Operation: Secret Glances

Bởi viexamour

35.3K 769 68

Operation Series #1 M I L A D A Milada's heart has belonged to Amadeus since childhood. From the shy ten-year... Xem Thêm

Operation: Secret Glances
Simula
Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Wakas
Note, Amours

Kabanata 2

1.1K 29 3
Bởi viexamour

Nakasubsob ang buo kong mukha sa aking unan at hindi maiwasang isipin ang naging takbo ng usapan namin ni Amadeus. Wala akong ibang maisip na dahilan kung bakit bigla na lang siyang umakto ng gano'n. 

Pagkatapos kasi nang nangyari ay dire-diretso akong pumasok sa kuwarto ko at hindi na bumaba pa para hindi ko siya makita. Mabuti na lang din at hindi na nagtanong pa sila Tita Kilari at Tita Analyn.

"Milada, hindi ka pa ba gising? Maaga pa ang pasok mo sa school!"

Narinig ko ang boses ni Tita Kilari. Kaya kahit tinatamad ay bumangon ako at dumiretso na sa C.R. para mag-asikaso. Pagbaba ko ay nakahanda na ang almusal at si Tita Kilari naman ay nakasuot na ng uniform niya pang-teacher.

"Sasabay ka ba sa akin o mauuna na ako?" nilunok ko muna ang nginunguya bago sumagot sa kanya.

"Mauna ka na, Tita..." sumubo ulit ako ng pagkain at hindi na nag-angat ng tingin sa kanya.

"May problema ka ba?" umiling ako ng hindi tumitingin sa kanya. "Kung ganoon ay bakit ka ganyan? At namamaga rin ang mata mo... umiyak ka?" ngumuso ako.

"Tita, naman! Ang dami-dami mong napapansin. Mali-late ka niyan," humalakhak siya at mabilis na lumakad palapit sa akin at binigyan ako ng halik sa pisngi.

"O siya, sige! I-lock mong mabuti ang pinto bago ka umalis ng bahay, okey?" tipid akong tumango sa kanya at yumakap sa kanyang baywang bago nagpaalam.

Pagdating sa school ay agad kong nakita ang mga barkada ko. Si Ulrim at Radin na may pinagkakaabalahan sa cellphone nila. Si Ulrid na kausap naman si Cassie. Si Radin ang unang nakapansin sa akin at bumaling sa mga kasama kaya sabay-sabay na bumaling ang mga ito sa akin.

"Na-late ka, ah? At... hindi ka sumabay kay Amadeus." Puna ni Cassie. "Nauna 'yon dito at mukhang hindi maganda ang gising. Nag-away ba kayo?" 

"Hindi. At nagkakataon lang naman talaga na nagkakasabay kami." Ngumisi siya.

"Maniwala naman sa'yo. Ang sabihin mo kahit hirap ka gumising sa umaga ay bumabangon ka para makasabay siya!" tumawa pa ito na parang tama siya sa kanyang sinabi.

Nawala rin ang ngisi niya ng makita na wala akong reaksyon.

"Magkaaway kayo." Tipid niyang sabi at ikinawit ang braso niya sa akin bago magsimulang maglakad.

Tahimik lang naman ang tatlong lalaki sa likod. Si Ulrid at Radin lang ang nahiwalay sa amin dahil ABM ang strand nila. Habang si Ulrim naman ay nasa STEM din pero iba ang section sa amin.

Pagpasok sa hallway ay agad na namin naagaw ang atensyon ng ibang istudyante. Hindi ko naman sila masisisi roon dahil kilala kaming laman ng guidance office. Si Cassie naman sa tabi ko ay panay kwento ngunit hindi ko naman din maintinduhan dahil wala roon ang atensyon ko.

"Milada? Gosh, nakikinig ka ba?" binalingan ko siya at umiling.

"Let's talk later... I don't have energy now," mukhang naintindihan niya naman ang ibig kong sabihin kaya lumakad na siya sa unahan kung nasaan ang kanyang silya.

