The Last Blood [COMPLETE]

By AteLunax

145K 3.9K 197

____ Ang akala ni Kys Euna Sebastian ay magiging maayos na ang lahat sakanila ni Jeon Sue Parker kong kailan... More

PROLOGUE
KABANATA 1 (His Back)
KABANATA 2 (PROPESIYA)
KABANATA 3 (ThePunishment)
KABANATA 4 (THEPLANFORKYS)
KABANATA 5 (PAGSUGOD)
KABANATA 6 (THE WEDDING)
KABANATA 7 (SHE's VAMPIRE)
KABANATA 8 (Kys Vs Rosalva)
KABANATA 9 (BadDream)
KABANATA 10 (HeavenByYourSideSue)
KABANATA 11 (Surprisedate)
KABANATA 12 (FirstDate)
CHAPTER 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24 [WELCOMETOWOLFWORLD]
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27 [Zarahi's Died]
KABANATA 28
KABANATA 29 [Seduction]
KABANATA 30 [Rosemarry's Wedding]
KABANATA 31
KABANATA 32[MulingPagkabuhay]
KABANATA 33 [Babala]
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47[ Proposal]
[Wedding Day 2nd Chance]

KABANATA 43

143 7 0
By AteLunax

*THIRD PERSON's POV*

_______

Hindi na tinuloy ni rosemarry ang party para sa anak niya dahil sa galit na nararamdaman niya wala na naman natira dito sa bahay ni sue kundi silang mag ina at mga kasambahay.

"Mamatay na ang babaeng sagabal sa plano natin horace wala ka ng kahati" Nakangiting sabi niya sa kanyang anak.

"Wala man ngayon ang ama amahan mo siguraduhin kung magiging masaya pa rin ang kaarawan mo" Muling sabi niya sabay tawa ng mahina.

Ang alam ni rosemarry ay wala silang lahat sa bahay ang hindi niya alam ay nasa kanya kanyang silid lang dalawang dalaga at si sue ay nanatili lang siya sa silid ng mga kaibigan niya.

Maagang nag padala ng makakain si sue kay jacob para hindi mahalata ni rosemarry.

"Nandon na ang lahat nakahanda na din sila sue" Balita ni jacob sa kanya.

"Ang mag ina ko?" Malamig na tanong ni sue sa kanya.

"Ang kambal nasa isang silid lang kasama si ulrica at zarahi pati narin ang ama ni kys at si fenris ang pinagkakatiwalaan ni kys at siya din ang inutusan ni kys na ilayo ang kambal kung sakaling sumugod sila rosemarry" Seryosong sagot ni jacob sa binata "Si kys ay sasama sa pakikipag laban" Dagdag nitong sabi dahilan para mapatingin si sue sa kanya.

"Bakit hindi ba dapat kasama sya sa kambal?" Tanong ni sue.

"Mas pinili niyang tulungan ang mga kasamahan niya si drusilla ang susunod kay fenris para gabayan ang kambal" Sagot agad ni jacob.

Napa kuyom naman ng palad si sue dahil alam niyang mapanganib kong lalaban pa si kys tiyak siyang ang dalaga ang susugurin nila.

"Puntahan mo sila balitaan mo ako kung ano na ang nangyayari don!" Utos ni sue kay jacob agad naman siyang sumunod tumalon na ito mula sa terrace ng silid kong saan natulog ang binata.

Susunod ako may dapat lang akong tatapusin dito Aniya sa kanyang isipan habang nakatingin sa labas.

Nanatili paring nakaupo si rosemarry sa may sala habang nilalaro ang kanyang anak habang si mavi at drusilla naman ay lihim na nakatingin sa sa kanya hinihintay nila ang regalong paparating para kay rosemarry.

