Love On Page(On going)

Bởi -Eclipsechin-

85 0 0

Ang librong ito ay naglalaman ng sari-saring kwentong pag-ibig na maaari ninyong mapulutan ng aral. Xem Thêm

Love On Page
Table of Contents
PAGPAPAUBAYA
Anak

PAALAM

26 0 0
Bởi -Eclipsechin-

     Today...

     Today was a great day.

     Hindi ko alam kung paano ako napunta dito pero ang alam ko lang...

     ...masaya ako.

     Sobrang saya 'ko na hindi ko na uli kailangang sumunod sa lahat ng pagbabawal mo. Masaya na 'ko kasi pwedeng-pwede na ako huminga at gawin lahat ng gusto ko.

     "Salamat!" Pagpapasalamat ko sa bulalak na inabot sa akin si Lhanz, ang bagong nagpapasaya sa akin.

     "Ikaw naman! Parang bulaklak lang, e! Alam mo... Ako nga dapat magpasalamat sa 'yo kasi kahit kakahiwalay nyo pa lang ni Renzo noon, hinayaan mo na agad akong iparamdam sa 'yo kung gaano kalaki ang pagmamahal ko para sa 'yo. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya noong gabing 'yon. Halos sumigaw na nga ako sa buong mundo dahil sa sobrang saya! Kung pwede lang ako pumunta sa langit para magpasalamat sa diyos gagawin ko dahil wala na akong mahihiling pa," Hinawakan nya ang kanang kamay ko bago uli nagsalita. "Salamat talaga Zhalaine," pagpapatuloy nya.

     Napangiti ako. Ganito pala talaga ang pakiramdam ano? Ganito pala kapag nakalaya na. Kapag okay na. Kapag lahat pwede na.

     "Deserve mo naman, Lhanz! Deserve mong bigyan ng chance. Alam mo noong dumating ka sa buhay ko, pinaramdam mo sa akin kung paano ako dapat mahalin. Naramdaman ko ulit kung paano maging masaya. Kaya salamat! Salamat sa pagmamahal mo!"

     Dahil sa hiya ay napa-kamot sya sa buhok nya. "Hehe, wala 'yon! Alam mo namang ganito lang talaga ako magmahal 'di ba? Pero sa lahat ng gusto kong ipagpasalamat sa 'yo, may isang rason ang pinakagusto kong ipag-pasalamat..." Napakunot ako ng bahagya habang naghihintay sa susunod nyang sasabihin. "'Yon ay tinanggap mo ang nakaraan ko at nagtiwala ka sa pagmamahal ko sa 'yo" Patuloy nya.

     Hinawakan ko sya sa pisngi bago ako nagsalita. "Dahil alam ko kung paano ka magmahal. Alam kong tunay ka magmahal. Alam kong seryoso ka magmahal, kaya nga nandito tayo sa sitwasyong 'to, hindi ba?" Saglit akong tumigil sa pagsasalita at tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa kanang pisngi nya. "Tanga na lang lahat ng mga babaeng minahal mo nang totoo pero naghanap pa rin ng iba. Hayss, sinayang nila 'yong lalaking handang gawin ang lahat para sa mahal nya. Lhanz, alam ko ang kwento mo kaya hinding-hindi ako magsisisi na hinayaan kitang mahalin ako. You deserve to be loved because you 're complete! Nothing is lacking, just enough! You deserve to be given a chance because you deserve it. If they don't see your value, I myself can clearly see that. Hindi mo kailangang patunayan pa ang sarili mo sa 'kin kasi matagal mo na 'yon napatunayan sa 'kin."

     Sabay kaming mas ngumiti sa sinabi ko. "Maraming salamat, Zhalaine. Pangako! Liligawan kita hanggang sa sagutin mo ako at kahit maging tayo na? Hindi ako titigil na ligawan ka kasi ganon kita kamahal," Ginilid ko ang bulaklak na yakap ko saka ako lumapit sa kanya. Niyakap ko sya na may malaking ngiti sa labi ko.

