Sweet Vittoria Reigns

By solaceinstellar

250 65 0

The day I fell in love with him was also the moment I took the first step in dancing with the devil. More

PANIMULA
KABANATA - 1
KABANATA - 2
KABANATA - 3
KABANATA - 4
KABANATA - 5
KABANATA - 6
KABANATA - 7
KABANATA - 8
KABANATA - 9
KABANATA - 10
KABANATA - 11
KABANATA - 12
KABANATA - 13
KABANATA - 14
KABANATA - 15
KABANATA - 16
KABANATA - 17
KABANATA - 18
KABANATA - 19
KABANATA - 20
KABANATA - 21
KABANATA - 22
KABANATA - 23
KABANATA - 24
KABANATA - 25
KABANATA - 26
KABANATA - 27
KABANATA - 29
KABANATA - 30
KABANATA - 31
KABANATA - 32
KABANATA - 33
KABANATA - 34
KABANATA - 35
KABANATA - 36
KABANATA - 37
KABANATA - 38
KABANATA - 39

KABANATA - 28

4 1 0
By solaceinstellar

"What really happened?"

Nag-unahang sumagot si Mara at si Daniella. Ang maninipis at matataas nilang boses ay nagparindi sa mga tenga namin. Hinampas ni Ma'am Fernandez ang mesa at lahat kami napatalon. Natikom ng dalawa ang kanilang bibig. Dinaga ako ng kaba. Sa totoo lang mas natatakot pa talaga ako kay Ma'am Fernandez kaysa kay Lucas, eh.

"In behalf of my immature and very unproffesional staff, Sir." Isa-isa kaming tinapunan ni Ma'am ng malamig na tingin. "I sincerely apologize. Give them the punishment that you deem fit and I'll gladly follow your orders, Sir."

Tumango si Lucas at pinagsiklop ang mga kamay sa mesa. Ako, Si Ma'am Fernandez, Mara, Daniella at ang dalawa niyang alipores, si Jeff bilang witness at si Lucas ang narito.

"Jeff," tawag ni Lucas ng binasa nito ang nametag ni Jeff. "Tell me what you saw," mando niya.

Tumikhim si Jeff bago nagsalita. "Hindi ko po nakita iyong buong pangyayari dahil may kausap akong customer. Pero noong narinig ko ang nagbagsakang mga pinggan, nakita kong nasa sahig na si Torry." Kinakabahan siyang tumingin kay Mara na supladang nakahalukipkip lang. Umirap siya.

"Tapos sinugod po ni Mara si Daniella. Binuhusan niya ng coke at doon na po nag-umpisa iyong sakitan nila,"

"Tingnan niyo Sir?!" sabat ni Daniella. "Hindi ko po siya sinadyang patirin! Nandoon na talaga ang paa ko nakalagay. Hindi naman po kasi siya tumitingin sa daan. Baka natatabunan ng tray na hawak niya tapo etong si Mara bigla na lang akong sinabuyan ng inumin,"

"Huy! Ang kapal ng mukha mo," anas ni Mara. "Kitang-kita ko kung paano mo inusli ang paa mong impakta ka! Napaka-itim talaga ng budhi mo!"

Tumango ako. "Nagsasabi ng totoo si Mara, Lu- S-Sir," ani ko. "Tumitingin naman ako sa dinadaanan ko lalo na't kailangan kong makasigurado na maiihatid ko ang order sa customer ng walang aberya. Sigurado akong kung may paa o kung anong bagay man sa daraanan ko, iiwasan ko iyon. At sigurado din akong walang ano mang bagay na nakaharang doon!"

"Hindi 'yan totoo, Sir!" sabat ni Eula. "Nagpapalusot lang 'yan si Torry at ipinapasa ang sisi kay Daniella dahil takot ibawas sa sweldo ang mga nabasag niya!" Umawang ang labi ko. "Nambibintang lang din 'yan si Mara kasi may gusto iyong ex niya kay Daniella!"

Iyong mukha ni Mara hindi maipinta. "Diyos ko naman Eula, anong pinagsasabi mo? Sino sa ex ko?"

Muntik na akong humagalpak ng tawa, ganoon din si Jeff, pinigilan lang ng makitang hinihilot ni Ma'am Fernandez ang batok niya habag nakapikit.