Nilibot ko ang tingin sa loob ng classroom at nalaman na wala pa rito si Amadeus. Pero sabi kanina ni Cassie ay nakita niya na itong pumasok sa school. 

Bumuntong-hininga ako at pinaglaruan na lang ang ballpen sa ibabaw ng aking mesa. Pero agad din iyong napawi dahil sa malakas na tawanan ng bagong pasok sa classroom.

Amadeus and his friends. Kasama si Angel.

Umismid ako. Nagtama pa ang tingin namin ni Amadeus pero ako lang din ang naunang nag-iwas tingin at idinukdok ang ulo sa lamesa. 

He's too much for me...

Nagsimula ang klase at pawang lumulutang ako sa ere sa buong oras na 'yon. Paulit-ulit kasi na lumilitaw sa isip ko ang nangyari kagabi. Ang naging sagutan namin ni Amadeus. He never talk to me like that. At hindi ko rin inaasahan na sasabihin niyang hindi na ako ang babaeng nakilala niya noon.

Bakit? Nakilala niya na ba ako noon ng buong-buo? E, ni pagsulyap nga sa akin ay hindi niya magawa. Iyon pa kaya?

"Wasak ba puso mo, Milada?" sinamaan ko ng tingin si Ulrim.

"Kung walang magandang sasabihin iyang bibig mo, manahimik ka na lang." Inis kong sabi.

"Chill! Galit na galit?" nagtawanan sila pero hindi naman ako makasabay.

"Ano ba kasing problema, Milada? Kay Amadeus ba? Hindi ka naman kasi ganyan kahapon noong umalis kami. Tapos nagka-text pa tayo noong sinabi mo na pumunta siya sa inyo." Bulong ni Cassie.

"He said something that really bothered my whole system, Cassie." Kumunot ang noo niya.

"Ano?" puno ng kuryosidad niyang tanong.

"May mga sinabi siya na hindi maganda ang pakikipagkaibigan ko kila Ulrim. Na sabi niya ay ipapahamak lang daw ako no'n. Tapos sinabi niya rin na hindi na ako ang babaeng nakilala niya noon. I don't get him, Cassie." 

Umawang ang kanyang labi at palihim na umirit. Tinusok-tusok niya pa ang baywang ko.

"Baka naman... nagseselos? O, baka... nag-aalala sa'yo? What do you think?" inismiran ko siya.

"Wala sa nabanggit." Pinal kong sabi.

"Anong wala?! Imposibleng wala, Milada! He will not talk to you that way if it's nothing! And you two never talk!" ngumiwi ako ng napalakas ang pagkakasabi niya no'n.

Tumingin pa ang mga lalaki sa amin na busy sa paglalaro ng mobile games. Ngumiti lang si Cassie sa mga ito at hinila ako palapit sa kanya bago bumulong.

"Baka may gusto sayo si Amadeus pero secret lang!" excited niyang sabi.

"That's not gonna happen, Cassie. Ako? Magugustuhan niya? E, kulang na nga lang isuka niya ako tuwing nakikita niyang lagi akong nasa guidance office at sila pa ng mga kasama niya ang nakakahuli sa atin. If you see how disgusted his face is, ewan ko na lang kung masabi mong gusto niya nga talaga ako." 

Mahina kong sabi at ipinasok sa bag ang iilang gamit na nilabas ko kanina. Nagpaturo ako kay Radin ng Calculus. Kahit ABM siya ay nagawa niya pa rin akong turuan at na gets ko naman kahit papaano ang lesson namin. 

"Like, sino ba namang tao ang aamin sa taong gusto niya, 'di ba?" eksahaderang sabi pa ni Cassie.

"Ako," tipid kong sagot na nagpahalakhak sa kanya.

"The fourteen years old Milada confessed to his ultimate crush!" umirap ako dahil sa pang-aasar niya.

"And that's embarrassing moment. I found out that she has already a girlfriend. And that's Angel!" inis kong sabi at padarag na isinara ang bag ko. 

