Once Upon A Book

Galing kay phoeberryah

118 0 0

They first met at the library. Will this place also be their last moments together? Higit pa

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48

Part 28

1 0 0
Galing kay phoeberryah

Last day na namin ni Dusk sa Baguio. Nag-extend kami ng one day pa at buti na lang pwedeng mag-extend ng one night dito sa condo.

Inayos na namin ni Dusk ang mga gamit namin. 

Sinuot ni Dusk ang binili niya sa ukay-ukay at ganoon din ako.

Parehong colorful ang suot naming damit. 

Maaga ulit kaming gumising ngayon. 6 AM ay nag-alarm na ako para mapuntahan namin lahat ng naplano ko.

"Let's go?" Tanong ni Dusk nang matapos kaming mag-ayos.

"Yup." Sabi ko habang dala-dala ang bag.

Nag-commute kami papunta sa Mines View Park. 7 AM kami nakarating dito.

Mines View Park

(credits to the owners)

Pagkarating namin doon ay wala pa masyadong tao. 

Maganda tingnan ang araw dahil hindi pa ito ganito kasikat. Nag-picture kami doon saka ninamnam ang maganda na view.

Sunrise at  Mines View Park

(credits to the owner)

"Ang sarap ng simoy ng hangin." Sabi ko.

"Pansin ko lang, mahilig ka sa nature lalo na sa simoy ng hangin." Sabi ni Dusk at tumango ako.

"Nare-relax kasi ako kapag masarap ang simoy ng hangin. Nakakapagbigay ito sa akin ng peace of mind." Sabi ko.

"Next time pala sa mga farm naman tayo magda-date." Sabi niya at napangiti ako.

Hindi ko namalayan na kinukuhanan ako ng stolen pictures ni Dusk habang nakatingin ako sa tanawin.

After almost an hour ay umalis na kami doon.

Ang sunod na pinuntahan namin ay La Trinidad Strawberry Farm.

La Trinidad Strawberry Farm

(credits to the owners)

Hindi dapat namin mamiss ang strawberry farm na ito.

Nang makapasok kami doon ay namangha ako sa taniman ng strawberry.

Sinabi ko na pipitas kami ng strawberries at binigyan kami ni Dusk ng tig-isang basket na lagayan ng strawberries.

Pumunta na kami doon sa may bunga na na strawberries at pumitas.

Tuwang-tuwa ako kasi may iilan na malalaki at maliliit na strawberries. 

Nang matapos ako makapitas ay lumapit ako kay Dusk. Marami rin ang napitas niya.

"Okay na iyan." Sabi ko sa kanya.

Pumunta na kami sa labasan para mai-pack ang strawberries na pinitas namin pagkatapos ay binayaran na rin ito.

"Ang dami nating nakuha!" Masayang sabi ko.

"Natuwa ka naman kakapitas ng strawberries?" Tanong niya at tumango ako.

Naggala pa kami around strawberry farm. May nakita kami na pasalubong center kaya pumunta kami doon at buli ng pasalubong. 

May souvenirs din kaya bumili na rin kami.

Pagkalabas namin dito ay may nakita kaming nagtitinda ng strawberry ice at strawberry taho. Since natikman na namin ang strawberry taho ay strawberry ice cream na lang ang binili namin.

Masarap ang strawberry ice cream nila. Tama lang ang tamis.

Nang matapos na kami ay pumunta na kami sa next destination namin.

Sa Baguio Botanical Garden ang next stop namin.

Baguio Botanical Garden

(credits to the owners)

Walang bayad ang entrance dito.

Pagkapasok pa lang namin ay malawak na garden ang pinasok namin.

Kung pwede lang tumira sa Baguio ay ginawa ko na dahil sa mga place na ganito.

Nag-pose ako para sa picture. Tuwang-tuwa ako kasi ang daming pwedeng libutin dito.

Nilibot namin ni Dusk ang garden for an hour. Nagpahinga rin kami in between.

"Next time na pupunta tayo ng Baguio ulit, sure ako na pupuntahan natin ulit ito." Sabi ko.

"Sige, libre ko naman ang date natin sa Baguio trip natin next time." Sabi niya at napangiti ako.

Dahil ako ang nagplano ng trip namin na ito, ako mostly ang nagbayad sa entrance fee, pamasahe at sa pagkain namin. Hati kami sa condo at hindi kasama ang dinner namin last time noong kumain kami ng streetfoods dahil nilibre niya ako.

