After the Sorrow 2 ✓

By ChenlyYen

2.1K 65 5

Book 2 of Tears of Sorrow Dalawang tao na pinaglalaruan ng tadhana. Ang matinding pagsubok ay nalagpasan dahi... More

IMPORTANT NOTICE
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25 - The Wedding Day (Part 1)
Kabanata 26 - The Wedding Day (Part 2)
Kabanata 27 - Reception
Kabanata 28 - Honeymooners
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35 - Warning
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Wakas
ATS

Simula

187 1 0
By ChenlyYen

MALAKAS na tunog ng cellphone ang nagpapagising sa inaantok na dalaga.

Pikit-mata niyang kinapkap ang phone sa ibabaw ng mesa na katabi lang ng kaniyang kama.

Nang makuha na niya ang phone ay sinagot niya ang tawag habang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

“Hello?" inaantok niyang bungad.

“Happy Anniversary, Gaily!”

Kaagad siyang napadilat nang marinig niya ang boses ng lalaking nagpapatibok ng kaniyang puso noon pa man.

Nilingon niya ang maliit na kalendaryo na naroon sa bedside table. Petsa katorse ng Agosto. Ito ang araw na sinagot niya ang kaniyang nobyo. After 1 week nang bumalik si Gail noon galing sa ibang bansa ay niligawan siya ulit si Jett. It takes 6 months bago niya sinagot ito. At isang taon na pala mula nang sinagot niya ang binata.

“Still sleepy?" malambing nitong tanong.

Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi. Ewan niya. Palagi silang magkasama pero palagi rin siyang kinikilig dito. Ganito siguro kapag in love na in love ka.

“Good morning, Jetty. Ang aga pa. Inaantok pa ako.” pagkukunwari niya. Humikab siya upang may effect.

Narinig ni Gail ang halakhak ni Jett. Ngumiti siya. Inaantok siya kanina pero nang marinig niya ang boses nito ay nawala agad ang kaniyang antok. Idagdag mo pa ang mga tawa ni Jett ngayon. Kay sarap ng umaga kung ganito ang bungad paggising mo.

Kung ganito lang naman ang bungad ng umaga ko, aba'y ayos lang kung palaging umaga, sabi ni Gail sa kaniyang sarili.

“My Gaily never changed. Still the old Gail. Hindi na po maaga, Mahal. 8:30 in the morning na, Babe. Bumangon ka na, Sweetheart. Ligo na, Darling. Huwag mong kalimutang kumain ng agahan, Langga. Susunduin kita riyan ngayong 9 am sharp, Baby. Maghanda ka na, Honeybunch, dahil may pupuntahan tayo ngayon, Love. Huwag ng matulog ulit, Honey. Kapag naabutan kitang tulog pa rin ay ako ang magpapaligo sa iyo, my Dear.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Gail. “Teka nga, Jetty. Lahat ba ng endearments na iyong binanggit ay itinatawag mo iyan sa mga kabit mo? Let's be honest here." seryoso niyang saad.

Kay raming tawagan na binanggit. Baka maraming kabit ito at inipon lang ang lahat dahil Anniversary nila ngayon? aniya sa sarili.

“Anong kabit?" base sa boses nito ay nagtataka na sa sinabi ng kaniyang nobya. “Ba't napunta sa kabit? Sinong may kabit?" dagdag ni Jett.

Bumangon si Gail at umupo. “Nanaginip nga pala ako.”

“Ano?"

“Ang dami mo raw babae." sagot niya.

“Heto ka na naman. Ayan ka naman sa mga panaginip mong may babae ako. Seriously, Gaily, araw-araw mo ba iyang napaginipan? Araw-araw mo na iyang sinabi sa akin."

“So, totoo?" nanghihinala niyang tanong.

“Oo." direktang sagot ni Jett.

“Ilan sila?”

“Marami. Hmmm. Gusto mo bang isa-isahin ko?”

Mas lalong nainis si Gail. Kay ganda ng umaga niya kanina pero sa isang kurap ng mata ay nagbago kaagad.

“No thanks.” walang gana niyang sambit.

“Pero gusto ko. Makinig ka sa akin, My Love.”

At ngayon ay My Love na naman ang tawag! Kinuha niya ang unan at sinuntok-suntok ito.

“Ang isa ay si Cha. Ang pangalawa ay si Mi. Ang pangatlo ay si Ka. Pang-apat ay si Ga. Pang-lima ay si Il. Pang-anim ay si Brax. At ang panghuli ay si Ton."

Napasamangot siya dahil sa rami ng binanggit nito. “Ang dami nila!" inis niyang sambit.

