Mara Buenaventura: Love Thy E...

Από Maxima_Isabelle

190 95 1

At the age of 18 ay tinuruan siyang pumatay. She wants justice for her mom's death. Kahit na maging maid sa h... Περισσότερα

Mara Buenaventura: Love Thy Enemy
simula
kabanata 1
kabanata 2
kabanata 4
kabanata 5
kabanata 6
kabanata 7
kabanata 8
kabanata 9
kabanata 10
kabanata 11
kabanata 12
kabanata 13
Editing soon

kabanata 3

15 9 0
Από Maxima_Isabelle

Mara:

Pagpasok ko ng bahay ay tumingin ako sa katulong na nasa living room na naglilinis.

"Andito na ba si papa?" Tanong ko dito.

"Nandito na po ma'am. Nasa opisina po niya." Magalang niya namang sagot. Tumango lang ako sa kanya at sabay punta sa opisina ng mansion.

Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto. Naabutan kong nandun si Alec at pinapagalitan ng papa.

"Stop seeing the daughter of senator De La Vega! Alam mong mainit ang dugo ng senador sa atin. Tapos nakikita kayong magkasama dalawa.." Galit na bulyaw ni papa kay Alec. Yumuko lang ito at di sumagot.

Napahawak ang papa niya sa noo nito na parang problimadong problimado. Tumingin naman ito sa kanya.

"Bakit Mara?" Mainit na ulong tanong nito sakin.

"Babalik na lang po ako mamaya pag tapos na kayo mag usap papa." Sabi ko na aalis na sana.

"Hindi na tapos na kami mag-usap. Sige na Alec.." Pagtataboy na nito kay Alec. Hindi sumagot si Alec yumuko lang ito sa papa niya.

Tiningnan ko si Alec na parang may pinagdadaanan ito. He look broken and misery. Ngayon ko lang siyang nakitang ganyan.

"What is it, Mara?" Mainit na ulo paring tanong ng papa niya ng nakalabas na si Alec.

Tumingin ako sa kanya. "Papa, gusto ko pong magbakasyon." Panimula ko dito.

"Bakasyon? Why?" Takang tanong niya sakin.

"Naisip ko lang po na kaka graduate ko lang ng college at gusto ko din maka experience ng hiking, ahh surfing... Mga ganun pong bagay." Pagsisinungaling kong sabi.

Nabigla ito sa narinig nito at biglang tumawa na parang di galing sa mainit ang ulo kanina.

"Sige isama mo si Boris." Sabi nito na natatawa parin.

"Huwag na po. Alam niyo naman yun si Boris hindi yun gusto ng mga ganung adventure." Pagsisinungaling ko pa rin.

"He would like it dahil kasama ka. Alam mo naman yung batang yun. Ikinasasaya ang ikinasasaya mo." Sabi pa nito. "At mabuti na din na may kasama ka sa mga gagawin mo. Madami tayong kalaban dyan baka ano pang gawin sayo." Dugtong pa niya.

"Hindi naman nila ako kilala. Naging maingat naman ako sa pagligpit sa mga nakalaban natin kaya di ako mamumukhaan nila. Katulad ni Alec, nakakapunta siya mag-isa ng wala namang nakakakilala sa kanya. Gusto ko din ma experience yun papa." Giit niya dito.

Bumuntong hininga ito sabay sandig sa upoan nito.

"Sige kung yan ang gusto mo. Ilang araw ka magbabakasyon."

"Depende po..." hangang mahanap ko si Gustav at mapatay.. "baka isang buwan lang?" Napatingin naman ito sa akin na parang may iniisip ito.

"Sige, mag-iingat ka sa bakasyon mo."

"Salamat papa." Ngiti kong sabi sa kanya.

Malapit na kitang makita Gustav. At sinisiguro ko na pag magkikita tayo ulit papatayin kita. Ipapadanas ko sayo ang ginawa mo kay mama, hayop ka..


***
Mga ilang araw din akong naghanap ng impormasyon kung paano makakapasok sa hacienda Consuelo. At nalaman ko na naghahap sila ng katulong.

Palinga-linga ako sa labas ng grocery store ng Batangas, at tinitingnan kung nakalabas na ba ang mayordoma ng hacienda. Napag-alaman ko na di ka basta-basta tatanggapin kung di ka taga dito o di ka nila kilala.

