Jien Of Grid (M-preg)

By Tatisvibe

250K 10.4K 2K

"Jien." - Grid "Po." - Jien "You're my angel, baby." - Grid "You're my lord, then." - Jien 04, 25, 22 More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17 (SPG)
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31 (SPG/R-18)
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 7

6.2K 334 27
By Tatisvibe

Grid

"Nakakamiss pala sila Daniella, I don't have a playmate na." Jein said as he pouted.

Nakonsensya naman ako don. "Y-you wanna go back? Just tell me."

Pinisil ko ang hita nito, hindi pa pala siya nakakapagpalit ng suot niya, trouser at T-shirt na white.

Tumitig rin ako sa kaniya nang titigan niya ako.

A sad smile formed on his lips.

"Hindi na po, dito na po ako, wala po kayong kasama." He said.

Hinila ko ito sa bewang at niyakap siya. "I'm sorry Jien, kung gusto mo talaga bumalik sa inyo, sabihin mo lang, wag mong isipin na wala akong kasama."

Okay lang naman sakin walang kasama, sadyang gusto lang kitang makasama.

Umiling lamang ito at pinatong ang baba niya sa balikat ko.

Napalayo ako sa kaniya ng kaunti nang maramdaman ang daliri niya sa tainga ko.

May kiliti kasi ako sa tainga.

Natawa si Jien sa reaksyon ko at inulit niya ito. This time ay hinipan niya pa ito.

"Stop Jien. S-stop." Natatawa kong sabi at nilalayo ang mukha sa kaniya.

Hindi niya ako tinigilan bagkus ay ang dalawa ko ng tainga ang hinahawakan niya.

"Hindi ka talaga titigil?" Umiling lamang ito at inilabas ang dila sakin.

"Ganon ha." Hinawakan ko ang magkabilang tagiliran niya at kinili ito.

"Stop Kuya, stop na." Sinusubukan nitong umalis sa kandungan ko na halos magwala na ito.

"Ayaw na, ayaw na." Tumatawang sabi nito.

Natatawang pinakawalan ko siya dahilan nang pagkahiga niya sa sofa.

Tumatawa ito habang nagtataas baba ang dibdib. Kinubabawan ko ito para takutin na kikilitiin ko ulit siya kaya agad niya hinarang ang mga kamay sa bawat tagiliran niya.

"Ayaw na." Hinihingal niyang pagpigil sakin.

Tumawa ako bago umupo ng maayos.

Maya-maya lang ay umayos si Jien ng upo at yumakap sa tagiliran ko bago inangat ang tingin sakin.

"Laro tayo games Kuya, laban tayo." Tinaas taas nito ang dalawang kilay.

Tinitigan ko ito bago nagsalita. "Jien, Can I kiss your cheeks again?"

"Bakit ka po papaalam? Kiss mo na po ako tapos laro tayo games." He smiled sheepishly.

Once again. I stared at him before touching his chin.

Dahan-dahan at maingat ko siyang hinalikan sa magkabilaang pisngi.

Ang lambot.

"Ako rin! Ako rin!" Tinaas taas pa ni Jien ang kamay niya na ikinakunot noo ko.

"Huh?"

"I'll kiss you rin po."

Hindi na ako nakapagsalita nang hawakan niya ako sa magkabilang pisngi at halikan ang noo ko pababa sa ilong ko.

Hindi ako nakagalaw nang pati ang labi ko ay dampian niya ng halik.

Mga ilang minuto nang matauhan ako sa pamamagitan ng paghalik niya sa kanang pisngi ko.

Nakatingin ako sa kaniya nang matapos siya habang siya naman ay nakangiting nakatingin rin sakin.

"Laro na po tayo!" Kinuha niya ang cellphone at nagsimula ng pumindot doon.

Napalunok ako bago nagsalita. "Jien, m-may ginawan ka na ba ng ganon maliban sakin."

"Alin po?" Sagot niya habang nakatutok pa rin sa cellphone.

"Yung paghalik mo sa buong mukha ko."

"Opo, sila Daniella, Gecko at Gian po. They are cute po e kahit inaaway ako ni Daniella."

"Sila Ate May at Kuya Josh mo? Nakiss mo na rin ng ganon?"

Inangat niya ang tingin sakin. "Hindi po pero sila po kumiss sakin, si Ate May po, she kissed me on my cheeks po. Si Kuya Josh po, he kissed me on my forehead po." At bumalik muli ito sa pagkalikot sa cellphone.

