𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 (Self-Publi...

By FancyErah

2K 381 219

Isang sumpaan ang gagambala kay Jessica sa pagbabalik niya sa Pilipinas. Sa muling pagpapakita ng multo mula... More

Couh Moch
Prologue
✟ CHAPTER 2 ✟
✟ CHAPTER 3 ✟
✟ CHAPTER 4 ✟
✟ CHAPTER 5 ✟
✟ CHAPTER 6 ✟
✟ CHAPTER 7 ✟
✟ CHAPTER 8 ✟
✟ CHAPTER 9 ✟
✟ CHAPTER 10 ✟
✟ CHAPTER 11 ✟
✟ CHAPTER 12 ✟
✟ CHAPTER 13 ✟
✟ CHAPTER 14 ✟
✟ CHAPTER 15 ✟ (Alexander's POV)
✟ CHAPTER 16 ✟ (Alexander's POV)
✟ CHAPTER 17 ✟
✟ Epilogue ✟
✟ Epilogue 1 ✟
✟ Epilogue 2 ✟
✟ Special Chapter (Lukas POV) ✟
✟ Special Chapter 1 (Before The Wedding) ✟
✟ Special Chapter 2 (Before The Wedding ✟
✟ Special Chapter (Michael's POV) ✟
Physical Book Is Coming!!!
Couh Moch Pre-order

✟ CHAPTER 1 ✟

207 27 36
By FancyErah

꧁࿈Jessica's POV࿈꧂

The makeup artist put a golden powder with subtle metallic flakes on my cheeks while she blended it. She used a fluffy brush to evenly distribute the color. Then, she lined my eyes with a flat brush and bronze shadow. Dinagdagan niya ito ng mascara para ma-define pa ito. Last thing, she put a nude lip gloss on my lips.

Bigla akong napangiti nang makita ko ang aking mukha sa salamin. Nababagay naman ang kolereteng inilagay sa mukha ko. Ito na ang araw na pinakahihintay ko.

“Jessica.” Narinig ko ang boses ni Wendy sa gawing likod ko.

Nakita ko naman sa repleksyon ng salamin ang paglapit niya sa akin. Suot na rin niya ang kaniyang gown na kulay purple bilang maid of honor. Abot-tainga ang kanyang ngiti na para bang siya ang ikakasal dahil mas excited pa siya kaysa sa akin.

“Ang ganda-ganda mo, ’insan,” puri niya sa akin, mga sampung beses na.

“Kanina ka pa, Wendy,” saway ko.

“Truth naman iyon, ’insan,” she said, twirling my fake curly hair.

“Stop it.” Pinalo ko ang kamay niya.
Mahina siyang natawa sa aking ginawa at pagkuwan ay narinig ko ang tinig ni Aunty Wella sa may pintuan.

“We’re going,” usal niya.

Nilingon ko siya sabay ngiti sa kaniya. Lumapit siya sa akin at siya ring pagtayo ko sa aking kinauupuan.

.*.*.*.


Umalis na kami sa bahay at pumunta sa simbahan para sa kasal namin ni Alexander. Limang buwan din naming inasikaso ang araw na ito.
Malakas ang pagtambol ng aking puso habang nakatayo ako sa bungad ng simbahan. Mahigpit kong hinawakan ang bouquet sa aking kamay para maibsan ang pangangatog ng aking tuhod. Nagsimula nang maglakad ang principal sponsor at nakatuon lang aking mga mata kay Alexander na naluluha. Ang guwapo niya sa kaniyang itim na tuxedo. Naging mas matipuno rin siyang tingnan sa kaniyang hairstyle na naka-brush up.
Nagsimula na akong maglakad nang dahan-dahan. Para akong lumulutang at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko na rin namalayang tumutulo na ang aking luha. Dala na rin siguro ng saya ng aking kalooban.

Nang marating ko ang kinaroroonan ni Alexander ay kinuha na niya ang aking kamay. Humarap na kami sa altar. Tumingin siya sa akin at pinahid ang aking mga luha.

“Maganda ka pa rin kahit kumalat na ang makeup mo.”

I pouted before I answered. “Ang sama mo.”

“Yes, and I love you too,” sagot niya.

“Silly.” Hinampas ko siya nang mahina.

