Once in a lifetime

By supersaira

71.7K 1.8K 645

JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun g... More

Characters
PROLOGUE
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Epilogue
Bonus Chapter
New Story

Kabanata XIV

1.2K 32 8
By supersaira

Craye

Five days na yung lumipas pero parang walang nangyari. Ang nag iba lang, parang iniiwasan na ko ni Justine.

Paglabas ko din nung Lab nung araw na yun ay umalis na ko sa campus, gusto kong makapagisip-isip.

Hanggang ngayon din ay hindi ko pa nakakausap si Kylie about saming dalawa, she always texted me naman kahit hindi ako nagrereply. Araw-araw lagi syang may pa-good morning, lagi din syang nag papaalala na kumain na ko, madalas mangangamusta, bago matulog ay may good night din.

Paano ko iiwasan yung taong umaasa na? Yung taong nag iinvest na ng feelings sa akin. Ayoko syang saktan kasi mabait sya, pati sa mga kaibigan ko ay mabait din sya.

Last time nga, nabalitaan ko na lang na kasama nya yung Mom nya na nag e-aerobics, kadance class ng Mom ko yung Mom nya.

[Hi Craye, free ka ba today?] Text ni Kylie sakin

Weekend ngayon kaya alam nyang free ako pero nagtanong pa din sya.

[Yes! Why?] Reply ko na lang

[I have something for you, puntahan kita jan sa inyo.] Kylie

Hindi na ko nag reply, alam ko naman na pupunta sya. Ganon sya kapilit, gagawin nya ang lahat para sa akin.

Paano ko sasaktan ang taong to? Punong Puno sya ng kindness sa katawan.

[Otw, Craye. See you soonest. ❤️] Text nya pa ulit

Hindi ko na ulit sya nireplyan pero iintayin ko na lang sya.

Wala pang 20 minutes ay dumating na sya, nilabas ko sya sa gate at nakita ko na may bitbit sya.

"Hi." Bati nya sakin tyaka nya ko kiniss sa cheek, kita ko din agad na nag blush sya

"Hi, pasok ka." Pinapasok ko sya at kinuha ko yung dala nyang pizza, meron pa kasi syang bitbit na isa pa pero hindi ko alam kung ano.

Umupo sya sa sofa at doon ipinatong yung dala nya, ipinatong ko na din sa table yung pizza.

"Ky, juice or water na lang?" Tanong ko

"Water na lang, bawal masyado ang juice diba?" Sagot nya sakin, pinagbabawalan nya kong uminom nun kasi niyayaya nya kong mag jog paminsan pero hindi pa ko nasama sa kanya. Hindi daw kasi maganda yun sa health

Tumango na lang ako at kumuha ng tubig sa fridge.

Dala ko ang tubig at naupo na ko sa tabi nya, binuksan ko din yung TV para hindi naman ako ma-awkward.

"Ohh Kylie, andito ka pala pasabi sa Mom mo na aattend kami sa next session ng aerobics ha, sama kana din ulit para naisasama ko din itong si Craye." Sabi ni Mom tyaka nya bineso si Kylie

"Sige po Tita, kailan po ba ang next session? Hehehe. Huii Craye sumama ka next time ha." Tanong ni Kylie sa Nanay ko at pag coconvince nya sakin. "Tita, gusto nyo po ba? May dala po ako ditong pizza." Alok pa ni Kylie sa Nanay ko

"Next Friday, sumama kayong dalawa samin ha. Hehehe. Nako, pasensya na at tatanggihan kita nagmamadali kasi ako." Sagot ni Nanay kay Kylie

"Anak, bago ko makalimutan. Oo nga pala dumaan dito si Justine last week, may inabot sya sakin ngayon ko lang ulit naalala para daw sayo yun andun sa cabinet ko kunin mo na lang. Pasabi na din na thank you ulit sa kanya, nag abala pa ang batang yun, binigyan ako nang cookies." Sabi ni Mom tyaka sya bumeso sakin at umalis

"Si Justine talaga ay napaka soft-hearted and sobrang kind." Singit si Kylie habang binubuksan nito yung dala nyang pizza

No doubt Kylie, no doubt.

