When Tears And Rain Collabora...

נכתב על ידי Diwtty

1.1K 124 5

Status:Completed #1 Started: 022422 Ended:070522 עוד

00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue
Ittʼs

24

16 3 0
נכתב על ידי Diwtty

"Gago" Malutong na mura sa akin ni Cire. "Sabi ko sayo ay ipag laban mo, hindi hiwalayan! Shuha shuha ka, Mare" Bumisita siya sa akin kaya wala na akong choice kundi ang papasukin siya sa loob ng bahay dahil ayuko naman na mag sisigaw pa siya sa labas ng bahay.

"Tumigil ka muna, Cire" Ang sakit sakit na nga ng ulo ko, tumagdag pa siya. Bakit ba kasi nandito ang babaeng ʼto.

Tinaasan niya ako ng kilay at unti-unting nilapitan ako. "Matalino ka naman, pero bakit ang tanga mo" Lahat ng salitang binibitawan niya ay okay lang sa akin. Naging kaibigan ko siya dahil sa bunganga niyang walang preto. "Mabuti na lang ay hindi ako naging dun kay Arkie" Patungkol niya sa lalaking nakilala niya sa club.

"Bata pa yun,ah" Sa pag kakaalam ko ay malaki ang age gap nilang dalawa. Pero Cire is Cire kahit bata o matanda pa iyon ay papatulan niya basta nasarapan siya.

"At least na diligan! Try mo sumama saakin para naman madiligan ka din minsan" Inirapan ko siya at saka kinuha ang lesson plan ko sa lamesa. Kailangan ko na tapusin ito para makapag bakasyon na ako. Isang quarter na lang naman ang ituturo ko sa mga bata at pakatapos nun ay mag reresign na ako para dun na tumira at mag hanap ng trabaho sa probinsya.

Plano ko din na iparenta na lang muna ang bahay na ito dahil sayang naman kung iiwan ko na lang ng basta. Si Cire ang pag kakatiwalaan ko ng bahay kaya sana ay um-oo siya para naman may dagdag ang pera namin.

Hapon ay binisita kami ni Aidan dahil nalaman niya mula kay Cire na gumagawa kami ng Lesson plan. May dala siyang milktea at Pizza kaya tuwang tuwa si Cire. Hindi na daw kasi niya kailangan kumain mamayang gabi dahil tamad naman daw siya mag luto.

"Pano kaya kong sumama ako sayo, Boss?" Aniya Aidan ng makwento ko sa kanyang pupunta ako ng probinsya namin. "May pinsan ako sa Albay, pwede akong tumira muna doon"

"Hindi naman kailangan, Aidan" Alam ko naman na gusto niya lang sumama kase nandun ako. Hindi magandang pag isipan ako ni Dew ng masama.. "Sino ba ang pinsan mo dun?" tanong ko pero hindi man lang binalin sa kanya ang tingin ko.

"You know Samatha Hesia?" Nangunot ang noo ko. Hindi ako pamilyar sa pangalan at kung oo man ay baka kanina pa ako nakasagot.

Si Cire na nasa tabi ko ay nailapag ang hawak na ballpen sa lamesa kaya napatingin ako sa kanya. "Diba, kaibigan yan ni Giada Zamora? Yung artista!"

Dahan-dahang tumango si Aidan kaya pinanuod ko lang silang dalawa. Wala akong alam sa showbiz dahil inilaan ko kahat kay Dew at sa trabaho ang atensyon ko. Pero ngayon na wala na kami, alam kong nag babago na ang takbo ng buhay naming pareho.

"Idol ko yun si Giada! Mga bigatin kaibigan niyan putiks" Nag patuloy sila sapag uusap kaya hinayaan ko na lang sila. Kailangan ko na talaga matapos ang ginagawa ko dahil excited akong makita sila papa.

