His HEART

By skycharm24

49.2K 1.6K 568

Troy Adrian is a responsible and ideal son. Mabait na kapatid, mapagmahal na Uncle sa mga pamangkin. He's sma... More

His Heart
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27

Chapter 13

603 36 7
By skycharm24

TROY ADRIAN

I was not surprised by my twin sister's reaction but it doesn't mean I'm fine with it. I know she can be difficult but I believe she will always choose my happiness kaya umaasa ako na sana in time she can be okay with me loving Claire.

" Marriage Ian, seriously? You just meet her, hindi niyo pa nga kilala nang lubos ang isat isa. Whats with the rush?" I breathe, ayoko sanang pag awayan pa namin ito.

Mom and Dad leave us para makapag usap kami. But I did expect this reaction from her.

" I love her Isabelle and I'm sure about this, pinag-isipan ko din naman ito bago ako nagdesisyon. I know in my heart that I want her in my life. I want to settle down with Claire. " umiling siya.

" How can you marry a person you barely know? For all we know pera lang ang habol niya sayo." here we go again sa usaping pera na naman.

" Enough Isabelle, hindi ganyan si Claire. Hindi tayo pinalaki ni Mom at Dad para mag isip ng ganyan sa iba. And besides of all people ikaw pa talaga ang mag iisip ng ganyan." nakalimutan niya yata ang mga pinagdaanan niya.

" Ian listen, iba ang sitwasyon ngayon, how can you be so sure na hindi planado ni Claire ang lahat ng ito, she applied in Adrian Suites para akitin ka, who knows alam niyang single ka at never ka pa nagka girlfriend. Hindi natin siya kilala." seryoso ba siya?

" Tama na Isabelle, ikaw lang naman ang ayaw kilalanin si Claire, you never give her the chance para makilala mo. Kahit wala namang ginagawa sayo yong tao ayaw mo sa kanya " iniwan ko na siya, I won't allow her to ruin this night.

Pero hanggang kinabukasan ay ayaw niya ako tantanan. Bakit ba kasi siya nandito sa bahay? Ang huling alam ko may sariling bahay ito.

" Mom, Dad hear me out and help me, dapat hindi kayo pumayag na magpakasal si Ian sa babaeng yon." naghanap pa talaga siya ng kakampi.

" Isha anak, its about time, nasa tamang edad naman na ang kakambal mo para mapakasal, isa pa ayaw mo nyan, magkakaroon na rin siya ng sariling pamilya gaya nyo ni Ate Chloe mo." mahinahong sagot ni Dad.

" Tama ang Daddy mo Isha. Isa pa mabuti ang puso ni Claire, nakikita ko ang sarili ko sa kanya, sa kabila ng hirap ng sitwasyon nila ni Nate nagawa niyang bumangon at isaayos ang buhay nilang magkapatid. " nginitian ako ni Mom.

" This is unbelievable, nagawa lang naman niya maipa opera ang kapatid niya sa tulong ni Ian at ng foundation. She works with Chloe's Haven kaya siya may trabaho. Kaya kung hindi dahil sa atin saan sila pupuluting magkapatid. You see, pabor sa kanya lahat by marrying Ian she could have more, syempre papayag siya, ano pa ba ang hahanapin niya sa Pamilya natin." I can't believe, I'm hearing this.

" Naririnig mo ba ang sarili mo Isabelle? Tigilan mo na yan bago pa ako tuluyang magalit sayo." then I excused myself. Kinuha ko ang susi ng kotse ko and drive to work pero naisipan ko muna puntahan si Ate Chloe, by now nasa Office nadin yon. I bought her coffee and I also bought one for Claire.

Si Claire muna ang una kong pinuntahan. I just felt bad sa mga sinasabi ni Isabelle tungkol sa kanya.

" Good morning Love.." she automatically smiled when she saw me. How can my sister think so low about her?

" Love, bakit ka nandito? " I kissed her cheek and handed her the coffee. Cappuccino iyon paborito niyang flavor. I like buying her things and food na siya namang ayaw niya. If only Isha will give her a chance.

" Kakausapin ko si Ate Chloe kaya dumaan muna ako sayo." pinakatitigan niya ang mata ko.

" What happened? Bakit parang may gumugulo sayo?" Ito isa sa mga bagay na hindi alam ni Isabelle, Claire knows me well. She can tell kapag ganitong may pinoproblema ako.

" Wala lang ito Love, don't worry, okay?" hinalikan ko siya sa noo at nagpa alam. Baka pagnagtagal pa ako, masabi ko lang sa kanya ang tungkol kay Isha. She doesn't like it when I'm fighting with Isha lalo na kung dahil sa kanya.

