A Martial's Query (Saint Seri...

By gereyzi

24.2K 1.1K 789

6/6 of Saint Series. Sylvia Ameliah and Feliciano are engaged for years. Little did Chano know that the 'mald... More

A Martial's Query
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 23

546 34 6
By gereyzi

Chapter 23
Hurt like this

"I've heard from Ali that your feet hurt?"

Mula sa pagkakasubsob ko sa lamesa ay tiningala ko si Konon na ngayo'y nasa harapan ko. Narito ako sa office niya sa ospital dahil naisipan kong dalawin siya. Hindi ko naman alam na may operation pala sya. It's passed one in the morning.

"Ah, hindi. Ayos lang naman," nahihiya kong sagot.

Nakakahiya talaga dahil abala na nga ako tapos aalalahanin pa niya ang paa ko.

"Let me see?" aniya bago lumuhod sa aking harapan. Hinigit pa niya ang sleeves ng kaniyang lab gown dahil humaharang ito sa kaniyang kamay. "I bet you overworked today," he chuckled a bit. Ngayo'y marahan nang nakahawak sa aking paa. Pakiramdam ko'y bahagya pa akong nakuryente noon.

"May... sugat ka sa braso, Konon," puna ko nang mapansin ang tila talsik ng mantika sa kaniyang kamay. Natawa siya dahil doon.

"I cooked something for you. Natalsikan lang ng kaunting mantika kanina," sagot nya bago tumayo at umalis. Mabilis naman siyang bumalik at may dala nang maliit na icebag. Muli siyang lumuhod sa aking harapan at dinampian na ng yelo ang aking paa.

"You're still babying me," angal ko. He looked at me and smiled.

"Not really," sagot niya at tumayo na. "Just a hobby."

"Mukha mo, Konon," I snorted. "By the way, anong niluto mo? Last na nakakain yata ako ng luto mo ay nung tinuruan mo ako magluto ng lasagna para kay Chano," puna ko pa. Sinundan ko siya ng tingin dahil bahagya siyang natigilan.

"I saw your IG story last night. You're craving for fried chicken, right? I also made a siomai," aniya at kinuha ang paperbag sa ilalim ng lamesa.

"Umasa ako kagabi na ipagluluto mo ako dahil sa post ko, Doc," biro ko at tinulungan siya sa paghahain. Natawa siya sa aking sinabi at ginulo pa ang aking buhok.

Nang matapos ang paghahain ay bahagya akong umisod pagilid ng couch para may maupuan si Konon. Ngumiti naman siya at naupo nga.

"Mukhang kang pagod na pagod, ah," puna ko nang mag-unat siya at humikab pa.

"I was at taping kasi mula kaninang umaga till four, then I cooked these and went straight here for the operation," sagot nya, pilit na iminumulat ang mata para maituloy ang pagkain.

"Pwede namang wag mo na ako ipagluto, e," I sighed. Kumuha ako ng baso sa aking harapan para ipagsalin siya ng tubig. "Kumusta naman pala kayo ng girlfriend mo?" pag-iiba ko ng usapan. Bahagya pa siyang naubo dahil doon.

"Last time I checked, I'm single," nalilito niyang sabi. Ngumisi ako bago nagpatuloy sa pagkain.

"Yung Tali, di ba girlfriend mo raw sya?" nilingon ko siya saglit. Kaagad akong umiwas nang makitang natatawa sya. "It's not funny, though," bulong ko sa aking sarili. Nang sikuhin nya ako ay hindi ko na rin napigilan ang pagtawa.

"Stop doing that," saway niya sa akin kaya tumango nalang ako.

It's actually okay for me if he chooses to have a girlfriend now. He's not getting any younger. Saka... he can pull any girls he wants naman. He's every woman's standard, ayon sa aking pagkakarinig sa karamihan.

That's okay naman. I'll be happy if he do that. Yeah.

Nang gabing iyon ay sinamahan ko pa nang mas matagal si Konon sa kaniyang office. Napag-alam ko kasing may operation pa siya sa mga susunod na oras kaya binantayan ko na lang siya sa kaniyang pagtulog kasama ang alarm niya.