Sabay kaming ngumiti at pagkatapos ay humarap na sa paring magkakasal sa amin.


.****.


Nakaupo ako at nakatingin sa malaking salamin habang nagsusuklay ng aking buhok. Hinihintay ko ang asawa ko na lumabas sa banyo para kami ay matulog.

“Matutulog nga ba?” tanong ng aking isipan.

Nandito kami sa Baguio, sa isa sa mga bahay-bakasyunan nina Xander. Dito kami magha-honeymoon. Suot ko ang isang sexy nightgown na kulay pula. Bigay ito ng sira-ulo kong pinsan na si Wendy. Ayoko sana itong suotin dahil hindi ako komportable, pero sige na lang dahil para naman ito sa asawa ko.

Abala akong pinagmamasdan ang aking repleksyon sa salamin. Nang may maramdaman akong parang nakatingin sa akin mula likuran—kahit na wala naman akong nakita maski anino o bulto ng tao—saglit akong napahinto sa pagsusuklay. Nagsimula na rin akong kabahan kaya lumingon agad ako sa aking gawing likuran upang masiguro ko kung may tao sa loob gayong sarado naman ang aming pinto. Tumindi ang aking nararamdaman nang marinig ko ang mga patak ng tubig galing sa banyo kung saan naroon si Xander na naliligo.

“Guniguni ko lang siguro iyon,” bulong ko.

Bumalik ako sa pagsusuklay at nagha-hum na lang para malihis ko ang aking nararamdaman. Habang nagha-hum ako ay nabigla ako sa narinig.

Biglang tumaas ang balahibo ko nang marinig ko ang nakakakilabot na tunog ng kuko na lumalapat sa sementadong dingding galing sa bandang kaliwa ko. Kakaiba ang tunog—iyon bang kapag narinig mo ang pagkakaskas ng kuko nito ay magngingitngit ang iyong mga ngipin—dahilan para hindi ako makagalaw. Kada lapat ng kuko ay siyang mas tumatakot sa sistema ko. Ramdam ko ang panlalaki ng aking mga mata na nakatingin sa aking sariling repleksyon sa bilog na salamin habang naririnig ko nang paulit-ulit ang kaluskos ng mahahabang kuko sa pader. Hindi ko alam kung ilang segundo kong pigil ang paghinga dahil sa kakaibang karanasan ko sa bahay-bakasyunan na ito.
Unti-unting nawala ang kaluskos kaya dahan-dahan akong napalingon sa kaliwang balikat ko. Ngunit biglang may mga kamay na humawak sa aking mga balikat. Parang kamay ng bangkay na naagnas na, at ang kulay nito ay may pagka-asul o lilang likha ng diskolorasyon sa kaniyang balat.
Napangiwi ako nang maamoy ko ang mabahong nanggaling sa aking balikat. Hindi ko magawang maigalaw ang aking katawan dahil sa kamay na nakalapat sa balikat ko. Tanging ang ulo ko lang ang naigalaw ko habang nakatitig uli sa salamin. Nakapokus ang aking mga mata sa kamay na unti-unting nawawala. Akala ko ay makakahinga na ako nang maluwag nang biglang bumukas ang pinto ng aming kuwarto—dahan-dahan na para bang sinasadya iyon para mas takutin ako.
Nabaling ang aking tingin sa pinto na kusang bumukas. May malamig na hanging dumaan sa aking harapan kung kaya’t tumayo uli ang aking mga balahibo.

Kahit nababalot na ako sa takot ay dahan-dahan akong lumapit sa pinto para ito ay isara. Mahinang inilapat ko ang aking mga paa sa sahig na parang ayokong may makarinig sa yabag ko.

Nang marating ko ang pinto ay sinilip ko kaagad ang malawak na pasilyo sa labas pero wala akong nakitang kahit na sino. Isinara ko nang dahan-dahan ang pinto. Habang hawak ko pa ang doorknob ay nagulat ako nang biglang hinagip ng malakas na hangin ang pinto at gumawa ito ng malakas na tunog sa pagbagsak nito. Mas dama ko ang malakas na pagkabog ng aking puso sa nangyari. Tumingin ako sa kaliwa’t kanan ko.

“Sino ka? Bakit mo ako ginagambala?” bulong ko sa hangin.