     Napakasaya sa pakiramdam kung paano nya ako mahalin. Kung sana noon ko pa sya nakilala. Kung sana mas una ko syang nakilala baka hindi ko naramdaman o napagdaanan ang mga bagay na gusto ko nang kalimutan.

     Wala na! Wala na 'kong maisip na sasabihin pa dahil napakasaya ko...

     ... Ngunit mabilis ring napalitan ang saya ko ng gulat at pag-aalala nang bigla na lang sumalampak sa sahig si Lhanz hawak ang pisngi nya. Kita ko kung paano ang dugo ay lumabas sa labi nya na mas pinag-alala ko.

     "HAYOP KA PARE! HAYOP KAYONG DALAWA!" Sigaw ng lalaking nakatayo sa harapan ni Lhanz.

     Dahil sa pagkabigla ay hindi agad ako nakakilos sa kinatatayuan ko at parang posteng nakatayo lang at nakatingin sa lalaking nakatalikod sa akin...

     "Re- renzo?" Bigkas ko sa pangalan nya.

     Humarap sya sa 'kin at tiningnan nya 'ko ng nakakatakot na tingin at saka nilapitan at hinawakan ng mahigpit sa pareho kong braso. "Ito ba? Ito ba ang dahilan kaya hindi ka na nakikipag-kita sa akin?" Paninigaw nya kaya 'di ko na namalayan ang pagbagsak ng mga bulaklak sa sahig dahil sa kusang pagbitaw ng mga kamay ko. "Kaya ba hindi ka sumasagot sa tawag ko? Sa text ko? Sa lahat ng chat ko? Dahil 'yon lahat sa kanya? Niloloko mo akong hayop ka, malandi!" Patuloy nyang wika bago ako malakas na sinampal sa pisngi.

     Agad na tumayo si Lhanz sa sahig at mabilis na tumakbo palapit sa akin. "Pare huminahon ka! Babae itong sinasaktan mo!" Sabat nya na mas kinasama ng tingin ni Renzo sa kanya.

     Nag-aalalang hinawakan ako ni Lhanz sa pisngi nang walang ano-anoy bigla syang kinwelyuhan ni Renzo. "HUWAG MONG HAWAKAN ANG GIRLFRIEND KO!" Pagpapatigil sa kanya nito. Namuo ang luha sa mata ko ngunit hindi ko iyon hinayaang tumulo.

     "Tumigil ka nga, Renzo!" Saad sa kanya ni Lhanz. kasabay noon ay patulak nyang tinaboy ang mga kamay nito. Napa-atras ng bahagya si Renzo kaya naman mas lalo kong nakita ang galit sa mukha nya. Dahil sa naging reaksyon nito ay nagsimulang pumwesto sa harap ko si Lhanz at ako naman ay nag-aalalang nakapwesto sa likuran nya.

     "WALA KANG KWENTANG KAIBIGAN, PARE!" Matigas na tonong sambit ni Renzo. "GAGO KA! SA LAHAT NG PWEDE MONG TALUHIN, TALAGANG GIRLFRIEND KO PANG HAYOP KA! UNA SI GREEN NGAYON NAMAN SI ZHALAINE? LAHAT NA LANG BA AAGAWIN MO SA 'KIN?" Paninigaw nya kay Lhanz. Dahil sa bilis ay hindi ko na nagawa pang pigilan si Renzo nang magsimula itong lumapit at suntukin sa pisngi si Lhanz. Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Kahit mahirap ay pinilit kong tumayo sa gitna nila at inawat si Renzo.

     "TAMA NA!!" Simula ko habang nakatingin ng masama kay Renzo, "TAMA NA PWEDE BA?! Sino ka para sabihin 'yan? Sino ka para utusan si Lhanz na 'wag akong hawakan? Renzo, baka nakakalimutan mo, dalawang buwan na tayong tapos! Nakipag-hiwalay na ako sa 'yo-"