I don't know how long it has been since I got back here in the Philippines. Pakiramdam ko'y walang nagbabago at progress ang pag-uwi ko. I feel like I have to do something to make a change. Para malaman kung ano ba talaga ang kahahantungan ng lahat.

"Hi. Are you busy?"

Mula sa pagtitig sa aking laptop ay nilingon ko si Architect Manzanilla. Mahinhin siyang pumasok sa aking office at may dala pang folder. Ang kape na ipinadala ni Konon kanina'y itinabi ko muna.

"Ah, hindi naman. Bakit?" I cleared my throat. Tinuro ko sa kanya ang upuan sa aking harapan.

"I just want to ask for a favor?" aniya. Tumaas ang isang kilay ko dahil doon.

"Sure. Only if I can," tumatango kong sabi.

"Baka makikipagkita ka kay Chano mamaya? Ipapadala ko sana itong files na hinihingi nya, e," she replied.

"Bakit... hindi ikaw ang magdala?" I smirked. Kaagad na tumabang ang mukha niya.

"He'll just tease me," she sighed.

"Okay. I'll bring this to him," pagpayag ko dahil mukhang ayaw talaga niyang makita si Chano. Napangiti siya dahil sa narinig at kaagad na tumango.

"Thank you!" she replied bubbly. "Don't worry, I won't tell River that Konon is the one you're with the other day. And also the one who sent you here yesterday," she added na ikinatawa ko.

"Konon is a good friend, M," I replied honestly.

"You two look good together. Such a waste kung friends lang kayo," she shrugged. "I just don't want to tell River that I ship you with another good-looking man."

Naiiling na lang na sinundan ko ng tingin si MM hanggang sa mawala siya sa aking paningin nang magpaalam. Sa ilang bwan ko rito ay ngayon ko lang siya nakausap ng ganoon ka-komportable dahil lagi siyang nahihiya kaya natutuwa ako.

Dumaan ang oras, tinapos ko ang aking trabaho para sa aking early out. May usapan din kasi kami ni Chano na kakain kami ng lunch kasama ang dalawang bata. I can't help it but to be excited. Ilang linggo rin kasing hindi ko sila nakita dahil sa pagiging busy ko.

"Is Attorney Gonzaga there?" tanong ko sa receptionist nang makarating ako sa building ni Chano. Kaagad namang tumango ang babae kaya tumuloy na ako ng sakay sa elevator.

Nang makarating ako sa exact floor ay natagalan pa ako dahil sa pakikipagbatian sa ilang lawyer na nakasalubong ko.

"I'm still trying to help Rom to figure out if the building crash was fraud or nah," sagot ni Lincoln Mendoza nang usisain ko siya tungkol sa building ni Rom na gumuho.

"Balitaan mo ako, Attorney, ha? Thank you!" huling sabi ko bago tumuloy. "Is Attorney have a visitor inside?" tanong ko naman sa secretary ni Chano bago ako pumasok.

"Ang alam ko po ay nasa loob sila Sir River at Agent Santiago."

Nang sabihin iyon ng Secretary ay pumasok na rin ako. Kaagad akong napailing nang makita ang pwesto ng magkakaibigan. Mga nakaupo sila sa sahig at abala sa cellphones.

"Gago!"

Kaagad akong napaiktad nang sumigaw si Chano. Akala mo'y galit na galit nyang tiningan si River.

"Oh, ano? Sinong bulok sa Plants vs. Zombies ngayon?" sagot ni River at humalakhak pa.

"Yabang nyo, mas nauna naman ako maka-level five sa inyo," umiiling na sagot ni Jacos.

"Isa pa!" parang bata na usal ni Chano.

"Liah, ikaw pala yan," pansin sa akin ni River. Nilingon ako ni Chano dahil doon at kaagad na nilapitan. He took my coat at hinayaan akong maupo sa couch.

"Wait lang, ha? Isang level na lang," bulong sa akin ni Chano kaya natatawa akong tumango.

"Saan lakad nyo?" usisa naman ni Jacos na busy sa cellphone.

"Family lunch, pare. Bawal kayong dalawa ro'n," Chano even smirked at them kaya napailing na lang ako.

"M's still in the office. Hindi kayo sabay kakain?" tanong ko kay River. Kaagad siyang ngumuso at umiling.

