Vampire's Menu

By bleedforsilver

3.7K 396 27

Primrose, an orphan and an average high school student, faces eviction from her apartment and finds herself h... More

Prologue
Chapter 1 Welcome
Chapter 2 Security
Chapter 3 Beauty
Chapter 4 Rules
Chapter 5 Rage
Chapter 6 Thirst
Chapter 7 Purple
Chapter 8 Prince
Chapter 9 Dance
Chapter 10 Hypnotism
Chapter 11 Doubt
Chapter 12 Death
Chapter 13 Kiss
Chapter 14 Subtle
Chapter 15 Roulette
Chapter 16 Answer
Chapter 17 Favor
Chapter 18 Feelings
Chapter 19 Tension
Chapter 20 Admirer
Chapter 22 Cake
Chapter 23 Vandivic
Chapter 24 Relief
Chapter 25 Fireflies
Chapter 26 Stolen
Chapter 27 Cousin
Chapter 28 Lielow
Chapter 29 Submission
Chapter 30 Choice
Chapter 31 Pain
Chapter 32 Deal
Chapter 33 Spy
Chapter 34 Threat
Chapter 35 Lost
Chapter 36 Arena
Chapter 37 Torture
Chapter 38 Escape
Chapter 39 Fate
Chapter 40 Covenant
Chapter 41 Key
Epilogue

Chapter 21 Decision

46 7 0
By bleedforsilver

Trojan's pov

"TROJAN, anong nangyari?"

"Hindi mo na magagamit ang kwartong yan. Dahil nagquit na si Clev."

"Huh?" mangha siya, "S-seryoso ka ba?"

"Ngayon papapiliin kita, kung kaninong kwarto ang gusto mo.. sa mga natitirang butlers?"

"T-tuloy pa rin?"

"Oo.."

"Pero kung nagquit na si Clev, hindi ba talaga non mababago ang roulette? Ano bang sabi ni Gunther?"

"Kinausap ko na siya. Ayaw niyang pumayag."

Nalungkot siya.

"Kay Empire, Ross, Tangent, o Indigo? Kaninong kwarto ang gusto mo? Nakilala mo na sila, madali na lang sa'yo ang pumili."

"Wala na si Clev, hindi ba akong pwedeng umalis na lang? Kumpara sakanya, hindi naman siguro gagawin ng iba ang ginawa niya. Hindi sila papatay ng ibang tao nang dahil sa'kin."

"Mali ka, kaya rin nilang gawin yon."

"Pero.."

"Pumili ka na lang."

"Si Empire." diretsa niyang sabi.

Natigilan ako nang sabihin niya yon nang walang pag-alinlangan. Halatang magaan ang loob niya rito.

"Ihahatid na kita sa kwarto niya." iwas ko ng tingin.

"Ang mga gamit ko?"

"Kayang palitan ni Empire lahat ng yon."

"T-teka ang ibig mong sabihin wala na yong mga gamit ko?"

"Nakalock na ang kwarto. May nakita ka bang gamit mo sa labas? Malamang wala na yon."

"Ganon lang kadali sa inyo na gawin yon?"

"Prim, hindi ordinaryong vampires ang mga kasama mo. They can afford and give you anything."

"Hindi ako makapaniwala."

"Matagal ka na rito pero kung umakto ka parang bago lang sa'yo ang lahat."

Habang naglalakad nakasalubong namin si Indigo.

"Hi.." nakangiting bati nito.

"Hello.."

"Kamusta ang sprain mo?"

"Ah, okay na. Hindi na siya gaanong masakit."

"That's good."

"Ikaw, magaling na ba ang sugat mo?"

"Sa totoo lang hindi pa pero hindi naman problema yon. You don't have to worry."

"Totoo pa lang delikado ang Silver bullet sa inyo."

Hindi umiimik si Trojan.

"Yeah it's something that we Vampires can't tolerate. Anyway, may gagawin pa ako. Marami tayong VIP ngayong gabi. See you later.."

Nilagpasan na niya kami.

"Bakit ganon? Hindi pa rin gumagaling ang sugat niya? " tanong ko kay Trojan.

"Ilang araw na siyang hindi umiinom ng dugo. Normal lang na manghina siya."

"Dahil sa roulette?"

"Mismo."

"Nagtitiis sila para lang sa larong yon?"

"Hindi na lang yon laro para sakanila. Naging tradisyon na rin yon ng Cafe. Isa pa hindi na lang ang ownership ang pinaglalabanan nila pati na rin ang ego nila bilang vampires."

"Kahit na.."

"Vampires kami Prim paulit-ulit ko bang dapat ipaalala yan sayo? Kahit kailan hindi mo maiintindihan kung paano kami mag-isip."

"Sabagay."

