Behind the Engineer's Glasses...

By gheyll_0

186K 4.3K 1.5K

Kayla has a stalker, palagi itong nakasunod sa kanya pero hindi niya ito pinapansin dahil sanay na siya na hi... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Wakas

Kabanata 27

3K 75 73
By gheyll_0

Hurt 

"Kayla.." salubong sa akin ng nakangiting si Mommy.

Dahil gabi na, she's wearing her long night gown. Mukhang patulog na siya ngunit sinabihan nila manang na dumating ako kaya agad na bumaba.

Tipid ko lamang siyang ginantihan ng ngiti, nagtagal ang kanyang naging titig sa akin bago ako niyakap.

"You looked tired? How's your work?" She asked while still hugging me.

Pumikit ako para damhin ang yakap ng aking ina, her warm hug is giving me comfort.

"It's fine po... Dumaan lang po ako para kausapin si Daddy," saad ko habang bumibitaw na sa yakap ni Mommy.

"Ganun ba... Nandoon siya sa opisina niya.. I'll prepare tea puntahan mo na," she smile at me warmly, Tipid ko siyang nginitian at tumango.

Dali dali kong sinunod ang sinabi ni Mommy, habang paakyat ay hindi ko mapigilang mapatingin sa mga lawarang nakapaskil pa akyat ng bahay namin.

Ayos na ayos iyon at lahat ay naka picture frame, kung titignan ay mukha kaming masayang pamilya.

Well... We were once a happy family.. In the eyes of the people..

Hindi na ako kumatok, dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng opisina ni Daddy.

Nakaupo siya sa swivel chair niya nakakunot ang kanyang noo habang may binabasa.

"Is it hard to knock?" Walang emosyong saad nito.

His face reminds me of my older brother.. para silang pinag biyak na bunga... It's like he's the older version of my brother.

But my brother is way different from him... Malayong malayo sila sa isat-isa dahil nasisiguro kong hindi gagawin ni kuya ang mga ginawa ni Daddy kay Mommy.

"I wanna ask you something..." Panimula ko.

Bumuntong hininga siya at dahan dahang nag angat ng tingin habang inaalis ang kanyang salamin.

"What? Nakapag desisyon ka na ba na lilipat ka na sa kompanya natin?" Nakataas ang kilay niyang tanong.

Hindi ko siya sinagot, tinignan ko lamang siya. Arrogance was plastered on his face.

"Hindi ka din pala tatagal, akala ko ba paninindigan mo ang hindi mo pagsunod sa akin-" natigil siya nang bigla kong ihagis ang mga larawan sa kanyang harapan.

Dahan dahan niya iyong inangat at ganon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata.

"Ikaw ang dahilan 'di ba?" Nanginginig ang aking boses at tila ba ayaw na nitong lumabas.

Namumula ang kanyang mukha sa galit nang mag angat ang kanyang tingin mula sa mga larawan.

"Saan mo nakuha 'to?" Imbis na sagutin ang tanong ay sinagot niya ako ng isa pang tanong.

"I asked first," pumiyok na saad ko, hindi ko ma napigilan ang pagtulo ng aking mga luha.

"Nasa Baguio dapat si kuya... Pero sa sa La Union nakita yung bangkay niya," hirap na saad ko, pilit na inaalala ang mga bagay na gusto ko nang ibaon sa limot dahil sa sakit.

"Noong araw din na napalipat si Kuya, ikaw ang huli niyang kasama..."

"Sabihin mo Daddy... Mas mahalaga pa ba ang buhay ng kalaguyo mo kaysa sa anak mo?" Namumuhing saad ko.

Nakita ko ang pagkuyom ng kamo ni Daddy. Ang mga ugat sa kanyang leeg ay nagpapakita na, na tila ba nagpipigil siya.

Kinuha ko mula sa aking bulsa ang isang recorder. Ang recorder na naglalaman ng pag uusap ni daddy at ng Captain nila kuya.

"Just let my son go to that mission, malaki ang magiging ambag niya doon dahil kilala naman ang anak ko, he's known for being a marksman," boses ni papa iyon.