Napaangat ang mata ni Ate mula sa mga papers na binabasa niya pagpasok ko. Gaya ni Claire natuwa ito sa dala kong kape.

" Look who's here, Congratulations. So, ikakasal na ang Ian namin." alam na niya? Niyakap ako ni Ate Chloe. " Si Xhan ang nagsabi sa akin, incase you're wondering, akala ko kung ano ang itinawag niya nang gabing gabi na. Ibinalita ang magandang balita." ngumiti ako. Si Xhan talaga, ayaw pahuli.

" Thank you Ate. " I know she will be happy for me. Mabait din siya kay Claire.

" Ang sabi ni Xhan umuoo naman si Claire pero bakit parang hindi ka masaya?" tanong ni Ate Chloe.

" I am happy Ate, pero mas magiging masaya sana ako if all of you are happy for me. Si Isabelle, she's being difficult." sinabi ko sa kanya ang mga sinabi ni Isha.

" Over protective lang talaga ang kakambal mo, diba, kahit dati pa naman. Remember nong mga bata pa tayo, whenever someone is bullying you, Isha would always fight for you kahit lalaki pa ang umaaway sayo. One time pa nga she got suspended kasi may binogbog siya dahil sinapak ka. " I smiled remembering those moments. " Remember kung paano siya nakipagsabunutan nong niloko at pinagpustahan ka nila Hannah, yong ex mo. Intindihin mo nalang siguro si Isha, she'll come around. Mas kilala mo naman siya. Baka hindi lang talaga siya ready na mag aasawa ka nadin." kaya ko nga pilit iniintindi si Isabelle because she is my twin and she was always there for me lalo na noong mga bata pa kami.

" I just wish she will give Claire a chance, the way you and Mom did. She's special Ate, marami na siyang pinagdaanang hirap and she don't need Isha judging her just because she wasn't born wealthy like us." she deserves to be loved.

" In love ang kapatid ko. Claire's is good for you, you know why? Kasi she's giving you this courage to stand up for what you believe. Hindi yong dating Ian na tahimik at basta nalang nagpapatalo." muli akong niyakap ni Ate." I'm rooting for you both." pahabol niya.

Nagpasalamat ako kay Ate medyo gumaan ang pakiramdam ko after namin mag usap. Nangako din siya na kakausapin niya si Isabelle.

Pumasok na ako sa office ko sa Adrian Suites pagkatapos namin mag-usap ni Ate. Around lunch, I called Claire kung kumain na siya, minsan kasi sa sobrang busy sa trabaho nakakalimutan niya kumain.

[" Kumain na ako Love, kasabay ko ang Ate Chloe mo. Niyaya niya ako maglunch. Ikaw ba? Kumain ka na?, wag ka magpapagutom." ] si Ate talaga..

[ " Dapat kasi dito ka nalang sa Adrian Suites para ako kasabay mo kumain lagi."] how unfair is that.

[ " Alam mo naman na hindi pwede diba? Kailangan ko na ibaba ang phone Love, may incoming guest kami today 100pax. I love you."]

[ " I love you too."] napangiti ako pagkababa ko ng phone.

Then I heard a knock.. Si Mark my assistant.

" May bisita ka, wala siyang appointment Boss pero Bestfriend mo daw. " sino naman kaya?

" Hello Ian,." nagsalita ito mula sa likod ni Mark.

" Stephanie...."

" Yes its me. Isha told me its your lunch break at this hour, So, could I invite you for lunch?." si Isha na naman.

" Sure, saan mo ba gustong kumain?" she's up to something. I can sense.

" Anywhere with you. I missed you Ian, It's been a while." ngumiti lang ako. You know trouble when it finds you.

" You don't mind eating in the Restaurant downstairs, right?" tanong ko. Kapag dinala ko siya sa ibang lugar, she might misinterpret things.

Caution Ian. Babala ng utak ko.

" Yes Ian and besides you owned a famous one." so, she heard.

Kilala naman talaga and Restaurant ng Hotel namin, dinarayo pa nga.

Stephanie is a good friend of me and Isha. They move to the States but we see each other during holidays, kapag nagbabakasyon kami sa States.

I handed her the menu.

" So, Isha told me that you're engaged? Congratulations!" sabi niya na parang labas sa ilong.

" Yes and thank you Step. I've been thinking about it a lot  and I'm just releived napapayag ko si Claire." napangiti ako thinking about my future wife.

" Ian, why would you say that?, anyone would be lucky to have you as a husband. She's blind if she says no to you. Have you talked about the date of the Wedding?" already fishing for info. Our food came, nagsimula na kaming kumain.