Tumayo na si rosemarry akmang lalakad na sana siya paakyat ng hagdan ng may nag doorbell napatingin siya sa pintuan bumalik sya sa sofa para ipaupo doon si horace tsaka siya lumakad palapit sa pintuan para buksan ito dahan dahan namang lumabas ng silid nila si mavi at drusilla nakatingin silang dalawa kay rosemarry na binuksan na ang pintuan napakunot naman siya ng noo ng makitang may box sa haparan ng bahay nila.

Hindi niya maiwasang hindi mapangiti dahil ang alam niya ay regalo yon ni sue binuhat niya ito medyo may kabigatan din ang box.

"Ano kayang laman nito?" Tanong nito habang tinitignan ang box pero hindi niya maiwasan na hindi kabahan.

"Horace mukhang may regalo ang daddy mo oh" Nakangiting sabi ni rosemarry nagkatinginan naman ang dalawang dalaga tinext ni drusilla ang kuya niya na lumabas na ito kaya lumabas na din siya tatlo na silang nakatingin kay rosemarry.

"Buksan na natin" Masayang sabi nito isinantabi niya na ang nararamdaman niyang kaba.

Nakangiti siyang binuksan ang box habang inaalis niya ang nakabalot dito ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya na ipinag taka niya.

Naang maalis niya na ang balot ng box ay agad niyang binuksan ang kahon.

Nawala ang ngiti niya sa labi ng makita ang laman ng box napanganga ito habang nakatingin doon kasabay ng mga luhang nag uuhanang lumabas sa kanyang mata.

Tila nanigas siya sa kinauupoan niya na makita niya ang ulo ng lalaking matagal niya ng hindi nakikita ang lalaking minahal niya ng sobrang ang lalaking ama ng kanyang anak walang iba kundi ang ulo ni rollin.

"Hindi!!" Galit na sigaw nito lumakas ang iyak nito "Rollin hindi , Hindi to totoo bakit? bakit hindi ka lumaban bakit?" Muling sigaw nito.

"Rollin!!" Halos yakapin niya na ang ulo ng lalaking pinakamamahal niya dahil sa labis na sakit na nararamdaman niya.

"Magbabayad kayo papatayin ko kayong lahat!!" Galit nitong sabi habang yakap yakap parin ang ulo ni rollin.

"Nice rosemarry totoo ngang may relasyon kayong dalawa" Malamig na sabi drusilla tila binuhusan naman ng malamig na tubig si rosemarry ng marinig ang boses ng dalaga mula sa itaas napatingala siya lalo itong nanigas sa kinauupoan niya ng makita si sue na masamang nakatingin sa kanya.

"Sue" Tawag niya dito hindi sumagot ang binata tumulon ito palapit kay rosemarry hindi siya nag dalawang isip na hilain ang buhok nito at kinaladkad palabas ng bahay niya.

"Sue nasasaktan ako!" Sigaw ni rosemarry pero tila wala itong naririnig pag kalabas nila ng bahay niya ay ibinato niya si rosemarry sa may damuhan nagpagulong gulong ito! Agad na nilapitan no sue ang dalaga at sinipa sa may tyan!.

Tumilapon naman si rosemarry tumama ang likuran niya sa may puno.

"Oras na may nangyari sa mag ina ko papatayin kita!!" Galit na sigaw ni sue sa kanya tumawa naman si rosemarry.

"Pasensyahan na lang tayo!!" Sagot nito kasabay ng pagkawala ni rosemarry tumingin sa paligid si sue pero hindi niya na maramdaman ang presensya ng dalaga.

Agad siyang pumasok sa bahay niya.

"Ikaw na ang bahala sa bata mavi patayin muna siya drusilla tara na!!" Aya ni sue sa kanyang kapatid bago nawala agad naman sumunod si drusilla kay sue.

"Awwohh" Malakas na alulong ng mga inutosan ni ernouf na mag abang kong susugod ba sila naalarma ang lahat dahil doon agad na pumunta si kys sa silid kong saan nagtatago ang kambal niya.

