Escaping the chapters (Manila...

Από gridpapers

157K 3.2K 2.2K

What if your escape turns into a reason why you need to escape? Hera Ivory Levine, an academic achiever cross... Περισσότερα

PROLOGUE
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
EPILOGUE
Bonus Chapter: preggy cravings

01

11.8K 199 95
Από gridpapers

DISCLAIMER
Plagiarism is a crime, punishable by law. This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Expect some typographical and grammatical errors, so bear with me. This book is not yet edited. I'm always open to constructive criticism and corrections, so feel free to share your thoughts. I highly appreciated those!

This story is not affiliated with manila, universities, establishments, brands, or any other names that will be mentioned in this story.

Please be advised that this may contain some strong language and mature themes that are not suitable for young readers. You may proceed to another story if you are uncomfy, thankyou!


Ingrid.

"Hera Levine, running for SSC President!"

Nagpapractice ako ngayon sa harap ng salamin. Kaunting oras na lang at malapit na magsimula ang miting de avance para sa pangangampanya namin sa Election of Supreme Student Council.

"Prez, baka hindi ka magtira ng boto, ha?" biro ni Claire sa akin habang nag-aayos na rin para magmukhang presentable. Inayos ko rin ang kuwelyo ng baby pink ko na polo, may logo rin ito ng partido namin.

"Kinakabahan nga ako," seryosong saad ko pero pinilit kong ngumiti para subukan pagaanin ang sarili.

"Ang alam ko, nagback out na si Monica for President ng kabilang partido. Totoo kaya 'yun?" Narinig kong tanong ni Eriella. Halos puro kami babae sa partidong 'to.

"Ha? Edi sino na ang presidente nila?" Gulat na tanong ko. Hindi rin nila alam kaya hindi ko maiwasang kabahan lalo. Magaling si Monica pero nakakatakot isipin kung sino ang papalit sa kaniya.

"Wala kaming balita, hindi naman yata puwedeng walang presidente sa partido nila," sabi ng isa naming kasama. Nang matapos ay sabay-sabay na kaming nagtungo ng Gymnasium.

Nilibot ko ang paningin ko, ang mga ibang estudyante ay nasa bandang likuran at ang mga tatakbong kandidato naman ay nasa harapang monoblock. Naupo muna kami lahat kahit hindi pa sigurado kung saan talaga ang puwesto namin.

May nakakilala rin sa akin ay sinasabing kahit hindi pa raw magsimula ang miting de avance ay ako na ang iboboto nila. Sinusuklian ko sila ng ngiti at pasasalamat.

"Pres, OMG! Ang popogi nung mga nasa kabilang partido, puwede ba umatras?" Biro ni Claire sa akin na nasa tabi ko. Siya ang tatakbong Secretary sa amin. Tinignan ko ang direksyon kung nasaan siya nakatingin.

"Si Monica ba 'yun? Teka, bakit running for Vice President na siya? Akala ko ba nagwithdraw siya?" Pagsingit ni Eriella na nasa tabi ko rin. Napatulala ako nang makita ang mga myembro ng kabilang partido. Totoo ngang si Monica na ang Vice President sa kanila. Lahat sila ay naka-royal blue na polo.

Napatulala ako nang makita kung sino ang tumatayong presidente sa kanila. Matangkad, makinis at may katingkaran ang kulay ng balat, nakakaadik pero malamig kung tumingin ang mga mata niya, matangos ang ilong at medyo mapula ang labi. Nakasuot din ito ng specs na nadadagdag pa sa karisma ng binata.

"Prez! Nakikinig ba ikaw?" tanong ni Eriella sa tabi ko na kanina pa pala ako kinakausap, dahilan para mabalik ako sa realidad.

"Ha? Oo, ano uli 'yun?"

"Doon kayo uupo, pres. Sa harap daw lahat ng running for presidents," sabi naman ni Claire. Napatango ako at tumayo na sa dating upuan at tumungo roon. Nagpaalam na rin ako sa ibang mga kasama ko. Nag-iwan din kami ng Goodluck sa isa't isa.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba pero kahit gano'n ay pinapakalma ko ang sarili ko. Magsisimula pa lang, Hera!

