The Crown Prince [bxb/mpreg]✔

By yuriiiverse

20.7K 1.7K 35

COMPLETED HR: #1pinoybl HR: #1kwentongpinoy HR: #5thrilling HR: #7pinoy Ating kilalanin ang pagmamahalan nila... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
ROYAL FINALE
AUTHOR'S NOTE
CHARACTERS

Chapter 4

841 81 1
By yuriiiverse

JayKim Roxas Montevano POV

Huminto ang sinasakyan naming limousine sa isang magarang bahay eto na siguro ang palasyo. Pinag buksan kami ng lalaking naka itim ng pinto at ang sabi ko mauna si inang reyna at sumunod na si amang hari bago ako. Lumabas na ako at nilibot ko ang mata ko kita ko ang mga tao na naka tuon ang atensyon samin. Inaya na ako nang reyna na mag tungo na sa loob kaya naman lahat ng mga katulong siguro mga eto eh nag yukuan. Pag pasok na pag pasok palang sa gigantic pintuan nila tatambad sayo ang isang statue na sina ang hari inang reyna at ang anak nilang prinsipe.

Dito na ba ako titira?!

Nag lakad kami hanggang sa nakarating kami sa sala nang palasyo. Umupo ako sa gilid nang sofa at may nilapag ang isang katulong nang itim na trey na may kargang orange juice at pastries. Kita ko ang inang reyna na kausap ang isang may edad na babae katulong ata pero iba ang suot nya pwera sa ibang katulong na pare-pareho mayordoma siguro siya. Lumapit ang matandang iyon sa'kin.

"Ah kamahalan sasamahan na kita sa kwarto mo" ang saad nito sa'kin at yumuko

Ano daw?! Ako kamahalan?!

"Ah hehe sige po" ang saad ko at natayo nalang sa kina uupuan ko.

"Iho, mamayang 4:30 ay may sasabihin kami nang hari sayo" ang sabi nang inang reyna sa'kin

"Ah sige sige po inang reyna" ang saad ko

Sinundan ko na ang matanda at umakyat ito sa hagdan kasunod ko ang isang lalaki na may hawak ng mga gamit ko. Pumasok kami sa isang modern door at nanlaki ang mata ko nang makita ko ang kwarto na kulay asul at isang king size bed na kama.

"Dito po ang kwarto ninyo kamahalan" ang sabi ng matanda

Kita ko naman na binaba na nang lalaki ang mga gamit ko at sabay na si lang lumabas ng kwarto.

"Teka kwarto ko ba talaga ito?! Parang pinag sama na ang kwarto nila  mama at ang kwarto ko sa sobrang lawak nito" anh saad ko

Nakiha ako sa kama at pinag masdan ko ang chandelier na hugis tatsulok mula sa kinahihigaan ko. Nakaka panibago sa true lang mga vhevs. Kaya naman sa pag pahinga ko nang limang mimuto ay inayos ko na ang mga gamit ko at shala may sarili akomg walk in closet huhu dream come trueee. Inayos ko na kung saan ko nilagay ang mga pants ko shirts at shala may sarili din akong bathroom na may bathtub at shower huhunes.

Ilang oras nang matapos ko na ang mga gamit ko naisipan kong maligo na para naman ma feel ko kung anong feeling nang nasa bathtub. Hinubad ko na ang mga damit ko at habang nag hihintay na mapuno nang tubig ang bathtub ko ay nag shower na muna ako at pak SHAKE IT..... SHAKE IT..... SHAKE IT..... with matching kembot pa just kidding. Nang makita ko nang napuno na nang tubig ang tub ko ay lumusong na ako at nahiga huhu ang sarap sa feeling sana maranasan nyo din. Sa sobrang na rerelax ako ay di ko namalayan na baka idlip na pala akes.

~

"Oi gising na mahal kong asawa" ang rinig kong sabi nang boses na malalim habang tinatapik ang pisnge ko.

"Hmmm" ang ungol ko

Daham dahan kong minulat ang dalawa kong mata at kita ko ang lalaking may makapal na kilat bagsak ang buhok matangos na ilong at kulay tsokolate ang mga mata nito.

"AHHHHH!" ang sigaw ko

"Teka anong ginagawa ko sa kwarto ko?!" Ang tanong ko

"Prinsepe?!" Ang singit ko pa

"Teka teka nandito lang ako para gisingin ka kanina pa ako katok nang katok sa pintuan nang kwarto kaso walang sumasagot kaya pinaki usapan ko si manang Ysa na hiramin ang susi nang kwarto mo at nakita ko na naka bukas ang ilaw sa banyo kaya naman naisipan ko na baka naliligo ka at tama nga ako" ang sabi nito sabay tayo at kinuha ang twalyang kulay maroon at binigay sakin.

Na alala ko wala nga pala akong saplot. Kinuha ko na ito at lumabas na sya kaya naman ako tinapis ko na sa sarili ko at lumabas nanang banyo. Kita ko ang prinsipe na naka higa sa kama ko at kumambyo ito sa bandang ibaba nya. Kumuha na ako nang masusuot ko ar sinuot na ito.

"Ano bang ginagawa mo bat mo naisipan na sa bathtub pa matulog?" Ang tanong nito sabay upo

"Di ako natulog mismo, naka idlip lang ako" ang saad ko

"Sya dalian mo at sabi ni amang hari na ilibot kita sa paligid nang palasyo" ang sabi nito

Nag suklay na ako nang buhok at nag liptint nang slight. At medyo inayos ang bangs ko dahil sa paharap ang style nang buhok ko.

