Together For A Day ✓

By Bubblemiiint

4.1K 356 9

[COMPLETED] Claudette Santos, the loving sister, since her brother stepped into college she decided to stop s... More

Together For A Day
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Special Chapter 2

Special Chapter

48 3 0
By Bubblemiiint

Masyadong hingal na hingal ako na nakarating ako sa guidance office ng school kung saan nag aaral si Isaiah.

Bigla ako pinatawag ng principal office dahil sinaktan ni Isaiah ang kaklase n'yang lalaki na di ko inaasahan na magagawa n'ya yun!

Sa isang Grade 1 student nagawa na ng anak ko yun?

"Mrs. Ramos?"hingal na hingal na sabi ko ng binuksan ko ang pintuan ng guidance office.

Natigilan sila at lahat sila napatingin sa akin. Seryosong nakatingin ang anak ko na may kaunting pasa sa kaliwa n'yang pisngi.

"Mrs Ramirez ,"Mrs. Ramos uttered ,"Nandito ka na pala. Come here."

Tumango ako kaya pumasok na ako sa guidance office. Pagkapasok ko agad ako lumapit kay Isaiah at hinawakan ko ang kamay n'ya.

"Okay ka lang ba anak?"tanong ko sa kanya at di n'ya ako sinagot.

"Mabuti po at nakarating din po kayo Mrs. Ramirez.."sabi ng principal kaya bumaling ako ng tingin sa kanya.

"Ano ho bang nangyari kay Isaiah at umabot sa puntong napatawag ako?"mariin na tanong ko habang nakatitig kay Mrs. Ramos.

Di mahilig si Isaiah makipag away sa mga kapwa n'yang bata. Napalaki ko s'ya ng maayos at pinapangaralan ko s'ya araw araw na maging mabuting bata sa mga nakakasalamuha n'ya. Kaya di ko inaasahan na mapapatawag ako sa guidance office dahil nakipag away si Isaiah sa kaklase n'ya.

"Nakipag-away ho ang anak n'yo kay Karl bago ang uwian Mrs Ramirez. Bigla na lang n'ya sinapak sa mukha kaya si Karl di rin nagpatalo ,sinapak din n'ya si Isaiah."sabi ni Mrs. Ramos kaya napatingin ako sa anak ko na matagal na nakatingin sa akin.

"Anak ,"I calmly said ,"Bakit mo ginawa yun kay Karl? Diba sabi ko naman sayo wag ka makikipag away sa makakasalamuha mo? Diba?"

Habang tinitignan ko si Isaiah ay nagiging kamukha na n'ya si Garrett. Namana ni Isaiah ang pagiging masungit at seryoso ni Garrett kaya di ko din makausap ng maayos si Isaiah sa bahay dahil parating nagkukulong sa kwarto n'ya na parang hindi n'ya ako mommy.

"Mommy ,"tawag ni Isaiah sa akin ,"Sinapak ko si Karl dahil....binubully n'ya ako dahil yung daddy ko walang time sa akin! Samantala ang daddy n'ya ay palaging may time sa kanya!"tinignan n'ya ng masama si Karl sa harap n'ya.

Napatigil ako at hindi ko alam ang sasabihin ko. Dahil lang kay Garrett kaya n'ya sinapak si Karl?

Simula nung nakakapagsalita na si Isaiah ay doon na rin nagsimula maging workaholic si Garrett at madalas puro business na ang inaatupag n'ya. Umuuwi s'ya ng bahay pero di na rin nagkakaroon ng oras si Garrett sa kay Isaiah dahil pag umuuwi s'ya tulog na tulog na si Isaiah.

Kinausap ko ang mommy ni Karl para humingi ng pasensya sa kanya dahil sa gulong ginawa ni Isaiah at tinanggap naman n'ya ang apology ko dahil away bata lang naman ay kailangan pagsabihan na lang para di na maulit.

