Mr. Gangster (Book 2 of GP)

By asterblazer

130K 647 25

He is called 'MR. GANGSTER' Girls on their school do love him very much! He have many fans! Until he met Kim... More

PROLOGUE
MG 1: (Spaghetti)
MG 2: (Classmates)
MG 3: (Slave?!)
ANNOUNCEMENT

MG 4: (Girlfriend)

2.8K 96 3
By asterblazer

[ALEXANDER'S P.O.V.]

Nandito na ako ngayon sa mansyon at wala pa si Lhei. Anong kayang pwedeng magawa ko ngayon? Boring ng buhay. Sila Kean kasi may mga gagawin. Tapos yung iba may pupuntahan? Ako? Eto, tambay sa mansyon kasama ang mga maids at si Butler Saimon. Wala akong plano para ngayong araw.
Tatayo na sana ako nang biglang nag-ring ang cellphone ko.

Calling Mommy~

Napakunot ang noo ko nang makita na si Mom ang tumatawag. Kinuha ko ang phone ko saka sinagot ang tawag niya.

"Eoboseyo, Eomma?" (Hello, Mom?)

["Yah! Alex, I have to tell you something."]

"Mwo?" (What?)

["You need to have a girlfriend."]

Halos di pa mag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko, ano daw?! Girlfriend?

"MWO?! WAEYO?!"(What?! Why?!)

["You're twenty years old already, Alex. Kailangan mo na ng girlfriend. You know, kailangan maikasal ka na ng twenty-three years old. Dahil kailangan mo ng katulong sa companies natin kapag nakapag-tapos na ka na ng college."] paliwanag ni Mom. I sighed in disbelief.

"Mom! Bakit si Lhei? Pwede namang siya muna ang katulong ko a?" reklamo ko.

["No, Alex. May sariling course ang kambal mo. And besides, may mga manliligaw siya. E ikaw? Wala ka man lang nililigawan."] napa-sapo ako sa noo ko.

"But Mom--!" bago pa ako mag-reklamo muli ay pinutol na niya ang sasabihin ko.

["No buts, Alex. I'll give you one week. Kailangan maipakilala mo sakin yang girlfriend mo or kahit nililigawan man lang. I'm sure may natitipuhan ka."]

"Paano ko naman mapapakita sayo, Mom? E nasa Korea ka." akala ko ay ligtas na ako, ngunit hindi pala.

["Magbabakasyon kami dyan next week, Alex. So see you soon. Annyeong~"]

Pinatayan na niya ako ng tawag. Ughhhhh!!

GIRLFRIEND?! SERIOUSLY?! In one week kailangan kong makahanap ng girlfriend?! How unbelievable, Mom! Sino naman ang pwedeng maging girlfriend ko? Eh wala naman akong nagugustuhan ngayon!

Wait--

Pwede naman siguro na mag-hire ako ng pwedeng magpanggap na girlfriend ko di ba? Pero paano kapag nalaman ni Mom na hindi pala totoo na girlfriend ko yung babae? Aish!

Bahala na!

Sino naman ang pwedeng magpanggap?? Kukuha ako ng isa sa mga fans ko sa school? Si Megan kaya? Kaso may boyfriend na nga pala yun

Ang hirap naman nito oh!

Sino ba--

Bigla na lang ay pumasok siya sa utak ko habang nag-iisip ako. TAMA! Si Hyun! Napatawa ako sa sarili kong naisip. I'm so great. Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko at kinuha ang laptop ko. Magre-research ako tungkol kay Hyun!

Tinype ko na ang pangalan niya. Kim Ayumi Hyun at lumabas agad ang mga basic information tungkol sa kanya.

Name: Kim Ayumi Hyun
Age: 20 years old
Birthday: July 19

Her Mom died when she's 15 years old. Her dad have another family. She don't have any siblings. Her Untie Janice and Uncle Roy adopted her. Issa Sotto is her cousin.

Address: ****** St. **** City

Huh? Ayun lang yung informations tungkol sa kanya? Di bale, pupuntahan ko yung address niya!
Nagpalit ako ng damit saka kinuha ang wallet, cellphone, at susi ng kotse ko. Bumaba ako at tinawag si Butler Saimon.

"Butler Saimon!"

Mabilis siyang lumapit sa akin at bahagyang nag-bow, "Yes master?"

"Sabihin mo kay Lhei kapag dumating siya, may pinuntahan lang ako saglit. Okay?"

"Yes, master."

"Osige. Kayo na muna bahala dito." paalam ko saka sumakay sa kotse, "Mag-iingat po kayo, master." tumango na lang ako saka lumabas ng mansyon. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko.

***

[ALEXCIA'S P.O.V.]

Pagdating ko sa mansiyon, walang Alex ang sumalubong sakin. Nasaan kaya iyon?

"Butler?" tawag ko kay Butler Saimon na mabilis namang lumapit sa pweato ko. Bahagya siyang nag-bow upang bigay respeto.

"Good afternoon, young lady." bati niya.

"Where's Alex?"

"Umalis po siya, Young Lady. May pupuntahan lang daw po siya saglit."

"Saan naman?" kinunutan ko siya ng noo, nagtataka.

"Hindi po siya sinabi young lady."

"Ah sige." nag-bow ulit siya saka umalis sa harapan ko. Umakyat na lang ako sa kwarto ko saka humiga sa kama.

Ugh! I'm so tired! Lalo na kapag may kasama kang tatlong ugok. Naalala ko na naman ang nangyari kanina.

[Flashback--]

"Lhei, Anong gusto mong kainin?" tanong sa akin ni Kean.

"Joy, saan ka pupunta? Lilibre kita ng kahit anong gusto mong kainin." singit naman ni Justine.