"Yeah! Kaya ko nga sya kaibigan." Tugon ko na lang

"Lakad na, kunin mo na yung bigay sayo ni Justine at last week pa pala yon." -Kylie

Tumango ako sa kanya at tumayo para pumunta sa kwarto ni Mom, kinakabahan ako sa kung anung laman nang bigay nya.

Nakita ko agad ito sa drawer ni Mom at agad na kinuha.

May letter na nakadikit sa wrapper at binasa ko ito.

Hi Craye!

Once na binuksan mo to sana magustuhan mo, meron din ako nyan. Gusto ko kasi pareho tayo. Hehehe. Alam kong hindi mo birthday pero gusto ko lang magbigay ng regalo. Lablotz!

xoxo
Justine

Binuksan ko na yung gift nya, it's a simple pony tail na color black kaya isinuot ko na din agad sa wrist ko.

Medyo natawa ako, minsan talaga ang korni nya. Pero syempre na appreciate ko naman, kasi sa kanya galing.

Lumabas na ko nang kwarto at dumarecho na ko kay Kylie.

"Here Craye, I have something din." Itinaas pa ni Kylie yung paper bag na hawak nya kanina "open it Craye."

Binuksan ko na yung dala nya, it's Nike Air Zoom Pegasus. Limited edition lang to alam ko.

"How is it?" Tanong nya sakin

Lord! Sobrang kind nang taong to? Bakit kailangan mo kong ilagay sa komplikadong sitwasyon?

"Grabe, nag abala kapa pero thank you. Limited edition lang to diba?" Tanong ko din sa kanya

"Yes! Meron din ako nyan para pag mage-aerobics tayo same shoes na suot natin ha." Sabi ni Kylie at tumango na lang ako. Inabutan nya din ako nang pizza pero walang hot sauce "alam ko hindi ka mahilig sa maanghang". Dagdag nya pa tyaka sya ngumiti sa akin

"Craye! Oo nga pala sabi ni Tita may ibibigay daw sya sakin." Diredirechong pag pasok ni Mon sa bahay namin at napatigil sya sa paglalakad nya sa salas nung nakita nya si Kylie "Oppssss! Sorry, nakaistorbo ba ko sa ligawan nyong dalawa? Saglit lang ha, kukunin ko lang yung avocado shake na ginawa ni Tita." Agad naman na nagtungo si Mon sa kusina.

"Don't mind meeee! Kunwari na lang hindi nyo ko nakita ha. Tyaka Kylie, galingan mo ha Ikaw ang manok ko dito." Dagdag nya pa

Natawa na lang kami ni Kylie kay Mon

Pero jusq! Mon, kung alam mo lang baka si Justine ang maging manok mo, actually gusto kong si Justine ang maging manok mo.

Umalis din naman agad si Mon after nya kunin yung avocado shake, ngunit hindi pa man nakalilipas ang 5 minuto ay may tumunog na sa phone ko

-------------GC

Hoy mga dzai! Alam nyo ba ang latest? Itong kaibigan natin aba nagpapaakyat na pala ng ligaw ngayon. -Leonardo da Vinci

Totoo ba? Kilig akemz! -Mabuhangin

Huii pasa pic naman jan, proof lang ganon. -Gianne Apuli

Nako hindi ko na napicturan at nauna ang kilig ko. -Leonardo da Vinci

Nakakainis ka naman ehhh. -Silly Sally

Sa susunod ha, picture na. -Kerubin

Ikaw Bibe, anung masasabi mo? Boto ka ba kay Kylie? -Mabuhangin

Basta ako, kung saan sya mas masaya. -3 blind Maice

Ikaw ba si Justine, Maice? -Mabuhangin

Same na kami ng sagot ni Justine. -3 blind Maice

Ano Bibe, seener? -Gianne Apuli

Hoy! Tama na nga kayo jan. -Craye-yons

{Justine Bibe left the group}

Hoy! Ibalik nyo si Justine, bakit yun umalis? -Leonardo da Vinci

Baka ayaw nya na dito, ang iingay nyo daw kasi. Hahaha. -3 blind Maice

{Kerubin added Justine Robles to the group}

Anung problema mo, Justine? -Silly Sally

Sarili ko, bakit? -Justine Robles

Wag ka mag leave, Justine. 🥺🥺 -Craye-yons

Anung karapatan mo, Craye? -3 blind Maice

{Gianne Apuli set nickname Justine Robles to Justine Bibe}

Hoy! Tumigil kayo jan, hindi pa ko tapos kiligin para sa best friend ko. Minsan lang yan magka love life." -Leonardo da Vinci

