KASABIHAN
"Anumang pangarap, kung ipagdarasal, paniniwalaan at tatanggapin nang buong-puso, at gagamitin ang angking talento sa katuparan nito, ay magaganap."
KAHULUGAN
PAGDARASAL
Pananampalataya: paniniwala sa Diyos.
KARUNUNGAN
Ang Pagdarasal
Ang pagdarasal ay ang pinakaimportanteng gawain sa lahat ng mga madadaling hakbang na nakasulat sa librong ito para makamit ang hinahangad na maging masaya, mapagmahal at nagpapasalamat na Milyonaryo sa lahat ng aspeto ng buhay: emosyonal, intelektwal, ispiritwal, pisikal at materyal. Sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagdarasal ay nagkakaroon ako ng pananampalataya na magagawa ko lahat ng pinangarap ko habang binibigkas ko ang aking dasal nang may masaya, mapagmahal at nagpapasalamat na tinig. Ang pagkakaroon ng pananampalataya ay magbibigay sa akin ng inspirasyon para makamit ko ang lahat ng hinahangad ng aking puso dahil naniniwala ako na lahat ay posible at kayang gawin. Sa ganitong paraan ay makakagawa ako ng maliliit na hakbang sa bawat pagkakataon para magampanan ko ang malaking misyon ko sa buhay na makapagsilbi sa maraming tao sa mundo.
Ipagdasal ang Walong Madadaling Hakbang para Maging Milyonaryo
Ang paglalakbay gamit ang walong madadaling hakbang para maging Milyonaryo ay nagsisimula sa unang hakbang na pagkakaroon ng positibong pag-iisip para malaman ang angking talento. Importante rin ang pagkakaroon ng eksaktong pangarap para magkatotoo ito, na siyang pangalawang hakbang para maging Milyonaryo. Ang pangatlong hakbang naman ay ang pagsunod sa mga batas para magtagumpay at yumaman. Mas magiging ganap at makabuluhan ang pagyaman kung gagamitin ito para tumulong sa ibang tao, na siya naming pang-apat na hakbang para maging Milyonaryo. Ang panlimang hakbang ay ang tamang paghawak ng kinikita sa trabaho. Ang pang-anim na hakbang ay ang pamumuhunan sa iba't ibang negosyo para mas mapalago ang kaalaman at kayamanan, habang ang pampitong hakbang naman sa pagiging Milyonaryo ay ang pagsisimula ng maliit na negosyong ninanais gamit ang angking talento. Ang pangwalong hakbang ay ang paggawa ng madadaling gawain ng sunud-sunod na 28 araw para maging masaya, mapagmahal at nagpapasalamat na Milyonaryo sa lahat ng aspeto ng buhay: emosyonal, intelektwal, ispiritwal, pisikal at materyal.
Paggawa ng Maliliit na Hakbang sa Bawat Pagkakataon
Ang paggawa ng maliliit na hakbang sa bawat pagkakataon ay importante para makamit ang pangarap na ninanais dahil ang pagtatagumpay at pagyaman ay nagsisimula sa maliit na bagay. Sa pamamagitan ng maliliit na hakbang ay makakagawa ako ng isang bagay na magiging daan para unti-unti kong makakamit ang tagumpay at yaman na hinahangad ko.
Maging Milyonaryo Ngayon
Ang maging masaya, mapagmahal at nagpapasalamat na Milyonaryo sa lahat ng aspeto ng buhay: emosyonal, intelektwal, ispiritwal, pisikal at materyal ay nagsisimula ngayon sa pamamagitan ng mga karunungan na nalaman ko na magagamit ko sa pang-araw-araw na gawain para makamit ko ang tagumpay at yaman na ninanais. Magkakaroon ako ng positibong pag-iisip, gagawa ako ng maliliit na hakbang sa bawat pagkakataon, magsusumikap ako na ipagpatuloy ang nasimulang maliit na hakbang at magpupursigi ako na palawakin ang mga hakbang na ito hanggang sa makamit ko ang tagumpay at kayamanan na nais ko.
Ang mga Matatagumpay at Mayayamang Tao sa Buong Mundo
Ang mga matatagumpay at mayayamang tao sa buong mundo ang naging inspirasyon ko para mabuo ang librong ito. Naniniwala ako na sila ang mga gumawa ng maliliit na hakbang sa bawat oras at araw para matupad ang pangarap nilang tagumpay at kayamanan sa buhay.