"Galit sa'kin yun. Baka hindi ako pansinin," he replied. "Pero pinagluto ko naman sya ng lunch. Baka magpumilit akong sumabay mamaya."

"At si Elle?" baling ko naman kay Jacos.

"She's at school," he shrugged.

Matapos ang paglalaro nila Chano ay umalis na rin kami para sunduin sa school ang kambal. Saktong lunch time kaya maraming tao sa labas. Ang ilang high school student pa ay nakipagbatian sa amin.

"I'm reading your novel, Ma'am! I'm still waiting for the release of its book two po," sabi ng kaibigan ni South na ngayo'y nasa harapan namin ni Chano.

"Aling book?" tanong sakin ni Chano.

"Rimbo and Freeda," balik ko. Tumango si Chano at nagtataka pa.

"Bakit may book two? Happy ending naman sya, ah?"

"I know," I simply smiled at him. "There they are," dagdag ko nanh makita ko ang kambal na palabas na ng school.

"Goodbye, Mr. and Mrs. Gonzaga!" paalam ng bata saka tumakbo na palayo.

"Was that Mei, Nanay?" usisa ni South bago humalik sa aking pisnge. Tumango ako bago haplusin ang kaniyang buhok. "I guess she's still mad at me."

"Bakit galit sayo?" pagsali ni Chano bago akbayan ang anak. Nilingon ko si North na poker facr na nakatingin sa akin. I smiled at him kaya umiwas siya.

"Her crush likes me, Tatay. Hindi ko sya sinusuyo because it's not my fault to be liked. I don't even know the guy!" umirap si South kaya natawa ako.

"Does she know that?" kunot-noong tanong ni North.

"Yes! I told her that many times na kaya!"

"Sus! For sure ay hindi mo pinaliwanag ng ayos."

"Stop ka nga! Just because you like her doesn't mean she's always right!"

"Hay nako. Tara na at may trabaho pa ang tatay nyo maya-maya. Tama na 'yan," awat ko sa dalawa na mukhang mag-aaway na rin.

"Gusto mo si Meimei, anak?" rinig kong tanong ni Chano kay North nang naglakad na kami pabalik sa sasakyan.

"Chano, tigilan mo nga yan! They're too young!" saway ko na ikinatawa nya.

"Sus! Tayo nga elementary naging mag boyfriend girlfriend, e."

"Whatever."

Nang makarating kaming apat sa restaurant ay kaagad kaming umorder dahil angal na nang angal si North na gutom na raw siya.

"See this? Tita Zoe gave this to me yesterday," pagyayabang ni North sa kaniyang kapatid. Ipinakita pa ang relo na bigay daw ni Zoe.

"Oh? Bakit ka binigyan?" tanong ko. Akma kong hahawakan ang kamay niya para tingnan pero hindi ko nagawa dahil kaagad niya itong binawi.

"He won the first place po kasi kahapon, Nanay. Sa math quiz bee. Si Tita Zoe ang kasama nya," si South at sumagot sa akin. Ngumiti ako at tumango. "They're best of friends po kasi," she added in a whisper. Muli na lang akong tumango. Nilingon ko si Chano na ngayo'y nasa counter.

"Was your Tita Zoe kind to the both of you?" tanong ko. Si North ang mabilis na tumango.

"Yes. She always accompany us whenever we need a nanay," he smirked. "Remember the time you left us? Wala lang. Pinapaalala ko lang."

"Stop nga! You're so rude!" awat ni South sa kapatid. Hinawakan niya ako sa kamay at nginitian. "What important now is Nanay's bsck—"

"Is she sure na may babalikan pa sya?" North fired.

"Oo, ako. Kung ayaw mo e di wag mo at manahimik ka dyan," galit na sagot ni South. Akma akong aawat sa pag-aaway nila nang muli syang magsalita. "And please nga? Anong paliwanag pa ba ang kaylangan ng utak mo para lang maunawaan ang reasons ni Nanay? Or you're just really that rude?"

"South," awat ko dahil mukhang na-offend si North sa kaniya.

"Is it rude to decline her now after those lonely nights waiting for her, leaving us and clueless of how she's been? I know where all going through different problems on our own, but is it really that hard to trust us?" mahabang usal ni North. Parehas kaming natigilan ni South.

