Book 1: Mr. Billionaire, Don'...

By donnionsxx04

88.1K 3K 483

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... More

NOTE:
Book 1:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
BOOK 2:

Chapter 115:

759 20 12
By donnionsxx04

MANDY YU POV:)

Pagkabukas ng elevator, saka naman tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko namang kinuha ko ito sa mamahaling purse ko. Nakita ko namang tumatawag na sa akin si Travis at sure akong nandito na siya.

Bago paman sagutin ang tawag, pumasok na ako sa loob sabay pindot patungong ground floor.

"Yes?"

"Nandito na ako." Sagot ni Travis habang nasa kabilang linya siya.

"Wait mo ko dyan. Pababa na ako..." Sabi ko sabay binaba na ang tawag.

Mga ilang minuto, nakarating na din ako sa ground floor. Pagkalabas na pagkalabas ko ng exit ng hotel, wala naman akong nakitang kotse na nakaparada sa harapan at wala rin akong Travis na nag-aabang sa akin. Panay lingon naman ako sa paligid at puro mga tao lamang ang mga dumadaan ang nandito.

Napagilid na lamang ako bigla na may mabilis na humintong sasakyan sa harapan ko. Muntikan pa akong masagi nito. Sa gulat, napahawak ako sa dibdib ko.

"Anong trip nitong driver na 'to? Balak ba niya akong sagasaan?!" Inis na turan ko halos sumalubong ang kilay ko habang nakatingin sa kotseng nasa harapan ko.

Bumaba na nga ang misteryosong taong may-ari ng kotse. Slow motion na dahan-dahan itong lumabas sa kotse. Nanlaki mata na lamang ako nang makita makilala ang taong iyon.

Lahat na ginawa nito ay puro slow motion. Para akong nasa pelikula na may pa-face reveal ang bida. Dahan-dahan nitong sinara ang pinto sabay tingin sa akin na napaka-seryoso. Ang mata niyang nakatingin sa akin na tila hinihigop nito ang puso ko dahilan para tumibok ito.

Tumigil na lamang ang mundo ko nang tumama ang aming mga mata, kahit napaka-seryoso ng mukha niya, nangingislap siya sa kaguwapuhan. Wala akong naririnig sa paligid kundi ang lakas ng kalabog ng puso ko. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na tumigil sa paghinga nang nagsimulang maglakad si Dylan papalapit sa akin.

Hindi ko maigalaw ang mga paa ko at hindi ko magawang ialis ang tingin ko sa kanya. Para akong na-hipnotismo ng kaguwapuhan niya. Wala ako ibang marinig ng oras iyon kundi ang tibok na puso ko, tibok na pag pakikinggan mo parang 'Dylan' ang naririnig ko.

Tumigil ito sa harapan ko, at hindi ko maiwasang tumingala sa kanya dahil mataas siya ng kaunti sa akin. Hindi ko pa rin magawanh umiwas ng tingin sa kanya, tila nalimutan ko na rin pumikit. Pakiramdam ko, hindi ko ma-kontrol ang sarili ko, puso ko ang nagko-kontrol sa akin ngayon.

Oo, nababaliw. Nababaliw na itong puso ko. Lint*k na, Dylan ito! Kailan ba ito makakagusto sa akin, patay na patay na talaga ako sa kanya.

"Okay ka lang? Para kang nakakita ng multo." Tanong nito.

Bakit feeling ko bumulong siya sa tainga ko nang sabihin niya iyon. Nakakakiliti ng boses niya, sumasagad sa tiyan ko patungo sa puso ko. Hindi ko alam kung humihinga pa ba ako. Para na kong na-estatwa nang makita siya ngayon.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong nito sabay patong ng palad nito sa noo ko.

Dahil sa ginawa niya, suminok na lamang ako. Nagulat naman ako dahil doon kaya mabilis na natakpan ko ng isang kamay ko ang bibig ko. Patuloy pa rin ako sa pagsinok. Sumisinok ako dahil sa kanya.

Nang maramdaman kong nakaka-awkward na, pinalo ko naman ng mahina ang kamay niya, inalis naman nito kaagad ang kamay sa noo ko.

"Ano ginagawa mo dito?!" Pa-malditang tanong ko at suminok na naman.

"Sinusundo ka." Cold na sagot nito.

"May susundo sa akin ngayon, si Travis. Umalis kana, mauna kana sa party." Tanggi ko at suminok ulit. Pinalo-palo ko naman ng mahina ang dibdib ko."Ano ba ito? Umalis kana, tapos na ang slow motion scene." Sa loob-loob kong sabi.

