Frances' Pov:
nagising ako dahil sa ingay dulot ng mga bunganga ng nasa tabi ko, pagmulat ko lahat ng mga mata nila ay nakatingin sakin.
"nasaan ako?" mahinang tanong ko.
"san pa ba? sa bahay ng jowa mo" walang ganang sagot ni madie.
napabangon ako bigla pero pinigilan ako no gabb.
"magpahinga ka muna" she said,nalipat ang tingin ko kila amy,laney,ella,at coco.
"anong nangyari?" sabay nila akong nilingon.
"aba'y malay ko,wala ako dun nung nangyari ang mga bagay na nakakakilabot" laney said,hindi ko alam kung seryuso ba siya o nagbibiro lang.
"I'm asking ! gabb?" kabang tanong ko .
"mamaya ko na ikukwento, magpahinga ka muna dahil may aasikasuhin pa ako" she said at akmang lalabas ng kwarto.
"Gabb!!" tawag ko sakanya, tumigil naman agad siya.
"where's jaydee?!" tanong ko.
natigilan siya saglit, tumingin ito sa mga kasama ko bago sagutin ang tanong ko.
"umalis" maikling sagot niya,nagtaka ako kaya pinilit kong tumayo.
"ut ut"
"frances!"
"fran--"
sabay sabay nilang tutol sa pagbaba ko ng kama.
"saan siya pumunta? kung hindi kayo magkukwento,ako nalang maghahanap sakanya para malaman ko kung anong nangyari!" inis na sabi ko ng makatayo ako .
"calm down!" madie said, tinapunan ko lang siya ng masamang tingin.
"panu ako kakalma?! hindi ko nga alam kung nasaan siya!" singhal ko.
natahimik silang lahat kaya mas lalo akong kinabahan,bakit nakakaramdam ako ng hindi maganda?
hindi ko alam pero parang napaparanoid ako pag hindi ko siya nakikita, natataranta ako pag nawawala siya sa paningin ko. siguro natatakot lang ako na may mangyaring masama sa kaniya,siguro hindi lang ako sanay na hindi siya nakikita.
"mahal" isang boses ang nagpatigil sa kaba ko,nilingon ko ito at agad na niyakap.
a/n: kinabahan ka ba?
umiyak lang ako sa balikat niya,para akong bata na iniwan.
"sshhh tahan na" bulong niya.
"saan ka ba nanggaling?! diba sabi ko sayo wag kang aalis nang hindi ako kasama!!?" inis na sabi ko,medyu pasigaw.
"mahal,bumili lang ako ng tubig." saad niya, bumitaw ako at nilingon si gabb ng masama.
"what?" halatang takot ang mukha niya.
"anong what?! alam mo bang sasabog na ako sa kaba? pwede mo namang sabihin na bumili ng tubig ang dami mo pang drama!bwesit ka!" singhal ko dito,tinawanan lang nila ako.
"sorry na,susunduin ko na sana,e ayaw mo'kong paalisin" reklamo ni gabb.
"hindi mo kasi sinagot ang tanong ko" pag irap ko sa kaniya.
"sumagot ako ng maayos therese! ikaw lang tong nag iisip ng kung anu ano" she said at umirap sakin.
"ang intense nun HAHAHAHA" natatawang sabi ni laney.
"may planu ba kayong magkwento? wala akong maalala sa nangyari kahapon,ni hindi ko nga alam kong natuloy ba ang lakad natin?" lingon ko kay jaydee na ngayon ay nakayuko lang.
nagsitinginan lang silang lahat ng ilang segundo at sabay sabay na umupo sa kama ni jaydee,nagtataka akong tumingin sa kanila isa isa. naglakad ako para makaupo sa tabi ni jaydee,para kaming mag fo-forum na estudyante dahil sa posisyon namin.
nagsimulang magkwento si jaydee, dinugtungan ito ni gabb. andami ko na agad gustong itanong pero pinaubaya ko muna sa kanila ang oras para malaman ko lahat, I'm trying to understand coleen sa ginawa niya,maya maya pa'y nagkwento din ito. nakikinig lang ako sa kaniya,now i get her point kung bakit niya yun ginawa but still mali pa rin ang paraan niya! i know she wants to protect us, especially jaydee dahil alam niyang naroon si arvell but yung painomin ako ng pampatulog at pagtabihin kami ni kielle mukhang masasabutan ko siya sa part na yun.
nakatingin lang ako sa kaniya ng masama, halatang halata sa mukha niya ang kaba kaya tumayo na ako para mabago ang atmosphere.
"are you out of your mind? bakit kailangan mo yun gawin?!" inis na tanong ko.