"S'yempre! Sino ba naman ang hindi mapapahiya kung umamin ka sa taong may ibang gusto. Pero in fairness! Matapang ka sa part na 'yon. Ngayon lang hindi... kasi takot na ulit sa rejection!" tuwang-tuwa niyang sabi.

Wala akong ibang sinabi dahil lahat ng binanggit niya ay tama at may punto. Dahilan kung bakit lagi akong umiiwas kay Amadeus. Mapasa-classroom man o kahit sa pag-uwi sa bahay lalo't magkapitbahay lang kami.

Hindi ko rin kayang tumitig sa mga mata niya dahil pakiramdam ko ay makikita niya lang ang labing-apat na taong gulang na si Milada. Na umamin sa kanya. Whenever it pop up in my mind I suddenly get embarrassed on myself. Na para bang isang kahihiyan 'yon.

I just like him so much that it led me to confess my feelings for him. But got rejected immediately.

Pero kahit umiwas ako sa kanya ay lagi pa rin nagkakaroon ng pagkakataong maging magkasama kami. Sa klase. Sa pagpasok sa school, at kung minsan naman ay ang pag-uwi sa subdivision kung nasaan ang mga bahay namin.

I always tried to avoid him pero sadyang mapaglaro ang panahon.

"Pero if ever na mabibigyan ka ulit ng chance... will you grab it?" 

Nilingon ko si Cassie na ngayon ay wala na ang mapagbirong awra. Seryoso na siya at hakatang hinihintay ang magiging sagot ko.

"Kung... gusto ko pa siya," she groaned.

"Anong klaseng sagot 'yan? S'yempre gusto mo pa siya!" umiling ako.

"Hindi mo masasabi, Cassie. Maybe I like him now... pero paano kung dumating ang araw na mapagod na ako? Mapagod na akong gustuhin siya?" 

Nagtagal ang tingin niya sa akin at bumuntong-hininga.

"You like him very much, Milada. Ni ayaw mo ngang magpaligaw sa kahit na sino kahit pa ang dami-dami mong suitors! Alam mo ang dahilan? Kasi siya ang hinihintay mo! Sa kanya ka lang kasi nakatingin na sa simpleng nakaw mong tingin ay ayos ka na. Sa simpleng saglit na pagtama ng mata niya sa'yo ay busog na busog ka na. Akala mo ba hindi ko alam? Na kahit sa nakalipas na taon ay siya at siya pa rin ang gusto mo." Natahimik ako sa sinabi niya.

Ngayon ay nakatingin na sa amin ang mga lalaki at mukhang narinig nila ang sinabi ni Cassie. Ibinulsa nila ang kanilang mga cellphone at matiim na nakatingin sa akin. Alam ko na agad kung bakit ganito.

"Amadeus... again?" tanong ni Radin pero wala sa amin ni Cassie ang sumagot.

"Well, alam naman namin ang tungkol diyan, Milada. You have feelings to that smart and snob Amadeus. Kahit buwan pa lang tayong magkakaibigan ay nasaulo ka na namin. You may be tough outside but we know... you're hurting inside, especially when you see him with his lover." Ulrim said.

Nangilid ang luha sa mata ko at agad na tinakpan iyon ng mga palad ko. I don't want to cry in front of my guy friends. But whenever they talk like this towards me... hindi ko mapigilang maging emosyonal. 

"Oh shit! Bakit ka umiiyak?" frustrated na sabi ni Ulrim at hindi alam kung paano ako patatahanin.

"Hindi mo dapat sinabi 'yon," narinig kong sabi ni Ulrid sa kakambal niya.

"What?! Wala naman akong ibang sinabing masakit! I just gave him a comfort words!" Ulrim said.

Narinig ko ang tawa ni Cassie sa gilid ko habang hinahaplos ang aking likod.

"Then, it's not a comforting words, Ulrim. You make our bunso cry!" natatawang sabi ni Cassie.

Dahil sa ginawa nila ay hindi ko na napigilang tumawa at nagpasalamat sa mga ito dahil lagi silang nasa tabi ko. 