"Pero nauna nang tumanggi ang anak niyo Sir,"   saad naman ng isang lalaki na sa tingin ko ay ang captain nila kuya.

"Come on! Wala naman siyang magagawa kapag ikaw na mismo ang nagpadala sa kanya doon, at isa pa the governor will surely praise your troops kapag nakita niyang magagaling ang mga alaga mo."

Doon natapos ang recording hindi buo ngunit malinaw... Malinaw na si daddy ang nagpumilit magpalipat kay kuya.

"That's.." hindi na matuloy tuloy ni daddy ang kanyang sasabihin.

Puno ng luha ang aking mukha, hindi na akong abalang punasan ito dahil wala na akong lakas pa.

Masiyadong masakit sa akin ang aking mga nalalaman.

"Ano? Isinakripisyo mo ang buhay ni kuya kahit alam mong delikado ang misyon na iyon? Para ano? Para masiguro mong ligtas ang kabit mo?!" Sumbat ko sa kanya.

"You don't understand!" Sigaw niya sa akin.

"Then make me understand!" I shouted back, hinahabol ko ang aking hininga dahil parang may nakabara na sa aking lalamunan.


"Hindi mo man lang nagawang irespeto si Mommy! You already married her! Bakit ka pa bumalik sa kanya!"patuloy sa pagtulo ang masaganang luha mula sa aking mga mata.

I imagine my mom... How hurt she would be kapag nalaman niya nag lahat ng ito.

Wala siyang ginawa kung hindi ang mahalin si Daddy, ginawa niya ang lahat para intindihin ito.. binigay niya ang lahat.. kahit pa ang mana niya dahil mahal na mahal niya ito. Pero... Ganito lamang ang isinukli nito sa kanya.

"Because I didn't love her! I never love her!" My heart broke upon hearing those words from my dad.

"Una kong minahal si Selene! At siya lang ang minahal ko!" Sandali akong napatigil sa sigaw nito...

Selene...

Doon niya pa kinuha ang pangalan ko..

"Ang kuya mo ang ipinadala ko, dahil gusto ko siyang protektahan... Pero hindi pwedeng ako ang nasa tabi niya.." nanghihinang saad nito.

"Pero buhay ni kuya ang naging kapalit noon!" Sa lakas ng boses ko ay hindi na ako matataka kung marinig ito sa buong bahay.

"But that's not my intention!" Pilit niya pang sigaw.

"Pero nangyari pa din! Namatay si kuya dahil sayo!"

Kapwa kami natahimik nang umalingawngaw ang malakas na pagka basag ng mga baso.

Nang lingunin ko ang pintuan ay nandoon si Mommy, basa ng mga luha ang kanyang pisngi habang nakatakip ang kamay sa kanyang bibig.

Dahan dahan siyang lumapit papunta kay Daddy. Nang makalapit ay isang hampas sa dibdib nito ang kanyang ibinigay..  na na dagdagan pa ng sunod-sunod na hampas dito.

Samantalang si Daddy ay nakayuko at tahimik na tinatanggap ang bawat hampas ni Mommy.

Napatakip ako sa aking bibig para pigilan ang paglabas ng mga hikbi.

"H-How could you do this to me!" My mom cried.

Napakasakit para sa akin na marinig ang iyak niyang puno ng paghihinagpis.

"Tanggap ko! Tanggap ko na hindi mo ako minahal! Pero bakit kailangan anak ko pa!"

Tanging ang mga iyak ni Mommy ang naririnig sa buong kwarto. Tahimik si Daddy at hindi makapag salita.

"Binigay ko lahat sa'yo! Kahit maubos ako!" Itinulak niya si Daddy nang malakas na nakapag pa atras dito.

Seeing my Mom broke my heart into million pieces. She does not deserve to be hurt... Nagmahal lang siya, ngunit bakit ganito ang kapalit.

Lumapit ako kay Mommy para yakapin siya, I rested my face to her neck.

"Mommy please...." Pilit kong pagpapakalma dito.

"You don't deserve to be their father," malamig na saad ni Mommy.


