Jien Of Grid (M-preg)

By Tatisvibe

284K 11.2K 2.1K

"Jien." - Grid "Po." - Jien "You're my angel, baby." - Grid "You're my lord, then." - Jien 04, 25, 22 More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17 (SPG)
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31 (SPG/R-18)
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 20

7.2K 289 86
By Tatisvibe

Grid

"Here, yan dito ka." Pagkatapos kong iupo sa mataas na upuan si Jien ay pinisil ko ang mga pisngi nito.

Tatlong linggo na ang lumipas, tuluyan ng nawala ang sakit sa balakang at sa pang-upo niya, nakakapaglakad na rin siya ng maayos pero ayaw niya ng maglakad, masyado siyang nawili sa kakabuhat ko sa kaniya kaya tuwing makikita niya ako ay nagpapabuhat siya.

Tatlong linggo rin akong hindi nakapagtrabaho pero nagsabi sakin si Gino na siya muna ang titingin sa kumpanya at bantayan ko na lamang daw si Jien, ang kapalit daw non ay ang hindi ko pagtuloy sa pagtapos ng pagkakaibigan naming lahat na ikinailing ko na lamang pero pinayagan ko na rin habang sila Shin at ang ang tatlong bugok pa ay laging nasa bahay, nagdadala ng mga pagkain na para daw kay Jien pero karamihan sa mga dinadala nila ay ang paborito ko. Nakikipagkwentuhan sila kay Jien, mostly about sa games.

Ngayong araw ay ang pagbisita namin sa pamilya Herrera pero itong si Jien ay ayaw paawat, kung hindi ko pa siya bubuhatin hindi siya babangon sa kama. Kung hindi ko pa siya susubuan, hindi siya kakain, kung hindi ko pa siya sasamahan sa pagligo ay hindi raw siya maliligo. Masipag lamang siya sa pagdaldal, pagkukuwentuhan sa kanila Phone.

"We'll visit the triplets today." Imporma ko sa kaniya.

Ngumiti ito ng malawak na ikinangiti ko na rin. "Okay po, miss ko na rin sila."

"Then ubusin mo na 'to para makaligo ka na." Abot ko sa kaniya ng isang basong gatas.

"Ikaw po papaligo sakin at magbibihis sakin." Sabi nito at uminom.

"Paliguan mo ang sarili mo ng ikaw lang hmm." Pinisil ko ng mahina ang baba niya. "Ako na ang magbibihis sayo. Maligo ka na ikaw lang."

Sumimangot ito. "But I don't want to. Hindi na po ako maliligo." He said like a spoiled brat.

Pinaseryoso ko ang mukha ko. "Hindi araw-araw nasa bahay ako Jien, paano na lang kapag bumalik na ako sa pagt-trabaho, hindi ka na maliligo ng ilang araw?"

"Wag ka na po magtrabaho, hindi ka naman po nagt-trabaho ngayon e, paliguan mo na lang po ako tulad kahapon. Kung hindi mo po ako papaliguan, hindi na lang po ako maliligo, bihisan mo na lang po ako."

Tinitigan ko ito ng matagal na ikinaiwas niya ng tingin. "You've been acting like spoiled bad kid these past few days, Jien." Seryoso kong turan sa kaniya na ikinatingin niya muli sakin.

Ngumuso ito pero hindi parin nagbago ang seryoso kong mukha. Unti-unti itong napayuko. "M-maliligo na po ako." Mahina nitong sabi.

Hahawakan ko sana siya nang gumalaw siya para bumaba pero mabilis na itong nakatalon at umakyat sa taas ng walang lingon-lingon.

Napailing ako sa inasta nito.

I just want him to help himself, kumilos para sa sarili niya, yung hindi ako kasama. Hindi naman kasi araw-araw nasa tabi niya ako para tulungan siya, gustuhin ko man na lagi siyang nasa tabi ko, hindi naman pwede dahil sino ang bubuhay saming dalawa. Maliit man na bagay iyon pero masasanay siya.

Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto nang marinig ko ang tunog ng doorbell.

Pinapasok ko ang mga kaibigan ko na may dala na naman na mga bagay na alam kong karamihan ay para sakin. The rest ay kay Jien na talaga.