Nang makalabas kami ni Isaiah sa guidance office ay walang imik ang anak ko habang naglalakad s'ya.

"Isaiah ano na namang pinapakita mo sa akin at matamlay ka?"kalmadong tanong ko sa kanya kaya napatigil s'ya sa paglalakad atsaka n'ya ako tinignan ng mariin.

"I want to see my daddy ,"Isaiah uttered ,"Kailan ba babalik si Daddy 'mmy? 2 weeks na s'ya wala sa pilipinas."

Napatigil ako saglit at mariin ko na lang hinaplos ang buhok ni Isaiah. Wala si Garrett sa pilipinas dahil may business trip s'ya ibang bansa at di ko alam kung bakit ganon na lang katagal si Garrett sa business trip n'ya dahil umaabot na ng dalawang linggo na pananatili n'ya doon.

I know na miss na miss na nila ang daddy nila dahil hinahanap nila si Garrett sa akin.

"Nasa business trip lang ang daddy ,"I smiled politely ,"Kakausapin ko ang dad mo tungkol d'yan."

"I missed him..."he sighed heavily ,"Miss ko na s'ya ka-bonding mom....sobrang miss na miss."

Dahil sa pagiging abala ni Garrett...di na niya nagagawang bigyan ng oras ang mga anak n'ya.

"Don't worry anak...magkakaroon din ng time satin ang daddy mo hmm?"I said then I pinched his cheeks ,"Pipilitin ko makauwi ang dad mo sa pilipinas para makasama mo okay?"

Tumango s'ya at agad ko s'yang niyakap ng mahigpit. Ayokong lumayo ang loob ni Isaiah kay Garrett dahil sa sobrang busy n'ya sa trabaho. S'ya pa rin ang tatay kaya responsibilidad n'yang umuwi agad ng pilipinas para sa anak n'ya!

"Kailan ka ba uuwi ng pilipinas ha?"pasigaw na sabi ko kay Garrett na magsimula na kami magkausap sa cellphone ko ,"Hindi mo ba alam na hinahanap ka na ni Isaiah ha? Nabubully na ang anak natin dahil sa sobrang abala mo sa trabaho! Kaya pwede ba umuwi ka na dahil ako ang nahihrapan kapag hinahanap ka!"

"Chill ka lang babe ,"narinig ko pang tumawa s'ya kaya lalo akong nainis sa kanya.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?"seryosong tanong ko sa kanya kaya napatigil s'ya sa kakahalakhak ,"Wag mo ako tawanan. Di ako nakikipagbiruan sayo Garrett Ramirez."

Naiinis na ako at sobrang frustrated na ako dahil lalong inaasar ako ni Garrett na akala n'ya nakikipagbiruan ako sa kanya!

"Babe-"

"Umuwi ka na ng pilipinas Garrett-kung ayaw mo may mauwian ka pang asawa at anak."pagkatapos kong sabihin yun at agad ko rin pinatayan ang tawag.

Subukan n'ya lang ako hindi sundin. Aalis kami ng anak ko dito sa sariling bahay n'ya para wala na talaga s'yang mabalikan na pamilya.

"Manang ,nasaan na ho si Isla?"pasigaw na tanong ko kay Manang Celia habang inaayusan ko ang buhok ni Isaiah.

"Sinusuotan ko na lang po ng sapatos mam.."sabi ni Manang Celia.

Isla is our second child with Garrett. Apat na taon na s'ya at nakakapagsalita na rin ng maayos si Isla. And s'ya ang pinaka favorite ko dahil mabait at di masyadong sakit sa ulo kapag pinapatulog ko na.

"Magpakabait kayo ng kapatid n'yo sa lola Freya n'yo ha?"sabi ko kay Isaiah.

