One Shot Stories Compilation

By Abriannarainejuliet

1.5K 0 0

This story is maybe cliche for others, but I wrote it because it was in my imagination, and I wanted to write... More

Disclaimer
A Broken Family
A Bad Dream That Came True
Die In The Sea
Heartless Mom
Pranking My Professor
No Bestfriend Is Permanent
IDOL
Silent Love
The Writer's Story
I Stop Loving You
Bully A Nerd
Internet Love
Fall Out Of Love

I Hate You, Daddy!

86 0 0
By Abriannarainejuliet


I hate you daddy but it doesn't mean I don't love you, I hate you but I love you!

**
Jamairah Ramirez pov

" Ilang buwan lang namatay si mommy dad, pero may bago ka na agad." May hinanakit na sabi ko sa kaniya.

"Bakit ang dali dali mong palitan si mommy?" Tanong ko sa kaniya.

"Jamairah!"

"Oh bakit, totoo naman ah"

"Ganon ganon na lang ba yon? Minahal mo ba talaga si mommy dad kasi kung minahal mo talaga siya, hindi mo agad iyon basta basta mapapalitan?" Hindi ko man siya gustong pagdudahan, pero siya na rin mismo ang gumagawa ng rason para pagdudahan ko siya sa pagmamahal niya kay mommy.

Napatingin ako sa bagong babae niya na nakakapit sa kaniya at unti unti binaba ang tingin sa umbok na tiyan niya.

"Anong ginawa mo kay daddy ha?, anong ginawa mo sa kaniya, siguro nilandi mo at inakit, nagpabuntis ka pa talaga, para an-?"

Naputol ang aking sasabihin ng may isang kamay ang dumapo sa aking pisngi ikinatabingi ng ulo ko. Natulala ko at labis na nagulat. Hindi ako makapaniwala na nagawa akong sampalin ni daddy dahil sa bagong babae niya. Hindi kayang ipropreso sa utak ko iyon. Ingat na ingat sila sakin mula pagkabata, lalo si daddy. Ni paluin ako hindi ko yon naranasan mula sa kanila tapos ngayon, ngayon nagagawa niya na kong saktan.

"Jack!" Biglang sigaw ng bagong asawa niya sa kaniya, pati siya nagulat rin sa ginawa ni daddy.

"Hindi mo dapat ginanon si jamairah, ano ba!" Ngunit hindi siya pinansin ni daddy.

"Sumusobra ka na, Jamairah."

Pagak akong natawa at nagbadya ring tumulo ang luha ko.

"You- you slap me." Wika ko. "You slap me, pero noon, kahit lamok ayaw mong padapuin sakin, tas ngayon, ngayon nagagawa mo ng padapuin ang iyong kamay sa pisngi ko." Doon mas lalong bumuhos ang luha sa mata ko at naiyak. Ang hindi niya kailan man ginawa, ngayon nagawa niya. Nagawa niya.

"Kaya mo pala yon gawin dad?" Nanunuya na saad ko sa kaniya.

"Anak.." Ng mapagtanto niya siguro ang kaniyang ginawa.

"Sorry, sorry nadala lang si daddy, anak hindi ko sinasadya-" Akmang lalapit siya sakin pero lumayo agad ako.

"I hate you! I hate you, daddy!" Diretsong saad ko. Gumuhit ang sakit sa mukha niya, Hindi ko siya gustong saktan sa totooo lang, kusa nalang iyon lumabas sa aking bibig.

"But it doesn't mean I don't love you, I hate you daddy but I love you !" Gusto ko pa sanang idugtong iyon pero walang lumabas sa aking bibig.

"Jamairah Anak-"

"You change," Umiiyak na saad ko.
"Hindi na ikaw ang daddy ko. Ibang iba siya sayo. Ang daddy ko kasi hindi siya nanakit, hindi siya nananakit, hindi katulad mo na...nananakit." Nangilid ang luha sa pisnge niya.

"Anak, Ako parin to. Ako parin ang daddy mo, anak ko."

Umiling ako bago tumakbo paalis, takbo lang ako ng takbo na di ko inalintana ang pagod. Namalayan ko nalang na sa park ako dinala ng mga paa ko kung saan maraming bata ang naglalaro halata sa mukha nila ang sobrang kasiyahan na nararamdaman, na paglaki hindi na nila minsan maramdaman ang ganoong kasiyahan. Tumigil ako at umupo sa may bench saka tuminggala sa kalangitan habang hinahayaan na umagos ang luha sa aking mga mata. Bumabalik na naman yong lungkot at sakit. Halo halo, nong nawala si mommy, totoo pala na pag hindi ka pa nakahilom sa nakaraan dala dala mo parin siya sa kasalukuyan. Dumagdag ba iyong kay daddy at sa bagong asawa niya.

