Places & Souvenirs - BORACAY...

Bởi JasmineEsperanzaPHR

14.5K 844 62

"Palagi na lang ba tayong ganito? Na pagkatapos ng ilang araw na pagsasama ay magkakahiwalay uli ng landas? K... Xem Thêm

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 15
Part 16 - Ending

Part 14

811 50 4
Bởi JasmineEsperanzaPHR

TATLO ang magkakatabing kuweba na nasa pinakadulo ng isla. Napapagitnaan ng Buslugan at Crystal Caves ang Bat Cave subalit sa huli sila nagpunta. Si Julian ang nagsilbing tour guide ni Rachel. Naaaliw naman siya sa sobrang bibo nito.

"How old is he?" tanong niya kay Andrew. Hinayaang lang nilang maglaro si Julian sa paligid. Tila likas dito ang pagiging palakaibigan. Kahit ang ilang turista na naroroon ay kinakausap nito.

"He turned four last December. Mabuti nga at adjusted na siya sa environment dito. Noong una, akala ko hindi niya magugustuhan. Lumaki siya na nakikita sa mommy niya na walang ginawa kung hindi awayin ako. Ayaw ni Analyn dito. Kahit na moderno ang ibang facilities dito sa isla, hinahanap pa rin niya ang buhay sa Maynila. Hindi miminsang ginawa ni Analyn na lumuluwas sa Maynila na hindi nagpapaalam sa akin."

"Paano si Julian?"

"Noong una ay isinama niya. I got angry. Kung hindi kako siya mapipigil sa pagluwas niya ay iwan niya ang bata. She's unpredictable. Minsan, kahit may bagyo ay umaalis siya basta naisip niyang pumunta sa Maynila. As long as may flight ang eroplano or may byahe ang barko, hindi siya mapipigil sa pag-alis."

"Hindi kayo nag-compromise kung saan titira?"

"Dito ko gusto. Nagustuhan ko na ang pamumuhay dito. There's a commercialized environment as well as the typical traditional living. Hindi naman masasakripisyo ang pag-aaral ni Julian dito. There's an international school here."

"Pero paano ang gusto ng asawa mo?"

"Wala siyang magagawa kung gusto niyang huwag mawala ang nakagisnan niyang luho. Na-bankrupt ang pamilya nila at ako ang sinasandalan niya para hindi niya maiwan ang nakasanayan niyang buhay."

Napangiwi siya. Sa tono ni Andrew ay tila hindi naman nito mahal ang asawa. Ilang sandali siyang nag-isip kung itatanong dito ang personal na bagay na iyon.

"Did you love her?" mahinang tanong niya pagkuwa.

"I cared about her," walang tonong sagot nito. "We had a casual relationship. Tapos bigla na lang niyang sinabing buntis siya which was totally out of the agreement. That was why I was trapped into marriage."

"If you don't want to marry her, kahit na buntis siya hindi mo pa rin pakakasalan."

Nahilot nito ang sentido. "Yes. But you see, I am an illegitimate child myself. Hindi ko gustong maranasan ng anak ko ang mga panlilibak na dinanas ko noon dahil sa pagiging bastardo ko."

Napalunok siya. Gusto niyang magsisi na binuksan pa niya ang paksang iyon pero ano pa bang magagawa niya. The damage has already been done.

"We had a shaky marriage. Kung kailan kami naikasal ay saka humulagpos ang katiting na pagtingin namin sa isa't isa. Respeto na lang siguro ang natira, alang-alang sa anak namin. Walang makapagbabago na siya ang ina ng anak ko.

"But things get worse hanggang sa dumating ang punto na kulang na lang ay suhulan ko siya para maipa-annul na lang ang kasal namin pero ayaw niya. Hindi raw niya gagawin iyon nang madali para sa akin. When she died, nakalaya ako nang kaunti. But she didn't go without leaving a mark." Naramdaman niya ang kirot sa tinig nito.

"How did she die?"