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Napaigtad ako nang maramdaman kong may naupo sa tabi ko. Dahan-dahan ko itong nilingon at napagtanto ko na ito ang lalaking umagaw ng atensyon ko kanina na katunggali ko para sa posisyong pagkapresidente.

"Hi! Ikaw ang tatakbo bilang presidente sa inyo?" Nakangiting tanong ko kahit ang obvious naman no'n. Hindi naman siya uupo sa tabi ko kung hindi. Hindi ko rin pinahalata na kinakabahan ako.

Pamilyar siya sa akin pero hindi ko alam kung nagkaroon na kami ng interaksyon noon. Mukha naman kasi siyang hindi palaimik at talagang tahimik lang.

Tinignan niya lang ako nang seryoso at hindi niya ako kinibo. Nag-iwas lang din siya ng tingin agad. Ang sungit naman nito, hindi ko na nga sana iboboto sarili ko kung siya iboboto ko, e! Char. Ano kaya pangalan nito?

Siya panigurado ang pumalit kay Monica dahil si Monica ay nasa posisyong bise-presidente na ngayon ng grupo nila. Napakagat labi na lang ako at sinubukang manahimik. Naupo rin sa hilera namin ang iba pa naming kalaban para sa pagkapresidente. Ang iba sa kanila ay kakakilala ko rin at masasabi kong magaling din.

Nagpakilala kami isa-isa. Mabuti na lang din kumalma na rin ako sa kaba ko. Nang ako na ang sunod, tumindig ako at pumunta sa harapan upang kunin ang mikropono. Hindi ko maiwasang mapangiti nang marinig ko agad ang hiyawan ng mga estudyante mula sa likuran.

"A pleasant morning to each of us. It's truly an honor to stand before you today, not as just another candidate, but as someone who genuinely cares for everyone's welfare and its future," panimula ko at ngumiti.

Pinaliwanag ko lahat ng plano ko sa eskuwelahan. Isa na rin doon ang Comprehensive Sexuality Education, kung saan saklaw nito ang pagsugpo sa Teenage Pregnancy at layunin ding magsulong nang pantay na pagtingin sa lahat ng kasarian.

"As we gather here today, I am reminded of the profound impact that leadership can have on shaping our collective destiny. Leadership is not just about holding a position; it's about inspiring others, fostering growth, and driving positive change," sambit ko at tumingin sa kanilang lahat.

"And I know a one woman who has these characteristics and that woman is right infront of you because the last man standing is a woman. Once again, I'm Hera Levine, running for SSC President!" I said as I closed my persuading speech infront of everyone. Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang palakpakan at hiyawan ng lahat.

Nakangiting bumalik ako kung saan naroroon ang mga upuan. "May I call on our next presidency candidate?" pagtawag ng Campaign Manager ng lalaking katabi ko. Tumayo siya nang maayos at pumunta sa harapan.

Parang wala siyang kaba-kaba sa katawan. He was like, he's really into public speaking kahit pa mukha siyang tahimik. Mas matangkad din siya sa akin. Ang lakas ng dating niya kahit wala pa siyang sabihin at kahit nakatayo pa lamang siya ay kuha na niya ang atensyon ng lahat.

"Good morning," He greeted as he held the microphone. Kahit ayun pa lang ang sabihin niya ay napatili at napahiyawan na ang lahat, nangunguna na roon ang mga kababaihan. What the?

"May the dawn of this new day illuminate our path to success and fill our endeavors with boundless opportunities. Wishing you all a day brimming with productivity, inspiration, and fulfillment," dagdag niya pa. Ang seryoso niya pa rin tignan, dumagdag pa ang kulay asul niyang polo na nagpadagdag sa aura niya bilang seryosong tao.

