Vampire's Menu

By bleedforsilver

3.7K 396 27

Primrose, an orphan and an average high school student, faces eviction from her apartment and finds herself h... More

Prologue
Chapter 1 Welcome
Chapter 2 Security
Chapter 3 Beauty
Chapter 4 Rules
Chapter 5 Rage
Chapter 6 Thirst
Chapter 7 Purple
Chapter 8 Prince
Chapter 9 Dance
Chapter 10 Hypnotism
Chapter 11 Doubt
Chapter 12 Death
Chapter 13 Kiss
Chapter 14 Subtle
Chapter 15 Roulette
Chapter 16 Answer
Chapter 17 Favor
Chapter 18 Feelings
Chapter 19 Tension
Chapter 20 Admirer
Chapter 21 Decision
Chapter 22 Cake
Chapter 23 Vandivic
Chapter 24 Relief
Chapter 25 Fireflies
Chapter 26 Stolen
Chapter 27 Cousin
Chapter 28 Lielow
Chapter 29 Submission
Chapter 30 Choice
Chapter 32 Deal
Chapter 33 Spy
Chapter 34 Threat
Chapter 35 Lost
Chapter 36 Arena
Chapter 37 Torture
Chapter 38 Escape
Chapter 39 Fate
Chapter 40 Covenant
Chapter 41 Key
Epilogue

Chapter 31 Pain

52 7 0
By bleedforsilver

       LINGID sa kaalaman ng mga butlers ay palaging may mga matang nakamasid sa bawat kilos nila at may mga taingang pasimpleng nakikinig sa takbo ng kanilang usapan. 

Isa sa mga tauhan nila ang tapat na tagasunod ng ama ni Gunther na si Mr. Clein, ang dahilan kung bakit nakakarating sa Vampire Police ang ilang mahahalagang kaganapan sa loob ng Cafe.

A YEAR AGO..

"Gusto mo raw akong makausap Dad?" prenteng upo ni Gunther sa sofa, "Pwede mo naman akong tawagan bakit kailangang magkita pa tayo sa opisina mo?"

Tumayo naman mula sa swivel chair ang matanda at lumipat sa katapat na upuan ng anak.

"Well, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa.." sumeryoso ito, "It's been months, since you won the roulette yet I heard that the muse is still alive."

Umayos ng upo ang binata at hindi ipinahalata ang pagkabahala sa tinuran nito.

"So what?" kibit balikat niya, "She's at my disposal, anyways, so why would you even bother asking about the muse?"

Huminga ng malalim si Mr. Clein, "This is not you son.." puna nito, "That lady used to work with the Vampire Hunters and she's involved in many cases of murder-

-I'm aware Dad!" inis niyang agaw, "Pinatawag mo lang ba ako rito para sermunan ng mga bagay na matagal ko nang alam?" iritable siyang nag-iwas ng tingin.

"Sabihin mo lang kung nagkakaron ka ng problema sakanya, we can finish the job for you." tila wala itong pakialam sa pagbabago ng mood niya, "The game is over, you've been feeding on her for so long. Siguro naman sapat na ang pakinabang niya sayo. I think it's about time to let go of her so we can consider her case closed."

"Bakit ba kayo nagmamadali?" balik niya, "Wala pa namang bagong line-up, might aswell let her serve the Cafe for the mean time."

"I have 2, a daughter of a surgeon and one from Trojan's failed mission."

Napakamot siya ng ulo.

"Ako na ang bahala," tamad niyang sagot, "Just give me the details ang I'll see what I can do." tumayo na siya, "Ipadeliver mo nalang sa Cafe dahil aalis na ako."

"Son," habol nito pagtalikod niya, "Maraming mas deserving na babae sa Vampire Community ang pwede kong ipakilala sayo. Don't mistaken fun for a long term commitment. You know that girl has been sentenced to death to begin with."

"Ano bang sinasabi mo?" painosente subalit inis niyang balik.