Naglalakad ako mag-isa sa gilid ng oval ng hindi sinasadyang madaanan ko ang puwesto nila Amadeus kasama ang mga kaibigan nito. Ang isa sa kanila ay napansin ako.

"Milada!" nag-angat ako ng kilay ng tawagin niya ako sa aking pangalan.

Napatingin tuloy sa akin lahat including Amadeus. Nababa nito ang librong hawak-hawak at mariin ang tingin sa akin. Bigla akong nakaramdam ng kaba kaya ako na ang umiwas ng tingin. I smiled to the boy who called me and continue walking.

Nagmamadali akong naglakad paalis doon. Hindi ko kasabay sila Cassie ngayon dahil may kanya-kanyang agenda ang mga ito. Kaya wala akong choice kundi ang umuwi mag-isa. Pero bago pa ako tuluyang makalabas ng gate ay may taong humawak na sa palapulsuhan ko. Nagulat ako roon. At mas lalo akong nagulat ng malaman kung sino 'yon.

"A-Amadeus..." 

Dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko bago bumuntong-hininga.

"Uuwi ka na?" napatitig lang ako sa kanya. "Milada?" nahigit ko ang aking hininga ng tawagin niya ako sa pangalan ko.

"A-Ah... oo..." umiwas ako ng tingin at bahagyang hinila ang braso ko. 

Nahalata niya agad 'yon kaya binitawan nito ang pulsuhan ko. Nasa baba lang ang tingin ko ngunit palihim ko siyang tinitingnan.

"Where's your friends? Your... boys..." 

Napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Boys?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Your friends I mean..." tumikhim siya at parang biglang hindi mapakali.

"Ah... nauna na silang umalis. Uhm... may iba silang pupuntahan kaya ako lang ang uuwi ngayon mag-isa." Sagot ko.

May iilang istudyante ang napapatingin sa amin lalo't ang president ng student council ay kausap ang number one student na laging nasa guidance office. Bahagya akong dumistansya dahil mas'yado siyang mataas para sa akin. Pakiramdam ko ay mababahiran ko siya ng mga pagkakamali ko kung sakali. Mas'yado pa namang perpekto si Amadeus.

Natigilan ito ng makita ang ginawa ko. I tried to avoid his gaze but I can't stop myself from glancing at him secretly. 

"Then let's go," nagulat ako sa simabi niya.

"H-Ha?" gusto kong pukpukin ang sarili ko dahil sa pagkakautal.

"We're neighbors. It's normal for us to go home together," hindi ako kumbinsido.

Hindi ba magagalit si Angel sa kanya? Nakita ko itong kasama niya kanina kaya nakapagtataka na hindi niya ito kasabay umuwi ngayon. Natatandaan ko na walang araw na hindi sila sabay umuwi at lumabas ngs school gate.

"Ah... ano..." hindi ako makakuha ng salitang dapat sabihin sa kanya.

Bigla na lang akong natuliro at hindi alam ang gagawin. This... this all first time! Ang yayain niya akong umuwi at magsabay kami! At ang kausapin ako ng casual na para bang... para bang matagal na kaming nagkakausap. 

Nararamdaman ko rin ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. This is not normal anymore. I need to go. I need to leave.

Before he even utter his words I already run away. Not minding him shouting my name a countless times. Pagkatapos nang mahabang pagtakbo ay napahawak na lang ako sa aking tuhod. Hingal na hingal kaya napahawak ako sa tapat ng aking dibdib para pakalmahin ang sarili.

You're such an idiot, Milada!

Bakit ba ako tumakbo? Ano ngayon ang iisipin ni Amadeus dahil sa ginawa kong pagtakbo? He will find me crazy!

Napaayos ako ng tayo at humawak sa sintido ko dahil sa kahihiyang ginawa. Baliw ka na, Milada! Hindi mo makayanan ang presensya niya kaya ka tumakbo. 

Such a cowardly person!

Napatili ako nang may mag-angat ng backpack ko mula sa aking likod. Mabilis akong lumingon at natagpuan doon ang iritadong mukha ni Amadeus. Pilit kong hinila ang sarili pero dahil hawak niya ang bag ko ay hindi ako makaalis.