"I ordered the CCTV footage from the security department. Malalaman natin kung sino ang nagsasabi ng totoo at kung sino ang hindi. Regardless of who lied and who said the truth, those who are all involved in this incident will recieve a punishment," Lucas sounded so business-like. Ang awtoridad sa tono niya at nagpatahik sa amin.

Nakasuot siya ng putting button-down shirt. Nakatupi ito hanggang siko. Bakat ang malapad niyang dibdib sa damit nito pati na ang biceps. Mga parte ng katawan niyang matigas at mainit. Alam ko dahil ilang beses ko na iyong nahawakan at nahalikan.

Ang malapot niyang titig ang sumalubong sa akin ng i-angat ko ang tingin sa nag-aalab niyang mata. Lumandas din ang mata niya paibaba sa kabuoan ko bago dinilaan ang ibabang labi.

Nadama ko ang pahilala pailalaim ng nasa pagitan ng hita ko. Nag-iwas ako ng tingin habang uminit ang dibdib at batok ko. Nakita ko ang namumutlang grupo ni Daniella at ang makahulugang tingin nila sa isa't-isa.

Nakita din iyon ni Mara kaya napangisi siya. Hindi ko na din maiwasang mapangisi. Biglang parang sumama ang mukha nila ng binanggit ang CCTV. Hindi sila mapakali sa inuupuan at galaw ng galaw.

Pumasok ang isang lalaki at may dalang USB. Ibinigay niya ito kay Lucas na agad ding sinalpak sa laptop. May pinindot-pintod siya doon at tinype sa keyboard. Tiningnan niya muna iyon ng ilang saglit at kita ko ang pagdilim ng mukha niya.

Ilang sandaling panunuod bago siya may pinindot ulit at hinarap na sa amin ang screen ng laptop.

Nagsimula iyong mag-play ng lumapit ako kina Mara, Gerald at Jeff. Iyon iyong sinabi sa akin ni Mara na pagdating ng fiancee ni Lucas dito sa resort. Hanggang sa kinuha ko na ang tray na may lamang order at naglakad palayo.

Nagsinghapan sila Daniella ng klarong-klarong sinadya niyang i-usli ang paa ng nasa harap niya na ako. Agad din niyang ibinalik ang paa sa dating pwesto noong nakaluhod na ako sa sahig.

Kita ko ang pag-igting ng panga ni Ma'am Fernandez at ng mag-angat ng tingin ay kita kong seryosong nakatingin sa akin si Lucas. Ngumuso ako.

Nagpatuloy pa ang video pero agad na iyong pinatay ni Lucas.

Sobrang habang katahimikan ang namayagpag. Malamig na nakatitig si Lucas kila Daniella na nakayuko na. Pati ako ay nababanas at natatakot na sa katahimikan. Nakakagalit man sa ginawa nila ay nakaramdam ako ng awa para sa magiging parusa sa kanila.

"I would have fired you all if someone didn't request me to still let you keep your jobs." Tumikhim sila Daniella. Dama ko ang tingin nila sa akin pero nanatili akong nakatingin kay Lucas.

"First of all..." Lucas trailed off. "I want all of you to apoligize to each other,"

Agad akong napailing doon. "Hindi ko po iyon magagawa, Sir,"

Tumaas ang kilay niya doon. Dahan-dahan siyang sumanding sa upuan at pinaglaruan ang ibabang labi. Siguradong hindi lang ako ang awang ang labing sinundan ang bawat galaw niya. "Why is that, Miss Dacera?"

"Hindi ako hihingi ng tawad sa pagprotekta sa sarili at sa kaibigan ko. Hindi naman pwedeng hayaan ko lang silang saktan ako at si Mara. Sila ang nauna. Respect begot respect-"

"And violence begot violence?" sabat niya. "You could've sorted all these out without hurting each other physically-"

"Nang napagpasyahan ni Daniella na patirin si Torry, Sir naging malabo na iyan. Ano pong gustong gawin namin? Hayaan na lang ang mga ganyang pananakit?"

"You could've report it to your manager. Or to me,"

"Abala ka sa pag-asikaso sa fiance mo Sir. Nakakahiya naman na istorbohin namin kayo diba?"