"ut ut,naipit ako sa planu kaya no choice ako kundi ituloy. I'm sure na walang ginawa si kielle sayo,binantaan ko siya kaya hindi ka niya nahawakan ng mga oras na yun" paliwanag niya .
"panu kung napahamak kayo?panu kung isa sainyo nawala? sa tingin mo ba pagnagising ako na walang alam magiging masaya ako knowing na may nawala sainyo?hindi ka nag iisip!! i told you how many times na hindi ka gagawa ng planu na hindi mo kami kasama ut ut!" medyu pasigaw kong sabi,napayuko nalang siya sa sinabi ko.
"I'm sorry ut ut,i know it's my fault" she sincerely said,medyu nawala ang inis ko at napalitan ito ng guilt. do i hurt her feelings? yan ang ayokong nangyayari sakin,sa tuwing nagagalit ako nakakabitaw ako ng masasakit na salita na sa huli ko lang pagsisisihan.
napabuntong hininga nalang ako bago lumapit sa kaniya.
"you know how much i care about you right? sainyong lahat,lalo na kay jaydee. ut ut i didn't mean to hurt your feelings,i just want to remind you na hindi mo kailangan gumawa ng planu without me or us .okay lang na mapahamak tayo ng sabay sabay kesa ikaw lang mag isa!" i said sabay yakap sa kaniya,rinig ko ang bawat hikbi niya kaya hinagod ko ang likuran niya para iparamdam na andito lang ako.
"ssshh,okay na." bulong ko.
"I'm sorry" naiiyak niyang bulong.
niyakap ko lang siya ng mahigpit,rinig ko ang sabay sabay nilang pagbuntong hininga at sabay sabay ring tumayo.bumitaw ako at tumayo na din.
"i need to go na, naghihintay jowa ko sa labas" saad ni laney.
"wala kang jowa par" tapik ni gabb sa balikat ni laney .
"wa-wala ba? gagi panaginip lang pala yun?" pabirong sabi bito,kahit kailan talaga bebang buang ka!
"baliw ka na nga" masungit na sabi ni amy.
"baliw sakin?" nakangising sabi ni laney na kinahiyaw naman ng mga kasama namin.
"kayong dalawa! umamin nga kayo,kayo na ba?" tanong ni jaydee sa dalawa, tumingin naman ng nakakaloko si laney kay amy.
"h-huh? kami?" takang tanong ni amy.
"aminin mo nalang kasi na tayo na amanda!" laney said at nagtago sa likod ni gabb.
"ayun buking ka!" natatawang sabi ni coleen.
"gusto mo mauna sa langit? panu magiging tayo kung hindi ka manliligaw?!" inis na sabi ni amanda,naghiyawan kami ulit dahil sa sinabi niya.
"Ohhhhh! bebang galaw galaw!! hinihintay ka nalang pala ang bagal bagal mo!" excited na yugyug ni gabb sa magkabilaang balikat ni laney.
"so payag ka na ligawan kita?" kalmadong tanong ni laney kay amy.
"ewan ko sayo!" malditang sagot ni amy.
"wait lang ha!nandito ka pala ella,sorry hindi ko namalayan" i said.
"no, it's okay! first time ko din kayo nakasama lahat saka nahihiya pa ako,ang kukulit niyo pala" saad nito habang hawak ang sariling kamay.
"hindi naman,medyu lang" laney said at nagwink kay ella.
"tirisin ko yang mata mo!" kunwaring inis ni gabb.
"siya muna ang bahala dito sa bahay kapag aalis na tayo papuntang thailand" singit ni jaydee at tumingin sakin.
"ah dong about dyan,pwede ba tayong mag usap?" singit ni gabb.
"Oo nam-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni jaydee.
"pag usapan niyo yan bukas,pwede magsi uwi na kayo? baka hinahanap na kayo ng mga magulang niyo" masungit na sabi ko.
"ows baka gusto mo lang masolo si jaydong" pang asar ni amy,well totoo naman.
"as if wala kang magulang huh" natatawang sabi ni madie.
"Oo na,tama na kayo! kaya umalis na kayo bukas nalang tayo mag usap usap!" i said at isa isa silang tinulak palabas ng kwarto.
"panu ako?" nahihiyang tanong ni ella.
"ahh sa-sama ka nalang muna sakin,i-i mean samin" utal na sabi ni gabb.
"galawan mo gabo ha" pang aasar ni jaydee kay gabb.
"tumigil ka nga jaydong! patitirahin mo dito tapos palalayasin mo din!" inis na sabi ni gabb.
"may sinabi ba akong aalis si ella? may kwarto sa kabila pwedeng pwede siya dun" maangas na sabi ni jaydee.
"dong naman parang di kaibigan" may kahulugan na sabi ni gabb,nagtinginan lang silang dalawa sabay tawa ng malakas.
tinaasan ko sila ng kilay kaya napatigil ito kakatawa.