Lunch time na kaya pumunta sa Ili-Likha Artist's Wateringhole. May kainan dito saka may malilibot kami dito after namin kumain.

Nang makarating kami doon ay hinanap namin ang kainan.

Nang mahanap namin ito ay umupo kami sa isang table doon at binigyan kami ng waiter ng menu. Nag-order kami ng pagkain for lunch.

Puro healthy, preservative-free, at organic ang pagkain nila dito. May cafe rin dito pero sa restaurant muna kami dahil gutom na kami.

Nang masabi namin ang orders namin sa waiter ay umalis na siya.

Nag-picture-picture kami habang hinintay ang pagkain namin.

Medyo malawak itong Ili-Likha Artist's Wateringhole.  Ang highlight nitong lugar na ito ay ang importance of preserving nature and culture through arts and food. 

Nang makarating na ang pagkain namin ay nagsimula na kaming kumain.

Masarap ang pagkain nila.

After namin kumain ay pumunta naman kami sa cafe. Bumili kami ng dessert and coffee at kinain ito doon.

Nag-picture din kami doon.

Nilibot namin ang Ili-Likha Artist's Wateringhole dahil maraming makikita dito.

Pagkatapos naming malibot ito ay pumunta na kami sa next destination.

Burnham Park 

(credits to the owners)

Nakarating kami sa Burnham Park.

Ang ganda ng park. Medyo marami ang tao ngayon kahit na tanghaling tapat. Malamig pa rin namin kahit na sikat ang araw.

Nilibot namin ni Dusk ito.

After thirty minutes, naisipan naming mag-rent ng bike kaya nag-rent kami. 

Burnham Park - Biycles

(credits to the owner)

Natuwa ako kasi may dalawahan na bike doon. Iyon ang pinili namin ni Dusk at nagsimula na kaming mag-bike.

Almost an hour kaming nag-bike ni Dusk around Burnham Park.

Masarap mag-bike dahil masarap ang simoy ng hangin.

Nang mapagod na kami kaka-bike ay binalik na namin ito.

Nag-picure kami sa Burnham Park. 

Umupo muna kami sa grass. Dala namin ang picnic matt kaya nilapag namin ito sa grass.

Bumili ng snacks si Dusk habang ako ay nakatingin sa lawa. May mga nasa paddle boats. Gusto kong i-try iyon kaso mamaya na kapag tapos na kami kumain ni Dusk.

Dumating na si Dusk dala ang snacks na binili niya.

"Bumili ka ulit ng strawberry taho?" Tanong ko.

"Oo. Dito lang natin matitikman ito kaya lubusin na natin." Sabi niya at tumango ako.

Nagsimula na kaming kumain.

Habang nakain kami, napansin ni Dusk na nakatingin ako sa mga taong nakasay sa boat.

"Gusto mong sumakay tayo doon mamaya?" Tanong niya sa akin at tumango ako.

"Sige, try natin mamaya after natin kumain." Sabi niya.

Nang matapos na kami kumain ay pumunta kami sa rentahan ng paddle boat.  

Burnham Park - Paffle Boat

(credits to the owner)

Thirty minutes for one hundred pesos ang ride sa paddle boat. Kami lang dalawa ni Dusk ang sumakay at nagsimula kaming mag-paddle.

Tuwang-tuwa ako kasi first time ko lang mag-paddle.

Tumigil kami sa may gitna ng lake at kumuha ng picture.

Pagkatapos ng thirty minutes ay bumalik na kami sa maraming paddle boats at binalik ito.

Naglibot pa kami sa Burnham Park at may nakita kaming go kart. Fifty pesos for thirty minutes kapag sasakay dito.

Tig-isa kami ni Dusk ng go kart at nagsimulang mag-drive.

Burnham Park - Go Kart

(credits to the owner)

Nakangiti kami ni Dusk sa isa't isa habang nagdri-drive ng go kart. 

Natatawa rin at the same time dahil napapaligiran kami ng mga bata na nakasakay ng go kart.

After thirty minutes ay bumalik na kami sa rentahan ng go kart para ibalik ito.

Hapon na at pupunta na kami sa last destination namin.

Nakarating kami sa Good Shepherd.

Good Shepherd

(credits to the owners)

Pumunta kami dito para bumili ng pasalubong.

Puro mga jam ang tinitinda nila.

Binili ko lahat ng jam nila at tig-iisa lahat ito para matikman namin nina mama at kuya. Ganoon din ang ginawa ni Dusk.