Hinawakan niya ang kamay ko. Pilit na ngiti ang isinagot ko sakanya.

      NAGPATAWAG ng meeting si Gunther nang gabing yon. Sama-sama sa opisina niya sina Clev, Ross, Tangent, Indigo, Empire at Trojan.

"Hindi ko inaasahan na mauuna ka pang magquit Clev?" saad ng kaibigan nitong si Tangent.

"Ayokong aksayahin ang oras ko sa boring na babaeng yon." sagot nito.

Natawa si Ross. "Boring ba talaga siya?" Ngisi nito.

"Kung ako ang tatanungin.." agaw muli ni Tangent, "Hindi naman siya boring, ang cute nga niya eh. I like her curiosity alot."

"Hindi ko pa siya naidi-date pero sumasang-ayon ako kay Tangent. May special kay Prim na wala sa mga dati nating muse." Indigo, "She didn't even bother taking care of me nong nasugatan ako.."

"Bakit hindi natin tanungin si Trojan? Mas malapit siya kay Prim.." nang-aasar ang tono nito.

Napatingin silang lahat sa binata.

"S-simple lang naman talaga siya at boring, ano pa bang gusto nyong marinig?" sagot niya.

"Labas sa ilong ah?" Empire, "Parang ikaw mismo hindi kumbinsido sa sinasabi mo.."

"Para san ba ang meeting na 'to?" Inis niyang dagdag.

"Gusto ko lang na linawin natin ang sitwasyon." Sagot ng kapatid niya, "Dahil nagquit na si Clev, kailangan kong malaman ang opinion nyo."

"Sa totoo lang kakaiba na ang ikinikilos ni Prim.." Tangent.

"Hindi yon nakakapagtaka dahil aware na siya na laro lang ang lahat." si Empire.

"Ano?" si Clev.

"Alam na niya?" Ross.

"Kaya pala ang weird ng mga tanong niya." Tangent.

"At least mas exciting diba?" si Indigo.

"Malinaw na hindi lang butlers ang nagviolate, pati ang host." tingin ni Gunther kay Trojan, "Sinabi niya sa muse ang nangyayari."

Tiim-bagang na nag-iwas siya ng tingin.

"Dahil alam na niya, mayron tayong dalawang choices. Una burahin ang alaala niya or patayin siya."

Napatayo si Trojan sa sinabi ng kapatid.

"Hindi nyo pwedeng patayin si Prim!"

Nagkatinginan ang butlers.

"Against din ako dyan.." salo ni Empire.

Tumango si Tangent, "Hindi rin ako papayag na patayin siya agad."

"Nakakapanibago ang mga reaksyon ninyo." si Gunther.

"Nagquit ako dahil hindi ko rin siya kayang patayin, hindi rin sang-ayon." Amin ni Clev, "Masyado siyang.. basta.."

"Para sakin, maaga pa para patayin siya." Salo ni Indigo.

Nakahinga ng maluwag si Trojan. Dahil kinampihan siya ng mga butlers.

"Talaga bang lumambot na ang mga puso nyo?" Mangha si Gunther.

"Kaya nga itigil mo na 'to!" banat ni Trojan.

"Im sorry Trojan, pero interesting para sa'kin ang set-up na ganito." protesta ni Empire.

"Yeah, mas curious na ako sa pipiliin ni Prim." Tangent, "At sa magiging dahilan niya.."

"Same here.." si Ross, "Like what Indigo said, mas exciting ang mga nangyayari." ngisi nito, "Isa pa hindi rin ako papayag na mamatay si Prim. Mas gusto kong ako ang gagawa non.."

"Meaning to say, lahat kayo ay pabor pa rin na ituloy ang roulette kahit alam na ni Prim?" Gunther.

Nagtanguan sila.

Wala nang nagawa pa si Trojan sa naging takbo ng usapan. Sa huli kahit nagquit na si Clev tuloy pa rin ang roulette at sa tingin niya mas lalung naging motivated ang mga ito.

"And we don't need to erase her memory aswell," dagdag pa ni Ross, "Mas may thrill na alam niya ang lahat."

Prim's pov

      "NAGUSTUHAN mo ba ang kwarto?" Bungad ni Empire nang pagbuksan ko siya.

"O-oo. Medyo nakakapanibago lang."

Puno ng mga balat ng hayop ang kwarto niya kaya hindi ko maiwasan makaramdam ng takot. Pakiramdam ko kasi may buhay ang mga yon.

"Hindi ko hobby ang mangolekta ng mga balat ng hayop. Binili ko lang ang mga yan para sa kwartong 'to." paliwanag niya.

"Si Pegasus? Nabawi na ba siya?"

"Sad to say, but no. Sa ngayon wala akong ideya o impormasyon sa kung sino ang mga kumuha sakanya."

