Her Naughty Ways

Od gurlxmilo

1.3K 43 13

Cheerleaders Series 4: Her Naughty Ways **✿❀ ❀✿** It all started in one competition, ten cheering squads aimi... Více

Collaboration Cheering Series
Her Nughty Ways
FL/ML
Prologue
2
3
4
5
6
7
8
9

1

67 1 0
Od gurlxmilo

“Arat! Inom tayo!”

Pang-aaya ko kala Hazel at Jasmine dahil nagkayayaan ang mga nakilala kong mga cheerleading na naging kaibigan ko na din ng nakaraang linggo matapos maglaban-laban ang sampung cheerleading sa isang school na kilala din katulad ng university namin.

“Talaga iinom?” tanong nila sa akin na may halong excitement.

I nodded. “Oo.”

“Libre?” tanong pa nila.

Napangiwi ako sa sunod nilang tanong. Alam kong sasama sila kapag sinabi kong oo at kung hindi naman ay hindi sila sasama. Kilala ko na itong tatlo na ito kaya tumango na lamang ako bilang sagot.

Namimihasa naman yata silang puro libre, ‘no? Ang kakapal ng face may mga pera naman pero mga kuripot kung gumastos. Kung tutuusin ay mas marami silang allowance kaysa sa akin. Masyado lang talaga silang kuripot at nasanay sa panay libre.

“Weh? Seryoso? Libre?” Paniniguro pa ni Hazel.

“Oo nga! Ang kulit mo namang, t*ngina ka!” inis kong sigaw sa kanya. “At paano naman kung hindi, ha? May mga pera naman kayo, ha? Panay kayo palibre. Mahiya naman kayo!”

“Lah, aba, syempre! sila ang nang-aaya, ‘di ba?” pangangatwiran pa ni Jasmine.

“Eh, ano naman kung sila ang nang-aaya? Hindi porke sila ang nang-aaya ay aasa na kayo sa kanila, ‘no?” saad ko. “P*tangina niyo, ‘no! May mga pera naman kayo—”

“What are you three doing here?”

Hindi na natapos ang sasabihin ko ng may biglang nagsalita sa may likuran naming tatlo nila Hazel at Jasmine. Pare-pareho kaming natigilan dahil doon. Isang malamig na boses ang narinig naming tatlo. Napalunok ako ng mabosesan ko iyon. I bit my lower lip.

“Uulitin ko,” saad nitong muli. “What are you three doing here?”

“N-Nagpapahangin po, P-Pres,” sabay-sabay naming sagot.

Tumaas ang kilay nito. “Nagpapahangin?”

“O-Oo,” sagot namin.

Mas lalong tumaas ang kilay niya. “Aware naman siguro kayo na class hour ngayon, right?”

“O-Oo,” muli naming sagot.

“So? Bakit niyo pa naisipan na tumambay dito?”

“Mahangin kasi dito, honey. Tamang-tama lang para maibsan ang init na nararamdaman ngayon lalo na’t mainit ang panahon, honey.” Ako ang sumagot sa tanong ng SSG President namin.

Sinita pa nga ako ng dalawa kong kaibigan dahil sa sinabi ko. Pero hindi ko man lang sila pinansin. Napangisi ako ng nagsalubong ang kilay ni Pres. Kinagat ko pa ng bahagya ang labi ko na para bang inaakit ito.

“You know what?” Kinamot pa ni Pres ang ibabang baba niya na para bang nagpipigil lang na masigawan kami. “I don’t care about your reason, Miss. Kaya maaari bang sabihin niyo lang pangalan niyo.”

“Bakit namin pati sila ay ibibigay ang name sayo? Interesado ka ba din sa mga kaibigan ko?” maloko kong tanong.

“Dahlia!” pananaway sa akin ng dalawa kong kaibigan. Halatang kinakabahan sila pero ako? Wala man lang akong maramdaman na kahit ano. Bukod sa gusto ko itong lalaking nasa harapan nain ngayon. 

“Wala ako sa panahon makipagbiruan sayo, Miss,” seryosong anas ni Pres. “Name, please?”

Sungit! Napanguso ako. Bakit ko nga ba ito nagustuhan? Eh, ang layo-layo ng ugali nito kay Lawrence. Last time I check…hindi ko tipo ang mga masusungit na lalaki. Pero ngayon? Parang nagbago bigla ang ihip ng hangin.