"Umalis na kayo fenris" Nag aalala na sabi ni kys sa binata niyakap niya muna ang kambal at hinalikan sa noo bago siya lumabas ng silid sakto naman ang pagdating ni sue at drusilla.

Tila nanigas si kys sa kinatatayuan niya makita muli ang binata ganun din si sue nakatingin lang siya kay kys.

"Nasaan ang kambal?" Tanong ni drusilla na nakapag pabalik ng ulirat niya.

"Nasa loob ikaw ng bahala sa kanila sasama ang aking ina sa pag layo niyo" Sagot niya dito yumakap muna si drusilla sa kanya.

"Mag ingat ka" Sabi ng dalaga kay kys tumango naman siya kumalas na si kys sa pag kakayakap sa kanya.

"Umalis na kayo" Madiin niyang sabi dito bago tumakbo at naging lobo na nakatingin lang si sue sa papalayong dalaga naalala niya ang lobo na yon hindi siya pwedeng magkamali yon ang nakita niya noong araw na nanganak si rosemarry.

Sumunod na din ang binata sumabay siya sa dalaga na tumatakbo para salubungin ang mga kalaban.

"Awwohh!!" Malakas na alolung ni kys hudyat para umalis na sila fenris naging lobo na ito binuhat na ni ulrica ang kambal bago sumakay kay fenris.

"Sumunod ka sa anak natin filtiarn hindi ako mapakali" Nag aalala na sabi ng ginang sa kanyang asawa.

"Hindi ko pababayaan ang naka natin ulrica wala ka dapat ikabahala" Sagot nya sa kanyang asawa.

"Umalis na tayo ulrica baka may makasunod pa sa atin" Seryosong sabi ni drusilla habang nakatingin sa paligid tumango na ang ginang tumakbo na si fenris agad naman sumunod si drusilla na nakaalalay sa kanilang pag alis.

Nakatingin lang si filtiarn sa papalayong asawa't apo niya ng hindi niya na sila makita ay sumunod na siya sa kanyang anak na si kys.

Pag karating nila kys sa gitna ng kagubatan ay nakahanda na sila rosemarry marami silang kasamahan pero hindi yon pinansin ng dalaga nakatingin lang siya kay rosemarry.

"Papatayin kita kys tulad ng pagpatay mo kay rollin!!" Sigaw ni rosemarry.

Tumalon si sue sa tabi ng dalaga napatingin naman si kys sa kanya hahaplusin na sana ni sue si kys ay lumayo ng kaunti ang dalaga kaya hindi niya na itinuloy pa ang balak niya.

"Tatapusin ko kayong lahat!!" Sigaw ni rosemarry kasabay ng pag sugog ng mga bampira.

Sumugod na din sila ford sinalubong na nila ang mga kalaban nila ang ibang lobo naman ay ulo agad ang sinasakmal nila ang sinunog na naman ng iba ang katawan ng mga namatay na.

Tumulong na din si sue sa pakikipaglaban lahat ng mag tatangkang lalapit kay kys ay sinusugod agad ni sue hinihila nito ang ulo at dikudukot ang puso nito.

Sinakmal naman ni kys ang bampirang susugod mula sa likoran ni sue tumingin sa paligid si kys para hanapin si rosemarry nakita niya itong nakikipag laban sa ibang nilang kasama tumakbo si kys para lapitan ito.

Wala siyang ibang nanaising patayin kundi si rosemarry dahil sila ang puno't dulo nito.

Kinagat agad ni kys ang kamay nito hinila naman siya ni rosemarry at hinampas sa lupa napadaing si kys pero agad ding bumangon bumalik siya sa pagiging tao naging itim ang mga mata nito at lumabas ang matutulis niyang pangil.

Mabilis siyang lumapit kay rosemarry sinuntok niya ito at sinipa sa may tyan nagpagulong gulong naman si rosemarry lahat ng mag tatangkang lalapit kay kys ay hindi makagalaw dahil kinikontrol ni jean na nakaalalay sa dalaga mabilis namang sinakmal ng mga kasamahan ni kys ang mga hindi makagalaw na bampira.

