Path of a Lost Flower

Da Ms_CoffeeBean

68K 3.8K 1.4K

Si Lily ang batang pilit na hinahanap ang tamang daan patungong tamang landas upang matagpuan ang magandang k... Altro

Umpisa
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ika-tatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ika-anim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ika-siyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata
Ika-labing Isang Kabanata
Ika-labing dalawang Kabanata
Ika-labing tatlong Kabanata
Ika-labing apat na Kabanata
Ika-labing limang Kabanata
Ika-labing anim na Kabanata
Ika-labing Pitong Kabanata
Ika-labing Walong Kabanata
Ika-labing Siyam na Kabanata
Ika-Dalawampu't Isang Kabanata
Ika-Dalawampu't dalawang Kabanata
Ika-Dalawampu't tatlong Kabanata
Ika-Dalawampu't apat na Kabanata
Ika-Dalawampu't limang Kabanata
Ika-Dalawampu't anim na Kabanata
Ika-Dalawampu't pitong Kabanata
Ika-Dalawampu't walong Kabanata
Ika-Dalawampu't siyam na Kabanata
Ika-tatlumpung Kabanata
Ika-Tatlumpu't Isang Kabanata
Ika-Tatlumpu't dalawang Kabanata
Ika-Tatlumpu't tatlong Kabanata
Ika-tatlumpu't apat na Kabanata
Ika-tatlumpu't limang Kabanata
Ika-tatlumpu't anim na Kabanata
Ika-tatlumpu't pitong Kabanata
Ika-tatlumpu't walong Kabanata
Ika-tatlumpu't siyam na Kabanata
Ika-apatnapung Kabanata
Ika-apatnapu't isang Kabanata
Ika-apatnapu't dalawang Kabanata
Ika-apatnapu't tatlong Kabanata
Ika-apatnapu't apat na Kabanata
Ika-apatnapu't limang Kabanata
Ika-apatnapu't anim na Kabanata
Ika-apatnapu't pitong Kabanata
Ika-apatnapu't walong Kabanata
Ika-apatnapu't siyam na Kabanata
Ika-limampung Kabanata
Ika-limampu't isang Kabanata
Ika-limampu't dalawang Kabanata
Ika-limampu't tatlong Kabanata
Ika-limampu't apat Kabanata
Ika-limampu't limang Kabanata
Ika-limampu't anim na Kabanata
Ika-limampu't pitong Kabanata
Ika-limampu't walong Kabanata
Ika-limampu't siyam na Kabanata
Ika-animnapung Kabanata
Ika-animnapu't isang Kabanata
Ika-animnapu't dalawang Kabanata
Ika-animnapu't tatlong Kabanata
Ika-animnapu't apat na Kabanata
Ika-animnapu't limang Kabanata
Ika-animnapu't anim na Kabanata
Ika-animnapu't pitong Kabanata
Ika-animnapu't pitong Kabanata
Ika-animnapu't walong Kabanata
Ika-animnapu't siyam na Kabanata
Ika-pitumpung Kabanata
Ika-pitumpu't isang Kabanata
Ika-pitumpu't dalawang Kabanata
Ika-pitumpu't tatlong Kabanata
Ika-pitumpu't apat na Kabanata
Ika-pitumpu't limang Kabanata
Ika-pitumpu't anim na Kabanata
Ika-pitumpu't pitong Kabanata
Ika-pitumpu't walong Kabanata
Ika-pitumpu't siyam na Kabanata
Ika-walumpung Kabanata
Ika-walumpu't isang Kabanata
Ika-walumpu't dalawang Kabanata
Ika-walumpu't tatlong Kabanata
Ika-walumpu't apat na Kabanata
Ika-walumpu't limang Kabanata
Ika-walumpu't anim na Kabanata
Ika-walumpu't pitong Kabanata
Ika-walumpu't walong Kabanata
Ika-walumpo't siyam na Kabanata
Ika-siyamnapung Kabanata
Ika-siyamnapu't isang Kabanata
Ika-siyamnapu't dalawang Kabanata
Ika-siyamnapu't tatlong Kabanata
Ika-siyamnapu't apat na Kabanata
Ika-siyamnapu't limang Kabanata
EPILOGUE
PLUG PLUG PLUG!!!

Ika-Dalawampung Kabanata

580 28 2
Da Ms_CoffeeBean

"Lily anak? Lily buksan mo ang pinto" rinig kong wika sa labas ng bahay.

Si nanay Auring ata iyon.