Tumawa nang bahagya si Jett. “You heard it right. Uulitin ko. Sila ay si Cha, Mi, Ka, Ga, Il, Brax, Ton. Ilan sila. Seven." masayang sambit nito.

“Proud ka pa niyan? Ang pangit ng mga pangalan, huh? Cha, Mi, Ka, Ga, Il, Brax, Ton? Ang babantot ng mga panga---wait! Cha Mi Ka Ga Il Brax Ton." ulit niyang bigkas. “Pangalan ko iyan ah!" pasigaw niyang ani nang mapansin niya ang tunog at salita na ginamit ni Jett.

Tumawa si Jett. She's slow yet smart---anito. “Good that you got it. Ikaw lang ang nag-iisang babae ko. Marami sila kung by syllables dahil mataas ang pangalan mo. Pero isang tao lamang.” aniya.

Napangiti si Gail. Alam talaga nito kung paano hulihin ang kiliti niya.

“Maligo ka na, Gaily. Nandito na ako sa bahay niyo. I'll wait you here downstairs.”

Kaagad bumaba ng kama si Gail at patakbong lumabas ng kuwarto. Lumapit siya sa glass nilang railings. Mula sa kaniyang kinatatayuan ay makikita ang sala.

Ngumiti siya nang makita si Jett na nakaupo sa kanilang sala. Nakatingin din ito sa kaniya.

“Beautiful.” sambit ni Jett.

Ang boses na ginamit nito ay nakakakiliti sa tainga ni Gail.

“Maliligo ka na o ako pa ang magpapaligo sa iyo?"

“Maliligo na po.”

Ibinaba ni Gail ang tawag at pumasok sa kaniyang kuwarto. Dumeretso siya sa kaniyang banyo upang maligo.

Gail is already 20 plus, but when she's with Jett, she feels like teenager.

Maraming nagtatanong sa kaniya kung bakit si Jett ang paulit-ulit niyang pinili kahit nakalimutan na siya nito ng mahabang panahon, na naging dahilan upang masaktan siya ng sobra.

Binalewala niya ang tanong na iyon. Naranasan niya ang sakit pero sa maikling panahon lamang. At ang saya na ipinaramdam ni Jett sa kaniya ay panghabang-buhay.

Paulit-ulit niyang pinili si Jett kasi because of him, she can ber herself. She can show her true colors without being judge by him. She can wear the mask of no pretentious every single day. Jett always brings out the best of her.

Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis siya ng faded jeans at white T-shirt. Nagsuot din siya ng gray na doll shoes na bumagay sa suot niya ngayon. She dry her hair and put some light makeup.

Today is their Anniversary. Palaging sinasabi ni Jett na hindi na kailangan na maglagay siya ng makeup kasi maganda na siya. Pero gusto niya pa ring maglagay dahil gusto niyang presentable siyang tingnan sa harap nito.

She went outside after she fix herself. Naabutan niya si Jett na nakangiting nakipag-usap sa Mommy niya.

“Jetty. Mommy." tawag niya pagkalapit.

Napatingin ang dalawa sa kaniya.

Tumabi siya kay Jett. Tiningnan niya ang kaniyang ina. “Mommy, aalis po kami ni Jetty ngayon." paalam niya.

Ngumiti si Cheska. “Ipinagpaalam ka nitong nobyo mo. Mag-enjoy kayong dalawa sa pagdiriwang ng inyong Anibersaryo.” bumaling ang tingin ni Cheska kay Jett. “I always trust you, Iho. Just like before, take good care of my daughter.”

Ngumiti si Jett. Inikot niya ang kaniyang kamay sa kabilang braso ni Gail. “Don't worry, Mommy Chessy. You always got me when it comes to taking care of her.” nilingon niya si Gail na nakatingin din sa kaniya.

Nagngitian sila.

“Oh siya. You can go now. Anong oras na. Mukhang malapit ng mag-alas-diyes ng umaga.”

“Opo, Mommy." ani Gail at humalik sa pisngi ng kaniyang ina.

Nagmano si Jett. “Alis na po kami. Isasauli ko po itong si Gail before mag-seven.” magalang na paalam nito.

“Sige. Mag-iingat kayo.”

Ngumiti muna sila at naglakad palabas ng bahay.

“Enjoy your Anniversary, Darlings! May God will bless you more healthy years in your relationship." pahabol ni Cheska.

Nagkatinginan si Jett at Gail, at nagngitian.

“Positive vibes palagi si Mommy." saad ni Jett. Pinagbuksan niya ng pinto ng kotse si Gail.

“Nature of her." tugon ni Gail at pumasok sa loob ng sasakyan.

Umikot si Jett at pumasok din sa driver's seat.

