

Natawa siya ng mahina. "In love na in love ka talaga sa akin." Hindi siya tumitingin sa akin ng sinabi niya iyon. Paano, namumula ang kanyang mga pisngi.

"Are you blushing?" Tukso ko.

Pilit niyang pinaseryoso ang mukha ng mag-angat ng tingin sa akin. "Kate, please. Don't look at me like that." Ngunit napangiti rin naman siya sa huli.

"Like what?" Napangalumbaba ako gamit ang isang kamay at mas lalo na siyang tinitigan.

"Like..." Napapaisip niyang sambit habang nakatuon kunwari ang atensyon sa pagkain. "Like you want to devour me."

Napaangat ang gilid ng labi ko. "Oh, that's exactly what I'm thinking right now." Biro ko na ikinatingin niya sa akin.

"Hay naku." Napapailing-iling niyang bigkas saka napa-eye roll. "Dalian mo na ngang kumain, pupunta pa tayo sa tailor para mag-fit ng damit."

Nang matapos kaming kumain ay lumabas na kami ng resto. Sinalubong kami sa hallway sa lobby ng hotel ng isang hindi inaasahang nilalang.

"Winterfell." Sambit ni Patrick.

Agad na uminit ang dugo ko dito. Mabilis naman akong hinawakan ni Winter sa braso para pigilang sugurin ang lalaking nasa harapan namin. Napasimangot ako.

"Winter, please, let's talk." Pakiusap nito.

Ang kapal naman ng mukha niya after what he did to Winter? May lakas-loob pa siyang kausapin ang girlfriend ko?!

"Please, Winter." Pakiusap niya.

Napatingin sa akin si Winterfell. Napa-eye roll ako ng mabasa ang pakikiusap niya sa kanyang mga mata. Nakasimangot na napahalukipkip ako.

"Dito lang ako." Masungit na sabi ko habang kay Patrick nakatingin ng masama.

Hinalikan muna niya ako sa pisngi, para siguro kumalma ako ng konti bago siya lumapit kay Patrick para makipag-usap. Hindi sila masyadong lumayo mula sa kinatatayuan ko. Siguro may reservation na rin si Win dahil sa ginawa sa kanya ni Patrick kaya ayaw din niyang mapag-solo sila.

"I just want to say sorry for what I did." Narinig kong sabi ni Patrick kay Win. "I know there's no excuse for that, but..." Parang nahihirapang bigkas nito. "Nasaktan ang ego ko sa nalaman."

Hindi ko alam kung ano 'yon pero hindi ako nagre-react. Hinahayaan ko lang silang makapag-usap.

"I didn't expect you can do that to me, Patrick." Pormal ang mukhang sagot ni Winter.

"I was so desperate to win you back." Hayag ni Patrick. "But please, Winter. Forgive me."

Napabuntong-hininga si Winter. "Let's forget it."

Napa-eye roll ako sa narinig. Knowing Winterfell, agad na lalambot ang kalooban nito. She's too fragile for this! Haist. She's too soft for anyone. We don't deserve someone like her... I don't deserve her.

"Thank you, Winter!" Akma sana siyang yayakapin ni Patrick pero iniharang niya ang mga braso para pigilan ito.

"Pero kailangan mo ding humingi ng tawad sa girlfriend ko." Aniya na ikinaangat ng gilid ng labi ko.

Napatingin sa gawi ko si Patrick tsaka tumingin kay Winterfell. "Alright."

Naglakad ito palapit sa akin. Seryoso ang mukhang nakahalukipkip lang naman ako sa kinatatayuan.

"Kate." Bigkas nito ng makalapit. "I'm so sorry. Nasaktan kasi ako ng sobra ng pinili ka ni Winter over me."

Syempre kinilig ako deep inside sa nalaman. Ako ang pinili ni Winter kaysa sa kanya. So ibig sabihin lang no'n na ako ang nanalo sa aming dalawa. Na wala na talagang nararamdaman si Winter dito.

"I still hate what you did to my girlfriend, Patrick." Seryoso ang mukhang tugon ko. "I will never ever forget that."

Napabuntong-hininga siya ng napakalalim. "I'm sorry." Hingi niya ng paumanhin. Mukhang sincere naman. "Please forgive me."

