Dazzled by Flames (Flames Se...

De KittyAraa

34.7K 780 169

O N - G O I N G (Flames Series #3: Vixen Cyprus Davidson) Everyone has something within them that they don't... Mai multe

Dazzled By Flames
Prelude
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38

Chapter 12

729 15 1
De KittyAraa

Attraction and Repulsion

When I got home, I took down my IG story. Nag-reply na rin ako kay Harvin na ayos na, na hindi na ako naghahanap. Sunod ay kay Vixen naman ako nag-chat. I thanked him again for helping me practice how to insert an IV cannula.

Malaking tulong din 'yong pagpayag niya dahil tingin ko hindi na ako mahihirapan sa mismong return demonstration namin doon.

"He agreed? 'Di nga?" hindi makapaniwalang tanong ni Brielle.

Kakatapos ko lang ikuwento sa kaniya ang dahilan ng pagdalaw ni Vixen. I told her that he agreed to help me.

"Oo!" I grinned and hugged my pillow.

Kahit ako, ngayong iniisip ko ang mga nangyari kanina, hindi rin ako makapaniwala. Who would have thought that after refusing to help me, he'd change his mind the next day? I'm not sure what changed his mind though. Tinanong ko siya pero wala naman akong nakuhang sagot.

Nanliit ang mga mata niya. "Be honest with me. Boyfriend mo na ba siya?"

I frowned at her. Why would she think that? Tingin niya ba bigla na lang akong magugustuhan ni Vixen? At kung ganoon man, tingin niya ba sasagutin ko kaagad? Mas posible pa ngang ako ang manligaw kaysa si Vixen!

"Hindi! Pero close na kami kaya siguro pumayag? O baka naawa sa'kin?" Sinubukan kong mag-isip ng rason. Anything other than what she's thinking.

"Close rin naman tayo. Mas close pa nga tayo pero hindi ako pumayag." Ngumiti siya na parang nang-aasar. "Gusto ka na ba niya? Umepekto na panghaharot mo sa kaniya?"

Inirapan ko siya. "H'wag ka ngang magsalita ng ganiyan. Baka maniwala ako." Ngumuso ako at humiga. Tinitigan ko ang kulay puting kisame.

Is that possible? Para namang hindi.

He's Vixen. He's smart, handsome, and rich. Although he's cold and snob, he's also a gentleman. Ako? Normal na tao lang! Minsan pa nga hindi!

"Close lang talaga kami and he's kind. Hindi imposible na pumayag siya."

"Girl... sino'ng matinong tao na papayag pag-practice-an? Na tusukin ng paulit-ulit? I'm sure he likes you!" pagpupumilit niya.

Matalim ko siyang tiningnan. "Tumigil ka na nga! Kapag talaga ako naniwala at umasa!"

Nagkibit-balikat siya. "Sinasabi ko lang kung ano ang iniisip ko. It's up to you kung papaniwalaan mo o hindi."

"Argh! Brie!" I yelled.

She laughed loudly. She's obviously enjoying this.

I covered my face with my pillow.

He doesn't like me! Hindi ako puwedeng umasa! He's someone na hindi ko puwedeng maging boyfriend! He's too much for me and too much is bad!

Buisit na Brielle. Kailan ba may lalandi dito para tigilan na ako? Ako pa naman ang ginugulo niya kapag naiinip sa paggawa ng plates!

My phone beeped. Noong silipin ko, nabasa ko ang pangalan ni Vixen sa screen. Mabilis pa sa alas kwatro ang paghawi ko sa unan ko palayo para mabasa ang reply niya.

Cyprus Davidson:

You're welcome.

I pursed my lips to stifle a smile. I heard Brielle clear her throat so I turned to her. Mabilis siyang tumingin sa cellphone niya, iniiwasan ang tingin ko.

"H'wag kang mag-cellphone. Do your plates," parang nanay kong utos sa kaniya.

"Break time ko, okay?!"

Hindi ko na siya sinagot at nagtipa na lang ng reply kay Vixen.

Me:

Nakauwi ka na?

My phones beeped again when he replied. Inalis ko ang tunog ng Messenger app ko para hindi na ko nililingon ni Brielle sa tuwing tutunog iyon.

Cyprus Davidson:

No, I'm at my parents' house.

I guess he's not living with his parents, too.

Me:

You don't live with them? Naka-dorm ka rin ba? Or condo?

Tinanong ko na kahit sigurado naman ako na ang huli ang sagot niya. He's rich kaya he won't stay in a dormitory.

Cyprus Davidson:

Condo.

Me:

So, family dinner? Kaya ka nandiyan?

Cyprus Davidson:

Yes.