Nang sumapit ang gabi ay saka lang nag pasyang umuwi si Cire. Naimuna nang umuwi si Aidan dahil may Family dinner daw sila ng buong pamilya niya. Si Cire naman ay ayaw pa sanang umuwi dahil baka daw kulitin na naman siya ni tita na mag asawa na. Lagpas na kase sakalendaryo ang babaeng yun. Siya din ang mas matanda saming dalawa. 4 years ang gap namin pero parang ako ang matanda kase ako yung halatang gurang na.

Ipinag patuloy ko ang ginagawa ko ng umuwi siya kaya nang sumapit ang alas otso ay saktong tapos na ako. Inunat ko ang kamay ko at ang leeg ko naman ay inikot ikot ko. Pakatapos ay tumayo ako at kinuha ang selpon kong naka charge sa tabi ng sofa. Tatawagan ko sila papa para kumustahin dahil miss ko na sila.

"Ate! Miss ka na ni tatay!" Malakas na sabi ni Jonelle kaya naman nailayo ko bigla ang selpon sa tenga ko.

"Huwag ka ngang sumigaw jan! Hindi naman ako bingi" Narinig ko ang pag tawa niya kaya nainis ako. Kahit on call napipikon niya talaga ako. "Kumusta kayo jan?" tanong ko ng biglang tumahimik ang sa kabilang linya.

"Jastine, anak" Bigla ay napatigil ako ng marinig ko ang malambing na boses ni Papa. Miss na miss ko na talaga sila at gusto ko na silang makasama para mayakap ko sila ng mahigpit. "Tumawag ako kay Dew nung isang araw," Dahil sa narinig ay bigla akong natahimik. "Okay ka lang ba? Masakit ba ang puso mo? Mahapdi ba ang mata mo sa kakaiyak?" Papa being the best father. Ni minsan hindi niya ako tinanong kong anong nangyari kase ang lagi niyang tinatanong ay kung may masakit ba sa akin o mahapdi ang mata ko. Lagi siyang ganun kaya ang swerte ko sa parte na yun. "Anak, Gusto kitang puntahan para may masandalan ka sana nung umiyak ka, kaso ang layo mo sa amin, Ayaw mo din naman akong paalisin dito kaya hindi na ako pumunta jan. Ayuko din naman na magalit ka kase heart broken ka na nga, sisigawan at pag sasabihan mo pa ako." napangiti ako dahil sa sinabi niya. Jusko, bakit ba ang swerte ko sa papa ko.

"Pa, Iʼm fine" Sagot ko sa kanya. "Huwag na po kayong mag aalala dahil tinatapos ko na lang po ang last quarter para makapag resign na ako. Balak ko po kasing jan na manirahan kasama niyo"

Sinabi ko lahat ng plano ko. Sumang ayon naman siya sa akin kaya nang matapos ang tawag ay malaki ang ngiti sa labi ko. Nitong mga nag daang araw ay hindi na ako masyadong umiiyak.hindi ko din masyadong iniisip si Dew dahil alam kong hihingi lang ako sakanya ng sorry kung mag papakatanga pa ako.

Iniwan ko na din lahat ng alala namin sa nakaraan. Kailangan kong kalimutan siya para tuluyan na akong makalaya sa buhay niya.

"Ma mimiss po kita, Teacher Jastine" Nakangusong sabi ni Nixi. Ngayon na ang huling pasok nila dahil tapos na ang last quarter. Simula bukas ay bakasyon na nila at sa mga susunod na buwan naman ay grade 2 na sila. Ito na din ang huling makakasama ko sila kaya naman bumili ako ng regalo para salahat ng studyante ko. It's just a simple gift na alam kong buong puso nilang matatanggap.

Nakangiti kong hinaplos ang buhok ni Nixi at saka inilagay sa likod ng tenga ang ilang hibla ng buhok na tinatakpan ang kanyang bilogang mata.