Binuksan ko lang ang pinto para sa kanila pero hindi na ako nagsalita, agad akong tumalikod sa kanila at bumalik sa pagluluto, dinamihan ko na ang mga niluto ko para sa mga kaibigan ko.

Nang matapos ay umakyat ako sa taas para tingnan si Jien. Nasa isip ko na nasa kama pa siya at kakatapos lang maligo pero nadatnan ko siyang nakatingin sa vanity mirror at inaayos ang suot niya. Siya na ang nagbihis sa sarili niya.

Napatingin siya sakin pero agad siyang umiwas ng tingin.

"Kakain na." Sabi ko dito.

Tumango lamang ito at naglakad na palabas ng kwarto.

Pagkababa ko ay naabutan kong dumadaldal si Jien.

"I don't know po, he hates me now Kuya." Rinig kong sabi ni Jien.

Agad na tumikom ang bibig ni Jien nang makita ako.

Tiningnan ko lamang sila ng seryoso lahat bago tumalikod at naglakad papasok sa dining area.

Habang inaayos ko ang mga baso nila ay naramdaman kong may tumabi sakin.

"Nagsumbong samin si Jien." Sabi ni Alvin.

Hindi ko ito sinagot at umupo na lamang sa upuan.

Nagpatuloy ako sa pag kain nang pumasok silang lahat at nagsiupo.

Tumabi sakin si Jien at nagsimula na ring kumain. Ramdam ko ang pabalik-balik na tingin niya sakin. 

"Tubig po..." Mahina niyang sabi at mas nilapit sakin ang baso.

Tiningnan ko ito at kinuha ang inabot niyang baso bago uminom. Nagpatuloy ako muli sa pag-kain.

"P-pwede po umupo sa lap mo." Kausap sakin ni Jien nang matapos ako sa pag-kain ko. Alam kong gusto niya lamang na kunin ang atensyon ko at kausapin ko siya.

Hindi ko alam kung bakit siya ngayon ang unang lumalapit sakin ngayong nagtatampo siya. Lagi kasi ako ang unang lumalapit sa kaniya tuwing nagtatampo siya kahit na siya pa ang may kasalanan.

Nakatingin samin ang lima.

Sumandal ako sa upuan at binaba ang kamay ko mula sa lamesa. Napangiti siya at agad na umupo sa hita ko. Tinabi niya ang pinagkainan ko sa gilid at nilipat sa harapan niya ang plato niya at masayang kumain.

"Rupok." Rinig kong bulong ni Shin. Narinig ko naman ang magkasabay na tawa ni Gino at Phone.

Inismidan ko lamang ang mga ito habang si Jien naman ay ngumiti sa kanila.

"Ang sarap po ng luto mo, Grid." Sabi ni Jien nang matapos kaming kumain.

Tumango lamang ako na ikinanguso niya.

Umakyat ako sa taas at naligo.

Nang makapagbihis ako ay agad akong bumaba.

"Pupunta kami sa kanila Josh." Sabi ko sa mga kaibigan kong nakaupo sa sofa habang binubutones ang polo ko.

"Hatid ko na kayo." Sabi ni Shin.

"I can drive." Sagot ko dito.

"I know, baka lang naman tinatamad ka ngayon o kaya gusto mo mayakap si Jien sa backseat. Pwede kayo maglambingan don. I don't mind." Sinamaan ko siya ng tingin na ikinasimangot niya.

"Tigilan mo yang pagsimangot mo Shin, naasar ako sa mukha mo." Sabat ni Gino na binatukan naman agad ni Shin.

"May kailangan yan pustahan." Si Alvin.

"T*nginanyo." Mura nito sa kanila.

"Totoo naman." Sabat ni Phone.

"Oo, meron." Nakasimangot na saad ni Shin na ikinatawa nilang apat.

"What is it?" Tanong ko sa kaniya.

"Bati na tayo pre. Patawarin mo na kami." Mahinang sabi ni Shin na ikinatawa ng malakas nila Phone. Si Gino ay napahampas pa sa sofa sa sobrang lakas ng tawa. Tinitigan ko sila Phone, Gino at Mark na ikinatahimik nila at unti-unti ring napasimangot na ikinatawa ng malakas ni Alvin. Rinig ko ang hagikhik ni Jien sa tabi ko. Tumingin rin ako sa kaniya. Pinigilan kong wag matawa nang agad na tumigil siya sa paghagikhik at pinaseryoso ang mukha.