Mahigit 6 months na rin namimiss ni Tita Freya sina Isla at Isaiah kaya tumawag s'ya kahapon para sabihing ipapasyal n'ya ang anak ko dahil namimiss n'yang kabonding. Kaya ako naman ay pumayag dahil sa araw na 'to pwede ako pansamantala makapagpahinga dahil sa araw araw na ginawa ng d'yos ay puro na lang ang pag aalaga ko sa dalawa kong anak.

"Yes po mommy ,magpapakabait po kami ni Isla kay Lola."ngumiti ang anak ko kaya sa sobrang tuwa ko kinurot ko na naman ang pisngi n'ya.

Lamog na ang pisngi ni Isaiah dahil sa akin.

Pagkatapos kong ayusin si Isaiah ay bumaba na kami para matignan ko na rin si Isla kung nakabihis na ang bunso ko. Pagkababa namin ay lumapit kaagad si Isla sa akin at sobrang bagay sa kanya ang binili kong dress sa kanya.

Para tuloy s'yang disney princess.

"Ang pretty mo Isla.."masayang sabi ko ,"Mana ka talaga sa akin. Ang cute mo pa."

Inasikaso ko pa sandali si Isla dahil para tignan kung talagang bagay ba sa kanya ang dress na binili ko sa kanya kahapon. Nagdadalawang isip pa kasi ako dahil 4 years old pa lang s'ya at baka di kumasya sa kanya dahil maliit pa ang anak ko. Pero nagkasya naman sa kanya kaya di rin sayang ang binili kong damit sa kanya.

"Daddy!"napatigil ako sandali na marinig ko ang boses ni Isaiah kaya di ko na napigilan lumingon.

Laking gulat ko na nasa harap na si Garrett at may dalang mga maleta. Agad tumakbo si Isaiah kay Garrett at niyakap n'ya yun. Napatingin si Garrett sa anak niyang nakayakap sa kanya at bahagya n'yang hinaplos ang buhok ni Isaiah.

"Anak..."banggit n'ya at nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi n'ya.

Mabuti naman umuwi na s'ya.

Agad kumalas ng pagkakayakap si Isaiah sa daddy n'ya ,"Bakit po ang tagal n'yo po nakabalik dito 'ddy?"

Nang sabihin yun ni Isaiah ay dumako ang tingin ni Garrett sa akin at tinaasan ko lang s'ya ng kilay nang tumitig s'ya sa akin.

Bahala ka magpaliwanag sa anak mo!

Umiwas din agad ng tingin si Garrett sa akin at tumitig s'ya kay Isaiah. Hinawakan n'ya ang balikat ng anak n'ya.

"Sorry son ,kung natagalan man ang pagbalik ko dito. May business trip lang ano pinuntahan."pagdadahilan n'ya ,"Sabi ng mommy mo na... sobrang miss na miss mo daw ako. Is it true?"

Tumango si Isaiah ,"Opo Dad. Miss ko po kayo. 2 weeks po kayong nawala at nalulungkot po ako tuwing gabi dahil di ko po nakikita ang anino n'yo po. Tsaka nabubully na ako ng kaklase ko dahil parati po kayong wala sa bahay."

Nakita ko sa itsura ni Garrett ang guilt kaya narinig ko ang malalim n'yang buntong hininga.

"I'm sorry Isaiah. Pasensya na kung wala ako parati sa bahay."he said calmly ,"Don't worry babawi ang daddy sa inyo okay? Magpapahinga lang ako saglit. Babawi ako sa inyo ng kapatid at mommy mo."sabay baling ng tingin sa kanya.

I suddenly rolled my eyes. Subukan n'ya lang paasahin ang mga anak n'ya. Baka isang buwan ko s'ya di pansinin or worst di ko na s'ya kakausapin ever!

After nun ,nagtanong si Garrett kay Isaiah kung saan ang punta at nakabihis ang dalawa. Ako na ang sumagot para matahimik na s'ya. Tumango s'ya at nakita kong lumapit s'ya sa akin at akmang hahalikan n'ya ako na bigla akong umiwas sa kanya.