"Julian!" sa halip ay sabi nito na nalipat ang atensyon sa anak. Masyado nang buhos ang atensyon nito sa isang pamilyang Amerikano. Palibhasa ay kaedad ang isa sa dalawang anak at nakakalaro pa kaya bawat picture taking ng mga ito ay nakikisingit sa mga ito.

"Oh, it's all right," wika ng ina.

Doon niya nakitang malaki ang takot ni Julian sa ama kaya kahit na hindi naman nagbabago ang ekspresyon ni Andrew ay parang nailang na ang kilos ng bata. Bumalik na ito sa kanila.

"I could tell you how pero sa ibang pagkakataon na lang siguro," baling sa kanya ni Andrew.

Napatango na lang siya. Nabasa niya sa anyo nito ang pagdidilim ng ekspresyon.

"Nagugutom na ako, Daddy," lambing ni Julian sa ama.

"Okay. Doon na tayo sa Puka Beach," wika nito at umalis na sila roon.


HINDI masyadong marami ang turista sa Puka Beach. At bagama't may restaurant doon ay hindi rin naman bawal na maglatag sila ng sarili nilang baon sa beach. Isa pa, tila kilala naman sa buong isla si Andrew. Nang batiin ito ng tauhan ng restaurant ay dama niya ang nakalakip doon na pagrespeto.

May baon din namang pampaligo si Julian kaya kahit na sinabi nitong nagugutom na ay inuna pa ang pagligo sa dagat.

Pinagmamasdan niya ang mag-ama. Tila hindi naman mahigpit si Andrew sa ama. Ni hindi na nga nito sinamahan sa paglusong si Julian. Basta binilinan lang ang bata na huwag lalayo sa dalampasigan.

"Marunong na siyang lumangoy. At saka nasanay na rin siguro sa dagat kaya alam niya kung hanggang saan lang siya dapat maglangoy."

"Mas madali nga raw turuan ang bata kaysa matanda. Ako, sinukuan na ng kahit na magaling na swimming instructor. Kaya nga siguro kahit na Boracay pa ito, wala pa ring appeal sa akin na maglunoy sa dagat."

"Okay lang. Marami pa namang puwedeng gawin dito maliban sa swimming."

"Yeah. This place is relaxing. Halos solo natin ang paligid. Hindi yata ito pinupuntahan ng mga turista."

"Nagkataon lang na walang ibang turista dito ngayon. Usually, iyong nag-a-island hopping at banca tour ang napapadaan dito," paliwanag naman nito. "Bihira iyong kagaya nating naka-tricycle sa pagpunta dito." Tinanggalan na nito ng takip ang mga baon nilang pagkain. "Mauna na tayong kumain. Kung hihintayin natin si Julian ay baka malipasan na tayo ng gutom. Sa isda yata iyan pinaglihi. Kapag lumusong ay halos ayaw nang umahon."

Tatanggi pa sana siya subalit nagsimula nang kumain si Andrew. Nahawa na rin siya sa gana nitong kumain. Sa ilang sandali ay naramdaman niyang tila punong-puno na ang kanyang tiyan.

"Julian!" malakas na tawag niya sa bata nang makitang papaahon na ito. "Kain na," aniya nang makalapit ito. "See, muntik ka na naming maubusan ng pagkain."

"May restaurant naman du'n!" turo nito sa Puka Beach Garden and Restaurant. "Sarap maligo!"

"Kumain ka na muna," wika dito ni Andrew.

Tumalima naman ito. Nang makakain ay inatake marahil ng antok kaya nahiga na rin doon. Mayamaya pa ay nakatulog na ito.

"Tapos na pala ang trabaho mo rito," kaswal na sabi ni Andrew.

Tumango siya. "Yes. Kagabi ko pa in-email kay Maia ang article. I'm glad at nagustuhan niya. Maybe, I'll confirm my ticket mamayang pagbalik natin sa hotel. Iniisip kong bumalik na sa Manila bukas after lunch."

"Ang bilis naman yata."

Ikinibit niya ang mga balikat. "Sabi mo nga, tapos na ang trabaho ko."

May ilang saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Tanging tunog ng mabining alon ang siyang naghahari.