Nabanggit niya na isa rin sa panukala niya ang Mental Health Awareness na tunay na kailangan din talaga ng mga estudyante. Ang hirap aminin pero kung isa ako sa mga estudyante na boboto ay paniguradong siya rin ang maboboto ko.

"I'm Eros Hayes Vergara, running for the position of President."

Oh, kaya pala pamilyar. Madalas kong nababasa o naririnig ang pangalan niya bilang kasunod ko sa overall ranking ng HUMSS. He won't be my academic rival, right? He will not dare to threaten my spot. Hindi naman siguro? Hindi ko kailangan kabahan at tsaka isa pa, mabait naman siguro siya kahit mukha siyang suplado dahil sa specs niya?

Nagtama ang paningin namin, sinubukan kong ngumiti sa kaniya pero walang emosyon ang ekspresyon niya. Robot ba 'to?

Maya-maya lang ang natapos na ang debate. Bunutan ang nangyari para malaman kung sino ang magiging kalaban namin sa unang round. Kalaban ko si Anika para sa round na 'to, Presidente ng kabilang partido. Kami ang naunang naglaban at ang paksa na napunta sa amin ay ang mga societal issues para masubok ang kapasidad namin sa usapang social awareness. Ito ay ang Legalization of Abortion.

Napunta sa akin ang Pro-choice at kay Anika ang Pro-life. Naunang magbato ng rebuttals si Anika sa magiging punto niya.
"I am Anika Arepentido and I am against for the Legalization of Abortion in the Philippines.  I believe that life begins at conception, and every human being, regardless of stage of development, deserves the fundamental right to life."

"Legalizing abortion not only violates this inherent right but also perpetuates a culture of disregard for the sanctity of human life. Instead, we should focus on providing support and resources to pregnant individuals, fostering a culture that values and protects all human life from conception to natural death," dagdag niya pa, napatango-tango ang ilan sa punto niya kaya hinanda ko ang sarili ko.

"I'm Hera Levine and I am for Legalization of Abortion. I firmly believe that every person should have the right to make decisions about their own body and future. By legalizing abortion, we ensure that individuals have access to safe and medically supervised procedures, preventing the need for dangerous, back-alley abortions," I strongly stated and unexpectedly, it gains some cheer from the crowd.

"Legalizing abortion sends the message that human life is disposable, it's unethical and immoral. According to the bible-"

I interrupted her respectfully by saying "But what's your stand if we will set aside our religious beliefs?" I asked her politely. She gulped some air and before continuing.

"A-As a society, we have a moral obligation to protect the most vulnerable among us, including unborn c-children," she answered.

"But how about the victims of rape and sexual harassment? How about them that will carry the burden of trauma and suffer the consequences of being a mother even she was not ready?" I asked her a rhetorical questions to support my stand.

"I urge us to consider the importance of reproductive autonomy and bodily integrity. By supporting legal abortion, we affirm the rights of individuals to make informed decisions about their own bodies and futures, free from coercion and judgment," I elaborated everything I knew and waited for her to answer. It took ten seconds but she was in completely silence.

"And time's up for our first two candidates!"

Matapos ng debate namin ni Anika ay nginitian ko siya at humingi naman siya ng pasensya, nagthumbs up naman ako para pagaanin ang loob niya at para iparating sa kaniya na ayos lang 'yun.

Sumunod naman sa amin si Eros at isa pang kandidatong lalaki. Ang paksa nila ay tungkol sa Legalization of Divorce. Sinimulan ni Eros ang rebuttal at napunta sa kaniya ang Pro-Divorce.

"I'm Eros Vergara and I believe that divorce should be recognized as a fundamental right, allowing individuals to dissolve marriages that are irreparable or detrimental to their well-being. By legalizing divorce, we provide an avenue for individuals to seek liberation from abusive and toxic unions," panimula niya. Hindi ko alam pero kahit hindi na ako ang nagsasalita sa harapan ay kinakabahan pa rin ako.

"And I'm Niel Santos, and I am against divorce. Why? Marriage is sacred. Divorce not only disrupts the lives of spouses but also has far-reaching consequences for children, who may experience emotional trauma and instability as a result," sagot naman ni Niel na katunggali niya.