Nang nakita ko ang hinahanap ay tinanguan ko ang batang lalaki. Agad naman itong lumapit sa matanda at kinuha ang dalang grocery nito.

Napakamut naman ako sa likud ng aking liig. Ang sabi ko bag ang nakawin hindi ang grocery na pinamili nito. Tatanga-tangang bata. Papupulutin pa ako sa mga nahulog na mga pinamili ng matanda!

Lumapit agad ako sa matanda at tinanung ito ng nagsigaw-sigaw na ito. Baka makakuha pa ng atensyon ng marami mabulilyasu pa.

"Manang, bakit po anong nangyari?" Maang maangan kong tanong. Kunwari concern ako. Tumingin ito sakin na parang natataranta.

Para sa grocery lang manang natataranta ka na ano pa kaya kung bag ang kinuha, tsk.

"A-ala eh yung pinamili ko ineng n-ninakaw nung bata.." taranta pa ring sabi nito.

"Ganun po ba? Sige po akong bahala." Sabay takbo ko ng mabilis para mahabol ang bata.

Nang nasa malayo na ay nakita ko ang bata na hinihintay ako. "Narine na ang grocery bag ate." Inabot nito sakin ang pinamili ng matanda.

"Bakit naman grocery kinuha mo sabi ko bag ang kunin mo." Sabay kuha ng pinamili ng matanda at abut na din ng pera dito.

Napakamut naman ito sa ulo. "Ala eh, akala ko bag eh yung grocery bag ibig sabihin mo ate."

Tinamaan ka nga naman ng pagka bubu oh. "Ah sige na, alis na. Baka may makakita pa dito kausap kita." Pagtataboy ko dito.

"Eh.. Salamat nire ate." Tumango ako sa kanya sabay talikud na dito.

"Ito na po yung pinamili niyo manang. Pasensya po natagalan pinulot ko pa po yung mga nahulog." Sabi ko dito ng binigay ko na ang pinamili nito.

Kinuha naman nito agad ang pinamili nito. "Ayy... salamat sayo ineng." Ngumiti ito sa akin. "Ngayon lang naman are nangyari. Wala namang magnanakaw dine noon." Nagtatakang sabi na nito.

Napakamut ako sa ulo. "Aaahh..ganun po ba?" Ngumiti ako sa kanya.

Parang mabibisto pa ako nito. "Anong pangalan mo ineng?" Tanong nito sakin.

"Ma-" napahinto ako saglit. "Marie po."

"Taga saan ka ba dito sa Batangas?" Tanong ulit nito.

"Aaahh...ehh.. Hindi po ako taga dito. Taga Antipolo po ako. May hinahanap po kasi akong kamag-anak ko dito. Sila na lang po ang nag-iisa kong kapamilya." Tumingin ako dito at pinalungkot ang mukha ko at umaakting na parang naiiyak. "Pero nung...nakita ko na sila tiya kapatid ng papa ko. Di niya ako pinatuloy.. Wala po akong mapuntahan." Para namang naiiyak din ito sa sinasabi ko. "Hindi ko naman po sila masisi. Mahirap lang din po sila. May lima na silang anak tapos sasali pa ako." Nakita kong dalang dala na ito sa drama ko. "Kaya nga po nagbabasakali ako baka makahanap ako ng trabaho dito. Mahal din ang pamasahi kung uuwi pa akong Manila. Kahit janitor o katulong man lang-" di ako nakatapos ng sasabihin ng nagsalita ito agad.

"Tamang-tama, naghahanap kami ng katulong ngayon. Baka gusto mong mag-apply?" Nakangiti nitong saad saakin.

"Talaga po? Naku salamat po. Malaking tulong po yan." Malaking ngiti na sabi ko sa kanya.

"Ako, nga pala si Solly manang Solly na lang itawag mo sa akin." Ngiti nitong sabi ng pinasama na niya ako sa sasakyan papuntang hacienda. Mabuti na lang at malayo naka parking ang sasakyan at di nakita ng driver na ninakaw na ang pinamili nito. Pinakilala ako ni manang sa driver. "Marie, siya nga pala si Idong driver namin dine. Idong si Marie bagong kasamahan namin sa bahay." Tumango at ngumiti lang sakin si mang Idong, na nginitian ko din.

malayo-layu din ang byahe at tumingin lang ako sa bintana. Ang daming mga pananim na tubohan ang dinaanan namin. Tumingin din ako sa mga trabahante na nasa tubuhan

Saan ka kaya dito nagtratrabaho Gustav. Tumingin ako sa katabi ko at ngumiti. Hindi naman ako pwede magtanong dito kung kilala ba nila si Gustav at baka mapahamak pa ako.