Nakita ko ang pagtataka sa mga mukha n'ya pero di ko s'ya pinansin. I don't care at all! galit pa rin ako sa kanya kahit umuwi na s'ya ng pilipinas!

"Isaiah ,nasa labas na ang driver ng lola Freya mo. Dalhin mo na na ang bagpack mo at isama mo na si Isla."sabi ko at lumingon ako kay Manang ,"Paki-samahan po sa labas ang anak ko po."

Tumango s'ya at sinamahan na nga ni Manang Celia sina Isaiah at Isla patungo sa labas. Samantalang kami ni Garrett ay walang imik.

"You missed me-"

"Di kita namimiss!"masungit na sabi ko kaya napatahimik s'ya ,"Hindi ibig sabihin na umuwi ka ng pilipinas ay magiging okay agad tayo Ramirez. Wag kang feeling okay?At gusto ko lang sabihin sayo na tuparin mo ang pangako mo kay Isaiah dahil kung hindi....di ko na alam ang idadahilan ko pa sa anak mo."pagkatapos kong sabihin yun ay umalis na ako sa harapan n'ya at itinuloy ko na ang paglalakad at iniwan s'ya sa sala.

Gusto ko lang magkaoras si Garrett sa akin at sa mga anak n'ya! Namimiss ko na mga panahon na di s'ya busy sa trabaho n'ya. Kaya umaasa ako na tutuparin n'ya ang promise n'ya kay Isaiah kahit ayun lang. Magiging masaya pa ako!

"I need to rest for a while ,"pagkapasok ko pa lang sa kwarto ay narinig ko na may kinakausap si Garrett sa kanyang cellphone ,"Gusto ko muna makasama ko ang pamilya ko okay? Ikaw na muna gumawa ng paraan para sa mga upcoming meeting ko. Hindi na ako nagkakaoras sa pamilya ko nang dahil sa mga trabaho."

Nakaramdam ako ng saya na marinig ko mismo sa bibig n'ya na ibibigay n'ya ang oras n'ya sa aming tatlo nina Isla at Isaiah. Kahit papa'no nababawasan ang galit ko sa kanya dahil nakarinig ako ng magandang lumabas sa bibig n'ya.

Nang mapansin na ako ni Garrett ay nakita ko nagpaalam na s'ya sa kausap n'ya saka n'ya pinatay ang tawag. Bumaling s'ya ng tingin at marahan s'yang ngumiti sa akin.

"Pinagtimpla kita ng kape."saad ko habang palapit ako sa kanya ,"Sino yung kausap mo sa phone mo?"

"Thanks."he smiled playfully then he accepted the coffee I made for him. Inilagay n'ya ang kape sa side table."He's my secretary. Sinabihan ko lang na s'ya na gusto ko muna magleave kahit limang araw lang. Tutuparin ko ang pinangako ko kay Isaiah na bibigyan ko kayo ng oras."

"Mabuti naman kung ganoon ,"I calmly said ,"Simula nung lumalaki na ang anak natin...doon na rin nagsisimulang nawawalan ka na oras sa amin. Bakit masyadong gugol ka sa trabaho?"

"Para sa future ni Isaiah kaya nagpapakabusy ako sa trabaho babe ,"sabi n'ya at napatingin ako na hinawakan n'ya ang kamay ko ,"Gusto ko maging secured ang magiging future ni Isaiah. Kaya gusto ko maging perfect ang pamamalakad ko sa Ramic at ayokong mapabayaan yon. Balang araw kapag dumating na si Isaiah sa tamang edad-mapapasakamay n'ya rin ang Ramic."

"I'll understand ,"tumango ako ,"Naiisip ko lang yung magiging trato sayo ng anak mo. Ayoko namang lumayo ang loob ni Isla at Isaiah sayo dahil sa pagiging busy mo."I sighed deeply ,"Ang hinihingj ko lang naman sayo...bigyan mo ng oras ang anak mo kahit sandali lang. Para ma-feel nilang may Daddy pa rin sila."