"Pinaalis ko na. Nauna na siya doon,"

"What?!" Bulalas ko."Bakit mo pinaalis?!" napataas-kilay na tanong ko.

"Utos sa akin ng daddy mo na sunduin kita at hindi raw kita ipagkatiwala sa ibang tao." paliwanag nito."Tara na, baka magsimula na ang party." yaya nito.

Tatalikod na sana ito pero tumanggi ko.

"Ayoko." malutong na sabi ko.

Tumingin naman ito sa akin."Kung hindi ka pa sasama sa akin, magko-commute ka nalang. Alam mo ba ang daan papunta sa venue?"

Napa-crossed arms na lamang ako sabay napabuga ng ng hangin. Oo nga pala, hindi ko alam ang daan papunta sa venue na iyon. Ano gagawin ko? Sasabay nalang kaya ako sa kanya?

Napa-pout na lamang ako sa kakaisip ng magiging desisyon ko halos napatingin pa ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin at hinihintay nito ang isasagot ko.

"Sige na nga." payag ko nalang.

Pinagbuksan na niya ako ng pinto at pumasok na sa loob. Sa kabila naman siya pumasok at siya ang magda-drive ng kotse.

Napasinghap na lamang ako nang lumapit na lamang sa akin si Dylan halos natigilan ako at nanlaki mata nang makitang ang lapit ng mukha niya sa akin. Mas lalong nabaliw ang puso ko nang tumingin siya sa mata ko. Hindi ko na gusto ito. Sasabog na puso ko sa sobrang kilig na nararamdaman ko. Kunti nalang, mahahalikan na kami dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

Kinabit naman niya ang seatbelt sa akin."Kailangan ko ingatan ang prinsesa." napaka-guwapong pahayag nito at dahan-dahan na itong lumayo sa akin.

In-start na nito ang engine na may pilyong ngiti sa labi. Ako naman itong napatikhim na lamang sa awkward na nararamdaman ko at hindi ko naiwasan na hawakan ang dibdib ko. Malakas pa rin ang kalabog nito.

Umayos na ako ng pagkakaupo nang pina-andar na ni Dylan ang kotse para umalis na kami.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Pagkapasok namin sa loob, pinagtinginan naman kami ng mga tao. Hindi ko maiwasang mapayuko dahil sa hiya. Nawawala ang confident ko dahil sa mga matang nakatingin sa akin.

Nakikita ko sa mga taong nasa paligid namin ay nakatingin sa akin na parang minamaliit ako. Parang nakikita ko sa kanila ang mga tao noon sa Uphone na nakapalibot sa akin na tila kinaiinisan ko.

Napahawak na lamang ako sa dibdib ko nang maramdamang umiiba ang pakiramdam ko. Nakatingin sa akin ang mga tao na nagagandahan sa akin pero nakikita ko sa mata nila na parang minamaliit ako.

"Ate Beth?"

Napatingin naman ako sa may-ari ng boses na iyon. Nakita ko namang si Pubg iyon na nasa gilid ko.

"Okay ka lang?" tanong nito.

Binalingan ko ulit ang mga tao na nasa paligid namin at lahat sila nakangiti sa amin. Siguro, namalikmata lamang ako kanina. Akala ko, nakatingin sila sa akin na tila ayaw ako at minamaliit nila ako. Nagkamali lang pala ako nakita kanina.

"Ang ganda, ma!" Mahinang sabi ni Anthony sa kanyang ina.

"Daming pagkain!" Takam na takam na saad ni Jero."Aray!"

Mabilis naman siya kinurot ng palihim ni Jake."Behave, behave." mahinang sabi niya dito.

"Umayos kayo ng tayo. Huwag tayo pahalata na mahirap tayo. Smile kayo, beautiful smile." Nakangiting ng malaki na sabi ni Aling Martha at panay kaway sa mga taong nakatingin sa kanya.

"Miss Elizabeth, dito ang table n'yo." Boses ni Kuya Joseff. Sumunod naman kami dito."Maiwan ko muna kayo ah? Pupuntahan ko muna si Sir Easton at sasabihan ko na nandito na kayo." Nakangiting sabi nito.

"Sige po!" Si aling Martha na ang sumagot.

"Sandali po, Kuya Joseff!" Tawag ni Jero sabay Taas ng kamay."Pwede na kami kumuha ng pagkain?" nakangiting tanong nito.