Agad niya akong niyakap papalapit sa kanya na para bang pino-protektahan.

"I'll give you the annulment papers, tutal naman matagal ko na din iyong hinahanda," Sa sinabi ni Mommy ay agad na nag angat ng tingin si Daddy.

Shocked was evident in his eyes, gulat at tila ba hindi inakalang magagawa ni Mommy ang bagay na iyon.

"Y-You can't do that!" Akmang lalapit pa siya kay Mommy ngunit agad na umatras si Mommy habang hawak pa din ako.


"I can! At pagsisisihan mo ang lahat ng ginawa mo sa pamilyang ito!" Inakay na ako ni Mommy palabas.

Narinig ko ang pagka basag ng ilang kagamitan sa opisina ni Daddy. Ngunit hindi na namin siya muling nilingon pa.

Dumiretso kami ni Mommy sa kanilang kwarto, agad niyang kinuha ang ilan sa kanyang mahahalagang gamit.

Nang nilingon niya ako ay malungkot siyang ngumiti sa akin, hinawakan niya ang aking pisngi para punasan ang masasaganang luhang kanina pa dumadaloy.

"I'm sorry..." Tumulong muli ang masasaganang luha sa kanyang mata, "You have to go through that... Let's go anak... Let's choose ourselves this time," humihikbing saad ni Mommy  tumango ako sa kanya kahit pa nanlalabo ang aking mga mata.

That day we left my father. Iniwan namin ang taong dahilan ng sakit na aming nararanasan.

Patuloy ako sa pagtatrabaho sa mga Del Prado, habang si Mommy ay muling bumalik sa kompanya nila Lola. She's working together with Kevin's Mom.

Kevin would also check on us every now and then, kung minsan ay siya din ang nag dadrive para kay Momny at kay tita.. na nanay niya.

Patuloy din siya sa pag aasikaso sa kanilang annulment. It will be a long process ngunit buo na ang desisyon ni Mommy na hiwalayan na si Daddy.

Nais din niyang makuha ang ilan sa mga ari-arian niyang ipinangalan niya dito. Ang kamag anak namin sa side ni Mommy ay patuloy naman sa pagtulong mag asikaso.

Samantala, nanatili akong malamig kay Freyr. Pilit siyang naghahanap ng tyempong kausapin ako ngunit hindi ko siya binibigyan ng pagkakataon.

I want to listen to his side. But I'm not yet ready. Sariwa pa sa akin ang lahat, at gusto kong hayaan niya muna ako.

Paano ko pang magagawang harapin siya.. it's too much for me to handle. The fact that he knows the truth but he still chose to hide that from me. Makes it hard for me to trust him again.

It will be hard for me to trust people again.


Ilang linggo niya nang ginagawa ang pag aantay sa tapat ng unit ko, I change the passcode at ni-reset ko ang smart lock para maalis din ang finger print niya doon, kahit pa hindi naman niya ito binubuksan kahit noong alam pa niya ang passcode.

Ngayong gabi ay sinandya kong magpa-late, ngunit gaya ng dati ay nandoon pa din siya.. matiyagang nag aantay.

Napatigil ako nang makita ang kanyang kalagayan, he's wearing a sweat shorts and his white hoodie. He is also wearing his specs.

Nakaupo siya sa tapat ng unit ko may hawak siyang libro at may ilang papel ding nagkalat sa kanyang tabi.

Napakagat ako sa labi dahil sa sakit na dumaan sa aking dibdib.

Gustong gusto ko siyang yakapin, gustong gusto kong tanggapin siyang muli pero mahirap.


Buhay ng kapatid ko iyon e. Hindi ko lang matanggap na siya pa. Siya pa ang naging dahilan ng pagkawala nito.

Pinanatili kong walang emosyon ang aking mukha at patuloy na naglakad papunta sa aking unit.

Agad siyang napatayo nang makitang papalapit ako, ang kanyang libro ay nabitawan niya at nagkalat ang ilang papel na hawak niya.

"K-Kayla.." mahinang saad niya, nilingon ko siya at walang emosyong tinignan.