Sobrang nahihirapan na ako magpalaki ng dalawang anak at di ko pa maaasahan si Garrett dahil s'ya ang bumubuhay saming tatlo. Simula nung pinanganak ko na si Isaiah-di na ako pinabalik ni Garrett sa ospital para magtrabaho. Ang sabi n'ya ay di ko na kailangan magtrabaho sa ospital dahil kaya naman n'ya kami buhayin kaya pumayag na ako sa kanya sa desisyon n'ya. Kaya ang ending naging housewife na lang ako dito sa loob ng bahay.

"I'm sorry okay ,"he apologized me while he staring at me ,"Masyado na kitang pinapahirapan sa pag aalaga sa dalawa nating anak."

"Yes I'm tired Garrett ,"pag amin ko sa kanya ,"Sa anim na taon na nag aalaga ako sa anak natin sobrang hirap. Pero nakakayanan ko at nagtitiis ako alang alang sa dalawang bata. Gusto kong palaging may oras ako sa kanilang dalawa dahil ayokong maramdaman nila na walang magulang gumagabay sa kanila."

Sobrang abala na si Garrett sa trabaho n'ya at ayoko nang dagdagan pa yun.

"Bumalik ka na lang kaya sa trabaho babe ,"natigilan ako na sabihin sa akin ni Garrett ang bagay na yun ,"I mean-you're a nurse right? 6 years ka na di nagtatrabaho sa ospital at palagi ka na lang nasa bahay. Gusto kong...may pagkaabalahan ka sa buhay mo."

Nabigla ako sa narinig ko dahil ngayon n'ya pa naisip ang bagay na yun kung kailan ayoko na bumalik sa trabaho.

"Nand'yan naman si Manang Celia para alagaan ang dalawang bata habang wala ka. Ayoko lang...na wala kang pinagkakaabalahan."

Umiling ako ,"Nagdesisyon na ako Garrett tungkol d'yan."

His eyebrow furrowed ,"What?"

"Gusto ko magpatayo ng isang maliit na restaurant Garrett ,"mahinang sambit ko at nakita ko ang pagkurap ng mata n'ya ,"Sapat na ang ipon ko para magamit ko sa pagpapatayo ng negosyo ko. Ayoko ng bumalik sa ospital."

Naisip kong mas magandang magpatayo na ako ng sarili kong restaurant dahil una pa lang ito na ang naging desisyon ko-ang makapagpatayo ng maliit na restaurant kapag nakaipon na ako ng pera. Sariling pera ko ang gagastusin ko dahil sapat na ang naiipon ko sa mahigit na limang taon na nagpakahirap ako magtrabaho bilang isang nurse sa private hospital.

"I need your approval sa gagawin kong desisyon para sa sarili ko."I smiled hopefully ,"Beside ,sariling pera ko naman 'to ang gagamitin ko."

"Ayaw mo bang...tulungan kita?"he asked me ,"Well ,matutulungan kita dahil may ipon din ako-"

"Don't do that okay?"pinatigil ko s'ya sa pagsasalita n'ya at natahimik s'ya ,"Hindi mo ako kailangan tulungan Garrett. Alam mo yang ipon mo-itabi mo na lang yan sa bank account mo. Wag mong gastusin ang ipon mo para lang sa akin. Pinakasalan kita hindi dahil sa pera okay? kaya hayaan mong ako ang gagastos."

Unti unti s'ya tumango dahil sa sinabi ko kaya niyakap ko s'ya ng mahigpit na mahigpit dahil sa pagpayag n'ya sa gusto ko. Minsan lang ako humiling kay Garrett at nagpapasalamat ako na pinapayagan n'ya ako sa mga gusto kong ma-achieve sa buhay ko.