"Do what you're supposed to do."

Yon lang at walang lingon na niya itong iniwan.



"GUNTHER!" masiglang bati ni Elaine sa binata, "May problema ba?" haplos nito sa mukha niya.

Sinalo niya ang kamay nito at hinalikan yon. At saka ito hinapit sa baywang at hinuli ang mapupula nitong labi. Malaya naman yong sinalubong ng dalaga. Ilang minuto nilang pinagsaluhan ang mainit na halik na yon bago niya ito pakawalan at yakapin ng mahigpit.

"Ang weird mo naman, bakit hindi ka nagsasalita?" taka pa rin nito na niyakap siya pabalik, "Ano bang pinag-usapan nyo ng Daddy mo?"

"Nothing, it's not that important.." bulong niya.

Nagpilit na kumawala ang dalaga upang harapin siya.

"Gunther, ano ba talagang nangyayari sayo?" puno ito ng pag-aalala, "Bakit ayaw mong sabihin sakin? Pagdating mo pa lang halatang sira na ang mood mo. Hindi ka naman ganyan nong umalis ka kanina."

"Elaine,  there's something that I have to tell you." seryoso niyang saad at iginiya ito na umupo, "Tungkol sa special invitation na natanggap mo to stay here.."

"I think it's obvious naman eh," ngiti nito, "You and the butlers were competing against one another kung sino ang mas charming tama ba?" hula nito, "Pero ikaw ang pinili ko, kaya ikaw ang nanalo?" dagdag pa nito, "I must admit nong una, naattract ako kay Ross dahil pareho kami ng taste sa make up, kaya lang hindi ko matagalan ang pagkanarcissist niya." paliwanag pa nito, "Sa huli, mas napatunayan ko sa sarili ko na masaya ako kapag kasama ka, narealized ko rin yong mga maling nagawa non. I used to hate vampires, tinanggap ko ang invitation nyo dahil gusto kong patunayan na masasama talaga kayo and I was wrong. Hindi naman pala kayo-

-I lied." putol niya, "We invited you not just because we wanted to compete but because it was part of a more serious game."

"A game?"

At don ipinaliwanag ni Gunther ang lahat sa dalaga. Malakas na sampal ang isinagot nito sakanya nang matapos siya.

"And here I thought, that you're inlove with me? Yon pala pinaglalaruan mo lang ako?" pigil ang luha ng dalaga, "Is this how vampire law works? So hindi pala muse ang dapat itawag sakin? Prisoner lang pala ako para sa inyo, para sayo!" saka ito tuluyang lumuha, "You couldve just arrested and imprisoned me! Bakit kailangan nyo pang paglaruan ang damdamin ko!" hagulhol, "Akala ko okay tayo, na okay na ang lahat? Pero ano, Gunther? Aminado naman ako sa mga kasalanan ko at pinagsisisihan ko yon!"

"Hindi ko rin naman inaasahan na mamahalin kita, Elaine.." amin niya.

"Mahal?" mapakla nitong sagot, "Kung mahal mo 'ko, ipaglalaban mo 'ko sa Daddy mo. Aaminin mo sakanya, pero hindi mo ginawa!"

"I have to go," iwas ni Gunther.

"Gunther, wait!" habol nito, "Wala ka ba talagang gagawin?"

"Mamaya na tayo mag-usap."

"Papatayin mo talaga ko?" titig nito sakanya, "Mas susundin mo ba sila kaysa dyan sa nilalaman ng puso mo?" lapit nito sakanya, "Paano kung sabihin kong ayokong mamatay? Na gusto pa kitang makasama?" sumamo nito.

Ngunit hindi na niya ito sumagot at lumabas na ng pinto.

"Gunther! Wag mo 'kong iwan!" panay ang katok ng dalaga nang ipadlock niya ang pinto sa labas, "Buksan mo 'to! Gunther!" pilit na pihit nito, "Please mag-usap tayo! Natatakot ako! Gunther!" iyak nito.