     "Na hindi ko tinanggap Zhalaine!" Pagpapahinto nya sa sinasabi ko. "Oo! Oo nakipag-hiwalay ka sa 'kin pero- pero alam mong hindi ko tinanggap 'yon!! A- ano bang mali? Ano bang ginawa ko para gawin mo 'to? Nagkulang ba ako? May hindi ba ako nabigay sa 'yo? Lahat naman ginawa ko, 'di ba? Lahat ng kaya ko ginawa ko para lang sa 'yo tapos ito lang igaganti mo sa 'kin? Kulang pa ba ang pagmamahal ko para sa 'yo? Nakulangan ka ba sa saya na pinaparamdam ko sa 'yo? Hindi mo ba kayang makuntento sa kaya kong ibigay sa 'yo? Ah! Alam ko na! Baka naman kasi mas magaling sya kaysa sa 'kin? Sabihin mo nga, paano ka nya napapasaya sa kama? Mas napapaligaya ka ba nya sa kama kaysa sa 'kin-"

     Dahil sa narinig ko ay 'di ko na napigilan ang sarili kong sampalin sya. "Ang kapal-kapal ng mukha mo, Renzo! Ganyan ba? Ganyan ba ang pagkaka-kilala mo sa 'kin? Tingin mo magagawa ko 'yon-"

     "Oo!" Walang pag-aatubili nyang sagot. "Bakit naman hindi? Nagawa mo nga akong lokohin, 'di ba? Kaya sigurado ako nagawa nyo na 'yon! At saka, ang galing mong mangbaliktad, ahh! Ikaw pa 'tong malakas ang loob na magalit samantalang ikaw 'tong nakasakit?" Tumigil sya sa pagsasalita. Kita ko ang luhang tuluyan nang bumagsak mula sa mga mata nya. "Bakit Zhalaine?" Mula sa pasigaw ay naging mahinahon ang pagsasalita nya. Kahit konti ay naramdaman ko ang sakit na nararamdaman nya ngayon. "Bakit mo 'ko kailangang lokohin?" Tanong nya na ikinayuko ko. Sumingkot sya saka uli nagsalita. "Bakit mo kailangang iparamdam sa akin 'to? Ang mas masakit? Bakit kailangang sa kababata ko pa? Bakit sya na naman? Alam mo naman ang kwento ko 'di ba? Naming dalawa? Alam mo kung paano nya inagaw sa 'kin si Green noon kaya bakit sya pa? Bakit kailangang sya na naman? Bakit kailangang sya pa uli ang maging dahilan ng panloloko sa 'kin ng babaeng mahal ko?"

     "Pare maghinay-hinay ka sa binibintang mo!" Sabay kaming napatingin kay Lhanz nang magsalita ito. "Alam mong hindi ko ginusto 'yon! Alam mong hindi ko alam na si Green ang girlfriend mo-"

     "Pero noong nalaman mo na? Wala kang ginawa 'di ba? Inagaw mo pa rin sya sa akin-"

     "Hindi ko sya inagaw sa 'yo!" Pagpuputol nya sa sinasabi ni Renzo. "Paulit-ulit kong sinasabi sa 'yo na hiniwalayan ko na sya noong nalaman kong sya ang girlfriend mo! Tingin mo ba ikaw lang ang nasaktan nya? Kasalanan ko ba na naniwala ako sa kanya? O sige! Kasalan ko nga sigurong naniwala ako agad sa kanya. Pero noong nalaman ko na, nag-sorry naman ako sa 'yo agad, 'di ba? Lumayo naman ako sa inyo kaya bakit hanggang ngayon 'yan pa rin ang pinapaniwalaan mo?"

     "Dahil kahit lumayo ka ikaw pa rin ang pinili nya! Ikaw pa rin ang mahal nya! Ikaw pa rin ang hinahanap-hanap nya! Ako? Ayon! Iniwan na lang nya nang dahil sa 'yo! Tapos ngayon ikaw na naman magiging dahilan para mawala sa 'kin ang babaeng mahal ko?" Malakas nyang sinuntok ang dingding na malapit sa amin. Doon ay mas kumabog ang puso ko dahil sa gulat.