Tulad ni Thomas Edison na nakalikha ng bumbilya para maging maliwanag ang bawat tahanan; ng magkapatid na Wilbur at Orville Wright ng naka-imbento ng eroplano para makalipad at mabilis na makarating ang tao sa malalayong lugar; ni Alexander Graham Bell na lumikha ng telepono para makapag-usap ang dalawang taong nasa malayong lugar; ni Henry Ford na gumawa ng sasakyang panlupa gamit ang makina para mapabilis ang pagbibiyahe sa malayong lugar; ni Bill Gates na gumawa ng Microsoft para maging madali ang pagnenegosyo gamit ang computer; ni Dr. Jose Rizal na nagsulat ng mga librong "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo" para mabuksan ang isip ng mga Pilipino at magkaroon ng malayang bansa; ni Socorro Ramos na nagtatag ng National Book Store para maraming Pilipino ang makapagbasa ng libro; ni Henry Sy na nagpatayo ng SM Malls para makapagbigay ng trabaho sa maraming Pilipino; ni Edgar Sia ng Mang Inasal para makapagsilbi ng masarap na inihaw na manok; ni Bo Sanchez na nagpasimula ng The Feast para maipalaganap ng magandang balita ng Diyos; ni Napoleon Hill na sumulat ng librong "Think and Grow Rich" para mapabilis ang pagtupad ng mga eksaktong pangarap ng mga tao; ni Robert Kiyosaki na sumulat ng librong "Rich Dad, Poor Dad" para mapabilis ang pagyaman ng mga tao sa buong mundo; ni John Calub na nagtuturo ng mga gawain para mapabilis ang pagtatagumpay ng tao sa Pilipinas; Ako ay sumulat ng librong "Paano Maging Milyonaryo?" para mapabilis ang pagtupad ng mga eksaktong pangarap, eksaktong tagumpay at eksaktong kayamanan ng mga tao sa buong mundo.
Ang Dalawang Talata na Nagpapatunay ng Katotohana
May dalawang talata sa Bibliya na nagpapatunay na ang mga nakasulat sa librong ito ay makatotohanan.
Ang unang talata ay ang nakasulat sa Genesis 1:26:"At sinabi ng Diyos, gumawa tayo ng tao na kahawig at kawangis natin: sila ay magkakaroon ng kapangyarihan sa lahat ng nilalang at bagay na namumuhay sa mundo." Nangangahulugan ito na ang bawat tao ay makapangyarihan sa sariling angking talento.
Ang pangalawang talata ay ang nakasulat sa Mateo 21:22 "At lahat ng bagay, anumang hilingin mo sa pamamagitan ng dasal at pananampalataya ay siyang ibibigay sa iyo." Nangangahulugan ito na anumang pangarap ay matutupad kung ipagdarasal at paniniwalaan ito nang buong-puso.
Magdesisyon Ngayon
Ang pagdedesisyon ngayon ay mahalaga para makagawa ng isang hakbang bawat oras at araw para matupad ang pinapangarap na maging masaya, mapagmahal at nagpapasalamat na Milyonaryo sa lahat ng aspeto ng buhay: emosyonal, intelektwal, ispiritwal, pisikal at materyal. Ako ay buong-pusong nagdedesisyon na gagawin ko ang bawat hakbang na nakasaad dito dahil ito ang mabilis na paraan para matupad ko ang mga eksaktong pangarap gamit ang sariling angking talento. Nagdedesisyon din ako na laging sasabihin sa araw at sa gabi na "Ako ay labis na masaya, mapagmahal at nagpapasalamat ngayon dahil ako ay nagiging Milyonaryo."
Hayaang Dumating ang mga Eksaktong Pangarap
Hayaang dumating ang mga eksaktong pangarap sa pamamagitan ng paggamit ng walong madadaling hakbang para maging masaya, mapagmahal at nagpapasalamat na Milyonaryo sa lahat ng aspeto ng buhay: emosyonal, intelektwal, ispiritwal, pisikal at materyal sa pang-araw-araw na buhay. Gamitin ang sariling angking talento sa pagsisilbi sa maraming tao para makamit ang eksaktong tagumpay at saka pa lang makakamtan ang eksaktong kayamanan sa mundo. Ang bawat tao ay makapangyarihan sa sariling angking talento kaya magagawa nito ang lahat ng bagay ayon sa sariling kagustuhan para magtagumpay, yumaman at makapagsilbi sa maraming tao sa buong mundo na siyang dahilan kung bakit nabuhay ang bawat tao.
ENGR. RICH MAGPANTAY