Mariin naipikit ng binata ang mga mata habang pinipigil ang sarili na buksan ang pinto. Kuyom-palad siyang nanatili ron habang pinapakinggan ang palahaw nito.

"Master.." lapit ng isang tauhan, "Ipapasundo ko nalang po siya sa Vampire Police para sila na ang magpatahimik sakanya."

"Sandali!" pigil niya nang akmang lalapit ito sa pinto, "P-pabayaan mo lang siya." utal niyang sabi, "Ako lang pwedeng pumasok sa loob, walang makikialam." diin niya, "Ako ang magdidesisyon para sakanya."

Alanganing tumango ang tauhan. Nang makaalis siya ay agad itong nagdial sa cellphone.

"Mr. Clein, wag po kayong mag-alala. Ikinulong na po ng Master si Lady Elaine. Mukhang may plano na po siya.."

"Well, that's good." anang kabilang linya, "Magmatyag ka lang. Siguraduhin mong gagawin niya ang nararapat."

"Masusunod po."

Napasulyap ang tauhan sa pinto dahil sa patuloy na kalabog at pagtawag ng dalaga, bago ito tuluyang umalis.

KINABUKASAN. Padabog na umupo si Gunther sa pinakasentrong upuan. Naron na rin ang ibang butler upang pag-usapan ang susunod na prospect nila para sa roulette next year.

"Bakit naiba yata ang ihip ng hangin?" puna ni Ross, "Halos hindi kayo mapaghiwalay ni Elaine these last few days tapos ngayon, ikinulong mo na siya sa kwarto?"

"For sure pinapadispatsa na siya ni Mr. Clein." salo ni Indigo, "Tama ba?" baling nito kay Gunther.

Napahilot naman siya ng noo dahil sa pangungumpirma nito.

"Yan na nga ba ang sinasabi ko.." si Clev, "Ikaw nga nanalo pero mukhang talo ka pa rin dahil nainlove ka-

-shut up!" hampas niya sa lamesa, "Hindi ako inlove kay Elaine! Kaya pwede ba tigilan nyo na yan. May rules tayong sinusunod dito! Hindi ako katulad nyo walang disiplina sa sarili!" asik niya.

"Oh, teka lang.." kumpas ni Indigo, "Walang personalan okay? Relax ka lang Gunther, hindi pa tayo nag-uumpisa pero ang init ng ulo mo.."

Tumikhim si Empire, "Ang mabuti pa ako na ang mag-explain." volunteer nito.

"Mabuti pa nga, halata namang wala sa wisyo si Gunther ngayon." segunda ni Tangent.

Kinuha ni Empire ang flashdrive at saka inihanda ang projector. Nang matapos maipaliwanag ang mga detalye ay nagbigay na sila ng kanya-kanyang opinyon. Nanatiling tahimik si Gunther sa discussion nila habang nakikiramdam lang si Trojan.

NANG gabing yon ay nagpasya si Gunther na puntahan si Elaine. Nang buksan niya ang pinto ay inabutan niya itong tahimik na nakayupyop at yakap ang mga tuhod sa gilid ng kama.

"Bakit hindi ka sa kama maupo?" squat niya sa harap nito, "Malamig ang sahig."

Sinalubong ng namumugto nitong mata ang titig niya.

"Pwede pa ba kitang yakapin?" tila maluluha na namang tanong nito, "Kahit sanda-

Inunahan na siya ng halik ng binata bago pa niya matapos ang sasabihin niya at nagpatianod nang buhatin siya nito pahiga sa kama.

Hindi na nakahuma si Elaine dahil sa walang habas nitong pag-akin sa labi niya. Na para bang naghahabol ng oras ang binata. Nawalan na rin siya ng lakas dahil sa labis na pangungulila kahit sandali lang siya nitong iniwan.