"Basta kapag nangailangan ka ng pera tungkol sa pagpapatayo ng restaurant mo...wag kang mahihiyang lumapit sa akin okay? Asawa mo pa rin ako ha at may karapatan akong tulungan kita."sabi ni Garrett habang nananatili kami magkayakap.

"Yes babe.."I whispered softly.

Tinupad nga ni Garrett ang pangako n'ya kay Isaiah. Nasa playground area silang dalawa habang naglalaro sila. Habang pinagmamasdan ko silang dalawa ay natutuwa ako dahil nakikita ko sa dalawang mga mata ni Isaiah na masaya s'ya na nakakalaro na ngayong araw ang Daddy n'ya.

"Ma..ma.."napalingon ako na biglang may kumalabit sa akin. Sumilay ang ngiti sa mga labi ko na nakita ko si Isla sa harapan ko.

"Oh..anak bakit?"I sweetly said.

Nakita ko na may itinuro s'ya gamit ang daliri n'ya kaya sinundan ko ang daliri n'ya at tinuro n'ya ang mag amang masayang naglalaro sa labas.

Hmm?

Bumaling ang tingin ko kay Isla ,"Gusto mo sila makalaro anak?"tanong ko at mabagal s'yang tumango ,"Nagseselos ka siguro kaya gusto mo makisali sa bonding ng daddy at kapatid mo."

Natawa ako ng mahina na nakita kong sumamingot ang pangalawa kong anak. Dahil ayokong bigla na lang 'to umiyak dahil masyadong iyakin si Isla kapag inaasar.

Kinuha ko ang kamay ni Isla para tumungo sa playground area para makita n'ya ang Daddy at ang kanyang kapatid. Nang nasa playground area na kami ay doon rin tumigil ang mag ama para maglaro. Lumapit na ang dalawa sa akin na parehas pawisin.

"You're here babe ,"bati sa akin ni Garrett sabay halik sa pisngi ko.

"Yes ,nandito nga ako. Gustong pumunta ni Isla dito-nakita kayong dalawa na naglalaro dito."mahinang sabi ko at ang mata ni Garrett ay napunta kay Isla.

Napaupo ng bahagya si Garrett marahan niyang hinaplos ang buhok ng kanyang bunsong anak.

"Naiinggit ka ba anak?"tanong n'ya sa anak ko at nang di sumagot si Isla ay ngumiti ng marahan si Garrett ,"Come here anak ,miss na miss ka ni Daddy."

Niyakap naman s'ya ni Isla at natawa s'ya ng mahina dahil sobrang higpit ng yakap ni Isla sa kanya. Di madalas makasama at makausap si Isla dahil di masyadong pala salita ang bunso naming anak. And beside ,mama's girl si Isla kaya s'ya ang palagi kong kasama. Habang si Isaiah naman ay isang namang Daddy's boy at si Garrett ang madalas n'ya kasama.

"Don't be jealous Isla ,mahal ka namin."Isaiah said then Garrett glanced at him ,"Diba mom and dad?"

Parehas kaming dalawa ni Garrett tumango sa sinabi ni Isaiah. Well ,mahal na mahal namin ang mga anak namin. At ginagawa namin ang lahat ng makakaya namin para bigyan sila ng atensyon. Ayoko maranasan nilang dalawa ang mga nararanasan ng ibang mga tao. Never. Hanggang nandito ako sa kanila ,di ko ipaparanas sa kanila yun.

Continue Reading

You'll Also Like

30.5K 790 27
When Twilight accidentally casts a spell on the mirror that would usually lead to Canterlot High, it suddenly brings them to New York and face to fac...
3.5K 162 48
[COMPLETED] Gallianna Navarro -a person hated by the world. Since childhood ,she has experienced living with anger in her heart for his father. Becau...
40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...
2.4K 246 21
" and someday maybe we would be happy. " • Anirudh had announced Mahi was his daughter, the five year old child now knew. Yet she didn't know how to...