"But can't you see that she's trying her best now? Can't you see her? Or you're just acting blind?" tanong ni South pabalik. Si North naman ang natigilan ngayon. Tinitigan niya ako nang bahagya bago umiwas at lumunok.

"Mukhang masaya ang kwentuhan nyo, pasali naman," ani Chano bago ilapag ang pagkain sa aming harapan.

"W-wala naman, Chano," sagot ko at umayos ng upo. "Kain na... tayo," sabi ko na lang.

Nagpatuloy ang oras. Bumalik sa normal ang lahat. Nagsimula kaming kumain at nagpatuloy sa kwentuhan. Bahagya pa akong natuwa nang minsan ay sinasagot na ako ni North nang maayos. Naputol lang iyon nang mag-ring ang cellphone ni Chano.

"Yes, Zo?" aniya bago tumayo at nag-excuse. Saglit siyang lumabas at kaagad din namang bumalik.

"What was that, Tatay?" tanong ni South sa ama na mukhang balisa. Nilingon nya ako at hinawakan sa balikat.

"Can... can you send them home? May emergency lang kay Zoe, e," aniya at dinampot ang wallet at cellphone. Mukhang... alalang-alala talaga.

Umalis nang tuluyan si Chano dahil doon. Bahagya pa kaming natahimik na tatlo dahil sa pagkagulat kaya medyo natagalan pa bago bumalik sa normal ang lahat. Nang matapos sa pagkain ay agad din naman kaming umalis.

"Do you still ride the train?" tanong ko sa dalawa nang makalabas kami sa restaurant. Bahagya pa silang nagkatinginan bago tumango.

"Whoah! It's been a long time!" ani North at excited na naupo nang makapasok kami sa train.

"Wow!" si South naman. Napangiti ako dahil doon at hinayaan silang malibang. Halos isang oras din ang inabot ng aming byahe bago kami nakarating. Pinagpapasalamat ko rin iyon dahil tuluyan na akong kinausap ni North.

"You... can come in for a while if you like to, Nanay," South offered. Napangiti ako at nilingon ang aking orasan.

"I still have things to do, e. Maybe next time?" sagot ko.

"Sana sa next time mo ay pupunta ka para dito na ulit tumira," ani North. Ngumiti pa siya sa akin bago nagsimulang pumasok sa bahay.

Bago ako tuluyang tumawag kay Drake para magpasundo ay pinanood ko pa ang dalawang bata na masayang naglakad papasok sa bahay. I can't help but feel joy by just looking at them.

North wants me back home.

I will, baby, don't worry.

"So you're telling me that you're choosing Chano?" nakahalukipkip na tanong ni Drake. It's his seventh.

"So?" pagsali ni Ericka.

Narito sila ngayong lahat bukod kay Romulo dahil nagkayayaan daw nang malaman na nagpasundo ako kay Drake.

"Chano's her ex, Drake," umirap naman si Bianca. "Saka ano naman pati? She doesn't have to choose in the first place because she's single."

"You all have no idea," ngumiti si Drake at umiling.

"Ang gulo mo, pare," tinapik ni Jonah sa balikat si Drake.

"Akala ko ba'y hinihintay mong umuwi si Liah para mabuo na ulit silang pamilya?" it's Chris. Uminom siya ng juice matapos niyang sabihin iyon.

"Guys," tawag ko sa atensyon nila. Desidido nang magkwento. "Ang totoo kasi..."

"Hala, wait! Nasa balita si Konon!"

I was shut down by Gabrielle's excited voice. Nilakasan pa niya ang volume ng TV nang ipakita roon si Chano.

"Lakas pa! He's so gwapo!" maarteng usal ni Bianca kaya napabuntong hininga na lang ako at kakamot-kamot sa ulo na nilingon si Drake. He just shrugged bago nakisali sa mga kasama namin.

"Totoo ba na may girlfriend ka ngayon, Konon?" tanong ng showbiz reporter kay Konon. They're on a red carpet that was recorded last week. "The rumors are spreading."

"Nako, sana ay wala! Pipila ako para sa kanya!" Gab and Bianca said in unison. Umiling si Ericka dahil doon.