“Where are we going?” tanong ni Gail.

Pinaandar ni Jett ang sasakyan. “Secret.”

“Akala ko ba walang secret sa ating dalawa?"

Gamit ang isang kamay ni Jett ay inabot niya sa backseat ang paper bag. “Wala nga. This is a surprise, Gaily." Inilagay niya sa hita ni Gail ang paper bag. “Have your breakfast. I brought you foods. Kumain ka muna.”

Ngumiti si Gail. “Thank you, Jetty."

“I always told you not to skip breakfast.”

Sumubo si Gail ng pagkain. “I never did."

“You did. I asked Mommy Chessy earlier. At ang sabi ay late ka na raw gumising. Tapos 10-11 am ang agahan mo.”

Mabilis na nginuya ni Gail ang pagkain sa loob ng kaniyang bibig. Nang malunok na niya ay uminom siya ng milk tea.

“Oo na. I always ate my breakfast late." pag-amin niya.

Sinulyapan niya saglit si Gail. “Change that habit, Gaily. It's unhealthy.”

“Yes, Sir.”

“Don't take it as a joke.”

Iniliko niya ang sasakyan.

“Opo. Seryoso ka.”

“Finish your foods.”

Sumubo si Gail. “How about you? Did you eat your breakfast on time?" tanong niya.

“Always.”

Hindi kalayuan sa lugar na pupuntahan nila ay inihinto ni Jett ang sasakyan.

Nagtatakang napatingin si Gail sa kaniya. “Bakit? Something wrong?”

Kinuha ni Jett ang itim na blindfold sa glove compartment.

“Aanhin mo iyan?" tanong ni Gail.

Ngumiti si Jett at hinarap ang kaniyang nobya. “I have a surprise for you. Upang matawag na surprise ay kailangan mong suotin ang blindfold na ito." Itinaas ni Jett ang blinfold sa harap ng mukha ni Gail.

“Ngayon na?”

“Yeah, since malapit na tayo.”

Ipinasok ni Gail ang mga pagkain pabalik sa paper bag.

“Okay. Put that blindfold now. Huwag masyadong mahigpit, Jetty. Didilim ang paningin ko kapag matanggal na ang piring." ani Gail.

“Don't worry.” Inilagay na ni Jett ang blindfold kay Gail.

Kinuha niya ang paper bag sa hita ni Gail at ibinalik sa backseat. Pinaandar niya ang sasakyan.

“Ano ba ang surprise mo? Puwedeng pabulong, Jetty?"

Ngumiti si Jett. “Surprise nga, Gaily. Hindi na surprise kung ibubulong ko sa iyo.”

“Malalaman ko rin naman iyan."

“Iyon nga. Malalaman mo rin mamaya kaya hintay muna.”

“Ang dilim. I don't have gifts for you." Gail said.

Inihinto ni Jett ang sasakyan nang dumating na sila. “You yourself is a gift already. The most expensive gift that no one could afford.” nakangiti niyang sambit.

“My Mom and Dad could afford. Nandito na ba tayo?"

“Yeah." Lumabas ng kotse si Jett at umikot sa kabilang banda ng pinto. Pinagbuksan niya si Gail at inalalayan na makababa sa sasakyan.

“Hoy, kinakabahan ako.” sambit ni Gail.

Nakahawak si Jett sa isang kamay ni Gail habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa likod ibabaw sa puwit ng dalaga.

“No worries. I got you always.”

“This is not a prank?” nandududang tanong ni Gail.

“Not a prank. We're here.” huminto si Jett sa paglakad kaya huminto rin siya.

Pumunta sa likod ni Gail si Jett. “Tatanggalin ko na ang piring. One. Two. Three.” Tinanggal niya ang piring. “Surprise!”

Ikinurap-kurap ni Gail ang kaniyang mga mata dahil medyo dumidilim ang kaniyang paningin at parang may kumikislap pa.

When her vision becomes clear, her mouth immediately open wide.

“Happy Anniversary to us, my Gaily.” bulong ni Jett sa kaniyang tainga.

Ang mga luha sa kasiyahan ay masaganang tumulo sa kaniyang pisngi.

Jett hugged Gail from behind. “Kung mula pagkabata ay lampas dekada na ang pagkakaibigan natin. Kung hindi naudlot ang pagmamahalan natin dahil sa trahedya na nangyari sa nakaraan ay mukhang malapit na ring dumekada ang relasyon nating dalawa.” ani nito.

Pinaharap ni Jett si Gail. Masuyo niyang pinunasan ang mga luha nito. Ngumiti siya. “But since we start again, this our first Anniversary as a couple.”