"Running away again?" he smirked.

Napalunok ako. Ano ba ang gagawin ko? Wala, Milada! Mas'yado kang patanga-tanga sa kilos mo! You should act like you don't like him anymore!

But I like him!

Naduduwag ako kapag naiiwan kaming dalawa. Pero malakas ang loob ko kapag kasama ang mga kaibigan dahil alam kong kaya ko silang maiharang sa pamamagitan ng mapanuring tingin ni Amadeus. Pero ngayon... hindi ko 'yon magagawa lalo't nagalit ko ata siya.

"A-Ano..."

"Tsk! Let's go," humawak siya sa pulsuhan ako at hinila na paalis. Nakayuko lang ang ulo ko.

Nang makalayo na kami sa school ay 'tsaka niya pa lang ako binitawan. At doon lang ako nakahinga ng maluwag. Nilingon niya ako at masungit na nag-iwas ng tingin. Nauna itong naglalakad kaya sinabayan ko na siya. Sobrang tahimik nang paglalakad namin lalo't wala rin naman akong sasabihin sa kanya.

Alangan naman ikuwento ko pa sa kanya ang mga kabalastugan ko sa school na ginagawa.

"I'm sorry," natigilan ako sa sinabi niya.

Tumigil ito sa paglalakad dahilan para matigil din ako.

"Why are you saying sorry? For dragging me?" his lips turn into a grim line.

"About what I said last night... I should've said that." He looks sincere though.

"Okey," tipid kong sabi at nauna nang maglakad sa kanya.

Narinig ko pa ang buntong-hininga niya at sumunod na sa akin. Pa simple akong humawak sa dibdib ko dahil hindi pa rin iyon kumakalma. Dapat na ba akong may gawin dito? O... hayaan na lang?

Tahimik kaming pumasok sa subdivision kung saan ang mga bahay namin. Amadeus looks cool while I look constipated.

Bahagya ko siyang nilingon at kunyaring napaubo ako nang magtama ang mata namin. Did he... o, you silly, Milada! It's impossible!

"I heard... you don't understand our Calculus lesson. Do you want me to teach you?" nanlaki ang mata ko at gulat na nilingon siya.

"H-Ha?" nauutal kong sabi.

"Gusto mo bang turuan kita? I'll help you," nag-angat ang isa niyang kilay at hindi sinasadyang bumaba ang tingin ko sa kanyang mapupulang labi. 

A kissable lips indeed!

"No! I-I mean... naturuan na ako ni Radin. Uhm... yeah," kumamot ako sa aking pisngi.

"He's not a STEM student. Anong alam niya sa subject natin?" nakikita kong masama na ang timpla ng kanyang mukha.

Bakas din ang irita lalo't salubong na ang kanyang mga kilay. Umiwas ako ng tingin at tumingin sa kabilang banda upang maiwasan lang ang kanyang mga tingin na nagpapahina sa mga tuhod ko.

"Radin's good in Math kahit wala siyang subject na Calculus ay naturuan niya pa rin ako. Ah... thank you for the offer, but I already gets the lesson." 

Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi man lang ako nautal habang sinasabi 'yon sa kanya.

"I'm good too.”

Mariin niyang sabi.

Bago pa ako makatingin sa kanya ay nag-iwas na siya ng tingin at iritang naglakad paalis. Ngumiwi ako. 

May nasabi ba akong hindi maganda?

Hindi ko na siya naabutan no'n at nang tumingin ako sa bahay nila ay sarado naman ang bintana ni Amadeus at nakababa rin ang kurtina. Pero nasisiguro ko naman na nandoon na siya. Ngumuso ako at pumasok na sa bahay. 

"Zero?!" eksahaderang sigaw ni Radin at Ulrid. 

Kumamot ako sa pisngi nang ikuwento ko sa kanila na ako ang pinaka-lowest sa Calculus exam namin. Yeah, I got a score. 

Zero nga lang.