"Pero bakit? Ang sabi mo pinakapaborito mo siya?"

"Mapapahamak ang mga tao sa farm kung magpipilit ako. Sigurado namang babalik sila kung makuha ko si Pegasus."

Naramdaman ko ang sinseridad niya. Wala pa akong nakitang masama sa ugali ni Empire kaya hindi ko maiwasan ang lihim siyang hangaan.

"Para sa mga tauhan kaya isinacrifice mo na siya?"

"Madali lang naman sakin ang maghanap ng kapalit niya. Sabihin nalang natin na, balato ko na siya sa mga gunggong na yon."

"Hindi ka ba nag-aalala sa pwede nilang gawin kay Pegasus."

Umiling siya.

"Dahil sa pera kaya siya kinuha, ibig sabihin ibebenta nila si Pegasus o maaring ipapa-auction. Tiwala akong maayos ang mapupuntahan niya kapag binili siya ng isang mayamang vampire dahil hindi naman siya ordinaryong kabayo."

Kita ko pa rin ang lungkot sa mga mata niya.

"Pwede mo namang sabihin sakin na malungkot ka sa pagkawala niya. Hindi mo kailangang magpanggap."

Natawa siya, "Imposibleng nababasa mo ang mga mata ko?"

"Halata namang kabaliktaran ng sinasabi mo ang nilalaman ng puso mo."

"Ayokong magmukhang talunan."

"Kung itatago mo lang yan mas lalo ka lang magiging talunan dahil hindi mo kayang magpakatotoo sa feelings mo."

Bigla niya akong niyakap.

"E-empire."

"Ang totoo, naiinis ako sa sarili ko." humigpit ang yakap niya sakin, "Dahil wala ako ng mga oras na yon.."

"Sabi ko na nga ba.."

"Baby pa lang si Pegasus nung dumating siya sa farm. Ako na ang nagpalaki sakanya. Alam kong hayop lang siya para sa iba pero naging malapit siya sa'kin, hindi lang bilang alaga at kaibigan kundi para na ring pamilya." may hinanakit sa tono niya.

Kahit hindi ko siya nakikita alam kong lumuluha siya.

"Okay lang yan, hindi mo kailangang pigilan ang sarili mo.." pispis ko sa likod niya.

Hindi pa kami gaanong close ni Empire pero sakanilang lahat, mas magaan ang loob ko sakanya. Siguro dahil mas may sense siyang kausap at hindi lang puro pagpapa-impress.

"Salamat, but please don't tell anyone about this." bulong niya sa tainga ko.

"Naiintindihan kita.." sagot ko, "Sana maging okay ka na pagkatapos nito."

Kakawala na sana ako sakanya pero hindi niya ako binitawan.

"Ah, E-empire.." nailang na ako sa yakap niya.

Naramdaman ko na rin kasi ang ilong niya sa leeg. Nawala sa isip ko na vampire siya.

"I can't let you go."

"T-teka, h-hindi na kasi ako makahinga." halos pigain na niya ako sa yakap niya.

Nagpumiglas pa rin ako. Bumagsak ako sa kama ng bumitaw siya. Kinabahan na ako nang makitang nag-iba na ang kulay ng mga mata niya.

"Prim.." napalingon ako sa nakabukas na pinto.

Napahinto naman siya at nagtakip ng mukha.

Mabilis na pumasok si Trojan at hinila ako mula sa kama.

"I-ilabas mo na siya!" nahihirapang sabi ni Empire, "Urrghh!" talikod niya sa'min.

Bago kami makalabas na dalawa ay nakita ko pang napaluhod si Empire habang takip-takip ang bibig.

"Ano namang ginawa mo?!" asik sakin ni Trojan ng makalayo kami.

"W-wala?"

"Anong wala? Kung hindi ako dumating nasakmal ka na ni Empire. Hindi siya magkakaganon ng wala kang ginagawa!"

"P-pinag-uusapan lang namin si Pegasus tapos.. niyakap niya ako, kayaㅡ

ㅡKailan ka ba matututo? Kailan mo itatak dyan sa isip mo na vampire ang mga kasama mo rito?!"

"N-nawala lang sa isip ko kasi alam kong malungkot si Empire."

"Hindi mo na problema kung malungkot sila. Sarili mo ang isipin mo! Uhaw sa dugo ang mga yon. Alam mo naman diba? Kapag natrigger sila hindi ka na makakalaban. At hindi sa lahat ng oras masasagip kita!"

Nagbaba ako ng tingin.

"Sumama ka sakin."

"S-san tayo pupunta?"

"Dun ka sa bahay matutulog."

"O-okay lang ba yon sakanila?" alala ko.

"Wala na 'kong pakialam!"