"Wala po. Wala," natatawang sagot ni Konon. I saw how his genuine smile appears. Bahagya pa siyang yumuko para marinig ang panibagong tanong.

"Pero may napupusuan?" nakangising tanong ng reporter. Muling tumawa si Konon at lumingon sa camera bago bumalik sa reporter.

He nodded after that and said, "Meron po. Meron. Palagi."

"What?!" magkakasabay na sigaw nila Bianca, Gab, at Jonah.

"Meron? So paiba-iba ba, Konon?" tumatawang tanong ng reporter. "Sabagay, hindi na kami magtataka kung makuha mo ang girls!"

"Hindi naman po, not really," said Konon before touching his ear as a sign of his shyness. "It's not that I have different girls to like, it's just that I'm always into her."

"Hala!" nanlalaki ang mata na sabi ni Gab. Nilingon pa ako.

"We won't ask for her name but please give us a hint."

"One of the famous authors around globe that is owned by our country. That's all I can share. Please, don't dig deeper, let's all respect the peace she's been building her whole life."

Matapos sabihin ni Konon iyon ay tumayo na ako at nagsimulang magligpit ng pinagkainan namin. Nagpatuloy ang balita pero ang mga kaibigan ko'y natahimik.

"Alam kong ilang kilala na author meron ang bansang ito, pero... Liah?"

Gaya ng kinakatakutan ko, for the first time ay may gumanyan na sa akin. Natigilan ako sa aking ginagawa at bahagya pang nanginig.

"Liah? Is... is that you? Ikaw ba ang tinutukoy ni Konon?" naninimbang na tanong ni Bianca.

Bago ako sumagot ay pilit kong kinalma ang aking sarili. I smiled at them and said, "Yes."

"So, you two are dating —"

"I don't care much about him, no," agap ko na. Nagmamadali kong niligpit ang mga baso bago tumayo at dinala iyon sa kusina.

Matapos ang insidenteng iyon ay naiba na ang atmosphere pero wala na ni isa pang bumanggit kay Konon. Nanatili sila sa aking bahay at nagpatuloy lang ang kwentuhan. Naiinis ako sa sarili ko, sa bawat kwento ko kasi sa kanila habang nasa ibang bansa ako ay kasama sa lahat noon si Konon.

Hindi ko rin naman alam kung bakit ba ako naiinis.

"Ah, may lakad kasi kami nila Chano mamaya," usal ko nang ayain nila akong sumama sa bar.

Ayaw ko sumama. Never. Natatakot lang ako sa mga ganon.

Nang makaalis silang lahat ay bumuntong hininga ako. Naupo ako sa couch at nag-isip nang tamang gawin. Hindi ko rin kasi talaga alam. Simula nang umuwi ako rito ay puro sakit ng ulo ang inabot ko dahil sa kalituhan ko. I want to be with the kids so bad, ganoon din kay Chano. This is what I'm dreaming for simula ng mapalayo ako kaya sa tingin ko ay sila ang dapat kong piliin. Simula una ay sigurado ako na si Chano palagi. Si Chano lang.

Pero bakit ganto? Nah, nevermind.

When I finally decided, tumayo na ako nagpalit ng damit. Alas dose nang gabi ay tahimik kong tinahak ang kahabaan ng hallway sa condo building. Nainis pa ako dahil sumasagi sa isip ko yung ginawa namin ni Konon dati. Pinipindot namin ang mga doorbell ng kapitbahay at saka kakaripas ng takbo. Ako pa ang nagturo sa kaniya ng mga kalokohan na iyon— damn!

Ayaw ko na.

Nang makasakay ako sa aking sasakyan ay kaagad ko iyong pinaharurot papunta sa site kung saan ginaganap ang shoot nila Konon ngayon. Gabing-gabi na pero iyon ang kailangan dahil pasok iyon sa scene. Kitang-kita mula rito sa pwesto ko ang mga tubig na sumasaboy sa kanila ngayon bilang ulan.

"Cut!" malakas na sigaw ng director. "Five minutes break!"

Mula sa aking sasakyan ay tanaw ko si Konon na inaabutan ang mga kasamahan niya ng towel. He's cheering for them to keep them warm, at least, kahit siya ay halos manginig na rin sa lamig.