Ang ikli pa rin mag-reply! Paano ko ba 'to papahabain? Baka naman ayaw niya pala talaga akong ka-chat at napipilitan lang siya?

Me:

Okay! I'll chat you later na lang. Ayokong makaistorbo sa oras mo sa fam mo. Enjoy!

Gray circles appeared. Pinanood ko ang paglitaw at paglaho ng mga iyon. Umabot ng ilang minuto ang panonood ko doon bago ako matanggap ng reply mula sa kaniya.

Cyprus Davidson:

It's fine.

I can't help but giggle. Gusto niyang mag-chat pa kami! Hindi siya napipilitan lang!

So, we did. Magka-chat kami hanggang sa magpaalam siya na kakain na. Doon lang din kami kumain ng dinner ni Brielle. Pagkatapos naman, hindi na ako nag-chat pa ulit dahil naging abala ako sa panonood. I finished two movies that night habang si Brielle naman ay plate ang tinapos.

Sa sumunod naman na araw ay naging abala ako sa pag-rereview. Mula umaga hanggang hapon ay iyon ang inaatupag ko. Paano, may tatlong quizzes kami sa Lunes! Ayaw kong bumagsak na naman kaya nag-aral talaga ako.

Noong matapos sa pag-rereview, nakatulog ako. When I woke up, I ironed my uniforms after a shower.

"Hindi ka pa kumakain," si Brielle na kakagising lang after a nap. She was sleeping at her drafting table. Gumagawa siya ng plate kanina at nakaidlip. "I bought you food kaninang tulog ka."

"Thanks, Brie! Love you!"

Nilagay ko sa loob ng cabinet ang mga bagong plantsang damit saka kinain 'yong binili niya.

"Patapos ka na ba?" tinanong ko siya habang pinapanood siyang kinukulayan 'yong plate niya. She's using watercolor to paint.

Magaling siyang mag-drawing at magpinta. Hindi ko man nakikita ang mga gawang plates ng mga kaklase niya, sigurado naman akong mas maganda ang kaniya. She draws neatly and creatively. Iyon ang napupuna ko sa tuwing titingnan ko ang mga gawa niyang nakapaskil sa taas ng drafting table niya.

"One hour then I'm done, why?"

Uminom muna ako ng tubig bago sinagot ang tanong niya.

"You should sleep after that. Ilang oras lang ang tulog mo kanina."

"I will." She nodded before her attention was drawn back to her plate.

Inubos ko ang pagkain ko saka ko ginawa 'yong assignment namin sa isang minor subject.

I always spend my Sunday that way, studying and doing my assignments. Ganoon palagi para pagdating ng Lunes ay ready ako.

Pero kahit siguro gaano ako ka-ready, kahit ano'ng aral ko, dahil hindi naman ako matalino, nahihirapan pa rin ako.

Sa unang klase pa lang ay nagkaroon na kaagad kami ng quiz. Ang hirap pa kaya bumagsak ako! Halos sa libro kumuha. 'Yong notes ko pa naman ang inaral ko dahil akala ko ay sa discussion manggagaling lahat ng tanong. Ganoon kasi palagi kaya noong makita ko 'yong mga tanong, hindi ko maiwasang hindi mainis.

I felt like my efforts went to waste and that's frustrating. Nag-aaral naman ako ng mabuti. Ganoon palagi pero dahil hindi ako matalino, palaging nasasayang 'yong efforts ko.

I shut my eyes tightly and breathed out.

Okay lang, Tali. Puwede mo pang bawiin 'yong quiz. Study harder para pumasa ka. Sa sipag ka na lang puwedeng bumawi.

Para hindi bumagsak sa susunod na quiz, nag-review ako ulit during our class in PurComm. Patago lang dahil baka mahuli ako at mapagalitan.

"Move your chairs before we start your quiz," utos ng CI namin.

Tumayo ako at inusog sa pader ang upuan ko. Umupo ako ulit at pinanood ang CI ko na ipamigay ang mga test papers at answer sheets. Noong makuha ko na ang akin, I scanned the questionnaires.

I sighed disappointingly. Hindi pa ko sumasagot pero nawawalan na ako ng pag-asa.

Instead of letting my fear of failure eats me, I focused on answering the questions. I took my time answering them. Wala akong sinayang na minuto at nag-submit lang ng papel noong naubos na ang oras na binigay sa'min ng CI namin.

"Aren't we going to check the quizzes po?" tanong ng kaklase ko.

"No, we'll have our lecture first. Kapag natapos kaagad, maybe we will."

Mas pabor sa akin ang ganoon. Ayaw ko munang malaman kung nakapasa ba ako. Baka kapag bumagsak na naman, hindi na ko mag-review para sa huling quiz.