"Lex! Tara date tayo mamaya?" yaya ni Rence.

"Anong date?! Bawal! Ano sosolohin mo si Joy?!" sige ni Justine, umaapila.

"Oo nga! Ano ka naka-free?! Ako lang ang pwedeng maka-date ni Lhei!" dagdag naman ni Kean sa sinabi ni Justine.

"Kapal ng mukha niyo ah! Manliligaw lang kayo!" sigaw sa kanila ni Rence

"Hoy! Ikaw din! Akala mo naman boyfriend ka ah! ASA! Ako makakatuluyan!" ani Justine, confident pa.

"Anong ikaw?! E ako unang nanligaw kay Lhei!" parang bata na sabi ni Kean.

"Sige mag-away kayo. E ako naman talaga makakatuluyan niya." sambit muli ni Rence.

"Anong ikaw--"

"TAMA NA NGA! ANO BA?! PARA KAYONG MGA BABAE E/ ANG DALDAL NIYO! BWISET! LUBAYAN NIYO NGA AKO!" hindi na ako nakatiis sa kaingayan nila kaya binulyawan ko na. Pucha! Kanina pa sila bangayan ng bangayan habang naglalakad kami sa hallway. Kanina pa nila ako kinukulit!

Ingay na ingay na ako sa kanila! Riniding-rindi na ako!
Nakakahiya na din dahil kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao dahil sigawan sila ng sigawan.

"Good. Tumahimik lang kayo." sabi ko saka nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating kami ng cafeteria, magsasalita pa sana sila ng unahan ko na sila.

"Tumahimik kayo. Ako ang bahala sa kakainin ko at may pera ako." pigil ko kaagad sa kanila. Nang makabili na ako, nakabili na din sila. Humanap naman ako ng mauupuan namin.

Nang makahanap ako, pagkaupo ko agad naman na nagunahan naman silang tatlo sa pagtabi sakin.

"Tabi dyan! ako nauna!" - Kean

"Anong ikaw?! Ako!" sigaw ni Justine sabay tulak kay Kean.

Hinila naman ni Rence ang kamay nung dalawa.

"AKO NAUNA SA TABI NI LEX!"

Agad akong tumayo at nilayasan na sila. Tsk, bahala sila dyan.

Kaya sino ba naman ang hindi mai-stress sa kanila? Hindi ko na kinaya ang kaingayan at kakulitan nila araw-araw na lang ganoon. Nagpalit na lang ako ng damit saka humiga. Matutulog na lang ako kaysa isipin pa sila.

***

[ALEXANDER'S P.O.V.]

Kumatok na ako sa bahay ni Hyun. Maliit lang ito. Parang apartment? Nang mag-bukas ito, isang babae ang nakita ko.

"Nandyan ba si Kim Ayumi Hyun?" tanong ko dahil hindi pamilyar ang babaeng ito?

"Ay! umalis po eh. Sino ka po ba?" tanong nung babae sakin.

Umalis? Saan kaya pumunta yun?

"Ah. Alam mo ba kung saan siya pumunta?" tanong ko ulit.

"Doon po sa mansyon ng tita niya. Pinatawag po kasi siya e." napatango naman ako.

"Alam mo ba kung saan yung mansyon?"

Ibinigay niya sakin yung address kaya pinuntahan ko na. Malaki naman yung mansyon. I mean, mas malaki kasi yung mansyon namin e. Magdo-doorbell na sana ako nang makita ko si Hyun. May kasama siyang isang babae na medyo ka-age lang ni Mommy.

"Bakit mo pinahiya si Issa sa school? Pagkatapos ka namin pag-aralin ito ang igaganti mo samin?"rinig kong sabi nung babae kay Hyun.

"Aniyo. Untie, let me explain." sagot ni Hyun (Aniyo= No)

"Explain what? My daughter already told me everything you did."

"But untie--"

"I'm sorry Kim, gusto ng anak ko na wag ka ng makasama sa school. Bahala ka na sa pagaaral mo."

Nakita ko na halos mapaluhod na si Hyun pero sumigaw ako. "Hyun!" tawag ko. Napatingin naman silang dalawa sakin.

"Who are you?" takang tanong ng tita niya sa akin. Hinarap ko naman siya, "I'm here for Hyun."

"E sino ka ba?"

"Untie, siya po si--" pinutol ko kaagad ang sasabihin ni Hyun, "I'm his boyfriend."

Napatingin ako sa reaksyon ni Hyun na nanlalaki na ang mga mata ngayon habang hindi makapaniwala na nakatingin sa akin.

"What?! Boyfriend mo si Prince Alexander?!" biglang may sumigaw. Yung Issa ata? Napatingin ako sa kanya na galit na papunta sa amin.

"A-aniyo--"

"Don't deny it Kim! Bahala ka na talaga sa buhay mo." sabi nung tita niya. Nakita ko na sinamaan ako ng tingin ni Hyun.

Tss, pangalawang beses ko na siya niligtas ngayon tapos galit pa din siya sa akin? Aba naman ang babaeng 'to, napaka-gulo.

Continue Reading

You'll Also Like

722K 18.8K 46
{EXO fanfic #1 - Completed} "Natulog lang ako sa bench sa kalye, paggising ko nasa dorm na ako ng EXO" -Gail © -seoulmux 2014
39.3K 335 46
© 2011 by iammejlyn Two lovers 'think' they were destined. But something unexpected happened. What will they do now? Are they still destined at each...
140K 3.4K 45
The places, events and characters are purely fiction; any resemblances to actual events are purely coincidental. Please do not redistribute my storie...
31.7K 686 30
In the eyes of everyone, Arzi has the perfect family that everyone dreamed of. Despite the wealth and power that her Family has, she never feels so h...