Ang nasa isip ni Rachel ay kung hanggang doon na lamang silang talaga ni Andrew. Just a brief summer affair. Walang pinag-iba sa ilang araw na pagsasama nila noon sa Hongkong.

Kagyat ang paglambong ng kalungkutan sa dibdib niya. Kung ganoon nga ang mangyayari ay malamang na lalong matagal pa ang panahong palilipasin niya upang makalimutan ito nang lubusan.

Anim na taon ang nagdaan ngunit hindi naging sapat iyon upang makalimutan si Andrew. Paano pa kaya ngayon na minsan pa silang nagkatagpo.

Ipinako niya ang tingin sa nagdadaang bangka. Malapit lamang sa kanila iyon at nakita niya na babae pa ang nagpapaandar niyon. Napahanga siya. Ang mga ganoong bagay na kinakailangan ng lakas ng loob ay hinahangaan nya sapagkat siya, simpleng paglusong lamang sa lalim na lalampas sa bewang niya ay inaatake na siya ng hina ng loob.

Kung sana ay magkasing-lakas sila ng loob ng babaeng iyon. O kahit sana ay magkaroon man lamang siya ng lakas ng loob upang prangkang tanungin si Andrew kung hanggang saan lamang ang pagsasama nila ngayon. Ngunit iniisip pa lamang niya ngayon ay pinanghihinaan na siya na itanong man lamang dito kung magkikita pa sila pag-alis niya sa isla.

Napapitlag siya nang pumitik ang daliri ni Andrew sa tapat ng mukha niya. "Iniwan mo na yata ako," nakangiting wika nito.

"Nandito pa ako," papilosopo namang sagot niya at nagpilit na gantihan ito ng ngiti.

"Saan ka nakatira sa Manila?" tanong nito na ikinagulat niya. Pag-asa ang hatid niyon sa kanya. At kahit na hindi niya gustong bigyan ng kahulugan ay iniisip na agad niyang interesado pa ito sa kanya.

"Sa Sta. Mesa. Kumuha ako ng apartment doon para malapit sa Womanly."

"Nakabukod ka?"

"Somehow. Hindi pa rin kumbinsido si Mama na bumukod ako. Madalas pa rin akong dumadalaw sa amin pero iyong mga gamit ko nasa apartment na."

Tumango ito at tumunghay sa mukha niya. "I'll see you when I go to Manila."

Napatitig siya dito. "Bakit?"

Napangiti ito at dumukwang pa. "Why do you always ask, Rachel?" malambing na sabi nito at tinawid ang natitirang distansya ng kanilang mga labi.

Hindi na niya nagawang sumagot. Kahit naman hindi siya nito hinahalikan ay halos ganoon na rin iyon sa sobrang lapit ng kanilang mga mukha. Ang isang kamay nito ay tumaas sa kanyang batok upang sa wari ay masasahehin iyon. Kinabig siya nito ay nagsimula siyang hagkan.

Napapikit na lamang siya at ninamnam ang bawat galaw ng mga labi nito sa kanya. His kiss seemed sweeter and deeper that his other kisses before. O marahil ay nadadala lamang siya ng katuwaang nagpahayag ng interes si Andrew na hindi basta doon lamang natatapos ang pagkikita nilang iyon.

Naramdaman niya ang unti-unting pagdiin ng bawat halik nito gayundin ang pangangahas nitong damhin ang dibdib niya. He cupped one breast gently at kung hindi sa mariing paghalik nito ay malamang na kumawala sa lalamunan niya ang impit na daing.

Inihihiga na siya nito sa buhanginan nang bigla siyang maalarma. "Andrew, public place ito," mahinang sambit niya.

"So?" tila walang pakialam na wika nito at tuluyan na siyang naihiga roon. "Tayo lang ang naririto. At tulog pa si Julian."

Nagtatalo ang isip at damdamin niya sa puntong iyon. Totoong nadadala siya ng bawat haplos at halik ni Andrew subalit alarmado rin ang pakiramdam niya na anumang sandali ay maaring may makakita sa kanila roon.