Hinawakan ko sa kamay si Jien at naglakad na.

"If you want us to drive to Josh' house then here." Binato ko sa likod ang susi.

Hindi pa kami nakakalabas sa pinto ni Jien nang maramdaman ko ang pag-akbay sakin ni Shin.

"Means bati na tayo pre? Wala ng tapusan nang pagkakaibigan?" Tuwang tuwa niyang sabi at nauna ng naglakad samin ni Jien.

Nang makapasok kami sa backseat ay agad na yumakap sakin si Jien pero hindi ko ito pinansin.

"Grid, bili po tayong Donuts saka lollipop." Jien said and cupped my face.

Hinawakan ko ang kamay niya at inalis ko sa mukha ko bago tumango na ikinasimangot niya.

"Pansinin mo na Grid, iiyak na oh." Sabat ni Shin habang nagd-drive ito.

"Just focus on driving." Sita ko dito na ikinasimangot niya rin.

Hinawakan ko sa magkabilang tagiliran si Jien at binuhat siya paupo sa hita ko. Ipinatong niya naman ang baba niya sa balikat ko.

"Sorry po, magiging masipag na po ako ngayon, gagawin ko na po lahat mag-isa. Just don't be mad anymore." Ibinaon nito ang mukha sa leeg ko.

Hinagod ko ang likod niya at hinalikan siya balikat.

Narinig ko ang pagsipol ni Shin.

Tumigil kami sa bilihan ng Donut at Lollipop.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila Josh ay humarap sakin si Shin.

"Sige na, text niyo na lang ako pag-uuwi kayo ha?" Paalam niya sakin.

"Thank you." Pasasalamat ko sa kaniya.

"Welcome. Basta bati na pre ha?" He said again that made me chuckle.

"Oo na." Sagot ko dito.

Pinagbuksan kami ni May at agad na tumingin kay Jien. Tiningnan nito mula paa hanggang ulo si Jien bago niyakap ng mahigpit.

"I miss you Jien."

"Miss rin po kita Ate May!" Ngiting ngiti na sabi ni Jien at niyakap niya rin ng mahigpit si May na ikinanguso ko ng kaunti.

Agad na kumunot ang noo ko nang makita si JC kalaro ang triplets. Hindi na ako nagulat dahil pinilit ni JC na lumipat silang bahay malapit dito sa bahay nila Josh. Wala kasi siyang kaibigan sa dati nilang bahay. Ako lamang lagi ang kalaro niya, yun ay tuwing bumibisita ako sa kanila.

"UNCLEEEEEEEE!" Sigaw ng tatlo maliban kay Gian na agad na tinulungan si JC nang madapa ito dahil sa pagtakbo palapit sakin. 

"Wag muna kayo lumapit! Ako muna." Parang maiiyak na sabi ni JC kay Daniella at Gecko na tumatakbo na palapit sakin.

Nagulat ako nang tumakbo ng mabilis sakin si Gian at agad na hinila ako palapit kay JC na nakaupo na sa lapag.

Agad na napasimangot sila Gecko at Daniella habang si JC naman ay malawak na napangiti habang nakahawak sa binti ko. Yinukod ko ito at binuhat.

"Where does it hurt?" Tanong ko sa pamangkin ko habang nakatingin sa tuhod niya.

Ngumuso ito at tinuro ang gilid ng tuhod niya. "Ito po, buti hindi siya nagdugo, uncle."

Napailing ako nang mapansin ko siya na nagmamalaki at nang-aasar na tumingin kay Gecko at Daniella na parang sinasabi niyang nanalo siya habang kay Gian naman ay ngumiti siya. Niyakap nito ang maliliit na braso sa leeg ko.

"I miss you po Uncle." Nakangiti niyang sabi sakin.

"I miss you too bud."

"Ako rin po Uncle, miss na rin po kita, buhat mo po ako." Nakakawag na sabi ni Daniella.

Natawa ako at gamit ang isang braso ay binuhat ko rin siya. Sa kaliwang braso ko si Daniella habang si JC naman ay nasa kanang braso ko.

Ginulo ko naman ang buhok ni Gecko at Gian gamit ang kamay kong nasa ilalim ng pang-upo ni Daniella. "I miss you too triplets."