Hindi ako agad nakatugon. "Oh, boy." Inilahad ko ang mga kamay at nagkunwaring umamo dito. "Come here." Sabay mosyon ng yakap.

May pag-aatubiling lumapit siya sa akin. Bahagya niya akong niyakap. Kinuha ko itong pagkakataon para bumulong sa kanya.

"Sa susunod na gawan mo pa ng masama ang girlfriend ko, magdasal ka na. Dahil baka hindi lang ulo mo sa baba ang puputulin ko." Pagkasabi ko nito ay tinuhod ko siya sa gitna ng kanyang mga hita.

"Urgh!" He groaned. Sapo-sapo niya ang nasaktang ari.

Napasinghap naman si Winter sa ginawa ko.

Tinapik-tapik ko ang balikat ni Patrick habang namimilipit pa rin sa sakit bago naglakad papalapit sa shock pa ring si Winter.

"Let's go, hon." Hinakawan ko siya sa braso at iginiya na palabas ng hotel.

"Why did you do that?" Gulat niyang tanong ng makahuma.

"Hinihintay ko nga na sampalin mo e." Napatirik ang mga matang sagot ko habang naglalakad kami patungo sa sasakyang naghihintay sa amin.

Inalalayan ko muna siyang makapasok sa backseat bago sumunod sa kanya. Nakatitig siya sa akin ng makapasok ako sa loob.

"What?" Patay malisyang bigkas ko.

Hindi siya sumagot pero napailing-iling lang siya.

"Is it true?" Basag ko sa katahimikan ng ilang sandaling walang kumikibo sa amin.

Nagbaling siya ng tingin sa akin, naghihintay ng sasabihin ko.

"You chose me over Patrick?" I asked.

Napatitig siya sa akin ng may katagalan. "Yes." Maikli niyang tugon.

"Aww..." Maarteng sambit ko saka siya kinabig para halikan sa labi. "You love me na di ba?" Pigil ang ngiting tanong ko.

Napangiti na rin siya. "Saka ko na sasabihin."

"Huwag ka ng magpakipot!" Tukso ko sa kanya sabay yakap sa kanya sa beywang.

"Kate, umayos ka nga." Mahinang saway niya. Pinanlakihan pa ako nito ng mata. "Baka kung anong isipin ni Mang Berting na ginagawa natin dito sa likod." Sabay sulyap sa driver.

"I don't care." Saka idinantay ang ulo sa kanyang balikat. "You love me na, ayaw mo lang aminin."

Natawa siya sa inaasal ko. "We're getting there." May himig birong sagot niya.

Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan ang likod nito bago ikinulong sa mga palad ko. Nakangiti lang ako sa buong biyahe patungo sa Couturier.

Nag-fit kami ng evening dress para mamayang gabi. Hindi kami nagtagal doon dahil hindi naman kami nahirapan sa pagpili ng damit na isusuot. Nasa driveway palang kami ay sinalubong na kami ng stepmom niya. Kulang na lang ay umusok ang ilong nito. Nasa likod nito ang anak na si Candice at ang daddy niya.

"Lorena, ano ba?!" Pigil ni tito Albert sa asawa ng akmang susugurin niya si Winter.

Mabilis ko namang itinago sa likod ko si Winter saka tinignan ng masama ang kanyang ina-inahan. Subukan lang niyang saktan si Winter kung hindi makikita niya ang hinahanap niya.

"Huwag mo akong pigilan!" Sigaw ni Lorena kay tito Albert. "Ikaw, babae ka -"

Itinaas nito ang kamay para sana saktan si Winter pero mabilis ko itong naharangan.

"Don't you dare." Saka pabalang na binitawan ang braso nito. 

"Mom." Hinawakan ni Candice ang ina sa braso saka hinila palayo sa amin.

Napataas ang kilay ko sa mag-ina. Sa mga kwento sa akin ni Winter, kulang ang mag-asawang sampal para sa mag-inang ito. Ginawa nilang miserable ang buhay ni Win noong nakatira pa siya sa mga ito. Wala namang ginagawang masama ang huli sa kanila. Kung tutuusin nga ay mas may karapatan pa siya sa kung anuman ang tinatamasa ng mga ito. Ayaw lang kasing lumaban ni Winter.