Nangangamoy-patay na naman ang buong kuwarto kaya napatakip ako sa aking ilong. Hindi ako mapakali at nagsimula nang magpatay-sindi ang mga ilaw. Para akong baliw na hinahanap ang may kagagawan nito, pero wala akong makitang tao o multo.

“Mahal, paki-check nga ang ilaw. Nagpatay-sindi siya dito. Malapit na rin akong matapos!” sigaw ni Alexander sa loob ng banyo.

Dahil sa sigaw niya ay bumalik na uli sa normal ang loob ng kuwarto. Nawala na rin ang amoy na masangsang at di-pangkaraniwang lamig na nagpapatayo sa aking mga balahibo.

Hindi pa rin mawala sa akin ang kaba at takot na nararamdaman. Alam kong may koneksiyon ang lahat ng ito sa mga panaginip ko noong nasa China pa ako.

Kaagad akong lumapit sa harapan ng pinto ng banyo at kumatok. “Mahal, hindi ka pa ba tapos?”

“Patapos na ako.”

“Bilisan mo naman, mahal,” utos ko sa kaniya.

Inayos ko uli ang sarili habang iniiwasan ko ang salamin na katapat lamang ng aming kama. Ayoko muling makita ang nakita ko kanina. Ayokong magiging kakila-kilabot ang honeymoon namin. Naglakad ako patungo sa higaan at humiga na lang ako. Pilit kong ipinikit ang aking mga mata upang hindi ko maalala ang nakita ko.


.****.


Naramdaman ko ang mga kamay na malamig na nakalapat sa aking tiyan. Nagdadalawang-isip pa ako kung ibubuka ko ba ang mga mata ko o hindi dahil baka makita ko na naman ang naaagnas na kamay.

Pero gumalaw ang kamay na nasa tiyan ko na para bang kinikiliti ako kaya dahan-dahan kong ibinuka ang aking mata. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko sa aking tabi ang nakangiti kong asawa habang nakayakap na sa akin.

“Bakit mo naman ako tinulugan?” reklamo niya habang para siyang bata na nakasubsob sa aking kilikili.

“Ang tagal mo sa banyo. Alam mo namang nakakapagod ngayong araw na ito,” usal ko at inirapan ko siya. Hindi ko ipinahalata sa kaniya na may kababalaghang nangyari kanina.

“Bakit ka naman napagod agad? Eh, papagurin pa kita,” pilyo niyang sinabi sa akin.

“Magtigil ka nga riyan, Xander. Gusto ko nang matulog.”

“Mahal, naman. Kaya nga ako natagalan sa banyo, kasi naghanda ako para dito,” reklamo niya.

“Matulog na lang tayo ngayon, mahal. Sa tagal mo, nawalan na ako ng gana.” Tumingin ako sa kaniyang mapupungay na mga mata at hinalikan ang guwapo kong asawa.

“Sige na nga. Wala naman akong magagawa kong ayaw mo.” Tinalikuran niya ako.

Kinuha ko naman ang braso niya at ginawang unan habang nakayakap na siya sa akin. Totoong nawalan na ako ng gana. Hindi dahil matagal siya sa banyo kundi dahil sa naranasan ko.
Pero hindi ako mapakali. Gusto ko ring magtanong kay Xander tungkol sa bahay-bakasyunan nila dahil sobrang laki ngunit walang katao-tao. Isa lang ang nakikita ko—ang lalaki nasa kuwarenta anyos na caretaker dito.

“Mahal?” sabi ko. Naka-cuddle pa rin kaming dalawa.

“Yes, mahal?”

“I felt something creepy here. Haunted ba itong bahay bakasyunan ninyo?”

Nagulat siya sa tanong ko kung kaya’t itinaas niya ang kaniyang mukha para tignan ako. Nakita ko kaagad ang pagkunot ng kaniyang noo sa biglaang tanong ko.

“Ano ba iyang pinagsasabi mo, mahal?”

“Wala, I just want to make sure na walang kababalaghan dito,” sagot ko sa kaniya.

“You overthink too much. Halika ka nga rito.” Sabay pisil niya sa aking pisngi at halik sa aking labi nang tatlong beses.

“Hindi nga, Xander. I’m serious. Baka kasi may kababalaghan dito. Hindi ako komportable, eh.” Pinigil ko ang kaniyang kamay ngunit pinisil uli niya ako.