"sige na ella,sumama kana kay gabb! ay sa kanila pala,wag ka mag alala mabait mga yan" jaydee said at sinara ang pintuan ng kwarto.
"BASTOS!" rinig naming sigaw ni gabb.
nagtataka ko siyang tiningnan.
"may ginagawa ba kayong kalokohan ni gabb?" seryosong tanong ko.
"huh? mahal naman, ba't ko naman gagawin yun?" paglalambing niya .
"jaydee kilala ko si gabb! babaero yun,baka dinadamay ka niya sa mga kalokohan niya" pagbabanta ko, naglakad siya papunta sa likod ko at niyakap ako.
"kilala mo nga siya pero hindi yung buong pagkatao niya,mali ang iniisip mo frances" bulong niya,kinuha ko ang kamay niya na nakapulupot sa tiyan ko at humarap sa kaniya.
"naninigurado lang ako" masungit na sabi ko.
"fine.alis muna ako" saad niya, nagkasalubong naman ang dalawang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"pinaalis ko nga silang lahat para masolo kita tapos aalis ka din?" inis na sabi ko.
"aasikasuhin ko lang ang ticket natin papuntang thailand" she said,akma siyang lalabas pero pinigilan ko siya.
"please,dito ka nalang muna. gusto kitang makasama." said at niyakap siya.
hinagod niya lang ang likod ko, nagulat ako ng buhatin niya ako papunta sa kama. nakaupo ako paharap sa kaniya habang magkayakap kaming dalawa,hinawi hawi niya ang buhok ko sa tenga at hinalikan ako sa leeg.
"iloveyou" bulong niya.
"iloveyoutoo" mahinang sabi ko dahil nakikiliti ako sa ginagawa niya.
tumigil siya at tumingin sakin, ngumiti muna siya bago nagsalita.
"mahal,sigurado ka bang sasama ka sakin?" saad nito.
"sigurado ako!ikaw, sigurado ka bang itutuloy mo? panu yung promise mo kay gabb?" balik kong tanong sa kaniya.
"maiintindihan naman yun ni gabb" nakangiting sabi niya.
"kahit saan ka pumunta sasama ako" i said at hinalikan siya sa labi.
may narinig kaming door bell kaya nagtataka ko siyang tiningnan.
"ay nakalimutan ko palang nag order ako ng pagkain" she said at tumayo,nakayakap pa rin ako sa kaniya kaya binaba niya ako sa kama at hinalikan ako sa noo.
"wait lang mahal" she said at lumabas ng kwarto.
naghihintay ako sa kaniya ng biglang nagring ang cellphone niya,hindi ko muna sinagot dahil baka private at baka tungkol sa company nila. mga ilang tawag pa ang naganap kaya tumayo ako para icheck kung sino ang tumatawag, unknown number lang kaya sinagot ko na.
*OTPC
: yes?
; jaydee ?
isang boses ng babae ang narinig ko kaya nagkasalubong ang kilay ko,nagtataka ako kung sino ang babaeng ito.
: who's this?
; it's me jazz,matutuloy pa ba dinner natin?
WHAT!? DINNER?? DINNER KAMASA ANG BABAENG TO? MALILINTEKAN KA TALAGA SAKIN JAYDEE!!
sasagot pa sana ako ng biglang bumukas ang pinto,hindi ko napigilan ang sarili ko at natapon ko sa kaniya ang cellphone . nagulat siya sa ginawa ko kaya binaba niya ang pagkaing dala niya at pinulot ang cellphone na nalaglag,buti nalang hindi nabasag. tumingin siya sakin na nagtataka.
"kausapin mo yan!! may dinner dinner pa kayong nalalaman!! ang kakapal ng mukha niyo!" sigaw ko at akmang lalabas pero hinawakan niya ang braso ko at sinara ang pinto.
"WHAT?! BITAWAN MO'KO!" sigaw ko.
hindi niya ako binitawan at sinagot nalang ang tawag.
: yes jazz?
; ang ingay dyan,nasa bar ka ba?
anu naman kung maingay? rinig ko dahil nakaloud speaker.
: no.
; so matutuloy pa ba ang pagkikita natin later?mukhang may nag aaway dyan.
: yeah,tawagan nalang kita later.
ahh itutuloy mo talagang hayop ka!! gusto ko manabunot ngayon! ngayon mismo!!
inagaw ko ang phone dahil sa sobrang inis.
: kung sino ka mang jazz ka pwede ba maghanap ka ng malalanding iba? wag ang jowa ko!
nagulat si jaydee sa ginawa ko kaya kinuha niya kaagad ang cellphone.