"Rachel," paungol na wika nito at sa pamamagitan ng ngipin ay ibinaba mula sa balikat niya ang tirante ng damit niya. He kissed her shoulder boldly at sapat na iyon upang mapatangay na naman siya sa mga ginagawa nito.

Napakayakap na lamang siya sa leeg nito nang bumaba pa ang mga labi nito sa pagitan ng kanyang dibdib. She could feel his arousal brushing againts her thigh. It added to the sweet torment he was giving her.

"Oh, dear! I want you so much!" daing ni Andrew at ibinagsak na lamang nito ang ulo sa ibabaw niya.

Nagtataka man sa pagtigil nito ay hindi siya nagtanong. Tahimik lamang na hinagod niya ang mga balikat nito. Mayamaya ay nag-angat ito ng mukha sa kanya.

"Rachel," he said softly at masuyong hinaplos ang mukha niya.

Tipid na lamang siyang napangiti at inayos ang tirante ng damit. Bumangon na rin si Andrew. At noon naman din nagising si Julian.

"Daddy," tawag nito. "Puwede bang maligo uli?"

"Puwede pero sa bahay na. Aalis na tayo dito," may finality sa tinig ni Andrew kaya hindi na rin tumutol ang bata.

"Mauna na siguro akong babalik sa hotel," aniya.

"Bakit hindi ka na lang sumama sa amin sa bahay? I'll treat you a dinner. Home-cooked for a change." At maluwang ang ngiti sa mga labing pinagmasdan siya ni Andrew.

"Oo nga, Tita Rachel. Masarap ding magluto si Daddy," tuwang sabad ng bata.

"Para maikumpara mo ang luto ko sa mga putaheng dinayo mo dito sa Boracay," susog pa ni Andrew.

"Mukhang wala naman akong karapatang tumanggi pa," naiiling na lamang na sabi niya.

Pabalik sa tricycle na service nila ay natanawan niya ang tatlong babaeng nakatalungko sa gilid ng restaurant. Kung anu-anong beads at perlas ang tinda niyon. Noon niya naalala ang bilin ni Maia.

"Alin ho ba diyan ang cat's eye beads?" tanong niya sa tindera. Sa dami ng mga pearl at bead strands na isinusuot ni Maia ay nakalimutan na niya kung ano ang itsura ng ipinabibili nito.

Itinuro naman nito ang ilang strands ng iba't ibang kulay na cat's eye beads. Magaganda nga at may katerno pang bracelet ngunit wala ang bilin ni Maia.

"Wala ho ba iyang kulay green?"

"Mayroon. Puwede ninyong hintayin? Hindi pa kasi nakatuhog."

"Sige."

"Para kanino ba iyon?" tanong sa kanya ni Andrew.

"Kay Maia. Bilin niya iyon. Actually, perlas ang bilin niya. Eh, kaso baka naman ang ialok sa akin dito ay South Sea pearl. Wala akong pambayad sa ganoon kamahal." At sinundan niya ng tawa ang sinabi.

Mabilis namang naiabot ng tindera ang binibili niya. Mayroon pa itong inalok na old rose cat's eye. Bihira daw iyon kaya hindi na siya nagdalawang-isip na kunin na rin iyon. At sa pagkagulat niya ay maagap nang nabayaran iyon ni Andrew.

"Tell Maia na bigay ko iyan sa kanya," wika nito. At bago pa niya nagawang tumutol ay inakay na siya nito. "Tara na sa bahay. Patitikimin kita ng specialty ko."

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

38.9K 1.4K 19
"Alisin mo sa isip mo na kaya lang ako nakipaglapit ay para makuha ang gusto ko sa iyo. Hindi pampisikal lang ang hangad ko. I love you so much. I wa...
113K 2.7K 13
Maraming nagawang pagkakamali sa buhay si Katalina, mga pagkakamaling naging dahilan kung bakit kinilala siya ni Gabriel Wharton, ang nag-iisang anak...
95K 3.2K 27
Pagkatapos ng graduation sa high school ay nagkahiwa-hiwalay sina Fatima Mae at ang kanyang mga kaklase. Wala na siyang balita sa mga ito. Kaya ganoo...