“Akala ko ang surprise mo ay simpleng meal date lang o 'di kaya thousands of flowers. Hindi ko inakalang itong shop pala. And there's a big J&G na nakalagay sa pinakagitna.” lumuluhang ani ni Gail.

Inipit ni Jett ang magkabilang pisngi ni Gail ng dalawa niyang kamay. “Can you still remember the promised we made before? Iyong nasa lugar tayo ng Lola mo?”

Inaalala ni Gail ang pangakong binitawan nila sa isa't-isa noon. “Alin doon? There's a lot." tugon niya.

“Iyong nasa coffee shop tayo. We promised to build a business. Ako ang president at ikaw ang vice president.”

Ngumiti si Gail nang maalala na niya. Iyon ang panahon nang ma-suspended sila sa paaralan kaya pinapunta siya ng kaniyang Mommy sa probinsya at sumama si Jett sa kaniya.

“You remember?"

Nakangiting tumango si Gail.

Ngumiti si Jett at hinaplos ng kaniyang dalawang hinlalaki ang makinis nitong pisngi. “This is the time to fulfill that dream of ours.” nakangiting sabi ni Jett.

Mas lalong bumuhos ang mga luha ni Gail sa saya. Hindi niya ito inaasahan. Matagal na panahon na iyon. Mukhang highschool pa lamang siguro sila. Akala niya ay nawala na ang lahat ng ipinapangako nila sa isa't-isa. Pero heto si Jett, tinutupad mismo sa kanilang Anibersaryo.

“I love you. I love you, Jetty. Thank you so much.” emosyonal niyang bigkas.

Ngumiti si Jett at dinampian ng halik ang kaniyang noo. “I love you more more more and more.” idinikit niya ang kaniyang noo sa noo ni Gail. “Lahat ng pangako na isinigawa natin noon ay unti-unti kong tutuparin, Gaily. Na-delay man ng ilang taon pero sinisigurado ko sa iyo ngayon na matutupad ang lahat.”

Yumakap kaagad si Gail nang mahigpit kay Jett. She cannot contain the happiness anymore. Nag-uumapaw ito. Sobrang-sobra ang kaligayahan na kaniyang nararamdaman. Matinding sakit man ang kaniyang naranasan noong hindi siya maalala ni Jett, pero bumawi naman ito ngayon na sobra pa ang ipinalasap na saya. Lahat ng sakit na nararamdaman niya noon ay napalitan ng sobrang kaligayahan ngayon.

“Thank you so much, Jetty. Thank you.” nilingon niya ang shop. “Ipinapangako ko rin sa iyo na sasamahan kita sa pag-abot ng mga pangarap natin.”

Hinaplos ni Jett ang buhok ni Gail at tumingin din sa shop.

Tatlong buwan bago natapos ang shop na ito. Tatlong palapag ito na may rooftop. Ang harapan ay transparent glass. At ang pinakagitna ay may nakalagay na gawa sa silver na J&G Abode.

May mga kasangkapan na rin sa loob. Handang-handa na ang lahat. Ang pagbukas na lang ng kanilang shop ang kulang. Ang mabibili mo sa kanilang tindahan ay iba't-ibang flavor ng coffee at tea, cookies and cakes.

“I love you more than words, my Gaily. Happy Anniversary.” malambing niyang bigkas at hinalikan ng matagal ang noo ni Gail.

Gail rested her head on Jett's chest. Magkayakap pa rin sila sa isa't-isa. “Happy Anniversary. I love you, forever.” malambing ding tugon ni Gail.

Kumalas si Jett sa yakap. Hinarap niya si Gail at puno ng pagmamahal na tiningnan niya ito. Tumingin sila sa mata sa isa't-isa.

“Tayo hanggang sa huli.” nakangiting sambit ni Jett.

Ngumiti ng matamis si Gail. “Tayo hanggang sa huli.”

“As promise?" tanong ni Jett.

“As promised." tugon ni Gail.

Pumikit silang dalawa at dahan-dahan na inilapit ang kanilang mukha sa isa't-isa.

And they sealed their promise with a kiss, in front of their newly built shop with a hope in their hearts to reach their dreams together.

Continue Reading

You'll Also Like

142K 2.7K 19
Isang sikat na business tycoon si Vince Erobern. Kilala sya bilang 'control freak' ayaw nyang nasisira at pinapakialam ang gusto nya. Paano kung magb...
39.2K 1K 24
Leandro Buenaventura, a well-known certified Playboy. He loves to play girl's heart and left them after he got what he want. Hindi uso sa kanya ang '...
372K 17.8K 53
[ Iskwala Series #1 ]
1.4M 19.7K 42
Dice and Madisson