Napuno ng tikhim at pag-ubo ang opisina. Lucas' eys darkened and his brow furrowed.

"She's not my fiancee, Vittoria," may diin niyang saad. "We've talked about this, haven't we?"

Napasinghap ako. Tumingin ako sa iba ko pang kasama na naroon at kita ko ang pag-awang ng labi nila. Gusto kong kurutin ang sarili ko. Dapat huminto na ako doon.

Nagtitigan lang kami doon bago siya nagsalita. "Very well." Lumingon siya kina Daniella. "You three apologize to Mara and Vittoria," malamig niyang utos. "Apologize or get fired. Choose," mahinahon ang kanyang tono pero nag-uumapaw ito sa awtoridad.

His words felt like rules that cannot be bend or broken. Because if you tried to defy it, you'd be the one to suffer.

Hindi magkamayaw sila Daniella na humingi sa amin ng tawad. Hindi sila makatingin sa mga mata namin at ang mga tono ay mahihina. Para bang kinakahiya ang mga ginawa. Dapat lang!

Sana lang hindi na nila ulitin. Sana lang matututo na sila. Swerte lang ako dahil andiyan agad si Mara na denipensahan ako. Hindi lahat ng tao ay may katulad na kaibigan gaya ni Mara.

Nasuspende ako ng isang linggo. Si Mara sampung ara at ang grupo nila Daniella ay tatlong linggo. Si Ma'am Fernandez ay walang natanggap na suspension pero pinagsabihan ni Lucas. Sa susunod na maulit ang ganitong insidente ay matatanggal na siya sa trabaho.

Pinagsabihan niya din si Mara at ang grupo ni Daniella. Pina-brief nia din ang lahat ng staff tungkol sa low tolerance sa mga bully at hindi sinusunod ang work ethics.

Dalawang linggo na lang ang itatagal ko dito sa resort kaya nasasayangan talaga ako. Lalo na't wala naman akong kasalanan. Ako na nga ang biktima nadamay pa ako sa mga suspension. Hinilot ko ang batok. Ayos na din iyon kaysa sabihin nilang pinapaboran ako ni Lucas.

Hinahaplos ko ang malambot niyang buhok habang mahimbing siyang natutulog. Nakapatong ang mukha niya sa mga naka-krus na braso sa counter katabi ng laptop nito. Bahagyang nakaawang ang labi habang kalmado ang paghinga.

Sinirado ko ang laptop at umupo sa tabi niya. Pumangalumbaba ako at pinagmasdan lang siya doon hanggang sa gumalaw siya. Ngumiti ako ng bumukas ang kanyang mga mata.

Malambot siyang ngumiti. He hummed as he looked at me with intensity.

"What a fine sight," bulong niya at inilibot ang braso sa beywang ko.

Ramdam kong uminit ang pisngi at batok ko sa sinabi niya. Pinilit ko iyong ignorahin. Kailan pa ako masasanay sa mga ganyang nakakabulabog ng sistema niyang tirada?

"Mag-gagabi na. G-gusto mong ipagluto kita?" tanong ko.

"Ikaw..." bulong niya at pinaglaruan ang mga daliri ko. Pinaglingkis niya ang aming kamay at ngumisi.

"Your hands are so small." Nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Malaki lang talaga ang kamay mo," sagot ko at tumayo. "Ako na magluluto ng hapunan. Kompleto ba ang rekados mo sa ref?" Kinalas ko ang kamay mula sa kanya. Kumunot ang noo niya.

"Sa labas na lang tayo kumain," sabat niya na nagpadikit sa mga labi ko. Bumababa siya sa high chair at lumapat ang malapad niyang kamay sa bewang ko.

Napamura ako ng bigla niya akong buhatin at nilapag sa dati niyang kinauupuan.

Binuka niya mga hita ko at tumayo roon. Ang mga kamay nito ay pinatong sa magkabilang-parte ko.

Ang taas niya pala talaga. Nakaupo na ako sa high chair pero mas mataas pa din siya sa akin. Bumaba ang mukha niya at nahanap ng kanyang labi ang leeg ko.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko namamalayang napakapit na ako ng mahigpit sa braso niya.

"Bakit sa l-labas pa tayo kakain?" Umawang ang labi ko ng marahan niyang sipsipin banda sa may pulsuhan.