Sabay na binatukan naman ng dalawa ni Jake at John ito.

"P-pasensya na po, Kuya Joseff sa kaibigan namin. Hehehe." Nahihiyang sabi ni Jake dito.

"Patay-gutom talaga itong kaibigan namin. Hehehe." Nahihiyang paliwanag naman ni John dito.

Ngumiti naman bahagya si Kuya Joseff."It's okay. Pwede kayo kumukha ng pagkain, hindi mauubos 'yan."

"Yes!" tuwang-tuwa na saad ni Jero."Salamat po!" Pasalamat niya dito.

"Maiwan ko na kayo." Paalam na nito at umalis na din ito para puntahan nga si Sir Easton.

Ako naman itong panay lingon sa paligid baka makakita lamang ako ng tao na nadito ngayon na pamilyar sa akin. May lumapit naman na lalaki na naka-suot na tila waiter, nilagyan kami isa-isa ng wine.

"Salamat, kuya." Pasalamat ko dito.

Nginitian lamang ako nito at saka din umalis kaagad.

Tinikman naman ng mga kasama ko ang wine.

"Oh my god! Si Ian Veneracion ba 'yon?" Bulalas na lamang ni Aling Martha sabay turo sa kabilang table.

Sabay-sabay na napatingin naman kami.

"Oo nga, Tita! Si Ian Veneracion nga!" Turan ni Jake na gulat na makita ang sikat na artista.

"Si Ivana!" Bulalas naman ni Anthony.

"Saan?! Saan?!" Sabay turan ng mga boys at hinanap.

Tinuro naman ni Bossbrad dito ang kinaroroonan ni Ivana.

"Wow! Kasama niya si Zeinab pati si Angel Locsin!" manghang saad naman ni John.

"Tol, si Daniel Padilla saka Kathryn!" sulpot naman ni Pubg.

"Napaka-swerte talaga natin. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng artista sa personal." Tuwang-tuwa na pahayag ni Bossbrad.

Oo nga, first time ko din makakita ng artista sa personal. Ganito pala...ganito pala ang isang mayaman. Puro mga taong may pera at ma-impluwensya ang nandito. Ibang-iba ito sa okasyon sa mga mahihirap gaya namin.

Dahil dito, nanliliit na naman ako sa sarili ko. Hinding-hindi ko makakayang abutin sila. Para silang bundok na mahirap abutin o akyatin. Kailangan kong talino at pera para maging katulad din nila pero malabo. Talino at pera palang, bagsak na ako.

"Tara! Kuha na tayo ng pagkain. Gutom na gutom na ako." yaya na ni Jero.

"Sige." Payag ni Anthony at John.

"Sama ako." Sabay tayo sa pagkakaupo si Aling Martha."Sama ka ba, Beth?" baling nito sa akin.

Tumingin naman ako dito."Hindi na po. Mamaya nalang po ako kukuha ng pagkain ko. Busog pa po ako." tanggi ko.

"Sige, maiwan kana muna namin, Ate Beth." sabi ni Pubg sa akin.

Tinanguan ko lamang sila pagkatapos ay umalis na din sila kaagad. Naiwan naman dito mag-isa sa table. Sumipsip ako ng wine sa baso. Mabilis na nailuwa ko dahil hindi ko bet ang lasa.

"Hindi siya masarap. Sana may juice dito." sabi ko sabay punas ng labi ko.

"Elizabeth."

Napatingin na lamang ako sa gilid ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Nanlaki mata naman ako nang makota si...

"S-sir Johnser." Gulat na saad ko.

Naupo naman kaagad ito sa tabi ko."Pabalik-balik ako sa apartment mo pero sabi ni Aling Martha, lumipat na daw kayo. Bakit kayo lumipat? Bakit hindi mo sa akin sinabi o tinawagan? E di sana tinulungan ko kayo maglipat ng mga gamit n'yo." Alalang pahayag nito.

"S-sorry, sir. A-ano k-kasi..." Di ko alam ano sasabihin kong rason.

Nagulat na lamang ako nang hawakan ni Sir Johnser ang kamay ko.

"Pasensya na sa nangyari sa Uphone. Alam kong na-disappointed kita---"

Di na lamang napatuloy ang sasabihin nito nang may nagsalita na lamang sa harapan namin.

"Excuse me."

Sabay baman kami napatingin dito ni sir. Si Kuya Joseff?!