Tinignan ko ang ilang kababaihan na pinipigilan ang pagtili dahil sa presensya ng dalawang binata sa harapan ngayon.

"Divorce laws can facilitate fair and equitable resolutions for couples, ensuring that both parties can move forward with their lives. You said if a married couple filed a divorce, their children might experience trauma," Eros said. He was like a calm predator waiting for a moment to attack his prey. Tinaas niya rin ang salamin niya.

"Is that it? But let's think the other side of the situation, don't you think they won't suffer from trauma by witnessing their family is torning apart with endless problems that cannot be resolve by simply communication," dagdag pa ni Eros. Hindi maiwasan ng madlan na mapasinghap sa galing ng punto ni Eros.

Hindi naman nagpatalo si Niel sa punto niya.
"Instead of promoting divorce, we should focus on strengthening marriages through counseling, support services, and community resources," seryosong saad nito.

"Denying individuals the right to divorce can trap them in unhappy or abusive relationships, perpetuating cycles of suffering and dysfunction. By legalizing divorce and providing support services, we can empower individuals to seek refuge from toxic relationships and pursue paths to healing and renewal," kalmado na sagot pa ni Eros. Naiintindihan ko ang pinupunto niya at masasabi kong sang-ayon ako rito.

"Is that your trauma response because of your parents?" Maangas na tanong ni Niel. Nanatiling kalmado si Eros kahit pa lahat kami ay nagulat sa tanong ni Niel. Is that even necessary to ask? To ask someone with personal questions?

"What are you trying to say?" kalmadong tanong ni Eros at nananatiling blangko ang ekspresyon.

"Marriage is a sacred covenant that should be upheld and respected. If you are really into divorce then why are your parents are still staying together despite of their problems, huh?" natatawang tanong ni Niel sa kaniya. Kumuyom ang kamao ni Eros pero ako lang ang tanging nakapansin noon dahil nasa likuran niya ako.

"While I understand your stance being against with divorce, it's like you are trying to keep a sinking ship afloat with a piece of duct tape. Trying to save the sinking marriage life the same how you save your sinking stance, isn't it?" Eros sarcastically said but in calm way as possible.

Halatang napikon si Niel sa sinabi niya at akmang susugurin niya si Eros nang humarang ang ilang committee. "Anong sinabi mo?! Gago ka ba? Sinasabi mo bang walang kuwenta ang mga sinasabi ko?!" Galit na sigaw nito kay Eros. Nagulat din ang lahat ng estudyante kung kaya't umugong ang malakas na bulungan.

Pinahinto rin sila ng committee at pinakalma muna. Pareho na silang nakaupo ngayon. Parang wala namang paki si Eros sa nangyari at kalmado pa rin siya hanggang ngayon. Nagsabi rin ang host na magpoproceed na rin sa iba pang candidates ang debate at nagpaaalala muli ng rules sa debate.

Natapos din ito nang matiwasay at mabuti na lamang ay wala nang nagkapikunan na mga kandidato sa debate. Lahat ay may punto at masasabing lahat ay magagaling. Pumunta ako sa gawi ng mga kapartido ko para batiin sila.

"Uy! Ang galing, ah! Sobrang galing mo, pres! Ang ganda ng punto mo sa unang round," puri ni Claire. Pinitik ko ang buhok ko nang pabiro.

"Akala mo chatgpt e 'no?" Dagdag pa ni Erin, Treasurer namin kaya nagsitawanan kami lahat.

"Ang galing din noong Eros, sobrang kalmado during arguments, para siyang abogado," tangong-tangong dagdag pa ni Claire. Tumango ako bilang sang-ayon. Lumingon ako sa likuran para hanapin siya pero wala na siya roon.

"Pero 'wag ka kabahan, pres! 'Ta mo ang lakas mo sa mga boylets na 'yun, oh! Ikaw daw ang iboboto," pang-aasar ni Erin at tinuro ang grupo ng kalalakihan sa isang direksyon.