Agad akong bumangon ng kama ko at inayos ng unti ang sarili bago buksan ang pintuan, tama nga ako si Nanay nga.

"Magandang Tanghali po nay" bati ko sakanya.

Tumingin ito sa akin saglit bago ngumiti. Inaya ko siyang pumasok muna sa loob.

"Tama nga ang Ma'am Perez mo, andito ka pa. Akala ko ay maaga ka lang pumasok sa skwela" wika niya, ngumiti ako ng unti.

"Hindi po ako pumasok, suspended po kasi ako" medyo nahihiya wika ko.

"Naikwento na sa akin ni Ma'am Perez ang nangyari, nag aalala ang Ma'am mo dahil di ka daw macontact kaya ako ang tinawagan"

"Lowbatt po ata cellphone ko eh, iccharge ko 'ho mamaya"

"Anak andito lang kami ha? Kung kailangan mo ng tulong lumapit ka sa amin. Naniniwala ako na wala kang kasalanan sa nangyari, may awa ang diyos anak at lalabas rin ang katotohanan" wika nito. Unti unti nanamang bumagsak ang mga luha ko, tumango ako kay Nanay at bigla niya akong niyakap.

"Nay natatakot po ako, paano nalang po kung matanggal ako sa scholar? Mahihinto po ako sa pag-aaral, ayaw ko po nay" iyak ko sakanya.

"Shhh hindi iyan anak, kung sakaling hindi ka nila paniwalaan at tinanggal ka nila tutulong ako para makapag-aral ka parin" wika nito.

"Alam kong ayaw mong tumatanggap ng tulong galing sa amin pero ngayon hayaan mong suklian namin lahat ng bagay na nagawa mo sa amin, marami kaming nasa tabi mo handa ka naming tulungan anak" napangiti naman ako sa sinabi niya, nakakataba lang ng puso na kahit hindi kami magkaano ano ay pamilya turing nila sa akin.

"Pinagdadasal ko nalang 'ho na sana mapatunayan na biktima rin ako" wika ko

Nagkwentuhan pa kami saglit at nakatulong ang paguusap namin ni Nanay para kahit papaano guminhawa ang nararamdaman ko.

"Oh dito ka lang ipagpapatuloy ko ang niluluto ko at hahatiran kita mamaya"

"Salamat po" wika ko.

Bumalik na ako sa kwarto ko at chinarge ang phone ko.

Marami rami ang messages at missed calls pagkaopen ko ng phone ko. Sila Jenny, Ma'am Yen, Ma'am Perez at Ma'am Roda at iba pa.

Walang Ms. Irene?

Napangiti ako ng mapait nang maalala ang mga maaanghang niyang salita tungkol sa akin. Ayaw ko siyang sisihin, at gusto ko siyang intindihin mabuti dahil nga may point siya paano mapupunta sa bag ko iyon pero bakit di niya ako magawang pakinggan? Bakit parang kumbinsido siya na ako ang gumawa nun.

Ilang saglit lang ay nagring na naman ang phone ko, si Ma'am Perez gustong makipagvideo call. Agad kong sinagot iyon at inoff ang camera para di niya ako makita.

"Lily! Jusko naman kanina pa kita tinatawagan" bungad niya. Kitang kita ko siyang nakaupo sa swivel chair niya mukhang maraming iniisip

"Sorry Ma'am nakatulog po kasi ako eh, di ko na po naharap icharge ang phone ko" palusot ko. Huminga ito ng malalim.

"How are you?" Sincere na tanong nito na nagpatulo nanaman ng mga luha ko.

Ano ba 'toh, bakit palagi nalang akong umiiyak? Ang iyakin ko na, hindi na ito nakakaganda.

"Hey, can you please open your cam? I want to see you" nagpunas muna ako ng luha bago iopen ito.

"Umiiyak ka nanaman, nakarating na sa akin ang nangyari kahapon"

"S-sorry Ma'am, sorry po kung nadisappoint rin kita pero I swear wala po akong kaalam alam na may ganun sa bag ko. Kahit kunin na ako ni Alena at Mark ngayon" nakayukong wika ko. Nahihiya ako sakanya dahil sa nangyari

"Ssshh don't say that Lily, naniniwala ako na wala kang kasalanan at kung kailangan na umuwi ako matulungan ka lang gagawin ko"

"Ma'am n-natatakot po ako, m-mahihinto po ako sa pag-aaral kung mawawala po scholarship ko" umiiyak na wika ko.