Pagbaba namin sa sasakyan ay tumingin ako sa palibut ng hacienda. Ang gaganda ng mga halaman na nakatanim at ang iba ay may mga bulaklak na di ko alam ang pangalan. Ang sariwa ng hangin dito. Napatingin ako sa bahay, parang Villa yata ang pangalan ng maitatawag dito.

"Halika Marie pasok ka." Sabi ng mayordoma sakin.

Sumunod naman ako sa kanya. Pagpasok namin sa loob ay napatingin ako sa mga kagamitan. Antique ang mga gamit at mga figurines halatang mahal ito.

"Tatlo lang tayo dine na katulong. Kaidaran mo lang yung isang katulong dine si Lenlen." Sabi nito habang lumalakad papuntang kusina. "Ang totoo niyan kaya lang namin dine ni Lenlen ang mga gawaing bahay. Narine kasi ang anak ni sir Leandro kaya naghahap kami ng isang tagatulong dine." Sabay harap na nito sakin ng nasa kusina na kami.

Napatingin naman ako sa bahay. Ang laki nito tapos tatlo lang kaming taga linis? Nagbibiro ba siya?

Ngumiti ito sakin. "Bukas ka na lang magtarabaho Marie. Magpahinga ka muna ngayon. Mamaya bibigay ko sayo damit mo. May dress code kasi dine ineng. Nasanay na kami kay ma'am Carmila-" napahinto si manang Solly at parang nalungkot ng binanggit ang pangalan ng amu nito. "Hanggang ngayon sinusunod na lang namin ang gay-on." dagdag na sabi nito na halata pa rin ang lungkot.

Hinatid ako nito sa kung saan ang kwarto ko. Pagpasok ko sa loob maliit lang siya pero may maliit na electric pan naman sa gilid. May double deck at kasama ko daw dito sa kwarto yung isang maid.

***
Maaga akong nagising at tumulong na kina manang at Lenlen. Madali kong Nakagaanan ng loob si Lenlen, madaldal kasi ito.

"Lenlen, ihatid mo nga are kay senyorito sa kwarto niya. Baka ayaw na naman bumaba nun." Dali-dali namang kinuha ni Lenlen ang tray ng pagkain na parang excited. Tinawanan ko na lang siya.

Mga ilang oras pa ang nagdaan ng naging busy na kami sa kusina.

"Marie, paki hatid are kay senyorito. Nasa pool siya naliligu." Sabi ni manang Solly na di tumitingin sakin.

"Ako na manang Solly." Sabat agad ni Lenlen.

Tumingin naman dito si manang Solly. "Naku Lenlen ikaw talaga. Tututongan mo pa ako dine sa pagluto." Sabi nito at tumingin sakin. "Paglagay mo sa lamisa Marie. Huwag ka munang aalis pag di siya uupo. Ayaw ni senyorito na pabayaan lang yung juice at pagkain niya na wala pa siya."

"Okay po." Nakangiti kong sabi sabay kuha na sa tray at umalis. Ang dami naman palang arti nitong senyorito nato

Hindi naman mahirap sakin hanapin ang pool dahil sa sanay na din ako sa mansyon namin na pasikut-sikut.

Nakita ko sa may pool na naliligu ang lalaking kaidaran ko lang. Nilagay ko ang juice niya at sandwich sa table at hinintay itong umahon para makabalik na sa kusina.

Saktu namang umahon na siya at tiningnan ko ang katawan niya. Ang yummy pala niya kaya pala excited si Lenlen maghatid ng pagkain sa kanya. Tumingin ako sa mukha niya at nagulat ako. Siya yung... gwapo sa highway na nakaalitan ko.

No way! Bakit siya nandito?

Agad akong yumuko ng nasa harapan ko na siya. Iniiwas ko ang mukha ko para di niya ako makita. Nang umupo na siya ay agad akong umalis ng nakayuko pa rin.