     Tumingin uli sya sa akin kasabay ng muling pagtulo ng luha nya. "Minahal kita, Zhalaine!!" Pagpapatuloy nya habang humahagulgol. "Mahal na mahal kita, Zhalaine kaya bakit mo ako sinasaktan ng ganito! Bakit?! Bakit Zhalaine, sumagot ka!" Kasabay ng mga tanong nya ay ang pagsipa nya sa gate namin.

     "Hindi kita sinasaktan, Renzo! Hindi ako nagloloko dahil alam ko sa sarili kong wala na tayo. Tapos na tayo! Kaya kung anong meron man sa amin ni Lhanz, wala ka nang pakielam doon!" Sagot ko.

     "Hindi ko nga tinanggap! Hindi ko tinanggap, Zhalaine! Hindi mo ba naiintindihan 'yon?" Pagpupumilit nya bago nya ako hawakan sa dalawa kong braso. "Hindi ko tinanggap dahil walang dahilan! Wala kang sinabing dahilan! Ano? Gigising ka na lang isang araw at sasabihin sa 'kin na ayaw mo na? Na tapos na tayo? Ano bang tingin mo sa 'kin, manghuhula?"

     "Dahil hindi na kita mahal! Hindi pa ba sapat na dahilan 'yon?" Pasigaw kong sagot sa kanya. Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa akin at bahagya akong umatras palayo sa kanya. Hindi ito ang unang beses na sinabi ko 'to sa kanya pero parehong reaksyon ang natanggap ko. Napatigil sya sa paghagulgol at dahan-dahang nawalan ng reaksyon ang kanyang mukha. "Oo, Renzo. Kahit ilang beses mong tanungin sa akin ang mga tanong kung bakit ay parehong sagot lang rin ang isasagot ko sa 'yo. Sinabi ko na sa 'yo, 'di ba? Noong nakipag-hiwalay ako sa 'yo sinabi ko na sa 'yong hindi na kita mahal-"

     "Pero anong nagawa ko? Ano 'yon, naramdaman mo na lang bigla tapos nakipag-hiwalay ka sa 'kin? Napaka-babaw naman pala ng pagmamahal mo kung ganon!" Malalim na paghinga ang ginawa ko at naramdaman ko na lang ang paghawak ni Lhanz sa braso ko.

     "Hindi naman agad-agad 'yon Renzo, e! Hindi ganon kababaw ang pagmamahal ko sa 'yo para biglaang mawala 'yon. Hindi ganon kadali Renzo pero dahil sa ginagawa mo sa relasyon natin unti-unting nawawala 'yon." Napatigil ako sandali sa pagsasalita at ibinaling ko sandali ang tingin ko sa iba. " Ayokong sabihin sa 'yo 'yong dahilan kasi ayokong masaktan ka. Ayokong makita kang lumuluha pero ngayon? Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nating umabot sa ganito," Muli ko syang tiningnan at seryoso kaming nakatingin sa isa't isa. Basa ang mga pisngi nya ng luha habang ako naman ay patuloy na nagpipigil ng luha. "Gusto mong malaman ang dahilan? Sige! Kasi sobra ka na! Sobra ka na at nasasakal na ako! Oo mahal kita pero unti-unting nababawasan at nauubos ang pagmamahal ko sa 'yo. Renzo, pitong taon! Pitong taon akong nagtiis sa 'yo. Pitong taon kong hinayaan ang sarili kong mahalin ka at tanggapin lahat ng ginagawa mo! Ano bang akala mo? Na okay lang sa 'kin lahat? Renzo may damdamin ako! Marunong din ako masaktan tulad mo kaya 'wag na 'wag mong sasabihing napakababaw lang ng pagmamahal ko sa 'yo dahil kung mababaw lang 'yon edi sana hindi ko na pinaabot ng pitong taon 'yon! Pitong taon! Pitong taon at dalawang buwan akong naging martir at hinayaan ko ang paulit-ulit mong pananakit at pambababoy sa pagkababae ko!"

     "Pambababoy? Pananakit? Bakit? Hindi ba humihingi naman ako ng tawad sa 'yo? Hindi ba lumuluhod naman ako sa harap mo, bakit kailangang matapos ang relasyon natin?"

     "Hindi palaging sorry ang solusyon sa lahat ng kasalanang ginagawa mo sa 'kin, Renzo!" Sagot ko.