"Kuya Joseff!" Bulalas ko sabay alis ng  kamay ko sa kamay ni Sir.

"Sumunod ka sa akin, naghihintay sa taas si Sir Easton." kalmadong wika nito.

"E-easton?" gulat na saad ni Sir Johnser. Kunot-noo na tumingin ito sa akin."A-ano mo 'yon?" Takang tanong nito sa akin.

"Boss niya." sagot ni Kuya Joseff kaya napatingin kami dito."Sekretarya siya ni Easton Kailes." pagtatama nito.

Nanlaki mata naman ito sa nalaman. Di pa rin makapaniwala na tumingin ito sa akin. Napaiwas na lamang ako ng tingin dito. Nangako ako sa sarili ko na di-distansya na ako sa mga taong taga-Uphone lalo na kay Sir Johnser.

"S-sige po," tumayo na ako sa pagkakaupo."Sige, sir. Maiwan ko po muna kayo." Nakayukong paalam ko sa kanya at sumama na nga ako kay Kuya Joseff.

Naiwan ko naman si sir na gulat na gulat sa nalaman.

"Nandyan sa kwartong iyan si Sir Easton. Kumatok ka nalang." sabi ni Kuya Joseff sa akin nang makarating kami.

Iniwan na nga ako nito mag-isa dito sa hallway. Kinakabahan na tiningnan ko ang doorknob, nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba o kakatok muna.

Napag-desisyon na kakatok muna ako.

"Pasok!" Narinig kong boses ni sir pagkatapos ko nga kumatok.

Hinawakan ko na nga ang doorknob at dahan-dahan binuksan ang pinto. Nagulat na lamang ako nang makita si Sir Easton na nakaharap sa malaking salamin at sinusuot pa lamang ang damit nito.

Mabilis na tumalikod ako nang makita ang abs ni sir sa repleksyon sa salamin. Dahil doon, nagsimulang mag-init ang mukha ko. Nang maulit ulit ang scene na iyon sa utak ko, naalala kong may nakita akong sugat sa may taas ng dibdib nito. Naalala ko na lamang ang alaala kung saan nabaril si Ros.

Tumibok na lamang ang puso ko sa sobrang kaba. Hindi ko maintindihan at hindi ko alam ano itong nararamdaman ko sa puso ko. Sugat? Possible kayang si Ros si Sir Easton?

Para makasiguro, tumalikod ulit ako para makita ulit ang sugat na nasa taas ng dibdib ni sir. Gusto ko ma-confirm na sugat nga ang nakita ko pero pagbalik ko ulit, suot na ni ang damit niya.

"Elizabeth?"

Napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni sir Easton. Nakita ko namang nakatingin sa akin ito mula sa repleksyon ng salamin. Nakaramdam naman ako ng hiya at pagka-ilang.

"S-sir?"

"Tulungan mo ko mag-ayos." Utos nito habang binu-botones na nito ang damit.

Mabilis naman na tumungo ako sa kama at kinuha ang coat na nakalapag doon. Pagharap ko, nakita ko si sir na itinaas bahagya ang isang kamay niya. Sinuot ko na nga ang coat sa kanya at sa kabilang kamay naman niya sinuot iyon.

Pagkatapos, bahagya ako nagulat nang humarap sa akin si sir Easton. Sinenyasan lamang ako ng kanyang mata na ayusin ko ang coat niya. Naiilang na inayos ko naman. Sunod naman ay sinenyasan niya ako ng kanyang mata na ilagay ko ang bow tie sa leeg niya.

Dali-dali kong kinuha ang bow tie na nakalapag sa kama at sinuot sa kanya. Dahil mataas masyado ang height ni Sir Easton sa akin, pinilit kong itaas lalo ang sarili ko para maabot siya para masuot ng maayos ang bow tie sa kanya. Mas lalo ko pang tiningkayad ang paa ko para tuluyan ko nang maabot iyon.

Napasinghap na lamang ako nang yumuko bahagya si sir at muntikan nang magdilit ang mukha namin dahil sa ginawa niya. Dahil doon, napa-atras ako bahagya at muntikan pa ko matumba na mabilis naman pinulupot ni sir ang kanyang kamay sa likod ng baywang ko at nasalo niya ako.

Tumigil naman ang mundo ko nang tumama ang mga mata namin. Matagal kami sa posisyong iyon at hindi na namin napansin ang paligid dahil sa tinginan naming iyon.

Ang mata niya...

Ang tingin niya...