Tinignan ko si Ma'am at awang awa ito sa akin, parang galit ang aura niya na may unting pagkasoft.

"Lily hindi mangyayari yan okay? I would not let that happen, hindi ka hihinto no matter what"

"Gusto ko pong paniwalaan yan pero si Mr. Principal na po mismo ang nagsabi, at kumbinsido po si Ms. Irene na sa akin galing yung leakage"

"That girl! I thought mabait siya, I thought she cares for you and then now malalaman ko ganito ang nangyari? I can't blame Yen na nakipagargue siya with your Ms Irene sa harap ni Mr. Principal because if I were on her shoes I would do the same too" medyo galit na wika nito.

"Ma'am paano ko po malalaman na napatunayan na wala akong kasalanan? O maeexpel na ako?"

"Lily naman hindi ka maeexpel okay? Yen and Roda are doing their best para mapatunayan sa lahat na wala kang ginawang masama. They want to know who put that paper on your bag, kaya stay still kami na bahala"

"Salamat po Ma'am"

"Kumain ka na ba?" Umiling ako

"Lunch time na diyan sainyo, you need to eat na. Alam kong pati almusal ay di ka pa kumain"

"Nalate po ako gising e" palusot ko

"Eh bakit ikaw po? Gabing gabi na po diyan dapat tulog ka na ngayon"

"Hindi ako makakatulog hangga't hindi kita nakakausap. Nung binalita sa akin ni Yen ang nangyari tinawagan agad kita pero di ka macontact kaya naisip ko na tulog ka na, nagpalipas ako na maging umaga diyan pero wala pa rin kaya nagalala na ako"

"Sus si Ma'am masiyado akong Miss" biro ko.

"Che, pinag alala mo ako"

"Sorry na po"

"Oo na, kumain ka na at matutulog na rin ako okay? Don't think too much Lily, everything will be alright anak"

"Salamat Ma'am, salamat kasi andiyan kayo palagi for me. Nakakamiss ka tuloy yakapin mahigpit"

"Miss na rin kita ng sobra Lily, konting tiis pa anak"

"Osige na po baka magkaiyakan pa tayo dito, matulog ka na po ha? Wala ka pa bang jowa diyan? Hina mo naman teptep" biro ko

"Baliw, osige na i'll end this call na. Tatawagan kita pagkagising ko. Kumain ka na ha?"

--------

-IRENE-

"Oh Ma'am Irene, Good Afternoon napadalaw ka" bati ni Mr. Principal pagkapasok ko ng office niya.

"Good Afternoon Sir, just want to talk to you po for a while. Are you busy sir?"

"Ah no no, come here and sit down" wika nito kaya ngumiti ako at naupo

"Hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa sir, I came here to talk about Lily po. About the leakage issue"

"Ah iyon ba? We're still investigating on that issue but maraming nagsasabi na maaaring hindi nga si Lily ang gumawa nun kaya inaalam pa kung sino"

"The update to me yesterday ay malapit na daw malaman ang result, hindi na ako nagtanong ng any details but I think the investigator will go here later and update me about this matter"

"You know what Ma'am I'm shocked when you told me about that leakage kasi kahit papaano nakilala ko na si Lily, mabait na bata at masipag"

"Ma'am Perez called me the other night and I can tell na she's worried about sa nangyari. Kulang nalang ay umuwi ito ng bansa para siya na ang magsolve ng issue"

"Nagkausap na ba kayo nung bata?"

Umiling ako

"Hindi pa po Sir, I'm kinda shy to face her and talk to her dahil kahit papaano I realized na masakit ang mga salitang nabitawan ko. I didn't mean it, nadala lang ako ng galit at disappointment nang makita ang answer sheet sa paper niya"

"I understand Ma'am but I hope magkaayos na rin kayo, nabanggit nga ni Ma'am Perez na labis siyang nag-aaalala para sa bata dahil kahit papaano ay napalapit na iyon sayo"

"Yes sir, papalamigin ko muna lahat and then I'll talk to her. Salamat po sir"

"Don't worry I'll call you asap kung may result na about this matter"

Tumango ako at nagpasalamat bago magpaalam umalis.

Marami akong iniisip at pinoproblema ngayon at lahat ng iyon ay tungkol kay Lily. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin, gusto kong lapitan sila Ma'am Yen pero nahihiya rin ako sakanila lalo pa at nagkasagutan kami nito sa office.

Today is Friday at ilang araw nang hindi pumapasok si Lily dahil nasuspende nga ito, nakakamiss din pala ang presensya ng batang iyon.