**

Hindi ko maiwasan na hindi mainggit habang patago na tumatago sa may pader na pinagmamasdan silang tatlo. Ang saya saya nila. Hinahabol ni daddy at nang bagong asawa iyong batang babae na anak nila. Matagal ng nakapanganak ang bagong asawa ni daddy at talagang kamukhang kamukha ni daddy ang bata, may pag ka mini version ko rin siya noong bata pa ako, Medyo kaunti lang ang hawig doon sa bagong asawa niya.

Nanikip ang aking dibdib at namalayan ko nalang na may tumulong luha sa pisnge ko. Sobrang sakit palang makita yong daddy mo na may bagong asawa't anak tapos yong dati na nilalaro niyo noon, ngayon nilalaro na ng iba.

"Anak!" Mabilis nakong tumalikod at nagtakbo palayo ng makita niya ko sa ganoon, ito naman lagi ang ginagawa ko eh sa tuwing pinagmamasdan sila ng patago, minsan nakikita at minsan naman hindi.

Hindi pa sa ngayon pero alam ko na dadating ang araw na matatanggap ko rin sila ng bukal sa loob ko.

**

"Jama!"

Napatigil ako sa paghuhugas ng mga pinagkainang plato ng tawagin ako ni ate jel, Isa sa mga dahilan kong bakit buwan buwan nakakatanggap ako ng pera.
Hindi ko kailanman ginagamit ang bank acct ko.

"Ano po iyon?" Tumingin ako sa kaniya.

"May naghahanap sayo sa labas." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Sino daw po ate jel?" Nagtataka na tanong ko. Ito ang una na may naghanap sakin. Sino naman kaya iyon?

"Hindi ko lang natanong ang pangalan."

"Sige ate jel, salamat!" Ani ko. Nagpunas muna ako ng kamay bago hinubad ang apron at nakayukong naglakad. Palaisipan sakin kung sino nga ba ang taong naghahanap sakin? Anong kailangan niya?

Nang nasa tapat na'ko ng pinto nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

"Anak!"

"Daddy!" Gulat na sambit ko saka mabilis na lumapit sa kaniya. "Anong ginagawa mo rito?"

"Bumalik ka na samin, please anak." Nagsusumamo na aniya sakin.
"At patawad, patawad sa nagawa ko anak, hindi naman iyon sinasadya ng daddy. "

"Daddy!" Inis na wika ko. "Nawala lang ako bakit mo na pinababayaan ang sarili mo?"
Tumulo ang luha sa mata ko, parang may tumusok na kutsilyo sakin ng pinagmasdan ko ng mabuti ang kanyang itsura. Mahaba na ang kaniyang buhok. Mapapansin ang itim sa ilalim ng mata na halatang walang maayos na tulog. Mugto rin ang mata. At mayroon na siyang balbas. Alam kong dahil sakin kaya napapabayaan na niya ang kanyang sarili. Oo nga't nariyan ang bagong asawa niya to take care of him pero kilala ko ang daddy pag alam niyang nanakit siya, gusto niya ring parusahan ang kaniyang sarili.

"Matagal na kitang hinahanap anak pero nandito ka lang pala, please bumalik ka na samin anak."

Malaking tulong ang ginawa kong pagpakalayo layo dahil may napagtanto ako, na mali ang ginawa ko, sumobra nako. Dapat hindi ko ginanon ang daddy at ang bagong asawa niya.

Mahigpit ko na siyang yinakap, "I miss you daddy, Sorry sorry." At nagsimulang umiyak sa kaniyang bisig.

" I miss you to anak. Hush! Tahan na, it's okay, pasensya ka na rin kung nagawa kitang pagbuhatan ng kamay, patawarin mo ako anak. Hindi iyon sinasadya ng daddy." Naiyak na rin siya.

"Tsk, tama na nga ang drama dad." Ngiting saad ko at ako na ang kumalas sa pagkakayakap saka pinunasan ang luha sa aking mga mata.

"Tara na, siguradong matutuwa ang mommy't kapatid mo pag nakita ka nila."

"Tara na Mang Jun" Aniya sa driver ng makasakay na kami sa sasakyan at pinaandar na ito.

**
Pumasok na kami sa loob ng mansiyon.

"Hon? Jairah anak?" Tawag ni daddy.

Nilibot ko ang aking piningin sa buong paligid, wala paring pinagbago, nong umalis ako at bumalik ganoon ang itsura. Hanggang napadpad ang tingin ko sa malaking portrait namin na nakadikit sa wall. Napangiti ako ng makita iyon, Nakaupo si mommy't daddy sa mataas na upuan habang pinagigitnaan nila 'ko. Pero ang ipinagtataka ko kung bakit hindi ni tita inaalis iyon at palitan ng bagong portrait na silang tatlo.

"Daddy!" Napabaling ang pansin ko sa batang babae.

"Daddy, daddy you're here na po." Iniwan niya ang kaniyang paglalaro ng barbie doll sa may living room, ng makita niya si daddy kaya masaya siyang tumakbo rito at yinakap sa may binti tsaka bigla nalang itong pumalahaw ng iyak.