Ang pakiramdam ko...

Ros na Ros ang nararamdaman kong kaharap ko----kaharap ko ngayon.

"Sir Easton, sino ka ba talaga?" Sa isip kong sabi.

ANDREW SY POV:)

"Napaka-plastic ng ngiti mo, kapatid. Mahinang bulong ko dito. Katabi ko lang naman ito at hindi namin pinapahalata sa lahat na hindi kami okay.

Pa-ngiti-ngiti lamang ako sa mga kaibigang pinakilala sa amin ni Mr. Kailes at hinahayaan ang mga ito na mag-kwentuhan at magtawanan.

"Mas lalo kana, kapatid. Di ba, expert ka dyan?" palihim ding sagot sa akin at ngumiti ng matamis sa mga ito."Cheers!" Sabi niya sabay taas ng baso.

Tinaas ko din ang baso ko at nakipag-cheer sa mga dito.

Pagkainom, nilapag ko kaagad ang baso sa lamesa."Oo, sa'yo lang naman ako plastic."

Kunot-noo namang tumingin ito sa akin. Ngumiti lamang ako sa kanya ng pilyo na dahilan mapikon sa akin si Cedric.

"Good evening everyone!"

Natigil na lamang ang mainit na tensyon sa amin ng kapatid ko nang magsimula nang magsalita sa mic si Mr. Kailes. At mukhang magsisimula na ang party.

"Thank you to each and every one of you for being here with us today. We are pleased to be able to welcome those of you that have been with us for years now as well as those of you who are new to the family." Panimula ni Mr. Kailes at tumahimik naman ang mga taong nandito sa okasyon na ito."Before we get started, I would like to express my sincere appreciation to all of you who generously helped us make this event come together to become a success. I would like to thank Cedric Sy and Leandro Yu for a successful partnership."

Tumayo naman ang kapatid ko at si Leandro. Pinalagpakan naman sila ng mga tao. Bow lang ng bow si Cedric.

"Tsk!" sabay inom ng wine at inis na tumingin sa ibang direksyon.

"Tinulungan nila akong mapalago at mapaganda ang aking pinaghirapan. We couldn’t have done it without them!" Nakangiting dagdag pa nito.

Pagkaupo ng mga ito, pinalakpakan lalo sila ng mga tao.

"Yabang!" mahinang pagpaparinig ko sa kapatid ko.

Tumawa lamang ng bahagya ito dahil sa sinabi ko sabay inom ng wine sa basong hawak nito.

"Well, I don’t want to take too much of your time, I need to leave some time for my brother to introduce himself to all of you and fill you in on some of our up coming activities/projects. Let us welcome, the next successor of my firm, Easton Kailes."

Lumabas na din sa wakas ang kapatid ni Kailes at umakyat ito sa stage. Mas lalong nagsilakasan ang palakpak ng tao nang makita ng mga ito.

Iinom ulit sana ako ng wine sa baso nang natigilan na lamang ako. Dahan-dahan ko binalik ulit ang paningin ko sa stage at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang taong iyon. Ang taong pinapatay ko na at muling makikita kong buhay ngayon.

Pati si mama at Cedric, nanlalaki mata at hindi makagalaw sa kanilang kinauupuan. Tila na-pepe sila habang nakatingin sa kapatid na pinakilala ni Mr. Kailes.

Si mama na nakaupo sa wheelchair, napatayo na lamang. Tila gumaling kaagad ito nang makita ang apo niya. Ang kamukha ng apo niya.

"C-clive..." Nakasalita na lamang wala sa oras si mama habang gulat na gulat na nakatingin dito.

Paano? Paanong buhay pa siya?

"Hi? I'm Easton Kailes, the next heir of A.D Company." pagpapakilala nito.

Easton Kailes? Hindi siya ang pamangkin ko?

To be continued...

Sa lunes po next update!
Ingat po kayo, masama panahon ngayon.

Continue Reading

You'll Also Like

478K 11.8K 37
Taylor klinn el ruego -she belongs exclusively to me, no one else is permitted to claim her from me. You must pass through my coffin before you can t...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
137K 4.4K 116
[HIGHEST RANK: #2 in Chicklit] Paano ba idedescribe ang itsura ng pangit na mataba pa? Dahil siguro pangit kaya hindi ko ma explain pangit nga kasi...
58.4K 2.5K 93
Why does my heart beat so early in a man? We just met for the first time, it wasn't good. I know it's forbidden to like him because he's my brother's...