"Ma'am Roda?" Wika ko nang makita si Ma'am Roda sa harap ng room ko.

"Good afternoon Ma'am Irene" bati niya

"Good Afternoon rin, what brings you here?"

"About the leakage issue" wika nito.

"Ah I talked to Mr. Principal about that a while ago but he said na wala pa daw result ang investigation, maybe later pa"

"No Ma'am, I want to tell you something. We're having our own investigation too and it turns out na someone from your advisory did it and Its not lily" wika nito kaya napakunot ang noo ko

"Wait Ma'am, are you sure about this?" Tumango ito

"Pumunta ako rito to tell you dahil ayaw kong si Yen ang makausap mo, mainit pa rin kasi ang ulo ni yen hanggang ngayon at baka kung saan mapunta ang usapan niyo kung sakali"

"About that Ma'am, I am really sorry. I know and I realized that the words came out from my mouth is below the belt. Hindi ko lang talaga nacontrol ang sarili ko dahil sa sobrang galit at disappointment" tumango ito sa akin at ngumiti.

"Ma'am Honestly Hindi ko rin nagustuhan ang mga sinabi mo tungkol kay Lily, hindi sa kinakampihan ko siya but I know her hindi niya kayang gawin iyon at kung gagawin man niya yun aamin yun pag nabisto. Sa tingin ko kailangan mo siyang makausap at sakanya ka humingi ng paumanhin"

"Iyon na nga eh, i really want to talk to her nung monday pa but I really don't know how"

"Mabait iyon na bata Ma'am, alam kong kahit nasaktan mo siya mapapatawad ka nun basta makita niyang sincere ka sa paghingi mo ng tawad. Malakas ka kaya dun ikaw pa"

"I hope so Ma'am. Thank you" wika ko, nginitian lang ako nito.

Ma'am Roda is the soft one, and si Ma'am Yen ang palaban and matapang ang aura ng face. Alam kong hindi basta basta ang pagdaraanan ko para maging maayos kaming dalawa pero tatanggapin ko dahil kasalanan ko naman.

"Ma'am Roda!" Rinig namin. Napalingon kami at nakita si Ma'am Yen na palapit sa amin

"Oh yen, i thought you're busy?"

"Mr. Principal called me at pinapapunta ako sa office. The investigator are already there na ata, and I think may result na" wika nito at akmang hihilain si Ma'am Roda pero pinigilan niya ito.

"Wait Yen, kumalma ka okay?"

"Finally mapapatunayan na na walang kasalanan si Lily" pagpaparinig niya

"Ma'am Yen, about last time? Sorry about it" wika ko.

"Yeah, Im sorry to sa mga nasabi ko but I think mas dapat kang magsorry kay Lily. May result na at sure akong inosente si Lily"

"Next time Ma'am when you're in this kind of situation don't take sides, just a piece of advice lang. Kahit sa anong sitwasyon mapa sa school man o labas ng school dapat nating alamin ang side ng dalawang panig bago magbintang" tumango naman ako dahil tama nga naman siya.

"Hindi ko nagustuhan ang paghandle mo sa issue na ito Ma'am, at hindi parin ako nakakalimot kaya sana maintindihan mo kung hindi pa maibabalik ang loob ko sayo, humihingi rin ako ng tawad sa mga nasabi ko pero wag mong asahan na babalik ang pakikisama ko sayo kagaya ng dati dahil kahit papaano ay nalamatan na iyon" wika nito tumango naman ako at ngumiti ng tipid.

Nakita kong siniko ni Ma'am Roda ang kaibigan niya.

"I understand Ma'am" wika ko

"Ah hehehe, tara na? Pinapatawag tayo sa office tara" wika ni Ma'am Roda at hinila na kaming dalawa.

Ngayon palang nahihiya na ako paano pa kaya kung malaman na yung result at mapatunayan na inosente si Lily?

Maibabalik pa ba namin ni Lily yung naging samahan namin? Magiging malapit parin ba kami sa isa't isa?

°°°°°°

Blessed sunday everyoneee! Lakas ng hangin here, bagyo rin ba sainyo? Keep safeee!

Continua a leggere

Ti piacerà anche

56.3K 2.4K 53
Love... For Jane, someone who wants to escape the unfortunate life of being poor, this concept is just illusion. "Hindi ako mapapakain ng pag-ibig...
4K 109 31
One school. Two groups. Eight students. With different personalities. Attitudes. And hidden feelings. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanf...
345K 7.7K 33
Bored ako