“Well, may kuwento ang matatanda sa bahay na ito,” panimula niya sa kaniyang kuwento. Nakaupo na siya at nakaupo na rin ako. Seryoso akong nakinig sa sasabihin niya pa.

“And then?” interesadong tanong ko sa kaniya.

“May namatay daw na babae dito. Hindi ko alam saang banda, pero nagpapakita raw siya sa mga bagong guest dito. Kaya ang iba, natatakot at wala nang pumupunta. Dahil doon kaya ginawa na lang namin itong bahay-bakasyunan.”

“Ni minsan ba, mahal, may naramdaman ka ring nakakatakot dito?” tanong ko sa kaniya.

“Wala naman, mahal. Ito kasi ang kasabihan na narinig ko, mahal. Nagpaparamdam lang sila sa mga taong naniniwala sa multo.”

Bigla akong kinilabutan sa kaniyang sinabi. Naniniwala kasi talaga ako sa multo. Bukod kasi sa nakita ko kanina ay may babae nang gumagambala sa akin sa panaginip. Matagal na. Kahit noong nasa China pa ako ay ginagambala na nito ako.

“O, natahimik ka?” baling niya sa akin nang maramdaman niyang natulala ako bigla.

“Wala, mahal. Iniisip ko lang kung paano namatay ang babaeng sinasabi mo.”

“Hmm, sa pagkakaalam ko, hanggang ngayon ay wala pang may alam. At saka hindi naman talaga totoong may namatay rito, mahal.”

I looked at him while my eyes said otherwise. Kasi naniniwala ako sa mga nakita ko. At may naglalaro na sa aking isipan kung magkarugtong ba ang nakita ko rito sa mga panaginip ko o baka may psychic abilities lang talaga ako patungkol sa mga kaluluwa dahil may gumambala naman talaga sa akin.

Ayoko ring ikuwento sa asawa ko ang aking kalagayan kasi baka akalain niyang baliw ako. Too good to be true din kasing pakinggan ang panaginip at mga nakikita ko. Pero gusto ko pa ring bigyan siya ng hint kasi hindi pa rin ako mapakali.

“What if sabihin ko sa iyong nakita ko ang babaeng namatay rito, mahal?” pagbasag ko sa katahimikang namayani sa amin nang ilang segundo. Kahit ayaw kong ikuwento sa kaniya ang nangyari ay nagbabasakali pa rin akong baka paniwalaan niya ako kung sasabihin kong may nakita akong multo.

Dinaganan niya ako kaagad kaya napahiga ako. Nakapatong siya sa akin. “What if ipakikita ko talaga sa iyo ang multo, mahal?” Sabay sunggab niya sa aking leeg.

Kinabukasan . . .

Nagising ako na masakit ang buo kong katawan, lalo na sa gitnang bahagi ng aking pagkababae. Napagsaluhan naming mag-asawa ang isang masarap na kaganapan hanggang madaling-araw. Dahil doon ay napalitan ang aking takot sa unang karanasan ko sa kama.

Dahan-dahan akong bumangon, at nang makita kong wala na ang aking asawa sa kama ay kaagad akong umalis sa higaan. Nakita ko ang maliit na mantsa ng pulang likido sa bedsheet pero pinabayaan ko na lang iyon. Mapapalitan din iyan mamaya. Sasabihan ko si Xander na palitan ito.
Nakatingin ako sa pader kung saan nandoon ang isang wall clock para matingnan kung anong oras na ba. Mag-aalas-dose na pala ng tanghali. Hinanap ko kaagad ang pambahay na tsinelas at para hanapin na rin ang aking asawa.

Lumabas ako sa kuwarto at nagtungo agad sa kusina dahil naamoy ko ang curry sa buong kabahayan. Kaagad ko siyang natanaw habang naghihiwa ng carrots. Hindi niya ako nakita kung kaya ay dahan-dahan akong lumapit sa kaniyang gawing likuran.

Ipinulupot ko ang aking mga braso sa kaniyang ma-muscle na tiyan.

“Ano’ng lulutuin mo, mahal?” tanong ko sa kaniya.

Huminto siya sa paghihiwa at humarap siya sa akin.