He looks pale... Dark circles are evident under his eyes. Kapansin pansin ang bahagyang pagpayat niya. Magulo din ang kanyang buhok na medyo mahaba na.

Nang mapansing nakatitig ako sa kanya dahan dahan niyang hinawakan ang braso ko para ipihit ako paharap sa kanya.

Isang mahigpit na yakap ang iginawad niya sa akin. He started sobbing while his face is resting into my shoulder.

Napapikit ako habang dinadama ang kanyang mga yakap, tinitiis na huwag itong gantihan.

Hinayaan ko siyang umiyak doon, habang nag iinit ang sulok ng aking mga mata.

His sobs echoes in the hallway.

Lihim kong pinunasan ang aking luha at kahit labag sa kalooban ay kumalas sa kanyang mga yakap.

"P-Please..  hear me out.." nagsusumamong saad niya.

Bakas ang pagod sa kanyang mukha, tila ba ilang araw nang walang tulog.

"Hear me out first," walang emosyong saad ko.

Agad siyang tumango sa akin, nakayuko habang matiyagang hinihintay ang aking sasabihin, habang ako ay nakatingala sa kanya.

Gustong gusto kong haplusin ang mga pisngi niya... Ngunit pilit kong pinigilan ang aking sarili.

Diretso ko siyang tinignan sa kanyang mga mata. Gusto kong magdalawang isip... pero sa tuwing nakikita ko siya ay nasasaktan ako... Dahil paulit-ulit nitong pinapaalala ang pagkawala ni kuya.

"Let's break up."

Natigilan siya sa aking sinabi, tila ba hindi makapaniwala. Nag unahan sa pagtulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

"N-No... Huwag ganito... P-Please," pilit niyang hinahawakan ang aking kamay na iniiwas ko sa kanya.

Ayoko ding umabot sa ganito.. Pero sobrang sakit..

Hindi ko matanggap... Hindi ko pa kayang tanggapin..

Napaiwas ako ng tingin nang lumuhod siya sa harap ko habang yakap ako sa bewang. Patuloy siya sa pagsusumamo habang patuloy na lumuluha.

Hindi ko na napigilan ang mga luha na kanina pa gustong tumakas sa aking mga mata.

"H-Hindi ko kakayanin... Mahal na mahal kita.."

Mahal din kita.. pero ang sakit sakit na.

Kinalas ko ang kanyang mga brasong mahigpit na nakayakap sa aking bewang.

"Sana... " isang traydor na hikbi ang lumabas sa aking bibig, "Sana naisip mo iyan bago mo ako pinag mukhang tanga," puno ng hinanakit na saad ko.


"Bakit? Kahit ba sabihin ko sa iyo may mababago ba? Kamumuhian mo pa din ako! Kaya natakot akong aminin sa iyo! Natatakot akong magalit ka!"

Tama siya.. magagalit pa din ako, kahit pa umpisa pa lang ay aminin na niya. Pero baka kung ganoon ang ginawa niya ay baka sakaling may pag asa pa.

Hindi yung pinagmukha niya akong tanga.

"You're right.." panimula ko, "In the first place magagalit pa din ako, sa dulo ay ganito pa din ang kahahantungan natin," ani ko at tuluyan nang naalis ang yakap niya.

"Itigil na lang natin... Kasi.. hindi ko na kayang tignan ka pa, dahil sa tuwing nakikita kita.. puro sakit na lang ang nadarama ko," kung sobrang sakit na, pwede naman sigurong itigil na?

"And I realized that maybe..." Natigil ako dahil parang hindi ko kayang sabihin sa kanya.

"Maybe... What I felt for you was not love.. that was just out of pity because you look pitiful that time," huling saad ko bago ko siya tuluyang tinalikuran.



Continue Reading

You'll Also Like

141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
38.3M 789K 65
(COMPLETED) Montenegro Series #1 Highest Rank: #1 in Romance Category I'm Akira Sapphire Santos-Montenegro, nineteen years old, currently taking Busi...
916K 54.9K 123
Si Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man...
326M 6.8M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.