"That man is so hard working," I whispered as I smile.

"Hi!"

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Konon sa aking pwesto. Nagmamadali akong bumaba dala ang makapal na robe na kinuha ko sa backseat ng aking sasakyan. Hindi ko maiwasang maawa nang makita kong sobrang putla na ng kaniyang labi dahil sa lamig. He's only wearing a white sando and a slacks. Duguan din ang kaniyang braso dahil ayaw naman niyang gumamit ng stuntman. Ayon sa kaniyang kwento, they're doing an action movie.

"It's cold," I smiled at him.

"Thank you," aniya at sinuot iyon. "You came. What's up? How's your day with your family?" he asked excitedly. Nakwento ko kasi na maglulunch kami nila Chano.

"Ayos naman. Ayos sya," tumatango kong sabi. "Hanggang kailan ang shoot nyo? How... are you?" tanong ko. Bahagya pa akong lumapit sakanya at inalis ang mga tubig sa may pilik mata niya.

"Till three in the morning pa po, e," he scratched his nape. "And yes, a lot of things are happening inside my head right now knowing that you came here just to ask me how I've been."

Nang sabihin ni Konon iyon ay tinigilan ko ang aking ginagawa. I gulped before stepping backwards. I saw how hesitant his eyes are now.

"Can I have some of your time?" tanong ko at ngumiti. Bumuntong hininga siya at tumango.

"It's... okay, Ameliah," marahan niyang sabi, hinawakan pa ako sa kamay. Doon ako nakaramdam ng sobrang kalamigan. I can also feel how wrinkled his hands now. "If it's... about you and your family, it's okay," he added, almost a whisper.

"Konon..." I took a deep breath. Akma kong hahawakan pabalik ang kaniyang kamay pero hinigit na niya ito palayo sa akin.

It's fine, Liah, it's fine. Ikaw ang nagsabi na wala lang siya sayo.

"Gaya ng sabi ko naman sayo dati, di ba? Your happiness is what matters to me the most," he smiled at me. Nagulat pa ako nang maramdaman ko ang patak ng ambon. "Sige na uwi ka na baka mabasa ka na ng ulan—"

"Konon, hear me out first —"

"Ameliah, please? Please, just go?" nangungusap niyang putol sa akin. Bahagya pa siyang ngumiti sa akin. I can clearly see pain through his eyes. "I don't want to be on point where I'll be selfish just because I am always happy beside you."

"I really am sorry. I do really appreciate you..."

"Hindi na, Ameliah. Sige na," putol niya sa akin at inalalayan na akong sumakay sa aking sasakyan. "Ingat ka. Be safe, don't... don't text me for a bit. That'll help a lot. Thank you."

Nang tuluyan akong makasakay sa aking sasakyan ay wala akong nagawa kundi ang paandarin ang makina. Bago ako tuluyang umalis ay sinilip ko pa nang isang beses si Konon. I saw how he walked so slow pabalik sa set. When I felt my eyes getting warm, umiling ako at sinimulan nang paandarin ang sasakyan palayo. Kasabay noon ay ang pagbuhos ng ulan.

This is my choice. Ako ang gumawa ng sariling option. Wala ni isang nagsabi sa akin na ilagay doon si Konon kaya bakit ba ako mag-iisip ng kung ano. Never nagsabi si Konon na piliin ko siya dahil hindi naman iyon ang mission nya sa buhay ko. I should not care.

I just... I just don't know why this shit hurts like this. I don't know why my heart aches.

Nang makarating ako sa floor ng aking condo ay natigilan ako dahil sa bulto ng tao na nakikita ko mula sa malayo. Hindi ko pa nakilala iyon nung una dahil malayo. Ang kaba sa akin ay nagsimula nang umusbong lalo na nang makita ko ang matanda.

Kahit kabado ako ay humakbang ako palapit sa kaniya. I saw a tall, big, and white-haired old man holding a cane, standing in front of my house. Nang makalapit ay saka lang niya ako nilingon. Unti-unti, yumakap ako sa kanya at doon umiyak nang umiyak. Hindi ko alam kung dahil ba miss ko sya ng sobra o may iba pang dahilan.

Continue Reading

You'll Also Like

113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...