"Ma mimiss din naman kita at ang mga ka klase mo" Datia hindi ko maimagine na mag papaalam ako sa kanila dahil ni hindi naman pumasok sa isip ko na mag hihiwalay kami ni Dew. Pero wala na akong magagawa dahil mismong ako na ang tumapos ng lahat.

Matapos ang pag papaalam na nauwi sa iyakan na sinimulan ni Cire, Hinatid ako ng mga kapwa ko teacher sa gate ng paaralan. Nag hihintay sa akin si Aidan kaya tinukso ako ng mga katrabaho ko kahit wala namang namamagitan sa aming dalawa. Ngayon na din kase ang alis ko papuntang Albay kaya buong mag hapon ay hindi kami nag turo.

"Bumisita ka minsan, ah" Umiiyak na sabi ni Teacher Ysay. Isa siya samga naging kaibigan ko pero hindi ko talaga siya nakakasama dahil kadalasan ay busy siya sa pag tuturo. Tinanguan ko lang siya at muling nilapitansi Cire para bigyan ng mahigpit na yakap.

"Pag balik ko dapat may anak ka na" Biro kong sabi sakanya. "Ingat ka, BFF" Niyakap ko siya ng mahigpit. Si Cire yung kaibigan na hindi nawala sa tabi ko. Siya man ang matanda sa aming dalawa, Parang baby ko naman siya. Hindi ko alam kong makakausap ko pa siya ng matagal dahil paniguradong wala siyang time para sagutin ang mga tawag ko. Nang humiwalay ako sa pag kakayakap sakanya ay inirapan niya ako kahit kita ko ang pag buo ng luha sa gilid ng kanyang mata.

"Ingat ka dun, Best friend" Hindi na niya napigilan ang luha na bumagsak sa kanyang pisngi. Hinayaan niya na lang iyon at saka hinawakan ako ng mahigpit sa kamay. "Bibisitahin kita tuwing summer para itawag sa akin ni tito ay Summer girl" Dahil sa sinabi niya ay nag sitawanan ang mga co-teachers namin. Pakatapos nun ay nag paalam na ako ng tuluyan dahil nakakahiya kay Aidan. Baka biglang iwan ako, e.

Habang nasa byahe ay malaki ang ngiti sa labi ko. Minuminuto kase ay nakaka tanggap ako ng text galing kay Cire. Hindi pa nga ako nawawala ng ilang araw ay namimiss na daw niya kaagad ako.

"Naitext ko na si Samantha kanina. Ang sabi ay doon na ka na daw muna manatili ng isang gabi bago ka umuwi" Anito Aidan habang nag driʼdrive. Ni hindi man nga lang niya ako nilingon dahil naka focus siya sa kalsada.

"Salamat, Aidan" Nakangiting sabi ko saka ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Dati, ang gusto ko lang ay ang makasama siya, pero ngayon mas gusto kong makita niyang hindi ako naapektuhan. Mag heheal din ako at alam kong matatagalan pero mas mabuti na din iyon dahil hindi naman madaling maka move-on.

Kung mag tagpo man ulit ang landas namin, Sana hindi na siya ang tinitibok ng puso ko.

Ilang oras pa ang tatahakin namin bago tuluyang makaalis. Nag drive tru kaming dalawa ni Aidan dahil hindi naman pwedeng magutom kami. Marunong naman akong mag drive kase may kotse naman ako, kaso yung kotse ko ay iniwan ko sa bahay nila Cire at ipapadala na lang pag gusto ko na. Gusto ko man mag solong byahe ay hindi ko din naman kaya. Mabuti na lang ay sumama sa akin si Aidan.

המשך קריאה

You'll Also Like

11.9K 656 65
The saying "The more you hate. The more you love." And this line really suit them. _larayxssss_
258K 13.1K 92
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...
190K 6.9K 13
2 tom dylogii ,,Agony"
26K 588 32
(Takes place after Chapter 36, 'Undercover Princess') Lottie Pumpkin is at Rosewood Hall. She is firm friends and Portman to Ellie Wolf, the Princes...