     "Hindi pa ba sapat na bumabawi naman ako sa 'yo sa twing nagagawa ko 'yon sa 'yo? Ganon kita kamahal-"

     "Kung mahal mo ako, bakit kailangan pa nating pagdaaanan 'yon? Bakit hindi ka nagbago hindi para sa 'kin kung 'di para sa 'yo? Kung mahal mo ako bakit kailangan kong maramdaman na sinasakal mo ako sa lahat ng pinagbabawal mo na halos baguhin at ikulong mo na lang ako? Renzo, alam kong nakikita mo ang lahat ng araw at gabi na umiiyak ako dahil sa pananakit mo sa katawan ko! Pero may ginawa ka ba? Nagbago ka ba? 'Di ba panay ka lang naman sorry pero wala ka namang ginagawa? Sa tuwing may nangyayari sa atin! Kahit ayaw ko pilit mo pa rin akong ginagamit! Hinuhubaran mo 'ko na parang kung sino lang para lang makaraos ka! Umiiyak ako pero nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan ka! Nasasaktan mo ako tapos sasabihin mo mahal mo ako? Renzo, ano bang ibig sabihin sa 'yo ng pagmamahal?" Natigil ako sa pagsasalita nang bigla syang lumuhod sa harap ko. Doon ay naluha na nga ako at napahagulgol. Nasasaktan ako dahil lahat ng napagdaan ko ay malinaw na bumabalik sa ala-ala ko.

     "Baby, please! 'Wag mo naman akong iwan. Please 'wag mo akong hayaang masaktan ng ganito." Pagmamakaawa nya hawak ang kamay ko at umiiyak dito. "Hindi ko kayang mawala ka. Hindi ko alam kung paanong mabubuhay nang wala ka! Ikaw ang buhay ko at kung iiwan mo ako, hindi ko mapapatawad ang sarili ko," Pagmamakaawa nya.

     "Tumayo ka dyan!" Utos ko sa kanya na hindi nya pinakinggan. "Sabi ko tumayo ka dyan!"

     "HINDI! Hindi ako tatayo rito hanggat hindi mo ako binabalikan. Please... Please stay! I need you more than you think!" Paghagulgol nya kaya naman tinulungan na ako ni Lhanz para itayo sya.

     Masakit...

     Oo masakit...

     Masakit makitang umiiyak ang taong minsan kong minahal. Pero anong magagawa ko? Paano ako babalik sa kanya kung ubos na ubos na ako sa ginagawa nya?

     "Please baby, don 't leave me! Please I begging you, please!" Patuloy pa nya nang maitayo namin sya.

     "Pare, tama na! Maawa ka naman sa sarili mo," Sabat muli ni Lhanz kaya agad syang tinulak ng malakas si Renzo.

     "'Wag mo akong pakielaman!" Saad nya kasabay ng panduduro nya kay Lhanz. "Kasalanan mo 'to! Ikaw na naman! Lagi na lang ikaw! Bata pa lang tayo mang-aagaw ka na, e! Bata pa lang tayo kinukuha mo na ang lahat ng akin! Ano bang nagawa ko sa 'yo, a? Bakit mo ako palaging inaagawan? Ano? Masaya ka na ba? Congrats, ahh! Naagaw mo na naman sa 'kin ang taong importante sa 'kin-"