Nagwawala si Lorena habang hinihila ni Candice papasok sa loob ng kanilang bahay. Napabuntong-hininga si tito Albert, siya ang naiipit sa mga nangyayari.

"Dad." Sambit ni Winter ng lumapit sa ama. "Sa hotel na lang kami tutuloy."

"Winter -"

"Please, dad. Ayoko ng gulo." Maagap na sabi ni Winter.

Napabuntong-hininga ulit ang daddy niya. "I'm sorry, anak." Niyakap niya si Win at hinalikan ito sa ulo.

"It's okay, dad." Mahinahong tugon ni Winter. "Ako na lang po ang mag-aadjust."

Malungkot na inihatid kami ni tito Albert sa sasakyan. Inihatid kami ni Mang Berting sa isang sikat na hotel para doon tumuloy.

"Thank you, Mang Berting." May ngiting sabi ni Winter dito ng tinulungan niya kaming maiakyat ang mga gamit sa hotel room.

"Sige ho, ma'am." Mukhang nakakaunawa naman nitong bigkas. "Susunduin ko na lang ulit kayo dito mamaya. At kung may kailangan ho kayo tawagan niyo lang po ako agad akong pupunta."

Ilang sandali pa ay umalis na rin ito. Naiwan kaming dalawa ni Winter. Kahit hindi siya nagsasalita, ramdam ko ang lungkot na nararamdaman niya. Nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit. Agad naman niya akong niyakap.

"Thank you for being here with me right now." Mahina niyang sabi habang kayakap ko siya.

Hinalikan ko siya sa noo bago kumalas ng yakap. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "Don't thank me." Sabi ko. "And kung gusto mong pagplanuhan ang pagdidispatsa sa mag-inang 'yon, please count me in." Pagpapagaan ko sa loob niya.

Unti-unti na siyang napangiti. Ginawaran niya ako ng mabilis na halik sa labi. "Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka."

Muli ko siyang niyakap. "Nandito lang ako palagi."

Nagpahinga lang kami sandali. Pagkatapos ay dumating na ang mga mag-aayos sa amin. Saktong alas otso ng gabi ng makarating kami sa hotel kung saan gaganapin ang party. Namataan namin sina Candice at Lorena na hindi pa rin maipinta ang mukha. Buti naman at napili pa rin nilang dumalo para masaksihan nila ang pagkapanalo ni Winter.

Hindi ko napansin ng lumapit sa kinatatayuan namin si tito Albert para salubungin kami. Nakatingin kasi ako sa mag-inang ewan.

"Dad." Bigkas ni Winter. 

"I want you to meet our top investor." Saad ni tito Albert.

Nagbaling ako ng tingin sa kaharap ngunit para lang matigilan. Ang ngising nasa labi ko kanina ay mabilis na nabura.

"Mr. Ramon Dyson." Sabay mosyon sa lalaking katabi. "Mr. Dyson, this is my daughter Winterfell," Mosyon niya kay Winter na nakangiti ng tipid dito. "... and her girlfriend, Kate."

Muntik na akong takasan ng dugo ng magtama ang mga mata namin ni Ramon. May ngisi sa kanyang mga labi na kay sarap burahin ng mga oras na iyon.

"Nice to meet you, Winterfell" Hinalikan ni Ramon ang likod ng kamay ni Winter.

"Nice to meet you too, Mr. Dyson." Tugon ni Winter na hindi halata ang naging reaksyon ko.

"Kate." Saka ito nagbaling ng tingin sa akin at ang siste, hinalikan ako sa pisngi. "Lovely as always." Bulong niya sa akin.

Napalunok ako. Shit. Ang liit talaga ng mundo!


-Unedited.

Continue Reading

You'll Also Like

8.5M 265K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
371K 17.8K 53
[ Iskwala Series #1 ]
167K 931 8
Lopez Series #1 [COMPLETED]
61.4K 569 58
Nagkaroon ka na ba ng kakaibang pakiramdam sa parehong kasarian? Yung tipong ang nararamdaman mo sa isang lalaki ay hindi rin palang malabong maramda...