“Hindi ko rin alam kung ano ang lulutuin ko kasi ikaw lang ang gusto kong kainin.” Sabay halik niya.

“Namumuro ka na, Xander.” Kumawala ako sa yakap niya.

Umalis na ako sa kaniyang tabi at humarap na lang sa kaniya sa pagitan ng island table kung saan siya naghihiwa ng gulay.

“Mahal, manood ka na lamang sa akin.” At bumalik na siya sa kaniyang ginagawa.

Abala akong nanonood sa kaniya dahil hindi naman ako marunong magluto. Nasanay lang ako sa microwave at order sa labas. Iyan din ginagawa ko noong nasa China pa ako.

Nang maluto na ang pagkain ay tinulungan ko na siyang maghanda sa hapag-kainan. Inabot niya sa akin ang plato at pumunta na ako sa dining table para ilagay ang mga ito, pagkatapos ay umupo na agad ako. Nakita ko si Xander na palapit sa mesa dala ang kaniyang nilutong chicken curry. Umupo na siya sa aking tabi at nagsimula na kaming kumain.

“Gusto mo bang mamasyal dito?” tanong niya sa akin habang nagsasandok siya ng kanin sa plato ko.

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot sa kaniya. “ Gusto ko, mahal.”

“Sige, pagkatapos natin dito ay maghanda ka na. May gusto akong ipakita sa iyo. I’m sure magugustuhan mo ang lugar na pupuntahan natin.”
Nakangiti lamang ako sa kaniyang sinabi. First time ko ring mamasyal sa isang lugar sa Pilipinas. Wala kasi akong chance na gumala nang bumalik ako sa bansa. Dahil sa kompanya ni Xander ay nagkaroon ako ng dahilan para makabalik dito sa bansang aking sinilangan. May partnership ang kompanya nila sa China. At dahil may dugo akong Pinoy ay ako ang napiling ipadala sa Pilipinas.

Hindi ko rin aakalain na magiging asawa ko ang anak ng may-ari ng kompanya kaya ito ako ngayon. Mas mabuti na ring mamalagi ako sa Pilipinas dahil wala naman na akong pamilyang naiwan sa China.

Pagkatapos naming kumain ay kaagad akong pumunta sa aming kuwarto at nagbihis na ng isang navy blue na dress at pinatungan ng makapal na jacket pangontra sa lamig ng klima ng Baguio. Suot ko rin ang isang boots na kulay brown.

Pagkalabas ko sa bahay ay nakita ko ang aking asawa na nakasandal ang siko sa pinto ng sasakyan. Halatang inip na inip na ito kahihintay sa akin. Makapal din ang kaniyang suot na damit na kulay blue rin.

Nilapitan ko siya habang nakatalikod siya sa akin at mahina kong kinurot ang kaniyang tagiliran. Nagitla siya at humarap siya sa akin sabay yakap niya sa akin nang mahigpit.

Pumasok na kami sa sasakyan at nagmaneho na siya para puntahan namin ang aming destinasyon. Masaya kaming dalawa habang sinasabi niya kung ano ang lugar na nadaraanan namin.

Ang sabi niya kasi ay doon sila noon nakatira sa Baguio kaya alam niya ang kuwento at pasikot-sikot ng lugar.


.***.


Namasyal kami sa Mines View Observation Deck. Napakaganda roon. namangha ako nang masilayan ang isa sa mga tourist spot ng Baguio. Dinala ako ni Xander sa deck para makita ang kabuoan ng nasa ibaba nito. Abala akong kumukuha ng larawan sa paligid gamit ang DSLR camera ni Xander. Naiwan niya kasi ako dahil bumili siya ng meryenda namin.

Nahinto ako sa aking ginagawa nang may kumalabit sa akin na bata. Tiningnan ko siya habang kita kong may hawak-hawak siyang maliit na kahon, at sabi niya sa akin, “Mag-ingat ho kayo sa asawa n’yo.”
Pagkasabi niya niyon ay bigla akong kinabahan. Pagkatapos niyang sabihin sa akin ay tinitigan niya lang ako. Pinagmasdan ko ang kaniyang suot. Luma na itong dress. Kulay gatas, maraming ribbon, at parang familiar sa akin ang kaniyang damit. Pingkit din ang kaniyang mga mata at sigurado ako na may lahi siyang Chinese na katulad ko.