"By the way, your midterm grades will be out later at twelve noon. If you have any questions and concerns regarding your grade in my course, please come to the faculty."

"Okay po, Ma'am!" si Leslie.

"Sana naman hindi bumaba 'yong grades ko!" saad ni Tracy. Mukha rin siyang kinakabahan katulad ko. Ako kinakabahan dahil baka mababa na naman ang mga grades ko habang siya ay kinakabahan na baka bumaba 'yong mga kaniya.

"Sana nga," bulong ko.

Nagsimula na ang lecture namin kaya ang mga kaklase kong nag-uusap tungkol sa mga grades nila, natahimik. Nakinig na lang kami at habang ang iba ay nag-vovolunteer during recitation, ako naman ay nagsusulat lang.

"Let's eat na muna bago lumabas 'yong mga grades," anyaya ni Niah. Nakatayo siya sa harapan ko, bitbit na ang bag niya.

"Tara!" Ngumiti ako at tumayo. Lumabas kami ng classroom at sumabay sa mga kaklase ko sa elevator.

"Si Niah for sure puro uno na naman ang grades!" 'yong kaklase namin.

"Sana nahihingi 'yong utak o kahit brain cells lang."

"I hope so." Niah gave them a small smile before she turned to me. "Where do you want to eat?

"Sa cafeteria? Mag-rereview ako ulit bago 'yong last quiz natin today."

"Okay. Do you want me to come with you?" Hindi ako sumagot. Ngumisi siya, alam na ang gusto ko. Of course I don't want her to come with me. Makakaistorbo siya sa amin ni Vixen.

Nagtungo kami sa cafeteria at kumain ng lunch. Mabilis lang para marami pa akong oras na mag-review.

"Bye!" paalam ko sa kaniya.

Paglabas ng cafeteria, sinulyapan ko ang relo ko. It's fifteen minutes past twelve. Paniguradong lumabas na ang mga grades namin.

Bago magtungo sa library, dumaan muna ako sa restroom. Sumandal ako sa lababo at hinugot ang cellphone ko mula sa bulsa ko. I logged in to the university's website. My hands are trembling habang hinihintay ko ang pag-load ng grades ko. Noong matapos, isa-isa kong tiningnan ang mga grado ko.

Ganoon pa rin. Wala naman akong bagsak na grado pero mabababa naman. I should be happy dahil nakapasa naman ako. But thinking about my dad's reaction when we last met, makes me feel that they're not enough.

Kahit ayaw ko, I emailed dad a copy of my grades. Malalaman niya rin naman kasi at kapag nalaman niya sa ibang tao, mas magagalit siya sa'kin.

Binalik ko ang cellphone ko sa loob ng bulsa ko noong may pumasok sa banyo. It's the student council president.

"Kumusta?" she asked me. Kaibigan siya ni Brielle kaya naging kaibigan ko na rin. Brielle introduced me to her before.

"I'm good! Kumusta ka? Busy ba masyado?"

"Stressed every day! Pero okay lang, pinili ko 'to." Ngumuso siya.

"Good luck. I'll go ahead na."

Paglabas ng restroom, dumiretso ako sa library para doon na mag-review at para siyempre, makita si Vixen.

I went straight to the second floor, where we would always stay. My gaze caught him immediately. Napangiti kaagad ako na parang walang pinoproblemang grades kanina lang.

Naglakad ako palapit sa kaniya. Napahinto noong nakita ang katabi nito. It's his girl classmate. Isa siya doon sa dalawang kaklase ni Vixen na babae. The girl looked like she's asking something from Vixen. Pinapakita pa nito ang hawak na short bond paper.

Ito ang unang beses na nakita ko siyang may kasama sa library, bukod sa akin. Hindi ko tuloy alam kung lalapitan ko pa. Mukhang may ginagawa sila at nahihiya naman akong makaistorbo.

I was about to leave when my gaze connected with Vixen's. I smiled at him and waved my hand. He cocked his head to the side and his eyebrows furrowed. Parang tinatanong niya ako kung bakit hindi ako lumalapit.

Humakbang ako palapit sa kanila. Vixen's eyes settled on mine while mine shifted toward the woman beside him. Nginitian ko ito noong mag-angat siya ng tingin sa akin.

"Hi! Busy kayo?" baling ko kay Vixen pagdating sa harap nila.

"We're doing a pair work," it was the girl who answered me. "Hi! I'm Georgette but I don't like that name so others call me George." She gave me a friendly smile.

"I'm... Tali," pakilala ko rin. I placed my hand in front of her to shake hands with her. Tinanggap niya naman iyon at pinaupo ako. Tiningnan ko 'yong mga papel at mga libro sa harap nila bago ko tingnan si Vixen.