"Teka lang..." habol niyang sabi ng paalis na ako. "Miss you look familiar. Have we met before?" I look at him and saw his grinning at me. "What a coincidence huh." Dagdag pa niyang sabi.

Nag-isip muna ako ng paraan para makalusot, bago ngumiti sa kanya.

"Ayy familiar? Yung pamilya ba senyorito? Ay hindi po tayo magkapamilya senyorito." Sabay iling-iling ko. "Yung kwensi...ayy di ko po maintindihan yun. Pasensya na senyorito maliit lang yung alam kong englis." Pagsisinungaling kong sabi sa kanya.

Hindi ito makapaniwala sa mga sinasabi niya. He suddenly laugh and then biting his lower lip while looking at me. Napakagat naman ako sa labi ko at napalunok ng laway. Ang hot niyang tingnan.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin.

"Po?" Sabi kong parang wala pa sa sarili. Para akong na hypnotize parin sa kanya.

"I mean what are you doing here. Diba taga Manila ka?" Tanong niya na di parin naniwawala sa pagsisinungaling ko.

"Aahh opo.. Paano niyo po nalaman?" Pagsisinungaling ko parin. Ngumisi lang ito sakin.

"Alam ko lang.. I know it was you."

***
Sa dami daming tao sa mundo siya pa talaga ang anak ng may-ari ng hacienda na ito. Dapat di niya malaman na ako iyon baka mapalpak pa plano ko. Malaman ng taga dito nagsisinungaling ako.

"Marie, pinapatawag ka ni senyorito sa kwarto. Puntahan mo daw siya doon." Sabi ni manang Solly.

"Po?" Gulat kong tanong na nagpabalik sa isipan ko.

"Pinapapunta ka. Nagulat nga din ako kasi di naman iyon nagpapatawag sa amin dine. Ayaw nga noon na iniistorbo sa kwarto niya." Sabi nitong parang nagtataka pa rin.

Kumatok muna ako sa kwarto niya bago ko binuksan ang pinto. Pagpasok ko naamoy ko agad ang amoy niya. Ang bango ng kwarto niya. The floor of his room is made of narra. Sarado ang bintana ng kwarto nito at naka aircon siya.

"Pinatawag niyo daw ako senyorito?" Tanong ko dito.

Nakahawak si Gabriel sa cellphone nito at may ginagawa. Tumingin siya sakin at  ngumiti na parang may naiisip na kalokohan.

"Gusto ko sanang dalhan mo ako dito ng juice." Utos niyang nakangiti.

"Okay po senyorito." Magalang kong sagot dito.

Pagdating ko sa kusina ay si Lenlen ang pinatimpla ko ng juice niya. Di ko kasi alam anong gustong juice nun. Nang natapos na ni Lenlen ay bumalik na ako sa taas at dinala ang juice sa kwarto niya.

Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto. Pagpasok ko nilagay ko agad ang juice sa lamisa at tumingin dito.

"Senyorito nandito na juice niyo." Tinigil naman niya ang pag typing sa cp nito at tumingin sa akin ng nakangiti.

Kinuha niya ang juice kaya tumalikud na ako at aalis na sana. "Orange juice?"

"Po?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Ayaw ko ng orange juice. Palitan mo." Sabay tingin ulit sa cp nito ng nakangiti..

"Akala ko senyorito 'yan yung gusto niyo. Sabi kasi ni Lenlen 'yan daw ang palagi niyong inuutos sa kanila." Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Ganun ba? Yun ba sabi niya?" Sabay tingin sa akin ng nakangisi. Pinaglalaroan ako ng loko na 'to.

"Ano bang gusto niyo." Tanong ko na nagpipigil na ng galit.

"Pineapple juice na lang." He says while grinning.

Pumasok na ako agad sa kwarto niya.

"Senyorito, nandito na ang pineapple juice niyo." Nilapag ko sa lamisa ang juice niya.

Aalis na sana ako ng magsalita siya ulit.

"Ayaw ko nito. Sobrang tamis." Napalingon naman ako agad sa kanya.

"Ano ba talagang gusto mo?!" Inis ko ng sabi.

Kanina pa ito eh. Alam ko sinasadya niya na. Napipika na talaga ako sa kanya.

"Galit ka?" Kumikislap na matang sabi niya. Nanggigil na ako talaga.