     "'Wag mo ibaling sa 'kin mga kasalanan mo, Pare!" Pagpapatigil sa kanya ni Lhanz. "Bakit kaya imbis na ibintang mo sa 'kin lahat, subukan mong magbago! Hindi mo ba naisip? Kaya isa-isang nawawala lahat ng taong importante sa 'yo kasi dahil dyan sa ugali mo! Tingin mo bakit lumayo sa 'yo ang Tatay mo? Kasi hindi mo sya pinagbigyang mahalin ka. Sinisisi mo sya kung bakit kayo iniwan ng Nanay mo pero ang totoo wala naman talaga syang kasalanan! Hindi nya kasalanang nanlalaki ang Mama mo at sumama sa iba! At isa pa, kasalanan ko ba kung si Mama na ang kinakasama ng Tatay mo at ako na ang tinuturing nyang anak? Tinaboy mo sya, 'di ba? At kahit ilang beses ka nyang puntahan, iniiwasan mo sya! Si Kyela? Yung pinsan mo na close na close mo? Bakit pati sya lumayo sa 'yo? Dahil dyan sa ugali mo! Tingin mo bakit ka nya iniiwasan? Kasi lahat ng sikreto nya na sa 'yo nya lang sinasabi, kinakalat mo sa tropa mo! Maski 'yong pinakatatago nyang lihim na lakas loob nyang pinagtapat sa 'yo kinalat mo sa mga tropa mo! Renzo, ugali mo ang problema dito! Ugali mo at hindi ako!"

     Tahimik na pinunasan ni Renzo ang luha nya sa kaliwang pisngi nya na parang iba ang ibig sabihin. "Lahat kayo... Lahat kayo pare-pareho lang! Potang inang ugali 'yan! 'Yan talaga dadahilan mo sa 'kin, Lhanz? Hahahaha nakakatawa ka-"

     "Mas nakakatawa ka! Dahil imbis na tanggapin mo 'yang mali mo. Imbis na itama mo kasalanan mo, hindi ka marunong tumanggap. Alam mo kung hindi ka magbabago, tandaan mo kahit kailan hindi ka magiging masaya!"

     Matapos ng sinabing 'yon ni Lhanz ay sabay kaming pumasok sa loob ng apartment na tinitirhan ko. Kasabay namin ay ang pagpasok ng ilan sa aking mga kapit-bahay sa kani-kanilang bahay.

     6 years after...

     Anim...

     Anim na taon na pala...

     Matagal na pala, ano?

     "Ku- kumusta ka?" Tanong ni Renzo sa akin.

     Nandito kami ngayon sa Maria Stella Cation kung saan kami unang nagkakilala. Nakaupo sa gilid ng puno ng Acacia habang nakatingin sa ilog na kumikinang nang dahil sa liwanag ng araw. Sabay naming pinapakinggan ang mga huni ng ibon na parang tugtuging masarap pakinggan. Kaysarap ng hangin na patuloy na dumadapo sa aming mga balat.

     "Ito, masaya. Ikaw?" Sagot ko sa kanya. Nakita kong mamasa-masa ang mga mata nya pero pinipigilan nyang bumagsak 'yon.

     "Ma-masaya syempre! Masaya kasi... kasi sa huling pag- pagkakataon nagkasama na naman ta- tayo dito." Pautal-utal nyang wika. "Hehe, na- naaalala mo? Noong una nating pagkikita di...to, grabe ka pa magpa-cute sa 'kin pa- para magpapansin? Hahahah,"

      Nag-umpisang lumabas ang ngiti sa labi ko habang bumabalik ang mga ala-alang akala ko ay naka-stock na lang sa sulok ng utak ko. "Hehe, oo nga, e! At ikaw? Todo ka rin kung magpapogi sa 'kin kahit alam mo namang bet rin ako ng kasama mo. Hahaha,"

     Binaling nya ang tingin nya sa 'kin. "Ahm, sa- salamat Zhalaine. Salamat kasi kahit sa pitong taon sa buhay ko, nakasama kita. Sa- salamat kasi naramdaman ko sa pi- pitong taon ng buhay ko, may nagmahal sa akin. Salamat minahal mo ako... Ka- kayo! Kayo ni Papa. Ang saya talaga 'pag alam mong wala ka nang ki- kinikimkim na sama ng loob, ano?"

     "Masaya ako para sa inyo ng papa mo." Sagot ko sa pagpapasalamat nya.

     Sa anim na taon na hindi kami nagkikita at nag-uusap. Nakakapanibago ang itsura ni Renzo ngayon.

     "Zhalaine?" Tawag nya sa pangalan ko ilang segundo matapos kaming tumahimik.

     "Hmm?"