"At least my score..." mahina kong sabi kahit sa loob-loob ko ay nalulungkot ako. I spend my night just to study this Calculus lesson.

"Milada, tinuruan na kita, 'di ba? What happened?" lumakad palapit sa akin si Radin at tiningnan ang test paper ko na may malaking pulang tinta ng ballpen na ang nakalagay ay zero.

Nahiya tuloy ako dahil totoong nag effort ang kaibigan na turuan ako.

"Well... hindi ko talaga kaya ang Calculus. I think, bobo talaga ako sa part na 'yan. And I'm sure sa Chemistry at Physics din." Mahinang loob kong sabi.

Nakakahiya dahil ang impaktang kaibigan ni Angel ay pinalandakan pa na zero ang nakuha ko. Galit na galit si Cassie at nakipagsagutan pa kay Jackielyn para lang ipagtanggol ako. 

Kung hindi lang din umawat si Amadeus ay sigurado ako na nagsabunutan na ang dalawa. Nahiya rin ako sa kanya dahil halos niyabang ko sa kanya na naiintindihan ko na ang lesson. Pero pagdating ng test namin ay itlog naman ang score na nakuha ko. 

"Bawi ka na lang next time. Sure naman akong magagawa mo 'yon," tumabi sa akin si Ulrim at umakbay.

"I'm so stupid when it comes to that subject..." ngumuso ako at humilot sa sintido ko.

"Yeah, stupid." Nag-angat ako ng tingin kay Ulrid at ambang ibabato sa kanya ang water jag ko pero hinarang niya si Cassie na matinis namang tumili.

"Kain na lang tayong kwek-kwek sa labasan? Ano? Libre ko!" agad akong ginanahan sa sinabi ni Ulrid at nilabas ang five hundred pesos sa bulsa niya.

I smirked.

"Buko pie ang gusto ko," humalakhak siya at tipid lang na tumango.

Kinuha ni Radin ang bag ko at sinuot paharap habang ang bag niya naman ay nasa likod lang niya. Binitbit ko naman ang water jag ko.

Maingay kami palabas ng school kaya may iilang istudyante ang napapalingon sa amin. May ibang kinilig dahil sa tatlong lalaki. Kahit naman loko-loko ang mga ito ay alam kong may ibubuga sila. They are all a handsome boys.

Pero napawi lang ang ngiti ko nang matagpuan ang malalim na tingin ni Amadeus sa akin. Natigil ako sa paglalakad dahilan para hawakan ni Radin ang pulsuhan ko para hilahin at makasunod sa kanila.

Nagbaba ang tingin ni Amadeus doon at tiim-bagang na binalingan si Angel na kinakausap siya. Nakangiti si Angel at nagawa pang humawak sa braso ni Amadeus. I gasped from air and looked away.

What a sight!

"O, anong nangyari at nakabusangot ka na naman?" umiling ako kay Cassie.

Bumili muna sila ng kwek-kwek bago kami pumunta sa shop ng buko pie na paborito ko. Pagkatapos no'n ay bumyahe na kami papunta sa Biñan Plaza para roon magpalipas ng oras. 

"Uwi na 'ko," hindi ko sinagot ang tanong ni Cassie. Lumingon sila sa akin at nagsitayuan na rin. "Nag-text na si Tita Kilari. Friday ngayon kaya magsisimba kami sa Landayan." They nodded.

"Ingat pauwi, Milada!" kumaway ako sa kanilang apat at nag-abang na ng jeep pasakay pauwi. 

But I received another text from her. Sabi niya'y dala niya ang kanyang Honda at susunduin na lang daw ako nito sa highway. Kaya imbis na jeep ang sakyan ko ay nag-arkila na lang ako ng tricycle.

"Salamat po," sabi ko at sabay abot ng bayad.

Agad ko rin natanaw ang sasakyan ni Tita Kilari. Napangiti ako at patakbong lumapit doon. Bubuksan ko na sana ang sa front seat nang buksan ni Tita Kilari ang bintana.