"Ayy..hindi po. Nagtatanong lang senyorito. Ano bang drinks ang gusto niyo senyorito" Ngiti kong pilit.

"Hmm.." Nag-isip pa ang loko. Naku..kung di ka lang gwapo. "Siguro water na lang."

Pagkuha ko ng tubig ay umakyat na ako sa kwarto niya at binuksan na agad ang pintuan. Nilagay ko ang tubig sa lamisa at tiningnan lang niya ito sandali.

"Kunti lang ang ice nilagay mo. Put more ice."

Nagtatakang tumingin ako sa kanya. Ang dami kayang ice niyan.

"Hindi niyo sinabi senyorito. Ice na lang sana dinala ko." Hindi ito sumagot ngumiti lang sakin na parang natutuwa sa mga nangyayari.

Pagpasok ko uli sa kwarto niya nagdala na ako ng ice at isang basong tubig na puno ng ice.

Bahagya niyang tinagilid ang kanyang ulo.

"Wala man lang sandwich?"

"Hindi ka naman nagsabi." Inis kong sabi.

"Hindi ka naman nagtanong." Parang natutuwa pa ito na naiinis ako.

Nakakagigil siya. Kunti na lang talaga eh..papatayin na kita sa gigil ko.

Pagkuha ko ng sandwich niya ay umakyat na ako sa kwarto niya at binuksan na agad ang pintuan.

"Ang tagal mo naman. Naubos ko na tuloy ang tubig sa kakainum ko." Bungad niya sakin. Teka ang dali naman naubos?

Nilagay ko ang sandwich sa lamisa niya at kinuha ang baso at nilagay sa tray.

"Dalhan mo ako dito ng mango juice." Napatingin naman agad ako sa kanya.

"Ang dami niyo ng nainum senyorito." Nagpipigil na talaga ako sa galit ko sa kanya. Kunti na lang talaga.

"Isang basong tubig lang nainum ko." Pagdadahilan pa niya. "At gusto mo ba akong mabilaukan? Papakainin mo ako ng sandwich na wala ng drinks?"

Sana nga mabilaukan ka nakakagigil ka. Pagod na ako hah kanina pa ako pabalik-balik sa kwarto niya.

Umalis na ako agad sa inis ko sa kanya. Kumuha ako ng isang pitsil ng tubig na puno ng ice at isang basong mango juice. Dinala ko na sa kwarto niya.

Pagpasok ko ulit sa kwarto ni Gabriel ay di ko siya nakita. Nilagay ko na lang ang dala ko sa lamisa niya. Pumikit ako at huminga ako ng malalim bago pinunasan ko ang pawis sa noo ko.

"Your panting and sweating." He says with husky voice near my ear.

Agad akong napatingin sa kanya. Sobrang lapit lang ng mukha niya sa akin. Sh*t! Gwapo ka pero huwag kang masyadong malapit. Baka mapatay kita.

Lumayo ako ng kunti sa kanya.

"Kasi naman senyorito napagod ako kakaakyat dito sa kwarto niyo. Ang dami niyong utos."

"So nagrereklamo ka?"

"Ayy hindi senyorito. Nagpapaliwanag lang." Ngiti kong pilit. Lumapit ito sa akin at bumulong sa tenga ko.

"Paano ba 'yan. Pagod ka na. Paano pa kaya pag iba ang gawin natin." He says with a deep voice.

Agad akong napanganga at tinulak ito.

"Bastos!" Para naman itong natatawa sa reaksyon niya.

"Bastos?" His grinning  while biting his lower lip. "Naisip ko lang na magtanim tayo bukas. Malaki ang hacienda maraming itatanim. Baka mapagod ka pag yun pinagawa ko. Ano bang iniisip mo?" Napahiya naman ako. "Namumula pisngi mo. Okay ka lang?" Natatawang Sabi niya sakin. Kunwari concern halata namang pinaglalaruan ako nito.

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

132K 3.3K 90
How will Zyra find the freedom she is looking for? how can she complete her personality? How can she cope with all his difficulties? What if one day...
7M 235K 50
Erityian Tribes Series, Book #4 || Taking spying to an extraordinary level.
479K 10.3K 72
Siya si Crystal Ice Lee. Isang babaeng cold,Hindi nagpapakita ng emosyon, walang awa,brutal at kinatatakutan ng lahat. Isa siyang gangster queen at m...
6.3M 326K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...