Napatango-tango ako.

"Jien, sino ang pinakaunang halik mo sa labi?" Napapikit ako dahil sa tanong ko.

Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa cellphone. Maya-maya lang ay napatingin siya sakin.

"Sila Papa't Mama po yata."

Natawa ako at pinisil ang pisngi niya.

"Last question Jien, bukod sa triplets, kay Ate May at Kuya Josh mo, sa papa't mama mo. Sino pa ang nakahalik sayo? O sino pa ang hinalikan mo?"

"Ikaw po!" Nakangiti niyang sagot.

"Wala ng iba?" Last question huh? I see.

"Ahm... " Nag-isip isip ito. "Ay! Si Jc pala, kiniss ko siya sa pisngi kasi ang cute niya nong naglalaro kami."

Tumango ako dito at tinigilan na ang pagtatanong kahit may gusto pa akong itanong.

Lumapit ako sa kaniya at tiningnan kung anong ginagawa niya.

"Nagpaparami ka ng pera?"

"Opo. Para mabili ko yung sword na gusto ko." Sagot niya.

Inilabas ko rin ang cellphone ko at nagdownload ng ganong laro.

"Teach me? Para maglaban tayo." Nakangiting sabi ko kay Jien na paulit-ulit tumango.

Nang mag-gabi na ay sabay kaming umakyat ni Jien sa taas.

"Jien." Tawag ko kay Jien habang nakahiga kami.

"Hmm" Inaantok na sagot nito.

"Isang linggo mo lang akong makakasama ng buong araw dito sa bahay, sa susunod, hapon o gabi mo na lang ako makakasama." Pagpapa-alam ko sa kaniya.

Napausod ako ng kaunti nang bigla siyang tumagilid ng higa paharap sakin.

"Wala po akong kasama sa bahay buong maghapon? Paano po ako kakain?" Nakanguso niyang sabi.

If I could just kiss his lips.

"Pumupunta dito si Manang Rita kapag oras na ng pagkain. Ipagluluto ka niya. Saka Jien, kahit ikaw lang mag-isa dito pwede mong makalaro sila Gian at Gecko doon sa nilalaro mo kanina, pwede kayo maglaro online para hindi ka mabored. Naglalaro ba sila Gecko at Gian nun?"

"Opo pati si Daniella po, Gagana po kaya yun? Kahit malayo po kami?"

"Yes, alam mo ba ang Id nila?"

Tumango ito habang nakanguso pa rin.

"Or I could just bring you back there para hindi ka mabored? Susunduin na lang kita sa kanila pag-uuwi na ako?"

Kahit na hindi matuloy yung plano ko. Yung sasalubungin ako ng yakap at halik ni Jien na parang mag-asawa lang. In that way, maybe, just maybe, my tiredness would disappear.

Naalarma ako nang tumalikod si Jien sakin habang nakanguso.

"Jien?"

"Po?"

"You mad?"

"No po."

"Then why----"

"Wag mo na po akong dalhin pabalik sa bahay nila Kuya Josh po, Kuya."

"But you'll be bored here, Jien."

"Kaysa naman po dumaan pa kayo sa bahay nila Kuya Josh para sunduin ako imbes na diretso po kayo dito, dadaanan mo pa po ako don. Mas lalo ka pong mapapagod kaya wag na po." Sagot niya habang nakatalikod pa rin sakin.

Napatigil ako sa sagot niya.

Parang ito si Jien na umaakto na ayon sa edad niya. Iba siya ngayon magsalita e.

Ayaw niya akong mapagod huh?

Natawa ako ng mahina.

"Jien."

"Po."

"Face me please."

Mabilisan naman itong humarap sakin.

Hinawakan ko ang bewang niya at mas lalo pa siyang pinalapit sakin.

"Thank you, Jien." Hinalikan ko ito sa noo matapos sabihin yon.

"Welcome po." Yumakap ito sakin bago tuluyan ng natulog na ikinangiti ko.

******
Don't forget to vote, love y'all mwaps!

Continue Reading

You'll Also Like

341K 16.7K 48
Si Adrian ay isang omegang nagmula sa isang mayamang pamilya. Simula ng pumasok siya sa Yunji University, marami siyang natuklasan na pwedeng mangyar...
1.3M 58.7K 105
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
6.3K 135 6
He is one of the most powerful vampire in their entire family..He wont show mercy to those people who enter his territory he will kill it instantly w...