Di nagtagal ay pareho na silang nakakubli sa ilalim ng kumot. Panay nalang ang singhap ng dalaga sa paglalakbay ng pilyong kamay ni Gunther at paglandas ng labi nito sa kahubdan niya.

Napasabunot si Elaine sa buhok ni Gunther nang bumaba sa puson niya ang halik nito. Kusang lumiyad ang likod niya nang suungin nito ang pagitan ng hita niya kasunod ang impit na ungol. Saglit na lumutang sa ere ang kanyang katinuan dahil sa sensasyong dulot non.

Hanggang sa maramdaman na niya ang pagkagat ng bampira sa hita niya, tiniis niya ang kirot dahil naron pa rin sa kaibuturan niya ang kiliting iniwan ng mapanukso nitong dila.

Lumipat ang kagat nito sa kabila niyang hita. Ang kaninang impit niyang ungol ay mas lumakas na dahil sa sakit ng bawat baon ng pangil nito sakanya. Na halos buong katawan niya ay iniwan nito ng marka.

"G-gunther.. tama na.." sambit niya nang sumakmal ito sa leeg niya kasabay ng ulos nito sa pagitan niya.

Habol ang hininga niya sa pag-angkin nito habang patuloy sa pag-inom ng dugo niya.

"A-yoko na!" pilit niyang tulak rito subalit mas binaon lang nito ang pangil sa kanya. "Gunther! Nasasaktan na ako," nag-umpisa na siyang pumalag, "Maawa na please! Tama na! Urghh!"

Bumaon na ang kuko niya sa balikat nito habang patuloy sa pag-sigaw upang humingi ng saklolo. Unti-unti na siyang nakaramdam ng panlalamig at pagkahilo.

"Gunther!" bukas ng pinto at iniluwa si Trojan at Empire na parehong natameme nang abutan ang awkward na posisyon ng dalawa. Kahit pa nga nasa ilalim sila ng duguang kumot ay hindi maitatago kung ano ang ginagawa ng dalawa.

Akmang lalapit si Trojan dahil kahit papano ay naaawa siya sa dalaga pero pinigil siya ni Empire at umiling saka sumenyas na hayaan nalang ang dalawa.

Nakita pa ni Trojan ang nakataas na kamay ni Elaine na humihingi ng tulong bago tuluyang sumara ang pinto.

Dismayadong nagtitigan ang dalawa habang pahina ng pahina ang boses ng dalaga sa loob ng kwarto. Napasuklay ng buhok si Trojan at tiim-bagang na nagpamaywang.

"Much better na si Gunther na ang pumatay sakanya kaysa mapasakamay pa siya ng VP." basag ni Empire, "Who knows kung ano pang kalokohan ang gawin ng VP against her?"

"Maraming paraan para iligtas si Elaine kung gugustuhin niya!" gigil na bulong ni Trojan.

"Well, she's not that evil compared sa mga nauna sakanya but what made her one is the fact that she's a Vampire Hunter asset. Our number one enemy."

"May koneksyon siya sa VP dahil kay Dad. Bakit hindi niya gamitin yon?"

"Posible kung kaya niyang ibaba ang pride niya bilang Vampire at panindigan ang feelings niya pero sa pagkakakilala ko sa kapatid mo, malabo niyang gawin yon.." opinyon nito, "And Mr. Clein probably would never approve their relationship eitherway. Given her background, hindi na nakakapagtaka kung siya pa mismo ang mag-insist na tapusin na ang buhay ni Elaine. He only sees her as a big threat to Gunther's life."

Nanlumo si Trojan sa realidad ng mundong ginagalawan niya. Isa siyang vampire at nauunawaan niya ang concern ng pangalawang ama sa kapatid niya pero hindi niya matanggap na ganon ang takbo ng walang kwentang batas nila.



MAYA-MAYA nakarinig sila ng mahinang paghikbi sa loob. Hindi na napigil ni Trojan ang sarili upang mag-usisa at muling binuksan ang pinto.