“Dahlia, name mo sabihin mo na,” saad sa akin ni Hazel. Matapos nilang maibigay ang name nila kay Pres.

Bukod sa pagiging SSG President niya sa University namin ay isa din siyang magaling na player ng basketball ng University namin. Kaya lahat ng kababaihan dito ay may gusto sa kanya. Pero sorry na lang sila dahil ako lang ang nag-iisang future wife ni Xavion.

“I’m Dahlia Xylona Zashly, Pres,” aad ko at inabot ko pa ang kamay ko sa kanya pero hindi niya man lang ito pinansin. “Hindi ka man lang magpapakilala? Daya, ah.”

“Pumasok kayo sa klase niyo—” Pinutol ko siya.

“Pasok na, Pres,” saad ko at bahagya pang bumukaka mula sa kinauupuan ko.

Narinig kong napasinghap ang dalawa kong kaibigan dahil sa ginawa ko pero wala akong pakialam. Wala namang makikita, eh. May cycling short kaya ako tapos may panty pang suot. Napaka-oa naman nila. Nang tingnan ko si Pres ay nakatalikod na siya pero hindi pa rin umaalis sa kinatatayauan niya.

“Ms. Zashly, wala akong panahon sa kalokohan mo kaya pumasok na kayo,” saad nito. “And after ng klase niyo pumunta kayo ng detention room.”

Akmang aalis na sana siya ng bigla ko itong pigilan. “Pangalan lang hihingiin mo? Hindi pati number ko? H’wag ka ng mahiya magsabi, Pres. Ibibigay ko naman, eh,” saad ko tapos may kinuha kong papel sa may bulsa ng palda ko ay binigay sa kaniya at bago pa ako umalis para pumasok sa klase ay hinalikan ko pa siya sa pisngi.

“Call me, honey,” saad ko at kumagat pa sa aking labi habang naglalakad patalikod at ng medyo nakalayo na ako ay tumakbo na ako.

Naramdaman kong sumunod ang mga kaibigan ko sa akin habang nagtatanong kung bakit ko daw iyon ginawa. Actually, no’ng mga nakaraang araw pa sila nagtatanong kung bakit daw kami ang-kiss ni Pres pero sa tuwing tinatanong nila ako no’n ay tanging ngiti lang ang sinasagot ko sa kanila.

“Dahlia, may practice daw tayo,” saad sa akin ni Audrie. Isa sa mga kasali sa cheering squad.

Siya ang bumungad sa amin ng lumabas na ‘yung teacher naming babae. Kakatapos lang ng klase naming basic calculus at ang sakit ng ulo ko sa subject na iyon. Ang hirap kunin ang tamang sagot. Tapos ‘yung formula pa ay ang haba-haba. Mahirap na ngang makahanap ng lovelife tapos idadagdag pa itong basic calculus na araw-araw na lang pinapasakit ng ulo ko.

“Ah, sige,” saad ko habang abala sa pag-aayos ng gamit ko. “Susunod kami. Mauna ka na.”

“Sige, hihintayin na lang namin kayong tatlo sa may quadrangle—”

“Hindi sila magpa-practice.” Pagpuputol ng isang malamig na boses sa sinasabi ni Audrie.

Napalunok ako ng ilang beses bago ko tingnan kung sino iyon. D*mmit! Nakalimutan kong pupunta nga pala kami sa detention room. Paano na iyan? May practice kami ngayon!

“H-Hi, Pres. P-Pwedeng bukas na lang ‘yung detention namin—”

“In the detention room,” putol nito sa akin. 

Nagkatinginan pa kami nila Hazel at Jasmine na para bang nag-uusap kaming tatlo sa pamamagitan ng mata kung paano namin ito malaulusutan. Kainis naman, eh! Madalas namin kasi ay nalulusutan namin ito. Dahil mga ka-vibes ko naman ang mga SSG members pwera lang dito sa President na ubod ng kasungitan. Akala mo naman gwapo. Hindi naman! Masungit lang siya!

“P-Pero kasi may practice kami—”

“Now!”

Napaigtad ako sa biglaang pagsigaw ni Pres no’n. Kaya naman hindi tuloy kami magkandaugagang tatlo sa pagsisilid ng mga gamit namin sa loob ng bag at nagtatatakbo papuntang detention room kasunod si Pres.