Bumangon si rosemarry sa pag kakahiga sinugod niya ulit si kys pinatulis niya ang kuko nito at hindi nag dalaw isip na isaksak sa tiyan ni kys hindi yon ininda ng dalaga sinakal niya naman si rosemarry mahigpit ang pag kakahawak nito sa leeg niya.

Tumawa si rosemarry tawang nakakainsulto humigpit ang pag kakasakal ni kys sa kanya tumilapon si kys ng may sumipa sa kanyang kasamahan ni rosemarry nagpagulong gulong ito at tumama ang ulo niya sa bato agad namang tinalon ni sue ang may gawa non inikot nito ang ulo niya dahilan para maalis ito ibinato nya sa ibang lobo ang ulo nito sinakmal naman ng isa ang katawan ng bampira ay pinagtulungan naman ng dalawang lobo.

Sinuntok ni si rosemarry bago pa mapahiga ang dalaga ay hinila nito ang buhay niya ay hinampas sa lupa may sumugod naman na dalawang bampira kay sue binitawan niya si rosemarry at hinarap ang dalawa habang si kys naman ay napahawak sa ulo niya dahil may umaagos na dugo sa mukha niya dahan dahan siyang bumangon sa pagkakahiga.

"Papatayin kita kys!!" Sigaw ni rosemarry tsaka niya inilabas ang makapangyarihang espada na maliit na itinusok niya dati sa impostor ni kys napatingin naman si sue tila naging bumagal ang ikot ng mundo niya ng makita ang hawak ni rosemarry napatingin siya kay kys na bumabangon palang at hawak hawak ang ulo.

"Kys!!" Tawag nila sa dalaga ng akmang isasaksak na ni rosemarry ang espada kay kys pero laking gulat nila ng biglang may tumalon kay kys dahilan para mapahiga ulit sa lupa ang dalaga.

"P-papa" Gulat na gulat na sabi ni kys habang nakatingin sa kanyang ama na nasaksak ng espadang hawak ni rosemarry ngumiti ang kanyang ama sa kanya hindi niya namamalayang umaagos na luha niya sa kanyang pisngi hinaplos ni filtiarn ang mukha ni kys kasabay ng paglaho nito tila huminto ang ikot ng mundo ni kys ng makita niya mismo sa kanyang harapan ang paglaho ni filtiarn.

"Papa!!" Malakas niyang sigaw napakuyom siya ng kanyang palad habang nakatingin sa langit tumawa naman ng malakas si rosemarry napatingin si kys sa kanya galit na galit itong nakatingin sa dalagang malakas na tumatawa.

Tumawa sa pag kakahiga si kys pinatulis niya ang kanyang kuko at hindi nag dalawang isip na kalmutin ang mukha ni rosemarry napahinto ito sa pag tawa tinusok niya ang kamay nyang may hawak ng espada nabitawan naman iyon ni rosemarry 

"Hindi kita mapapatawad hinding hindi!!" Galit ni sigaw ni kys sa kanya ngumiti lang si rosemarry sa kanya ibinato ni kys si rosemarry sa ere bago pa man bumagsak ito ay tumalon si kys kasabay ng pagiging lobo nito ag sinakmal ang balikat nito napasigaw sa sakit si rosemarry hindi binitawan ni kys ang balikat nito hanggat hindi napuputol pag bagsak nila sa lupa ay inapak ni kys ang dumudugong braso ni rosemarry muli na naman siyang napasigaw.

"Awwoohhh" Malakas na alalong ni kys tsaka niya sinakmal ang ulo ni rosemarry sumirit ang dugo ng dalaga ng maghiwalay ang ulo nito sa katawan niya ibinato nito ang ulo niya sa mga kasamahan ni kys agad naman na sinunog ni ford ang ulo nito.

"Awwoohhhh!!" Muling sigaw ni kys gumaya na din ang ibang kasamahan niya lumayo na si kys sa katawan ni rosemarry.