Nakaupo sa kama si Gunther at natatabunan ng kumot ang ibabang bahagi ng katawan habang mahigpit ang yakap sa walang malay na dalaga. Sa kabila ng mga bahid ng dugo ay litaw na litaw ang maputla nang balat ni Elaine. Literal na naubos na ang dugong dumaloy sa sistem nito.

"I'm sorry, I'm really sorry.." mahinang bulong nito sa pagitan ng pag-iyak, "Hindi ko sinasadya.."

Nagsisi naman si Trojan na sa pagwawalang bahala sa nangayari. Marahil ay nadala ito nang bugso ng damdamin kaya hindi sinasadyang napatay nito ang dalaga. Sigurado siya na malalim ang pagtingin ni Gunther sa dalaga.

Matalim na titig ang ibinato niya kay Empire dahil ito ang pumigil sakanya kanina lang na gumawa ng hakbang. Kung sinubukan niya baka nagkaron pa ng pagkakataon na magising ang diwa ng kapatid niya.

"Gusto pa kitang makasama, Elaine.." patuloy nito sa pag-iyak, "Hindi ko na nakontrol ang sarili ko.."

Nabakas man sa mukha ni Empire ang guilt pero alam nilang pare-pareho na mas mapapasama pa ang kahihinatnan kung sakaling pinigilan nila si Gunther. Dahil nangyari na noon ang halos parehong senaryo sa pagitan ni Indigo at Ross nang mahati sa ilang bahagi ang katawan ng muse sa pag-aagawan nila. Di malabong maulit ang insidente sa isang maling hakbang nila.

Dagdag pa na tapos na ang roulette kaya wala nang karapatan na makialam ang kahit sino sakanila sa mga desisyon ng nanalo.

"Gunther.." boses ni Empire, "Wala na ba talaga siya?" paniniyak nito.

Umiling ito na, "Napatay ko siya.." mahina nitong sagot, "Bakit ko siya pinatay? Bakit?!" at humagulhol na ito, "Hindi ko sinasadya, Elaine.."

"Mga g*go kasi kayo.." wala sa sariling sambit ni Trojan.


"MAS malala pa pala ito sa inasahan ko," kuskos ni Indigo sa baba habang pinagmamasdan ang walang buhay na dalaga, "Iba ka rin pala Gunther, wala kang patawad.."

Tadtad ito ng kagat sa buong katawan na aakalain mong hindi lang iisa ang gumawa.

"Nakahanap na ako ng bahay na pwedeng pagdalhan sakanya. Nakaset-up na rin ang lahat para magmukhang inatake siya at pinagpiyestahan ng mga ligaw na bampira." pamulsa ni Clev.

"Sige," walang ekspresyon na tango ni Gunther.

"Malapit lang din yon sa ibinigay niyang address ng boyfriend niya non." dagdag ng ikalawa, "Hindi mo na ba aalamin kung sino?"

"Wala na akong pakialam sakanya." iling niya, "Ako ang mahal ni Elaine kaya hindi na ako interesadong malaman pa ang background ng boyfriend niya."

"Ikaw ang bahala," kibit-balikat ni Clev.

"Aalis na ko," paalam niya, "Magrireport pa 'ko kay Dad. Ingatan nyo siya."











Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 93.6K 43
SIS (Social Issue Series) #4: Bullying They say that beauty is a luxury. That good looks is the only privilege that matters. That the world is only...
1.4M 36.5K 54
BLUE SERIES #1 Blue Academy- is the best school that magic users could get themselves into, on where the school was protected by their Goddess hersel...
707K 18.9K 63
[ πŒπ€π…πˆπ€ 𝐐𝐔𝐄𝐄𝐍 π“π‘πˆπ‹πŽπ†π˜ : 𝟐 ] The Queen is back as the bloody war continues. Highest Ranks: #1 in Action & #1 in Mystery Language:...