"Grid, dito na kayo! Kakain na!" Rinig kong sigaw ni May sa loob ng dining area.

"Let's go." Turan ko kay Gecko at Gian.

Nang makapasok kami ay sakto namang pababa si Josh, si Jien naman ay nasa likod ni May, nanonood sa ginagawa nito.

"Sa totoo lang, kakain lang namin ni Jien May, busog na ako pero si Jien baka gustong kumain pa." Saad ko sa kaniya at pinaupo sa bawat upuan ang triplets at pamangkin ko.

"I'm full na rin po. Gusto ko lang po makita paano kayo mag-ayos." Ngiti ni Jien kay May.

"So ano muna ang gusto nyong gawin, ngayong nakakain na pala kayo? Gusto niyo ba ng kahit maiinom lang?" Tanong ni May.

"Wait, may dinala pala kami ni Jien." Agad na pumunta ako sa living room at kinuha ang limang box ng donuts at isang plastic ng lollipop.

"Donuttttt!" Sigaw ni Gecko na ngiting ngiti at bumaba para lumapit sakin. Lumingon muni ito sa mga magulang niya. "Mommy, ito muna kakainin ko please." Saka niya kinuha sakin ang isang box. "Akin na po to Uncle ha?" Paalam niya sakin at tuluyan ng kinuha ang isang box sakin na ikinatawa ko.

Ginulo ko lamang ang buhok nito.

Napailing iling si Josh. "Pagdating talaga sa Donut asahan mo na nasa tabi mo na yan si Gecko." Natawa naman ako don.

"Busog na busog na ba talaga kayo? Hindi niyo na ba talaga kaya kumain ng kahit donut lang at juice?" Tanong ni May.

Magsasalita palang ako ng unahan ako ni Jien. "Kakain po ako Donuts kaya po kami bumili."

"Namiss ko talaga pagiging cute ni Jien dito sa bahay." Naiiling na sabi ni Josh.

"Agree, O'sige na kain na kayo."

"Grid." Tawag sakin ni Jien nang matapos kami kumain at ngayon ay nasa living room na kami. Ang mag-asawa naman ay nasa likod ng bahay.

"Hmm?"

Yumakap ito sakin. "I thought you're not mad anymore po but why mo po minsan lang ako pansinin?" Nakanguso niyang sabi.

Tinitigan ko ito bago umiwas ng tingin. Ilang saglit akong hindi umimik bago tuluyan ng nagsalita.

"Jien, noong nandito ka pa, what things usually do you do?" Tanong ko.

"Ahm kumakain po tapos po maglalaro kami nila Daniella."

"Anong mga nilalaro niyo?"

"Minsan po games sa cellphone o kaya naman po naglalaro po kami hide n' seek saka minsan kinukulit po namin sila Kuya Josh at Ate May."

"Ikaw rin? Kinukulit mo sila Kuya Josh mo?"

"Opo."

Napatango-tango ako. "That's why... Kaya pala sinabi ni Josh na namiss niya ang pagiging cute mo." Bulong ko.

Tumingin muli ako kay Jien, hinawakan ko ito sa mukha at hinalikan siya sa labi ng mga ilang segundo. "Sakin ka lang."

Ngumiti ito. "Opo, hindi ka na po ngayong gal------".

Natigil sa pagsasalita si Jien nang marinig namin ang iyak ni JC at Gecko.

Agad kaming lumapit sa kanila kasabay nang paglapit rin ng mag-asawa.

"Mommy!" Sigaw ni Gecko at umiiyak na tumakbo kay May.

"What happened?" Tanong ni Josh.

"H-hindi na po ako gusto kalaro ni Gian, parang ayaw niya na ako maging kapatid po. He wants to play with JC more." Umiiyak na sumbong ni Gecko habang nakayakap kay May.

"Why? Ano bang nangyari?" Tanong ni May.

"Tinulak po ako ni JC----" Sagot ni Gecko na agad namang pinutol ni JC

"Hindi naman sadya yon e, ako ang tinulak mo ng malakas!" Sigaw ni JC at pinunasan ang mga luha habang nakatayo na ito.

"Tapos po, sinabihan po ako ni Gian na wag na ulitin yon noong tinulak ko si JC but nong si JC ang tumulak sakin, hindi po siya nagsalita. Mas gusto niya na si JC kaysa sakin!"