Edi congrats sa kanya! -3 blind Maice

Ano ba Maice? -Justine Bibe

Bawal ba sya i-congrats? -3 blind Maice

Alam nyo ang labo nyo kausap, so Craye kamusta naman ang ligawan session? 🥰🥰🥰 -Mabuhangin

Yieeee! Kilig yan for sure. -Silly Sally

Paseen seen lang yan pero ang ngiti nyan abot na hanggang tenga. -Kerubin

Hindi ka sure. -Craye-yons

Bakit? Kasi pati mata mo nag niningning na? Hahaha. -Kerubin

I-sure mo na Craye. Hahaha. -3 blind Maice

Ako basta ang alam ko nakita ko silang magkatabi sa sofa nila Craye tapos inaabutan ni Kylie si Craye nang pizza that time. -Leonardo da Vinci

Hoy anu pang nakita mo? Kwento na dali! -Gianne Apuli

Feeling ko nga susubuan pa ni Kylie si Craye ehh, pakipot lang si Craye. -Leonardo da Vinci

Or susubuan na talaga dumating lang ako, basta maalin lang jan sa dalawa. -Leonardo da Vinci

May popcorn ba kayo jan? Para lang akong nanonood ng love story dito. -Mabuhangin

Craye, sumagot ka naman. Kulang kulang ang kwento ni Mon ehh. -Kerubin

Hahaha. Craye, masyado mo namang ginagalingan. Hahaha. -3 blind Maice

Tumigil ka Mon, hindi talaga ganon yung nangyari. -Craye-yons

Deny pa more! -Leonardo da Vinci

Pwede namang umamin na lang at mag kwento. -Silly Sally

Anu ba naman kami diba? Kaibigan mo lang naman kami. -Mabuhangin

Hindi naman kasi talaga ganon, wala nga lang. -Craye-yons

Sows! Nakita ko pa nga sa table yung Air Zoom Pegasus na limited edition. Bigay sayo yun ni Kylie no? Hahaha. Yieeee! Couple shoes yarn? -Leonardo da Vinci

Bahala ka Mon, ewan ko sayo. -Craye-yons

Aiii nagpipigil ng feelings? -Leonardo da Vinci

Wag na Craye! Ilantad mo na at hindi din naman masama na gustuhin mo sya. -Kerubin

{Justine Bibe left the group}

Silly Sally add Justine Robles to the group}

Ano ba Justine! Potek ka. Hahaha. -Silly Sally

Ayoko na nga! -Justine Robles

Na ano? -Gianne Apuli

Etong si Justine kung kelang Kinikilig kami tyaka babanatan nang katopakan. -Mabuhangin

Ge bye! Kakainin ko muna tong avocado shake. Bahala kayo jan, ang KJ mo Bibe! -Leonardo da Vinci

Magkwento ka Craye ha. -Gianne Apuli

Madami yang kwento for sure, masaya yan ehh. Sa sobrang saya nya nga nakalimutan nya na yung isa pa. -3 blind Maice

-------------GC end

Wala akong nagawa, nalungkot ako para kay Justine. Harap harapan syang nasasaktan sa GC namin na yun ang hindi alam nang mga kaibigan ko.

Kasalanan ko, kasalanan ko naman.

------------------------------------------------
Ayaw ko na talaga! Hahaha.

Huhuhu. Endure the pain, Master. 🥺🥺

Continue Reading

You'll Also Like

439K 10.2K 41
"You were red and you liked me because I was blue You touched me and suddenly I was a lilac sky And you decided purple just wasn't for you" This is a...
71.7K 1.8K 49
JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun gagawin."- Justine