Napatingin ang dalaga sa kakarating na mavi may hawak hawak itong bata muling nabuhay ang galit sa puso ni kys ng makita ang anak ni rollin at rosemarry sinalubong niya si mavi at hindi nag dalawang isip na kalmutin ang bata dahilan para mabitawan ito ni mavi.

Galit na galit siyang nakatingin sa bata nakalabas ang pangil nito.

"Grrrr!!" Napatakip ng bibig si mavi ng sakmalin ni kys ang ulo ng bata pagkahiwalay ng ulo nito ay naglakad na palayo si kys nakatingin ang lahat sa kanya kita nila kong gaano kalungkot ang mukha nito.

"Awwooh" Hindi na kalakasan na alulong niya maya maya pa ay unti unti na siyang naging tao nakatingin lang siya sa langit hindi naman nila maiwasang hindi maiyak ng makita ang mukha niyang sobrang lungkot.

"Nanalo tayo nagawa natin magiging tahimik na ang mundo natin" Sigaw ni ernouf ngumiti si kys sa kanila.

"Kys" Tawag ni sue ng makitang pabagsak na ito mabilis siyang tumakbo para sahulin ang dalaga.

"Kys" Muling tawag niya dito sabay tapik sa pisngi niya.

"Kailangan na nating umalis dito" Sabi ng kanyang ina binuhat nya na si kys tsaka sumunod sa mga kasama nila.

Masaya ang lahat dahil nag tagumpay sila pero hindi pa rin nila maalis na makaramdam ng lungkot dahil sa pagkawala ni filtiarn yong mga ibang sugatan ay ginagamot na nila yong iba naman ay nag pahinga na pero ang mga kaibigan ni kys ay nanatiling nakabantay sa kanya hinihintay din nila ang pagbabalik nila drusilla kasama ang kambal.

Mabilis na tumatakbo si fenris habang sakay ang kambal na kasunod naman si ulrica habang sakay si drusilla na sugatan kinalaban niya ang dalawang bampirang sumunod sa kanilang pag alis napaslang niya ito pero nagtama naman siya ng malalim na sugat sa katawan.

Hindi maiwasang hindi malungkot ni ulrica dahil ramdam niyang wala na ang asawa niya ramdam niya ang lungkot ng alulong ng kanyang anak kanina inaasahan niyang may magbubuwis ng buhay pero hindi niya akalain na ang asawa niya alam niyang ginawa niya ang lahat para iligtas ang anak nila.

Pagkarating nila sa tirahan nila ay sinalubong agad sila ng mga kasamahan nila agad naman lumapit si jean kay ulrica binuhat na nila si drusilla at pinunta sa silid nila para magamot ito.

Agad na niyakap ni jean si ulirca ng maging tao ito hindi maiwasang hindi maiyak ni ulrica humigpit ang yakap ng kaibigan niya.

"Maging matatag ka para sa anak at apo natin" Nag aalala na sabi ni jean sa kanya tumango tango naman si ulrica.

"Nasaan ang anak ko?" Tanong nito.

"Nasa kanyang silid nawalan ito ng malay" Agad na sagot ni jean.

"Jean ikaw ng bahala sa kambal tutulong lang ako dito" Seryosong sabi ni fenris kinuha naman ni jean ang kambal na mulat na mulat pa.

Nag tungo na silang mag kaibigan sa silid ng dalaga pag pasok nila sa loob ay napatingin silang lahat sa dalawang ginang napako naman ang tingin ni sue sa dalawang batang hawak hawak ng kanyang ina.

Napatayo ito sa pag kakaupo habang hindi inaalis ang tingin sa kambal.

"Nasan si drusilla?" Tanong ni mavi.

"Nasa silid niyo nagpapahinga kailangan niyang mag palakas" Sagot ni jean.

"Ang kambal buti ligtas sila" Masayang sabi naman ni ayame.