"Sa likod ka na, susunduin natin si Tita Analyn mo sa may overpass." 

Ngumiti ako sa kanya at agad na tumango. Pagbukas ko ng pintuan ng backseat ay halos mapaatras ako ng matagpuan doon si Amadeus na nakatingin sa akin. Like me, he's still wearing his uniform. Umusog siya kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang pumasok sa loob. 

Mabilis ko namang hinubad ang backpack ko at nilagay sa pagitan namin dalawa. Nakita kong tumingin siya roon ngunit wala namang ibang sinabi.

The whole ride was silent. Nakikita ko rin ang pagsulyap ni Tita Kilari sa salamin. At kapag nahuhuli ko siyang nakatingin ay mapaglaro itong ngingiti.

Sinundo namin si Tita Analyn sa overpass at lilipat na sana ako kanina sa front seat ng pigilan ako ni Tita Kilari at doon pinaupo si Tita Analyn. Wala tuloy akong ibang choice kundi ang parang tuod na nakaupo sa tabi ni Amadeus.

Nakarating kami sa Landayan at tulad ng inaasahan ko ay kasama namin sila sa pagsimba. Nahuhuli kami ni Amadeus sa paglalakad habang si Tita Kilari at Tita Analyn naman ay nauuna.

Dahil sa maraming tao ngayon lalo't Friday ay hindi maiwasan na siksikan. Ilang beses pa akong nabangga sa balikat at kung minsan ay napapatid.

"Let's change, dito ka." 

Para akong mawawalan ng hininga sa pagdikit ng mainit niyang kamay sa balikat ko. Pinagpalit niya ang puwesto namin at siya na mismo ang sumasalubong sa mga taong kaninang nakakabangga sa akin.

"A-Ayos lang naman... pero salamat," wala siyang sinabi at diretso lang ang tingin sa harap. 

Matangkad si Amadeus habang ako ay hanggang balikat niya lang. Kaya hindi sa kanya problema 'yon at parang nagsusungit pa nga tuwing nababangga siya.

Maaga kaming nakarating sa simbahan kaya may pagkakataon pa na magkuwentuhan ang mga tao. Magkatabi kami ni Amadeus at alam kong sinasadya 'yon ni Tita Kilari at ni Tita Analyn. Alam naman kasi nila na naging crush ko si Amadeus. At alam kong iniisip nila na baka meron pa rin. But as much as possible ay hindi ko pinapahalatang meron nga. Amadeus has a girlfriend.

"I thought you already know the Calculus lesson?" nag-umpisa siyang magsalita.

"Alam ko nga," tipid kong sagot.

"Then why did you got zero? Really, Milada? Did you really study?" ngumiwi ako dahil sa tanong niya.

Tumulis ang nguso ko. Nakakahiya naman talaga ang score ko.

"Of course! I stay up all night just to get it!" mahina kong sabi sa kanya.

"Then why? What's with the zero score?" aniya.

"E-Ewan ko... baka mali lang iyong nag check." 

Parang tanga kong sabi. Seryoso ka ba sa sagot mo, Milada?

"Ako ang nag-check ng test paper mo." Malamig niyang sabi.

Mas lalo tuloy akong nahiya.

Hindi ako nakasagot. Bumuntong-hininga naman ito at bahagyang niyuko ang ulo para magtama ang mata namin. Sumisilip sa akin. Bumilog ang mata ko dahil sa ginawa niya. Nagbaba siya ng tingin sa labi ko kaya nakagat ko 'yon. Bumalik ang tingin niya sa mga mata ko at seryosong titig ang binigay sa akin. Pero tuluyan na akong nanghina ng marinig ang huli niyang sinabi bago ito umayos ng upo.

"I'll tutor you." 

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

256K 9.4K 28
Five W Series 3
11.8K 321 25
Jadine Fans<3 Please Read :*
225K 8K 30
Biglang umingay ang lahat nang lumabas ang magandang babaeng naka-black bikini, may mahabang buhok at kutis porcelana. Higit sa lahat, birhen. "Isang...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...