"Hindi nga sadya yon! Tanungin mo pa si Daniella!" Sigaw rin pabalik ni JC.

Nakayuko namang tumango si Daniella. "I pushed JC accidentally that made him pushed Kuya Gecko kaya po akala ni Kuya Gecko tinulak siya talaga ni JC tapos ayun tinulak rin ni Kuya Gecko si JC."

Natatawang napailing na lamang si Josh. "Sige na, sige na magbati bati na kayo. Kayo na lang ang magkakalaro dito."

"Sorry Kuya Gecko tsaka JC." Si Daniella.

Yumuko si JC. "Sorry din Gecko." Mahina niyang sabi bago naglakad palapit kay Gian at tumingin naman kay Gecko. "Laro na ulit tayo, promise mag-iingat na ako."

Hinawakan ng pamangkin ko sa balikat si Gian. "Tara na." Pero nagulat kami nang itulak ni Gian si JC.

Agad na lumapit ako kay JC at pinatayo ito.

"Gian." Si Josh na nakakunot ang noo na nakatingin sa nakatatandang anak.

"I don't wanna play with you anymore. Mas gusto ko kalaro si Gecko, wag ka na sumali samin, kami na lang ang maglalaro." Nagulat kami sa sinabi ni Gian.

Inaasahan ko ang pag-iyak ni JC pero nang mapatingin ako sa mukha niya ay napailing ako. Seryoso lang siyang nakatingin kay Gian bago tumingin sakin. "Uuwi na po ako samin Uncle." Mahina niyang sabi.

Hindi ko alam kung babalik pa dito si JC, kapag ganiyan ang mukha niya o hindi siya umiyak, hinding hindi niya papansinin ang umaway sa kaniya o kaya naman matagal bago niya ito pansinin. Isa na ako sa hindi niya pinansin nang pagalitan ko siya. Mag-iisang buwan na hindi ako inimik nitong batang to. Mas mataas pa ang pride nitong batang to kaysa sakin.

"Hayst Gian, say sorry to JC, nagsorry na siya sa kapatid mo." Napapahilot sa ulo na sabi ni May.

Walang umimik.

"Aakyat muna ako, magpapahinga lang ako." Si May at agad na umakyat sa taas.

Binuhat ni Josh ang dalawa niyang lalaking anak, ako naman ay binuhat ko rin si JC at Daniella bago tumingin kay Jien na nakanguso.

"Carry me too Grid." Natawa ako sinabi ni Jien.

"Mamaya." Sagot ko dito at naglakad palapit sa sofa at pinaupo ang dalawa.

Kinuha ni Josh ang binili naming lollipop at binigyan sila isa-isa kasama na si Jien.

"Kumusta na pala yung mga pinagawa mo?" Tanong niya sakin.

"They said, it will be delivered to me tomorrow." Sagot ko sa kaniya.

We're in the middle of talking about business when I heard Gian talked to JC.

"Amina, I can open that." Tukoy ni Gian sa lollipop ni JC, hindi parin pala kasi nabubuksan ni JC.

Hindi pinansin ng pamangkin ko ang alok ni Gian, ni kahit tingnan si Gian ay hindi ginawa ng pamangkin ko bagkus lumapit ito kay Jien at pinabuksan ito.

"Kiss muna." Nakangiting sabi ni Jien kay JC. Agad naman na hinalikan ni JC sa pisngi si Jien at nang mapansin kong hahalikan niya rin ito sa labi ay pasimpleng hinawakan ko sa braso si JC at inilayo ito kay Jien.

Umiling ako kay JC na ikinanguso niya. Hinila ko na lamang siya paupo sa hita ko habang sinusuklay ang buhok nito.

"Here, done na." Sabi ni Jien at binigay ang lollipop kay JC. Natawa ako nang buhatin ni Jien si JC at alisin sa hita ko bago siya ang pumalit na umupo sa hita ko na ikinatawa naming dalawa ni Josh.

Habang si Gian naman ay nakatitig kay JC. Hindi ko alam kung galit ito dahil sa hindi pagpansin sa kaniya ni JC.

Agad na naalarma ako nang lapitan ni Gian si JC. Mamaya ay magkasuntukan pa ang mga ito.

"JC gusto mo ang akin? Chocolate 'to. Diba favorite flavor mo to, yan Milk. Gusto mo palit tayo?" Saad ni Gian nang makaupo siya sa tabi ni JC.