" No, not yet." sagot ko

" I was pacifying Isha this morning about it by the way. I told her it was just an engagement and not the actual marriage. She's worried that you are rushing things." typical Isabelle.

Sino pa kaya ang hindi niya napagsasabihan at narerecruite ng mga hinaing niya.

" I want it this year though, I just need to ask Claire about it." the sooner the better. Kung ako ang masusunod.

" So, you are indeed rushing things, Ian. " I was starting to get uncomfortable. Yes, we are friends but we aren't that close para panghimasukan niya ang mga bagay na ito.

" Whatever Isha told you about Claire, it wasn't the truth for sure' Steph and if you're here to change my mind about it, you can't. So, excuse me and please enjoy your lunch." tinawag niya pa ako pero hindi na ako lumingon. Sugo lang siya ni Isabelle.

My sister is really trying my patience and she's getting into my nerves.






CLAIRE

Medyo busy kami dahil sa 100pax na guest na maya't maya ang dating. I need to make sure na maayos ang mga rooms at nakaready sa pagdating nila.

" Mukhang marami tayong naipong energy today ah. " bati sakin ni Camilla. Isa sa mga staff ko sa Housekeeping. " Iba talaga pag inlove." tukso niya. Wala pa akong pinagsasabihan sa kanila ng tungkol sa pagpopropose ni Ian, ni hindi nga nila alam na si Ian ang boyfriend ko. Ang alam lang nila may boyfriend na ako.

" Need talaga natin ng energy lalo na at 60 plus palang ang dumating sa inaasahan nating bisita. May mga walk-ins pa na itinatawag ang front desk. " pag iiba ko ng usapan.

" Ang maganda lang pwede nating e refer sa Trisha Alexis Villa o Adrian Suites ang hindi na natin kayang ecater na guest diba Ma'am?" napamaang ako sa tinawag sakin ni Camilla.

" Cami, ilang beses ko ba sasabihin sayo na Claire ang itawag mo sa akin." saway ko sa kanya.

" Why? Don't tell me ayaw mong matawag na Ma'am?" nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Miss Isabelle. Ang kakambal ng mapapangasawa ko.

" Good afternoon Ma'am." halos magkasabay naming bati ni Cami sa kanya.

Pero mabilis pa sa alaskwatrong lumabas si Cami ng office. Iba talaga ang dating ng isang ito sa mga kapwa ko empleyado.

" Nagsasaya ka siguro ano, abot kamay mo na ang lahat ng karangyaang hinahangad mo. Kaya hindi ka manlang nagdalawang isip bago mo tanggapin ang alok na kasal sayo ng kakambal ko." napapikit ako. Isa ito sa mga kinatatakutan ko.

" Ma'am hindi ko po hangad ang yaman ninyo sa maniwala po kayo at sa hindi. Mahal ko po si Ian. " mahinahon kong sagot sa kanya.

" And do you really think I would buy that innocent face of yours? Kung si Ian mabibilog mo ang ulo, ibahin mo ako. " hindi ko talaga maintindihan kung bakit mainit ang ulo niya sa akin.

" Magkano ba ang kailangan mo para layuan mo ang kakambal ko!? Five hundred thousand?" sabay taas ng kilay niya." How much? One million!? " sigaw niya.

" ALEXA ISABELLE, that's enough!" pareho kaming nagulat sa pagsigaw ni Ate Chloe.

" Ian was right, you are crossing the line already." lumapit sa tabi ko si Ate Chloe.

" Ate, wag kang makialam dito. I will settle this once and for all para umalis na sa buhay natin ang babaeng ito." turo niya sa akin.

" Stop, just stop Isabelle, hindi lang si Claire ang sinasaktan mo sa ginagawa at mga sinasabi mo, think of Ian. Enough of this nonsense, hindi ikaw to. I'm so sorry Claire." hinila siya ni Ate Chloe palabas ng office ko.

Napahawak ako sa pisngi ko. Umiiyak na pala ako. Kapag talaga mahirap ka, madali sa iba ang basta nalang husgahan ang buong pagkatao mo.

Ang paratangan ka ng kung ano ano. Yong kompyansa sa sarili na pinaghirapan mong buoin, bigla nalang maglalaho sa isang iglap.

Mali nga yata na tinanggap ko ang alok ni Ian na kasal.


Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.6K 37
What if the one courting the girl you like turns out to be the one you will also fall into? Yolo, a basketball athlete and architecture student didn'...
4.5M 114K 62
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
26.1K 2.5K 13
Pangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italy...
352M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...