I smiled cutely at him when I saw him watching me intently.

"Nag-lunch na kayo?" I asked them kahit na si Vixen lang naman ang gusto kong tanungin. It would be rude to ask Vixen only, seeing that he's with someone.

Tumango si Vixen. "Ikaw?"

"Yup! I ate with Niah at the cafeteria." Nilabas ko mula sa bag ko ang reviewer ko para sa quiz mamaya. Naglabas din ako ng mechanical pen.

"Have you seen your grades?" si George kay Vixen.

Mula sa reviewer ko, napatingin ako sa kanilang dalawa, partikular na kay George. Maganda kasi siya, mukhang mayaman at mukhang matalino rin. Ang ganda ng kutis niya, makinis at morena. She also has sharp features, making her look snob kahit na tingin ko ay mabait naman siya at palakaibigan.

"Yes."

"What's your GWA? I got 1.50."

So, she's really smart. Hindi lang siya mukhang matalino.

Vixen didn't answer her question.

"Naka-uno ka ba ulit?"

Yumuko ako at inabala na lang ang sarili sa pagbabasa kahit na panay ang pagsulyap ko sa kanila. Hindi ako makaalis-alis sa unang page. Bumabalik palagi ang tingin ko sa kanila sa tuwing mag-uusap sila.

I suddenly feel out of place. Pakiramdam ko rin parang naninira ako ng date. Mukha pa naman silang couple. Bagay pa sila dahil parehong maganda at matalino.

I heaved a sigh. Ako, maganda lang minsan, kapag kumpleto ang tulog. Hindi pa matalino. Argh! Keep up naman, Tali!

Tiningnan ko ulit sila. They look close. Medyo nakakalungkot dahil akala ko ako lang ang ka-close niyang babae. Hindi ko naman kasi siya nakikitang may kasamang babae na kaklase o kaibigan. Huling nakita ko siya, fling niya raw. Hindi ganito.

I shook my head, trying to shake my thoughts away.

Dapat mas maging masaya pa ako dahil may kaibigan siya. Hindi naman puwedeng ako lang ang malapit sa kaniya.

"Nakuha ko ba ng tama?" Pinakita ni George kay Vixen 'yong scientific calculator niya.

"Yeah."

"Okay!" George looked at me and gave me a smile. Sinuklian ko 'yon. "Ano'ng year ka na?"

"Second year," tugon ko.

"Nursing, right? 'Di ako ganoon kasigurado dahil kulay puti rin 'yong uniforms ng ibang allied medical professions."

"Yup," I replied.

"Nice program." Bumalik na siya sa ginagawa kaya ganoon din ako.

Dahil hindi naman na ako makapag-review ng maayos, I just scanned my reviewer. When I finished, I gathered my things and put them inside my bag.

"Alis na ko," paalam ko noong balingan ako ni Vixen.

Hindi man lang kami nakapag-usap. Ayos lang naman sa akin dahil may ginagawa sila. Sapat na sa akin na nakita ko siya kahit na may kasama naman siyang iba.

He gazed at his watch. "It's still early for your next class."

"Pupuntahan ko si Niah," palusot ko na lang.

I want to leave now. Hindi ko na nagugustuhan 'yong mga naiisip ko sa tuwing titingnan ko sila. Vixen is just supposed to be a happy crush. Although I'm starting to like him more, I shouldn't feel jealous. It's not healthy dahil mas lalo lamang lumalala ang mga insecurities ko.

"Let's go together."

"Hindi pa tayo tapos," sabat ni George.

"You don't have to, Vix." I glanced at George. "Nice meeting you. Una na ko." I smiled at them before turning my back against them. Mabilis akong naglakad patungo sa hagdan.

When I got out of the library, I received a text message from dad. Hindi ko kaagad binuksan. Umupo ako sa bench sa gilid ng library at saka pa lang binasa 'yong text niya.

From: Daddy

Nasa klase ka ba?

Nag-reply ako na lunch break ko. Wala pang isang minuto mula noong nag-reply ako ay tumawag siya. Humugot ako ng malalim na hininga bago iyon sinagot.

"Dad... Napatawag po kayo? Kumusta na po?" kinakabahan kong tanong.

"Wala na bang itataas mga grado mo?" bakas mula doon ang galit.

"I-I'm studying hard po."

"Then, study harder! Your grades are disappointing!"

I pursed my lips. I don't know what to say. Nag-aaral naman ako ng mabuti. Hindi lang talaga sapat iyon para makakuha ng matataas na grado.

"Hindi ka marunong sumunod! Kahit ano'ng sabi ko na pagbutihan mo, hindi mo pinagbubutihan!"