Buti na lang ay nagdadaldalan si Daniella at Gecko.

Sumama ang mukha ni JC nang agad na kunin ni Gian ang lollipop ni JC na nasa bibig niya at pinalit ang lollipop nitong Chocolate ang flavor.

Tumayo si JC at inalis nito ang chocolate lollipop na nasa bibig niya bago tinapon sa sahig. Tumingin ito sakin. "Uncle, uwi na po ako."

Pipigilan ko sana ito nang tumakbo siya palabas.

Napatingin ako kay Gian na nakayuko na ngayon. Lumapit ito kay Josh at yumakap. Naiiling na inayos ni Josh ang pagkakayakap sa anak at hinagod hagod ang likod nito hanggang sa makatulog ito.

"Mga bata nga naman, mas malakas dumamdam kaysa satin e." Natatawang sabi ni Josh.

"Oh by the way, dinaanan mo ba kanina ang kapatid mo?" Tanong niya sakin.

"Not yet, dadaan palang kami." Niyakap ko nang mahigpit si Jien.

"Then bring those two boxes of donuts to your brother. Baka masayang lang, may isa pa dito, para kay Gecko yon."

"Okay bro, ngayon na rin kami aalis ni Jien para na rin maipaliwanag ko nangyari kay JC dito sa mga magulang niya." Natatawa kong sabi na ikinatawa niya rin.

Dahan-dahan niyang ibinaba pahiga si Gian na tulog na tulog na. Tumayo na rin kami ni Jien para maghanda na sa pag-alis.

"Tawagin ko muna si May para ipaalam na aalis na kayo?"

"Hindi na bro, kakapahinga lang non, baka pagod na pagod na. Ipaalam mo na lang mamaya."

"Sige sige."  Tiningnan nito si Jien, pinigil kong wag mapasimangot nang lapitan nito si Jien at ginulo ang buhok. Humigpit ang kapit ko sa sandalan ng sofa nang halikan pa nito si Jien sa noo. "Wag mo lagi pasasakitin ulo ng Kuya Grid mo ha." Sa pangalawang pagkakataon ay hinalikan nito muli si Jien sa ituktok naman ng ulo.

This is so f*cking frustrating. I wanna think positively everyday but f*ck, I can't take this, lagi kong iniisip na nong wala pa ako ay sila ang nag-aalaga kay Jien. Bakit pa kasi nito lang kami nagkakilala. Yung kahit gusto kong tapikin ang kamay ni Josh or ni May na hahawak kay Jien ay hindi ko magawa, pagsabihan pa kaya sila. Pinipigilan kong wag mangibabaw ang pagkaseloso ko pero minsan hindi ko nakakayanan.

Huminga ako ng malalim nang lumayo na si Josh kay Jien. Nang akmang yayakap si Jien kay Josh ay pinigilan ko ito sa pamamagitan ng paghawak ng braso niya at hinila siya palapit sakin.

Ngumiti ako ng pilit kay Josh. "Sige na, alis na kami." Ginulo ko ang buhok nila Daniella at Gian habang si Jien naman ay hinalikan sila sa pisngi.

Agad na tinext ko si Shin na pumunta na dito.

Nang makarating siya ay agad kaming sumakay ni Jien at dumiretso sa bahay. Hindi na ako nag-atubling pumunta pa sa bahay ni Kuya. Nakalimutan ko pa na dalhin ang donuts dahil sa sobrang inis ko.

********
Clark's friends could never HAHAHAHA

Btw don't forget to vote, love y'all mwaps 💜💚

Continue Reading

You'll Also Like

191K 8.6K 107
In the vast and perilous world of One Piece, where the seas are teeming with pirates, marines, and untold mysteries, a young man is given a second ch...
6.9K 153 6
He is one of the most powerful vampire in their entire family..He wont show mercy to those people who enter his territory he will kill it instantly w...
7.2K 429 15
Buhay mahirap? Sanay na si Latoya dyan. Marami narin syang raket na pinasukan para maka survive sa araw araw at para narin sa pamilya nya. Layota is...
2.1M 57.7K 95
On the twelfth hour of October 1st, 1989, 43 women gave birth. It was unusual as none of them had been pregnant since the first day they started. Sir...