Sinundan ko naman ng tingin ang tinuturo niya. May mga lalaki nga roon na kumakaway at nakangiti sa akin. Nginitian ko sila at itataas ko na sana ang kamay ko nang marinig ang pamilyar na boses ng isang lalaki muli sa likuran.

"Excuse me."

Sabay kaming napalingon sa boses na 'yun na nanggagaling sa lalaking dumaan sa gitna naming dalawa. Si Eros. Sinundan ko ng tingin ang binata hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.

"Ang pogi!" Hagikgik ni Everlyn.

"Pero ang suplado," bulong na sabi ko.

Natapos ang araw nang pagod ang katawan ko. Nag-aya sila Nahja na magchill daw sa isang restobar kasama ang iba pa naming kaibigan sa ibang school.

Freya: let's have fun, are you guys in?!

Kiva: Count me in, babes

Tivona: Game, shot na oh

Ezra: ge

Libre niyo ah :

Nahja: Yehey! May alam akong restobar!

Same school lang kami ni Nahja pero ibang strand ang kinukuha niya, kundi ang STEM. Magkasama rin kami rito sa Condo.

"Ang bagal naman nito maligo!" Reklamo niya kaya humalakhak ako. "Ulol, hindi ka kasi naghihilod," sagot ko kaya natawa rin siya.

Napagdesisyunan ko na rin magsuot ng ruffle cropped top tube na kulay rust, pinares ko rin sa white wide-leg pants. Naglight make up lang din ako gamit ang liptint at checktint. Tinali ko na lang din ang buhok ko nang paponytail. Hindi ko bet magbag ngayon kaya kumuha na lang ako ng black purse.

"Oh pak, nagmukha ka ring tao," Pangasar ni Nahja at pinasadahan ng tingin ang OOTD ko. "Sana ikaw din," pang-asar ko pabalik.

Nagscroll muna ako sa fb habang hinihintay ang bruha matapos magbihis. "Kawalang gana ampucha," bulong ko kakatap ng mga fb stories nila dahil puro flex ng jowa nila. Nagselfie na lang ako ng mirror shot para ilagay sa ig story ko. Nilagyan ko pa ng caption na: "san n nmn gala m ante"

Sinundo na rin kami ni Freya gamit ang mercedes-benz niya, saktong tapos na rin si Nahja mag-ayos. Nagpaunahan pa kami maupo sa shotgun seat pero sa huli ako rin ang nanalo.
"Ako nauna!" Pagbelat ko kay Nahja, inirapan lang ako ng gaga bago siya lumipat sa backseat. "Pinagbigyan lang kita, kawawa ka naman, e," pang-asar niya. "Ah, ganon?"

"Maaga akong tatanda sa inyo," hawak sintidong sabi ni Freya bago pinaandar ang kotse. Nagpacute naman ako sa kaniya. "Chilltop tayo 'di ba? May pogi ba doon?" Tanong ko at nagseatbelt.

"Ew, men are trash," Irap ni Freya. Si Freya at Ezra lang ang hindi simp at mahilig sa crush-crush sa aming magtotropa. Si Freya focused din sa acads, may highschool heartbreak din siya at si Ezra naman balak ipa-arrange marriage ng parents niya. Parang sa teleserye lang, ano kaya pakiramdam?

"Wews, baka miss mo lang si-" biro ko pero hindi ko natuloy dahil bigla siyang nagsalita.

"Look, fishes in the sky are so pretty."

Tawang-tawa pa rin kaming tatlo nang makarating na kami sa Lacson. Inaasar pa namin ni Nahja si Freya tungkol doon sa first love niya.

"Stop it bitches," Irap niya nang makababa kami. Natanaw din namin sa lobby ng chilltop yung tatlo. Sila Tivona, Ezra at Kiva. Nagchichikahan pa kami habang paakyat kami sa elevator.