"S-si a-ang a-nak k-ko?" Hindi makapaniwala na tanongi ni sue halos mag kanda utal utal na ito.

"Legit na anak" Mataray na sagot ni mavi sa kanya.

Ngumiti naman ang kanyang ina hindi maiwasan na hindi mapangiti at napaluha si sue lumapit siya sa kanyang ina si ulrica naman ay nilapitan si kys.

Agad na niyakap ni sue ang kambal.

"Patawarin niyo ako" Halos pabulong ng sabi ni sue.

"Kailangan mong bumawi sue marami kang pag kululang sa kanila lalo na kay kys" Seryosong sabi ni ulrica sa kanya.

"Makakaasa ka gagawin ko ang lahat mabuo lang ulit kame" Agad na sagot ni sue sa kanya ngumiti ang ginang sa kanya.

"Maraming salamat sa tulong niyo kung hindi dahil sa inyo ay baka ubos na kaming lahat ito na ang umpisa ng ating tahimik na pamumuhay wala ng alitan sa bawat panig nagsama sama na tayong lahat sana magising agad si kys para sa kanyang pag upo sa naiwan ng kanyang ama" Mahabang sabi ni ulrica sa kanila lumapit sila mavi sa ginang at niyakap ito alam nilang nangungulila ang ginang dahil sa pagkawala ng kanyang asawa.

"Nandito lang kami palagi ulrica handa kaming tumulong sa abot ng aming makakaya" Sagot ni jean sa kanya.

"Pag gising na pag gising ni kys ipagdiwang natin ang pagkapanalo natin sa labanang ito ang araw na din yon ang pag upo ni kys siya na ang bagong reyna ng mga lobo" Masiglang sabi ng ginang napangiti silang lahat habang nakatingin kay kys na mahimbing na natutulog kahit tulog ito ay kita pa rin ang lungkot sa kanyang mukha.

Kinuha ni sue ang kambal sa kanyang ina lumakad siya papunta sa terrace ng silid ni kys.

"Pahawak naman si ulysses" Sabi ni kiko tinignan naman siya ng masam ni sue.

"Kita mong karga ko sila di ba? Manahimik ka dyan!" Masungit nitong sagot sa kaibigan niya.

"Ang damot buti pa si kys pinapahawak sakin" Nakangusong reklamo nito.

"Ngayon ko lang hahawakan ang anak ko kaya tigilan mo ako kiko" Malamig na sabi nito.

"Hayaan muna kasi si sue na mag alaga sa kambal tignan natin kung hanggang saan ang kaya niya" Nakangising sabi ni mavi habang nakatingin kay sue na karga karga ang dalawa.

"Hindi pa nag lilikot ang dalawa na yan tignan natin mamaya" Dagdag naman ni ayame.

Nag paalam na sila kay sue dahil kailangan na din nilang mag pahinga nakakaramdam na din sila ng pagod pumayag naman ang binata pumasok na siya sa loob ng silid ni kys isinarado niya na ang pintuan sa may terrace nilagay niya muna ang kambal sa higaan nila bago pumasok sa banyo para maghugas ng katawan.

Hinayaan niyang umagos sa kanyang katawan ang tubig habang naka yuko hindi niya maiwasan na hindi mapangiti dahil sa sayang nararamdaman niya pero nag aalala pa rin ito kay kys at kinakabahan dahil baka hindi siya mapatawad nito dahil sa nagawa niyang kasalanan.

Continue Reading

You'll Also Like

50.5K 2.6K 43
Let the game begin. Mechanics: Prepare yourself. Hurricane O'monrealte Versalles is a glamorous, gorgeous but dangerous princess. She was trained to...
410K 3.2K 7
Synopsis Nasa sinapupunan pa lang si Scoth ay dala na niya ang sumpa na hindi magiging maligaya kapag nahanap na nilang magkapatid ang babaeng itinak...
13.6M 647K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
21.5M 549K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...