May sweets din doon kaya bumili rin kami.

Bumili ako ng extra ube jam para matikman ko ito mamaya.

Nang matapos na kami bumili ay tiningnan namin lahat ng binili namin kung kumpleto. Nang okay na ay umalis na kami dito.

"Hindi ako makapaniwala na uuwi na tayo." Sabi ko habang nasa byahe kami.

"May next time pa naman eh." Sabi ni Dusk.

"Sana mga one week ma-try kong magbakasyon dito." Sabi ko.

Nakarating na kami sa terminal ng bus.

Pumasok na kami sa bus pagkatapos namin pumila. 

Umupo ako sa tabi ng window. Ang lamig ng panahon dahil gabi na.

Dalawa ang sinuot ko na jacket dahil malamig na ang panahon tapos may aircon pa sa loob ng bus.

"Ano palang dinner natin?" Tanong sa akin ni Dusk. 

Naalala ko naman na bumili ako ng isang ube jam na kakainin namin ngayon kaya nilabas ko ito.

May binili rin akong tinapay.

"Itong ube jam. Kung gusto mo pwede kang mag-take out sa fast food na malapit dito. Nagpupunuan pa naman dito sa bus." Sabi ko.

"Sige magta-take out ako. Anong gusto mo?" Tanong niya sa akin at sinabi ko ang gusto ko.

Nang okay na ay pumunta si Dusk sa malapit na fast food restaurant na malapit dito sa sakayan ng bus.

Nang dumaan ang konduktor ay sinabi ko na bumaba ang kasama ko at bumibili lang ng pagkain. Tumango naman ito.

Nakita ko na mabilis na naglakad si Dusk papunta sa bus. Akala siguro niya iiwan na siya ng bus.

Hinihingal siya pagkarating sa gawi ko.

"Bakit ka nagmadali? Sinabi ko naman kay kuya na may binibili ka." Sabi ko.

"Baka iwan ako ng bus eh 'di nagutom ka." Sabi niya at natawa ako.

Umupo na siya at nagsimulang ilabas ng pagkain.

Nagsimula na kaming kumain.

"I-try mo itong ube jam sa tinapay. Masarap at tama lang ang tamis." Sabi ko at tumango siya.

"Sige mamaya pagkatapos ko kumain." Sabi niya.

Share kami sa fries na order niya. Malaki naman itong fries na in-order niya.

Umalis na ang bus at may palabas sa TV dito sa bus.

Filipino movie ito at nanood kami pareho ni Dusk habang nakain.

Nang matapos na si Dusk kumain ay tinikman niya ang ube jam sa tinapay.

"Masarap nga. Sakto lang ang tamis." Sabi niya.

"Hindi ba?" Sabi ko.

Nakaramdam naman ako ng antok after an hour ng byahe namin.

"Matulog ka muna. Ako ang magbabantay ng gamit natin." Sabi niya at tinapik ang shoulder niya.

Nilagay ko naman ang ulo ko sa balikat niya at pumikit na.

Hindi ko namalayan na two hours na pala akong nakatulog. Tinapik ni Dusk ang balikat ko.

"Celeste, gising na." Sabi niya.

Gumising na ako.

"Gusto mong mag-CR? Tumigil tayo sa may restrooms." Sabi niya at tumango ako.

"Ikaw muna tapos sunod ako." Sabi niya at pumunta ako ng CR.

Nang makabalik ako sa bus ay si Dusk naman ang pumunta sa CR.

Pagkarating niya ay may dala siyang snacks.

"Gutom ka na naman?" Tanong ko sa kanya.

"May nakita kasi akong manong doon na nagtitinda nito eh natakam ako saka paubos na rin naman ang binebenta niya kaya pinakyaw ko na lahat." Sabi niya.

"Gusto mo?" Tanong niya at kumuha ako ng isa sa mga binili niya.

Madaling araw na ng makarating kami sa aming bayan. Nag-commute pa kami diretso sa mga bahay namin.

"Thank you sa trip Dusk! Good night!" Sabi ko nang nasa tapat na kami ng bahay.

"Walang anuman! Good night! Sweet dreams!" Sabi niya at bumalik sa loob ng tricycle.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at nag-ayos.

Ang saya ng trip na ito sa Baguio! Isip ko at natulog na.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

77.4K 2.2K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
33.9M 672K 49
Published Under Summit Media (Pop Fiction) Are you prepared to fight for your own feelings for someone even though you know you can't? #BSS2
24.2M 708K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
4.5M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy