MIDNIGHT LOVE #3: Midnight Sky

AKDA_NI_MAKATA által

151 24 3

After learning that his fiancée was cheating with his best friend, Alphonse Montecarlos runaway in his own we... Több

DISCLAIMER & COLLABORATION
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4

Chapter 5

9 2 0
AKDA_NI_MAKATA által

#BirthdayUpdate1011

____

Chapter 5 

Maaga akong nagising kinabukasan dahil maaga rin ang sundo ko na bangka pabalik ng port. Thirty minutes lang mula ng matapos akong magayos ay dumating narin ang sundo ko. Naka short lang ako at fitted t-shirt dahil mababasa ako kapag suit na agad ang susuotin ko. 

Habang sakay ng bangka'y pinakiramdaman ko ang malamig at masarap na simoy ng hangin. Ito ang isang dahilan kung bakit hindi ako nagpasundo gamit ang helicopter ng Isla...gusto kong maramdaman ang simoy ng hangin sa dagat ngayon umaga. 

Kahit pa alam kong mas matatagalan ako sa pagbyahe kung ito ang gagamitin ko'y winala ko nalang sa aking isipan. Mas gusto kong maramdaman ang bilis nang takbo ng bangka at dampi nang preskong hangin mula sa dagat kaysa ang makinig sa maingay na helicopter. Sawa na akong sumakay nun kaya mas pinili ko rin ito.

Nang makarating ako sa port ay agad naman akong iginaya ng mga tauhan kong naghihintay sa akin papuntang van ko. Kagabi ko pa sila tinawagan na kailangan nila akong sunduin ng ganitong oras. At hindi nga ako nabigo, narito na sila nung marating ko ang port.

Malayo-layo pa ang byahe patungong company ko kaya hindi na ako nabigla nang makatulog ako sa byahe. Nagising nalang ako nang maramdaman ko ang pagtigil ng aking sasakyan.

Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Napabuga ako ng hangin ng muling masilayan ang nagtataasang gusali ng mga Montecarlos at law firm ng mga Santibastian.

Pagbaba ko ng aking sasakyan ay agad na akong nabulag dahil sa mga sunod-sunod na pagkuha ng mga litrato sa akin. May mga sumusubok na makalapit sa akin na mga reporter pero hindi nakakalapit dahil agad na akong hinarangan ng aking mga body guards.

Bantay sarado ako hanggang sa makarating kami nang elevator. Dalawa lang ang pumasok kasama ko at ang iba'y naiwan sa labas. Hinatid ako nun hanggang sa last floor kung nasaan ang opisina ko.

Nakalagay ang aking dalawang kamay sa bulsa ko habang naglalakad papasok sa opisina ko. Agad naman akong sinalubong ng aking sekretarya.

"Finally. Good Morning, Sir Alphonse Montecarlos!"  Umirap ang aking secretary. 

"Someone who lack of sleeps is terrible. And you looked terrible." Ani ko. 

"You bullying me again, I hate you, couz!" reklamo na niya. Mas sumama lang ang kaniyang mukha dahil hindi man lang nagbago ang ekspresyon ko.

Hindi ko na pinansin ang pagaalburoto niya't dere-deretso lang papuntang swivel chair ko. Pagdating ko doon ay naroon na nga lahat ang mga inutos ko. Pati ang aking suit na susuotin mamaya para sa meeting na dadaluhan ko. 

"Alam mo, may babae na naman pumunta dito." biglang sabi ng aking pinsan na secretary ko rin.

As usual, hindi buo ang araw ng secretarya kong pinsan kung hindi tsumitsismis. 

"At sino na naman 'yan?" kinausap ko nalang at baka pagkamalan pang baliw.

"Nagpasa ng requirements—" 

Hindi pa naman niya natatapos ang sinasabi'y agad ko na siyang pinutol. 

Masama ko siyang tiningnan, "We are not recruiting people. Our office is full for new employees, bakit ka tumatanggap ng mga bagong empleyado!?" sigaw ko. 

"E, hindi naman trabaho ang hanap!" Tugon niya. Nakasimangot na.

"Ano?" 

"Requirements application for being a wife of Alphonse Montecarlos." Unti-unti siyang napangiti sa sinabi. 

Damn. 

"Alam mo, dumadagdag ka lang sa iniisip ko e." kinuha ko ang throw pillow sa sofa sa aking opisina at binato sa kaniya.

Tumawa siya bago sinalo ang unan, "I'm not. Malay ko bang pati pagiging asawa mo'y 'di requirements na." 

"Umalis ka na nga lang! Sabihan mo nalang ako kapag magmemeeting na." taboy ko sa kaniya.

"Babyeee, moody kong pinsan!" Paalam niya. 

"Babye, panget kong pinsan." Tugon ko rin.

"Hoy, andami kayang nagkakandarapa sa pinsan mong ito tapos sasabihan mo lang nang panget!"

Hindi ko na siya pinansin pa't naupo na sa aking swivel chair. Tsineck ko ang mga dokumento sa aking lamesa. Marami-rami rin ito dahil sa ilang buwan na din simula nung umalis ako.

Paminsan-minsan din daw ang mga pinsan at pamilya ko dito para mag manage at kamustahin ang aking kompanya. Sakop rin naman ito ng family business namin kaya may share din sila dito katulad ng kaibigan ko. Paminsan-minsan sila dito para hindi na ako mahirapan dahil nga naka leave ako.

Ngayon lang naman ako nagkaroon ng time para sa sarili ko. Nung mga nagdaan na taon kasi, halos bahay at opisina lang ako. Minsan din inaaya ako ng mga pinsan at kaibigan kong magsaya sa mga clubs at bar pero hanggang doon nalang ako. 

Sakto naman nung natapos na ako sa ginagawa ko ay ang pagpasok naman ng aking sekretarya para tawagin na ako. Tumayo na ako at nagpalit ng aking damit na pormal. Isang beses ko pang tiningnan ang aking sarili sa cr ng aking opisina bago tuluyang lumabas at tinungo ang lugar kung saan kami mag me'meeting. 

"Sorry, I'm late." Ani ko ng makapasok. 

Nakita ko ang dalawang investors na naghihintay na sa akin sa mahabang lamesa. Tumayo naman sila at magalang akong sinalubong. 

"It's okay. I'm Samaniego and this is my wife, Samaniego." 

"I'm Alphonse Montecarlos... so let's begin?" Tumango ang matandang lalaki at umupo na ulit sa kanilang kinauupuan. Ganun din naman ang ginang. 

We talk about the services that may business gives and etc. Isa sila sa mga lumapit sa amin para maginvest sa aming business project na gaganapin sa susunod na buwan.

Isa na siguro sa pagiging isa sa mga sikat na company ang dahilan kung bakit sila na mismo ang lumalapit sa amin para mag invest. Kapangyarihan ang isa rin sa dahilan kung bakit gusto nila ako maging partner sa negosyo. Madalas ganun. 

Iyon naman ang habol ng ibang mga business man sa akin e, minsan nga gusto lang makipag'partner sa akin para lang sundin 'yung brat nilang anak at pilitin akong ipakasal sa mga iyon.

Ayoko nang ganun, magpapakasal ako sa taong mahal ko na walang halong negosyo. Hindi ako magpapasakal sa ibang babaeng wala naman akong nararamdaman.

It's a deal. Successful at maganda ang naging presentation ng aking empleyado kaya mas nagustuhan at approved agad ito ng mag-asawang Samaniego. They are well-known for being a billionaires in whole Asia. Wala yatang mga negosyante ang hindi pa nakakakilala sa kanila, ni maskin ako nagulat pa nung personal pang tinawagan 'yung secretary ko para lang makipag appointment.

"It's a honored to work with you, Mr. Alphonse Montecarlos. Manang-mana ka sa ama mo." napangiti ako at tumango.

"Thank you," Inalay ko ang aking kamay para makipagshake-hands. Nang makita niya ito'y agad naman tinanggap ang aking kamay.

"My daughter like you a lot. Do I expect blind date with you?" Biglang sabi nang babaeng Samaniego na hindi na ako nagulat pa. As usual.

"I'm taken, Madame." Tipid kong ngiti. 

Kung nandito lang 'yong babaeng iyon. Baka kanina pa ako sinapok. Ako, magkakagirlfriend? Sumagi sa isip ko ang nakangiti at mukhang anghel nung una kong nakita siyang nakahiga sa dalampasigan. 

"Oh, really? Sayang naman. Idol na idol kapa naman ng anak ko. Akala ko pa naman pwede ka pa. Taken na pala." May bahid nang lungkot ang kaniyang mukha.

"Love naman, huwag natin ipressure si Alphonse. Kung gusto mong ipakilala ang ating anak sa kaniya, huwag sa paraang parang gusto na natin agad idate ng anak natin si Alphonse. Gusto ko pa rin 'yung taong aalagaan ang anak ko hanggang huling araw niya." ani ni Mr. Samaniego.

Napangiti ako. Hindi ko aakalain sa kaniya mismo iyon mangagaling.

"Kahit na, parehas naman tayo ng gusto. Ang akin lang, mas magandang makilala pa ng lubusan ni Midnight si Alphonse at hindi puro mga naririnig lang niya sa ibang tao ang laman ng isip niya, as well as, makilala ni Alphonse ang ating anak. Hindi ba maganda iyon?" 

"Maganda iyon, Love, but alam mo naman ang isang iyon..." makahulugang nagpalitan ng tingin ang mag-asawa. 

Hindi ko alam kung anong pinapahiwatig nilang dalawa. Sa tininginan palang nilang dalawa'y parang mayroon silang bigat na dinadala.

I signed. Anong pake mo sa kanila, Alphonse? Buhay nila 'yan, labas kana doon.

"Hays, may magagawa pa ba ako? Ang overprotective mo kasi sa anak natin." Naiiling siya bago ako muling nilingon. "Pasensya kana...but I hope you will know my daughter. She's a abid fun." 

Magalang akong ngumiti at bahagyang yumuko, "I will..." 

Nang tawagin na sila ng kanilang sekretarya para umalis na ay iyon naman ang naging hudyat ko para makatakas. Pagdating ko sa opisina'y napabuga ako ng malalim na hininga at pabagsak na umupo sa aking swivel chair. Ipinikit ko ang aking mata.

Magkakasakit pa yata ako.


Itutuloy. . .


Olvasás folytatása

You'll Also Like

932K 32K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
824K 38.7K 29
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...