Napasunod nalang ako sa hila niya.

Prim's pov

NAGLABAS ng portable bed si Trojan.

"Sorry ulit."

"Hindi maililigtas ng sorry ang buhay mo." galit pa rin siya.

"Aw! Aw!" tila sang-ayon naman sakanya ni Purple.

"Sige lang magkampihan kayong dalawa." Kunyari tampo ko.

"Pagsabihan mo nga yang babaeng yan, Purple. Masyadong pabaya.." sakay niya.

Nagtatahol naman ito sakin na para bang naiintindihan ang sitwasyon.

"Buti pa yong tuta marunong umintindi."

"Bakit ba palagi ka nalang highblood sakin?" Puna ko.

"Bakit hindi?"

"Nakakainis ka!" nguso ko, "Simula nong nagpunta tayo sa mansion ni Empire mas lumala ka na."

"Anong gusto mo matuwa ako sa kat*ngahan mo?"

"N-nakakasakit ka na ha?! Ganyan rin ang sinabi mo sakin sa Villaㅡ napatutop ako ng bibig nang maalala ang ginawa niya.

Natigilan naman siya na tila naalala rin ang nangyari.

Katahimikan.

"W-walang lang yon." namumula niyang sabi, "Ikaw kasi, hindi ka nag-iingat! Itatali mo nalang ang robe mo di mo pa nagawa agad, eh di sana hindi ko makikita-

-Hoy!" napatayo ako, "A-aksidente yong nangyari! Ikaw 'tong tumulak sakin papasok sa banyo tapos ako sisisihin mo?" itinago ko ang hiya.

"Wag ka kasing nanunukso-

Binato ko siya ng unan.

"Ano ba?!" angal niya.

"Ang dami mong sinasabi!"

"Isa pa, papatulan na kita." banta niya.

Hindi ako nakinig at binato sakanya ang pinakamalaking unan na nahagip ko. Pagkatapos bigla na lang niya akong sinugod.

"Ang daya mo?!" sigaw ko nang ipako niya ang kamay ko sa sofa.

"Ikaw lang ang nagpahirap ng ganito sa'kin Prim, alam mo ba?" may gigil sa tono niya.

"Tama na.." pagsuko ko, "Hindi na kita kukulitin."

"Give me one reason para pakawalan kita."

Napalunok ako sa titig niya. Nahihirapan tuloy akong huminga.

"T-trojan.."

Tuluyan niya akong pinatahimik sa pamamagitan ng labi niya. Napakuyom palad nalang ako dahil hindi niya pinakawalan ang mga braso. Kung hindi ko lang siya gusto nasipa ko na siya. Sinasamantala naman niya ang kahinaan ko.

"Ummpp.." napaungol nang kagatin niya labi ko.

Napahinto siya. Nakatulala lang ako sakanya dahil naiilang akong kumilos.

"Kapag hindi mo 'ko pinigilan, kakagatin na talaga kita.."

Hindi ko alam kung banta pa ba yon o humihingi na siya ng permiso.

"Eh di kumagat ka?" hamon ko.

"Aish.." bumangon siya at bumitaw sakin, "Bakit ka ba ganyan? Ni hindi ka man lang pumalag?"

"Okay lang naman kasi sa'kin.." umayos ako ng upo.

"Kapag sumobra ako, kawawa ka."

"Konsensiya mo na yon."

"Pero.." napalunok siya, "Talaga bang hindi mo 'ko pipigilan?"

"Hindi."

Nakita ko siyang nagkuyom palad saka ako muling tinulak pahiga.

"Pasaway ka talaga.." bulong niya.

Tuluyan ko siyang nasambunutan nang sumunggab siya sa leeg ko. Naging mabilis ang pagturok ng pangil niya. Hindi ko maitatanggi na kahit masakit gusto ko ang kagat niya.

"Ughh." Singhap ko sa magkahalong sakit at kiliti, "T-Trojan.."

Lagok ang isinagot niya sa'kin.

Ilang minuto rin ang itinagal non bago siya tumigil. Tinapik niya ako sa pisngi dahil nanlambot na ako.

"Prim.."

"Hmm."

"Sige, magpahinga ka na." halik niya sa noo ko.

Continue Reading

You'll Also Like

6.6M 233K 96
Grimrose Series #1 (Story completed) Grimrose City. A city where beings from the Underworld secretly live among humans. Shana Rey Brea and her family...
166K 4.5K 37
We want to have a better life, but this girl is different. A girl who pretend to be poor but we know that she has a reason. But the question is, wha...
2M 46.6K 53
Iiwan nya talaga ako? Nainis talaga sya sakin gusto ko naman makipag date eh. Baka lang may Quiz talaga. "Hubby? Hubby whaaaaa... ayoko na sayo!!!" ...