     "Patawad! Patawad sa la- lahat ng pananakit ko sa 'yo noon." Turan nya bago kusang tumulo ang luhang kanina pa nya pinipigilan. "Patawad sa i- ilang araw at gabing umi- umiiyak ka dahil sa ginagawa ko sa 'yo noon. Patawad sa... pag-control ko sa buhay mo noon at patawad dahil hindi ako nagbago noon. Alam ko- alam kong kulang pa ang buhay ko-"

     "Shhhh...."Pagpapahinto ko sa pagsasalita nya. "Tama na ang paghingi mo ng tawad. Kung nasaktan mo man ako noon, kung napa-iyak mo man ako noon para sa akin wala na 'yon. Lahat tayo nagkakamali, 'di ba? Nagkakamali ka at nagkakamali rin ako kaya tama na. Ang importante naman nagsisi ka, e. Tinanggap mo na nagkamali ka and that's enough! Pinatawad na kita at dapat patawarin mo rin 'yang sarili mo,"

     Bahagya syang napangiti. "Tingin mo ku- kung hindi ako naging masama sa 'yo, tayo pa rin kaya hanggang ngayon? Tingin mo ba hanggang ngayon tayo pa rin ang mag- magkasama?"

     Pinunasan ko ang luha nya saka ako sumagot. "Alam mo kasi... Sa totoo lang may mga bagay at pangyayari sa mundo na hindi natin inaasahan. Malay mo nga 'di ba? Baka nga tayo pa rin. Pero malay mo rin, may iba ring nakatadhana-"

     "Tulad ngayon? Ito ba ang tadhana ko?" Natigilan ako sa tanong nya. Pareho kaming tumahimik at sabay na tumingin sa ilog. Ilang segundo ang lumipas ay nagsalita uli sya. "Ma- masaya ako ngayon. Masaya ako da- dahil ikaw ang kasama ko. Pakisabi na lang kay Lhanz, patawad! Patawad sa lahat. Alam ko okay na kami pero- pero hindi pa ako nakakahingi ng tawad sa kanya. Hayaan mo, ipa-aabot ko sa taas na hayaan nya kayong maging masaya habambuhay,"

     "Renzo naman! Tumigil ka nga! Alam mo namang-"

     "Alam mo- mo bang hindi pa ako natu- log simula kagabi? Kaya siguro antok na antok na ako. Alam mo kasi, talagang hinintay ko ang oras na 'to. Salamat dumating ka!" Hirap na wika nya habang nakatingin sa 'kin.

     Nang makita kong gusto nyang sumandal sa balikat ko ay inalalayan ko ang ulo nya at doon ko sya hinayaang matulog.

     Anim...

     Anim na taon nang huli ko syang pinatulog sa balikat ko.

     Kasabay nang pagtulo nang luha ko ay dinampot ko ang sobrerong nakasalampak sa damuhan at sinuot ko iyon bilang pagpapaalam kay Renzo.

     Sombrero...

     Ang bagay na huli nyang hiniling na susuotin naming dalawa bago sya umalis.

     "Salamat rin sa pagmamahal mo Renzo na hanggang ngayon pinaramdam mo pa rin sa 'kin bago ka umalis. Malay mo, tayo pala ang nakatadhana dyan. Hanggang sa muli nating pagkikita," Huling sabi ko bago ako ngumiti. Hinalikan ko sya sa noo at saka ko pinikit ang mga mata ko.

     WAKAS...

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

153K 6.1K 72
➽Just short love stories...❤ ⇝❤️. ⇝🖤. ⇝♥️. ⇝💙. ⇝🩷. ⇝🤍. ➽💛Going on. ➽🩵Coming up [Ignore grammatical mistakes. I will improve my writing gradual...
He is... Bởi ;)

Truyện Ngắn

23.1K 1.8K 30
Where Ishan stumbles into Shubman's life one day and changes the latter's life forever. Shubman takes pity on Ishan but will the pity turn into some...
114K 17.2K 90
Short Story and Os book Cover credit: @sidnaaz_alaxy
120K 4.9K 41
A fire incident at his(Kim Jae-soo) husband's home while he (Baek Ji-Hu )was away made Kim Jae-soo return to his third year of university (he was reb...