Lumalim ang mga paghinga ko. Pakiramdam ko ay bigla nalang tumaas ang temperatura dito sa loob. Lalagnatin yata ako sa ginagawa niya.

Napahawak pa ang isang kamay ko sa isang braso niya. His skin was smooth but his muscles were hard as rock.

"I want to cuddle with you," he mumbled before trailing feathery-light kisses along my neck up to my jaw.

Tumaas ang sulok ng labi ko. "Cuddle lang ba talaga?"

Umahon siya. There was a gleam of ardor hunger and excitement in his eyes. He cocked his head. "I'm contented with cuddling, Vittoria,"

"Pero iba ang sinasabi ng mga mata mo,"

"Bakit? Ano ba ang sinasabi nila?"

"That you want me now,"

He chuckled evilly. Nilapit niya ang mukha sa akin hanggang sa naduduling na ako. His mint breath invaded my nose as his manly expensive perfume intoxicates me.

Mas maganda ang mata niya sa malapitan.

"Kailan ba hindi?" bulong niya bago inatake ang labi ko.

Sa wakas.

Lumipas ang isang linggo na sa umaga lang ako nagtatrabaho bilang househelp. Gusto kong i-full-time pero maagawan ko na ng trabaho ang iba kung mangyayari iyon. Sa hapon, kadalasan naglilibot ako sa buong resort at minsan nasa room ko lang.

O kung hindi ay nasa suite ni Lucas. And there we were, always doing wonders. Dirty wonders.

Inaaya ako ni Lucas na libutin ang karatig na mga isla sa Palawan na hindi pa namin napupuntahan. Gusto kong sumama pero ako na mismo ang tumatanggi.

Nahalata kong dumarami na ang business calls niyang natatanggap. Iyong mga emails din na sini-send sa kanya ng secretary niya ay hindi biro sa sobrang dami. Doon ko na-realize na para bang sinasanay na siya na mamuno ng kompanya nila.

Natutulala ako pag ganoon. Mas lalo lang nadedepina ang agwat namin sa buhay.

Sa nakaraang linggo, sinubukan kong asikasuhin ang pag-papa-enroll ko. Tapos ko na ang pag-re-research online para sa mga requirements na dapat ipasa ng biglang tumawag ang secretary ni Don Luciano.

Tinatanong ako kung ano ang gusto kong kuning kurso sa kolehiyo. Iyon nalang ang hinihintay para tuluyan na akong ma-enroll.

Hindi pa ako makapag-salita dahil sa bigla sa una. Inisip ko pang baka pina-prank lang ako nang kung sinong tumatawag. Nang si Don Luciano na mismo ang nagsabi sa akin ay doon lang ako naniwala at binigay ang hinihingi nila.

Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies ang kinuha ko. Sabi ng secretary ay check ko na lang ang facebook page o ang website ng Mendeelev University. I-po-post nila doon ang official class list for incoming 4th year college.

Doon ko na din makikita kung anong section ako. Sa class schedule, kailangan ko pa doong puntahan sa campus. Tiningnan ko ang tuition fee at nalula ako sa presyo!

Ang maganda lang doon ay maraming ino-offer na scholarships at pag dean's lister ka ay may discount sa tuition mo.

Gusto kong mag-apply ng mga scholarships kahit online lang pero nahihirapan ako sa pipichugin kong cellphone. Meron si Lucas pero nahihiya ako kaya kay Mara nalang ako nanghiram. Ihahatid lang daw ni Mara mamaya.

Tinali ko ang buhok sa harap ng salamin. Ngayon ay ang balik ko sa trabaho sa resto. Ito na din ang huling linggo ko. May kumatok sa pinto ng tama-tamang tapos na sa pag-ayos ng buhok.

Tumambad sa akin si Lucas. Nakapamulsa ang isang kamay habang ang isa ay bitbit ang suit jacket nito. Hindi ko sinasadya na paglandasin ang mga mata pababa sa kabuoan niya. Pero ang traidor kong mata ay gusto siyang itatak sa isipan.

Continue Reading

You'll Also Like

712K 43.6K 38
She was going to marry with her love but just right before getting married(very end moment)she had no other choice and had to marry his childhood acq...
1.8M 127K 45
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
3.7M 294K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...