Napapikit ako. Alam kong mayayari ako nila Okāsan, Otōsan, at sa mga Kyōdai ko kapag nalaman nilang na-detention na naman ako. Mga 30 minutes pa naman ang pananatili doon kapag na-detention ka. Bawal cellphone doon o kahit na ano. Pati pagkain ay bawal at kung na iihi ka naman ay may banyo doon kaya wala kang lusot.

“Pres, sige na, please? B-Bukas na lang kahit isang pa kami bukas, sige na? Kailangan na kailangan lang talaga naming mag-practice,” naiiyak kong pakiusap pero hindi man niya lang ako pinansin dahil abala siya doon sa may logbook na lagi niyang dala at hindi niya yatang kayang mabitaw-bitawan.

“Oo nga, Pres,” pakikiusap din nila Hazel at Jasmine pero tuald ng ginawa niyang pag-snob sa akin ay ganon din ang ginawa niya sa mga kaibigan ko.

Bakit ba kasi namin ito binoto for SSG President? Nagsisisi tuloy akong binoto ko siya! Kainis! Humanda ka talaga sa akin mamaya, Pres.

Nakabunsangot lamang ako habang hinihintay kong matapos ang 30 minutes sa detention room naming tatlo. Inis na inis ako habang nakaupo lang. Samantalang si pres ay nakaupo habang abala sa may computer at may ginagawa doon.

“Dahlia, matatapos na ‘yung practice,” bulong sa akin ni Hazel. Si Jasmine naman ay nakatulog na sa balikat ni Hazel. Siguro ay nainip na siya at nakatulog na kakahintay matapos ang detention room.

“Don’t talk to me! Naiinis ako,” sabi ko at nilakasan pa para magparinig sana kay Pres pero mukhang wala namang pakialam.

Nang matapos ang detention room namin ay wala na kaming naabutan sa may quadrangle kundi mga tagalinis. Wala na rin ‘yung mga ka-cheering squad namin. Wahhh! Sino ba kasing may sabing tumambay kami doon? Malay ba namin na time na. Nagpapahangin lang naman kasi kami doon sa may puno habang breaktime pero hindi man lang namin narinig na tumunog ang bell.

“Bye, una na ako sa inyo, ha? Hinihintay kasi ako ni Mama at Papa. May family dinner kami ngayon,” sabi ni Hazel. 

Kaya napatango ako at bago pa siya sumakay sa may kotse niya ay nagbeso-beso muna kaming tatlo. Nang mawala sa paningin namin si Hazel ay tumingin ako kay Jasmine. Siya na lang siguro ang isasama ko.

“I’m sorry, Dahlia,” sabi niya kaya mas lalo akong ngumuso. Tinaas niya ang cellphone niya. “May date kami ni Karl, eh. Pasensya na. Next time na lang, ha?”

Kumunot ang noo ko ng magbanggit siya ng pangalan. “Sinong Karl iyan? Bagong ka-fling mo? Magse-settle down ka na?”

Natawa siya. “Settle down ka diyan? Hoy! Ang bata ko pa yata para doon, ‘no! Date-date lang mo na sa ngayon. Pero,” nagkibit-balikat siya. “Depende kung natipuhan ko siya.”

Napangiwi ako. Napatango na lamang ako. Hindi ko naman siya mapipigilan may next time pa naman. “Sige, ingat ka, ha? Kapag nagkaproblema alam mo na…isang tawag lang sa akin at pupuntahan kita.”

“Sige, bye!” sigaw niya.

Sino na ngayon ang kasama ko papunta doon? Wala pa namang akong sasakyan. Dahil na-grounded ako. Kaya kapag nabalitaan nila Eomma na na-detention ako ay baka pati cellphone ko ay mawala. Napahilamos na lamang ako sa aking mukha.

Sa totoo lang ay ayaw ko pang umuwi. Gusto ko pang gumala. Kung puntahan ko na lang kaya ang mga kaibigan kong naging kalaban ko sa cheering competition? Napailing ako. H’wag na lang. Wala ako sa mood uminom, eh. Gusto ko lang ay ang gumala.

Kaya naman napagdesisyunan kong pumunta na lang muna sa mall at magpapalamig lang ng kaunti. Abala ako sa paniningin ng pwede kong bilhin. Kung anu-anong store na nga ang napasukan ko at medyo nabibigatan na ako sa mga balahin ko.