"Hush," Lumuhod si daddy para magkapantay sila pareho.

"Stop crying na anak," Pagpapatahan na ani ni daddy, saka pinunasan ang luha sa mata at binuhat.

"Ate?! Nanlaki ang kanyang mata ng makita niya kong nasa likuran ni daddy. Hindi niya siguro ako nakita kanina. Parang may kung ano sa puso akong naramdaman ng tawagin niya kong ate, ang sarap sa tenga pakinggan.

"Daddy, daddy Ate is here." Masayang aniya kay daddy.

"Yes anak, your ate is here!"

"Jairah, Why-" Biglang may lumabas sa kitchen.

"Mommy, mommy!" Umalis siya sa pagkakabuhat kay daddy at mabilis na tumakbo papunta kay tita.

"Mommy, Ate is here,my ate is here na. I have an ate.Yehey!" Masayang aniya at tumalon talon tsaka bumalik na sa kaniyang paglalaro.

"Jamairah!" Gulat na aniya ng makita niya ko, kaya dali siyang lumapit sakin at mahigpit akong yinakap.

"Bakit ngayon ka lang? Matagal ka na naming hinahanap. Masaya ako na narito ka na." Kumalas siya sakin.

"Hon!" At sunod niyang yinakap si daddy.

"Tara na, tamang tama at may hinanda akong pagkain sa inyo." Tumungo na nga kami sa dining area

"Kain lang jamairah." Ngiting saad niya. Sinimulan ko na nga ang pagkain.
"Medyo pumayat ka." Biglang wika niya. Napansin niya pala iyon, minsan sa sobrang busy sa trabaho nalilimutan ko ng kumain.

Inangat ko ang aking ulo at pasimplehang tiningnan si tita kaharap ko lang siya sa hapag kainan. Naguiguilty tuloy ako kasi sa kabila ng masasakit na salita na natanggap niya sakin, wala akong may narinig na masakit na salita galing sa kaniya ang bait parin niya samantalang ako ang sama sama ko. Sunod ko namang tiningnan si daddy na maganang kumakain. Ngayon ko lang ulit nakita sa mukha niya ang sobrang kasiyahan na magmula nong namatay si mommy bihira ko nalang iyon nakikita sa kaniya. Hindi dapat ako nagagalit kay tita dapat magpasalamat pa'ko sa kaniya dahil ng dumating siya sa buhay ni daddy nakita ko ulit ang kasiyahan roon.

"Ito pa oh!" Nilagyan niya pa ng maraming pagkain ang aking plato kasabay na doon ang eggs, longganisa, crabs, and shrimp na tinanggal ko rin.

"Allergy po ako diyan," Ani ko sa kaniya. Pareho kami ni mommy.

"Sorry!" Hingi na paumanhin niya, "Hindi ko alam."

"It's okay t-tita." Naiilang na ani ko at nginitian siya. Nanlaki ang mata niya at si daddy sa sinaad ko. Alam kong nagulat sila dahil kahit kailan hindi ko talaga tinatawag na tita siya, ngayon lang.

"Hon! Narinig mo yon, tinawag niya kong tita, tinawag niya kong tita hon!" Tuwang tuwang aniya kay daddy na sinuklian lang siya ng malapad na ngiti.

"Maraming salamat jamairah sa pagtanggap sakin at saiyong kapatid. Kuntento na'ko na tawagin mo'kong tita, okay na'ko sa ganoon."

Sa huli, unti unti ko ring natatanggap si tita sa buhay namin. Nakikita ko rin ang kabutihan na ginagawa niya samin na dapat noon ko pa nakita pero hindi ko iyon nakikita dahil natatabunan ng galit ang puso ko sa kaniya pati na rin kay daddy. Walang magandang maidudulot ang galit, bagkus sisirain ka lang nito, pati na rin ang mga taong nakapaligid sayo.

Continue Reading

You'll Also Like

68.5K 770 37
The cast of RWBY reacts to the Imperium of Man and all in the 41st Millennium where across the Stars, there is only...WAR Where Mankind fights agains...
413K 55.4K 142
ပြန်သူမရှိတော့ဘူးဆိုလို့ ယူပြန်လိုက်ပြီ ဟီးဟီး ဖတ်ပေးကြပါဦး
33.4K 3.2K 41
ត្រឹមជាក្មេងប្រុសថ្លង់ស្ដាប់មិនឮម្នាក់ អាចធ្វើឲ្យបុរសមានអំណាចធ្លាក់ចូលក្នុងអន្លង់ស្នេហ៍បានយ៉ាងងាយ... 5.30.24❤️
190K 2.2K 52
I actually haven't posted a book on wattpad in about 2 yrs so gimme a break if it isn't good 🏃‍♀️ But most are smut so be ready and idc if u vote ju...