: jazz i'm sorry,i'll text you later kung saan tayo magkikita okay?
*EOPC
"what do you think you're doing?!" galit na tanong niya,so siya pa yung magagalit ngayon?
"what am i doing!? sigurado ka tatanungin mo'ko niyan? what the f*ck jaydee!! para saan yung dinner na yun?!" galit na sabi ko,nagtataka pa rin siya sa sinasabi ko.
"Francese Therese!! si jazz yung nag manage ng ticket natin dahil ayaw mo'kong paalisin! nagtatrabaho siya kay mommy kaya wala akong ibang makontak kundi siya lang,at sa tingin mo papayag akong magdinner na kami lang? isasama kita,mahal. anu bang iniisip mo?" nawala ang galit at ang inis ko,napalitan ito ng hiya dahil sa ginawa ko. masyado akong nag malisyosa haysst!
"huh? I-i'm so-sorry mahal, napakalandi kasi ng boses ng babaeng yun . I'm sorry" kinakabahang saad ko.
"haynaku frances! nakakahiya kay jazz" she said at napasapo sa ulo niya, lumapit ako para yakapin siya.
"I'm sorry, don't worry hihingi ako ng paumanhin later." i said .
"wala ka bang tiwala sakin kaya ka nagkakaganyan?" sambit nito kaya napalingon ako.
"huh?mahal, may tiwala ako sayo pero sa mga taong nasa paligid mo, wala! mali bang magselos ako? it's normal lang naman diba? ayokong nakikipag usap ka sa iba except sa mga kaibigan natin" i sincerely said.
"i know my limitations pagdating sa pakikipag usap sa iba,ilugar mo din minsan ang pagseselos mo,mahal!hindi yan healthy sa relationship nating dalawa, kailangan mong magtiwala sakin ng buo! it's my choice kung lolokohin kita,at hindi mo yun ikatalo dahil mas talo ako pagpinakawalan pa kita." she said,astig ako pero bakit kinikilig ako?! juicekorold.
"okay,i'm sorry again. pasensya na kung mahigpit ako sayo, pasensya na kung selosa ang jowa mo,pero ayoko pa din na nakikipag usap ka sa iba period!" i said,pero may pairap effect.
"oo na,tama na yan. palagi naman akong talo sayo e" she said at kinuha ang dala niyang pagkain.
"pero pag ikaw nambabae,hindi ako magagalit" i said.
"weee?" pabirong sabi nito.
"hindi ako magagalit,basta rest in peace sa magiging babae mo" i said at pinisil ang ilong niya.
"aaa-arayyy!" reklamo niya.
"may pa dinner dinner pa kayong nalalaman ng hindi ko alam ha" saad ko sabay kagat ng burger.
"mag sorry ka mamaya!" natatawang sabi niya.
"cheeeh!" ani ko.
"anong cheeh?" pinanlakihan niya ako ng mata,kala mo naman cute.
"magsosorry ako pero pagsasabihan ko yun na tigilan ang malandi niyang boses! nakakapikon kaya,last na tawag na niya yun sayo" i said at umirap sa kaniya.
"hahaha napaka toyoin mo talaga!" pang asar niya.
"mama mo blue" i said,tinawanan lang ako ng gagong to!
"anong blue?" takang tanong niya,hahahaha natawa tuloy ako.
"ewan ko kay gabb" i said at umupo sa lap niya.
"sige na,maliligo muna ako" she said at pinapaalis ako sa pagkakaupo ko pero ayoko kasi maganda ako.
"ayawww" i said while pouting.
"ayan ka nanaman sa baby talk baby talk mo" reklamo niya.
"sabay tayo" i seductively said,akitin natin para pagpawisan.
"queen" buntong hininga nito.
"mahal,namiss kita! wag kana magreklamo,tara na" aya ko sa kaniya,natatawa ako pero pinipigilan ko lang.
"enough na,kumain ka dyan. pagkatapos ko maligo sumunod ka nalang" she said pero hindi ko pa rin siya pinapaalis.
"gusto ko nga sumabay sayo" i said at hinawakan ang magkabilaang pisnge niya.
"iloveyou" dagdag ko pa at hinalikan siya.
mga ilang segundo tinigil niya ito at tumingin ng deritso sakin.
"gusto mo talaga?" she said,alam ko na ang binabalak niya.
tumango lang ako at yumakap sa kaniya,kinulong ko ng mga bisig ko ang leeg niya. binuhat niya ako papuntang cr.
well,alam niyo na kung anu ang susunod na mangyayari 🥳
--------------------------------------------------
hello mga astig!
vote<3
a/n: pinasa ni amanda ang pagkatoyoin niya kay frances HAHAHAHHAHAAHA btw,bawi ako next life byeeeeeeee❤️