Nang makarating sa rooftop, naupo na kami sa table namin at um-order na rin ng beer. May live band din dito at damang-dama mo ang simoy ng hangin dito sa labas. Palubog na rin ang araw kaya tanaw na tanaw ang sunset at city lights mula rito sa taas. Sobrang ganda ng ambience.

"Let's take a picture dali!" Aya ni Freya. Hawak-hawak niya ang phone at nakafrontcam kaya naman agad akong nagpeace sign bilang default pose ko. Katabi ko si Nahja at Freya. Katabi naman ni Freya si Tivona at kaharap namin sila Kiva at Ezra.

"Ayoko ng redhorse ah!" Reklamo ko agad kahit hindi pa naseserve yung beer.

"Arte, akala mo naman yummy," sagot ni Tivona. Binato ko naman siya ng tissue.

Tumayo si Freya at Ezra dahil gusto ng new pictures ni Freya para na naman sa instagram niya. Estitek ghorl yarn?

Samantalang si Kiva at Tivona naman nagparequest ng kanta sa live band kaya kaming dalawa na lang ni Nahja ang naiwan. Tsaka ko lang napansin sa distansya ang grupo ng kalalakihan na nasa table din.

Nagkuwentuhan din kaming lahat tungkol sa kung ano-anong bagay. Nakailang shots at buckets din kami ng beer. Buti na lang may iced tea at lemon din pampatanggal ng tapang.

"Hey! So daya, puro pulutan si Ezra oh," Puna ni Freya kay Ezra na pasimpleng ginagawang ulam ang sisig. Inabutan naman siya ng shotglass at chineer pa namin lahat. Hindi rin kasi siya palainom at siya rin ang pinakatahimik sa aming lahat kaya ganon. Si Ezra ang pinakagood ghorl.

"Uy gagi, wasted na aports natin," Bati ni Tivona kay Nahja na tulog na.

"Gin na bilog lang pala magpapaknock out diyan e," Natatawang sabi ko.

"Pakyu guys, naririnig ko kayo," sabi niya kaya natakot kami ni Tivona. Sila Freya, Kiva at Ezra nandun na sa dance floor. Titibay din ng mga 'to e, hindi pa lasing.

"Tol, cr lang ako!" Paalam ko kay Tivona. "Gago, iiwan mo sa akin 'to? Hindi ako makakalandi!" Reklamo niya.

Tumayo rin ako kahit pagewang-gewang na ako sa daan. Hindi ko na nga rin alam kung nasaan sila Nahja basta ang alam ko lang ay nasusuka ako at kailangan kong magrestroom.

Sa pagmamadali, bumangga pa ako sa isang lalaking at nauntog pa ako sa dibdib niya kaya napahawak ako sa ulo ko. "Aray pucha, ano ba 'yan bato?" Inis na tanong ko at napahawak sa noo ko.

"Watch your way, Ms. Levine."

Familiar ang boses kaya dahan-dahan akong napaangat ng tingin. Gago, si bro Eros pala 'to e!

Ang pogi pa rin, nakapolo na black at slacks. May nakasabit ding wayfarer sa collar niya. Messy hair. Ang ganda rin ng sapatos. Shesh dude, shawty. Bakit sa dinami-dami pa ng taong mababangga ko, siya pa?

"Uy bro! Ahahaha nandito ka rin pala," Natatawang sabi ko kahit wala naman talagang nakakatawa. "Are you okay?" He asked with concern. Tumango-tango ako pero bigla na lang akong nahilo. Biglang bumaliktad ang sikmura ko at hindi ko namalayang nasukahan ko na pala siya!

Gago ano na naman ba 'tong kahihiyang ginawa ko.

"What the fuck..."

To be continue...

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

358K 9.9K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
74.6K 1.2K 57
Years after breaking Iouis Euro's heart, Cara Maldevaron found herself getting intertwined into her ex's life. Both from prominent family of lawyers...
58.9K 83 6
Si Gina ay isang babaeng naghahanap ng tunay na pagmamahal pero bakit patuloy nya tong hinahanap sa taong may asawa?
Jersey Number Nine Από em

Ρομαντική

287K 15.6K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.