I do. Pinagbubutihan ko. You just don't see it because you don't want to be around me.

"Susubukan ko... po."

"Narinig ko na 'yan! Ilang beses na pero wala namang nagbago. Kung ganito lang palagi, 'wag ka nang mag-aral para hindi nasasayang 'yong pinambabayad ko sa tuition mo." Then, he hung up on me.

Mariin akong pumikit. Hoping that I won't tear up even though I could feel my eyes burning already. Ayokong umiyak, lalo na at nasa public place ako. Natatakot ako na may makakita sa akin.

I swallowed the lump in my throat and held my chest. I could feel it clenching. I hit it weakly, hoping the pain will disappear. Ang kaso walang nangyari. Sumisikip pa rin.

Alam ko naman na ganito ang mangyayari. Alam ko naman na masasaktan ako pero sa halip na umiwas, pinili kong harapin.

Dapat ba hindi ko na lang sinagot 'yong tawag niya?

Bumilis at naging mabigat ang paghinga ko. Katulad ng palaging nangyayari, nagsimulang mangatog ang mga kamay ko. I opened my eyes when I heard footsteps nearing me.

My hands fell to my side when I saw Vixen. Kunot ang noo niya, nakatitig sa akin. Umigting ang panga niya at sa isang iglap lang ay nasa harap ko na siya. Tumingala ako habang siya ay nakadungaw sa akin.

"U-Uy. You're... here," I said the obvious. I forced myself to grin, as I had become accustomed to.

I gulped when his eyes narrowed. Mukhang hindi siya naniniwala sa pag-ngiti ko kaya ngumuso na lang ako at tumingin sa ibang gawi.

"What's wrong?" he muttered.

I turned to him again. "Huh? Wala! Ano'ng nangyari sa'kin?" I hid my heavy breathing by laughing.

Tumalim ang tingin niya sa akin. "Catalina, you're fucking trembling!" He grabbed both of my hands. Bumaba ang tingin ko doon. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang mga iyon.

"Oh... Wala 'to. Normal lang 'to." I tried to pull my hands from him but his grip tightened so I failed. Dahil sa panghihina, hindi na ulit ako sumubok pa.

Mas naging mabigat pa ang paghinga ko kaya hindi ko na iyon naitago sa kaniya. He sat beside me while still holding both my hands. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay niyang nakabalot sa akin habang hinahabol ko ang aking paghinga.

"Breathe, Catalina," utos niya. Then, he began counting for me.

Sinunod ko siya. I performed a deep breathing exercise with the help of him. Paulit-ulit hanggang sa naging kalmado na ang paghinga ko at tumigil na ang panginginig ng mga kamay ko.

"Okay na ko." Hinatak ko ang mga kamay ko mula sa kaniya.

I think my heartbeat will become erratic again if I let him hold my hands for much longer.

"What happened?" his voice was laced with concern. Katulad na lang noong huli kong naranasan ito.

Katulad ng gabing iyon, siya na naman ang nasa tabi ko ngayon. At katulad din ng gabing iyon, kahit hindi ko pilitin, wala na ang nararamdaman kong pagkirot sa dibdib ko kanina.

Ghad, should I love or hate this kind of effect on me? Gusto ko ang epekto niya sa akin pero alam ko na kapag pinanatili ko pa ito, hindi na magiging mabuti kalaunan. I don't want another person who could hurt and break me. I think I've had enough of such kind of people in my life.

"W-wala. It just happened," pagsisinungaling ko. Tumayo ako pero pinigilan niya ako. Bolts of electricity ripped through my body when he held me again. Hinatak ko iyon mula sa kaniya.

"Does it always happen? The panic attack?"

Umiling ako. Iyon naman ang totoo. Noon, madalas 'yon mangyari. Naging madalang lang magmula noong hindi na ako nakatira kasama ni daddy.

"May problema ba?" tanong niya ulit.

Umiling ako ulit saka nginitian siya. Ngayon, hindi na ako nahirapang ngumiti.

"Ayos lang nga ako. Bigla lang talagang nangyari."

"Really?" Umangat ang mga kilay niya at nanliit ang mga mata.

I chuckled. "Oo nga!" Tumayo ako at hinatak siya. "Tara na! Baka ma-late tayo."

"Call me when that happens again."

Hinarap ko siya. "Bakit naman?" Ngumisi ako. "Nag-aalala ka sa'kin? Ikaw ah..." I poked his side but despite my playfulness, he remained stern. Ngumuso ako at tumigil na lang.

"I think I can see through you so call me when you're not okay."

Namilog ng bahagya ang mga mata ko. Bumilis din ang tibok ng puso ko, ngayon hindi na dahil sa lungkot at sakit kung 'di dahil na sa kaniya.

Shit. I'm in danger.

"Tara na. Five minutes na lang bago ang klase." Tinalikuran ko siya at naglakad na paalis. Narinig ko ang mga yapak niya. Noong tingnan ko siya, nasa tabi ko na siya. "Nasa'n pala si George? Akala ko ba hindi pa kayo tapos?" Tumingin ako sa harapan.

"Itutuloy na lang namin mamaya."

Tumango ako saka bumaling sa harapan. Naging tahimik pagkatapos no'n at hanggang sa makarating kami sa tapat ng building ko.

"See you around!" paalam ko saka tumakbo papasok. Noong makalayo, hinarap ko siya at patalikod na naglakad. I waved my hand at him and giggled when I saw him watching me with eyes like a hawk.

Pumasok ako sa elevator at noong sumarado ang pinto, nawala ang ngiti ko. I lifted my hand and placed it above my chest. It's still beating rapidly.

"Gosh, Vixen..." bulong ko.

This is not good for me! Kapag nagpatuloy 'to, tuluyan ko na siyang magugustuhan. Kasunod no'n ay unti-unti naman akong mahuhulog sa kaniya.

I don't want that to happen! Dapat ngayon pa lang ay lumalayo na ko! But then, hindi ko naman kayang gawin 'yon! I want to see him always!

"Paki-hatid ang baby."

"Nino po?" I asked our clinical instructor.

"Valenzuela," tugon niya.

Nilapitan ko 'yong crib ng baby ni Valenzuela. I checked the ID bracelet first before taking the baby with me. Dinala ko ito sa kwarto ng pasyente.

"Kaano-ano niyo po si Ma'am?" tanong ko sa lalaki na nagbukas ng pinto. I saw the patient lying on the bed, sleeping.

"Misis ko."

I nodded and gave him his baby. Ngumiti siya ng malapad noong mahawakan ang anak. His eyes are twinkling with happiness.

"Thank you," bulong niya.

Nginitian ko ang lalaki. "Welcome po. Congrats, sir." I glanced at the baby before leaving him.

Pagkasara ng pinto, napangiti ako ng malapad. That's my second patient since I began my DR rotation yesterday. Kahapon I delivered a baby and a while ago, I did the newborn care. Ngayon lang ako nag-enjoy talaga sa duty ko. Kung puwede lang na ilang beses magpaanak sa isang araw, gagawin ko. Ang kaso ay toxic iyon para sa ibang groupmates ko.

Pagbalik ko sa delivery room, ginawan ko naman ng drug study 'yong mga gamot ng pasyente ko na ibibigay ko mamaya. Gamit ang drug handbook, nilista ko 'yong mga kailangang impormasyon. Noong natapos, I presented the drugs in front of my CI. He asked me questions, too, about the drugs.

"Okay na, prepare the drugs thirty minutes before two o'clock."

"Yes po."

Bumalik na ko sa mga kagrupo ko sa delivery room.

"Tali!" Harvin called me. Nilingon ko siya at nilagay ang pocket notebook ko sa bulsa ng scrubs ko. "Here... 'Di ka pa kumakain ng lunch."

I gazed at the tupperware he's holding.

"Ikaw?"

"Nagdala rin ako ng para sa akin."

"Sure ka ba?" tanong ko. Tinanguan niya ako bilang tugon. "Then... sabay na tayo."

He grinned. "Tara."

Pinuntahan namin ang CI namin para magpaalam na kumain na. Kanina pa dapat ang lunch break namin kaso may nanganak na pasyente at subgroup namin ang naka-deck kaya hindi muna kami kumain.

Noong pumayag ang CI namin, we wore our lab gowns and exited the delivery room.

"Sa cafeteria na lang tayo kumain," si Harvin.

We headed towards the cafeteria and ate the food he brought.

"Thank you so much!" sabi ko pagkatapos naming kumain. Pabalik na kami ngayon sa delivery room.

"You're welcome."

"Ikaw ba 'yong nagluto?" I turned to him after greeting the doctor.

He shook his head. "My mom."

My eyes widened in surprise. "Hala... alam ba niya na pinagdala mo ko?"

Mahina siyang tumawa habang tumatango. "I told her about you. Na may nagugustuhan ako."

Awkward akong tumawa at umiwas ng tingin.

"Nakakahiya naman sa mommy mo. Thank her for me and tell her na masarap 'yong asado."

Pagbalik namin sa DR, hinanda ko na 'yong mga gamot ng pasyente ko. Pinakita ko muna sa CI ko bago ako nagtungo sa room ng pasyente.

"Good Afternoon po," bati ko sa kaniya noong nadatnan siyang gising na at buhat na ang anak.

"Good Afternoon," balik niya.

Tinanong ko ang pangalan niya at kinumpirma ito sa suot niyang ID bracelet bago binigay ang mga gamot niya. Noong nainom niya na saka pa lang ako umalis.

Pagbalik ko sa DR, naghahanda na ang mga kagrupo ko. Hinanda ko na rin ang mga gamit ko at nagpalit na rin into our duty uniform. Then, our duty ended after our post-conference.

"Ingat!" paalam ko kay Niah bago niya isarado ang pinto ng backseat. Pinanood kong makaalis ang sasakyan bago hinarap si Harvin. "Hindi ka pa ba uuwi?"

"Hatid na kita."

Umiling ako. "Malapit lang naman ang dorm ko 'tsaka mukhang pagod ka na rin. You'll drive pa kaya 'wag mo na kong ihatid para makapagpahinga ka kaagad."

"Sigurado ka ba?"

Tinanguan ko siya at nginitian. "Thank you sa offer and ingat!"

"Ingat." He walked inside the school habang ako naman ay sa daan patungo sa dorm ko.

I put my hands inside my pockets. Nahawakan ko ang cellphone ko kaya hinugot ko iyon para tingnan 'yong mga notifications. Puro group chats lang at mga notifications sa Facebook.

"Where do you want to eat?"

I stopped scrolling when I heard a familiar voice. Noong mag-angat ako ng tingin, natagpuan ko si Vixen at George.

My eyebrows furrowed as I stared at them.

Bakit magkasama na naman sila? May pair work na naman ba sila? Dumadalas na, ah!

"Doon sa Wingzie's pero bili muna ako ng kape."

Huminto ako sa paglalakad at sinundan sila ng tingin. Lumiko sila pakaliwa kaya sumunod ako. I saw them enter the coffee shop. Kaparehong coffee shop na pinuntahan namin ni Vixen. Naglakad ako palapit para makita sila.

I gazed at them through the glass wall and saw how close they were to each other. May sinasabi si George kay Vixen at nakita ko ang pag-ngisi ng huli.

I tsked while glaring at Vixen. "Taksil," bulong ko.

Ganoon ba ka-interesting ang sinasabi ni George kaya may pangisi-ngisi na siyang nalalaman? Mas intresting ba kaysa sa mga banat ko?

Marahas akong napabuga ng hangin noong nakitang tumingkayad si George at inakbayan si Vixen. Nanliit lalo ang mga mata ko mula sa paninitig ng matalim kay Vixen noong tumawa siya.

How could he laugh like that? Ilang beses ko pa lang siyang napatawa! At bakit siya nagpapaakbay? Puwede pala 'yon? Sana pala matagal ko na siyang inakbayan!

Ngumuso ako at pumihit na paalis. They're not worth watching. Hindi naman talaga sila bagay.

Pag-uwi ko, ginawa ko 'yong usual routine ko araw-araw. I took a bath and ate dinner with Brielle. For the first time, masaya ako na may quizzes kami kinabukasan. Pre-occupied tuloy ako sa pag-rereview, hindi ko na kailangang maghanap ng gagawin para lang hindi isipin si Vixen.

Basta, isang tawa pa niya dahil kay George o isang paakbay pa, i-uuncrush ko na talaga siya! I'll find another crush. Sa ibang college naman.

"Then, he just left me! He didn't even let me finish and that's super frustrating!"

Nanlaki ang mga mata ko. Mabilis kong tiningnan ang mga kaklase namin na malapit sa amin. It's a good thing that they have their own conversation so they didn't hear Niah.

"Ang ingay mo! Gosh, Niah!" suway ko sa kaniya.

"What? Let them hear me. Hindi ko naman tinatago." She rolled her eyes. Pinandilatan ko naman siya ng mata.

"And what? Let Kuya Spike know about it?"

Nalaglag ang panga niya at nanlaki ang mga mata.

"Oh, fuck! I wasn't thinking!" Lumapit siya lalo sa akin. "You think they will snitch on me?"

Nagkibit-balikat ako at binalik na lang ang tingin sa cellphone ko. I watched reels on Instagram. Tumigil lang ako noong pumasok ang CI namin.

Naglabas ako ng lapis at ballpen. Noong matanggap na ang test papers, nagsimula na akong sumagot.

"Now, pair yourselves and write your names on a paper."

Tumingin kaagad ako sa gawi ni Niah.

"Partner tayo, Niah!" si Alfie iyon. Mukhang uunahan pa ako kay Niah. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang nang-aagaw ng kapares. Alam niya naman na kami palagi ang magka-pair.

Pinangunutan ko siya ng noo. "She's my partner," sabi ko.

"Nauna ako." Ngumisi siya at nilapitan si Niah.

"Tali's my partner. Paladesisyon ka."

"May ka-partner na siya."

"Wal-"

"Tali," Harvin cut me off.

Noong lingunin ko siya, nasa gilid ko na siya, nakaupo na sa upuan ni Tracy.

"Bakit?" tanong ko.

"Uhm... tayo na lang?" Tumaas ang mga kilay ko habang siya naman ay pinamulahan. "I mean... sa... case study."

My mouth formed a circle. Mahina akong tumawa saka tumango.

"'Di mo na kailangang mag-explain." Inalis ko ang takip ng ballpen ko. "Ako na ang magsusulat ng names natin."

Hinati ko 'yong yellow paper at sinulat ang pangalan naming dalawa. I also put our group number and section.

"I'll be expecting your EBJ review tomorrow. Prepare for a presentation, too," huling paalala ng CI namin bago ito magpaalam at lumabas ng classroom.

"Kailan natin sisimulan?" tanong ni Harvin.

"Ngayong lunch break tapos ituloy na lang natin after class."

"Saan kayo kakain ng lunch?"

"Baka sa cafeteria."

"Can we join you?"

Pumayag ako. Nilapitan namin si Alfie at Niah saka niyaya nang magtungo sa cafeteria.

"Kailan niyo sisimulan inyo?" tanong ko kay Niah.

"After class pa, kayo?"

"After lunch."

Hinarap niya si Alfie na katabi si Harvin sa likuran namin.

"Can we start it after lunch? Let's join them."

Alfie looked at Harvin. The latter glanced at me before looking away.

"Hindi ako puwede," si Alfie.

"And why is that?" Her brows arched up.

"Ano... may aasikasuhin ako. 'Yong... 'Yong grades ko! May ipapa-compute ako ulit."

"E 'di I'll find us a journal na. I'll join them."

Umiling-iling si Alfie na kulang na lang ay mabali ang leeg.

"Samahan mo na ko!"

"Why would I?"

"Partner tayo, 'di ba?"

Dahil makulit si Alfie, napapayag niya rin si Niah kinalaunan.

"H'wag na. Ako na," tanggi ko kay Harvin noong akmang babayaran ang pagkain ko.

Hindi na ako komportable na ilibre niya. Parang hindi na maganda na magpalibre sa kaniya knowing that he likes me.

Inabot ko ang pera ko bago siya tingnan ulit.

"Thank you," saad ko.

"Ako na lang ilibre mo, p're!" Inakbayan siya ni Alfie na mukhang kanina pa nakikinig sa amin. Ang tsismoso!

"May pera ka," masungit niyang sabi at nilagpasan si Alfie.

"Parang gago! 'Di na kita tutulungan!"

Tinawanan ko si Alfie bago sumunod kay Niah at Harvin. Umupo kaming tatlo sa bakanteng table na pang-apatan at hinintay si Alfie bago magsimulang kumain.

Noong matapos kaming kumain, humiwalay kami ni Harvin sa kanila. We went to the library para masimulan na namin 'yong EBJ review namin.

"Sa second floor na lang tayo," wika ko.

"Sige, sunod na lang ako sa taas. May ibabalik lang ako na libro."

I nodded and headed toward the stairs. Pag-akyat ko, kaagad kong hinanap si Vixen. A frown automatically appeared on my face when I saw him again with George.

Bakit ba palagi na lang silang magkasama? Ano? Activity pa rin ba o ibang activity na?

And, the hell! Does their activity include George squeezing Vixen's arm repeatedly? Ano? May Anatomy and Physiology na sila at pina-palpate ni George biceps at triceps ni Vixen?

Ni hindi ko pa nga nahawakan mga 'yon, eh!

Mabilis napalitan ng ngiti ang simangot ko noong magtama ang tingin namin ni Vixen. Kinawayan ko siya bago talikuran.

Ayaw ko nang tumuloy. Nakakainis siya! He's not my crush anymore!

Bumalik ako sa baba at nakasalubong si Harvin.

"O, bakit ka bumalik?" tanong niya sa'kin.

"Dito na lang tayo sa baba. Mainit sa taas. Sira yata 'yong aircon," palusot ko.

I looked back at the stairs, glaring like it was Vixen I'm staring at.

That's it. Sisimulan ko na ang pag-uuncrush sa kaniya.

Continuă lectura

O să-ți placă și

1.3M 31.3K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
3.8M 244K 100
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
1.2K 119 42
"Who did this to you?" "Touch her, and you're dead." [Mafia AU]~ She can't stand him, and he revels in pushing her buttons. Yet, when circumstances f...
744K 57.2K 35
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...