Maglalakad na sana ako palabas ng mall ng may mahagip ang mata ko sa korean restaurant. Napangisi ako ng makilala ko kung sino iyon. Akala ko ay namamalikmata lang ako. Mukhang umaayon ang tadhana sa akin. Ngayon kita gagantihan, Pres.

May kasama siyang babae at wala akong pakialam kung sino pa ito sa buhay ni Pres basta may gagawin lang ako ng kaunting kalokohan. Kaunti lang.

“Hi, honey,” malanding saad ko at pinulupot ko pa sa leeg ni Pres ang dalawa kong braso. Naramdaman kong bahagya siyang napaigtad sa ginawa ko. Mukhang nagulat siya dahil sa pagsulpot ko. Ganun din ang babae. Bakas doon ang gulat. Pagkatapos kong ipulupot ang braso ko sa leeg niya at bahagya kong nilapit ang mukha ko sa pisngi niya para halikan ko. “Hindi mo man lang sinabi na pupunta ka pala dito. Dapat sinabi mo sa akin o ‘di kaya ay nagpaalam ka man lang, ‘di ba?”

“What the f*ck are you doing?!” mariing tanong nito sa akin at tinignan ako ng masama.

“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko, babe?” malokong tanong ko.

“Get out of here,” sabi niya pero umiling lang ako.

“Ayaw ko,” sagot ko sabay baling sa babae na ngayon ay masama na ang tingin sa akin pero pinagtaasan ko lang siya ng kilay. Bahagya akong napangisi dahil may mga taong napapatingin sa amin.

Acting time!

“At sino naman itong babaeng ka-date mo, hmm? Kung hindi pa pala ako pumunta sa mall hindi ko pa malalaman na niloloko mo pala ako,” saad ko at medy nilakasan pa kaya mas lalo pa ako nakakuha ng atensyon ng mga tao. Nagsisimula na silang magbulungan dahil sa ginagawa ko. “Sino ba ito? Kabit mo? Hindi ka ba makuntento sa akin at naghahanap ka pa ng iba? Wow! Pagkatapos kong ibigay sayo lahat-lahat tapos ganito ang isusukli mo sa akin, ha? Manloloko ka!”

Nagsalubong ang kilay ni Pres. “What the h*ll are you talking about?!”

“Sabi ko hindi ka pa kuntento sa akin? Pagkatapos kong ibigay sayo lahat-lahat tapos ganito ang isusukli mo sa akin? Manloloko ka! Two timer! Cheate—”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang tumayo ang babae at lumapit sa amin ni Pres. Akala ko ay aawayin ako nito pero nanlaki ang mata ko ng bigla niyang sinampal si Pres ng malakas na ikinasinghap ng mga taong nakakita. Mas lalo ako. Napaawang pa ang labi ko.

“Ako lang pala, ha? Ako lang,” sarkastikong sabi ng babae at muling sinampal si Pres ka kabilang pisngi. “F*ck you! Break na tayo!”

“Faye! Wait!” sigaw ni Pres at hinabol ‘yung babaeng sumampal sa kanyang mukha pero ng buhusan siya nito ng tubig ay napatigil ito kaya nagkaroon ng pagkakataon ‘yung babae para tumakbo habang umiiyak.

I bit my lips. I think I should leave na? Dahil tapos na ang acting time ko, right?

Unti-unti akong humakbang papalayo kay Pres habang abala siya sa pagpupunas ng mukha niya. Nakahinga ako ng maluwag ng nakalabas ako ng mall ng hindi man lang niya napapansin. Bahala na bukas ang mahalaga ngayon ay makauwi ako sa bahay ng buhay.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

26.8K 1.9K 16
|ongoing| Ivana grew up alone. She was alone since the day she was born and she was sure she would also die alone. Without anyone by her side she str...
159K 7.1K 59
ခွန်းသမိုးညို × သစ္စာမှိုင်းလွန် အရေးအသားမကောင်းခြင်း၊[+]အခန်းများမြောက်များစွာပါဝင်ပြီး ကိုယ့်အတွက်ဘာအကျိုးမှရမည်မဟုတ်တဲ့စာဖြစ်သည်နှင့်အညီ မကြိုက်လျ...
55.9K 1.7K 24
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
4.6M 136K 52
After her mother's death Lilith gets a new legal guardian, her older brother. With no knowledge of having four other older brothers, Lilith is send...