"Maganda kana wag ka nang masyadong mag ayos pa at baka agawin pa nila mapapangasawa ko" ang saad nito sabay smirk nang slight

"Ano ka gold?! tsaka oi isa pa pinag kasundo lang tayo kaya wag kang umasta na sayo talaga ako" ang saad ko

Bago ako lumabas nang pinto nang kwarto ko ay nakita ko pa itong napa smirk.

Bumaba na kami at kada dadaan kami ay nag sisiyukuan ang mga nakakasalubong namin. Una kaming nag punta sa labas kung saan sa garden ay may mga hardinero na nag aayos nang mga halaman.

"Naku kuya mali po dapat alsisin nyo po muna ang plastic bago nyo po itamin nang sa gayo'y tumubo po nang maayos" ang sabi ko sa lalaking kasing tangkad ko lang

"Ay ganun ho ba? Pasensya na po kayo sa'kin kamahalan eh bago lang po kase ako  dito" sabi nito sabay kamot sa batok nito

"Baata kuya pag itatanim nyo alisin ang plastic" ang sabi ko

"Naks alam na alam mo talaga no?" Ang sabi ng prinsipe sa'kin

"Maiba tayo, alam mo ba ikakasal ka sa ka uri mo na lalaki?" Ang tanong ko sa kanya kase bakit di man lang sya magalit or what

"You know what nung una oo, narinig ko sila mama at papa na nag uusap at narinig ko na ayun nga ganto ang set uo nungbuna tutol ako, pero nung nag isip ako nang mabuti  para naman sa bansa nang Narnia ito kaya gagawin ko nalang  dahil sa ako ang uupo sa trono ni ama" ang saad nito habang nag lalakad kami

"Tsaka alam ko din na maaari kang msg buntis kaya naman ano" ang sabi nito

"Ano?!" Ang sabi ko sanay tingin sa kanya

"Wala wala, huwag mo nang isipin pa iyon ang mahalaga eh para sa bansa naman natin na sa susunod tayo na ang mamumuno nang bansang ito" ang wika nya sabay akbay sa'kin

Pero kami mamumuno sa bansa nang Narnia?! Kaya ba namin?!

Pumasok na kami sa loob nang palasyo at nag aantay na sila inang reyna at ang hari sa opisina nang hari. Nang makarating na kami ay agad kaming umupo at may kasama kami sa loob ng opisina.

"Shall we start now?" Ang biglang saad nang hari

Kaya naman nag salita na ang hari patungkol sa gaganaping kasal sa maka lawa nang nobyembre. Kaya naman gusto sanang sabihin na napaka aga kaya kaso bigla kong naisip na wag nalang. Kaya naman sinabi pa nang hari na dapat mag iingat kami sa kinikilos namin nang prinsipe dahil daw sa mga kaaway ni haring raul sa negosyo nito. Sinabi pa nang Reyna na tutulungan nya ako sa kalakaran nang bansang ito at sasanayin ako sa pakikioag talastasan nang dahil sa yun ang gawain nang reyna dahil sa ako ang susunod na reyna nang bansang Narnina.

"Malinaw ba?" Ang saad nang Reyna

"Public po ba ang kasal ko Pribado?" Ang tanong ko na kanina pa gumugugol sa kaisipan ko

"Magiging Public ang kasal at tayo tayo lang ang dadalo" ang sabi ni Hari

"Dadating po ba sila Mama?" Ang tanong ko pa

"Ah oo syempre" ang sabi nang Hari

"So mama kung ikakasal kami.bakit mag kahiwalay pa ang kwarto namin?" Ang tanong ni Prince Sean

"Since hindi pa naman kayo kasal mag kahiwalay na muna lalo't iba itong si JayKim sa mga lalaki" ang saad ni Hari

"Pa ilan gusto mong apo?!" Ang biglang tanong ni Prince Sean

Kaya naman binatukan ko ito nang biglaan

"Sorry sorry!" Ang pag hingi ko nang tawad

"Yan tama lang yan JayKim oag may maling ginawa yang si Sean ikaw na bahala dahil sa magiging asawa kana din nyq" ang sabi nang Reyna

"At mamaya ay mag papatawag ako nang Press Conference upang sabihin ang balita na ang prinsipe nang  bansa nang Narnia ay ikakasal na" ang sabi nang Hari

"Pero teka po, maaaring magulat ang bansa o ang mundo nang dahil sa ikakasal ang Prince sa kagaya niyang lalaki? Maaaring maling mga batikos o mga hate comments ang matataggap nang palasyo" ang saad ko kase tama naman.

"Alam namim yan kaya kami na ang gagawa nang paraan" ang wika ni inang reyna.

Natapos na ang pinag uusapan namin at mag handa na kami para sa hapunan namin.

*****

expect some errors hehe im still learning din po.

press the "⭐" thanksss!

Continue Reading

You'll Also Like

929 52 23
"That was how dishonesty and betrayal started, not in big lies but in small secrets." -Amy Tan I am NATAN and I know everything.
13.2K 689 43
Chris is broke. His parents got an accident that caused their Death. Leaving him the responsibility of raising two children yet cute and innocent twi...
44.6K 1.9K 24
[Warning! BxB/BL /SPG] [COMPLETED|UNEDITED] Formerly "The badass gay's return" "Itigil ang kasal!" Sigaw nito na umalingaw-ngaw sa loob ng simbahan...
372K 17.8K 53
[ Iskwala Series #1 ]