Ibubuka ko na sana ang aking bibig para tanungin siya nang bigla siyang kumaripas ng takbo. Hindi ko man lang naitanong kung bakit niya sinabi sa akin iyon dahil naiwan akong tulala.

Dahil nawalan na akong gana sa sinabi ng bata at napalitan iyon ng kaba ay hinanap ko na lang si Xander sa nagkukumpulang tao sa lugar na ito. Marami kasi ang tao ngayong araw na ito dahil siguro weekend na. Habang bitbit ko ang camera ay nakipagsiksikan na ako para marating ang lugar na wala masyadong tao. Nagbabakasakaling makita si Xander sa lugar kung saan may nagtitinda.

I grabbed my phone para tawagan na lang sana si Xander nang makita ko siya sa di-kalayuan papalapit sa akin. Nginitian ko siya habang kita ko ang dala-dala niyang popcorn na cheese-flavored. Alam niyang isa sa mga paborito ko.

Wala naman talaga akong takot na nararamdaman para kay Xander. Kinakabahan lang talaga ako sa mga nangyayari. Mula sa babaeng naaagnas hanggang sa batang may dalang kahon.

Nakalapit na sa akin si Xander at inabot sa akin ang popcorn. “Are you enjoying?” tanong niya sa akin.

“Yes, of course.” Sabay kuha ko sa popcorn na nasa kaniyang kamay. Ayaw ko rin kasing basagin ang saya niya. Kitang-kita ko kasi ang matamis niyang ngiti habang kumakain ng popcorn.

“Wait, makikisuyo ako para picture-an tayo, mahal,” sabi niya sa akin na malapad ang ngiti.

Marahan siyang tumakbo patungo isa sa grupo ng kabataang at nakiusap siya sa mga ito. Nang tumango ang isa nila ay lumapit na sila patungo sa akin. Tinabihan na ako ni Xander sabay akbay sa akin. Matapos ma-click ng binatilyo ang camera ay ch-in-eck niya ang laman nito. Kitang-kita ko ang kaniyang mga kilay na magkatagpo.

“Isa pa po. Blurred kasi,” usal ng binatilyo.

.***.

Matapos ang mahabang araw na iyon ay umuwi na kami sa bahay-bakasyunan. Bumili na rin ako ng pasalubong kina Wendy at Auntie Wella. Sila lang naman ang pamilyang kakilala ko.

Pagkarating namin ay kaagad akong bumaba at kinuha ang binili ko sa trunk. Medyo naparami rin ako sa pamimili dahil maraming ipinabilin si Wendy sa akin. Akala mo naman, may iniwan siyang pera sa akin.

“Pabayaan mo na iyan, mahal. Si Mang Ricardo na ang bahala sa mga gamit,” sabi niya at nauna nang pumasok sa bahay.

Hindi ako nakinig sa kaniya at kinuha ko pa rin ang mga kagamitan. Nakita ko ring papalapit na si Mang Ricardo sa aking kinaroroonan.

“Huwag na po. Ako na po ang bahala rito,” sabi ko sa kaniya bago pa man niya makuha ang mga plastic na nasa mga kamay ko.

Tumalikod na ako sa matanda. Pagkatapos kong maosara ang trunk ay bigla niyang pinigilan ang aking mga braso. Nilingon ko siya at tiningnan ko ang mga kamay na nakahawak sa aking braso.

“Mag-ingat kayo, ma’am. Nandiyan lang siya palagi, nakasunod sa iyo,” sabi niya.

To be continued . . .

💀💀💀

Continue Reading

You'll Also Like

6.2K 582 15
Paano ka mananalo sa larong tagu-taguan kung hindi mo alam kung sino ang taya? Hindi ka mananalo, dahil pinaglalaruan ka lang ng tadhana. -COMPLETED...
18.7K 1.5K 36
"Everything changed in one dark night." - (TMFO) Calista Luna Hermosa was just a simple registered nurse who had a big future ahead of her. A woman k...
72.9K 2.2K 36
[Formerly known as Four Princes and I] Si Joy Palmes ay isang promdi na nag-aaral sa isang prestihiyosong unibersidad sa siyudad ng Liazarde. Masaya...